Dating Pilipinas

By Sofronio G. Calderón

The Project Gutenberg EBook of Dating Pilipinas, by Sofronio G. Calderón

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Dating Pilipinas

Author: Sofronio G. Calderón

Release Date: February 18, 2006 [EBook #17787]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DATING PILIPINAS ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This
file was made using scans of public domain works from the
University of Michigan Digital Libraries.)





[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]


[Patalastas: Imprenta Libreria at Papeleria ni J. Martinez]


DATING PILIPINAS

SINULAT NI

SOFRONIO G. CALDERÓN

MAYNILA:

Imprenta, Librería at Papeleria

ni J. Martinez

Daan Jolo bilg. 310.--Binundok.

=1907.=



Ipinagbibili ang aklat na ito sa lahat n~g aklatan dito sa Maynilà, at
sa bahay nang sumulat, daang Lamayan, Bilg. 56, Sta. Ana.-Maynilà.

=Kung pakyawan ay mura.=


Ang aklat na ito ay itinatalaga ko sa aking anák na si Sofronio G.
Calderón.



=PAUNAWÁ.=

Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko
kahi't kaunti sa m~ga di pa nakababatid n~g dating kasaysayan niring
Lupang Tinubuan na n~gayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di
na isinasaloob n~g iba na lin~gunin pa ang nakaraan; n~guni't kung
ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang
siya nating pinagbabakasan n~g n~gayon sampu n~g hinaharap, siyang
bumubuhay n~g m~ga bagay na nangyayari, siyang kumakandili n~g ating
alaala sa ating m~ga kanunuan na ating pinagkautan~gan n~g buhay at
bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin n~g madlá sa
pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan n~g halos lahat n~g lupain
ang pagsiyasat at pag-aaral n~g kanikanilang kasaysayan.

Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa m~ga taong gubat at
ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika
sampú nang boong paraa't ayos n~g pamumuhay, saka kapua may kahabaang
salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling
kasaysayang nain~gatan; at dahil sa m~ga dahilan ito ay minagaling
kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humabà at
tuloy makaya n~g lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin
ay mamabigatin n~g karamihan ang halaga sa kamahalan n~gayon n~g
pagpapalimbag.

Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinan~go ko sa m~ga
aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr.
P. de Tavera. Sa salaysay ni Pigafetta, sa m~ga paaninao ni Dr. Rizal
at kaonti sa m~ga aklat nina Blair at Robertson at gayon din sa m~ga
kasaysayan ni Dr. Barrows at Comisionado Dean C. Worcester. Marahil
din naman ay may kaonting kulang pa ito, dahil sa di ko pagkasumpong
n~g lahat ng kasaysayang kailan~gan, n~gunit inaasahan kong ito ang
m~ga pinakamahalaga.

Ipinauunawa ko rin na ang aking pagkasulat nito ay utang na loob ko sa
aking amaing si G. Felipe G. Calderón, kay Mr. J.H. Lamb, at kay Dr.
James B. Rodgers na nan~gagkatiwala sa akin n~g kanilang m~ga aklat na
nabangit ko sa unahan nito na n~gayo'y mahirap man~gasumpun~gan.

_Sofronio G. Calderón_




=Unang Pangkat.=

=M~ga Unang Tao Rito.=


Isa sa m~ga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa m~ga
kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa
kapaniwalaan ay siyang unang nan~gamayan dito ay di n~ga maliligtaan
sa kasaysayan n~g Pilipinas.

Ang dami, di umano, n~g m~ga ito ay may tatlong yuta at pawang
nan~gananahan sa m~ga gubat at bundukin n~g Bataan at Sambales at sa
Silan~ganang bundukin n~g dakong hilaga n~g Luzon na mula sa Cabo
Engaño hangang Baler. May man~gilan~gilan ding nan~gananahan sa m~ga
bundukin n~g m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpan~gan Tarlak,
Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa m~ga
pangpan~gin n~g Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan
n~g Kagayan at sa m~ga dating comandancia n~g Infanta at Príncipe na
n~gayo'y sakop n~g lalawigan n~g Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa
m~ga pulo n~g Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.

Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't
ibang pan~galan, na yaong m~ga nasa Sambales lalong lalo na yaong
m~ga haluang dugo ay pinan~ganlang _Abunlon_; yaong nan~ga sa
Morriones sa Tarlak ay _Aburlin_; ang ibang nan~ga sa Kagayan,
Isabela, Kapangpan~gan Bulakan at Bataan ay _Ita_; ang ibang nan~ga sa
Isabela ay _Agtas_; ang ibang nan~ga sa Nueva Ecija, Kapangpan~gan,
Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo
ay _Balugas_; ang ibang nan~ga sa Sambales ay _Bukiles_ ang nan~ga sa
baybayin n~g dagat Pacífico sa Hilaga n~g Luzón ay _Dumagat_; at ang
nan~ga sa Baggaw sa Kagayan ay _Parames_.

Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon n~g iba't ibang
pan~galan ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga
mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahi n~g m~ga
_itim_ at anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang n~g
angkan-angkan na sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.

Ang m~ga taong ito ay nan~gananahan pulupulutong na limalimangpu
humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang
taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumangihan, malalaki ang mata
n~g karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang m~ga lalaki, sarat ang
ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nan~gaggugupit
n~g buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol n~g
itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan
ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasin~gaw ang
ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung
minsan n~g kalahati n~g ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.

Ang damit, n~g m~ga lalaki ay bahag lamang sa m~ga balakang at ang sa
m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit
ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy.

Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na
may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw,
bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang m~ga
pinuno ay nagpapatulis n~g n~gipin sa harap, at halos lahat ay
nan~gagsisipagkudlit sa katawan n~g sarisaring hitsura na ang m~ga
lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa m~ga bisig at ang m~ga babae naman
ay gayon, din bukod pa sa m~ga harapan n~g hita at sa iba pang dako
n~g katawan.

Ang lahing ito ay may ugaling magpabagobago n~g tahanan, at sa
ganito'y hindi nan~gagbabahay at ang karaniwang pahin~gahan ay ang
paanan n~g m~ga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan n~g balangkas
na miski paano saka binububun~gan n~g kugon ó n~g miski anong dahon.

Sa pagkabuhay ay nan~gabubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigás (na
nan~gaghahasik n~g palay sa dakong katahanan), at lalong lalo na sa
m~ga hayop na kanilang nahuhuli ó napapana, at di umano'y m~ga
totoong maibiguin sa lamán n~g ungoy, saka nan~gagsisikain n~g ahas,
palaka bubulí at iba pang hayop na di natin kinakain.

Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó san~ga kaya n~g kahoy
at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad
nila.

M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay
buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw
kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa
na may kahabaang saysayin dito kung papaano.

Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan n~g m~ga magulang saka
ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa
pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan n~g m~ga ito,
n~guni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok n~g Mariveles ay ganito di
umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang m~ga abay niya, saka
hinahanap n~g lalaki at n~g m~ga abay naman nito hangan sa
masumpun~gan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa dakong
pagtatapusan n~g pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki n~g gansa (na
isang instrumento nila) sa harap n~g babae at habang lumalakad ay
sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at
mukha at lumalakad na payuko. Pagtigil n~g tugtog n~g lalaki ay
hinahandugan n~g m~ga kaibigan ang babae n~g kanikanyang kaya.
Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na
kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid n~g kanyang
m~ga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw n~g lalaki na hinahawakan
sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila
nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang
ilan sa kanilang m~ga kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay n~g
kanikanyang kaya, saka nan~gananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At
pagkapañaog ay sinasalubong n~g isang matandang lalaki at isang
matandang babae na nan~gagsisilagay marahil na pinaka-inaama at
ini-ina at siyang nan~gagpapa-ala-ala n~g kanilang payo sa bagong
mag-asawang yaon.

Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba
sa m~ga bagay n~g katalagahan at sa m~ga kalulua, at ang m~ga matanda
at ang m~ga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.

Ang lahing ito ayon sa kapaniwalaan ay nan~ganahan ditong malaong
panahon hangang sa dinatnan n~g lahing _malayo_.

Tungkol sa pagkaparito n~g m~ga ito kung paano at saan nan~gangaling
ay di masabi at hangan n~gayon ay di pinagkakaisahan n~g m~ga
mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa
Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at
mula sa Nueva Ginea hangang dito, at anáng m~ga bagong mananalaysay ay
hindi, kun di ang m~ga ito'y kaibang lahi n~g m~ga itim sa Aprika at
talagang tagarito sa Kasilan~ganan.




=Ikalawang Pangkat.=

=Lahing Pilipino=


Maliban sa m~ga _itim_ ay pawang lahing _malayo_ na ang nan~gananahan
dito na may halo marahil na kaonting _indonesiano_, at n~gayo'y siyang
m~ga kinikilalang pilipino.

Ang lahing ito ay nababahagi n~gayon n~g tatlong malaking bahagi:
Una'y ang m~ga taong nagsipangubat na dî napasaklaw sa kapangyarihan
n~g m~ga taga ibang lupain, ikalawa'y ang m~ga moro ó kumikilala kay
Mahoma at ikatlo'y ang m~ga nagsipagkristiano.

Ang tatlong bahaging ito ay paraparang napapangkat, n~gayon n~g
lipilipi at angkan-angkan.

Ang unang bahagi, na sa m~ga taong gubat, ay lubhang marami ang
pagkakapangkatpangkat; n~guni't ang m~ga lubhang kilala ay ang Igorot
Ilongot, Tingian, Gaddan at Kalinga dito sa Luzon, ang Tiruray sa
Mindanaw at ang Tagbanua sa Palawan. Ang pagkakapangkatpangkat n~g
m~ga taong ito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga tanyag
na mananalaysay. Anáng Profesor Blumentrit, sukat dito sa kalusonan at
kabisayaan ay napapangkat ang m~ga ito n~g tatlong pu't anim na lipi
baga man kalakip na pati nang sa m~ga itim, at anáng m~ga mananalaysay
na Jesuita ay dadalawang pu't anim, at sa bilang na ito ay may
binangit pa ang m~ga Jesuita na dî ibinibilang n~g Profesor Blumentrit
sa kanyang salaysay na gaya rin n~g Profesor Blumentrit tungkol sa
binangit n~g m~ga Jesuita: ano pa't kung idadagdag ang m~ga binangit
n~g m~ga Jesuita na dì naibilang n~g Profesor Blumentrit sa kanyang
pagkatala ay hihigit pa n~ga sa tatlong pu't anim na bilang niya.
N~guni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang m~ga Americano at
pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat,
na sa m~ga sumiyasat at nakakita n~g m~ga ito ay di maliligtaan sina
Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr. M.L.
Miller, Capitan Charles E. Nathorst, at Capitan Samuel D. Crawford at
di rin nan~gagkaiisa n~g isipan bagay sa m~ga liping ito; sapagca't
ani Dr. Barrows ay tatatlo ang liping malayo rito at kung bagá man
anya't marami ay angkan lamang n~g tatlong ito ang iba, samantala
namang ang sa Comicionado Dean C. Worcester ay anim ang liping
malayong narito at anáng iba ay isang gayon: ano pa at iba't iba. Kung
alin ang matuid sa m~ga salaysay noong m~ga una sampu nitong m~ga huli
ay di natin masabi at hangang n~gayon ay di pa lubos na kilala ang
boong paraa't ayos n~g pamumuhay niyang m~ga taong gubat na nabangit
baga man masasapantahang di lubhang magkakaiiba,

Ang ikalawang bahagi na sa m~ga moro, ay gaya rin n~g sa m~ga taong
gubat na napapangkat n~g lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa
Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa Kottabato at ang iba'y sa
iba't ibang dako n~g Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang
n~galan. Ang m~ga ito ang may lalong malinaw na kasaysayan kay sa
lahat n~g lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil sa maagang pagkasulong
nila sa katalinuang pakamahometano at pagkapagin~gat nila n~g kanilang
m~ga alamat at m~ga alaala n~g dating pamumuhay n~g kanilang m~ga
kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni
Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.

Ang ikatlong bahagi, na sa m~ga nagsipagkristiano at siyang m~ga
liping tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong
lipi ang dami na dili iba't itong m~ga sumusunod: Ang _Bisaya_, na
m~ga taong nan~gananahan sa maraming m~ga pulong napapagitan sa Luzón
at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa m~ga puló n~g Panay, Negros, Leyte,
Samar at ibapa; ang _Tagalog_, na nan~gananahan sa kalagitnaan n~g
Luzon at nakakalat sa m~ga lalawigan n~g, Maynila, Batan~gan, Kabite,
Laguna, Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang _Kapangpan~gan_
at _Pang-asinan_ na nan~gakakalat sa m~ga kapatagan n~g kahilagaan
nitong Luzon; ang _Ilokano_, na nan~gananahan sa may dakong
kalagitnaan n~g hilaga't kanluran nitong Luzon; ang _Kagayan_ na
nan~gagsasalita n~g wikang Ibanag at nan~gananahan din sa Kagayan; ang
Bikol na nan~gananahan sa Kamarines at sa m~ga lalawigan n~g Sorsogon;
at ang _Sambal_ na nan~gananahan din sa Sambales. Dito'y di na
kabilang ang ibang lipi na nan~ga sa Nueva Viskaya, sa pulo n~g
Batanes at Kalamianes dahil sa kaliliitan.




=Ikatlong Pangkat.=

=Ang Pagkaparito at Pinangalin~gan n~g Lahing Pilipino.=


N~gayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong m~ga lipilipi at
angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay
di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga
ito ay katutubo rito ó kung bakit nan~gaparito at saan nan~gangaling.

Sa pagkakatutubo rito, n~g m~ga taong ito anang man~ga mananalaysay ay
hindi at bago pa n~ga mandin ang m~ga ito ay ang m~ga _ita_ muna ang
nan~ganahan dito; sapagka't di n~ga naman mangyayari na ang isang
lahing mahina na gaya n~g m~ga ita ay mahuli pa isang lahing may
kaonting kalakasan. N~guni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa
panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap n~g
ikabubuti't ikagiginhawa n~g sarili na kung di n~ga masiyahan sa
kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang n~gayon ay may m~ga
taong gubat na nagpapabuhatbuhat n~g tahanan dahil sa paghanap n~g
lalo't lalong mabuting lupa ó n~g dakong lalong maginhawa sa kanyang
pamumuhay, at maging sa m~ga matalinong bayan man ay gayon din, at
nariyan ang Australia na pinamamayanan n~g m~ga Ingles:--at--ang m~ga
lupang Pilipinas, na halos lahat n~g pulo't lalawigan ay sagana sa
m~ga halama't pananim, sa m~ga kayamanan at sa balang ikabubuhay,--ay
di mapagtatakhang pamayanan n~g lahing ito.

Kung paano ang pagkapasimula n~g pagkakaparito n~g m~ga ito ay di
natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga
pagkakaganiganito n~g m~ga tao noong unang dako, na nan~gapapalipat sa
ibang m~ga pulo't lupain ay di kaila sa m~ga kasaysayan, at nariyan
ang m~ga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp. Noon n~gang
una na di pa lubhang kilala ang katalinuan sa pagdadagat at wala pang
kagamitan, kungdi ang m~ga sasakyang may layag lamang ay madalas
nangyayari sa m~ga magdadagat na kung totoong nan~gapapalaot sa dagat
at inaabot n~g pagbabago n~g han~gin ay nan~gapapaligaw hangang sa
másadsad sa ibang lupain, at man~gyare, kung hindi na man~gakabalik at
kabubuhayan naman ang lupaing kinasadsaran ay natutuluyan n~g doon
mamayan, ó kung sakali mang nan~gakabalik at sa ganang kanila ay
lalong maginhawa ang lupaing kinasadsaran nila kay sa lupa nilang
tinubuan ay nangyayari ring pinagbabalikan at nag-aanyaya pa n~g
kanilang m~ga kamag-anak at kakilala. Ito n~ga ang matuid na
masasapantaha natin, na dahil n~g ikinaparito n~g m~ga taong ito, at
dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't
saling sabi n~g m~ga Tagakaola at m~ga Bagobo sa Mindanaw na anila'y
sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang
kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na
bangitin ang lubhang maraming m~ga pangyayaring ganito sa iba't ibang
lupain at totoong makapal.

Bagay naman sa pinangalin~gan ay masasabi nating wala n~g iba kundi
ang m~ga kalapit lupain At dito naman sa m~ga kalapit lupain ay wala
n~g ibang masasapantaha, liban sa m~ga lupang nasa dakong timog, na
dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang m~ga tan~ging bayan na
kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos
lahat n~g ayos at paraan n~g pamumuhay n~g m~ga Tagarito. Saká anang
m~ga mananalaysay, siyang sali't saling sabi n~g m~ga tao rito, na ang
m~ga nabangit na lupain ang pinangalin~gan n~g m~ga kanunuan nila. At
bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga
Kapangpan~gang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit
sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika at
siya'y nakisagót na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon, anopa't
tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inapó n~g m~ga
nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang lupain at di
na namin nan~gabalitaan."

N~guni't may isang bagay na hindi lahat n~g tao rito ay Kapangpan~gan
ó Tagalog mang ó Bisaya kaya, kung di may taong gubat at may taong
bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami
pa.

Ang kadahilanan nito, sa akalà ko, ay sanghî sa pagkakapangkat pangkat
n~g m~ga bayan malayo (ó lahing pinangalin~gan n~g m~ga Tagarito) saká
ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.

Kung ating n~gang lilin~gunin at lilinin~gin ang kamalayahan na
pinangalin~gan n~g m~ga Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y
may kinikilalang tatlong uri n~g tao na dili iba't ang _orang benúa_
(ó taong gubat), ang _orang-laut_ (ó taong dagat) at, ang
_orang-malayo_ (ó taong bayan). Sa una na _orang-benúa_ ay
masasapantaha na siyang pinangalin~gan n~g ating m~ga taong gubat, na
dili iba't siyang sapantaha n~g m~ga kilalang mananalaysay n~gayon. At
ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis n~g pamumuhay n~g m~ga ito
sa pamumuhay n~g m~ga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya n~g
Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin n~g m~ga lahi ritong
kristiano n~gayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na
manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa
katalinuan.

Tungkol sa _orang-laut at orang malayo_ ay di mapagtatakhang siyang
pinagmulan n~g m~ga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan
nag pamumuhay.

Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging
taong-gubat ó taong dagat ó taong bayan) baga man suplíng sa isang
lahi (sa lahing Mongol anáng m~ga mananalaysay) ay pangkat pangkat
din, dahil sa nan~gamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y
sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa
iba't ibang pulo, bukod pa sa nan~gatira sa kapatagan n~g Malaka, at
man~gyare--sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay
nagkaiba't iba n~g kaonti at sapagka't ang m~ga Tagarito, sa akala ko,
ay hindi galing sa iisang angkan n~g m~ga yaon, kundi sa iba't iba ay
kaya naman iba't iba rin ang m~ga lipi rito, bukod pa n~ga sa dito
ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.

Tungkol sa m~ga moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang m~ga
huling naparito at ayon sa kapaniwalaan n~gayon ay siyang m~ga kasabay
ó kasunod n~g m~ga taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong
1400.




=Ikaapat na Pangkat.=

=Dating Pamamayan ng m~ga Tagarito=


Bago nagpuno ang m~ga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may
sarili n~g paraa't ayos n~g pamumuno ang m~ga tagarito. Ang paraa't,
ayos n~g pamunuang ito ay di kagaya n~g sa iba't ibang lupaín na may
isang dakilang puno ó pan~gulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at
lalawigan ay maraming pan~gulong may kanikanyang kampon at sakop na
nayon-nayon at lipi-lipi,[1] anopa,t, kaparis din n~g pamunuan sa
España bago nan~gagpaka-pan~ginoón doon ang m~ga Romano't Godo.

Ang bawa't pangkat n~g pamahalaan ay tinatawag na isang _balan~gay_.
Itong salitang balan~gay ay pan~galan n~g sasakyang-dagat na di
umano'y siyang nilulanan n~g m~ga taga Malaya sa pagparito, (basahin
ang pangkat na sasakyan) at ang dami n~g m~ga taong sakáy sa bawa't
isa nito ay tinatawag na isang balan~gay na dili iba't siyang nátatag
na isang pamahalaan. At sapagka't may malalaki't maliliit na sasakyán
ay nagkamalalaki't maliliit namang balan~gay ó pámahalaan.

Ang bilang n~g m~ga tao sa pinakamunting balan~gay ay limang pú at sa
pinakamalakí ay umáabot n~g hangang pitong libo.

Ang ibang m~ga balan~gay ay magkakasundô at hangang sa
naglalakip-lakip[2] upang kung salakayin n~g m~ga kaaway ay huwag
masupil; n~guni't ang pagkakálakip na ito ay sanhi n~g pagkakasunduan
at hindi n~g pagsasáilaliman n~g isa't isá; ano pa nga't bawa't
balan~gay ay may kanya ring sariling pan~gulo, liban na sa panahon n~g
digma na pumipili n~g isang man~gun~gulo sa kanilang lahat.

Ang pan~galan n~g pan~gulo sa bawa't balan~gay ay _Dato_ na ang
kahulugán sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno ó lelong: ano
pa n~ga't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa pámunuan ay isang
pamumuno sa gulan~gan. Itong tawag na _Dato_ na pan~gulo ay nanánatili
pa hanga n~gayón sa Holó't Mindanaw. Ang pan~gulo namang nagpupuno sa
samasamang balan~gay ay nagkakapamagát n~g _Laca ó Raja ó Ladya ó
Radja_. Mula n~g lumitaw ang _mahomatismo_ (pananalig kay Mahoma) ay
ginamit ang salitang _sultán_. Di umano'y may nagpápamagat, din n~g
_Hari_ na siyang dating kapan~galanán sa m~ga dakilang pinuno sa
India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de Tavera ay Brahma,
araw, Vishnu.

Ang pamumuno n~g pan~gulo ay paratihan ó sa tanáng buhay. At ang
pagkapuno't pagkamáginoo ay minamana n~g anák at kung sakaling wala,
ay m~ga kapatid ó kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang tungkulin
n~g m~ga ito ay pagpunuan ang kaníkanyang sakop at kampon at tuloy
lin~gapin ang kanikanilang usapín at kailan~gan; at ang sabihin namán
n~g m~ga ito ay iginagalang at ginaganap n~g kanikanyang sakop na m~ga
tao. Iginagalang din ang m~ga kamag-anak at inapó n~g m~ga puno, na
kung baga ma't hindi nakapagmana n~g pagkapuno ay pawang ibinibilang
namáng taong-mahal at ipinakatatan~gi sa m~ga taong karaniwan. Kung
paano, ang kamahala't pagkamaginoo n~g m~ga lalaki ay gayon din ang sa
m~ga babae[3].

Sa m~ga balan~gay na nabangit ay may tatlong kalagayan n~g tao: Una'y
ang m~ga mahal na pinamamagatang _Maginoo ó Ginoo_; ikalawa'y ang
m~ga nakaririwasa na pinamamagatang _timawa_ (ó payapa) at anáng ibang
m~ga mananalaysay ay _maharlika_; ang pamagat, na sa wikang Malayo ani
Dr. Tavera ay _laya_ ang ibig sabihin; at ikatlo'y ang m~ga alipin na
sa Bisaya'y _oripun_.

Ani Colín, ang m~ga lalaking may mahal na uri ó m~ga _maginoo_ ay
nagpapamagat din n~g _Gat_ ó _Lakan_, gaya n~g _Gat Maitan_, _Lakán
Dula_ at iba pa at sa m~ga babae nama'y _Dayang_ gaya n~g _Dayang
Mati_. Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating
kinauugalian pa hangang n~gayong _mama_ (amain) ó _mang_ sa m~ga
lalaki at ang _ale_ sa m~ga babae.

Sumusunod sa uring ito ang m~ga _timawa_ (payapa) ó _maharlika_
(laya). Ang m~ga ito'y tan~gi sa ibang uri na walang sinasailaliman
libang sa kanilang Dato ó pan~gulo. Hindi rin nan~gagsisibayad n~g
buwis at ang paglilingkod na ginagawa n~g m~ga ito ay ang tungkol
lamang sa naayon sa _ugali_. Itong _ugaling_ tungkulin nila, ay ang
sumunod sa utos n~g pan~gulo ó puno sa panahon n~g digma: kaya't ang
m~ga ito ang siyang nan~gagsisibuo n~g kawal ó hukbo n~g balan~gay at
sa ganito'y may pamagat na _kabalan~gay_. Bukod dito ay tungkulin din
nila ang tumulong sa pan~gulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani
at gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya
kung sakaling naglalayag n~guni't sila'y pawang pakain sa loob n~g
boong panahong kanilang ipinaglilingkod.

Ang sumusunod sa nan~gabangit ay ang m~ga _alipin_, na sa Bisaya'y
_oripun_, at m~ga ito'y may dalawang kalagayan n~g pagka-alipin: ang
_aliping namamahay_ at ang _aliping sagigilir_; itong hulí sa Bisaya'y
tinatawag na _n~galon_.

Ang _aliping namamahay_ ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may bahay
na sarili; kaya't may pamagat na _namamahay_, at sa panahong
kinakailan~gan lamang naglilinkod sa pan~ginoon, at ang paglilingkod
na ito ay sa pagbubukid at pag-aani n~g kanyang pan~ginoon, at gayon
din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa
pagpapagawa n~g bahay n~g pan~ginoon at tuloy naglilingkod sa bahay
nito kung sakaling may panauhin, ano pa n~ga tungkulin n~g _aliping
namamahay_ ang maglingkod sa pan~ginoon kailan ma't kakailan~ganin;
n~guni't natatan~gi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at
saka hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa
madaling sabi ay siyang m~ga tinatawag nating _kasamá_, _bataan_,
_kampon_, _tao_ at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa
kalagayang _timawa_ ó _maharlika_ kung nagbabayad sa kanyang
pan~ginoón n~g katampatang halaga na ayon sa kaugalian.

Ang _aliping sagigilir_ ó _n~galon_ ay siyang tunay na alipin na ang
iba'y sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na _sagigilir_, dahil
sa di nakalálayo sa gilid ó paligid n~g pan~ginoon. Ang pagkakapagíng
alipin n~g m~ga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil
sa pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at
ibp.

Ang m~ga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g m~ga tagarito,
dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't
hanap-buhay, at ang m~ga ito'y naípagbibili't náípagpapalit n~g isang
pan~ginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, n~g
isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo.
Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang
pamumuhay n~g m~ga alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang
n~g kanilang pan~ginoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay
n~g pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang pan~ginoon, na saa't saan
ma'y di nawawalâ. N~guni't ayon sa salaysay n~g ibá (wika rin ni
Rizal) ay lumubha ang kalagayan n~g m~ga aliping ito nang masakop n~g
España ang m~ga tagarito hangang sa ang iba'y nan~gagpakamatay sa
gutom at ang iba'y nan~gagpakamatay sa lason, at pinatay n~g ibang iná
ang kanilang anák sa pan~gan~ganák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa
dahong 295 n~g aklat ni Morga).

Ang m~ga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng _namamahay_ at
magíng _sagigilir_ ay nagmamana n~g kalagayan n~g magulang, na siyang
dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin
nitóng m~ga aliping _namamahay_ at _sagígilir_ ay sari-sari, dahil sa
mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang
ikapat na bahagi lamang. Ang dahil n~g pagkakaganito ay mababasa sa
pangkat n~g kaugaliang pinanununtunan sa m~ga kapaslan~gan at
sigalutan.

TALABABA:

[1] Ang ganitong ayos n~g pagkakahiwáhiwalay n~g pámunuan dito ay
minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang katao
lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay
isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa bayán-bayán, at sa
akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono,
telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangúnian.

[2] Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang
inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pan~gulo rito sa Maynilá
ay pinakapan~gulong _General_, n~g sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó
n~g m~ga kasulatan noong siglo XII.

[3] Ani Rizal ay naáayon sa kautusán n~g katalagahan (naturaleza) ang
pag-uugaling itó n~g m~ga dating pilipino, na higit kay sa m~ga tagá
Europa na nawawalán n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa
kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't kababaan.
Anya'y isang katunayan ito na ang m~ga babae n~ga rito'y pinagbibigyan
na mula pa noong una.




=Ikalimang Pangkat.=

Dating Pananamit At kalinisan sa katawán n~g m~ga tagarito


Noóng unang dako ang m~ga tagarito ay magkakaibá n~g pananamit; na anó
pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.

Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g
Kamalayahan ang m~ga tagarito at inugali n~g isa't isa ang pananamit
sa kanikanyang bayang pinangalin~gan.

Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang m~ga
lalaki n~g _kanyan_ (barong _azul_) na lagpas n~g kaunti sa baywang,
isinasara sa harap, walang liig at maikli ang man~gás; n~guni't may
nagsusuot din n~g kulay itim. Ang sa m~ga maginoo'y kulay-pulá at sa
India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang n~g isang
kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang m~ga paa'y walang
suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na
mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinan~gan~ganlang
_potong_ ó _putong_. Ang _putong_ na ito ay iniiíkid n~g sari-saring
paraan, na kung minsa'y wari _turbante_ n~g m~ga _moro_ na walang
_bunete_, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng n~g
_sumbrero_. Ang nagmámatapáng ay naglálawit, n~g m~ga dulo n~g
panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok. Sa kulay nang panyo ay
napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na
pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi
pa nakakapatay (marahil sa digmá), n~g isa man lamang, ay hindi
tinútulutang gumamit ng _putong_ na pulá at kaya't makagamit n~g ikid
ó pugong na parang _corona_, ay kung nakápatáy na n~g pitó. Ang
pinakadagdág na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na
isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba n~g bisig, at
ang káyong dinaramit ay sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas
ay nan~gagkúkuwintás n~g tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang
pagkakákawing-kawíng ay gaya n~g sa m~ga taga Europa; nan~gagsusuót sa
bisig at galang-galan~gan n~g kalombigas (pulsera) na gintong tinipi
at may anyóng sarisari, na tuloy sinásaglitan n~g mahahalagáng batóng
kawigin at ágata, puti't bugháw ang m~ga pinakamahál. Anáng iba'y
gumagamit din n~g garing; at sa m~ga daliri naman ay nan~gagsisingsing
n~g ginto't iba't ibang bató.

Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa
nan~gagbabaro at nan~gagsásalawal ang m~ga lalaqui, at kung may
pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa m~ga
simbahan, sa akalá ko) ay nananamit n~g isang kasuutang kulay itim na
kung tawagi'y _sarampuli_. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot hangang
paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang
mahinhín. Kung isuot ito n~g m~ga tagalog ay buo at parang sapot, na
ano pa't sa ulo pinapagdáraan at isang kasuotang karaniwan. Ang m~ga
babayi naman ay nan~gagbabaro at nan~gagsasaya, at kung may
pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit n~g isang
pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling
kulay, saká nan~gagtatapis; n~guni't ito'y higit na inuugali sa
katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y nan~gaglalagay
sila sa buhok n~g pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang-aalalay
n~g lalaki't babae ay ipit na ginto ó pilak na may batóng _perlas_ ó
_diamante_ sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay n~g buhók ang lalaki
ay nagtatalí sa noo n~g panyô na kung tawagi'i _purug_ at ang m~ga
babae namán kung napasasadaan ay nan~gagsasalakot na ang tawag sa
Bisaya'y _sarok_.

Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit n~g buhók sa
harapán n~g ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan n~g isang kumpól na lugáy
na, aní Rizal, ang ayos na ito n~g pagbubuhok sa Sambales at ang
pananamit n~g m~ga taga Bisaya, ay nahahawig sa _kimono_ Hapón, At ang
m~ga babae sa lalawigang itó ay nan~gagbabaro n~g sarisaring kulay at
nan~gagsasaya rin, at ang m~ga may mahal na uri ay nan~gagkukundiman,
nan~gagsusutla at nan~gananamit n~g iba't ibang káyo na pinamumutihan
n~g ginto at n~g sari-saring gayák na palawít; nan~gagkukuwintas n~g
tinanikalang ginto, nan~gagkakalombigas (pulsera) sa galang-galan~gan,
nan~gaghihikaw sa tain~ga n~g makapal na tiping ginto at
nan~gagsisingsíng sa daliri n~g ginto rin at sari-saring hiyás.

Sa Katanduanes naman ay nan~gagsasaya ang m~ga babae n~g ayon sa ugali
n~g m~ga taga Bisaya, nan~gagsisigamit n~g mahahabang balabal, ang
buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may sintás na
nababatikan n~g ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't
tain~ga ay nakahikaw n~g tatlo, isa sa kaugalian n~gayon at ang
dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang m~ga ito
rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák n~g kakatwa sa
bukong-bukong.

Ang m~ga taga Bisaya naman ay nan~gaggugupit n~g buhók na kagaya n~g
sa dating kaugalian sa España at nan~gagpipinta sa katawan n~g
sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay at
anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati n~g
baba't kilay. Ang paraan n~g pagpipinta, bago gawín ay ginuguhitan
muna n~g mán~gan~gatha n~g akalang maáayo't mábabagay sa katawan at
gayon din sa pagkalalaki ó pagkababae, saka pinipintahan. Ang panguhit
na ginagamit ay kawayang parang _pincel_ na matulis ang dulo at siyang
ipinangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubúdburan n~g
pulbós, ó kung dili ay usok n~g sahing na maitim, na kailan ma'y di na
man~gun~gupas. Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi
bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi
makapapamalas n~g anomang katapan~gan. Ang m~ga bata'y hindi
nagpipinta n~g n~guni't ang m~ga babae ay nagpipinta n~g Isang boong
kamay at n~g bahagi n~g ikalawá. Dito sa pulo n~g Luzón ay
nan~gagpipintá rin ang m~ga taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya
n~g sa m~ga taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nan~gaghihikaw n~g
malalaking hikaw na ginto at garing at nan~gagkákalombigas; sa ulo'y
nan~gakakulubóng n~g ukáng Wari _turbante_ na may batíkbatík na ginto;
nan~gagbabaro n~g makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán
isinásará. Hindi nan~gagsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis
sa harapán. Ang m~ga babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis
at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód,
nan~gakatapi sa baywang n~g kayóng sari-saring kulay at nan~gakabaro
n~g walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, n~guni't, nan~gaghiyas
na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at
nagsisipagkalombigas.

Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga máginoo,
ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na
mainam n~g buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g lín~gáng
may paban~gó. Sa n~gipin ay lubhang main~gat na lahat, na mula sa
pagkabata ay pinapantay n~g m~ga bato't iba pang m~ga kasangkapang
pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g
ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.

Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na,
ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring
pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapan~ganak (anyá) n~g babaye ay
agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang
karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg n~g araw, pagkatapos
n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian
din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg ang
katawán hangang sa lalamunan na nan~gagpapakain~gat upang huwag maging
tudláng n~g matá nino man.

TALABABA:

[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa
pinakaiin~gatan n~g m~ga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain,
pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at
iba pa.




=Ikaanim na Pangkat.=

=Kaugaliang pinanununtunan sa m~ga Kapaslan~gan at Sigalutan.=


Palibhasa't ang m~ga Tagarito ay nan~gamamayan at may m~ga tatag na
pamahalaan ó balan~gay ay may m~ga hukom at tuntunin ring
pinanununtunan.

Itong m~ga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balan~gay ay
pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan[5]
na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may
m~ga pan~gulo rin namang nagsisipaglagda n~g m~ga kautusan, saka
itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinan~gan~ganlang
_Biuhahasan._ Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála n~g isang
batin~gaw na tinutugtog upáng mapag-alaman n~g m~ga tao.

Ang m~ga hukom sa m~ga usapin nila ay ang kanikanilang
pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama n~g
isang datò sa balan~gay ó n~g isang maginoo sa nayon: at ang pan~gulo
sa balan~gay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa n~g ano
man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay
naparurusahan niya n~g kamatayan ó pagkaalipin ó pagbabayad kaya n~g
isang gayon.

N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ó n~g
magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang
pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g
m~ga may sigalot:

Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon,
kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang
pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay
nilalapatan n~g parusang kamatayan. At upáng matanto n~g manbabasa ang
m~ga tuntunin sampú n~g m~ga salang kinalalapatan n~g m~ga parusang
nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.

       *       *       *       *       *

=Sigalot n~g m~ga pan~gulo sa dalawang balan~gay=

Kung ang m~ga pan~gulo sa dalawang balan~gay (na magkasundô marahil)
ay magkaroon n~g ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa ibang
balan~gay n~g isang pan~gulo na mailalagay nilang pinakahukom upang
humatol sa kanila n~g walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't ibang
balan~gay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos
magkakaayon di umano.[7]

       *       *       *       *       *

=Pag-aasawa sa taga ibang balan~gay.=

Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa
isang balan~gay ay mag-asawa sa taga ibang balan~gay ay hindi
makalilipat sa balan~gay na tinatahanan n~g magiging asawa, kungdi
magbayad n~g isang gayong halaga na paratang n~g m~ga datò. Ang
paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa
paratang n~g balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balan~gay
na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain n~g balan~gay
na aalisan ang balan~gay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang
m~ga anák n~g mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balan~gay.

       *       *       *       *       *

=Katungkulan n~g m~ga kampon sa isang balangay.=

Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad n~g buis, n~guni't
napatutulong n~g pangulo sa kanyang m~ga kailan~gan, gaya sa pagtatayô
n~g kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal n~g kanyang
bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa
salaysay ni Morga ay ibinubuis n~g m~ga kampon ang kanilang naaani sa
kanikanilang bukiran.

       *       *       *       *       *

=Sa Nakamatay.=

Ang nakamatay n~g isang alipin at humin~gi n~g tawad ay hindi
pinarurusahan n~g lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa
pan~ginoon n~g halagá n~g aliping napatay saka hinahatulan n~g hukom
n~g iba pang parusang kanyang magalin~gin.

Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang
inilalapat; n~guni't kung humin~gi n~g tawad ay inuuurong ang gayong
parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung
sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay
sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.

Datapua't ang nakamatay n~g pangulo ó maginoo ay pinapatay n~g walang
patawad at ang m~ga kaalam ay pawang inaalipin sampû n~g kanilang m~ga
anák.

       *       *       *       *       *

=Paghuli sa magnanakaw.=

Upang hulihin ang m~ga magnanakaw ay tinatawag ang m~ga
pinaghihinalaan, at m~ga pinapagsasalansan sa isang dako n~g m~ga
balaba n~g dahon ó n~g m~ga damit kaya, at kung pagkatapos nito'y
masumpun~gan sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa,
n~guni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang
sumusunod:

Una.--Dinádalá ang m~ga pinaghihinalaan sa isang dakong malalim n~g
ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim n~g tubig upáng
kung pasisirin ay makapan~guyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito,
ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay
ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.

Ikalawa.--Naglalagay n~g isang bató sa isang sisidlang may kumukulong
tubig, saka ipinadadampot sa m~ga pinagbibintan~gan at ang umayaw ay
siyang nagbabayad n~g nánakaw.

Ikatlo.--Pinapagtatan~gan ang m~ga pinagbibintan~gan n~g tig-isang
kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang
mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.

Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi
lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli n~g
hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa n~g isang gayon. Kung higit
sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay
nilalapatan n~g parusang kamatayan ó kung dili ay inaapilin ang
nagnakaw sampû n~g asawa't m~ga anák.

Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balan~gay) na sa
unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang n~g isang gayon, sa
ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling
pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu n~g asawa't
m~ga anák.--N~guni't ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi
idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa
pagnanakaw.

       *       *       *       *       *

=Pagsásamá=

Kung ang dalawang tao ay magsamá n~g tiggayong halagá upang
man~galakal, at ang may hawak n~g salapi ay maharang n~g kampon sa di
kasundong balan~gay ay katungkulan n~g kasamá na tubusin ang naharang;
n~guni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan n~g may hawak n~g salapi
ay kailan~gang isauli ang salaping naparual ó kung dili ay n~g m~ga
anák. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang
kalahati n~g kanyang m~ga anák sa kasamáng dapat pagbayaran.

       *       *       *       *       *

=Pagmamanahan=

Sa pagmamanahan ay hindi kailan~gan ang testamento, kungdi sukat na
ang pahimakas na bilin n~g namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't
ang bilin n~g magulang ay lubhang mahalagá, dahil sa kapanampalatayan
na ang m~ga kalulua n~g kanilang nan~gasirang magulang at kanunuan ay
kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y
nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila (basahin ang
paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at
pagsisinun~galing.

_Sa katungkulan._--Ang m~ga anak lamang sa tunay na asawa ang
nakapagmamana n~g katungkulan n~g magulang, ano pa't kung pan~gulo sa
isang balan~gay ang magulang at mamatay ay ang pan~ganay sa m~ga
lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pan~galawa; n~guni't
kung walang anak na lalaki ay m~ga anák na babae ang humahalili n~g
papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na
pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang
pínanununtunan n~g m~ga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at
ibp.

_Sa m~ga tunay na anák n~g mag-asawa._--Ang tunay na magkakapatid sa
ama't ina ay nagsisipagmana n~g magkakasindami, malibang ibigin n~g
amá ó n~g iná na palaman~gan ang sino man sa kanilang anak n~g dalawa
ó tatlong putol na ginto ó n~g isang hiyás kaya. Kung ang isa sa m~ga
anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan n~g
kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang
m~ga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang
ano mang bagay na ibinigay n~g magulang sa kanino mang anák maging sa
pan~gan~gailan~gan ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.

Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat n~g
magmamana ay binabahagi ang panahon n~g paglilingkod nito sa bawa't
isa sa kanyang papan~ginoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung
sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat na
bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran n~g m~ga pan~ginoon ang
paglilingkod niya sa panahon n~g kanyang kalayaan ayon sa kanyang
pagkaalipin.

_M~ga anák sa una't hulíng asawa._--Kung ang sino man ay
nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan n~g anák ay nagmamana
ang isa't isa sa m~ga anák n~g ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa
kanikanyang ina, at ang pag-aari n~g amá ay binabahagi sa lahat na
walang palamang sa kanino man.

_M~ga anák sa tunay na asawa at m~ga anák sa alipin._--Kung ang sino
mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin
ay hindi nagmamana ang sa alipin; n~guni't ang aliping naanakan ay
pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban n~g miski ano, na
kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang
alipin kaya.

_M~ga anák sa asawa at m~ga anák sa babaeng kinakasama lamang._--Kung
ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng
laya na hindi asawa ay hindi nagmamana n~g magkakasingdami ang m~ga
anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi n~g tinatangkilik n~g amá ay
iniuukol sa m~ga anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa
m~ga anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.

_M~ga anák sa di asawa._--Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na
asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nan~gagmamanang lahat ang
m~ga anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban
lamang n~g ayon sa nabangit sa dakong una.

Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana,
kungdi ang magulang ó nuno ó m~ga kapatid ó m~ga kamag-anak na malapit
n~g namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa m~ga anák sa alipin ay ang
gaya rin n~g nabangit na.

_M~ga anák sa kaa~gulo._--Ang m~ga anák sa kaaagulo ay hindi
nagmamana n~g ano man at inaari pang masamang uri.[8]

_Sa Inaring Anak._--ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at
sa pagmamanahan ay nagmamana n~g ibayong halaga ayon sa ibinigay n~g
ama n~g siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya n~g isang
putol na ginto ay magmamana siya n~g dalawang putol sa pagmamanahan.

       *       *       *       *       *

=Sa Bigay-kaya.=

Ang nanunungkol n~g bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa
kasunduan. Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian n~g m~ga
magulang mula sa pagkabata n~g m~ga anak, at kung gayon ay katungkulan
n~g m~ga magulang n~g lalaki na ipagpauna ang kalahati n~g bigay-kaya
na pinan~gan~ganlang _kalabgayan_ at pagdating n~g araw n~g pag-aasawa
ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinan~gan~ganlan _bigay ó
dahik_.

Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang n~g babae. At ang babae sa
kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't
kumikita ay sa magulang din.

Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang _kalabgayan_ ay
kinasasanghian kung minsan n~g ligalig, dahil sa kung lumaki ang m~ga
bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang n~g
umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok. N~guni't kung patay na
ang magulang n~g sino man ay nagsasaulian na lamang at hindî na
nag-uusapin.

Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa
kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan n~g mahigpit at kung mayaman ay
sinasamsaman n~g malaking bahagi n~g yaman.

       *       *       *       *       *

=Sa Pakikiagulo=

Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang
sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman
n~g matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki n~g isang gayong
halaga[9] sa asawa n~g babae na pinakapantakip sa nasirang dangal. At
sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at
nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa
pakikiagulò.

Datapua't ang asawa n~g isang pan~gulo na magkasala n~g pakikiagulo ay
nilalapatan n~g parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay
pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbayad n~g isang
gayong halaga.

       *       *       *       *       *

=Sa Paghihiwalay n~g mag-asawa.=

Sa m~ga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama n~g m~ga
kamag-anakan[10] n~g magasawang naghihiwalay.

Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa
kanilang pagsasama, n~guni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi
hinahati, kungdi dinadala n~g isa't isa ang kanyang dati.

Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay
kailan~gang isauli ang bigay-kaya at dagdagan n~g isang gayon, na ang
magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa.
N~guni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay
ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.

Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ó hindi man
at hindi kalooban n~g babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi n~g
bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; n~guni't ani
P. Placencia ay isinasauli ang kalahati n~g bigay-kaya.

Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang
bigay-kaya at ang nag-iin~gat nito ay ang m~ga nuno kung buhay pa ó
kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. N~guni't ani P. Aduarte
ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung
may anak dahil sa paglingap sa anák.

       *       *       *       *       *

=Iba't ibang kapaslan~gan.=

Ang sumira n~g puri n~g isang anák na dalaga ó asawa n~g isang maginoo
ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.

Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan
inilalapat. N~guni't kung humin~gi n~g tawad ay pagkaalipin na lamang
at kung may salapi ay maaaring magbayad n~g isang gayon at huag
maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati n~g salapi sa
ginawan n~g masama at kalahati ay sa m~ga hukom.

Ang panunun~gayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa
mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan n~g isang gayong
halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinun~gayaw ay pan~gulo
ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na
kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

Ang tumin~gin n~g walang galang sa pan~gulo at ibp. na gaya nito ay
nilalapatan n~g parusang pagkaalipin sa tanang buhay, n~guni't di
umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakain~gatang malabis n~g
m~ga kampon.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay n~g isang pan~gulo ó
maginoo n~g walang kapahintulutan ay nilalapatan n~g parusang
kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling
ginagamit na tik-tik n~g ibang pan~gulo; at kung sakaling matunayan na
sugong tik-tik ay nilalapatan n~g parusang pagkaalipin at sa nagsugo
ay kamatayan, malibang magbayad n~g isang gayong timbang na ginto.

Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang
nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan n~g nagkaalit at
siyang humahatol ayon sa patotoo n~g m~ga saksi at alinsunod sa
minanang kaugalian sa kanilang m~ga kanunuan[11], ang hatol naman n~g
matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.

       *       *       *       *       *

=Pag-uutan~gan.=

Ang karaniwang palakad sa pag-uutan~gan ay patubuan, kung ang may
utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa
pinagkakautan~gan ang kaláhati sampu n~g pakinabang noon hangang hindi
nakababayad n~g utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa
katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y
sa tanang buhay dahil sa lakad n~g tubo.

       *       *       *       *       *

=Pagbabayad n~g Paratang.=

Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad
ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay
napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at
ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi
makabayad sa kaukulang panahon ay nan~gagiging alipin; at di umano'y
kung sakaling makabayad man ang amá ay sinisin~gil n~g pan~ginoon pati
n~g ipinakain at ipinadamit sa m~ga anák at kung walang maibayad ay
nagiging alipin ang m~ga anák.

Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at
ipagbayad n~g isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod,
datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping
namamahay. N~guni't kung hindi maglingkod n~g ganito ay ipalalagay sa
kanyang patubuan.

       *       *       *       *       *

=Pagcaalipin.=

Ang sino mang mabihag sa balan~gay na kaalit ay inaalipin.

Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa m~ga
ganitong bagay ay anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa
magulang.

Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ó maginoo na gaya
halimbawa n~g magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira n~g ano
mang pag-aari nila, ó makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan
sila ó magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa.

Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.

Ang m~ga anák n~g amáng laya at n~g inang alipin ay nagiging alipin
ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay
magiging gaya n~g sa bugtong na anák.

       *       *       *       *       *

=M~ga di lubos na alipin.=

Ang bugtong na anák n~g isang magulang na alipin at isa'y laya ay
kalahatí lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod
n~g salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang
bahagi niyang laya.[12]

       *       *       *       *       *

=Katungkulang n~g alipin.=

Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay n~g sarili, n~guni't
kailan~gang maglingkod sa kanyang pan~ginoon sa panahon n~g paghahasik
at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan,
tumulong sa pagtatayo n~g bahay at maglingkod sa bahay niya kung may
panauhin.

Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod n~g bahay at may
katungkulang gumawa n~g ano mang ipagawa sa kanya n~g pan~ginoon sa
tanáng buhay niya.

Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod n~g salisihang buan. At
sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya n~g sa ganang kanyang
sarili ó kung sa pan~ginoon din niya ay may matuid na maipakabig sa
kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon n~g kanyang kalayaan
na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa
kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.

Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na
naglilingkod sa pan~ginoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito
ay naglilingkod din sa kanyang pan~ginoon n~g kapara niya.

Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang
araw sa pan~ginoon at tatlo'y sa kanyang sarili.

Ang aliping námana n~g dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay
naglilingkod sa bawa't isa sa kanila n~g ayon sa panahong
pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung
sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang
paglilingkod sa panahon n~g kanyang kalayaan at ayon sa kanyang
pagkaalipin.

       *       *       *       *       *

=Pagcalayà n~g alipin.=

Ang m~ga aliping _sagigilir_ at _namamahay_ ay nakaaalis sa
pagkaalipin kung nagbabayad sa pan~ginoon n~g katampatang halagá.

Ang halaga n~g salaping dapat ibayad n~g _aliping sagigilir_ upáng
maging _aliping namamahay_ ay limang putol na ginto ó higit pa, at
saká ang kalahati n~g boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung
sakaling may lumabis na isang paliyok ó ban~ga sa paghahati ay
binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upáng lubos na
mawala sa pagkaalipin at maging _timawà_ ó _maharlika_ ay kailan~gang
magbayad n~g sampung putol na ginto ó higit pa.

Ang paraan n~g pagbabayad ay nag-aanyaya n~g m~ga tao ang alipin at
sa harap n~g pan~ginoon at n~g m~ga kaibigan ay ginagawa ang
pagbabayaran at iba pang kailan~gan.

Di umano'y karaniwan ding ugali n~g m~ga Tagalog na sa oras n~g
kamatayan ay pinapagiging laya n~g pan~ginoon ang m~ga anák n~g m~ga
alipin na ipinan~ganak sa kanyang bahay.

At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang
aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu n~g alipin, na dili
iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.

TALABABA:

[5] Aní Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa
sa m~ga tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa
isang kautusang nasusulat ó nalilimbag, lubha pa't itong kautusang
nasusulat ay naipananaksil n~g m~ga may kapangyarihan. Ang katibayan,
anya n~g isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon n~g
papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo n~g magsisiganap, malaman mula
sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo n~g kailan~gan na
mátatag n~g walang pagkabago. Ang Tagarito n~gá, anyá, mula sa
pagkabata ay nakatátanto n~g kanilang m~ga alamat namumuhay at
lumalaki sa pan~ganorin n~g kanilang m~ga kaugalian, at hindi gaya
n~gayon na nagtatatag n~g m~ga kautusan sa bayan na di man lamang
nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.

[6] N~guni't ani P. Placenecia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de
Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pan~gulo ay pumipili sa ibang
balan~gay n~g mailalagay na pinakahukom at di umano'y may m~ga
kilalang gayong tao na humahatol n~g walan hilig.

[7] Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa
digmaan dito sa pagkakaayon-ayon n~g m~ga tuntunin, at di malayó
anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang
pinakapan~gulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo n~g Sultan sa
Borneo. Anya'y may m~ga kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo
nito.

[8] Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang m~ga anak
sa tunay na asawa ay nagsisipagmana n~g magkakasindami; ang m~ga anak
sa babaeng kinasama ay nagmamana n~g isang gayon; ang m~ga anak sa
alipin ay hindi pinamamanahan n~g ano man, n~guni't pinapagiging laya
sampu n~g kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang
uri ay nagpapakilala n~g taos na katalinuan at bait n~g m~ga dating
Tagarito.

[9] Ang dating ugaling ito n~g m~ga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali
n~gayon n~g maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't
matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya
pang nalalagay sa katua.

[10] Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan n~gayon n~g m~ga
Frances at m~ga Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling
na humatol sa m~ga sigalot n~g sambahayan na gaya n~g matatanda't m~ga
kamag-anakan nila na lubos nakatatalos n~g kanilang pamumuhay.

[11] Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang
umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua n~g nagkakasira ay sapat
makabatid n~g usap n~g ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (n~gayon)
na humahatol n~g usap na di niya talos, at sa m~ga taong ang kilos,
pan~gun~gugali at wika ay gayon din. Dito n~ga, ani Rizal, ay
napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin n~gayon n~g
lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung
minsan ay kailan~gang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling
di nasiyahan sa hatol n~g hukom, at ang m~ga usapin ay nagluluat n~g
di ano lamang na inaabot tuloy n~g m~ga anak, apo at
pinagkakailan~ganang paggugulan n~g lubhang maraming salapi n~g naapi
upang magtaglay n~g kaukulang hatol.

[12] Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na
kaugaliang matuid sa m~ga pan~ganoring malayo-pilipino, dahil sa
isinasa isa't isa ang kaukulang matuid.




=Ikapitong Pangkat.=

=Wikà=


Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat n~g lupain ay may maraming
wika, palibhasa't "ang bilang n~g pagkakapangkatpangkat, n~g wika sa
isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa
pagkakahagdanghagdan n~g katalinuan n~g bayánbayán." N~guni't halos
lahat n~g wika rito, maliban sa wikang _ita_ ay kagyat na wikang
_malayo_, at ayon sa sapantaha n~g halos lahat n~g mananalaysay ay
pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika.

Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may m~ga aklat at pangyayaring
nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may
nasasaysay, na "noong unang pumarito ang m~ga kastila ay nagsipagsama
n~g isang tagapagpaaninaw (ó interprete) na malayo at nákaunawaan n~g
m~ga tagarito." Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga
Kapangpan~gan na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at
sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan n~g kanyang sariling wika
at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinan~ganak sa dakong yaon,
anopa't tuloy sinabi sa kanya n~g isang matanda na kayo'y m~ga inapó
n~g m~ga nagsialis dito noong unang dako na nan~gamayan sa ibang
lupain at di na namin nan~gabalitaan (basahin ang Pinangalin~gan n~g
Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patun~go
sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa m~ga grumeteng
malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang
wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin n~g
pagkakaunawaan n~g m~ga portugés, kastila't italiano sa kanikanyang
wika.

Datapua't sa m~ga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang m~ga
pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika
sapagka't ang karamihan n~g salita ay magkapara at ang kaibahan n~g
ibang m~ga salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay _un_
sa bisaya, gaya n~g _sulatin_ ay _sulatun_, _kanin_ ay _kanun_,
_patayin_ ay _patayun_. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog
ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang
pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat n~g wikang _malayo
polinesia_", at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at
nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko n~gang sabi sa
unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang
tagalog ang m~ga kainaman n~g apat na pinakapan~gulong wika, dito sa
sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa
hebreo ay ang m~ga kababalaghan at m~ga malalalim na kahulugan; sa
griego ay ang m~ga artikulo at ang dali n~g pagbangit n~g ano mang
n~galan, sa latin ay ang kayabun~ga't karikitan; at sa kastila ay ang
pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang
totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya n~g
tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip n~g tao. Nariyan ang
ating m~ga awit, dalit, salawikain; ang ating m~ga padalahan, novena't
dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtun~gan; ang
ating kundiman at kumintang; ang ating m~ga palabas-dulaan, m~ga
aklat, man~ga pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal n~g kayamanan
n~g tin~gig n~g wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang
tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya n~g wikang árabe, at
malinaw nating namamalas sa m~ga awit, salawikain at babasahin ang
gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog n~ga
ay mapuno puno n~gayon n~g m~ga korrido ó awit ang ating m~ga tindahan
n~g aklat. At sa tulang tagalog ay sumilang ang m~ga bantog na sina
Francisco Baltazar G, Pilapil, at ibp.

Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa tin~gig ay
haluan din na gaya n~g inglés at iba't ibang wika, palibhasa't galing
sa kamalayahan, saka nakapamayanan n~g m~ga tagá iba't ibang lupa: ano
pa n~ga't sa wikang tagalog (sampú sa ibang man~ga wika rito) ay may
nahahalaw na man~ga salitang árabe, gaya n~g _utak_, _alak_,
_paningkayad_, _lahi_, _taksil_, _libo_, _lasap_, _sipat_, _sulat_,
_luhod_, _salamat_, _salawal_, _hukom_, _hiya_, _asawa_ at ibp; may
man~ga salita ring sanscrito, gaya n~g _kastuli_, _halaga_,
_kalapati_, _kuta_, _pana_, _sinta_, _kasubha_, _tinga_, _tumbaga_,
_laksa_, _yuta_ at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat n~g salitang may
kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pan~galan n~g
m~ga dios, n~g m~ga tala, n~g bilang na may kataasan, n~g m~ga
halaman, n~g digma sampu n~g m~ga bagaybagay at hanga nito at
katapustapusan ay ang m~ga pan~galan n~g m~ga titik n~g kamahala't
pagkamaginoo, ang pan~galan n~g ibang m~ga hayop, n~g m~ga
kasangkapang pangawa at ang pan~galan n~g m~ga salapi. Ano pa n~ga't
ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay hiniram na n~g
m~ga tagarito sa m~ga taga India ang m~ga salitang iyan at marahil ay
noong panahong ang kapangyarihan n~g India ay lumalaganap sa
kamalayahan na siyang pinagbuhatan n~g m~ga tagarito.

Bukod sa m~ga salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin
sa m~ga insik, gaya n~g _susi_, _impo_, _chaa_, _pisaw_, _tinsem_,
_sotanhon_, _mike_, _misua_, _pansit_, _bulang-lang_, _bihon_,
_mangkok_, _suliaw_, at ibang m~ga salitang kalakal-insik.

Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay
nakapaghalo rin n~g m~ga salitang tungkol sa pananampalataya, sa
karunun~gan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya n~g _Dios_,
_Espiritu_, _Santo_, _Vírgen_, _manzanas_, _sapatos_, _kabayo_,
_kumpisal_, _baso_, _misa_, _piso_, _tabako_, _parè_, _cura_,
_pamalo_, _biguela_, _karwahe_, _tranvia_, _mantika_, at iba pa.

Sa m~ga lupaing _malaya_ ay di natin masabing may hiram sapagka't ang
m~ga tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa
pagkakahawig n~g m~ga salita sa m~ga salita n~g lahat n~g wikang
malaya,[13] gaya n~g m~ga wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis,
Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang,
Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula,
Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian,
Gani, Sahoc, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua,
Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor,
Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor,
Solor, Bajaw, at iba pa.

TALABABA:

[13] Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay
Archipielago"




=Ikawalong Pangkat.=

=Pagbasa't Pagsulat.=


Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa m~ga mananalaysay, ay
pawang marunong bumasa't sumulat ang m~ga lalaki't babae rito.

Ang hitsura n~g sulat ay sulat-maláyo at di umano'y han~go sa sulat
n~g m~ga taga Arabia.

Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya n~g sa Árabe
at n~g wikang pahlabi n~g m~ga Persa noong Edad media; ang sa
Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa
Kapangpan~gan ay lálabing isa; n~guni't ang paraa't ayos ay
magkakaisa, gaya n~g makikita sa sumusunod:

       *       *       *       *       *

=Sa Tagalog.=

Ang m~ga bokal ay tatatlo lamang na gaya rin n~g sa árabe dahil sa ang
_e_ at _i_ ay iisa at gayon din ang _o_at _u_.

[Baybayin: "a" "e,i" "o,u"]

Ang m~ga konsonante ay labing apat at kasama na n~g bawa't isa ang
bokal. Ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlít na gaya
rin n~g sa m~ga árabe. Pagca walang tudlit ay _a_ ang tinig, hlb.

[Baybayin: ba, ka, da, ga, n~ga, ha la, ma, na, pa, sa, wa, ya, ta]

Pagca may tudlít sa itaas ay _e_ ó _i_ ang tiníg, hlb.

[Baybayin: be ó bi, ke ó ki, de ó di]

Pagca may tudlít sa ibaba ay _o_ ó _u_ ang tiníg, hlb,

[Baybayin: bo ó bu, ko ó ku, do ó du]

Kaya't cung ang isusulat ay bata ay,

[Baybayin: ba]

[Baybayin: ta]; kung bató ay [Baybayin]; cung butó, ay [Baybayin];
kung bati ay [Baybayin] at iba pa.

Ang ayos n~g lahat ay ganito rin.

Ang may tudlit sa itaas ay _e_ ó _ú_ ang tiníg at ang tudlit sa ibaba
ay _o_ ó _u_ na gaya rin n~g sa Tagalog.

_Sa Bulakan at Tundó._ Ang sa Bulacan at Tundó ay may caonting
caibahan sa Tagalog at itong sumusunod:

M~ga bokal: [Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba, ka, da, ga,ha, la, ma na, n~ga, pa, sa, ta, wa, ya]


=Sa Kapangpangan.=

Ito naman ang sa Kapangpan~gan.

M~ga bokal.

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga consonante.

[Baybayin: ba ka da ga la ma na n~ga pa]

[Baybayin: sa ta]

       *       *       *       *       *

=Sa Pangasinan.=

Ang sa m~ga taga Pangasinan ay ito naman. M~ga bokal:

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba ka da ga ha la ma na]

[Baybayin: pa sa ta wa]

       *       *       *       *       *

=Ilokano.=

Ang sumusunod naman ang sa Ilocano. M~ga bokal

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante:

[Baybayin: ba, ka, da, ga, la, ma, n~g]

[Baybayin: pa, sa, ta, ya]


       *       *       *       *       *

=Sa Bisayà.=

Ito naman ang sa Bisaya.

M~ga bokal.

[Baybayin: a, e ó i, o ó u]

M~ga konsonante.

[Baybayin: ba, ka, da, ga, ha, la, ma]

[Baybayin: na, pa, sa, ta, ya]

Ang ayos n~ga n~g lahat ay parapara na ang may tudlít sa itaas ay _e ó
i_ ang tinig, at ang may tudlít sa ibaba ay _o ó u_.

Ito ang ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito at sa ganito'y
nagcacaunawaan at agad nailalakip n~g bumabasa ang letrang kulang at
di umano'y nilalakipan din n~g m~ga tanda na gaya halimbawa n~g || na
aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp.; ano pa't gaya rin n~g wicang
_pahlabi_ ó _pehlebi_ n~g m~ga persa noon Edad media.

Ang paraan naman n~g pagsulat n~g tagarito ay minumulan sa itaas na
paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa
dacong kanan, na kaiba sa m~ga insik at m~ga hapón na minumulan sa
kanan at niwawakasan sa caliwa.[14]

Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó m~ga dahon n~g halaman na siya
ring inugali n~g m~ga taga ibang lupain n~g di pa natutuclasan ang
paggawa n~g papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó
patpat at di umano'y tinatawag na _sipol_. Ang m~ga susulatín naman ay
ang canilang m~ga tula at awit na siya nilang gawî ó kung dili ay
ginagamit sa pagtatala n~g bilang n~g canilang m~ga hayop at m~ga
kalakal at gayon din sa pagsulat n~g liham.

Ang paraang ito n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay agad napawì n~g
masacop na n~g m~ga castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes,
ay totoó n~g mahirap macasumpong n~g tagaritong nacasusulat n~g gayon;
n~guni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang n~gayon ang m~ga
Tagbanua sa Paragua n~g gayong pagsulat.

TALABABA:

[14] Tungkol dito sa ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay
pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananalaysay. Ani Marche
ay pahalang, ani Jambaulo na nakikita mandin n~g kasulatan dito na
malaong panahon bago ipinan~ganak ang Pan~ginoóng Jesu-Kristo ay gaya
rin n~g sabi ni Chirino na paibabang mula sa itaas, at ang sabi naman
nina Colin at Esguerra ay patiwali sa nabangit, dahil sa anila'y
paitaas na mula sa ibaba at ang pahalang ay inugali na lamang n~g
dumating ang m~ga taga España.




=Icasiam na pangcat.=

=Asal at gawi=


"Ang m~ga tagarito"; ani P. Chirino. "ay hindi gaya n~g m~ga insic at
hapón na mapagsikotsikot sa canilang pagbati, gayon man ay may
sariling bait at asal. Lalong lalo na ang m~ga tagalog na sa salita at
sa gawa ay m~ga magalang at mapagbigay loob. Nagsigaya sa atin (sa
kanila na m~ga kastila) n~g pagbati na nag-aalis n~g putong na isang
toalla ó diadema. Ugali rin na di tumatayo sa harap n~g m~ga taong
canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa n~g di lubhang sayad na
nag-aalis n~g takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang
balikat saka nakikipag-usap sa nakatataas sa kanila. Ang pag-galang na
inuugali sa pagpasok ó sa pagcacasalubong ay ang magpakayukod at iunat
ang isa ó dalawang kamay sa mukha: iduop sa m~ga pisn~gi, at saka
maupo ó maghintay kayang tanun~gin n~g ibig; inaaring masama ang
magsalita, kung hindi tinatanong...."

Sayang at di nasiyasat ni P. Chirino ang dahil n~g m~ga ganitong
galaw, na marahil ay may catuturan. Sa India ay may isang bayan na
cung magbatian ang m~ga tao ay tumitigil muna saca, idinuduop ang
camay sa tapat n~g pusò (na tahanan n~g damdamin), itinutuloy sa noo
(na tahanan n~g isip) at itinitigil sa bibig (na tahanan n~g
salita),--na ang ibig sabihin ay bago co salitain ang aking na sa
_loob_ ay akin munang _iisipin_ saca co bubukhin sa _bibig_: at di
malayong ang gayong pag-galang n~g m~ga tagarito ay may cahulugan ding
gaya naman n~g sa m~ga taga Indiang yaon.

Di n~ga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao n~g tanang
kinapal,--at ang bayang pilipino,--cung bagá ma't di siyang
pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang
gasinong carunun~gan datapua't paraparang may sacdal na
damdamin,--mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap,
at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa
carukharukhaan. Sa caibigan ay idinadamay ang buhay at sa isang
pakitang loob ay iginaganti ang yaman.

Sa m~ga gawain ay gayon din, at ani Morga'y: "ang m~ga tagarito ay may
mabubuting licás sa anomang hipuin, malilicsi't matatalino, bagá man
maiinitin."

At sa paghahanap buhay ay di rin maliligtaan nino man ang cay Morgang
salaysay na anya'y: "Ang gawa't hanap buhay n~g m~ga tagarito (na
babae) ay manahi n~g sarisari; gumawa n~g saya, humabi n~g sinulid, at
mag-ayos n~g bahay n~g canicanyang asawa't magulang, magbayó n~g palay
na bibigasin, at maghanda n~g bala na, mag-alaga n~g manoc at baboy
at man~gasiwa n~g bala na sa bahay, samantalang ang m~ga lalaki naman,
ay siyang sa pagbubukid, sa palaisdaan, sa pagdadagat at
pan~gan~gaso." Ano pa't dito sa licás n~g canilang pamumuhay ay
malinaw na natatanghal ang matuid na gampaning isinatao n~g Maycapal,
na ang magaang gawa ay sa babae sapagca't mahina at ang mabigat ay sa
lalaki sapagca't malacas.

Sa acalá co, sa hangang dito ay sapat n~g makilala ang asal n~g
tagarito sa canilang kilos at galaw, n~guni't hindi lamang ito. Sa
wica man ay namamalas rin ang asal, palibhasa't siyang calulua n~g
bayan: at sa _wicang tagalog_ hangang n~gayo'y nababacas pa sa m~ga
batian ang tawag na _Ale_, mang ó mama (amain) Ginoó at iba pa na
nagpapakilala n~g pagcamagalang; at gayon din ang tawag na _ka_ gaya
n~g _ka Maneng ka Biang_ at iba pa na nagpapakilala n~g
pagcacapatiran.

Sa catagang sabi n~ga ay di asal gubat na gaya n~g sabi n~g ibang
mananalaysay, cungdi isang ugaling mahal na tangkilikin n~g alin mang
lupaing may inimpoc na bait.




=Icasampung Pangcat=

=Pagkakalakalan.=


Ang pagkakalakalan dito na noon pang una'y laganap na bago natuklasan
ito n~g m~ga taga Europa ay isa sa m~ga pinakamahalagang bahagi n~g
kasaysayan n~g Pilipinas.

Kapagkaraka n~ga, di umano, ay may m~ga sadya n~g pamiliha't
tiyangihan ang m~ga bayan-bayan at balabalan~gay, lalong lalo na rito
sa Kalusonan at Kabisayaan, ang m~ga karaniwang kalakal ay bigás,
palay, isda, kayo, almas, m~ga bun~ga n~g kahoy, hiyas at iba't iba
pang m~ga kakainin kasangkapan at m~ga kagamitan sa lupaing ito.

N~guni't bukod sa m~ga pagkakalakalang ito n~g m~ga tagarito ay may
pakikipagkalakalan rin sa m~ga kalapit lupain, lalong lalo na sa m~ga
taga Malaya na nagsisidayo rito: kaya't n~g dumating rito sina Legaspi
ay may isang sasakyan n~g m~ga morong malayo na totoo nilang nakalaban
sa pulo n~g Bohol, at anáng m~ga nabihag (na m~ga morong malayo) ay
pan~gan~galakal ang kanilang ipinarito. At sa Cebu man ay may
nakatagpo rin ang m~ga kastila na sasakyang mula sa Siam na doo'y
nakikipagkalakalan.

Sa China at Hapón ay di mapag-aalinlan~gan na ang m~ga tagarito ay
may pakikipagkalakalan kapagkaraka dahil sa m~ga kasangkapang insik na
dito'y nan~gasumpun~gan noong una, saka maraming katunayan na sa atin
ay nagpapatotoo, gaya n~g sulat ni Legaspi kay Felipe II sa España, na
anya'y: "Sa dako pa roon niring aming kinatitigilan ay may malalaking
pulò na pinan~gan~ganlang Luzón, at Vindoro; na pinaparoonan taon-taon
n~g m~ga insic at m~ga hapón, upáng man~galakal. Ang kanilang dala'y
seda, lana, porselana, paban~go, tansò, lata, m~ga kàyong babarahin na
may culay at iba pa. Sa pagbalic ay nagsisipag-uwi sila n~g gintô at
pagkit. Ang m~ga tao sa dalawang pulong ito ay m~ga moro at pagcabili
n~g m~ga calacal n~g m~ga insic at m~ga hapón ay kinacalacal naman sa
iba't ibang pulò.

"Gayon din ang isang aklat n~g m~ga insic tungcol sa pagcacalacalan na
sinulat ni Chau-lu-cua ó Chan Ju-cua na sa pagbangit n~g tungcol sa
m~ga lupaing ito ay sinaysay na:

"Pagca ang m~ga sasacyan n~g man~gan~galacal (na insic) ay dumarating
sa doon~gang ito (dito sa Pilipinas) ay dumodoong sa isang dacong lual
... na inaaring tiangihan, at doon nan~gan~galacal n~g m~ga calacal
n~g lupain. Pagcadoong n~g sasacyan ay inaalayan n~g capitan ang m~ga
mandarin n~g m~ga puting payong. Ito naman ay ginaganti n~g m~ga
man~gan~galacal upang sila'y pagpakitaan n~g mabuting-loob n~g
ginoong ito. Ang m~ga calacal n~g lupaing ay pagkit na dilaw, sinulid,
perlas, susô, (ó sigay marahil), m~ga bun~ga n~g cahoy at cáyong yuta
(na marahil ay sinamay ó huse ó pinya), ang calacal n~g m~ga insic ay
porcelana, ginto, tinga m~ga basong sarisaring culay, cawaling bacal
at m~ga carayom."

Ang paraan naman di umano, n~g pan~gan~galacal n~g m~ga insic dito,
anáng ibang m~ga mananalaysay ay tinatambol ang canilang _gongs_
pagdating upáng malaman n~g m~ga tagarito na may sasacyan n~g calacal
na dumating at agad naman sumasalubong ang m~ga tagarito na sumasacay
sa canilang m~ga munting bangca.

Bucod sa nan~gabangit na lupaing ay nan~galacal rin dito marahil ang
m~ga taga iba't ibang lupain sa Asia, sapagca't noong siglong ica
labing pito, ani P. Delgado, ay nakikipagcalacalan rito ang m~ga taga
Malabar, taga Koromandel, taga Bengala, taga Kambodhe, at marami pa.

Balican co uli ang m~ga calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na
alipin na di umano'y dito napagkikilala ang yaman n~g m~ga tagarito na
gaya rin marahil noong panahon nina Abrabam, na ang may pinacamaraming
alipin ay siyang pinacamayaman. Ang pinacamalaking pamilihan sa
calacal na ito ayon sa m~ga casaysayan ay sa Butuan, (Mindanaw,) na
doon nagdadalá ang m~ga tagá Borneo, at taga iba't ibang lupaing
calapit upang magbilí, hangang sa nagcamurang totoo, na noong 1573 ay
ipinagbili rito sa Maynila, n~g anim na piso't cahati lamang ang isá.
At maraming sasacyan dito sa Luzón, anáng isang mananalaysay, ay
dumadayo sa Butuan, upáng mamili, sapagca't bucod n~ga sa m~ga bihag
n~g m~ga moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati
m~ga insic at hapón n~g m~ga galing namán sa canicanilang lupain.

Gayon din ang calacal na sigay na isa sa m~ga calacal na dinadayo rito
n~g m~ga taga Siam, taga Kambodhe at m~ga taga iba pang lupain dahil
sa siyang pinacasalapi sa canicanilang lupain.

Bagay naman sa m~ga mahalagang bató rito na ang iba'y kinacalacal n~g
m~ga tagarito ay di co na bangitin dahil sa nan~gan~gailan~gan n~g
totoong mahabang salaysay sa cayamanan n~g lupaing ito sa m~ga
mahalagang bató.

Tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit n~g salapi, cung di
gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang
m~ga mananalaysay. Ang pan~galan n~g m~ga panimbang, ani Dr. Pardo de
Tavera, ay pan~galang insic gaya n~g _tael_ ó _tae_ na nababahagi n~g
dalawang _tinga_ at isang _tinga_ ay may isang _sapaha_ at isang
_sapaha_ ay pitong _sema_ at ang caliitliitan, di umano, ay ang
_sangasahe_; n~guni't sa pagtimbang n~g m~ga calacal ay gumagamit n~g
_pikul_. At sa pagsucat ay dangcal, sico at dipa ang inuugali.
Sinasapantaha rin ni Dr P. de Tavera na dito'y nagcaroon n~g m~ga
salaping galing sa India, dahil sa tawag na _salapi_ na pan~galan n~g
salapi sa India.




=Ikalabing isang Pangcat.=

=Sasakyang-tubig.=


Ang m~ga tagarito ay gaya rin n~g hapón at ibp. na nagkaroon n~g
kanilang m~ga sasakyan-tubig na ayon sa kanilang katha. Kung paano at
saan nila pinag-aralang gawin ay di natin batid, bagá man sa akala
ko'y sa kamalayahan Ang m~ga sasakyang ito ay siya nilang ginamit sa
pamamalakaya n~g isda sa pagtawid-tawid at pagkakalakalan at gayon din
sa pakikidigma.

Tungkol sa m~ga sasakyang ito, ani Morga, ay sarisaring hitsura. Ang
iba'y m~ga bankáng lulanán n~g kanilang m~ga kalakal na m~ga
isinasadsad cung gabi sa m~ga pasigan at baybayin, at ang iba sa m~ga
ito ay malakílalakí na iisahing layag at taganás na tablang
pinapagduopduop. Ang m~ga ito ang canilang ginagamit sa m~ga ilog at
bangbang na nan~galoloob sa lupain. Nagsisigamit din n~g m~ga
balan~gay na malalaking sasacyan at matutuling patacbuhin magíng sa
unahan at magíng sa hulihan at nacapaglululan n~g maraming mangagaod
sa magcabicabilang panig at napatutulin n~g tulong n~g saguan, pangaod
at tikin habang tinitimban~gan n~g iba sa magcabilang panig na tuloy
tinutugmaan nilang lahat n~g m~ga awit[15] na siya nilang
pinagcacaunawaan cung patatacbuhin n~g matulin ó n~g marahan. Sa
ibabaw nito ay may isang lapag na nacatatakip sa m~ga mangagaod. Ang
lapag na ito ay matibay na nalalacaran n~g m~ga taong pangdigma at
nilululanan n~g ayon sa caya n~g sasacyan. Sa lapag na ito naglalagay
n~g layag na pinapagtitibay sa dalawang cahoy ó cung may calac-han ang
sasacyan ay pinapagtatatlo ang cahoy ó cawayan at ang namamahala naman
sa tun~go n~g takbo n~g sasakyan ay sa hulihan lumalagay. Bukod dito'y
may hinubugang balangkas na may atip na pawid at siyang ginagamit na
pinakakarang kung umuulan ó sumisikat ang araw: anó pa,t, pawang
nasisilong ang tanáng lulan. Ang magkabilang panig n~g sasakyan ay may
katig na malalaking kawayan na duopduop na baga ma,t, sumasayad sa
tubig ay dí nakababagal sa takbo at ito'y siyang tumitimbang na mabuti
sa sasakyan at nakahahadlang tuloy sa pagkataob kung sakaling napúpunô
n~g tubig. Ngunit may lalo páng malalaki na nakapaglululan n~g isang
daang mangagod sa bawa't panig at sa ibabaw ay tatlong pung sundalong
pandigma.[16]

Sa m~ga tagarito naman, dí umano, ay maraming marunong tumabas at
gumawa n~g m~ga sasakyang-tubig, na lalong lalo na sa Katanduanes na
aní Morga ay magagaling na mangagawa ang m~ga tagaroon na
nan~gakagágawa n~g malalaki,t matutulin na ipinagbibili nila sa m~ga
kalapit pulo. At saká dí umano'y nan~gakagágawa rin n~g m~ga huegong
sasampuin at lalabing dalawahin na pinapagsususonsuson at pawang buong
puno na pinag-ukáan lamang saka pinapahiran n~g alkitran.

TALABABA:

[15] Ani Colin ay m~ga awit na kanilang isinasaulo at itinutugma na
kanilang paggaod sa m~ga sasakyan, at binabangit sa kanilang m~ga
pistaha't sayawan at sa lahat n~g gawaing pinagtutulun~gan. Ang
binabangit, di umano, sa m~ga pag-awit ay ang m~ga kagilagilalás na
pamumuhay n~g kanilang m~ga Dios.

[16] Ang m~ga tagarito, ani Rizal, na di lubhang alan~gan sa m~ga taga
Marianas tungkol sa pagdadagat ay dí lamang dí nasulong, kungdí
naurong pa sa katalinuang ito, at kung baga man anya't n~gayo'y
nakagágawà rito, n~g m~ga sasakyang-tubig ay halos pawang kaanyo na
n~g sa m~ga taga Europa. At yaong m~ga sasakyang nakapaglululan n~g
isang daang mangagaod at tatlong pung sundalong pandigma ay naparam
na; at ang m~ga lupaing ito na noong unang dako ay nakagágawa n~g m~ga
sasakyang halos 2000 tonelada ay nan~gan~gailan~gan na n~gayong sa
m~ga kalapit lupain magpagawa na gaya sa Hong-Kong upáng doon ibigay
ang salaping kinukuha rito sa m~ga mahirap.




=Ikalabing dalawang pangkat.=

=Almás=


Ang m~ga almás na ginagamit n~g m~ga tagarito, anáng m~ga unang
nakakita ay pana't bosóg, sibat, sungdang, sandata ó kris, talibong,
kampilan, baluti na sun~gay n~g kalabaw na di umano'y sa Siam
nangagaling at iba't iba pa na hangang n~gayo'y ginagamit n~g m~ga
moro at n~g m~ga taong gubat. Nagsisigamit din n~g sarisaring kalasag
at n~g m~ga damit na cuero at iba pa na sa labanan ay makasasangalang
sa kanilang katawan.

Bukod dito'y nagsigamit n~g almás na nakapagpapahilagpos n~g maraming
sibat, n~g m~ga lantaka ó m~ga munting kanyón: kaya n~g dumating rito
di umano, ang m~ga kastila ay nan~gakasumpong dito sa Maynila, Kainta,
Taytay at Lubang n~g m~ga kuta na may m~ga lantaka ó munting kanyon.

At dito sa Maynila, anáng ibang m~ga mananalaysay ay nagkaroon n~g
pagawaan n~g kanyón at n~g pabubuan n~g pulburá, na di umano'y wari
nasa pan~gan~gasiwa n~g isang portugés at n~g isang tagarito na
nagn~gan~galang Panday Pira.

Sa Kabisayaan ay wari gumamit din n~g m~ga almás na ito, dahil sa
isang sulat ni Legaspi sa hari tungkol sa m~ga morong natuklasan sa
Panay, na anya'y: "Itong m~ga huli ay may m~ga artillería (ó pagawaan
at pabubuan n~g kanyón, baril at pulburá) na sila rin ang bumububô at
gumágawa pati n~g m~ga pulburá at n~g iba't ibang almás" saka niya
sinundang "Ipinadadala ko po sa iyo iring dalawang almás na tanso na
yari n~g m~ga moro sa lupaing ito upáng paniwalaan po n~g iyong
kamahalan ang katalinuan nila sa paggawa at pagbububô n~g m~ga
canyón."

Ani J.P. Sanger at n~g m~ga kilalang mananalaysay n~gayon ay sa m~ga
insic at m~ga moro marahil nan~gatuto nito.




=Ikalabingtatlong Pangkat.=

=Dating ugali tungcol sa Pag-aasawa.=


Lahat n~g lupain ay may canicanyang caugalian sa pag-aasawa, at ang
Pilipinas, palibhasa'y isang lupain, ay may sarili ring caugalian
tungcol sa bagay na ito.

Sang-ayon sa ugaling ito cung nag-aasawa ang sinoman ay pinagsisicapan
na ang maging asawa ay caangcan at cabalan~gay, maliban sa lubhang
malapit na camag-anac na ibinabawal.

Ang sino man ay hindi nacapag aasawa n~g hihigit sa isa, at cung
sacaling may ibang kinacasama, ay pinan~gan~ganlang _sandil_;
datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali n~g
iba ang asal n~g camorohan na nag-aasawa n~g dalawa ó tatlo, bucod pa
sa m~ga kinacasama.

Sa pag-aasawa naman ay kinauugalian na ang maginoo ay sa kapwa
maginoo, ang timawa ay sa kapwa timawa at ang alipin ay sa kapwa
alipin; n~guni't naghahalo-halo rin kung minsan, ano pa't mabuti (ani
Rizal) kay sa dating ugali sa Roma at sa ibang lupain sa Kanluran ó
Europa na ang may mababang uri ay hindi na naaaring makapag-asawa ó
makalakip sa may mahal na uri.

Bago ipagdiwan ang pag-aasawa ay pinagkakayarian muna ang ipagkakaloob
na _bigay-kaya_ (dote) na sa Bisaya ay _bugey_.

Ang nagbibigay n~g _bigay-kaya_[17] ó _bugey_ ay ang lalaki,[18] na
hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito[19].

Pagkatapos na pagkayarian ang _bigay-kaya_ ó _bugey_ ay ipinagdidiwan
ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan n~g
magaasawa.

Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo n~g m~ga
maharlika ó timawa upang siyang lumakad n~g pag-aasawa niya. Bago
yumaon ang m~ga ito ay nagdadala n~g isang sibat, sibat n~g maginoong
mag-aasawa, at pagdating sa bahay n~g magulang n~g kakaisahing-dibdib,
ay isinasaksak ang sibat sa hagdanan na nilalakipan n~g pagdalan~gin
sa kanilang m~ga diyos at m~ga kanunuan upang sila'y kalin~gai't
pagpalain sa kanilang pakay. Pagkatapos n~g pagkakasunduan ay
ginaganap ang pagkakaloob n~g _bigay-kaya_ na ang karaniwang halaga ay
isang daang putol na ginto na maaaring palitan n~g m~ga alipin ó m~ga
hiyas. Kung magkagayo'y sumasama ang babae sa pagparoon sa bahay n~g
kanyang bibiyanin na pasan n~g isang lalaki at pagdating sa hagdanan
n~g bahay n~g magiging asawa, ay nagpapakunwari munang ayaw pumanhik,
at sa ganito'y sinasalubong n~g biyanan at pinan~gan~gakuan na
pagkakalooban n~g isang alipin; kung makapanhik na, ay nagpapakunwa
uli n~g hindi pagtuloy agad, hangang sa di muna pan~gakuan n~g
panibago, at gayon din sa pagpapakain at pagpapainom. Pagkatapos n~g
m~ga pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang lalaki at ang babae,
ay tumatayo ang isang matanda at sumisigaw na tumahimik ang lahat,
saka sinasabing: _Si Gat Maitan ay nakikipag-isang-dibdib kay Dayang
Matî; n~guni't kung kanyang pababayaan at hindi niya kakalin~gain, ay
iiwan siya at di sasauli sa kanya ang "bigay-kaya", at si Dayang Matî
ay mag-aasawa sa iba. Datapwa't kung si Dayang Matî naman ay masamang
asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya
at mag-aasawa sa ibang babae,_ saka pinasasaksihan sa m~ga kaharap.
Pagcatapos nito ay kumukuha n~g isang pingang kanin, lumalapit ang
isang matandang babae at hinahawakan ang m~ga kamay n~g m~ga
nag-iisang dibdib, na idinuduop muna sa tapat n~g puso saka
pinapagkakamay at kung magkayo'y tinatagnan ang pingan n~g kanin at
isinasabog sa lahat, saka sumisigaw n~g malakas ang matandang babae na
tinutugon naman n~g gayon din n~g m~ga kaharap at sa ganito'y
mag-asawa na ang lalaki't babae.

Ang timawa cung mag-aasawa sa capwa timawa ay di na nagdidiwan n~g
ganito, cundi pinaglalapit lamang, pinapagsasalo n~g pan~ginoon sa
isang lumbó, saca sumisigaw ang matandang babae at mag-asawa na.

At ang m~ga alipin (sagigilir, marahil), palibhasa'y
nan~gamaman~ginoon ay di na nagdidiwan n~g ano pa man, cundi sucat na
lamang sa pagcacasunduan ay mag-asawa na.

Sa Bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan n~g catagalugan ay
may ibang ugali. Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo n~g magulang
ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati n~g
_bigay-kaya_ ó _bugey_ na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay
_kalabgayan_. Datapwa't cung ang sino man sa magulang n~g lalaki ó
babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan n~g ayon sa utos
at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa m~ga bata, dahil sa
pagsapantahang ang magulan ang nag-udyoc ó humicayat. N~guni't cung
ang magulang ay patay na, ay nagsasaulian lamang n~g ipinagpauna at di
na naguusapin.

Inuugali rin ang sa paglilingcod ó sa pa ninilbihan na sa Bisaya'y
tinatawag na _pangagar_, na ang lalaki ay naglilingcod sa magulang n~g
babae hangang sa gayong panahon, at ang cadahilanan n~g ganitong
paglilingcod ay upang mataroc ang ugali't asal n~g lalaki cung
mácacasundo, na siyang dating caugalian n~g m~ga Hebreo ó m~ga taga
Israel: caya't si Jacob ay naglingcod muna sa canyang biyanang cay
Laban bago naging-asawa si Rakel.

Pagdating n~g tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang
caganapang _bigay-kaya_ na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya
ay _ligay_ ó _dahik_, ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa
ipinaghahanda pa't pinaggugugulan n~g lalaki, ayon sa canyang caya't
calagayan.

Datapua't bucod sa _bigay-kaya_ ó _bugey_, na cabuoan n~g _kalabgayan_
at n~g _ligay_ ó _dahik_, ay tungculin n~g lalaki na magcaloob nitong
m~ga sumusunod, na lahat ay pawang may canicanyang tawag ó pan~galan:
ang caloob na ibinibigay sa pagpanhic sa bahay n~g biyanan ay
pinan~gan~ganlang _pasaka_; ang ipinagcacaloob n~g lalaki upang maca
upong casiping n~g cacaisahing-dibdib ay _patupar_; ang ipinagcacaloob
sa biyanang babae dahil sa m~ga puyat na dinanas at sa gatas na
naipasuso sa panahon n~g pag-aalaga, ay _himaraw_ ó _himuraw_ at sa
tagalog ay _panghimuyat_ (galing sa salitang pagpupuyat) at di umano'y
ang karaniwang ipinagkakaloob ay halagang walong piso; ang
ipinagkakaloob sa bumilang n~g _kalabgayan_ ó ipinagpauna n~g
_bigay-kaya_ ay _binarian_ at ito'y binibilang sa tugtog n~g kampanang
ginagamit at di tinitigilan ang tugtog hangang di matapos ang
pagkakasal; ang ipinagkakaloob sa lumakad n~g pag-aasawa ay _himukaw_;
kung bao ang babae, ay pinagkakalooban din ang kapatid n~g kinabauhan
at pinan~gan~ganlan _himalo_ ang kaloob na ito; ang ipinagkakaloob sa
m~ga alipin n~g biyanan ay _pankol_; ang ipinagkakaloob sa natigatig
sa bagay bagay n~g pag-aasawa ay _pahinankol_; ang ipinagkakaloob
upang maisama ang babae sa bahay n~g lalaki ay _padara_ ó _patabuk_
kung sakaling itatawid pa ng ilog ang ipinagkakaloob, upang mahugasan
ang m~ga paa n~g babae pagdating sa bahay ay _pamaú_; at ang
ipinagkakaloob sa pag-aalis n~g panyo sa ulo ay _patakas_. Ito'y sa
Bisaya n~guni't sa Tagalog man di umano ay ganito rin.

Kung sakaling malaki ang _bigay-kayang_ ipinagkaloob n~g lalaki ay
pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na
_pasunod_, na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang
alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong _bigay-kayang_
ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay
binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay
patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang
m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.

Sa pagdiriwang n~ga pagkakasal ó pag-aasawa ay humaharap ang _katalona
ó babaylona_ na isang matandang babae na siyang tagapan~gasiwa sa m~ga
ganitong bagay. Ang lalaki't babae ay nauupo sa dakong kinauukulan
nilang upan ó kung dili ay sa kandugan n~g isang matandang babaeng
kamag-anak na siyang pinaká-iniina. Pinapagsasalo nito n~g pagkain ang
lalaki't babae sa isang pingan at sa pag-inom sa isang lumbo, at
pagkakai't pagkainom ay hinihiling n~g lalaki na maging asawa niya ang
kanyang kaharap at pagpapaoo n~g babae ay pinagpupurihanan n~g m~ga
kaharap na saksi sa pagdiriwang yaon, saka binabasbasan n~g
tagapan~gasiwa at tuloy binabati na sila nawa'y guminhawang lubos,
magkaanak, magkalupain at magtaglay n~g mahabang pamumuhay. Kung
magkagayo,y sumasayaw na sinisibat ang isang baboy na handa na
kapagkaraka at dito natatapos ang pagkakasal, saka naman ipinagdidiwan
n~g m~ga inanyayahan na pinupuri ang bagong kasal na nan~gagsasayaha't
nan~gaglalasin~gan. Ang pagdiriwang ito ay hangang sa paglubog n~g
araw at ang iba'y tumatagal n~g ilang araw ayon sa kalagaya't
katungkulan n~g ikinakasal.

Kung sakaling di nagkasundo ang lalaki't babae ay nagdadaos n~g
panibago at muling naghaharap n~g isang baboy, na sa harap noo'y
sumasayaw ang lalaki na may hawak na isang sibat, at habang sinisibat
ang baboy ay nakikipanayam sa kanyang _diwata_ ó _dios_ at hinihiling
na papagkaisahing lubos ang kanilang kalooban at sa gayo'y inaasahang
ang lalaki't babae ay magkakasunod at mabubuhay na payapa.

Kung ang mag-asawa naman, sa kanilang pagsasama ay hindi magkaanak, ay
tinutulutan n~g babae na lumakip ang lalaki sa kanilang aliping babae
na dati ring kaugalian n~g m~ga Hebreo at ito't ating natutunghan sa
Banal na Kasulatan na tinulutan ni Rakel si Jakob na lumakip sa
kanyang aliping kay Bala, dahil sa siya'y hindi mag-kaanak.

Tungkol sa m~ga anak, ay ang anak lamang sa asawa ang kinikilalang
anak sa kautusan at ang sa _sandil_ ó babae ay hindi.

Kung nagkakaalit, ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa
m~ga ganitong sigalot ay ang m~ga kamag-anakan nila't ang m~ga
matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan n~g m~ga
inglés at n~g m~ga frances tungkol sa paghihiwalay n~g mag-asawa,
sapagka't sa m~ga ganitong sigalot n~g m~ga kabahay ay makapupong
mabuting humatol ang m~ga kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang
pantas at hukom, magpakadunong dunong man. Basahin ang Kaugalian
Pinanununtunan sa kapasla~gan at Sigalutan.

TALABABA:

[17] Ang _bigay-kayang_ ito, ay sinapantaha n~g m~ga manunulat na
pagbili sa babae; n~guni't sa akala ko ay dahil sa di nila pagkabatid
n~g kahulugan n~g salitang ito na dili iba't kaloob ó handog na ayon
sa abot n~g nagdudulot at hindi bayad: kaya't kay Rizal, ang asawang
tagalog ay hindi babaeng insik ó aliping mahometana na nabibili sa
magulang ó sa _bazar_ upang pagtamuhang lugod n~g asawa ó pan~ginoon;
at hindi rin babaeng taga Europa na sa pag-aasawa ay nawawala ang
pan~galan, (kundi ang asawang tagalog ay malaya at pinakukundan~ganan,
siyang sinasangunian n~g lalaki sa ibang gagawin; siya ring
tagapag-in~gat n~g salapi at siyang nan~gan~gasiwa sa m~ga anak na ang
kalahati ay kanya ano pa n~ga't ang bigay kayang ito ay hindi bayad,
(ani Rizal) kungdi isang alaala sa pagod at puyat na ginugol n~g
magulang sa pagpapalaki sa kanya.

[18] Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol n~g pagkakaloob
n~g _bigay-kaya_ kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi
nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung
magkaasawa ang lalaki n~g mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.

[19] Matwid, ani Rizal, na ang babae ang pagkalooban n~g _bigay-kaya_
(dote), sapagka't ang babaeng pilipina ay hindi isang pasan maging sa
asawa at maging sa magulang, kundi tulong, at sa ganito'y kailan~gang
alalahanin n~g ano mang kayang kaloob ang kanyang nilisang magulang sa
pagkahiwalay niya. At ang gayon pa mang magulang na n~g babae ang
tumatangap n~g _bigay-kaya_ at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas
pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari
ipinagmamadalian n~g magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang
sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.

Bukod dito, ani Rizal din, kung nag-aasawa ang lalaki ay hindi
nagtataglay n~g mabigat na pasan sa pag-aasawa, kundi bagkus
nakakasumpong n~g kasama't katulong sa pag-aayos n~g kanyang pamumuhay
kaya't ang babaeng pilipina ay hindi namamalakaya n~g asawa, kundi
pumipili n~g kanyang ibig.




=Ikalabing apat na Pangkat.=

=Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihin~galô, Paglilibing at
Pagluluksâ.=


Ang dating ugali n~g m~ga Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi
lubhang kaibá kay sa dating ugali n~g iba't ibang lahi at lupain.


PAGHIHIN~GALÔ:

Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hin~galo ay nagdáraos n~g
kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang _katolona ó katalona ó
babaylana._ Ang _katolona_ ay siyang pinaka _paré _ ó pinaka _pastor_
na tagapan~gasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin. At ang
_katolona,_ kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa
ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás,
nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at
canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing
nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa _anito_ ó _diwata_ na
kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang
may-sakít ay mamamatay ó hindi. Habang ginanagawa itó n~g _katolona_
ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog n~g isang campana saca
humahawac n~g isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay
inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka _alta_ ó dambana na
casabay n~g canin, saging, alác, at iba pang pagcain. Kung matapos ang
m~ga pagdalan~gin ito at ang maging hula ay gagaling ang may-sakit,
sila'y nan~gagsasaya't at nagkakainan, naglalasin~gan at tulo'y
inaawit ang m~ga pagca bantog n~g m~ga kanunuan n~g may-sakit, na
siyang m~ga _anito_ ó _duratang_ canilang dinadalan~ginan; n~guni't
kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw n~g katolona ang may-sakít
sampu n~g m~ga pinagcacasactan, at sinasabing ibig n~g m~ga _anito_ na
ang may-sakít ay macasama nila at mácabilang. Sa ganito ay maginhawang
namamatay, ang may-sakít, sanhi sa paniniwalang siya'y luluwalhati, sa
cabilang buhay[20] at gayon din ang m~ga cabahay na sa pananalig na
ang may-sakít ay luluwalhati, hindi na nan~gagtataglay n~g samá n~g
loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'y mapasa caginhawahan sa
cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya,
nagcacaina't nag-aawitan. Sa casayaha't pagcacainang ito, ang
katolona ang cumacain n~g pinacamabuting lamán n~g baboy at n~g iba
pang m~ga hayin[21]. Datapwa't kun ang pagsasayang ito ay abutin n~g
pagcalagot n~g hininga n~g may-sakít ay agad itinigil ang pagsasayá at
ang nahahalili ay ang panaghuyan n~g m~ga cabahay dahil sa pagcalisan
sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawaláng
sila n~g pagcacakitaán at di umano'y bumabayad pa n~g ibang m~ga
tagapanaghoy.[22]

Pagkatapos na mataghuyan ay hinuhugasan[23] ang bangkay sa tugma n~g
isang mapanglaw na tugtugin na sinusuob n~g m~ga panuob na dagta n~g
m~ga kahoy na di makapagpapabulok[24] at ang m~ga ito'y
nangatutuklasan sa m~ga bundukin dito sa Pilipinas, saka binibihisan
n~g m~ga pinakamainam na bihis, ayon sa kalagayan n~g namatay na tuloy
sinapatan. Ang m~ga may kapangyarihan ay pinapaban~guhan[25] bukod pa
sa sinusuob at ginágamot[26] n~g m~ga gamot na di makapagpapabulok na
pinakatatan~gi ang katás n~g aloe. Ginagamit din ang katás n~g ikmo na
ibinubuhos sa bibig anopa't, mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito,
n~g makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang násumpun~gang
di pa bulok ó tunaw.

Matapos mapanan~gisan at malapatan n~g gamot na laban sa pagkatunaw ay
isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at
nilalagyan n~g m~ga putól-putól na gintô sa bibig at sa m~ga mata[27].
Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't, di
masisimuyan n~g han~gin ang loob, at ang tabas at anyô ay parang
munting bangka.

Pagkatapos n~g lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang
ano mang paghahatiran ó kung sakali ma'y ang m~ga kasambahay lamang
ang nagsisisama; n~guni't ani Colin, ay may m~ga tagapanaghoy na
nagsisipanan~gis.

       *       *       *       *       *

=PAGLILIBING=

Tungkol dito sa paglilibing ay iba ang sa m~ga taga Bisaya at iba ang
sa m~ga taga Hulo at Mindanaw.

Ang m~ga Tagalog ay naglilibing n~g kanilang bangkay sa kanikanyang
sariling bahay, na iniin~gatang malaon sa m~ga kaban ang m~ga buto[28]
at iginagalang ang m~ga bun~go[29] na parang buhay at kaharap.

Ang m~ga kabaong na ito ay inilalagay sa tatlong dako, ayon sa ibig at
pasya n~g namatay: sa itaas n~g bahay na kasama n~g m~ga hiyas[30] ó
sa ibaba kaya sa lapag ó kun dili ay sa silong na inilalagay sa hukay
na di tabon at nababakuran, saka sinisipin~gan n~g isang baul na punô
n~g m~ga pinakamaiging damit n~g namatay at tuloy hinahainan n~g
sarisaring pagkain sa oras oras. Ang m~ga lalaki ay sinisipin~gan n~g
kanilang m~ga kasakbatan at ang m~ga babae ay n~g kanilang
kasangkapang pangawa.

Kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong
at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba
pang nan~gatitira, n~guni't ani Delgado ay dahil sa nilalapitan n~g
asuwang ó n~g ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa
umalin~gasaw at di tuloy main~gatan.

Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang n~g isang kasayahan
sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay _tibaw_ at sa
bahay n~g namatayan idinaraos[31]. Sa pagdiriwan n~g kasayahang ito
ay naglalagay sa pintuan n~g bahay n~g isang pasóng tubig upang
mapaghugasan, n~g isang banig na may abo upang mabakas ang m~ga paa sa
pagpasok; at sa dulang ay tinataanan n~g pinakapan~gulong upuan ang
namatay saka nagkakaina't naglalasin~gan na tuloy inaawit ang
pamumuhay at kagalin~gan n~g namatay, kung siya'y naging magaling na
man~gan~gaso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.

Ang m~ga taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa m~ga
yun~gib[32] n~g m~ga bundok at ang tabi n~g libin~gan ay hinahainan
n~g m~ga pagkain at sinisipin~gan n~g kaban n~g damit at kung lalaki
ay sinisipin~gan n~g m~ga kasakbatang ginagamit nila gaya n~g sibat
kalasag at ibp. tuloy pinababaunan n~g m~ga kambing baboy usa at ibp.
at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay
sinasamahan n~g aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang m~ga
kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan n~g m~ga
mangagaod at m~ga alipin[33] na kanyang makakatulong at ang tawag
dito n~g m~ga taga Bisaya ay _bálon_ na sa Tagalog ay _baon_; at kung
babae naman ay m~ga kagamitan n~g babae ang isinisiping gaya n~g m~ga
panghabi kayo at ibp.

Nagsisipaglibing din naman sa m~ga batong burol[34] na malapit sa
dagat at sa ibabaw n~g isang malapad na bato sa Katbalogan ani Delgado
ay nakita niya ang maraming kabaong at m~ga bun~go at buto. Ang m~ga
gayong dako na pinaglilibin~gan ay lubhang pinagpipitaganan nila,
dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastan~ganin
ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay _balin_ ito'y
dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan n~g kidlat ó iba pang
kapahamakan kaya: kaya't sa m~ga dakong libin~gan nila ay naglalagay
n~g bantay ó tanod upang huag daanan n~g ano mang sasakyan at sino man
ay huag magsalita n~g kahit ano sa gayo't gayong panahon, dahil sa
malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.

Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba; iniupo ang bangkay sa isang upuang
maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan n~g alkampor na
isinisilid sa pamamag-itan n~g isang panghihip na bungbóng na
hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay
at di natutunaw. Matapos ito ay inililibing n~g paupo[35] sa yun~gib
na kanilang ginagawa sa ilalim n~g lupa, saka hinahainan sa harap n~g
isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at n~g iba't ibang pagkain
pa, at niwawakasan sa pagdaraos n~g kanilang kaugaliang pagdiriwan, na
ani Delgado, ay naaáyon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitágoras.

       *       *       *       *       *

=PAGLULUKSÂ=

Tungkol naman sa pagluluksa, ani Chirino, ay nagdadamit n~g itim ang
m~ga tagalog at hindi kumacain n~g carne't isda, kundi kaunting gulay
lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyón ay _sipa_; n~guni't
ani Delgado ay hindi kumacain n~g canin, hangang sa di macabihag (n~g
kaaway marahil) at nagdadamit n~g yantók na inikid na umaabot hangang
sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano
pa't kung hindi makabihag ay nagluluwat n~g hangang isang taón na
nan~gan~galirang at nan~gan~gayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa
kaugaliang ito ay _maglahi_.

Ang m~ga taga Bisaya kung nagluluksa ay nag-dadamit n~g puti, saka
nag-aahit n~g buhok sa ulo at gayon din sa kilay na pinakatanda n~g
kanilang pagdaramdam.

Pagka pan~gulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan n~g malaon ó ilang
araw ayon sa kalagayan n~g namatay, at sa boong panahong ito ay walang
maririnig na pukpukan ó kain~gay man sa alin mang bahay. At ang m~ga
tao sa pangpan~gin ay naglalagay n~g pinagcacakilanlang tanda upang
huag daanan n~g anomang sasakyán na ang lumabág sa ugaling itó ay
nagdaranas n~g maban~gis na parusa.

Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan n~g di kawasa sa kanilang m~ga
panaghoy at sa kanilang paghahandog n~g m~ga hayin na lubhang
ipinagsasayá.

Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa
n~g malaon at hindi ipinag-aalis n~g luksa hangang di maigantí. Ang
pagganting itó ay ginaganap sa m~ga pumatay, sa m~ga kaaway at sa m~ga
taga ibang bayang di kaibigan.

Ang luksa naman n~g m~ga babae na pinan~gan~ganláng _moratales_ ay
gaya rin n~g sa m~ga lalaki; n~guni't hindi n~ga lamang nangbibihag ó
pumapatay man upang makakain n~g canin, kundi nagsisisakay sa isang
balan~gay (bangka) na nilululanan n~g saganang pagkain, saka nagsasama
n~g anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa
ang tumitikin at tatlo pang matatapang na lalaki na may naipakita n~g
kagilasan. Ang m~ga ito'y napasa sa ibang bayang kasundo nila na
habang namamangka ay inaawit ang kanilang m~ga katapan~gan, ang
kanilang m~ga nabihag at napatay sa digma na itinutugma sa paggaod; at
pagdating sa bayang pinaroroonan ay nakikipagsayaha't
nakikipag-lasin~gan doon at kung gayon ay inaalis ang kanilang m~ga
balabal na puti at ang kanilang m~ga suot na yantok sa bisig at
n~galan~gala saka kumakain n~g kanin at nagsusuot uli n~g m~ga
hiyas[36].

TALABABA:

[20] Ito'y minasama n~g m~ga paring manunulat n~guni't ani Rizal, ay
matwid at si Cristo man anya, kaya naparito sa lupa ay upang magturo
n~g isang Religion n~g pag-ibig at pag-asa na makaaaliw sa kahirapan
n~g nasa hirap, at sa ganito anya ay bakit pa paitin ang m~ga huling
oras n~g pamumuhay, bakit papaghihirapin at papag-aalapapin ang isang
kapatid sa gayong kakilakilabot na m~ga sandali n~g paglipat doon sa
walang hangang bayan?

[21] Hanggang dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ang ganitong hanap
buhay ay pinakikinabangan saan saan man.

[22] Ang ugaling ito ay natutunghan pa natin sa m~ga santong kasulatan
na si Job ay isa sa nanganyaya n~g m~ga taga panaghoy at gayon din sa
Kanaan at iba't iba pang lupain.

[23] Hindi kakaunting aklat ang ating kababasahan n~g ugaling ito na
dating ginagawa n~g m~ga taga Persia, taga-Ejipto at ipa ba.

[24] Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag
matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong
ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang m~ga taga Peru ay
nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan n~g gamot at
sa lupang maapog na lamang itinatapon.

[25] Ang pagsuob at pagpapaban~go sa bangkay ay lubhang matandang
kaugalian at hindi lamang ang m~ga dating Romano at Griego ang
nag-ugali nito, kun di pati n~g Hebreo na gaya n~g ating nababasa sa
paglilibing kay haring Asa.

[26] Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay
inugali rin n~g maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil
kapaniwalaang ang kaluluwa'y nagbabalik uli at ani Simon Henry Gage,
ay sinaysay ni Diodoro ang kapanalígang ito noong taong 484 bago
nakatawang tao ang Pan~ginoóng Jesucristo.

[27] Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming
baon ay sasalubun~ging mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay
inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling
magdadagat ay maibayad sa sasakyán at sa ganito ay ating nababasa ang
pagtawa ni Luciano sa kanyang m~ga kalupain noong una, tungkol sa
bangka at bayad ni Caronte na gaya rin n~g ginawa nina Hircano at
Herodes sa libin~gan ni David.

[28] Ang pag-iin~gat n~g m~ga buto ó abo kaya na pinakaalala ay ugali
n~g maraming bayan at sa akala ko ay upang madala nila saan mang
lupain ó bayan sila malipat, gaya na n~ga n~g ibinilin ni Jose sa
kanyang m~ga kapatid na kung tamuhin nila ang lupaing sa kanila'y
inpinan~gaco n~g Dios ay huag iwan ang kanyang m~ga buto sa lupain n~g
Egipto.

[29] Ani Rizal ay makapupong magaling na igalang ang m~ga bun~go't
butó n~g kanilang m~ga magulang at kanunuan na siya nilang
pinagkakautan~gan n~g buhay, bait at n~g halos lahat, kay sa igalang
ang buto't buhok (reliquia) n~g m~ga di umano'y santo na di man lamang
nila nakilala ó nakaulayaw at marahil ay di makaalala sa kanila kailan
man.

[30] Ito'y naaayon sa ugali n~g m~ga dating taga Hebreo, Persa at
India, at gayon din sa dakong kanluran n~g Arabia noong panahon ni Job
na ang yama't hiyás sa libin~gan ay marami pa kay sa na sa bahay nilá.

[31] Ang ugaling ito ay ugali rin n~g iba't ibang lahi na, magpiging ó
mag anyaya pagkatapos n~g paglilibing; at dito sa Pilipinas ay
pinagtakhang malabis n~g m~ga taga Europa at hangang sa tinatawanan
kung minsan; datapua't ani Rizal, ay matwid gawin ang kasayahan yaon,
dahil sa kapaniwalaan dito noon una na ang namatáy ay giginhawa. At
n~gayon, ani Rizal, bagá man napawi na ang kapaniwalaáng yaón at
sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala n~g iba pang kahulugan,
kundi ang kaugalian na lamang n~g m~ga Tagarito na di maaring di
aluki't handaan n~g umaaliw at umaambag sa namatayan, ay sinasapantaha
n~g m~ga taga Europa na isang pigin~gan. Ang katunayan, anya, na hindi
pigin~gan ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman
ay hindi na pinipilit sa pagdulóg sa dulang na kung sa bagay ay ugali
rito. Anya'y ang _pasiyam_ sampu n~g _katapusan_ ay isang
pakikipagsiyam n~g m~ga kaibiga't kamag-anak sa kabahay n~g namatay,
at ang m~ga ito, palibhasa't nan~ga sa bahay ay hinahandaan n~g kahit
ano na siyang ugali; n~gunit hindi piging ó paganyaya, sapagka't ang
m~ga Tagarito ay hindi nagaanyaya n~g _chaá_ lamang sa anomang
pigin~gan. Ang _catapusan_ na pinakahuling araw n~g pagsisiyam, ay
tila anyayahan na dahil sa higit na sa _chaá_ at ang katunaya'y
hapunan na n~ga; dapatwa't ito'y sanhi n~g ugali n~g kalahatan dito na
ang ano mang bagay ay niwawakasan n~g mainam, at sa ganito'y lalong
sumasaya dahil sa siyang huling araw, at sapagka't ang Tagarito ay
walang ugaling magwalang kibo na di paghandaan ang m~ga panauhin ay
sinapantaha ito n~g m~ga taga ibang lupain an isang pistahan ó
sáyahan.

[32] Ang pag-iin~gat n~g bangkay sa m~ga yun~gib at kung saan saan ay
ugali n~g m~ga taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang
bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip n~g _ba_ (ó káluluwa) at
n~g _chu_ (ó pag-iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan n~g
_ka_ na espíritung nananahanán sa libin~gan at siyang sa tao ay
"kumakalin~ga: nagpapanatili, nakapagpapalinis, nakapagpapa galing at
nakapagpapasaya" at di umano'y isang espiritung laging kasamasama n~g
tao, at sa ganito'y pinakaiin~gatan ang bangkay at ipinipili n~g m~ga
mapagtataguan.

[33] Ani Colin ay nakita niya ang paglilibing sa isang pan~gulo sa
Bohol na sinamahan n~g pitong pung alipin. Si P. Chirino ay may
binangit din sa kanyang aklat na ganito.

[34] Ang paglalagay n~g bangkay sa matataás na lugal ó dako at gayon
din ang pagbibitin sa m~ga punong kahoy ay inugali n~g ilang lahi
noong una at marahil, ay upang main~gatang huwag malapa n~g hayop.

[35] Itong ugaling maglibing n~g paupo ay dating kaugalian sa Hilagang
América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog n~g Bretania.

[36] Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti
at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa
digma namatay, ó kung pinagliluhan.




=Ikalabing limang pangkat.=

=Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga Tagarito.=


Kung paanong ang m~ga tagarito ay may dating sariling ayos n~g
pamamayan at pag-uugali ay may dati ring sariling religion ó ayos n~g
pagsamba't pananampalataya.

Ang pagsamba't pananampalatayang ito n~g m~ga Tagarito ay iba't iba,
dahil dito sa Luzón ay may kaibahan at gayon din sa Bisaya at
Mindanaw.

Ang religion dito sa Luzón ay ang pananampalataya sa Diyos na Maykapal
at Lumikha n~g boong sangsinukob na pinan~gan~ganlang _Bathala_[37]
n~g m~ga Tagarito.

Itong Diyos _Bathala_ na kadakidakilaan at nasa kaitaas-itasaan ay
hindi ipinagtatayo n~g simbahan ó inaalayan man n~g ano mang
hayin[38].

Ang Diyos _Bathala_ ring ito ay mayroong maraming Tagapan~gasiwa dito
sa sandaigdigan na siyang nan~gan~gasiwa sa kanikanyang kinaroroonan.
Ang m~ga ito'y ang m~ga pinan~gan~ganlang _anito_ n~g m~ga Tagalog, na
ang iba'y nan~gan~gansiwa sa m~ga magsasaka, ang iba'y sa m~ga
magdadagat, ang iba'y sa m~ga mandidigma, ang iba'y sa m~ga sakit at
ibp. Bawa't isa nito'y may kanikanyang pan~galan at siyang m~ga
pinakapintakasi; kaya't ang kanilang pasintabi't hayin ay naririnig at
námamalas sa lahat n~g dako dahil sa ganang kanila'y may pintakasi
saa't saan man, mapa sa kati't mapasa tubig at mapa sa lupa't, mapa sa
lan~git: anopa't ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno n~g m~ga
pintakasing anito nila.

Ang karamihan nitong m~ga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang
m~ga kanunuan[39] na lubha pa yaong nan~gabantog sa pamumuhay, dahil
sa ayon sa kapanaligan n~g m~ga dating Tagarito ay napapa sa
kaluwalhatian ang m~ga namamatay.

Bukod dito sa m~ga anitong nabangit ay kumikilala sa m~ga larawang
sarisaring hugis na kanilang iniin~gatan sa kanikanilang bahay at
gayon din sa m~ga yun~gib na pawang inaalayan n~g m~ga paban~go,
pagkain at m~ga bun~ga n~g kahoy. Ang m~ga hugis di umano n~g m~ga ito
ay nan~gakahalokipkip ang m~ga kamay at nan~gapapatong ang m~ga siko
sa m~ga tuhod (na marahil ay nan~gakapaninkayad), kung minsa'y
nan~gadidiit ang m~ga bisig sa m~ga tagiliran at nan~gapapatong ang
m~ga kamay sa puson ó kun dili ay nan~gahabalokipkip sa dibdib at ang
kamay ay nan~gapapatong sa m~ga dakong itaas n~g suso.

Nan~gagsisisamba rin sa araw at buwan[40] gaya n~g m~ga taga Asiria at
sa m~ga hayop at ibon na gaya n~g m~ga taga Egipto. Dito sa
katagalugan di umano'y may sinasambang ibong[41] kulay bughaw ó asul
na pinan~gan~ganlang _Bathala_ na dili iba't siyang pan~galan n~g
Dios: at sa uwak na pinan~gan~ganlang _May-lupa_ ó may-ari n~g lupa
ang ibig sabihin.

Ang mababan~gis na hayop na gaya n~g buwaya at iba pa ay kanilang
iginagalang at pinagbibigyang pasintabi; n~guni't di umano'y dahil sa
takot at hindi sa anomang bagay, at sa ganito'y binábangit nila sa
kanilang panunumpa na _lamunin ako n~g buwaya kundi ko tuparin:_
kaya't n~g kumilala sa Pamahalaan n~g España ang m~ga pan~gulo dito sa
Maynila at Tundó noong taong 1571 ay nan~gagsisumpa di umanong:
_sila'y ilubog n~g araw, at sila'y lamunin n~g m~ga buwaya at sila'y
kapootan n~g m~ga babae kung magculang sa canilang pan~gaco._ At upang
mabigyan pa n~g lubhang katibayan ang sumpang itó ay ginaganap ang
tinatawag nilang _pasambahan,_ na di umano'y nagsahaharap n~g larawan
n~g isang malaking hayop, saca sinasabing _lamunin sila noon cung
hindi sila tumupad n~g canilang pan~gaco,_ at pagcatapos ay nagsisindi
n~g isang candila at saca muling nagsabi na _cung paanong nauupós ang
candilang yaon ay gayon din mauupós ang magculang._ At sa ganito'y
napagkikilala na ang canilang pagpapasintabi sa m~ga hayop ay
maipaparis sa pagpapasintabi n~g taga Egipto sa m~ga pinasisintabian
naman nilang m~ga hayop din.

Ang ibang malalaking bató sa m~ga pangpan~gin ay pinagbibigyán
pasintabi na pinag-aalayan n~g hayin cahi't ano, isang putol na tikín
halimbawa. At dito sa ilog Pasig di umano'y may isang malaking bato
na ayon sa naging capaniwalaan ay buwayang naging bató (marahil sa
Guadalupe) at pinagbigyán din pasintabi n~g m~ga namamangka na
inaalayan n~g cahit ano hangang sa sinira di umano n~g m~ga pareng
agustino ang batong yaon at tinirikan n~g isang cruz, saca pinagtayuan
n~g isang munting simbahan na ipinatungcol cay San Nicolás.

Ang matatandang punong cahoy at lalong lalo na ang puno n~g baliti[42]
ay pinagbibigyan ding pasintabi at sa ganang canila'y casalanan na
pagisipang putulin, at ang dahil di umano'y siyang sinisilun~gan at
tinatahanan n~g m~ga anito[43].

Ang m~ga anitong nabangit (palibhasa'y hindi casinsacdal ni Bathala)
ay siyang m~ga ipinagtatayo n~g m~ga moog at bahay dalan~ginan na
canilang pinan~gan~ganlang _ulan~go._ Ang m~ga _ulan~go_ namang ito ay
moog na cawayan ó torre na ani P. Chirino ay marikit ang pagcayari
ayon sa caniyang nakita sa Taytay. Ang m~ga _ulan~gong_ itó marahil ay
hindi dalan~ginang bayan, sapagca't di umano'y sa canicaniyang bahay
ginaganap ang pagdalan~gin, ó cung sacali man ay bihirang gamitin n~g
bayan.

Ang pagdalan~gin ay idinaraos cailan ma't may cailan~gan silang
hilin~gin sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa
pagcacasakit upang gumaling ó sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa
cabilang buhay ay mahan~go at sa ibang bagay pa, ay ang m~ga nuno
nilang anito ang tinatawagan na di umano'y siyang m~ga nacacaalám n~g
calagayan n~g nan~gandoon sa cabilang búhay at m~ga sumasagót sa
dalan~gin n~g _catalona,_ cung halimbawa namang sa pag-paroon sa digma
ó sa pagsalakay at upang magwagí ay ang hubog n~g lan~git ang
dinadalan~ginan na canilang pinan~gan~ganlang _bataubaw;_ at gayon din
sa iba't ibang dahilan. Bucod dito ay nagsisidalan~gin sa Diyos
_Inaginid_ at sa Diyos _Amakawdak_ na dinidiyos din nila at marahil ay
sa ibang bagay naman.

Ang nan~gan~gasiwa sa pagdalan~gin ó lumalagay na pinacaparê ó
pinacapastor ay ang _catalona_ na siyang nanunungcol nito. Ang paraan
naman n~g pan~gan~gasiwa ó pagdalan~gin nitó ay mababasa sa _Dating
caugalian tungcol sa Paghihin~galó_» at gayon din sa «_Dating
caugalian tungcol sa Pag-aasawa»_ pati n~g canilang bihis at sangcap.
Ang m~ga katolonang, ito, ani Colin, ay mayayaman ano pa't nanánamit
n~g maririkit at nag hihiyas n~g maiinam[44].

Ang m~ga _catalonang_ ito, bucod sa siyang-tatawagin sa ganganitong
cailan~gan ay siya ring m~ga sangunian sa bala na (na siyang m~ga
tinatawag natin marahil na _manghuhula_ at gaya rin marahil n~g m~ga
astrologo[45]) sa Egipto na siya namang dating sangunian n~g m~ga
tagaroon.

Tungcol sa capanampalatayahán bagay sa m~ga caluluwa ay
nan~gananampalatayang may cabilang búhay na kinaroroonan n~g m~ga
caluluwa n~g namamatay, at naniniwala ring may ibang calagayan ang
mabubuti at may iba ang masasama. Ang sa mabubuti ay pinan~gan~ganlang
_caluwalhatian_ at sa tula ay _ulugan_ at ang sa masasama naman ay
_solad_ ó _casamaan._

Doón sa _kaluwalhatian,_ anila'y nacararating din ang nan~gamamatay sa
tabac, ang nan~gásasacmal n~g buwaya at ang nan~gamamatay sa lintic ó
kidlat at di umano'y sa pamamagitan n~g bahag hari umaakya't na
canilang pinan~gan~ganlang balan~gaw.

Sa pan~gin~gilin naman, ay hindi nan~gin~ginlin ang m~ga tagarito,
maliban cung ang m~ga lalaki ay pasa digma, at cung ganito'y hindi
gumagawa ang m~ga babae sa boong panahóng yaon. At gayon din sa pitong
araw n~g pagpapasimula n~g pamumun~ga n~g m~ga halamana't bukiran, na
hindi bumabayo n~g palay at hindi rin nagpapapasoc n~g taga ibang
bayan, dahil sa di umano'y panahon n~g pagdalan~gin sa Diyos upang
pagcalooban sila n~g mabuting áni.

TALABABA:

[37] Itong salitang Bathala anáng maraming mairugin sa sarili natin
wika ay han~go sa Sanscrito at nábabasa sa isang aklát n~g ating
calupaing manunulat na si G.P.A. Paterno,--sa dahong ica 36.

[38] Ani Gat Rizal ay dahil sa inísip marahil n~g m~ga Tagarito na ang
Dios na Maycapal n~g sangsinucob ay hindi nan~gan~gailan~gan n~g
gayong tahanan ó n~g m~ga pang-libang at pangpalupag-loob, dahil sa
Siya'y laging matuid at pantás at hindi nagbabago dalá n~g canyang
pagka Dios.

[39] Ang m~ga taga Grecia noóng una ay may ganito ring
pananampalataya, na ang sandaigdigan ay punô n~g canilang m~ga bantog
na canunúan na pinipintacasi nila.

[40] Aní Gat Rizal ay napagkikilalang may matuid sila sa pagsamba sa
araw at buwan, sapagca't anya'y ¿ano't di sasambahin ang sagísag ng
cagandahan, n~g cawalang hangan at n~g pagca Dios?--¿anong bagay sa
isipan n~g tao ang hihigit pa sa araw tungcol sa casacdalan, sa
cabutihan, sa cagandahan at hangang sa máihuhuwad sa cawalang
hangan?--Sa buwan naman, anya'y napagmamalas na siyang aasawa n~g
araw, siyang diosa at dahil dito'y sinasamba rin.

[41] Tungcol dito sa ibong bughaw ó asul na binangit n~g ibang
manunulat na anila'y pinan~gan~ganlang Bathala ay walang ganitong
culay ani Rizal, cundi dilaw na siyang _culyawan_ ó _cilyawan_,
Marahil aní Rizal ay walang ganitóng ibon, at cung nagcaroón man ay
maitutulad sa agila ni Jupiter, sa pavo real ni Juno, sa calapati ni
Venus, ó sa ibat íbang ibong kinatha lamang sa isip, ano pa't m~ga
sagisag na caraníwang paghalintularan sa pagca Dios, n~g tanang tao.
Ang ibon anyang ito na bughaw ó dilaw ay siya marahil na sagisag n~g
Dios na Maycapal na pinan~gan~ganlang Bathala, at sapagca't hinahamac
n~g m~ga misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay
pinagcamalán nila marahil, Anya'y maigagaya rin naman sa m~ga Ita't
Igulot na cung iya namang macakita n~g sagisag n~g Espiritu Santo ó
n~g sa m~ga Evangelista na calapati, toro, leon, atb, ay hindi
malayong ibalita naman n~g m~ga ito sa canilang m~ga caibigan na ang
m~ga cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro sa leon at ibp. ayon
sa pagcasagísag sa m~ga yaon.

[42] Ang puno n~g baliti rito ay isang maitutulad sa m~ga puno _lotus_
sa Egipto, China at India na pinacagagalang at pinakabigyang pasintabi
n~g m~ga tagaroon. At sa Indi di umano'y ang calasutsé ang tinatawag
na _lotus._

[43] N~g m~ga anito marahil na pinipintacasi nila sa parang at bukid.

[44] Aní Rizal, ay napagkikitang saa't saan man ay pinakikinaban~gan
ang ganitong tungculin ó hanap-buhay.

[45] Ang m~ga nanghuhula n~g magyayari ayon sa calagaya't anyo n~g
m~ga tala.




=Ikalabing anim na Pangcat.=

=Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga tagarito.=

_(Karugtong)_


Sa pagsamba't pananampalataya sa Kalusunan; ay mapagmamalas n~g sino
mang mapag-aral n~g iba't ibang religión na yao'y isang religiong
haluán: at sapagka't hindi ang nasa ko rito'y saysayin ang dahil n~g
pagkakahalohalong yaon, kundi isaysay lamang ang dating ugali n~g m~ga
Tagarito, ay ipatutuloy ko ang tungkol naman sa Kabisayaan.

Ang m~ga taga Bisaya ay sumasampalataya rin n~g halos kagaya n~g m~ga
taga Luzón, dahil sa ganang kanila, ang Bathala nating lumalang n~g
sangsinukob at lumikha n~g tanang kinapal ay kinikilala rin at
kanilang pinamamagatang _Laon._

Kumikilala rin sila sa m~ga anito na sa kanila'y _diwata,_ na dili
iba,t ang kanila ring m~ga kanunuan na pinipintakasi't tinatawagan sa
bala n~g kailan~ganin, maging sa kati't maging sa tubig, maging sa
buhay na ito at maging sa kabila.

Nan~gagsisikilala ring gaya ang m~ga taga Luzón sa m~ga larawang
sarisaring hugis na iniin~gatan sa bahay ó kung dili'y sa m~ga yun~gib
na pawang inaalayan n~g paban~go, pagkain at ibp. at dito sa
kabisayaan (sa Sebú) nakakita n~g ganito si Pigafeta[46] na anya'y
nakadipa ang m~ga kamay, nakabuka ang m~ga hita at patiwarik ang bali
n~g m~ga paa; ang mukha'y malaki at may apat na malaking n~gipin na
kasinglaki n~g m~ga pan~gil n~g baboy-damó at nan~gakukulayan[47].

Sa araw at bwan naman ay nan~gagsi sisamba rin na gaya sa Kalusunan:
At dito nakita ni Pigafeta ang paraan n~g pagsamba sa araw, na anya'y
ganito:

Sa pagpapasimula ay tumutugtog n~g ilang malaking tambol; saka
naglalapit n~g tatlong pingan; na dalawa'y punô n~g kanin at n~g mais
na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may káyong
kambray at dalawang hidahon n~g palma Naglalatag n~g kayong kambray sa
lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matandang babae na bawa't isa'y may
tan~gang pakakak. Pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray na
nalalatag at tuloy gumagalang sa araw, sakâ isinusuot nila ang
nabangit na kayo. Kung magkagayon ay nagtatali n~g panyô sa ulo ang
isa sa m~ga ito na sa noo ibinubuhol na pinag sisikapan na magkaroon
n~g dalawang parang sun~gay at pagkatan~gan n~g ibang panyô ay
sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak at tuloy gumagalang sa
araw.

Ang isa namang matandang babae ay dumadampot n~g isang dahon n~g palma
at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak.
Ang pagsayaw nilang ito at paghihip n~g kanilang m~ga pakakak ay
nagluluat n~g kaonti at kanilang sinasabayan n~g pagsasaysay sa araw
n~g sarisaring bagay.

Matapos ito ay binibitiwan n~g isang matandang babae ang panyô niyang
hawak sa kamay at dinadampot ang dahon n~g palma at kapwa humihihip
n~g kanilang pakakak at sumasayaw na matagal sa palibot n~g isang
baboy na nakahanda sa lupa. Ang isa'y nagsasaysay na marahan sa araw
at ang isa naman ang sumasagot. Ano pa't ang araw at ang dalawang
matandang babae ay parang may pagkakaunawaan.

Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae n~g
isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang
ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó
makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay
iniwiwisik ang alak sa pusò n~g baboy. Kung matapos yaon ay
binibitawan ang kopa, at humahawak n~g isang sibat na kanyang
pinaiikot sa kamay, habang sumasayaw at nagsasaysay at makaapat ó
makalimang iniuukma ang sibat sa pusô n~g baboy; n~guni't sa
katapustapusan ay isinisibat at pinapaglalagpaslagpasanan, saka
binubunot ulî na tinatakpan ang sugat at tuloy binabalot n~g damo.

Habang idinadaos ang ganitong pagdidiwan ay may apoy na laging
nakahanda at hinihipan na pinapatay n~g matandang babaeng sumisibat sa
baboy; samantalang ang isa naman ay isinasawsaw ang kanyang pakakak sa
dugo n~g baboy at saka itinatanda yaon sa noo n~g kanyang asawa at n~g
kanyang m~ga kasama at pagkatapos ay sa lahat n~g kaharap.

Kung magawa nang lahat yaon ay hinuhubad n~g dalawang matandang
babaeng yaon ang kanilang balabal at dinudulog ang nasa dalawang
pingan na walang inaanyayahan, liban sa m~ga babae lamang. Pagkatapos
ay inaalisan n~g balahibo ang baboy sa apoy at ang m~ga matandang
babae lamang ang nakagagawa noon at ang hayop na ito, di umano, ay di
maaaring kanin kailan man, malibang patayin n~g ganitong paraan.

Sa malaking bató sa m~ga pangpan~gin ay nan~gagpapasintabi rin:
kaya't sa isang dako n~g pangpang sa Potal na nasa pulo n~g Panáy ay
nan~gag-aalay ang m~ga magdadagat n~g pingan at bala na.

Gayon din sa malalaking punong cahoy na ipinacatatan~gi rin ang baliti
na di pinuputol at bagcus na ipinacacagalang.

Sa pagdalan~gin at sa anó mang pagsanguni ay sa _katalona_ rin
ipinan~gan~gasiwa na canilang pinamamagatang _babaylana_.

Nan~gagsisipaniwala ring may cabilang buhay; ano pa't ang canilang
pagsamba't pananampalataya ay masasabi nating caisa n~g m~ga taga
Luzón palibhasa'y caisang lahi; n~guni't bucod dito sa nan~gabangit ay
may iba pa silang capanaligan na siya nilang ikináiiba at dili iba't
ang sumusunod.

Ang iba'y cumikilala sa Dios _Lisbusawen_ na di umano'y siyang
kinacasama n~g m~ga caluluwa sa isang bundoc na nasa pulô n~g Burney
(marahil ay Borneo).

Ang iba naman ay kumikilala sa Dios _Sidapaw_ na siyang nagtatangkilik
n~g isang malaking punong kahoy sa isang mataas na bundok sa Panay na
pinan~gan~ganlan _Mayas_ ó _Maya_ at ang Diyós na nabangit di umano'y
siyang sumúsucat doon n~g buhay n~g tanang kinapal na pagdating sa
kanyang sukat ay namamatay na walang pagsala.

Nan~ganiniwala rin na may Diyós sa Infierno[48] na canilang
pinan~gan~ganlang _Suinuran_ at _Suigaguran_ at sa camay n~g m~ga ito
nahuhulog di umano ang balang caluluwang mamatay, at may Diyós namang
tagapagdalá n~g caluluwa sa Infierno na pinamamagatang Diyós
_Magwayan_, na pagdating sa balan~gay nito ay sinasalubong n~g Diyós
_Sumpoy_ na siya namang tagapaghatid sa Diyós Suiburanin (casama
marahil n~g Diyós Suinuran at Diyós Suigaguran) na anila'y siyang
tagasacop sa lahat ang caluluwa, maging mabuti't maging masama;
n~guni't ang m~ga ito, di umano'y hindi pinababayaan n~g Diyós Pandake
(na nasa bundoc din n~g Maya); kundi agad tinutubos dito sa
pamamagitan n~g m~ga _maganito_ na siyang pan~galan n~g m~ga haying
inihahandog sa canya roon sa bundoc: at sa ganito, ani P. Delgado, ay
hindi lubhang pinagsisicapan ang pagpapacabuti, cundi ang
pagpapacasipag upang magcaroon n~g pangtubos.

TALABABA:

[46] Si Pigafeta ay isang italiano na kasama ni Magallanes sa
pagkasumpong n~g m~ga kapuluang itó, at siyang tan~ging; sumulat n~g
aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang «Ang
unang paglalakbay sa Palibot n~g Sandaigdigan».

[47] Anang iba'y hindi lahat ay gayon; kaya't sa ganang kay Rizal ay
ang masasamang dinídiyos lamang marahil ang may malaking n~giping
kasinglaki n~g pan~gil.

[48] Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging
kapanaligan din na ibang nan~gábansag na lupain, gaya sa Persia, India
at atb, n~guni't marahil ay napulot ito n~g m~ga taga Bisayang Malayo
sa Religiong «Hinduismo» n~g m~ga taga India at siyang inugali hangang
dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa
tatlong pinakapan~gulong Diyós ay kumikilala pa sa Diyós _Yana_ na di
umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos _Ganesa_ ó _Ganabali_ Diyós
n~g karunun~gan at tagahawi n~g kapansanan; sa Diyós _Kartikeya_ na
pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang _Sunya_, sa
buwan na tinatawag nilang _Soma_ at sa ibp.




=Ikalabing pitong Pangkat.=

=Dating pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga tagarito.=

(_Karugtóng_)


Tungkol sa kapanampalatayahán n~g hulíng bahagi n~g Pilipinas, na
Hulo't Magindanaw, ay dapat malaman muna na ang m~ga tagaroon ay hindi
namayang sabay-sabáy, kundi ang iba, na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray
atb, ay siyang nan~gauna; at ang iba naman ay masasapantahang m~ga
kasabay ó kasunod n~g m~ga taga Malayang nagsipamayan sa Borneo noong
dacong 1400.

Mapaniniwalaang ang pananampalataya n~g m~ga unang namayan doon na
gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos
kagaya n~g dating pananampalataya n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa
Luzón: at sa catunayan n~g dumating dito ang m~ga taga España ay may,
nasumpun~gan pang isang daco sa Mindanaw na pinan~gan~ganlang De
Flechas ó n~g m~ga Pana na balang magdaan doon ay naghagagis n~g pana
na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan
sila'y macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa m~ga bahagi
n~g capanaligan n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón, na alayan
n~g cahi't ano ang m~ga pooc na kinalibin~gan n~g canilang m~ga nunò.
At cung bagama't nalimutan na ang canilang pinaca-Bathala ó
pinaca-Laon ay sanhi marahil sa pagcahicayat nila sa Mahometismo ó
pananalig kay Mahoma na taglay n~g m~ga huling nacapamayan nila.

Ang m~ga sumunod ó huling namayan sa Hulo't Mindanaw ay ang
nan~gabangit nang casabay ó casunod n~g m~ga namayan sa Borneo noong
dacong 1400. N~g panahong yaon ay halos laganap na ang pananalig cay
Mahoma sa Kamalayahan at sa ganito ay mapaniniwalaan at siyang
pagcaacala rin n~g m~ga bagong manunulat na ang m~ga yao'y
nagsisipanalig na cay Mahoma n~g magsidating sa Hulo't Mindanaw, at
siya tuloy na m~ga humicayat sa m~ga dinatnan At ayon sa sali't saling
sabi n~g m~ga moro sa Mindanaw, aní Dr. Barrows ay si Kabunsuan ang
humicayat sa canila. Ito'y isang taga Johore na anac n~g isang
lalaking taga Arabia at n~g isang babaeng taga Malaya. Si Kabunsuan ay
dumating sa Mindanaw na may maraming casamang nananalig sa canya at di
umano'y siyang pinangali~gan n~g m~ga dato sa Mindanaw. Sinasapantaha
na si Kabunsuan ay isa sa m~ga inapo ni Mahoma sa dugo n~g cayang
amang taga Arabia: caya't han~ga n~gayon daw ay ipinagmamalaki ni Alí
at n~g m~ga dato sa Mindanaw na sa canilang m~ga ugat ay umaagos pa
ang dugo n~g profetang si Mahoma, na siyang nagtanyag n~g bagong
religiong mahometisimo na pinacareligion n~g m~ga taga Hulo't
Mindanaw.

Ang mahometismo n~g m~ga taga Hulo't taga Mindanaw ay di lubhang
cagaya n~g tunay na mahometismo, dahil sa ang lahat n~g religion
habang tumatagal ay nababago n~g nababago. Gayon, ma'y inaasahan co,
na sapagca't siyang religion n~g isang bahagi n~g Pilipinas ay
maitatanong din m~ga magiliwin sa ganitong casaysayan, «cung ano ang
religiong mahometismo» At ang religion mahometismo ay ang itinanyag ni
Mahoma na anya'y wala liban sa isang Dios at siya ang profeta n~g Dios
at tuloy sinulat niya ang _koran_ na n~gayon'y siyang pinaka Biblia
n~g m~ga moro.

Si Mahoma ay anak n~g isang babaeng judia na naging kristiana at n~g
lalaking si Abdallah na palasamba sa m~ga diosdiosan (idolo). Siya'y
ipinan~ganak sa Arabia noong taong 569 at mula sa kanyang pagkabata ay
naulila sa kanyang m~ga magulang: anopa't ang nagpalaki sa kanya ay si
Abu Taleb na kangyang mabuting amain. Nang siya'y magkadalawang pu't
limang taon ay naglingkod kay Kadihah na isang matandang baong taga
Mekka na mayama't maran~gal, at sa kagandahang asal ni Mahoma ay
naibigan hangang sa naging asawa. Sa ganito'y siya'y nagcasalapi at
naluwagan sa canyang pamumuhay; anopa't nagcapanahon n~g pag-aaral at
pagmamasid n~g m~ga bagaybagay sa sandaigdigan.

Noon naman, ang Arabia na kanyang kinamulatan, ay siyang maitutulad
n~gayon sa Estados Unidos n~g Amérika, sa Inglaterra n~g Europa at sa
Hapón n~g Asia, dahil sa kalayaan n~g isa't isa na makapapamili n~g
kanikanyang religion, at sa gayon ay nabuksan ang kanyang isip n~g di
ano lamang.

Sa kabanalan ni Mahoma ay napasasa yun~gib n~g Hera (na malapit sa
Mekka) taon taon at doon nagpapahin~gang isang buwan (kung buwan n~g
Ramadan), at minsan di umano'y napakita sa kanya roon sa yun~gib ang
angel Gabriel at pinagsaysayan siya n~g m~ga lihim na bagay, na siya
ang magiging profeta n~g Dios at magpapaisa n~g religion sa tanang
kinapal na pan~gun~guluhan n~g Dios na di malirip. Saka isinakay siya,
di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pan~gala'y _borak_ at
inihatid siya mula sa templo n~g Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito
ay isinama siya n~g angel Gabriel na sumampa sa pitong lan~git at
doo'y nakipagbatian siya sa m~ga profeta, sa m~ga patriarka at sa m~ga
angel. Sa dako pa roon n~g ikapitong lan~git ay si Mahoma lamang ang
pinatuloy, anopa't nalagpasan niya ang tabing n~g pagkakaisa at sa
harap n~g luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik n~g
kamay n~g Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa
_borak_ at nagbalik sa Mekka.

Mula noo'y itinanyag ni Mahoma ang m~ga salita n~g angel Gabriel na
n~gayo'y nasusulat sa _Koran_ na dasala't banal na kasulatan n~g m~ga
mahometano.

At sa kagandahan di umano n~g pagmumukha ni Mahoma, sampu n~g kanyang
ugali't asal at n~g kanyang matamis na pananalita na kalakip n~g
kanyang kabanalan, ay pinananaligan siya, at hangan sa paniniwalaang
siya'y sinalubong n~g m~ga punong kahoy, binati n~g m~ga bato sampu
n~g tubig, nagpakain sa nagugutom, nagpagaling n~g may sakit at
bumuhay n~g patay. Bukod dito'y ipinalagay n~g marami na ang m~ga
salita ni Mahoma ay puspos na m~ga aral n~g katotohanan at ang kanyang
m~ga gawa ay pawang uliran n~g kabanalan (baga man ang dating
kaugalian n~g panahong yaon na gaya n~g pag-aasawa n~g higit sa isa at
ibp. ay di niya pinawi); dahil sa ganang kanya'y wala n~g gaya n~g
manalan~gin, magkulasyon at maglimos, sapagka't sa kanya ang
pagdalan~gin ay nakapapatnubay hangang sa kalahatian n~g daang
patun~go sa Diyos, ang pagkukulasyon ay nakapaghahatid hangan sa
pintuan n~g tahanan n~g Diyos at ang paglilimos ay siyang
ikinatatangap n~g Diyos sa tao. Anopa't sa gayong pananalig sa kanya
ay hindi laman ang kanyang asawa't m~ga kaibigan ang sumampalataya
kundi pati na n~g kanyang m~ga kababaya't kalupain, hangang sa siya'y
nahalal na pinakapan~gulo sa kanyang bayang tinubuan. At sapagka't ang
kanyang munakala'y papag-isahin n~g religión ang tanang kinapal ayon
sa sinaysay sa kanya n~g angel, ay hindi lamang ang kanyang lupain ang
sinakop at hinikayat niya't n~g m~ga humalili sa kanya, kundi pati n~g
m~ga lupaín sa Europa, Africa, sa Asia at hangang dito sa
Kasilan~ganan na dili iba't siyang pinanánaligan pa hanga n~gayon n~g
ating m~ga kalupaing taga Mindanaw at taga Huló.

Ang religióng ito at umabot hangang sa Mindoro at dito sa Maynila at
kung hindi dumating rito ang m~ga kastila ay naging moro marahil ang
lahat n~g tagarito.




=Ikalabingwalong Pangkat.=

=Isipan n~g Ibang Tagarito Tungcol sa Pasimulâ n~g Sangkinapal=


Isa sa m~ga kapaniwalaan n~g ibang m~ga Tagarito na binangit, n~g m~ga
mananalaysay ay itong sumusunod:

Ang m~ga tao sa baybayin na pinan~gan~ganlang Iligayanes ay naniniwala
na ang lupa't lan~git ay hindi nagkaroon n~g pasimula: at di umano'y
nagkaroon n~g dalawang Diyos na ang isa'y nagn~galang _Kaptan_ at ang
isa'y _Magwayan_: at ang han~gin sa lupa at ang han~gin sa dagat ay
nagkaisa at sumuka n~g isang kawayan. Ang kawayan namang ito ay
itinanim n~g Dios Kaptan, at n~g lumaki ay pumutok na nilabasan n~g
dalawang kawayan na kapwa naging tao, na ang isa'y lalaki at ang isa'y
babae. Ang lalaki ay pinan~ganlang _Sikalak_ at ang babae'y _Sikabay._
Ang lalaki ay nagpahayag sa babayi na sila'y magisang dibdib, dahil sa
walang iba dito sa sangdaigdigan; n~guni't hindi pumayag ang babae;
sapagka't sila'y magkapatid na galing sa isang kawayan. Sa
katapustapusan ay nagkasundo na sila'y yumaon at kanilang isanguni ang
gayon sa Lindol n~g lupa, at sinagot naman sila na kailan~gang sila'y
mag-isang dibdib upang magkaroon n~g m~ga tao sa sanlibutan, at sila'y
nag-isang dibdib at nagka-anak. Ang unang naging anák nila ay lalaki
at pinan~ganlang _Libo_, at ang sumunod ay babae, at pinan~ganlang
_Saman_, at ang dalawang magkapatid na ito ay nagkaanak n~g isang
babae na pinan~ganlang naman nilang _Lupluban_. Itong si Lupluban ay
nakipag-isang dibdib sa isang anak na lalaki n~g m~ga unang tao
(marahil ni Sikalak at ni Sikabay) na ang pan~gala'y _Pandaguan_ at
ang m~ga ito ay nagkaanak n~g isang lalaki na kanilang pinan~ganlang
_Arion_. Si Pandaguan, di umano'y siyang unang kumatha n~g m~ga
palaisdaan upang mamalakaya sa dagat, at ang unang nahuli ay isang
pating, at pagkahuli ay iniahon sa kati, na sa akala niya'y hindi
mamamatay; n~guni't pagkaahon sa kati ay namatay: n~g makita niyang
patay ay pinasimulang alayan n~g m~ga hayin at tuloy tinan~gisan, at
tumawag sa m~ga Diyos, na may namamatay, dahil sa wala pang namamatay
noon; pagkarinig naman di umano n~g Diyos Kaptan ay sinugo ang m~ga
lan~gaw upang tignan kung sino ang patay, at sapagka't hindi
makapan~gahas lumapit ang m~ga lan~gaw ay bukbok ang sinugo na siyang
nakakita na ang patay ay pating, at sa ganito'y nagalit ang Diyos
Kaptan dahil sa pagkakaalay n~g m~ga hayin sa isang isda. Sa
pagkagalit na ito n~g Diyos Kaptan ay naghagis silang dalawa n~g
Diyós Magwayan n~g isang lintik at siyang pumatay kay Pandaguan, at
namalaging tatlong pung araw sa Infierno; n~guni't pagkaraan n~g
tatlong pung araw ay kinahabagan siya n~g nan~gabangit na m~ga Diyós
at muli siyang binuhay dito sa sanglibutan. Noong samantalang siya'y
patay ay napababae ang kanyan asawang si Lupluban sa isang
nagn~gan~galang Marakoyan, at di umano'y ito ang pinagmulan n~g
pan~gan~galunya. Nang si Pandaguan ay mabuhay na mag-uli at umuwi sa
kanyang bahay ay hindi inabutan ang kanyang asawa, sa pagka't
inanyayahan n~g kanyang kaagulo na magsalo sila sa isang baboy na
kanyang ninakaw (di umano'y ito ang unang pagnanakaw na nagawa dito sa
ibabaw n~g lupa), at sa ganito'y sinugo niya ang kanyang anák upang
kaonin, at si Lupluban ay tumangi at di sumama, na ang sabi ay hindi
na magbabalik ang m~ga patay dito sa ibabaw n~g lupa, at sa galit ni
Pandaguan ay nágbalik uli sa Infierno.

Ang pag-aakala, naman n~g m~ga Tingian ay itong sumúsunod:

Iba ang paniwala n~g m~ga taga bundok at anila'y noong una ay walâ
kundi dagat at lan~git, at sapagka't may isang lawin na walang
kádapuan, ay hinalughog ang lan~git at dagat dahil dito ay dinigma n~g
dagat ang lan~git na nagpakalaki-laki hangang sa itaas: n~g makita n~g
lan~git ang ganitong asal n~g dagat ay pinasibulan n~g isda ang dagat
at pagkatapos upang makaganting lubos sa pagkapan~gahas laban sa kanya
ay inihagis sa dagat, di umano, ang lahat n~g kapuluang ito upang ang
dagat ay mapasuko at upang ang kanyang m~ga tubig ay maglagos sa iba't
ibang dako at huwag mangyaring makapagmalaki at ito ay
pinagkapasimulan n~g _mabario_ na ang ibig sabihin ay paghihigantihan
sa pag-apí kaya di-umano'y nagíng kaugalian dito ang panghihiganti
hangang sa di masiyahan. Saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan,
ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong
naging lalaki at babae na nabangit na (si Sikalak at si Sikahay). Di
umano pa n~g man~ganak si Kariuhi (isa sa m~ga anak n~g m~ga unang tao
marahil) ay nan~ganak n~g lubhang marami, at nangyari isang araw na
pumasok sa bahay ang ama na lubhang galit at sapagka't binalaan ang
m~ga anak ay nan~gagsitakas sa takot anopa't ang iba'y nan~gagsipasok
sa m~ga silid na totoong kublí, ang iba'y sa m~ga silid sa dakong
labas ang iba'y nagsikubli sa m~ga dinding, ang iba'y nan~gagsipanaog
na tumun~go sa dakong dagat. Anila'y yaong nan~gagsipasok sa silid na
totoong kublí ay siyang pinangalin~gan n~g m~ga maginoo, yaong m~ga
napa sa silid sa dakong labas ay siyang pinangalin~gan n~g m~ga
timawa, yaong nan~gagkublí sa dapugan ay siyang pinan~galin~gan n~g
m~ga maitim at ang nan~gagsitun~go sa dakong dagat ay ang m~ga maputi
na hindi na nan~gabalitaan nila, kundi n~g dumating na lamang dito ang
m~ga taga Europa.




M~ga Aklat na Sinulat n~g Sumulat Nito.

Tulong sa Pag-aaral n~g wikang Inglés.
English-Tagalog Dictionary with Phrases.
Dating Pilipinas.

       *       *       *       *       *

M~ga Aklat na Tinagalog n~g Sumulat Nito.

Bagong Tipan.
Matandang Tipan.
Melodramang "Noli Me Tangere" ni G. Gross sa
 novela ni Gat Jose Rizal.




Tuntunin.
                                        Tudling

Paunawa                                 4

Unang Pangkat.
M~ga Unang Tao Rito                     6

Ikalawang Pangkat.
Lahing Pilipino                         12

Ikatlong Pangkat.
Pagkaparito at Pinangalin~gan n~g Lahing
Pilipino                                16

Ikapat na Pangkat.
Dating Pamamayan n~g m~ga Tagarito      21

Icalimang Pangcat.
Dating Pananamit at Kalinisan sa Katawan
n~g m~ga Tagarito                       28

Icanim na Pangcat.
Dating Kaugaliang Pinanununtunan sa m~ga
Kapaslan~gan at Sigalutan               34

Ikapitong Pangcat.
Wika                                    55

Icawalong Pangcat.
Pagbasa't Pagsulat                      60

Icasiam na Pangcat.
Asal at Gawì                            67

Icasampung Pangcat.
Pagkakalakalan                          70

Icalabing isang Pangcat.
Sasakyang-Tubig                         75

Icalabing dalawang Pangcat.
Almás                                   78

Icalabing tatlong Pangcat.
Dating Ugali Tungkol sa Pag-aasawa      80

Icalabing apat na Pangcat.
Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihin~galo,
Paglilibing at Pagluluksa               89

Icalabing limang Pangcat.
Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g
m~ga Tagarito                           100

Icalabing anim na Pangcat.
Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g
m~ga Tagarito (Karugtong)               107

Icalabing pitong Pangcat.
Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g
m~ga Tagarito (Karugtong)               113

Icalabing walong Pangcat.
Isipan n~g Ibang m~ga Tagarito Tungcol sa
Pasimula n~g Sangkinapal                119


[Patalastas: Obras que se hallan de venta en esta Imprenta, Libreria y
Papeleria de J. Martinez.]






End of Project Gutenberg's Dating Pilipinas, by Sofronio G. Calderón

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DATING PILIPINAS ***

***** This file should be named 17787-8.txt or 17787-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        http://www.gutenberg.org/1/7/7/8/17787/

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This
file was made using scans of public domain works from the
University of Michigan Digital Libraries.)


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
http://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at http://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
http://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at http://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]

Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit http://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: http://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.

Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.

Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     http://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.

*** END: FULL LICENSE ***