Rizal sa Harap ng Bayan

By Pilar J. Lazaro Hipolito

Project Gutenberg's Rizal sa Harap ng Bayan, by Pilar J. Lazaro Hipolito

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Rizal sa Harap ng Bayan
       Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan

Author: Pilar J. Lazaro Hipolito

Release Date: May 4, 2006 [EBook #18306]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK RIZAL SA HARAP NG BAYAN ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para
sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.






[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]


=Si RIZAL sa HARAP n~g BAYAN=

TALUMPATING
BINIGKÁS SA LOOK
N~G BAGUMBAYAN
N~G BINIBINING

=PILAR J. LAZARO HIPOLITO=

Ika 30 n~g Diciembre n~g
taong 1906

LIMBAGAN

Daang Carriedo Bl.101 Ni,

=FAJARDO AT KASAMA=




=SI RIZAL SA HARAP N~G BAYAN=


Talumpating Binigkas N~g Bb. Pilar J. Lázaro
Hipolito Sa Look N~g Bagumbayan,
Alang-alang Sa Ika Sampung
Taón Nang Pagkakabaril Sa
Ating Bayani.

Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubun~gan n~g maligayang
pagbati at pagpipitagan, sampu n~g lahat n~g m~ga napipisan, lalong
lalo na ang m~ga ginoong bumubuo n~g pagpapaonlac sa caran~galán n~g
dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang n~g capuluang Filipinas,
cayo'y hinahandugan n~gayon n~g di mabilang na pasasalamat, sanhi n~g
pagcatanim sa kaibuturan n~g puso n~g araw na itong di co rin
nililimot.

Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa
tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong
hirap, macatupad lamang sa adhica n~g m~ga capatid sa mabigat na
pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás,
gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan.

Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang
madlang nai-ipon na ang macatataroc n~g lalim n~g aking pagcapahat,
n~guni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan n~g
calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa n~g tunay na damdamin at
sumasampalataya sa hiduang aral n~g m~ga nagcucubling halimaw na nag
aanyon mabait, bago'y caaway n~g cagalin~gan, na di pa nasiyahan sa
tinalicdang pagtatamasa n~g m~ga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas
sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nan~gimi sa
camatayan macapagbucás sa tulóg na loob n~g canyang cababayan, at
naging mananacop n~g Filipinas sa paghahayin n~g buhay n~g icatutubós
sa tanán, n~guni, ¡anong hapding salan~gin! ¡anong pait namnamin! cung
madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán n~g
canyang m~ga talinghaga.

¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucat
na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan n~g m~ga lahing
Lacandula rin, upang man~gakilalang sila'y dapat pacasumpain, na
anila'y: _Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat n~g
caguluhan at cahirapang tinatangkilic n~gayon n~g Bayan_, m~ga
pan~gun~gusap na di napag labanan n~g puso cong iwi at naramdamang
lumuha n~g dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: _bakit hindi
man~gatal at mapipi ang cumacatal n~g walang catotohanan_; datapua't
n~g macapaghunos dili sa paglalatang n~g galit sa sumandaling iyon ay
dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang
bigcas n~g Póong si Jesús, n~g napapaco sa Cruz n~g casalanan: _Dios
co sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang
guinagawa_ (Palacpacan).

Talastas n~g lahat ang Bayan sinilan~gan n~g ating ipinag-gagalac
n~gayon, iyang dacong sinisicatan n~g maliwanag na araw, na
pinamumutictican n~g m~ga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa
Calamba, niyong ika labing siyam n~g Junio n~g taong isang libo,
walong daa't anim na pu't isa, sa macatuid, ganap na apat na pu't limang
taon limang buan at labing isang araw n~gayon, at buhat naman n~g
gupuin ang canyang iniin~gatang buhay n~g m~ga lihim na caaway, ay
sampung taon n~gayon walang culang.

Bakibaki-in m~ga napipisang caguinoohan cung anong tabác n~g
mapanglupig ang lumagpac sa ulo n~g m~ga Bayaning nagsipagnasang
humawi n~g m~ga calihimang mapagparusa, panaho'y tumatacas at
tumatacbong matulin n~g wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang
pag-aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya'y hindi nalulupaypay
cahiman nauumang sa bagsic n~g paratang, nagpatuloy sa layong pawang
icagagaling natin, n~guni hindi kinilalang utang na loob n~g m~ga
sumasamba sa capangyarihan n~g m~ga mapagbalat cayóng wari ay catulong
bago'y tunay na calaban.

Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na
si Rizal n~g nacahahan~gang catalasan n~g pagiisip, caya't minarapat
n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa
Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa
catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at
cumatha n~g melodramang tula, na pinamagatan n~g: _Junto al Pasig_, at
saca isinunod ang _A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses_
at iba pang nacalulugod.

Tayo naman, lalo na cayong m~ga cabinataang dumog sa pag-aaral,
cunang halimbaua ang canyang m~ga pagsisicap. Si Rizal, hindi dito
lamang sa Filipinas tinuclas ang caaya-ayang carunun~gan, cundi
naglacbay sa España, niyong taong isang libo, walong daa't walong pu't
dalaua, sa pang-ulong bayan nito, sa Paris, sa Bruselas sa Berlin, sa
Londres, sa Gante at sa m~ga pan~gulong Ciudad n~g Rhin at doon
natutuhan ang ucol sa pangagamot, «Filologia», «Etnologia»,
«Filosofía» at «Letras».

Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad
hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon
cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at
kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g
macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g
papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba
lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang
maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay
magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi
at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang
paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa.»

«Na walang napagkikilala ang m~ga Antropologo cundi ang m~ga lahi; na
ang napagmamalas lamang n~g m~ga mapagmasid n~g m~ga pamumuhay n~g
bawa't nación, ay ang pagcacaiba't iba n~g calagayan, n~g mayama't
mahirap, n~g mahal at timawa. Na sa m~ga nayong lalong m~ga paham n~g
Francia at Alemania, ang lalong marami sa m~ga nananahan doo'y casing
pantay rin n~g calagayan n~g pag-iisip n~g m~ga tagalog, at ang culay
n~g balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang.»

«Na ang pag-iisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga naciong
mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman: Cung may
nagbabalac na taong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang
gayong tao'y namamali, sapagca't siya'y sumilang n~g hubad na
cawan~gis n~g alipin at iba't iba pang lubhang mahahalaga, (Noli me
tangere dahong icapito).»

Pinag-inutan din niyang sinulat ang _Noli me tangere_ na naghahayag
n~g sari-saring halimbawa, na isinawicang frances n~g taong isang
libo, walong daa't walong pu't siyam n~g man~gan~galacal na capisanan
ni Stock, gayon din ang isinulat ni Dr. Morga na canyang dinagdagán
n~g m~ga paliwanag n~g siya'y macapangaling sa Japón at Norte America
na nanahan sa Londres. Sa Madrid ay nagbukas n~g isang pahayagan n~g
taong isang libo walong daa't siyam na pu at pinamagatang
_Solidaridad_, pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang m~ga
catulong sa pagsulat ay sina guinoong Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez Jaena, Dominador Gomez at iba pa.

Dito'y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang
pagsasangalang sa Bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pan~galan sa
pamamag-itan n~g pakikibaca sa m~ga calapastan~ganang cumacalat sa
m~ga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay n~g hindi sa sakit
cundi sa bilis n~g punlong pamatay ¡Oh catiwalian n~g panahon! Bahagya
pang umuusbong ang larawan iguinuguhit sa dulo n~g m~ga sandata ay
isinabog na ang apoy n~g capahamacan n~g isang namamahalang nacuha sa
kintab n~g cayamanan, dinaig n~g capangyarihan at nagwasac n~g mahusay
na pananangkilic.

¿Natupad caya ang nais na hadlan~gan ang bawa't tun~go ni Rizal? ¡ah!
hindi n~ga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi n~g
namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'y iniukit sa pitac n~g dibdib,
caya't hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang
matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat n~g ilang malabis
nating kinapopootan.

Sa guitna n~g di maulatang pagpipighatí at pakikipanayam cay Simoun,
ay nagsalita nitong sumusunod.

«Isang Dios ang nagpaparusa sa caculan~gan n~g pananampalataya sa
pagcagumon sa masamang hilig, sa casalatán natin n~g dalisay na
pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalás nating pagpapaunlac sa
m~ga cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa m~ga duc-ha, carapat
dapat n~ga, lubha n~gang carapat dapat na ating tiisin ang bun~ga n~g
ating m~ga cagagawan at tiisin naman n~g ating m~ga anac, iyan n~ga
ang Dios n~g kalayaan, guinoong Simoun na siyang sa ati'y pumipilit na
ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay
cabigatan sa atin. Hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim
n~g sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca't hindi cailan~gan ang
espada sa icagagalíng n~g Bayan, datapwa't tutuclasin natin ang
cagalin~gang iyan sa pamamag-itan n~g carapatan, sa pagbibigay unlac
sa catwiran at sa sariling camahalan n~g isang tao, sa pag-sintang
dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang
cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng
na ang Bayan sa gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya'y
nagbibigay n~g sandata at nabubulíd ang m~ga nagpapasamba, nabubual
ang m~ga tampalasan, catulad n~g pagcalansag n~g m~ga bahay bahayang
baraja. Tayo rin ang may gawa n~g ating m~ga pagdaralita, hwag nating
bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y
apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y
nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa
pagsasangalang n~g ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidin~gig
na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't
samantalang hindi tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás
n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa
canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at
papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang
ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y
nagdaramdam n~g hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig n~g
masamang budhi na nagn~gin~gitn~git at tumutol na sa hayag ay ayaw
umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang
pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga
carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling
cagalin~gan; ¿bakit sila'y bibigyang calayaan? Na sa sa camay man at
wala n~g iba, sila'y magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa
sa dati. ¿Anong cabuluhan n~g «Independencia» cung ang m~ga busabos
n~gayon ay siyang kinabucasa'y magmamalupit? At walang salang sila'y
mananampalasan n~ga, sapagca't umiibig sa catampalasanan ang sa
catampalasana'y sumusunod Guinoong Simoun, samantalang hindi nahahanda
ang ating Bayan, hangang tumutun~go sa pakikihamoc ang ating m~ga
cababayan dahil lamang sa sila'y dinaya ó ipinagsumulong, na walang
maliwanag na pagcakilala n~g canilang dapat na gawin, ay malulugso ang
lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa n~ga namang mawacsi,
sapagca't.... ¿ano't ibibigay ang panali ó pangapos sa nan~gin~gibig
sa canya, cundi din lamang tunay na sinisinta? (Noli me tangere, m~ga
dahong 13,14 at 15.)

Ating panimbulanan ang canyang m~ga sinabi, patuluyang sampalatayanan
na siyang macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling
pacaisipn ang m~ga macabubuhay na pananalita na dapat itanim cailan
man n~g mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa sarili:

¿Taglay na baga natin ang kinacailan~gang tapang n~g loob, upang
biglang pacaualan ang pinagtitipunan n~g bucal at minimithi?

¿Kupás na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi
na nacatutulong sa pagtatangol n~g caran~galan ay nacabibigat pa sa
pagdamay sa m~ga mapagparusa n~g paglibac at pag-oyam sa ibinaban~gong
catuiran?

¿Nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni Iscariote at ni Galalon na
nagpahamac sa cabalat sa pamag-itan n~g carimarimarim na paglililo?

¿Pusó caya'y tumitiboc n~g naaayos at di napapatlan~gan sumandasandali
n~g m~ga ibang damdamin?

¿Ang caual caya ni Cain na pumatay n~g lamán n~g caniyang lamán at
dugo n~g caniyang dugo sa udyoc n~g mapan~ganib na pananaghili, ay
wala na caya rito?

¿May pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ó
ginhawa tayo mamahay?

¿Hindi na caya naghahari sa calooban n~g marami sa atin ang malupit na
asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na
inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan n~g lupang kinakitaan
n~g unang liwanag?

¿Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang m~ga nagsisi-irog sa
caalipnan, caya sa caalipna'y nagsisisuco?

¿May dugo pa cayang may dun~gis na catacsilan sa ating m~ga calahi?

¡Ah! ang canilang loob ay hindi matuturin~gan hangan sa di
naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa
harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying Rizal,
may man~gilan n~gilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag
cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ¡oh cay
saclap na matalos! Sayang ang bayang humahanap n~g icalalaya cung sa
bawa't pulutong ay may nasisin~git na palamara. (Palacpacan).

¿Hindi dapat pagtachan, sapagca't ang dakilang Jesús ay Dios n~g
humirang n~g labing dalawa lamang na caniyang cacasamahin ay may
nalahog na isang Judas, ¿gasino pa cayang hindi magcaroon n~g libo
libo at lacsa lacsang namamayan?

Tacpan ang panin~gin sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang
camay, lalong cahiduaan at cung susian ang bibig sa paglalathala sa
harap n~g may capangyarihan n~g ating lubos na cabihasnan at
carapatán, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan,
sapagca't ang dilang nacacabit sa n~galan~gala ay tanda n~g
pagcapahamac, pagca-alipusta sa pagcalubog n~g bayan, at cung walát na
ang Bayan ay lansag-lansag na rin ang namamayan (Masigabong
palacpacan).

Hwag nawang magcaganito, n~guni ang sagabal n~g m~ga mapagpiguil ang
siyang nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa't maguing bucal
n~g loob ¡oh! sayang na buhay cung magcacaganitong man~gin~gilabot sa
bantang sinun~galing, at cung tunay na namamayang may wagás na
pag-ibig sa Bayang pinagcautan~gan n~g unang liwanag, ay
macapag-wiwicang «minsan acong nabuhay ay «minsan naman acong mamatay
sa harap n~g Bayan.» (Palacpacan.)

N~gayo'y araw na calumbay-lumbay, araw na ipinagsaya n~g m~ga humatol
na Ulupong at ang araw ding ito nang taóng isang libo, walong daa't
siyam na pu't anim at sa bagong pamimitac, sa casilan~ganan n~g
_Astrong_ tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang Bagumbayang itong
ating kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa
caran~galan, pagcat pinatay ang isang Rizal, hindi magtatagal at may
sisipot pang dalawa, tatlo ó daan mang caloobang Rizal.--(Palacpacan
at bravo.)

Natulad n~ga ang umagang iyon sa culun~gan n~g mababan~gis na hayop na
may mabibisang camandag ang look na itong n~gayo'y tanda rin n~g ating
pagaalaala sa canya, siya'y naliliguid n~g m~ga artillerong buhat sa
cuta n~g Santiago na inihatid dito, upang tuparin ang m~ga maling
cahilin~gan at cahatulan, at pinanood n~g m~ga nag-gagandahang babaye
na ang suot ay catulad ang m~ga pananamit n~g m~ga salaula n~g unang
panahon sa Roma sa isang pagpipista sa Coliseo. (Palacpacan).

¡Oh lalong calupitan! sa biglang putoc n~g m~ga baril na pamatay ay
sinabayan pa n~g hiyawang _viva_ at _bravo_ n~g m~ga caharap doon, n~g
lumagpac na ang catawan n~g Bayani, at siya na yatang pinacadasal
binyagang ipinailanglang sa lan~git.

Nasunod ang pita, n~guni lalong ginhawa n~g matapos, sapagcat unti
unti n~g sumilang ang maliwanag na tala n~g caginhawahan, siyang
pagcahawi n~g pinid na itinabing sa ating m~ga mata at pagcawaldas n~g
tanicalang iginapos.

Ang panglao n~g umaga n~g taong iyon ay naging liwanag na mistula sa
n~gayon, at cung ang canyang m~ga gawang magaling ay na sa sa puso
nating lahat, asahang ang pagtatagumpay, hindi maglalaon at atin,
atin, atin, atin. (Palacpacan).

Si Rizal ang nag-ulat n~g m~ga catotohanan, si Rizal ang humarap sa
lalong pinacapang-ulo n~g capuluan, si Rizal ang di nan~giming
maghayag n~g canyang damdamin, si Rizal ang nagpakilala n~g matuwid na
niyuyurakan at siya rin, si Rizal, si Rizal ang n~gayo'y nacacaharap,
iyang kinainguitan n~g m~ga manlulupig.

Hwag magugulantang m~ga capatid na nakikinig, dagdagan ang ating
pagsisigla sa taón taón yayamang ang Norte América ma'y nalulugod din
cung pinupuri ang bayaning nagligtas sa Bayan, sapagca't silá ma'y
nagcaroon n~g isang Washington na ipinagdidiwang: ang culang lamang sa
atin ay ang magcaroon naman n~g isang araw na caparis n~g canilang
icaapat n~g Julio. ¡Oh cailan ca pa darating! (Palacpacan).

Nakilala na ninyo ang m~ga catamisan n~g isang biyaya, caya huag
magpabaya, papag-ibayuhin ang galac, huag ibaon sa limot ang caniyang
m~ga habilin, siya'y huag hiualayan n~g papuri, yayamang ang dakilang
Rizal na anac n~g Filipinas ang naguagayuay sa himpapawid n~g ating
caligayahan.

Dalan~ginan siya, pacamahalin, sambahin ang m~ga aral, masdan ang
muchang iyan ni Rizal, iyang larawang Washington natin na tumuclas n~g
sarisaring hiwaga na nacacubli sa mata n~g madla, na n~gayo'y hindi
caila at kilala n~g calahatan.

Sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: «¡Mabuhay ang Filipinas!»
¡Mabuhay ang Norte América! ¡Mabuhay ang habilin ni Rizal!

_Nasabi co na._







End of the Project Gutenberg EBook of Rizal sa Harap ng Bayan, by 
Pilar J. Lazaro Hipolito

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK RIZAL SA HARAP NG BAYAN ***

***** This file should be named 18306-8.txt or 18306-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        http://www.gutenberg.org/1/8/3/0/18306/

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para
sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
http://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at http://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
http://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at http://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]


Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit http://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including checks, online payments and credit card donations.
To donate, please visit: http://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.


Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.


Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     http://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.