Buntong Hininga

By Pascual de Leon

The Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De Leon

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Buntong Hininga
       Mga Tulang Tagalog

Author: Pascual De Leon

Release Date: August 5, 2005 [EBook #16446]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG HININGA ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided by University of Michigan.





[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



=BUNTONG HININ~GA=

MGA TULANG TAGALOG

NI

=PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_

_Mánunulat sa páhayagang "Ang Mithi" ("El Ideal")
at kasapi sa "Aklatang Bayan"_

UNANG PAGKÁPALIMBÁG=

_Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tundó_

=_MAYNILA, K.P.--1915._=




PANGBUN~GAD


=PANGBUN~GAD=


_Pasleo: Pagdamutan ang
nakayang handog n~g kapatid
sa kapatid_:


  _Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya:
may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa,
may puri, may lahi't may bahay... datapwa,
ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula_.

       *       *       *       *       *

  _Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto;
di takót sa dunong; di gulát sa tayo;
sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go,
n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko._

       *       *       *       *       *

  _Pano, sa ang tula sa isáng panulat
ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak...
sa isáng makata ang tula'y: ¡lahát-lahát!_...

       *       *       *       *       *

  _Ayán si Pasleo: ayá't ang namana
niyáng Diwa't Puso'y ipinababasa...
Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá_...


=_Pedro Gatmaitan._=
_Maynila, Sept., 1915_.




I.

BUNTONG HININ~GA

=BUNTONG HININ~GA=...


  Ako'y nagtataka!  Aywan ko kung bakit
nagbabago yaring damdamin ko't isip,
ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git
ang gawang mamuhay sa laot n~g hapis.

  Aywan ko kung bakit!  Sa aki'y pumanaw
ang lahat n~g tamis nitong kabuhayan,
sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay,
sa aki'y pag-api ang lahat n~g bagay!...

  Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga,
balot n~g pan~garap at pagdadalita
ang palad n~g tao kung magkabisala!
Pawang agam-agam ang laman n~g lupa...!

  Walang kilos na di paghamak sa akin,
walang bagay na di anyaya n~g lagim,
walang dulot na di sa aking panin~gi'y
aninong malungkot n~g m~ga hilahil.

  Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat
sa kabuhayan ko't matimtimang palad;
Samantalang ako'y inaalapaap
ay masasabi kong: ¡Lahat ay pan~garap!...




=¡HINAGPIS=.....!


I.

  Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam
ang hindi pag-imik kung naguulayaw;
ako'y pinipipi n~g aking paggalang,
n~g aking pagsuyong mataos, dalisay.

II.

  Pinunit sa harap upang makilala
ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta,
diyan masusubok ang mithi ko't pita,
diyan masisinag ang luksang pag-asa.

III.

  Wala ka n~gang sala...!  Ang kurus n~g hirap
ay dapat matirik sa dusta kong palad!
Ako ang pulubing sa tinawag-tawag
ay lalong inapi... binigyang bagabag...!

IV.

  Di ko akalaing ang lan~git n~g puso
ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho,
di ko akalaing sa likod n~g samyo
n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...!

V.

  Animo'y nagtikom sa gayong sandali
ang pintong maramot n~g awa't lwalhati,
sa aki'y para nang ang kahilihiling
sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...!

VI.

  N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit
sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git,
kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik,
ay maging saksi pa ang aking _hinagpis_.




¡DALAMHATI!...


I.

  Aninong malungkot noong kahirapan
ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban,
ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang
kaya't ulap waring dagling napaparam.

II.

  Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib
sa munting paghakbang ay silo n~g sakit,
umiibig ka na n~g buong pagibig
ay ayaw pang dinggin ¡ay himalang lan~git!

III.

  Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak
kundi pa matulog at saka man~garap,
gayon man, kung minsa'y paos na nanawag
sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap.

IV.

  Sa paminsanminsan, sa aking gunita
m~ga pagsisisi yaong tumutudla.
Bakit pa lumaki't natutong human~ga't
ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha?




=¡AKO=...!


(... estoy enfermo y pálido
de tanto no dormir...
ACUÑA.)

  Puso ko'y malungkot!  Malungkot na tila
Ibong walang laya't lagas na sampaga,
Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y
Lason at patalim ang magpapabawa.

  Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong,
Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy,
Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon
At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.

  ¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap!
¡Ano't ganito na ang aking pan~garap!
Ang lahat n~g bagay ay napatatawad,
¿Patawarin kaya ang imbi kong palad?

  Gabi-gabi ako'y hindi matahimik
Na parang sa aki'y mayrong nagagalit,
Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig
Sa kabuhayan kong di man managinip.




=¡ULAP=...!


I.

  Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag,
sa sinamo-samo n~g dusta kong palad
ay palaging dilim at libin~gang ulap
ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat.

II.

  Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig,
lahat na'y nasukat nitong pagtitiis,
lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git
maging ang parusang pagkalupit-lupit.

III.

  Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot
n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog
ay sadyang hindi pa binabagong lubos,
waring inu-uri ang aking pag-irog...

IV.

  N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw
ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan?
at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan
ang pintong may susing katumbas n~g buhay.

V.

  Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw
ay isang pulubing dumadaing-daing
na sa kanyang taghoy at pananalan~gin
ay walang maawang maglimos n~g aliw!

VI.

  Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo,
kanyang tinatarok ang luha n~g puso,
kanyang binabasa sa pamimintuho
yaong katunayan n~g sinamo-samo.

VII.

  Samantalang ako'y tumatawag-tawag,
lumuluha-luha sa gitna n~g hirap,
ay walang kapiling maging sa pan~garap
liban sa anino n~g m~ga bagabag.

VIII.

  Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa
ang nagpapasasang aking dinadama,
n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y
ang ulap na iya'y magiging ligaya.




=¡ANG LUHA NG HIBANG=.....!


  Ayun, tumatan~gis!  Ayun, lumuluha't
tumataghoy-taghoy na nakaaawa.
Malasin ang hibang, ang sira ang diwa,
ang taong nanan~gis sa gabing payapa
na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa.

  Malasin ang ayos n~g kahabaghabag
n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap;
malasin ang luha, ang luha n~g palad,
ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag
na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap.

  Tuman~gis na muli!  At saka humibik
na mandi'y puputok ang latok na dibdib;
kanyang ipinukol ang mata sa lan~git
kasabay ang sabing:--"¿Kailan pa sasapit
ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"?

  "¡Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa,
¿kailan mo tutubsin ang puso sa dusa?
¿kailan papalitan n~g tunay na saya
ang nagluluksa kong ulilang pagsinta
na nananambitan...!"--at saka tumawa.

  Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman,
hantun~gan n~g aking buong kabuhayan!
kung hinihiling mo'y tulang tula lamang
n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan,
naito't dinggin mo ang tula n~g buhay.

  "Halika! halika! Tangapin mo n~gayon
ang tula n~g aking pusong lumalan~goy;
basahing madali't dingging mahinahon
ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy,
ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol.

  "Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api,
walang awang tala sa pagkaduhagi,
halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi,
ang halík n~g han~gin ay pawa kong saksí
sa panunumpa kong kita'y kinakasi.

  Halika't sinagin sa luha n~g puso
ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo,
halika't basahin sa pamimintuho
ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo
na nananawagan hanggang masiphayo",
.  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .
.  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .
.  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .
  Dito na natapos yaóng panambitan,
dito na naputol ang pananawagan
n~g sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang,
n~g pusong ginahís at pinagkaitan
niyang luwalhating katumbas n~g buhay.

  ¡Anóng hirap pala n~g gawang humibik
sa isang ayaw mang tumugo't makiníg!
¡Anóng hirap pala n~g gawang umibig
lalo't aapihín sa silong n~g lan~git
n~g hiníhibikang pinapanaginip.....!




=¡KURUS AT LIBIN~GAN..!=

(PAMAMANGLAW)

(Irog: Kung ang kalungkutan
ko'y tinutugon n~g iyong
damdamin ay pamuli't muling
basahin mo lamang ang
awit na ito. At ako'y talagang
may ugali na _matapang_ sa
likod, at _duwag_ sa harap.)


I.

  Narito't malasin itong kalagayan
At tutop ang noó sa kapighatian,
Aking binabakas yaong kasayahang
Nasulat sa dahon nitong kabuhayan.

II.

  Hindi makakatkat ang m~ga talata
Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya,
At kung mayroon pang tagistis n~g luha
Ay luhang nanggaling sa pagkariwara.

III.

  Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad
Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat,
Diyan makikita ang mukhang may hirap
At pusong malaong lunod sa pan~garap.

IV.

  Diyan mamamalas ang isang larawang
Sipi sa ulila't payapang libin~gan,
Diyan makikita ang dusta kong buhay
Na sawang-sawa na sa kawáy n~g hukay.

V.

  Hindi ko matalos itong nangyayari't
Ang namamalas ko'y dilím na parati,
Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi,
Kurus sa baunan n~g naduduhagi.

VI.

  Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi
Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi,
Parang nananadyang sa aki'y bumati
Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati.

VII.

  Nais kong umibig. N~guni't natatakot
Na ako'y umibig at saka lumuhog,
Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos
Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob.

VIII.

  Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis
Sa harap n~g isang hindi umiibig,
Wala nang parusang gaya n~g tumitig
Sa sun~git n~g dilím n~g gabing tahimik.

IX.

  Sukat na sa akin ang ako'y malagak
Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap,
Sukat nang masabing lagi kang pan~garap.
At matitiis na ang pasang bagabag.

X.

  Walang kailan~gang mamatay sa dusa
Huwag ang bawiin ang pagkikilala,
Aking katuwaan kung ikaw'y makita
Sa piling n~g aliw na di magbabawa.

XI.

  Aking matitiis na sarilihin ko
Ang lahat n~g pait sa buhay na ito
Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó
Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.

XII.

  Ipalalagay kong masayang aliwan
Ang namamalas kong kurus at libin~gan,
Sapagka't sa aki'y darating ang araw
At diyan uuwi ang hiram kong buhay.

XIII.

  Di ko pinupukaw ang pagkamapalad
Niyang iyong buhay na bagong ninikat,
Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap
Ay maghahari din ang ningning na in~gat.

XIV.

  Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining.
Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw,
Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling
Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw.

XV.

  Matapos mabasa ang awit n~g buhay
Ay limutin mo na ang aking kundiman,
Sapagka't ayokong mahawa kang tunay
Sa taglay kong lungkot at kapighatian.




=KUNG AKO'Y SINO=...


I.

  Huwàg nang itanong; iyong akalaing
akong naghahayag n~g maraming lihim
ay isang binihag n~g m~ga hilahil,
isang kaluluwang busabos n~g lagim,
isang nan~gan~garap sa ganda mong kimkim,
isang tumatan~gis, isang dumadaing,
isang nagaalay n~g kanyang paggiliw,
isang umaasang hindi hahabagin.

II.

  At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta!
ako ang tutugon sa mithi mo't pita...¡
Ninanais mo bang ako'y makilala...?
Kung gayo'y makinig:--Akong sumasamba
sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y
pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa,
ako ang linikhang uhaw sa ginhawa't
may ulap na lagi ang aking pag-asa.

III.

  At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap
magtamong biyaya sa iyong paglin~gap...
Isang umaawit n~g lihim at hayag,
isang kandong kandong n~g m~ga bagabag,
isang nasasabik uminom, lumasap
sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak,
isang binabayo n~g m~ga pahirap,
isang umiibig sa iyó n~g ganap.




=Si Puring...!=


  Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap
ó nananaginip sa Sangmaliwanag
ay di babawiin itong pag-uulat
sa isang dalagang may magandang palad.

  May tikas-bayani at tindig Sultana,
may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga,
may samyong kundimang hindi magbabawa
datnan ma't panawan n~g gabi't umaga.

  Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y
sapat nang bumihis sa pusong naluha,
ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y
makaliligaya sa m~ga kawawa.

  Si _José Vendido'y_ subukang buhayi't
sa diwatang ito'y pilit na gigiliw,
paano'y may gandang batis n~g tulain,
paano'y may yuming aklat n~g damdamin.




=¡NOON=...!


  Noon, ikaw'y aking minamalasmalas
sa pusod n~g gayong tahimik na gubat,
ang iyong larawan noo'y nasisinag
sa linaw n~g batis na awit n~g palad.

  Ikaw'y namimili n~g batong mainam
at nilalaro mo ang m~ga halaman,
sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan
n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay.

  Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi
n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi,
paano'y may galing ang iyong daliri't
ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi.

  Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga,
naguhit sa pitak ang isang diwata,
aywan ko kung ikaw!  At tila ikaw n~ga!
Subali't Mayumi, ¿ikaw'y maaawa?

  Magsabi ang aklat na iyong binasa
kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa,
magsabi ang gubat kung hindi natayang
ang tulog kong puso'y iyong binalisa.

  Mayumi, buhayin ang yumaong araw
sa tabi n~g batis at lilim n~g parang,
kung magunita na'y dapat mong malamang
naririto akong tigib kalumbayan.




=Bagong Taon=...


  Hindi ko matalos kung ang aking puso'y
Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo
Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.

  Inaasahan ko n~g buong pagasa
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita
Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.

  Ako, sakali mang iniwan sa hirap
Ay nagsasaya rin kahit sa pan~garap,
Sapagka't nais ko na iyong mamalas
Na ako'y marunong magdalá n~g palad.

  At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo
Ay pawang ligaya ang hinahan~gad ko
Na iyong tamuhin sa buhay na ito
Kahit pan~garap daw ang lahat sa mundo.




KUNDIMAN NG PUSO

¡...............!


  Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga,
laman n~g tulain, hamog sa umaga,
awitan n~g ibong kahalihalina,
bulong n~g batisang badha n~g ligaya.
  Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas,
upang magkadiwa ang aking panulat,
sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat
upang ikabuhay n~g imbi kong palad.
  Ikaw ang may sala!  Bulaang makata
ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa,
bulaang damdamin ang di magtiwala
sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa.
  Yamang ginulo mo ang aking isipan
at naging n~giti ka sa aking kundiman,
bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay
ang buong palad kong tan~ging iyo lamang.
  Napakatagal nang ikaw'y natatago
sa pitak n~g aking lumuluhang puso,
ang iyong larawa'y talang walang labo
at siyang handugan n~g aking pagsuyo.
  Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay
ang kabuhayan kong walang kasayahan,
kung masasamid ka'y iyo nang asahan
na ikaw ang aking laging gunamgunam.
  Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig
ang isang makatang hibang sa pagibig,
bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git
at mababakas mong ako'y umaawit.




=¡ALA-ALA....!=


  Huwág mong isiping kita'y linilimot,
huwag mong asahang ang aking pag-irog
     ay wala't kupas na
     sa kimkim mong ganda,
huwag, aking kasi. Walang pagkatapos
ang tibok n~g pusong napabubusabos.

  Ikaw'y nagmalaki!  Ako'y di binati
at parang hindi na kakilalang tan~gi,
     ganyan n~gang talaga
     ang taong maganda,
mapagmalakihin sapagka't may uri
na lubhang mataas kay sa isang Hari.

  Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y
hindi man n~gitian, gayong kakilala,
     hindi ba't diwata
     ikaw nitong diwa?
Hindi ba't batisan ikaw n~g pag-asa
at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga?

  Tapunan n~g malas ang masayang araw
na ako'y busabos niyang kagandahang
     pumukaw na muli
     sa aking kudyapi,
doo'y mababakas ang isang larawang
ako'y nakaluhod at nananambitan.

  Iyan ang larawan n~g isang makata
na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa,
     Iyan ang umawit
     sa lahat n~g sakit
na taglay n~g pusong laging lumuluha
at sabik na sabik sa iyong kalin~ga.

  N~gayo'y naririto't muling umaawit
ang iyong makatang inapi't hinapis,
     habang inaapi'y
     lalong lumalaki
sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig
pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git.




=Saksi=...!


I.

  Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis
at ukulang tan~gi n~g aking pagibig,
pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git
na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.

II.

  Nananalig akong napakadalisay
n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan,
kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay
hanggang sa sumapit ang dakilang araw.

III.

  Pagaaralan ko, hanggang makakaya
na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa,
pagiin~gatan kong huwag kang magdusa
kung na sa sa akin ang iyong ligaya.

IV.

  Kaya't aking irog:  Ikaw'y pumanatag;
at kung sakali mang tayo'y mabagabag
ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag
pagka't ang lan~git ma'y nagaalapaap..!




=Kundiman=...!


  Dalagang butihin: Huwag kang human~ga
kung iyong makitang ang mata'y may luha,
ang kabuhayan ko'y hindi maapula
sa ikatatamo n~g tan~ging biyaya.

  Ang luha sa mata'y laging bumabalong,
ang aking damdamin ay linilingatong,
ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon,
ang ayos n~g lahat ay parang kabaong.

  Sa aking paghiga'y laging nakikita
ang iyong larawan, dakilang dalaga
ikaw'y maniwalang ako'y umaasa
na di aabutin ako n~g umaga.

  Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap
kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad,
ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap
ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap.




=Ang iyong pangako=

_Sa iyo, Pitiminí_.


Bago ka umalis at naglakbay baya'y
may naging pan~gakong sa aki'y iniwan
pan~gakong sa aki'y naging bagong araw
na nikat sa gitna n~g katanghalian,
paano'y pan~gakong sa katotohana'y
nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan.

Ikaw'y napalayo.  Ako'y ilinagak
sa lan~git n~g isang masun~git na palad
napatulad ako sa kimpal n~g ulap
na walang bituwing magarang ninikat,
ang kabuhayan ko'y naging isang dagat
na di matatawid kahit sa pan~garap.

Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit
at buong lakas ko ang siyang ginamit
ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib
ay siyang timbulang kawáy n~g pagibig,
noon ko nalamang ang taglay kong hapis
ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git.

Pinagtiisan kong labanan ang aking
pasanpasang hirap at m~ga damdamin,
ang kawikaan ko'y ang gabing malalim
na napakasun~git ay natatapos din.
Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin
ay magiging sayáng hindi magmamaliw.

Walang saglit na di ang iyong pan~gako
ang napapasulat sa aklat n~g puso,
walang araw na di ang aking pagsuyo
ay sabik sa tuwang kapintupintuho
kaya't nangyayaring madalas maligo
itong aking palad sa luhang nunulo.

Isinulit mo pang sa iyong pagdating
ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin,
ang aking pagasang puyapos n~g dilim
ay kinabakasan n~g bahagyang aliw,
paano'y umasang iyong tutubusin
ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing.

Magmula na noo'y naging maliwanag
ang lan~git n~g pusong nagaalapaap,
ang kurus na aking laging namamalas
sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak,
sa aking panin~gin ay naging watawat
na kulay lungtiang kapan~gapan~garap!

Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita!
ang lamang palagi nitong alaala'y
ang iyong pan~gakong hindi magbabawa
na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana,
n~gunit hinding hindi.  Ang aking pagasa'y
iyong ipinako sa kurus n~g dusa.

Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot
ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot?
At sa pagkabigo'y hindi ba himutok
ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos?
Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog
sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.

Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't
balisang balisa sa kapighatian,
at hanggang hindi mo binibigyang tibay
ang naging pan~gako sa dusta kong buhay
ang kaluluwa ko'y magiging larawan
n~g nakalulumong kurus at libin~gan.




¡ANG REYNA ELENA.....!


  Ayu't lumalakad. Magarang magarang
animo'y bituing nahulog sa lupa,
kung minsa'y nagiging hibang itong diwa
at kung magkaminsa'y para akong bata,
paano'y hindi ko masukat sa haka
ang nararapat kong ihaing paghan~ga.

  Kung kita'y itulad sa dakilang araw
at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan,
ay masasabi mong ako'y walang galang
at ako ay bihag niyong gunam-gunam.
Subali't butihin! Ang aking tinuran
ay tibok at utos n~g katotohanan.

  Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali,
naman sa pan~garap, ako'y isang Hari;
kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi,
hamog sa umaga, ban~gong walang pawi,
ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi
at ang nagsasabi'y nabatu-balani.

  Hanggang tumataas iyang kalagayan
nama'y naiingit itong kapalaran,
ang gunitain ko ay baka mawalay
sa puso mo't diwa ang aking pan~galan,
kung magkakagayon, irog ay asahang
sa aki'y babagsak ang Sangkatauhan.

  Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna,
pagka't sa ayos mo'y isa kang Zenobia,
may puso kang Judith, may n~giting Ofelia,
may diwang de Arco't may samyo kang Portia,
samantalang ako, akong umaasa'y
isa lamang kawal na lunód sa dusa.

  Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing
wala nang itagal ang aking damdamin,
kung magdaramot ka, Reyna kong butihin
at di mahahabag sa pagkahilahil
ay iyong asahang ang aking paggiliw
ay magkakalbaryong walang págmamaliw.




=¡Huwag kang manganib...!=

(SAGOT SA LIHAM MO)


I.

  Maasahan mo ang aking pag-ibig,
ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git,
hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis
ang iyong pan~gala'y laging na sa isip.

II.

  Huwag kang man~ganib!  Di ko malilimot
ang ganda mong iyang sipi sa kampupot,
ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog
ay na sa sa iyo't hindi mauubos.

III.

  Nang matunghayan ko ang padalang liham,
luha ko'y tumulo sa kapighatian,
paano'y gumuhit sa aking isipan
na: _ang tagumpáy ko'y iyong kamatayan_.

IV.

  Di ko akalaing iyong ikahapis
ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig,
ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit,
ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git.

V.

  Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi,
timbulan n~g puso n~g naruruhagi,
panilo sa m~ga tapat na lalaki,
pag-asa n~g palad na di mapuputi.

VI.

  Huwag mong isiping ako'y magsasawa
sa ating suyuang busog sa biyaya,
ang iyong larawa'y laging na sa diwa't
ang iyong pan~galan ay aking dambana.

VII.

  Aking natunghayan sa padalang sulat
ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap.
Kay hirap maghintay n~g masayang bukas!
Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap!

VIII.

  Magtiis ka irog!  Darating ang araw
na ikaw at ako ay magkakapisan,
ang ulap sa ati'y biglang mapaparam
at magliliwanag ang Sangkatauhan.

IX.

  Huwag kang man~ganib!  Darating sa atin
ang isang sandaling batis n~g paggiliw,
diyán matataya ang di magmamaliw
na aking paglin~gap sa pagkabutihin.

X.

  At kung katunayan n~g aking pag-ibig
ang hinihintay mong sa iyo'y isulit
ay narito akong gaya mong may hapis
at isinusumpa ang nunun~gong lan~git.




=¡Lihim ng mga titig!...=


  Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git
ang lihim na saklaw niyang m~ga titig,
isang suliraning nagpapahiwatig,
n~g maraming bagay, n~g luha't pag-ibig.

  Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,
pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw
n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman
ang ibig sabihin at pita n~g buhay.

  Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,
minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho,
minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso
nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.

  Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim,
at maraming bagay ang ibig sabihin,
n~guni't sa palad ko'y isang suliraning
nagkakahulugang ako'y ginigiliw.




¡CHOLENG...!


(Tan~ging sinulat upang
ihandog sa kaarawan mo--
ika 13 n~g Nov.)


I.

  Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya,
talutot na ginto n~g isang sampaga,
kalupi n~g buhay, hamog sa umaga,
Bathalang ang awa'y hindi magbabawa,
kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y
halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa,
timbulan n~g palad sa m~ga parusa,
tinig na mayumi n~g mahinhing maya.

II.

  Larawang kalasag sa m~ga pasakit,
tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git,
halamang magarang sa paligid-ligid
ay m~ga bulaklak na kaakitakit,
bundok na palaging sa libis ay batis
na maiinuman n~g budhing malinis,
dagat na payapang katapat n~g lan~git
na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib.

III.

  Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling,
sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin,
isang Sinukuang anang salaysayi'y
babaing bumihag sa libong damdamin,
usok n~g kamanyang na di magmamaliw,
Lan~git na masaya at Buwang butihin,
Olimpong mayaman sa m~ga awitin,
buhay na badhaan n~g isang paggiliw.

IV.

  Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag
ang lamang biyayang tugon sa pan~garap,
m~ga kayamanang hindi matitinag,
sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas,
talang nagsasayang may mayuming sinag,
aklat na talaan n~g aliw n~g palad,
dahon n~g kaluping yaong nasusulat
ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.

V.

  Tingkad n~g pagasa, tuhog n~g kampupot,
kudyapi n~g palad, tamis n~g pagirog,
watawat na sipi sa lalong matayog
na kaligayahang hindi mauubos,
haligi n~g buhay na di matutupok
n~g apoy n~g samang dito'y nagsianod,
bathala n~g gandang kung siyang magutos
sa matatakuti'y mawawalang takot.

VI.

  Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't
laman n~g panulat na kahilihili,
iyan ang larawang aking binabati
at isang dalagang hiyas nitong Lahi,
iyan ang diwatang ang paguugali'y
mayamang talaan n~g saya't lwalhati,
iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y
pawang kapalarang walang pagkapawi.

VII.

  At n~gayo'y araw mo!  N~guni't ano kaya
ang maiaalay sa isang himala?
Walang wala Choleng! Hindi m~ga tula,
ni hindi pan~garap sa gitna n~g tuwa,
kundi m~ga mithing: _buhay_, _lakás_, _tyaga_,
ang sa talaan mo ay man~gapatala,
iyan ang mabuting kalasag na handa
upang sapitin mo ang inaadhika.

VIII.

  Basahin pa Choleng sa aklat n~g buhay
ang tingkad n~g aking dalan~ging dalisay;
"Buhay mo'y maglayag sa kaligayahang
pan~garap n~g lahat sa Sangkatauhan.
Isang pagtatapat: Sa lupang ibabaw
ang palad n~g madla ay isang digmaan,
ang iyong paglakad ay pakain~gata't
ang buhay n~g tao'y panaginip lamang.




TINDING...


  Magsabi ang Lan~git kundi ikaw'y talang
Nagbigay sa akin n~g tuwa't biyaya,
Magsabi ang lahat kung hindi diwata
Ikaw n~g lalo mang pihikang makata.

  Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y
Natuto sa iyong huma~ga't sumamo,
Sisihin ang iyong dikit na nagturo
Sa kabuhayan ko, n~g pamimintuho.

  At sino sa iyo ang hindi hahan~ga?
Ikaw'y paralumang batis n~g biyaya,
Pakpak n~g pan~garap at Reyna n~g awa.

  Ang dilim n~g gabi sa aki'y natapos,
N~gumiti sa tangkay ang m~ga kampupot,
Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.




Noo'y isang hapon...

(Kay......................)


  Noo'y isáng hapon! Ikaw'y nakadun~gaw
At waring inip na sa lagay n~g araw,
Ang ayos mo noon ay nakalarawan
Sa puso kong itong tigíb kalumbayan.

  Anománg gawin ko'y hindi na mapawi
Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi,
¡Itóng aking pusong nagdadalamhati'y
Tinuruan mo pang umibig na tan~gi!

  Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi
Sa iyo ang aking tunay na pagkasi
Ay pagka't ang aking puso ay napipi
Sa haráp n~g dikít na kawiliwili.

  Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos
Ang aking panulat at aking pag-irog;
Ang aking panitik: walang pagkapagod,
Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.

  Kung pan~garapin ko ang lamlam n~g araw
At nagíng anyo mo sa pagkakadun~gaw
Ay minsang sumagi sa aking isipang
"¿Ikaw kaya'y aking magíng Paraluman?"




Daglian...

(Sa iyo rin...)


  Kung sa iyong pag-iisá
O sa iyong pagbabasá
Ay may matutunghayan ka
Na tunay na sumisintá,
Yaón ay wala nang ibá
Kungdi akong nagbabatá.

  Akin na n~gang naiulat
sa iyo, ang aking palad,
N~guni't ang aking panulat
Ay di makapagsisiwalat
N~g _layon_ ko at _pan~garap_.
Kakambal ko kaya'y hirap?

  Tinding: ikaw'y maniwala
Na ang aking puso't diwa
Sa iyo'y sangla kong pawa;
Ang puso ko'y humahan~ga,
N~guni't umíd itong dila,
Ito kaya'y malikmata?

  Ang may pagsintang malabis
Ay umid at nahahapis,
Ligaya na n~gang masilip
Yaong kanyang nilalan~git,
¿Tubsin mo kaya sa sakit
Ang pagkasi kong malinis?




Unang damdamin!

(Sa iyo.....)


I.

  Bathala n~g ganda!  Hindi kailan~gang
sa aki'y magtaka sakaling alayan
n~g paos na tinig n~g aking kundiman,
pagka't alam mo nang diwata kang tunay.

II.

  Ikaw ang pumukaw sa aking panulat
upang maawit ko ang yumi mong in~gat,
ikaw ang sa aking kalupi n~g palad
ay unang nagtitik n~g isang pan~garap.

III.

  Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing
ikaw ang bathalang pumukaw sa akin,
ikaw ang nagbukas sa aking damdamin
n~g lihim at unang pinto n~g paggiliw.

IV.

  Kundi kasalanan ang gawang tuman~gis
ay ibilang mo nang kita'y iniibig
at kung ang luhog ko'y iyong ikagalit
ay ibibilang kong isang panaginip.




¡INFIERNO....!


  Tinatakhan mo ba ang aking pag-irog?
Dinaramdam mo ba ang aking paglimot?
Huwag kang mamangha't di mo masusubok
ang kadalisayan n~g aking pagluhog.

  Sa aki'y di sukat ang m~ga babae,
sa aki'y di sukat ang iyong pagkasi,
ako'y inianak sa pagkaduhagi
kaya't magagawa ang minamabuti.

  Ako'y malilimot kung siya mong nais
at pakasumpain sa silong n~g lan~git,
ikaw'y may laya pang sa iba'y umibig
pagka't may ganda kang hiraman n~g awit.

  Subali't alaming... ikaw'y masasayang
kung mahihilig ka sa ibang kandun~gan,
sapagka't ang ating nan~gagdaang araw
ay di malalanta sa iyong isipan!

  Ang lahat sa lupa'y iyong mahahamak
at maaari kang magbago n~g palad,
n~guni't susundan ka sa iyong paglakad
n~g isang anino n~g ating lumipas.

  Iyong magagawa ang ako'y limutin
at matitiis ko ang pagkahilahil,
iyo mang isangla ang iyong paggiliw
sa ibang binata'y... di ko daramdamin!

  Kung tunay mang _lan~git_ ang iyong pagkasi'y
isang _Infierno_ ring aking masasabi,
bihira sa m~ga magandang babae
ang di salawaha't taksil sa lalaki.

  Limutin mo ako kung siya mong nasa't
saka pa umibig sa ibang binata,
ang pagtataksil mo'y di ko iluluha
pagka't ang babae'y taong mahiwaga.

  Ang paglilihim mo'y aking kamatayan,
ang ginagawa mo'y parusa n~g buhay,
kundi ka tutupad sa bilin ko't aral
ay ako'y walin na sa iyong isipan.

  Di ko tinatakhan ang palad n~g tao
sapagka't ang lahat ay mayrong Kalbaryo
kung ang aking puso'y iyong _Paraiso_,
ang iyong pag-ibig ay aking _Infierno_.




¡Kamanyang...!


I.

Ang hapong malamlam ay naging tadhana
n~g bagong panahon sa aklat n~g diwa,
ang gabing madilim na di nagsasawa
sa pagmamaramot sa m~ga biyaya
ay naging umagang sa aking akala'y
batbat n~g bulaklak na lubhang sagana,
ang buwang mayuming ayaw magmagara
ay naging dalagang kaagáw n~g tala.

II.

Ang m~ga aliw-iw n~g palalong tubig
sa kabuhayan ko'y naging m~ga tinig
n~g lalong mapalad sa silong n~g lan~git,
ang kulay n~g hirap na namimiyapis
ay biglang nagmaliw na di ko malirip,
ang mundo kong batbat n~g luha at sakit
ay naging mundo na n~g Haring makisig
ó isang palásyong malayo sa hapis.

III.

Ang tikóm na labi n~g m~ga sampaga'y
namukád na bigla't naglabing ligaya,
ang dilim at ulap n~g aking pagasa'y
naging bagong araw na di magbabawa,
ang kukó n~g hirap at, ban~gis n~g dusa'y
naging m~ga hamog sa dapit umaga,
ang guhit at ulos n~g m~ga parusa'y
naging m~ga n~giti n~g bagong Ofelia.

IV.

Huwag kang magtaka, dalagang mayumi
sakaling sabihing sa aki'y napawi
ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati,
sapagka't sa n~gayo'y aking napaglimi
na iyong pagsilang nang buong lwalhati
ang m~ga nabagong nadama't nasuri,
ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y
tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati.

V.

At n~gayo'y araw mo! Darakilang araw
ang siyang sumaksi sa iyong pagsilang,
at yamang ganito'y aking katungkulang
ikaw ay suubin n~g aking kundiman
bagama't, alam kong ang awit n~g buhay
ay awit n~g m~ga naaaping tunay
bagama't talos kong ang "lira" kong tan~gan
ay hamak na "kurus" sa isang libin~gan.

VI.

Walang kailan~gan! At tila n~ga dapat
na ika'w batiin n~g aking panulat:
Dakilang dalaga, ang Sangmaliwanag
ay busog sa silo at m~ga bagabag,
tayo'y isinilang upang makilamas
sa n~gitn~git n~g dilim at sigwa n~g palad,
matapos batii'y iyong isahagap
na ang buhay natin ay isang pan~garap.




Ang abaniko mo...

(_Sa isang bulaklak._)


  Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw
ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
parang isang "mundo, ang pinagagalaw
n~g napakaputi't nilalik mong kamay.

  Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
nang ako'y daran~gin n~g dila n~g init,
diyan napasama ang patak n~g pawis,
diyan napalipat ang pisn~gi n~g lan~git.

  Anopa't sa aki'y naging malikmata
ang buhay kong iyong binigyang biyaya,
nalimot kong minsang ang tao sa lupa
ay may kamataya't sariling tadhana.

  Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi
at bagong umaga ang siyang naghari,
ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
sa akin ang m~ga taong mapagsurí.

  Subukang igawad ang Sangkatauhan
at hindi sasaya itong kabuhayan,
n~guni't kung ang iyong "abanikong tan~gan,
patay ma'y baban~go't ikaw'y aawitan.

  Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
upang ang lan~git ko'y mawalan n~g ulap,
ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,
ako'y dinaraíg n~g m~ga pan~garap.




Kung ikaw'y umibig

(_Sa aking Reyna._)


  Huwag nang sabihing ang tan~ging Julieta
n~g isang Romeo'y batis n~g ligaya,
huwag nang banggitin ang isang Ofelia't
hindi mapapantay sa irog kong Reyna.

  Subukang buhayin ang lima mang Venus
at di maiinggit ako sa pagluhog,
tinatawanan ko si Marteng umirog
sa isang babaeng lumitaw sa agos.

  Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig,
ang kinis n~g noong wari'y walang hapis,
ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git
ay isinangla mo kung ikaw'y umibig.

  Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya,
ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga,
kung magkakapisan ang ating pag-asa
ay magiging mundong walang bahid dusa.

  Hindi mo pansin na ako'y lalaki,
hindi mo naisip na ikaw'y babae,
paano'y talagang kung ikaw'y kumasi
sa tapat na sinta'y nagpapakabuti.

  Gabing maliwanag at batbat n~g tala,
maligayang Edeng bahay n~g biyaya,
iyan ang larawang hindi magtitila
n~g iyong pag-ibig sa balat n~g lupa.

  Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip,
ang mundo'y di mundo n~g hirap at sakit,
aking mapapasan ang bigat n~g lan~git
kung sasabihin kong: _Kung ikaw'y umibig_.




Tag-ulan...


  May nan~gagsasabing masama ang ulan,
may nan~gagagalit sa lusak na daan,
ako ang tanun~gi't... aking isasaysay
na ang tan~ging _gloria'y_ ang pagtatampisaw.

  Ang m~ga halama'y nan~gananariwa
sa patak n~g ulang hindi nagtitila,
ang aking pagkasing ibig mamayapa
kung ganyang tagula'y nagbabagong diwa.

  Walang kailan~gang sa aki'y magtago
ang mukha n~g araw na di ko makuro,
sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho
upang pasayahin ang kimkim kong puso.

  Walang kailan~gang sa Sangmaliwanag
ay laging maghari ang dilim at ulap,
ang patak n~g ulan sa imbi kong palad
ay ban~gong masansang na di man~gun~gupas.

  Kung may mag-uulat na sa kalan~gitan
ay may unos, baha, at patak n~g ulan,
ay kunin na ako't hindi mamamanglaw
pagka't masasama sa kawal n~g banal.

  Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git,
lihim na biyaya sa m~ga ninibig,
laman n~g panulat sa m~ga pag-awit,
sariwang bulaklak sa pitak n~g isip.

  Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin
at ayaw sumunod sa aking paggiliw,
ang patak n~g ula'y sukat ang malasin
upang ang _lira_ ko'y sumuyo't sumaliw.

  Kung sakasakaling ako'y maging bangkay
at saka ilagak sa isang mapanglaw
na labi n~g libing... mangyaring ang ula'y
bayaang tumagos sa aking katawán.




II.

PAGSISISI......

(TULANG MAY ANIM NA BAHAGI.)

_ I.--Nasilaw sa dilím.
 II.--Ang hamak na palad.
III.--Gayon man, gayon ma'y...
 IV.--Ang panghihinayang...
  V.--Kung ikaw'y binata...
 VI.--Sa abó baban~gon..._




¡PAGSISISI.....!

Sa iyo

=_Nasilaw sa dilim_=...


I.

  Anang m~ga tao: _Ang m~ga makata'y
Sadyang isinilang upang magsiluha._
Nang una'y ayokong dito'y maniwala
Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama.

  Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil,
May luhang nagmula sa pagkahilahil,
May sa pagkaapi sa isang giniliw,
May sa pagkalayo sa inang butihin.

  Ang luha n~g aking nagsisising puso
Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo,
Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo,
Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.

  Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya
Na ang tao'y mayrong _balon_ n~g parusa,
Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't
Bumawi sa akin n~g aking ligaya.

  Talagang ang tao'y sadyang walang tigil,
Namali nang minsa'y ibig pang ulitin,
Ang tanaw sa _mundo'y mundong_ walang lihim
At sa _Dios_ ay _Dios_ na di matandain.

  Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't
Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa,
Dito kung mayron mang sampagang dakila
Ay may tinik namang pamutol n~g nasa.

  Ang pagkamasakim sa ban~go at puri
Ang isinasama n~g lalong mabuti,
Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y
Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki.

  Oh! _ban~gong_ pan~garap n~g uhaw na puso!
Oh! _puring_ nagbuwal sa lalong maamo!
Kayo ang _berdugong_ may bihis-pagsuyo
N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo.

  Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't
Ang uhaw sa puri n~g isang dalaga'y
Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't
Siyang nagsasabog niyong m~ga Troya.

  Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala
Na ang nagawa ko'y kahiban~gang pawa,
N~gayon ko natantong _birhen_ kang dakila,
May wagas kang puso't banal na akala.

  Ako'y naririto't pinagsisisihan
Ang aking nagawang m~ga kasalanan,
Aking babaunin hanggang sa libin~gan
Ang hinanakit mo't magagandang aral.

  Talagang nalisya ang aking pan~garap,
Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat,
¿Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag
Gayong ikaw'y isang _anghel_ na mapalad?

  Pawiin sa puso ang m~ga nangyari
At iyong alaming may ban~go ka't puri,
Samantalang gayon, ako'y nagsisisi
At binabawi ko ang m~ga sinabi.

  N~guni't isang tanong: ¿Kaya ang patawad
Sa namaling puso ay iyong igawad?
Ang m~ga _luha_ ko'y siyang ihuhugas
Sa napaligaw ko't nagsisising palad.

       *       *       *       *       *


=_Ang hamak na palad_...=


II.

  Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa
sa nagsisi ko nang lakad at akala,
aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala
sa m~ga nasayang at natak kong luha.

  Kung natatalos mo ang luhang nasayang
sa mata ko't pusong laging naglalamay,
sana'y nasabi mong mayrong katunayan
ang dinaranas kong m~ga kahirapan.

  Ang hinanakit mo, sumbat at paglait
ay pawang nakintal sa dila ko't isip,
at ang ating lihim sa silong n~g lan~git
ay siyang sa aki'y nakakaligalig.

  Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin
nang upang ihayag ang buo kong lihim,
lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil
sa napakabatang puso mo't paggiliw.

  Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat
ang kawikaan mo, ako'y isang hamak,
ang naging ganti mo sa aking paglin~gap
ay isang _libin~gan_ at _kurus_ n~g hirap.

  Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos
umibig sa isang Reyna n~g Kampupot,
ang _hamak_ na palad ay dapat umirog
sa kaisa niyang _hamak_ di't _busabos_.

  ¿Maaari kayang ang isang _granada'y_
maihulog sa di gusto n~g _princesa?_
¿maaari kayang ang isang sampaga'y
makuha at sukat n~g taong bala na?

  Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri,
ikaw'y isang lan~git na kahilihili
at ako ay isang hamak na pusali,
ikaw ay sariwa at ako'y unsyami.

  Ang panghihinayang ang siyang nagtulak
na kita'y mahalin n~g buo kong palad.
Ang panghihinayang ang siyang nagatas
na kita'y itala sa aking pan~garap.

  Kung ikaw sa akin ay walang hinayang
sa aki'y sayang ka at sayang na tunay,
sabihin na akong kasakimsakiman
at ikaw sa iba'y di mapapayagan.

  Lalo pang mabuting kanin ka n~g lupa
kay sa mahulog ka sa ibang binata,
¿Iba pa ang iyong bibigyang biyaya
gayong ako'y uhaw sa iyong kalin~ga...?

  Ipinipilit mong tayo'y pupulaan
kung sa lihim nati'y mayrong makamalay,
¿at sinong pan~gahas ang pagsasabihan.
nitong ating lihim sa sangkatauhan?

  Ako'y nagsisisi't nabigyang bagabag
na naman ang iyong tahimik na palad,
kundan~ga'y ang iyong ban~gong walang kupas
sa pagiisa ko'y siyang nasasagap!

  Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin
kahit nalalaban sa aking damdamin,
n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin
ang papanaw ko nang ulilang paggiliw.


       *       *       *       *       *


=_Gayon man, gayon ma'y _...=


III.

  Kung may kasayahan ang tao sa lupa
naman ay mayron ding pagkabigo't luha.
Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala
ay laruan lamang n~g kanyang tadhana.

  Yamang walang taong likas na mabuti't
walang nan~gamaling hindi nan~gagsisi.
Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y
itatakwil ko na ang aking pagkasi.

  Lulunurin ko na sa hukay n~g puso
ang aking yayaong nasawing pagsuyo,
ipagluluksa ko ang pagkasiphayo
n~g aking pag-ibig na di mo inako.

  Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat
na puno n~g aking sariling bagabag,
pag-aaralan kong lumaban sa hirap
yamang siyang takda n~g buhay ko't palad.

  Aking natatantong walang pagkasayang
sa iyo ang aking maralitang buhay,
sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw,
sa iyo'y lwalhati ang _kurus_ ko't _hukay_.

  Kung ikaw ay walang hinayang sa aki't
wala pang hinayang sa aking paggiliw,
ay iyong asahang aking sasapitin
ang ninanasa mong balón n~g hilahil.

  ¿Di mo nalalamang itong umi-ibig
sa lahat n~g bagay ay di nan~gan~ganib,
ang kamatayan ma'y kanyang malalait
kundi na makaya ang taglay na hapis?

  Gayon man, gayon ma'y hindi masisira
sa akin ang iyong hiling at pithaya,
gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang
maghandog n~g iyong ikapapayapa.

  N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap
sa aking namali't nagsising pan~garap?
¿manumbalik kaya at hindi kumupas
ang iyong pagtin~gin sa imbi kong palad?

  Iyan ang isa pang di ko ikatulog
gayong nagsisi na ang aking pagirog,
iyan ang sa aki'y nagbibigay takot,
iyan ang sa n~gayo'y di ko mapag-abot.

  Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap
ay magbabago na sa imbi kong palad,
ang kawikaan mo'y ang isang nabasag
mabuo ma'y mayrong natitirang lamat.

  Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan
kung ganyan ang iyong magiging isipan,
n~guni't alamin mong malinis na tunay
ang isang maruming nagbago n~g buhay.

  Magpahangga n~gayo'y iyong mawiwika
na ikaw'y akin pang _sinisintang kusa_,
magiging totoo ang iyong hinala
kung ang puso'y muling hagkan n~g paghan~ga.

  Kung muling gumiit ang panghihinayang
ikaw ay muli kong sisintahing tunay,
ang isa pa'y iyo namang nalalamang
ang _pagsisisi_ ko'y _pagbibigay_ lamang!


       *       *       *       *       *


=_Ang panghihinayang_...=


IV.

  May ilang araw nang ako'y kalung kalong
n~g bisig n~g dusa't kamay n~g linggatong
may ilang araw nang sa mata'y nanalong
ang pait n~g luhang usbong n~g paglun~goy.

  Nakikita, mo mang ako'y tumatawa
nama'y tawang pilit at busog sa dusa,
di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya,
may n~giting singpait n~g luha't parusa.

  Ang nakakatulad nitong aking buhay
ay mundong ulila sa sikat n~g araw,
katulad ko'y isang _prinsipeng_ mayaman
na uhaw at salat sa aliw at layaw.

  Upang pumanatag ang aking pagluha'y
aking kailan~gan ang lin~gap mo't awa,
awang magbibigay n~g yutang biyaya,
awang sa lungkot ko'y tan~ging papayapa.

  Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay
sa nais na kita'y mapagbigyan lamang,
kung susunurin ko itong kalagaya'y
di ka malilimot hanggang kamatayan.

  ¿Paano ang aking gagawing paglimot
sa iyong ang ban~go'y higit sa kampupot?
Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok,
ay sinong banal pa ang hindi iirog?

  ¿Sa puti n~g iyong kamay na nilalik,
sa m~ga labi mong may pulot at init,
sa m~ga paa mo't binting makikinis
ay sinong pihikan ang hindi iibig?

  Kung sinusukat ko ang ganda mong ari,
puso ko'y ninibok at nananaghili,
aking nasasabing _Talo ko ang Hari
kung ako ang iyong mamahál na tan~gi_!

  Ang panghihinayang ang siyang sa aking
puso'y bumabayo't sumusupilsupil,
kung ikaw'y bigla ko't buong makakai'y
kinain na kita nang ikaw'y malihim.

  Huwag mong sabihin na ako'y gahaman
kung kagahaman n~ga ang layon ko't pakay,
para ko sabihin ang katotohana'y
walang taong hindi may _imbot_ sa buhay...

  Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig
ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit,
ang m~ga sumbat mo nama'y itititik
sa dahon n~g aking lagás na pagibig.

  Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa
sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa,
sa iyo sisikat ang isang umaga
na dala ang aking magiging ligaya.

  Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y
saksi ang halik kong iyong itinago.
halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y
nakintal na tanda n~g aking pagsuyo.

  Kung kulang ka pa ring tiwala buhay,
ako'y magtitiis sa kapighatian,
magtitiis ako, kahit nalalamang
ang _lungkot_ n~g tao'y isang _karamdaman_.

       *       *       *       *       *


=_Kung ikaw'y binata_=...


V.

  Gaya nang hula ko: ikaw'y untiunting
nalayo sa aki't nagtatampong wari,
ikaw'y umilap at nabibighaning
ako'y pakanin mo n~g dusa't aglahi.

  Panibagong lungkot na naman ang aking
naragdag sa iyong pihikang damdamin,
talaga na yatang ang aking paggiliw
ay di matutubos sa _sala't hilahil_.

  Ninanais ko nang ako'y makaguhit
n~g bagong palad kong walang bahid dun~gis
ay kung bakit ako'y lalong nabibin~git
sa pagkakasala at ikatatan~gis...!

  Hanggang nagiin~gat itong kabuhaya'y
lalong nabubulid sa kapighatian,
hanggang ninanais yaong kalinisa'y
lalong dumurun~gis itong kapalaran...

  Hindi ko malaman itong nangyayari
sa kabuhayan kong bihag mong parati,
ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y
puno na n~g aking m~ga pagsisisi.

  Aking nalalamang hindi makukuha
n~g pagsisisi ko itong m~ga sala,
n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y
mag-abang sa iyo, n~g awa't ligaya.

  Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y
sapagka't _lunas_ ka sa aking pagluha,
ikaw sa _lungkot_ ko'y kamay n~g biyaya,
ikaw sa _uhaw_ ko'y hamog na mabisa.

  Para ka mawaglit sa aking isipa'y
kailan~gan ko pa ang isang libin~gan,
at para maubos ang aking kundima'y
magbalik ka muna sa pinanggalin~gan.

  Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig
n~g isang pagsintang singlawak n~g lan~git
n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis
sa pagmamahal kong wagas at malinis?

  ¿Nalulungkot ka ba? Di ko akalaing
iyong ikalungkot ang aking paggiliw,
di ko inasahang _dun~gis_ na ituring
ang pagmamahal kong may wastong layunin.

  ¿At kung ikaw kaya ang naging lalaki't
ako ang pinalad na maging babae,
kung hinahamak ko ang iyong pagkasi
ay ilang puso mo ang di maruhagi?

  Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata
ang hirap sa mundo nang lumuhaluha,
sana'y natalos mong ang lalong dakila
ay nagiging taksil sa laki n~g nasa.

  Huwag kang malungkot! Busugin sa layaw
ang uhaw sa iyong aking kabuhayan,
sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw,
sa m~ga pisn~gi mo, ako'y mabubuhay.

  Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig
ay pagibig ko rin ang siyang lilinis,
at kung nahawa ka sa taglay kong hapis,
hapis mo't hapis ko ay magiging lan~git.

       *       *       *       *       *


=_Sa abo babangon_=...


VI.

  Sa huli'y natumpak itong aking puso't
natutong tumupad sa aral mo't samo
titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y
malibing sa hukay n~g pagkasiphayo.

  N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y
singdilim n~g iyong tinamong damdamin,
n~gayon ko natalos na ako'y sinupil
n~g matinding udyok n~g isang paggiliw.

  Yamang sumikat na sa puso ko't isip
ang kaliwanagang bumihis sa hapis,
ay masasabi kong ang aking pagibig
ay handang lumagak sa pananahimik.

  Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang
sa n~galan n~g ating pagkakapatiran,
kinikilala ko itong kamalian
na siyang naglagpak sa aking pan~galan.

  Ituring sa wala ang m~ga nangyari't
iguhit sa tubig ang m~ga nasabi,
ang laki at alab n~g aking pagkasi,
n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi.

  Hindi pagkan~galay n~g aking panitik
ang naging dahilan n~g pananahimik,
kung hindi sa nasang huwag maligalig
ikaw pa n~g aking bulag na pagibig.

  Napagaralan kong ikaw'y isang talang
kakambal n~g aking damdamin at diwa,
aking natutuhang tumpak n~ga at tama
ang m~ga aral mong mahalagang pawa.

  Ang m~ga lungkot mo ay aking damdamin
at ang damdaming ko ay damdamin mo rin,
ang _akin_ ay _iyo't_ ang _iyo_ ay _akin_
at tayong dalawa'y may isang layunin.

  Huwag nang ituring na ako'y kalaban
pagka't nagbago na ang aking isipan,
ang puso ko n~gayon ay naliwanagan
pa kislap n~g iyong mahalagang aral.

  Dapat nang lumaki ang iyong pagasa
sa pagliliwayway n~g bagong umaga,
ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't
ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa.

  Magkakahiwalay itong ating palad
na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag,
ikaw'y magtatago't... sa pamamanang
at may ibayo kang gayuma't pan~garap.

  Samantalang ako'y tan~ging magtatago
sa utos sa akin n~g Hukóm na Puso,
sa pagliliwayway ay talang malabo
ang makakatulad n~g aking pagsuyo.

  Napakapait man sa aking pagibig,
kita'y iwawalay sa pitak n~g isip,
sa abo n~g aking papanaw na awit
ay baban~gon itong buhay kong malinis.

  Kung walang tiwala sa aking sinabi'y
saksi ko ang bagu't bagong mangyayari,
kung muling malisya ang aking pagkasi'y
tugunin n~g _sumpa_ itong pagsisisi.




III.

ALBUM NG DALAGA...

HANDOG:

=_Kay Bb. Concepcion T. Garcia_.=

_San Nikolas, Maynila_.




Album ng Dalaga...

I.

=_Simula_.=

_La princesita está bella_.

Ruben Dario.

  Ipahintulot mo, dalagang mayumi,
Na ilarawan ko ang ganda mong ari,
Ipahintulot mong awitin kong lagi
Ang kagandahan mong makahibang-pari.

  Bulaan ang madlang balitang _Prinsesa_
Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa,
At para sa akin, ikaw'y siyang _Reyna_
N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga.

  Ang kaharian mo'y iyang kagandahan,
Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay,
Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman.

  Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen,
Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin,
Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain.



II.

=Ang mga buhok mo=..._

_Tu pelo es una nube del Oriente_.

Salvador Rueda.

  Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas
Kung nakasalalay sa iyong balikat,
M~ga ulang waring di lupa ang hanap
Kundi sampagitang humahalimuyak.

  Sa itim ay gabing walang buwa't tala,
Sa haba ay halos humalik sa lupa,
Sa lago'y halamang malago't sariwa,
Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga.

  Naging katulad ka niyong Penelopeng
may timtimang pusong miminsang kumasi't
Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.

  Sa haba n~g iyong buhok nakilala
Ang kadalisayan n~g pagkadalaga
At ang kahabaan n~g isang pag-asa.



III.

=_Ang mga mata mo..._=

_Cantar quise tus ojos_.

=Campoamor=.

  Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y
Ipinanghiram ka n~g mata sa tala,
Dalawang bituing sa hinhi'y sagana
Ang naging mata mong mayaman sa awa.

  Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip
Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git,
Mababaw na dagat ang nasa sa gilid
Na ang naglalayag ay pusong malinis.

  Di ayos matalim, ni hugis matapang,
Ni hindi maliit, ni di kalakihan,
Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay.

  Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag,
Kalinisa't puri ang namamanaag,
Umaga ang laging handog mo sa palad.




IV.

=_Ang mga pisngi mo_=.

_Naciente luz te corona_.

Espronceda.

  Ang lahat n~g buti'y natipon na yata
Sa kabataan mong ilag sa paraya,
Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga
Ay nakahihibang at nakahahan~ga.

 Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo,
Mayumi, manipis at hindi palalo,
Ang san~gahang ugat kahit humahalo,
Ay napapabadha't... di makapagtago.

  Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala
Ako'y mamamangha kung aking makita
Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela.

  Naiinggit ako sa paminsanminsan
Sa dampi n~g han~ging walang-walang malay,
Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..!



V.

=_Ang mga labi mo_=.

_Los labios del arcangel en sus labios_...

Menendez Pelayo.

  Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git,
Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis,
Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig
Labing mababan~go, sariwa't malinis.

  Labi n~g sampagang may pait at awa,
Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya,
Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa,
Pook na tipanan n~g hamog at diwa.

  Tagapamalita n~g lihim n~g puso,
May _oo_ at _hindi_, may _tutol_ at _samo_,
May buhay at palad, may tula't pagsuyo.

  An~g m~ga labi mo'y may pulót na tan~gi
Kung iyan ang aking pagkaing palagi'y
Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.




VI.

=_Ang mga kamay mo_=.

_Pudiera yo tu mano de azucena
Besar solo una vez_..!

Heine.

  Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis
Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik,
Garing na mistula sa puti at linis,
Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig.

  Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya
Ay di hugis tikin, ni hubog kandila;
Ang ayos at hugis ay bagay at tama
Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.

  Ang makakandong mo't maaalagaan,
Ang mahahaplos mo't mahihiranghirang,
Ang kahit patay na'y muling mabubuhay.

  Mahagkan ko lamang ang iyong daliri,
Sa kapwa makata, ako'y matatan~gi
At marahil ako'y isa na ring Hari.




VII.

=_¡Ang mga paa mo..!_=

_Tus pequeños pies
Son tropos
Para mis piropos_.

Machado.

  Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko
Ay naguguhit din ang m~ga paá mo,
Paang mapuputing nakababalino
Sa isip at buhay n~g payapang tao.

  Paáng makikinis at makaulul-palad,
Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat,
Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad,
Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak.

  Parang m~ga paá n~g nababalitang
Cleopatra at Leda n~g panahong luma,
Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.

  Naiinggit ako sa bawa't yapaka't
siyang nagsasawa sa paá mong hirang,
¿Ano't di pa ako ang maging tuntun~gan?




VIII.

=_Wakas..._=

_Tan dulce, tan bella,
tan tierna, tan pura._

J. de dios Peza.

  Talagang natipon ang lahat n~g buti
Sa kabataan mong di pa kumakasi,
Ang lahat n~g yaman n~g isang babae
Ay nasa sa iyong sariwang parati.

  Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay,
Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan,
Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay
Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay.

  Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad,
Ang kagandahan mo'y aking ikakalat
Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag.

  Kung may naghahanap sa bukang liwayway
Sa kabataan mo ay matatagpuan,
¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan!




ANG PANYO...


I.

Pamahid n~g luha kung ginigiyagis
    n~g masidhing panglaw,
pamawi n~g luhang sadyang tumitigis
    sa pusong luhaan,
isáng kasangkapang ipinananakíp
    sa mukhang may lumbay,
isáng mahiwagang tagapaghiwatig
    n~g lihim na saklaw
n~g pusong sapupo n~g isáng pag-ibig
    sa gitna n~g buhay.

II.

Panakíp sa bibig kung may simpang hiya
    sa kinákaharáp,
isáng kagamitáng kung walang tiwala'y
    pangbalot n~g sulat,
at páunang saksing minsang lumilikha
    n~g lúbusang galák,
na mandi'y nánabi n~g masuyong wikang
    tugon sa pan~garap:--
_Sa inyong ibiga'y ang unang magdaya'y
    pan~gan~ganlang sukáb_.

III.

Isáng kasangkapang ang nagkakalayo'y
    pinapaglalapít
kung binabalaan at sinisiphayo
    n~g _isáng_ may galit;
tagapamalitang may giliw at suyo
    kung naghihiwatig
sa nagkakalayo't nagtitipáng puso
    dahil sa pag-ibig.
Iyán ang halagá at bisa n~g panyo
    sa silong n~g Lan~git.

IV.

Ang panyo'y pamahid sa luhaáng matá
    n~g lahát at lahát,
ang panyó ay piping nakapagbabadya
    n~g bawa't máhan~gád,
ang lahat n~g galáw na inyong makita'y
    may lihim na sangkap,
katugón n~g mithi n~g m~ga ninintang
    hindi magkáusap;
may lihim na uring kalakip ang dusa
    at maging n~g galák.

V.

Ang panyong idampi sa labi, sa bibíg,
    ay may kahulugáng:--
_kitá'y sinisinta, kitá'y iniibig
    hanggang sa libin~gan;_
at sakasakaling sa matá ipahid:--
    _ako'y namamanglaw
kung di ka makita, kung di ka masilip
    n~g dusta kong buhay;_
at sakasakaling ihaplos sa dibdib:--
    _ako'y mamamatáy_.

VI.

May tan~ging halagá at tagláy na galíng
    ang lahat n~g panyo,
kaya't minimithing halos na agawin
    n~g m~ga nunuyo,
minsang magpatibók sa m~ga damdaming
    patáy sa pagsamo,
malimit lumikha n~g isang paggiliw
    at pamimintuho't
madalas tumubos sa piping pagdaing
    n~g luhaáng puso.




¡Ang Pamaypay!


  Ang lahat at lahat sa Sangkatauhan
ay may kanya-kanyang uri't kalagayan,
may ibig sabihin ang lahat n~g bagay
na abot ó hindi n~g damdam at malay,
ang panyo'y may lihim sa nagiibigan
gaya n~g bulaklak at m~ga halaman,
itong abaniko'y isang kasangkapang
pangdagdag sa puso n~g init at buhay.

  Sa Aklat n~g Puso't Aklat n~g Paggiliw
yaong abaniko'y may ibig sabihin,
may sariling uri't sariling tuntunin
may sariling layon at sariling lihim,
sa Talatin~gigan n~g m~ga Damdamin
ang wikang Pamaypay ay tuwa't hilahil,
palad at tagumpay, at kung kukurui'y
taga pamalita niyong bukas natin.

  Kalihim n~g Puso't Patnubay n~g Palad,
n~giti n~g liwayway sa likod n~g ulap,
sa gitna n~g buhay ay "isang watawat
na kulay lungtiang pakpak n~g pan~garap,
sagisag n~g hinhin n~g m~ga mapalad,
baluti n~g m~ga babaeng banayad,
kublihan n~g mukhang maramot maglagak
n~g masayang n~giting yaman n~g panulat.

  Isang kasangkapang gamit n~g babae
at kung magkaminsa'y pati n~g lalaki,
bibig na malayang nakapagsasabi
n~g _oo_ at _hindi_ n~g _sama_ at _buti_,
isang kasangkapang sa nagsisikasi'y
papel at panulat, gayuma't buhawi,
sangla n~g pag-ibig, na namamayani
sa lahat n~g pusong bihag na parati.

  Ang bawa't ikilos n~g isang pamaypay
ay may isang wika, uri t kahulugan,
parang isang aklat na nagsasalaysay
n~g hirap at tuwa, n~g aliw at panglaw;
kung iyong dalasin ang m~ga paggalaw
ang ibig sabihin: _Kita'y minamahal_;
kung biglang isara: _Ako'y nasusuklam,
huwag nang lumapit at nang di magdamdam_.

  Yaong abanikong idampi sa labi,
ang ibig sabihi'y _Ikaw ang lwalhati_,
kung minsang itago'y _Hindi maaari
ang iyong pagkasi't ang sa pusong susi'y
hawak na n~g isang pan~garap kong lagi_,
at kung pisil-pisil n~g m~ga daliri'y:
_inaantay kita't ang ama kong Hari'y
wala at sa monte'y nagbakasakali_.

  Kung kagat ang borlas--_Ako'y nahahapis
dahil sa ginawang sa ati'y paglait_,
kung buksang marahan--_Huwag kang man~ganib
at ang ating ulap ay magiging lan~git_,
kung buksang pabigla--_Sila'y nagagalit
dahil sa sulat mong kanilang nalirip_,
kung biglang ilaglag--_Si Kulasa'y bwisit
at siyang nagsumbong nang tayo'y magniig_.

  Idampi sa pisn~gi--_Huwág kang matulog
at sa sine Luna, kami ay papasok_,
idampi sa dibdib--_Ako'y nagseselos
dahil sa kasamang tila lumuluhog_,
kung biglang ipukol--_Sa iba ibuhos
ang iyong pagsinta. Ikaw'y pahinuhod_!
.  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .
Itong abaniko'y Dila sa Pag-irog,
Talatang may dusa, kamanyang, kampupot.




IV.

ANG ALBUM NI INA ...

(_Ala-ala sa aking inang pumanaw: Rosa San
Miguel ni de Leon, tagá Samal, Bataan at namatáy
sa Tundo, Maynila, noong taong 1902_.)



I.

=_Ang aking Ina_=.


  Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw
Ay inang mayumi't lubhang maramdamin,
Inang hindi yuko sa m~ga hilahil,
Inang mapagbata at siya kong virgen.

  Mayrong isang Diyos na kinikilala,
May isang dakilang pananampalataya,
Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga,
Ang galit ay awa't sa poot ay tawa.

  Siya ang dakilang Batas sa tahanan,
Kamay na masipag, Kampana n~g buhay,
Susi n~g pag-ibig na kagalanggalang.

  Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti,
Ang dukha't mayaman ay kapuripuri
Palibhasa'y inang may puso't pagkasi.



II.

=_Pag-ibig ni Ina_=.


  Ang puso ni ina'y kaban n~g paglin~gap,
May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad
At ang isa nama'y sa amin nalagak.

  Noong nabubuhay ang ina kong irog
Ang kanyang pagkasi'y samyo n~g kampupot,
Ang lakas n~g puso'y parang nag-uutos
Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...

  Pagibig ni ina ang siyang yumari
N~g magandang bahay na kahilihili,
At nawag sa palad na katan~gitan~gi.

  Timtimang umirog! Hanggang sa libin~ga'y
Dala ang pagkasing malinis, dalisay,
Dala ang damdaming kabanalbanalan.




III.

=_Ang halik ni Ina_=.

  Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha
Kung may dala-dalang damdamin at awa,
Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa
Na may laging laang halik at kalin~ga.

  Sa halik ni Ina ay doon nalagas
Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad,
Sa halik ni ina'y aking napagmalas
Na ako'y _tao_ na't dapat makilamas.

  Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y
Bibig na sinipi kina Clara't Sisa
Kaya't mayrong bisang kahalihalina.

  Ang halik n~g ina'y apoy sa pagsuyo,
Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't
Liwanag sa m~ga isipang malabo.



IV.

=_Ugali ni Ina_=.


  Kung mamamana ko lamang ang ugali
Ni inang sa aki'y nagpala't nag-ari'y
Marami sa akin ang mananaghili't
Sa aki'y tatan~ga lamang yaong Hari.

  Ang asal ni ina'y aklat n~g paglin~gap,
Salaming malinaw, ban~gong walang kupas,
Suhay n~g mahinhin, sulo n~g mapalad,
Mundong walang gabi, gabi n~g walang ulap.

  Ang salitang damot ay di kakilala,
Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya't
Tan~ging kayamanan ang pakikisama.
Sa kanya ay Diyos ang m~ga pulubi,
Ang dukha ay Hari't Kristo ang duhagi,
Iyan ang ugali n~g ina kong kasi.



V.

=_Ang awit ni Ina_=.


  Nang buhay si ina't ako'y kilik-kilik
ako'y pinagsawa sa alo at awit,
malaki na ako't may sapat n~g isip
ay inaalo pa nang buong pag-ibig.

  Ang musmos na patak n~g nulo kong luha
sa kanya'y kundima't awiting dakila,
makarinig lamang n~g iyak n~g bata
sa aki'y lalapit at maguusisa.

  Ako'y kakalun~gin at ipaghehele,
ang awit-tagalog ay mamamayani
hanggang sa magsawa't ako'y mapabuti.

  Ang awit ni ina'y laging yumayakap,
sa m~ga awitin n~g aking panulat
kaya't ang awit ko'y mayumi't banayad.



VI.

=_Libingan ni Ina_=.


  Ang buhay n~g tao'y parang isang araw
Na kung mayrong bago'y mayrong nan~gan~galay,
Ang palad ni ina'y di na nakalaban
Kaya't napatalo sa tawag n~g hukay.

  Ang buhay ni inang inutang sa lupa'y
Sa lupa rin namang nabayad na kusa,
Ang m~ga mata kong maramot sa luha
Noo'y naging dagat na kahan~gahan~ga.

  ¡Wala na si ina! Ang lahat sa amin
Ay n~giti n~g dusa't kaway n~g hilahil,
Lubog na ang araw na kagiliwgiliw.

  Nagtaglay si ina n~g dalawang hukay:
Ang isa'y sa lupang sanglaan n~g buhay,
Ang isa'y sa aking pusong gumagalang.




VII.

=_Ang aral ni Ina_=.


  Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan
Ay malaking gusi n~g mayamang aral:
--Anak ko: hanapin iyang karunun~gan,
Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay.
  --Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas,
Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat,
Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas,
Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak.
  --Ang palalong tao'y halakhak n~g han~gin,
Ang aping mabait ay dapat lin~gapin
At pagkailagan iyang sinun~galing.
  --Huwag kakayahin ang hindi mo kaya,
Nang ikaw'y malayo sa pula at tawa,
Umibig sa baya't magpakabait ka".



VIII.

=_Bulaklak kay Ina_=.


  Wala na si ina! Gayon ma'y naiwan
sa akin ang kanyang mahalagang aral,
aral na sa ningning ay ningning n~g araw,
aral na sa buti'y palad, diwa't yaman.

  Larawang larawan lamang ang nalagak
sa akin n~g siya'y pumanaw at sukat,
larawan ni inang yaman n~g panulat,
larawang kakambal n~g aking pan~garap.

  Darakilang ina: ang iyong libin~ga'y
sinasabugan ko n~g tala't kundiman,
n~g awit na siyang bulaklak n~g buhay.

  Sa harap n~g iyong larawang dakila
ay may nagninin~gas na isang kandila
panulat n~g iyong anak na naluha.




MGA PAPURI'T PARAN~GAL

SA KUMATHA NITO


Pagkatapos tunghayan...

_Sa makatang_
_Pascual de León_

Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bun~gad,
Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak,
Ito'y halamanang mayaman sa lahat,
Mayaman sa tamís, sa tuwa't pan~garap.

Sa m~ga talulot nito'y sumusun~gaw
Ang diwa n~g isang apó ni Baltazar,
At sa m~ga dahong sariwa't makulay
Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy.

Malungkot kung minsan, kung minsa'y masayá,
N~guni't kadalasa'y uhaw sa pag-asa;
Sa han~gad ay labis, at labis sa kaya,
Subali't sa tuwa'y ulilang-ulila.

Makatang Pasleo: Ang aking _Bulaklak_
Ay narito't handog sa una mong aklát.

BENIGNO R. RAMOS (_Ben Ruben_)

Bulakan, Bul., 1915.



Ramo de Laurel

_Para el poeta vernacular_,
  _=Pascual de Leon=_.

  Para tu jóven frente de tagalo poeta,
De poeta que entona sus versos de pasión,
Ofrezco una corona de flores de violeta
Y entónate mi lira su mágica canción.

  Es tu canto armonioso inspiración de ondinas,
Es tu verbo potente como el brillo del sol,
Y tus musas son todas dalagas filipinas
Que habitan en las ondas azules del pansol.

  Tu lira multiforme con sus cuerdas de oro
Tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro,
Tiene dulces lamentos y suspiros de miel.

  Tiene versos de rosa que disipan tristezas
De las bellas morenas filipinas princesas
Que te ofrecen sonrientes un _ramo de laurel_.

=_Octavio C. Madrid_=.

Septiembre 18, 1915.




PANUOB...

_Sa katotong makatang_
  _=Pascual de Leon=_.

  Hayan ang makata. Haya't umaawit
n~g m~ga kundimang pang-lupa't pang-lan~git,
hawak ang kudyaping malambing ang tinig
at pinangsasaliw sa ligaya't sakit.

  ¿Kung siya ay sino? Iyan ang makatang
ang tula't tulain ay matalinghaga,
m~ga lungkot, dusa, daing, hirap, luha,
Galit, sumpa't lambing ang puso at diwa.

  Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw
n~g tubig sa wawa, sa sapa't batisang
Balana'y sumimsim sa tamis na taglay.

  Hayan ang makata. Kayó ang magsabi
Kundi siya'y dapat na _Dan~gal at Puri_
at maging _putong_ pa n~g Wikang sarili.

HERMÓGENES T. REYES.

(Sa _Ilaw at Panitik_)

Tundó, Set., 1915.




¡Bulalakaw...!

_Sa Katotong_
  _=Pascual de Leon=_.

  Sa harap n~g iyong magarang pagsikat
ay pinaglaho mo ang aking liwanag.
Araw kang nagban~gon sa himlayang palad
at kinasilawan n~g aking banaag.

  Sa lan~git mo, ako ay balan~gáw lamang,
sa ilaw mo, akó ang aninong tunay...
Diwa mo sa aking diwa ay isilay
at aawitin ko ang iyong pan~galan.

  Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang
umawit sa lihim n~g m~ga hiwaga,
ako'y kasama mong hahanap n~g pala.

  Sa iyong hantun~gang lan~git n~g pagasa
ay doón nároon ang m~ga sampaga...
Pupulin mo't yao'y sa WIKA mong mana!

CIRIO H. PAÑGANIBAN.

(Sa _Ilaw at Panitik_)

Bukawe, Bul., 1915.



Mga mali sa pagkakalimbag

Nababasa           Dapat basahin          Dahon

luwalhati          _lwahati_              10
mayroong           _mayrong_              12
liyaga             _ligaya_               15
hangtun~gan        _hantun~gan_           15
kalika't           _halika't_             16
magalak            _malagak_              19
Sukat na sinta!    _Sukat na n~ga sinta_! 21
sigaw              _sigwa_                51
maamo              _maaamo_               67
virgen             _birhen_               75
pagkabutihin       _sa pagkabutihin_      75
nu ve              _nube_                 75
Paano              _Pano_                 77
Besarlo            _Besar solo_           78
Tagpan             _Takpan_               79
Naiingit           _Naiinggit_            79
Paano'y            _Pano'y_               79
Tu dulce           _Tan dulce_            79
magpatibook        _magpatibok_           82
nagbabakasakali    _nagbakasakali_        84


_Basahin ang =Martir del Golgota=, isang mainam
na aklat na nahahati sa dalawang toma_.

_Ipinagbibili sa lahat n~g Aklatan_.

[Patalastas: Ideal Studio, Chineleria "Katipiran"]

[Patalastas: Manuel De Leos Sastre]






End of the Project Gutenberg EBook of Buntong Hininga, by Pascual De Leon

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUNTONG HININGA ***

***** This file should be named 16446-8.txt or 16446-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        https://www.gutenberg.org/1/6/4/4/16446/

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided by University of Michigan.


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
https://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
https://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at https://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]

Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit https://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: https://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.

Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.

Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     https://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.

*** END: FULL LICENSE ***