Isa Pang Bayani

By Juan Lauro Arsciwals

The Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Isa Pang Bayani

Author: Juan L. Arsciwals

Release Date: December 8, 2005 [EBook #17257]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI ***




Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special
thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save
this book.





[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



MAIKLING KASAYSAYAN

=ISA PANG BAYANI ...=

SINULAT NI

=JUAN L. ARSCIWALS=

(_Kasapi sa "Ilaw at Panitik"_)

       *       *       *       *       *

KASAYSAYANG MANGGAGAWA

_na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang
"Balintawak" ng 1915, sa ilalim ng
sagisag na: "Maktan"_

AT

MGA PANGUNANG SALITA NI

=_G. Carlos Ronquillo_=

(Tagapamahala ng Taliba)

=UNANG PAGKAPALIMBAG=

_Maynila, S.P. 1915_

IMPRENTA Y LIBRERIA

DE

_P. Sayo Vda. de Soriano_

Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo.



[Larawan: Juan L. Arsciwals]

_Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga
manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at
kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng
Kalubusan ay ni mamamanaag._

=_Juan L. Arsciwals._=



=Parang mga=

=Pangunahing Talata=


_Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng
biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa
tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming
mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng
masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't
alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid
na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at
kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan;
saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng
manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay
boong liwanag na naglalarawan._

_May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang
lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan
ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba,
ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit
masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti.
Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring
sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng
kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na
sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de
los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga
J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C.
Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio
atbp._

_Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng lahat.
¿Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ¿sa
paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung
taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang
sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino
man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at
kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang
araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling
tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang
kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga_ Trade
Unions, _kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa
limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni
Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi._

_Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas
ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na
pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo,
ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang
makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay
makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag
nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang
lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang
puso ay titibay._

_Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay
kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni
Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y
lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan
dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y
magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning
manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba
pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito._

_Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._

=_Carlos Ronquillo._=

25 Sept. 1915.





Ilang salita muna ...

Mga Manggagawa:


Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na
sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang
pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa
Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g
libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang
pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin
ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong
magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig.

Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na ito
sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong
kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na
pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamatáy n~g masisigla at mahahalagang
kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos ay mailantad sa
haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad.

¡Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at
kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang
nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay
magamot ang sakit na nasabi.

Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay
hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao ó
Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa
mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang
pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang
pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito.

Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting
Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang
pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na
nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin.

Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa
Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga
nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa
sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na
anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang
panaginip n~g sumulat ó isang pan~garap lamang n~g diwa kong
umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g
Puhunan....

=_Juan L. Arsciwals._=

Tundo, Maynila, S. P.

Sept. 8, 1915.






=I=


Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga,
sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g
isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga
manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata.

Pulúpulutóng ang pagkakaáyos. May kanikaniyang usapan at may
kanikaniyang pinagtatalunan.

Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan
ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik
n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig
malaman.

Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita;
nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g
Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilan~gan n~g
maraming kabai.

Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakán n~g m~ga
daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa
na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na
pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na
kanilang pinapasukan.

--¡Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon.

--¿Anó kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g isá
pa.

At ang tanong na itó'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa
m~ga kaharáp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin
ang kasagutan.

Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay
ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na
binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling.

¿Anó ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito?

¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman?

¿Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?

Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila
upang mabatid natin.

Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g
isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y
ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat
n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.

Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g pangulo
n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay nagsipagpulong
ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin.

Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan
n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang
maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa
bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang
gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring
gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid,
ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasyá.

Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan
na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang
ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa
pagawaan at sa Kapisanan.

Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa
kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon
n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga
dukhang anák-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa
iba't ibang súlok at hayág na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga,
ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa
kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos
n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan.

Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa
dumarating.

Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita
nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila,
siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating
nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha.

--¡Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.

--Magsisilabás na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang
itinutugón at inilulunas sa pagkainíp n~g madla.

At parang itinaón sa huling tugon n~g ilán, sa pinto n~g pagawaan ay
nagsilabas ang limá katao.

--¡Narito na! ¡Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na
naibigkás n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabás.

Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na
nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang
dumarating na Lupon ay sinalubong.

--M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang
mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang
malaking paglalaban.

--¿Anó po ang nangyari?--¿Anó po ang kinasapitan?--ang sabáy-sabáy na
tanun~gan n~g marami.

--Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat;
sila ay nagpapakatigás ...--ang tugón din n~g pan~gulo.

--Kung gayon, tayo'y magsiaklás.--ang sigaw n~g isang manggagawa.

--¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g
marami.

--M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--¡Tayo'y huminusay!
Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang
loob.

--¡¡Welga!! ¡¡Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami.

--¡¡Tayo'y magsiaklás...!!--ang ulit n~g ilan.

--¡¡Magsiaklás!!--ang tugón n~g lahat.

--Ang lahat ay magagawa--ang tugóng malakas din ni Mauro--subali't,
kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y
magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat.

--¡Magpulong! ¡Magpulong!--ang sigawan n~g lahat.

--Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo.

--¡Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman.

--¡Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla.

At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang
dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go.

Sa mukha n~g bawa't isá, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha
sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás.

Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na
mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g
mabiyayang araw n~g Katúbusan.





=II=


At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa
kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g
tao.

Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod
pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general."

Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa
palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang ilán pa rin sa m~ga
bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob n~g
pagawaan.

Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gaguúsap pa
muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang
tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa
mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan.

Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y
hindi na magkarinigan.

--¡Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g
isá.

--¡¡Ituloy!!...--ang tugóng pasigaw din n~g karamihan.

--At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat.

Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig.

At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat.

At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat
sa magsasalita.

Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay
ipinabatid, na ang pulong ay bukás na.

At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at
kinahangganan n~g paguúsap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan.

Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g úpa ay
ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat n~g Lupon ay ayaw
dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigástigás
sa kanilang nasa.

--Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay nagsabi pa,
na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang úpa ay maaaring huwag
pumasok. Kayó--anyá--ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay
makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong
pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya;
sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin.

At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay
ipinatuloy:

--M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa?

--¡¡Ayaw kami!!--ang sigawang napakalakás n~g lahat.

--Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--¿ano ang ibig ninyong gawin?

--¡Magsiaklás!...

Itó ang sagutan n~g lahat.

At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman.

Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi
na halos magkamayaw.

Sa haráp n~g gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa
tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami
sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa
harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa
madla'y sinabi:

--Mga kapatid; kayo'y pumayapa.

At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si
Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang.

Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig.

At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita:

--M~ga kamanggagawa:--anya sa buháy na tinig.--Sa haráp n~g
napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay
kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang
bigát n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at
huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin
n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang
kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang
pagkilos at pagpapasyá. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa
anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi;
pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit,
lubha na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g
hinaharap natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating
m~ga manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika
ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan
n~g úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan.
Karapatan natin sa haráp n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na
pinupuhunan natin ay tumbasán n~g sapát na kaupahán; at ang karapatang
itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol
hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót n~g kaya ... sukdang
ikamatay.

Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na
palakpakang isinunód n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga
pan~gun~gusap.

Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy:

--Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin,
na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa
pamamagitan n~g ipinan~gan~gahás nilang lakás, ang alin mang daing
natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan
natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa haráp
n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ¿ay ano ang kailan~gan nating gawin?
¡Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang
lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiisá, pagka't
tan~ging naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito n~ga ¿ay ano ang
ibig ninyong gawin?

--¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat.

--Kayó ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa
pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga
natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at
kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa m~ga
anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g
paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa
Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit
na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g
matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit
kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga anák-pawis ay ayaw
na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay
maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang
pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang
nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon,
¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay
kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g
hirap. Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas
sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang
m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin
naman n~g sa ating m~ga asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang
magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang
araw sa pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...!
Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang
aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay
hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat
n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga
mamumuhunan.

--¡¡Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami.

--Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula sa
araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga
manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na
muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay.
¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang
pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa
atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami
upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g
bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga
kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan!

--¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!!--ang sigawan n~g lahat.

--Sino man ay walang magtataksil.

--¡Wala ni sino man!

At ang aklasan mula noon ay napagtibay.

Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring
pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan.

Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na
taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan
n~g kanilang ipakikipaglaban.

Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang
pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas.

Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa,
upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.

Pagkatapos n~g ilang pagtatanóng na ginawa n~g matalinong
Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat,
ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang
sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g
bawa't panig.





=III=


Umaga n~g kinabukasan.

Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas
maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.

Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa
pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na
gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga
pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg n~g m~ga "chaveta" na
ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "butó" n~g dahon n~g tabako,
at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang
di na naririnig.

Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang
ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita ang
ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang
"embasador."

Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila,
ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat
sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa
gawain n~g m~ga yuon.

Ang kawikaang: _Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong
katawan_ sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa
paniniwala nilang iba sila.

¡Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa
ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...!

Sapagka't, samantalang doón, sa boong _kaeorupahan_ at sa iba pang
dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis
ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang
dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat
na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat
ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga
yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan n~g
Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't
ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga
dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga
manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi
ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás
hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.

At ... tayo'y magpatuloy....

Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiaklás,
ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman
ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan.

Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go.

Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang _lamesang marmol_
ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang
Tagapamahala.

Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan.

--Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa
taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan.

At si Pablo (tawagin na natin n~g ganitó yamang siyang itinawag sa
kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo.

--Ipinatatawag daw po ninyo akó--ang simulang wika ni Pablo nang maupo
na.

--Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay
na mahalaga akong sasabihin sa iyó.

--¿Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tugón n~g kinakausap.

--Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at
hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung aáyon ka
sa aking sasabihin.

--Sabihin mo na po.

--Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso"
kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g
kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala
marahil n~g m~ga _walang utang na loob_ na iyan ay susuko kaming m~ga
mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang
pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang
kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag
kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan
sa pagawaang ito--at sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka
rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama.

--Ako po'y ...

--Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may
pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay
hindi makasasapát sa iyo at sa iyong asawa't m~ga anák. Dito, kung
papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang
magsisigawa rin ay bíbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang
ibig mo; alalaong baga'y hindi ka _tatasahan_ sa m~ga "material" na
gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating
kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa
kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba?

Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang
umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa
takot sa m~ga nagsiaklás.

Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip
niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang
samantalahin upang ikita n~g malaki.

Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang
mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan
muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti
ay winika n~g Tagapamahala.

--Anó ang iyong sagót?

At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang
tugón:

--Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ...

--Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka n~g
Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga batás ... Upang matangkilik ka at
gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami
rito n~g ilang pulis na tatanod.

--Kung gayon po'y ...

--Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang
lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula
na kayo.

--Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang
siya po ang nan~gun~gulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito
ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba.

--Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ...
Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo.

--Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauupán at
pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na.

--Oó--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsá,
ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa
m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang dalawang
tiglilimang pisong papel.

--Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na
isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa.

--¡Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap.

Isang malakás na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang
makalabas sa pinto si Pablo.

--¡Nakabili na tayo! ¡nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa
n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalakás ang pagtawa.

Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at
kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at
binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang
mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at
sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na
ipasok sa Pagawaang inaklasan.

M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol
sa Pilipinas.




=IV=


=Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari.

Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan
n~g sino mang manggagawang tabakero.

Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo
n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat
n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay
n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang
pinagaklasan.

Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang
nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót n~g m~ga mamumuhunan.
Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang laging panagót.

Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang
muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang
tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang
salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at
lalong nagpapakatigás ang m~ga kalaban.

Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga
nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba.

--Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na sa
huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g
dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala
sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa m~ga
mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa
paglalaban. At huwag lamang na sawíng palad na pasukan n~g m~ga
kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din
naman ninyo na kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat n~g inyong
m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi.

At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan n~g
m~ga nagsiaklás.

Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad
na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang
salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan.

Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga
kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang
nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na
itinatagal n~g aklasan.

¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man
lamang!

At si Mauro, sa haráp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.

--¡Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang
hatol sa lahat.

--Oó; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tugón naman n~g
marami.

Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay!

Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok sa
maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing isá pa, buhat
sa ibang ginagawan.

¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni
Pablo!

¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin
n~g ibá!

¡Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managót sa napakaraming
aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain
n~g m~ga asawa't anák n~g nagsisiaklás.

¡Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad!

Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon
n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at
manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig.

At samantala'y ...

¡Ang m~ga kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!

Sa m~ga mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha sa
pawisang noó n~g bawa't isá, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil
na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga
nagsiaklás.

Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g
ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa m~ga taksil na
yaón.

Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin,
ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni
Mauro.

Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang
payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa
haráp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan.

--Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapadának n~g
kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin
kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa
nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. ¡Para sa m~ga manggagawang
pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at
lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang
pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang
ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa
magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal;
datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga
pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at
nalalaman ó kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang
gagamit n~g gayong _sandata_ ... Kayo na ang magsabi. ¿Ano ang
kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g
dugo? Wala, kundi maghari ang lakás n~g m~ga batás sa ibabaw n~g
sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at
pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging
sadlakan n~g paguyám at tagurian pa n~g _mamamatay_, unang-una na
noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong
pagpatáy. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di
na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa;
itatakwil at pawawalang kabuluhan sa haráp man n~g marami. Kaya n~ga
m~ga kapatid; ¡saka ná! ¡Saka ná, kung makilala n~g m~ga manggagawang
pilipino ang tunay niyang karapatan!

Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at
ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama.

At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ...





=V=


At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa m~ga huling
pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...?

Alamin natin.

Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g
pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay
Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na
yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g
hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay
walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang
layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy
na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g Tagapamahala
n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong ibinigay at n~g sampung
pisong kaloob.

Si Gervasio, sa haráp n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo,
ay natilihan muna at di agad nakasagót; pinagbulaybulay sa isip niya
ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang
amuki n~g kaibigang humihikayat.

Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay
nagpatuloy:

--Tingnan mo--anya--¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa
kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y
magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa
iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw
niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás. At
tan~gi sa rito, ¿ano't _makikiloko_ ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa
bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?

--Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay
nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa
hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't
hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan
na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at
makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa
m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din.

Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang
pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig.

Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at
ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na
kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na
pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp n~g m~ga
nakahahalinang amuki ni Pablo.

Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita.

--¿Paano ang iba kong kasamahan?

--¿Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni
Pablo.--¿Bakit mo sila _iintindihin_? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't
isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang
hanap at pagsisikap ...

--¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...?

--Walin mong kabuluhan--ang saló agad ni Pablo.

--Aywan ko sa taong itó--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag
Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang
matawag na manunubos.

--Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti. Ang
iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya.
¡Siya na iyang makámakabayan!

At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp n~g dalawang tuksó ay wala
na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang
kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa
gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad.

At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking
pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay
n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan
n~g marami.

_Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang
simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't
sa wakás ay sinabi n~g boong siglá.

--Ako ay umaáyon.

At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin
niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa
Pilipinas.

--Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--búkas n~g
hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan
pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan.

--Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro.

--Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin.

--Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring
kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan.

--Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin
dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon
ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón.

--Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin.

--Oó, darating akong walang sala.

At noon din si Pablo ay nagpaalam.

Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan
n~g m~ga nagsiaklás ay di man lamang nakita.





=VI=


Sa haráp n~g kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo
kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang
magkakasama.

Nakapatong sa ibabaw n~g _lamesa_ ang dalawang bisig at sa m~ga palad
ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi.

Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang
napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapulás
sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga.

Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning
pinagaaralan ...

Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga
manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na
pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakatápang
na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan n~g pagtataksil.

Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang
magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakasákit sa pagtataguyod n~g
aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g
m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang
walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa
masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga
tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiaklás, sa kapakinaban~gan at
kagalin~gan nilang sarili.

Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang kaluluwa,
sa m~ga katiwaliang namamalas.

Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang
malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa m~ga unang humawak n~g
kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin
at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis, bago'y ang kadalasang
mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga
itó sa maraming kilusang nangyari.

At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa haráp n~g
m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga anák-pawis, sa m~ga nagbabansag
na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga manggagawa at sa
m~ga nagkukunwaring umaákay sa m~ga ito, sa landas n~g pagkakaisá,
sapagka't maliwanag na nakikita at nadadamá sa m~ga pangyayari, na,
marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap n~g isang
lihim na pagiimbót sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong
dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g wastong paraan, upang ang
marami at malalaking suliraning manggagawa sa Pilipinas ay malunasan.

Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa
namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga ito ay
malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at
nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g dan~gal
at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling
kapakanan at kagalin~gan.

Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si
Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di
lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi
isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa
buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo
at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa:

--¿Bakit ka nalulungkot?--¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang
bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?--ang sunodsunod na tanong
ni Serafina.

--Serafina ... Serafina ...--ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang
kamay n~g asawa--¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang
sinasapit n~g m~ga manggagawa!

--¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá?

--¡Nagkakaisa! Oó; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay
siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga
nagsiaklas sa pamamagitan n~g ...--at si Mauro, sa laki mandin n~g
pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g
kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.

Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal sa
kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g tungkulin
niya, sa m~ga sandaling yaón ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y
pinagbiyayaan n~g matatamis na halik.

--Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin
sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung
ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay
walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian n~g m~ga
kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulun~gan man lamang kita sa
paghahanap n~g lunas.

--¡Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na
ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay
ang lahat. Umupo ka.

Si Serafina ay umupo.

At si Mauro ay nagsimula.

--Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga
manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang
m~ga pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin ang
tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa
pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman ni
Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat
mandin n~g Tagapamahala n~g pagawaán, at ito naman ang siyang
humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala
nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't
nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa
n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa
wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina,
kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal!

--Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man
ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong
sarili ay walang magagawa.

--Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang
magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang
magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.

--Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa,
subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang
layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong
sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong
tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g
lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na
ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya
mang pagtataksil; at ang m~ga batang anák natin ay maiiwanan mo naman
n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang
kayamanan. Magbalik na silang lahat sa pagawaan n~g di natatamo ang
tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa't, ikaw na asawa
ko, ay hindi ko inaasahang gagawa n~g gayon, alangalang man lamang sa
malinis na karan~galan na dapat mong ipamana sa ating m~ga anák.
Dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat n~g sákit at
paghihikahós sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakan~giti
kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso n~g ating
m~ga anák. Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp n~g kahit sino, na
kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni
sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din
namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa
kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ...

--Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa haráp n~g m~ga kasawiang
laging inaabot n~g maraming aklasan at n~g ano mang kilusang
manggagawa, ang m~ga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong
gagawing kalasag ...

Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang
paguusap n~g mag-asawa.

Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si
Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro.

Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag
tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang
makiharáp sa kasama ni Gervasio ...

Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala. Nararapat niyang tanggapin
ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa
pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung
ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo.

Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy.

At nagsipanhik.





=VII=


Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga
kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo.

Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling
nito.

--¿Anó, kumusta, m~ga kasama...?--ang unang bati ni Mauro na
nakan~giti--¿Anó ang inyong layon...?

Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling
ang m~ga matá kay Serafina.

Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang
pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi:

--Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag
kayong magalinlan~gan at sa haráp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan
tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ...

--¡Oh, hindi naman sa gayon!--ang sambót agad ni Gervasio.

--Kung gayon ay sabihin na ninyo.

At si Pablo ang nagpasimula.

--Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang
mahalagang bagay.

--Siya n~ga:--ang ayon ni Gervasio.

--Ipatuloy ninyo--ani Mauro naman.

--Ang sanhi,--ani Pablo--ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa
pagpasok.

--¿Saan?--ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib.

--Sa ating Pagawaan--ang tugon ni Gervasio.

--¿Sa Pagawaan natin?

--Oó,--ani Pablo naman.

Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa
marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi
n~g dalawa.

Napatindig sa kinauupán; at noo'y ibig na sanang daluhun~gin ang
dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigát n~g sinabi;
subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa m~ga pangyayaring di
pamumun~gahan n~g anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y
nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa n~g anomang
malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang
kasabay n~g pagupong muli.

--Mga kasama: ¿sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman
ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna?

--Oó, nalaláman namin--ani Pablo.

--¿Alin?

--Ang aklasan.

--Kung gayo't nalaláman ninyo, ay ¿anong m~ga matwid ang mailalahad
ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko?

--Ang sarili mo ring kagalin~gan--ang nakan~giting tugón pa ni Pablo.

--Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong
mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko
matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang
sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami.

--¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong
alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay.
Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang n~g
panahon; kaya't ¡bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong
kagalin~gan, yayamang isang pagkakataóng dapat mong samantalahin ang
pan~gakong binitiwan n~g may Pagawaan!

--Siya n~ga naman--ang paayon ni Gervasio.

--¿At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umáyon na?--ang tanong ni Mauro
dito.

--Oó;--ang tugóng may kasiglahan n~g tinanong.--ako'y umayon na,
sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating
pagmamatigás; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa.

--Gervasio, Gervasio ...--ang ulitulit na tawag na may kahalong
pagiring ni Mauro.--Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa
naman n~g marami mong m~ga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol,
ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas n~g
pagiisá; ikaw na pinagkatiwalaan nila n~g lahat nilang pagasa ay siya
n~gayong maglalagpak sa karan~galang malinis na dapat sanang dalhin at
tamuhin nating lahat sa aklasang ito. Hindi ko hinihintay, oó; hinding
hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di
wastong paniniwala. ¡Sayang! Oó; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay
may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi.

--Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ...--ang
nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap.

--¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal?

--Pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan n~g tagumpay--ang salo
naman ni Pablo.

--M~ga kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. Sa ganang
akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking m~ga
pananalig. Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong
katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga n~gayon ay
nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan n~g
layon at simulaing ipinakikipaglaban.

--Oó na n~ga--ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita--datapwa't ang
lahat nang iyan ay kailan~gang in~gatan kung nakikitang may tagumpay
na inaasahan sa huli ...

--¿At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may m~ga taksil
at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan n~g isang pan~gako n~g
lalong dakila at mahalagang kilusan? ¿Paanong ibig ninyo, na ang alin
mang aklasan ay magwagí, kung ang m~ga nan~gun~gulo at
nagsisipan~gasiwa sa kapalaran at buhay n~g libolibong m~ga kapatid ay
siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa n~g m~ga manggagawa?
¡Oh! hindi, makalilibong hindi.

--¡Mauro! ¡Mauro!--ang nagkapanabay n~g dalawa.

--Ipatawad ninyo--ani Mauro--ang kaunting kabigatan n~g aking sinabi;
subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ...

--Huwag kang magalaala n~g anoman--ang tugon ni Pablo.--Kung sa bagay
ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong m~ga binitiwang
pan~gungusap; n~guni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang
makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala
mo ang kahalagahan n~g aming layon.

--¡Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod--ang matigas ding tugon
ni Mauro.

--Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat
unahin.

--Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't
nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling
kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di
isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan
ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanaág ...

--¿At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyán?--ang nakatawang tugón
agad ni Gervasio.

--Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man
lamang sa pagbabagong buhay n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas.

--¡Ha, ha, ha, ha,...!--ang halakhakang nagkapanabay n~g dalawa, at
saka ang sabi ni Pablo:

--Alalahanin mong may asawa ka at m~ga anák, na madadamay sa
paghihikahos.

Ang sandaling yaon, para kay Serafinang nakikinig at malaon na ring
ibig na sumagót sa paguusap n~g tatlo; ang sandali n~gang yaon ay
inakala niyang isa nang pagkakataóng dapat samantalahin upang
maipakilala sa dalawa ang kaniyang linoloob; kaya't pagkatapos na
matingnan si Mauro ay boong siglang sinabi:

--M~ga ginoo: Dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni
Mauro ay kinakailan~gan kong magsalita, yayamang nabanggit na rin
lamang ninyo sa inyong m~ga pan~gan~gatwiran ang kanyang asawa't m~ga
anak. Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa
pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay
siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig.
Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong
paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at
mamamátay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa. Hindi namin
kinakailan~gan ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay
magiging kapalit n~g karan~galang malinis na dapat ipamana sa aming
m~ga anák. Si Mauro ay hindi makagagawa n~g gayon. Ang karan~galan
muna, bago ang lahat, m~ga ginoo. At ang lalaki ó amáng hindi marunong
magtanggol sa karan~galang naaapi, magpakailan ma'y busabos, alipin at
apiapihan.

Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga
palasong tumímo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay
nan~gatubigan sa pagkakaupo.

Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga
pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g sakláp at paít.

Sa pagkabanggit nila sa asawa't m~ga anák ni Mauro ay inaasahan nilang
sila'y matutulun~gan n~g babai sa paglalahad n~g m~ga katwirang sukat
makapagpabago n~g loob sa hinihikayat at kailan ma'y hindi nila
inakala, na si Serafina ay magkaroón n~g tápang at sigla n~g puso sa
paghahayag n~g m~ga damdaming pangbihira sa m~ga babaing pilipina.

--Kayo po ang bahala ...--ang naitugón na lamang ni Pablo, pagkatapos
n~g pagsasalita n~g babai.

--Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y
mailigtas sa paghihikahós--ang naisagót naman ni Gervasio.

--Salamat sa inyong nasa, m~ga kasama:--ang tugon ni Mauro.--Datapwa't
narinig na ninyo ang m~ga katwirang pinanghahawakan ni Serafina; at
m~ga pan~gan~gatwirang lubos kong sinasangayunan sapagka't nasasalig
sa aking m~ga paniwala at sa m~ga simulaing pinanghahawakan; kaya't
ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na itó.

--Kami'y sadyang magpapaalam na naman--ang nagkapanabay na tugón n~g
dalawa sabay n~g pagtitindigan.

Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod
ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't
bagay na makakaya.

Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay
na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa
m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa
napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatablán n~g isang
malaking kahihiyán.

Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa;
inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay
sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita
niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti
naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan.

¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai!

At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita.





=IIX=


Sumapit ang kinabukasan.

Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na n~g
maraming manggagawa.

Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni
Pablo sa ibang m~ga pagawaan.

At siya, si Pablo, na pinan~gakuan n~g m~ga mamumuhunan n~g kung
anoanong katan~gian, ay lalong napamahal sa m~ga ito, dahil sa kanyang
ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap n~g m~ga tao; sipag na
nakatulong nang malaki upang silang m~ga mamumuhunan ay magwagi sa
ibabaw n~g m~ga nagsiaklás.

At, ang m~ga pulés, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod
sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naroón pa rin at di
nagsisialis.

Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga
nagsiaklás.

Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at
pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok.

At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong
pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din
nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa
nagsisipasok.

Sa lipunang ito n~g lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa
pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok
na n~g marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang
baka kung sila'y magpapaumatumat ay hindi na tanggapin n~g m~ga,
mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa
ang karamihan n~g m~ga pagawaan n~g tabako ay inaabot n~g malaking
panghihina sa kalakal.

Nang m~ga unang sandali pa ay ibig na n~g ilan ang pumasok; subali't
walang makapan~gahas na man~guna; ang kaunti pang karan~galang
nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't
magunita nilang ang ilan sa m~ga kasama ay mahigpit na tumututol.

Itó ang sanhi n~g di matuloytuloy nilang pagsasagawa n~g m~ga
binabalak na panunumbalik sa Pagawaan.

Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay
nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan
n~g marami ay nagsitun~go.

Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay
tinanong ang nararapat na gawin.

Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa
pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala
ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang
paghikayat sa marami upang magsipasok na.

Pagkatapos n~g ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yaón na
binubuo n~g marami ay sumang-ayon na rin sa hikayat n~g dalawa,
bagama't ang lipunan n~g ilan, na binubuo lamang yata n~g anim ó walo
katao, ay nagmamatigás at ayaw sumang-áyon.

Magsisialis na sana ang maraming yaón upang magsisama sa dalawa, nang
dumating si Mauro at siyang ikinahinto muna.

Inantabayanan nilang makalapit.

--M~ga kasama:--ang unang bati ni Mauro pagkalapit.--¿Saan ang inyong
tun~go?

--Sa Pagawaan--ang sagutan n~g marami.

--¿Magbabalik kayo? ¿at bakit?--ang may malaking panggigilalas na
tanong pa ni Mauro.

--Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan--anang ilan pa
rin.

--Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo?

Oó;--ang sigawan n~g marami.

--M~ga kapatid: ¡Kayo ang masusunod! Kung ibig na ninyong magbalik ay
hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo n~g inyong loob. Subali't
alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat
taglayin sa m~ga darating na araw, sa harap n~g bayan, sa harap n~g
Diyos at sa haráp n~g inyong sariling budhi. ¡Gawin n~g sino man ang
maibigan! Datapwa't, ¡bumagsák sa ulo n~g m~ga may sala ang sumpa!...

--¡Ulól! ¡Ulól!--ang sigaw n~g isang tinig.

Si Mauro ay napalin~gon. Sa poók na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay
pinagalagala ang m~ga matá niya.

Isang bagay ang kanyang namalas.

Si Gervasio at si Pablo ay ligíd n~g ilang lalaki, at ang ilang itó ay
nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang
simulaing pinananaligan niya.

Hawak n~g ilan, sa m~ga bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa
paguusap.

Si Mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo.

--Ang m~ga taong ito po ay siyang sumigaw sa inyó n~g ulól--ang wika
n~g isang may hawak sa bisig ni Pablo, sabay n~g pagbibitiw dito.

--¿Totoó n~ga ba, kaibigang Pablo, na ikaw ang sumigaw?--ang
nakan~giti pa ring tanóng ni Mauro.

--Oó; ¿anó ang ibig mong gawin?--ang may pangdidilat pang tugón ni
Pablo.

--Wala--ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan.--Subali't, ¿anó ang
dahil at ako'y tinawag mong ulól?

--Sapagka't ibig namin--ang tugón naman ni Gervasio

--Ulól ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama--ang sigaw pang muli ni
Pablo.

Sukat itó, upang ang higing n~g isang malakas na suntók na lumagpag sa
mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat.

Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't
ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat.

Ang pangkat n~g iilán, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa
pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio.

Sigawan at panakbuhan n~g m~ga babai at in~gay n~g m~ga nagaaway ang
siyang sa m~ga pulés na bantay sa Pagawaan ay nakapagpadalo.

At ang lahat ay ibig na magpulasan; subali't hindi nagawa, sanhi sa
pagbabala n~g m~ga tanod n~g kapayapaan.

Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa
bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang
dugo ang nakita n~g lahat.

Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may m~ga sugat sa bisig at
ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo,
na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha....

Sa gitna n~g gayong paglalaban ay si Mauro ang siyang unang tumanggap
n~g isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang
salagin n~g bisig na kaliwa, kaya't ito ang nasaktan din naman n~g
malaki.

May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang
loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni
Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi
mandin n~g lintik na sinagupa ang kamay na mamamátay at mahigpit na
hinawakan.

Nagpan~gagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro
ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma.

Ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang
nakapagpadilim sa m~ga panin~gin ni Mauro; umakyat halos sa kanyang
ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso ...
Kinakailan~gan na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling
buhay na sa m~ga sandaling yao'y sumasapan~ganib.

Kaya't pagkapasakamay niya n~g patalim na hawak ni Pablo ay maliksi na
rin sanang itatarak dito; subali't isa pa ring bisig na may patalim
ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya't itó na ang
hinaráp; si Gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian.

Sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in Gervasio, si
Mauro ay nakailag; kaya't lumihis ang saksak na yaon. At pagkatapos,
si Mauro naman ang gumanti.

Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang
patalim ni Mauro.

At sabay sa pagbagsak n~g duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din
naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay n~g isang di
nakilala.

At ang lahat ay naganap sa loob n~g isang kisapmatá lamang.

At nang ang m~ga pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang
naagaw na kortapluma at puno n~g dugo.

Pinabitiwan sa kanya n~g pulés ang hawak at siya ang unaunang
binantayan.

At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g
m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na
rin n~g ibang pulés na gumibik.

Dalawang "ambulancia" ang dumating na maliksing tinawag n~g isang
_detective_ at sa isang laan sa m~ga may sugat ay doon isinakay ang
m~ga ito, at sa isá pa ay ang m~ga malalakas naman ...

¡¡Kakilakilabot na bun~ga n~g di pagkakaunawaan n~g m~ga manggagawa sa
kapwa manggagawa...!!





=IX=


Tatlong buwan ang lumipas buhat nang m~ga huling pangyayari.

Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila
Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan.

At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may
mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang
dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g
paglilitis.

Ang ilan sa m~ga kasama pa nila ay pinakawalán na ring matagal,
pagkatapos na makunan muna n~g ilang; m~ga tanóng na siyang ihaharap
na, saksi sa araw n~g paglilitis.

Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang
m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g
paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro.
......................................................................
......................................................................
......................................................................
......................................................................

Ang araw n~g paglilitis ay sumapit.

At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno
sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis.

Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák
nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang
asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man
nangyaring kausapin.

Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon
gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa.

Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan
at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan
nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang _abogado_ upang
magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman.

Sa haráp n~g kagalanggalang na Hukom ang lahat n~g kailan~gan ay
ginawa at isinakatuparan n~g Tagausig-sala, at gayon din n~g
Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ...

Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya.
Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay
idaan ang lahat.

Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina,
ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si
Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay
isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay.

--¡Katitiís ka, asawa ko...!--ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang
sumasakáy na sa "ambulancia."

--¡Mauro! ¡Mauro!--ang sigaw naman n~g kaawaawang babai.

--¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!!--ang habol naman n~g m~ga anák.

--¡Huwag kayong man~gahapis!--ang sa wakas ay nasabi na lamang ni
Mauro sa boong pagdaramdam.

At ang sasakyang ay matuling tumakbo.

At si Serafina at ang kanyang m~ga anák ay nagsiuwi na rin.

¡¡Kaawaawang magiiná!!

       *       *       *       *       *

Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang
tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa
halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim.

At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala
marahil sa gayong m~ga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang
kilos na gawin n~g m~ga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu n~g
pagtatatag n~g anomang kapisanan sa loob n~g pagawaan. Ibinaba pang
muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola"
at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima
sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan.

Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g
bagay na magalin~gin n~g puhunan ...

Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating.

At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro
sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa
pagtataguyod n~g aklasan.

Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking
pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g
sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika.

¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni
Mauro...!

¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang
pusong m~ga manggagawang yaon!

¡Datapwa't wala na silang magagawa!
.......................................................................
.......................................................................
.......................................................................
.......................................................................

At ang araw n~g paghatol ay dumating.

At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g boóng
pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na
namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay
ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang
kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman.

--¡Siyam na buwan at isang araw!--ang napabulalás na sabi ni Serafina,
pagkarinig sa hatol, at sabay na nanan~gis.

--Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw
na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang
asawa sa buháy na tinig--alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang
simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't
madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g
m~ga batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp n~g aking
bayan at sa haráp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ...

--¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang m~ga anák mo!--ang panan~gis ni Serefina.

--Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.

At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga
anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na
_ambulancia_....

At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo.

Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya.

¡Oh, ang tadhana!

At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata
at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang
sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga
pan~gun~gusap na itó:

--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang
ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís
at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli
niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang
takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal
nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan
n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na
kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang
ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't
sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon
n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila.
Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa
ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming
Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla.

Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha
n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw.

Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay
pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal.


WAKAS




MGA MALI SA PAGKALIMBAG

Mukha:  Talata:  Nababasa:               Dapat Basahin:

XI        2      kahalán laga            kahaláhalagá
XI        5      nnoman                  anoman
1         7      matanda't bata          matatanda't bata
14        2      Botika Morelos.         Botika  Morelos
14        6      n~g dako n~g panulakan  dako n~g panulukan
24        2      n~g laha,.              n~g lahat.
24        3      tumaganap               lumaganap
24        12     n~g gayon               n~g gayong
24        13     tumayo at               tumayo
24        21-22  katahimikan.            katahimikan
25        9      upang kalamigang        upang ang kalamigang
30        22     manggawa                magagawa
31        3      nakabukás ang           nakabukás
32        12     u~g boong katawan       n~g boong katawan
49        11     nay Pagawaan            may Pagawaan
55        17     at kung kahit           at kung bakit
61        8-9    itaitagal              itatagal
63        12     gagagawing kalasag.    gagawing kalasag.
63        16     Dinun~gaw si Seraflna  Dinun~gaw ni Serafina
64        7      ipinatuloy             pinatuloy.
71        7      naguntos;              naguutos;
77        15     ikabaw                 ibabaw
79        1      tabakero               tabako
80        24     ¿Kun gayon,            ¿Kung gayon,
81        12     sumpal!...             sumpa!...
81        16     aag                    ang
94        1      sisanabi               sinasabi



_Mga Aklát ng Sumulat Nito_

"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá
"¡Sakim na Magulang!"............  0.40   "
"Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?....  0.40   "


[Patalastas]






End of the Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ISA PANG BAYANI ***

***** This file should be named 17257-8.txt or 17257-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        https://www.gutenberg.org/1/7/2/5/17257/

Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special
thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save
this book.


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
https://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
https://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at https://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]


Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit https://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: https://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.


Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.


Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     https://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.