Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

By Joachim Heinrich Campe

Project Gutenberg's Ang Bagong Robinson (Tomo 1), by Joachim Heinrich Campe

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

Author: Joachim Heinrich Campe

Translator: Tomas de Iriarte
            Joaquin Tuason

Release Date: March 20, 2007 [EBook #20858]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG BAGONG ROBINSON (TOMO 1) ***




Produced by Tamiko I. Rollings, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material
for this project. Handog ng Proyektong Gutenberg ng
Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
(http://www.gutenberg.ph)







[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



ANG

=BAGONG ROBINSON,=

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

_NA GUINAUANG TANUN~GAN_

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA
BATANG BABAYI,T, LALAQUI.


TOMO I.


MANILA
IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS,
Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

ANG

BAGONG ROBINSON,

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

NA GUINAUANG TANUN~GAN

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA BATANG
BABAYI,T, LALAQUI.

ISINULAT NANG SEÑOR CAMPE,

isinalin sa uicang castilla ni D. Tomás de Iriarte,
at n~gayo,y, tinagalog ni D. Joaquin Tuason.


TOMO I.


=MANILA=
IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS,
Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

Es propiedad de la Comunidad
de PP. Dominicos.


=D. LUIS REMEDIOS, PRESBÍTERO,=

Prebendado de Esta Santa Iglesia Catedral Y Secretario de Cámara Y
Gobierno Del Arzobispado De Manila, Etc., Etc.


Certifico: que á una instancia presentada por D. Joaquin Tuason, en
solicitud de licencia de impresion, S. E. I. el Arzobispo mi Sr. se ha
servido decretar lo siguiente:

[Nota: _Lugar del sello_]

«Manila 15 de Noviembre de 1878.--Por la presente y por lo que á Nos
toca, concedemos la licencia necesaria para que se pueda imprimir el
manuscrito tagalo titulado El Nuevo Robinson; en atencion á que
de nuestra órden ha sido examinado, y no contiene, segun la censura, cosa
alguna contraria al dogma católico y sana moral. Líbrese por
Secretaría copia certificada de este decreto al interesado; y
archívese original.--Fr. Pedro, _Arzobispo_.--Por mandado de S. E. I.
el Arzobispo mi Sr.--Luis Remedios, Srio.»

En cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente
certificacion en esta Secretaría de mi cargo a quince de Noviembre de
mil ochocientos setenta y ocho.--L. Remedios.


DIRECCION GENERAL DE ADMINISTRACION CIVIL De Filipinas.


El Excmo. Sr. Gobernador General de estas Islas, con esta fecha ha
decretado lo siguiente:

«Vista la instancia suscrita por D. Gervasio Memije en la que solicita
autorizacion para imprimir y publicar la obra titulada, Ang Bagong
Robinson.--Visto el informe emitido por la Comision permanente de
Censura:--Resultando que la obra de que se trata en nada afecta á la
sana moral y buenas costumbres.--Este Gobierno General, de conformidad
con la expresada Comision de Censura y lo propuesto por la Direccion
general de Administracion Civil, autoriza á D. Gervasio Memije para
imprimir y publicar la obra en tagalo «Ang Bagong Robinson»; debiendo
sujetarse á lo que previene el art.° 4.° del Reglamento de Imprenta,
prévio pago de los derechos de firma correspondientes.»

Lo que traslado á V. para su conocimiento, acompañandole la obra de
que se trata. Dios guarde á V. muchos años. Manila 11 de Diciembre de
1878.--J. Cabezas de Herrera.

_Sr. D. Gervasio Memije._


PAGHAHANDOG NANG TUMAGALOG

SA MALOUALHATING ARCÁNGEL S. RAFAEL

Sa Pagbibigay Puri at Pagganting Loob Sa Caniya.

       *       *       *       *       *


  Pintacasi naming hayag ang alindog
icatlong Principe sa Reino nang Dios;
sa man~ga demonio,y, caquilaquilabot,
daig pa ang lalong marahas na culog.

  Sa carunun~gan ca,y talang maliuanag,
sa capangyarihan ay sacdal nang taas,
at sa caauaa,y, ualang itutumbas
sa lahat nang tauo,y, pinalalaganap.

  Isa ca sa pitong laguing nagbabantay
sa daquilang trono na cagalang galang
niong Pan~ginoong pinan~gin~ginigan
nang lupa at lan~git at boong quinapal.

  Haliguing matibay na hindi magahis
niong man~ga diuang sacdal nang lulupit,
at mabisang lunas sa dalita,t, saquit
nang sinomang tauong napatatangquilic.

  Iyong sinusugpa,t, hindi paguitauin
ang capalaloan nang lilong Lucifer
sampong tanang campon na man~ga souail
dinuduahagui mo,t, laguing sinusupil.

  Bunying catiuala nang Ualang capantay
at sugo sa madla,t, malalaquing bagay,
Icao ang ligaya,t, tan~ging caaliuan
nang nan~galulugmoc sa capighatian.

  Daraquila ca n~ga,t, di icatlo lamang
nang hari sa lupa na may cahanganan,
cundi nang sa lan~git na Ualang capantay
at di matapos magpacailan man.

  Yaong libolibong man~ga Espíritus
sa camahalan mo ay nagsisisunod,
palibhasa icao siyang ihinulos
catiuala niyong Amang mapagcupcop.

  At sa tumatan~gis na sangcatauohan
habang na sa lupa,t, nan~gin~gibang bayan
icao ang pang-ampat sa luhang nunucal
na pinadadaloy nang capighatian.

  Icao ang sumama sa batang cay Tobias,
sa madlang pan~ganib iyong iniligtas,
gayon din sa iba na nan~gaglalacad,
bagama,t, di namin napagtatalastas.

  Sa alin mang saquit nang nagdaralita
sa banig nang dusa,y, lunas cang mabisa,
lubhang mahalagang handog na biyaya
nang Lan~git sa tauong ibig matimauà.

  Man~ga nagnanasà na tumangap naman
niong matrimonio sacramentong mahal,
sa inyong saclolo,y, dapat na magsacdal
sa magandang palad nang houag masinsay.

  Man~ga bagong casal naman ay gayon din,
ay nararapat ca nilang pintuhoin,
nang sila,y, maligtas, at houag masupil
nang lilong demonio Asmodeong tacsil.

  Ang man~ga magulang na ang man~ga anac
ay nan~gauaualay, dapat na tumauag
sa camahalan mo, at nang man~galigtas
sa madlang pan~ganib na tulad cay Tobías.

  Sa catagang uica,y, ang ibig magcamit
nang tunay na toua,y, sa iyo,y, manalig,
mahal na Arcángel, na halal nang Lan~git,
magtangol sa tauo sa bayan nang hapis.

  ¡Oh mapagcandili,t, maamong Arcángel!
na taga pagampon sa madlang hilahil,
alio sa pighati,t, paraluman mandin
sa pacay nang nasang bayang Jerusalem.

  Jerusalem bagang caloualhatiang
tinutun~go namin habang nabubuhay,
caming iyong lingcod doo,y, ipatnubay
sa touid na landas nang houag masinsay.

  Linalacbay nami,y, malauac na mundo
na punô nang silo nang lilong demonio,
¿ito,y, dili caya icababalino
nang puso mong handang laguing sumaclolo?

  Diyan sa ligaya na hindi masaysay
nang bait nang lalong capahampahaman
at na sa piling ca niyong carurucan
nang Dios na ualang hangang cataasan.

  Ipamaguitan mo aco,t, nang maligtas
sa di magpatantang tucso ni Satanás,
na nan~gingimbulo,t, ibig mapahamac
maramay sa caniya ang sangmaliuanag.

  Sa di nasayaran nang sa salang dun~gis
na Virgeng binucalan nang gracia at diquit,
ay idalan~gin mo caming humihibic
sa guitnâ nang ualang ulat na pan~ganib.

  Yayamang sa caniyang mapalad na camay
lahat nang biyayà ay pinararaan
nang lumic-hâ nitong boong sangtinacpan,
ani San Bernardong lingcod niyang hirang.

  Cami tulun~gan mo, daquilang Arcángel,
na magpasalamat sa maginang Virgen
sa di tumitila,t, auang sapinsapin
bagama,t, cuhila,t, sucab na alipin.


Joaquin Tuason.

_Pasig, arao ni San Rafael Arcángel, icadalauang puo,t, siam nang
Setiembre nang taong isang libo ualong daan pitong può at ualo._






=PAOUNAUA NANG TUMAGALOG.=

       *       *       *       *       *

_Ang cumat-hâ nitong Historia Moral, ay ang Sr. Campe, at ang inilagay
na pamagat ay_ Ang Bagong Robinson, _at nang maiba sa isang isinulat
ni Daniel Dafoe sa pasimula nang nacaraang siglo, na ang pamagat ay_
Buhay at man~ga cahan~gahan~gang aventuras ni Robinson Crusoé._Itong
dating Robinson ang siyang nagbigay sa pagcat-hâ nang bago nang man~ga
bagay na quinaoouian nang boong Historia nang isang bayaning totoong
tan~gi dahil sa man~ga di caraniuang napagsapit nang caniyang buhay,
na totoong cacaiba sa lahat nang man~ga tauo dahil sa man~ga sacunang
nangyari sa caniya: ang buhay nang isang tauong nacaisaisa, napilitang
gamiting ualang licat ang lacas nang caniyang catauan at ang boong
ipinangyayari nang caniyang caloloua, sa pagca,t, ualang macatulong
na sinoman at siya,y, nacaisaisa sa pulô.

Ang sumalin sa uicang castilà nito ay si Don Tomàs de Iriarte, at nang
mangyaring paquinaban~gan nang man~ga binatang babayi,t, lalaqui,
dahil sa magagandang aral na nacacalat sa buong librong ito.
Humihicayat nang pagibig, paggalang at pagpapasalamat sa
macapangyarihang Pan~ginoon at Ama nang lahat nang tauo; nagpapausbong
sa pusò nang pagasa sa caniyang caauaan sa alin mang caguipitan at
pag-ayon sa caniyang calooban.

Ito at madla pang mabubuting aral at cahatulan ang mananamnam nang
babasa sa Historiang ito, na bucod sa pagcacaliban~gan, ay maraming
bagay na macucunang uliran, at ito,y, siyang dahil caya co inihulog sa
uicang tagalog.

Sa pagtagalog nito,y, aquing linisan ang inaacalà cong uari hindi
paquiquinaban~gan nang man~ga tagalog; gayon din naman aquing
dinagdagan nang pagmamacaauà sa mapagpalang Virgen sa touînang
daratnan si Robinson nang anomang casacunaan; sa pagca,t, dili
carampatang lisanin nang sinomang nagcapalad tumangap nang lunas na
tubig nang santo Bautismos ang pagsasacdal, paghibic, at pagmamacaauà
sa Ina nang ating Mananacop, na guinaua niyang alolod na aagusan nang
dilang graciang ipinagcacaloob sa man~ga tauo, ayon sa uicà ni San
Bernardo: _Deus nihil voluit nos habere, quod per manus Mariæ non
transiret._ «Ayao ang Dios na pagcalooban tayo nang anomang gracia na
di pagdaanin sa man~ga camay ni Maria.»

Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan, ó
pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang dapat
han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi lalonglalò
na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at ipagcacamit nang
caloualhatiang ualang hangan.

Sa catapusa,y, inihandog co sa maloualhating Arcangel S. Rafael,
pagbibigay puri bilang at pagganting loob dito sa lubhang maauaing
Pintacasi nang man~ga maralitâ at icatlong Principe na lagui nang
nagbabantay sa cagalanggalang at di matingcalang carorocan nang Ualang
capantay. Bucod dito,y, totoong nababagay ang pamimintacasi dito sa
totoong mapagcalin~gang Arcangel sa sinomang natitiualag sa caniyang
magulang at nasa guitnâ, nang dilang casacunaan at caralitaan, tulad
cay Robinson, na baga ma,t, isang halimbauà ó talinhagà lamang, ay
magagauang uliran nang sinomang na sa sa isang caguipitan at
capan~ganiban, nang houag huminà, malupaypay at maghinampo ang loob sa
Namamahalà nang sangdaigdigan, bagcus umayon sa caniyang calooban,
manalig sa ualang hangan niyang caauaan, sambahin ang di malirip
niyang carunun~gan, na ang inaacalà natin na isang casacunaan at
cahirapan ay bun~ga nang caniyang pagibig na pagcacaraanan nang ualang
hanga nating caloualhatian, cung baga,t, ating matiis, at tangapin
nating malumanay sa loob at pasalamatan, maguing caguinhauahan at
maguing cahirapan man, ang minamarapat niyang ipagcaloob sa atin._

_Sucat hangan dito, bumabasang irog, at pagcaliban~gan mo naua,t,
paquinaban~gan itong catouatouang buhay ni Robinson, na caya co
tinagalog ay iniutos sa aquin nang man~ga Pareng Dominico, at nang
cunang uliràn naman nang sinomang babasa._






=SINALIN SA TESTO=

Nang

=INCA GARCILASO DE LA VEGA.=

       *       *       *       *       *

_Sa unang bahagui nang man~ga Comentarios reales ay nababasa sa
capitulo VII. itong susunod:_


«Ang islang (capuloan baga sa tagalog) tinatauag na Serrana, na na sa
pag-itan nang Cartegena at Habana, ay tinauag nang gayon, dahil sa
isang castilang ang pan~galan ay Pedro Serrano, na ang caniyang daong
ay napahamac na nabagbag sa malapit sa pulóng ito, at siya lamang ang
nacaligtas, sa pagca,t, totoong mabuting luman~goy, at nacarating sa
naturang pulô na uala isa mang bahay; di sucat matirahan nang tauo,
ualang tubig at cahoy, doon siya tumahang may pitong taon, at sa
caniyang casicapan ay nagcaroon siya nang cahoy at tubig, at nacacuha
nang apuy, (ang nangyaring ito,y, isang bagay na catacataca, na
marahil ay sasabihin natin sa ibang lugar.) Sa apellídong Serrano ay
tinauag ang pulóng yaong Serrana, at Serranilla ang isang pulô namang
calapit niyaon; at nang houag pagcamal-an ang baua,t, isa.»

_Saca sinasabi sa capitulo VIII._

«Nararapat munang bago natin ipatuloy, ay sabihin nating ang nangyari
cay Pedro Serrano. Si Pedro Serrano ay luman~goy sa pulóng yaon na
dati,y, ualang n~galan, na ang pagcasabi, ay may dalauang leguas sa
binilogbilog. Gayon din halos ang sinasabi sa sulat nang paglalayag na
ipinaquiquilala na may tatlong pulông totoong maliliit, na may
maraming cababauan ó pungtod............................. at
sinasabing gayon din ang pagcalagay niong tinatauag na Seranilla, na
yao,y, limang maliliit na pulô na may lalong maraming pungtod mahiguit
sa Serrana; at caya n~ga lumalayò doon ang man~ga sasac-yan dahil sa
capan~ganibang ito ...»

«Si Pedro Serrano ay napahamac sa paglalayag dito, at nacarating nang
lan~goy hangang sa naturang pulô, sabihin ang lumbay nang siya,y,
naroroon na, sa pagca,t, ualang maquitang tubig, cahoy at halaman man
na ipagpatid uhao, ó anomang bagay na sucat niyang pagcaliban~gan, at
ninanasang magdaan ang alin mang sasac-yan, nang siya,y, macaalis
doon, at nang houag siyang mamatay sa gutom at uhao, na inaari niyang
lalò pang maban~gis sa cung siya,y, nalunod doon, sa pagca,t, lalong
madalî ang hirap. Caya sa unang gabi ay uala siyang guinaua cundi
tan~gisan ang sauî niyang capalaran, at di mamagcano ang lumbay dahil
sa gayong capiitan na sucat icapighatî nang sinoman. Nang maguumaga
na,y, muling linibot ang pulô, at naquita niya,y, maraming man~ga
aliman~go, hipon at iba pang ganganito na nangagaling sa dagat, humuli
siya nang ilan at caniyang quinain nang hilao, sa pagca,t, uala siyang
apuy na paglutoan.

Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na
man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong niya
ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba na
caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang
isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na
iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang
pagóng, at ininom niya ang dugô. sa pagca,t, ualang totoong maquitang
tubig: ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang
lamán ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang
pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang sahuran
nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán. Sa
paraang ito,y, siya,y nabuhay, at nacacain sa man~ga unang arao na
pagcatirá niya doon; pinapatay niya ang lahat nang man~ga pagóng na
caniyang mahuli; at mayroong totoong malalaqui na hindi niya ma
ibaligtad, at natatalo siya sa lacas; at cahit quinucubabauan niya at
sinsac-yan ay hindi niya matalo, at itinatacbo siya sa dagat; caya
natalastas niya cung alin ang man~ga pagóng na caniyang nahuli at cung
alin ang hindi. Sa canilang talucap ay maraming nasahod na tubig si
Serrano, sa pagca,t, mayroong totoong malalaqui na naglalaman nang
dalauang arrobang tubig at mayroon namang mumunti na cacaunting tubig
ang nasisilid.

Nang maquita ni Pedro Serrano na marami siyang baon na cacanin at
iinumin, ay inacalà niya na cung siya,y, macaquita nang apuy, nang
mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay
macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa pagca,t,
ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa
pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin
mang cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya
nang bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay
gagauin niyang binalol ó pamingquî; at sa pagca,t, ualang maquitang
bató sa pulô, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang
guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató;
at sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili
niya ang lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang
dalauang bató nang magcaroon nang talím na pagpipingquian, tinicman
niya na piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan
nang apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang barò, at
pinagligasligas niyang maliliit, na siya niyang guinauang lulog, at sa
caniyang catiyagaan at cauulit nang pagpingquî ay nacucuha siya nang
apuy.

Nang mangyaring houag mamatay at houag mapugnao ang caniyang apuy ay
cumuha siya nang maraming yaguit na ipinapadpad sa tabi nang man~ga
alon sa dagat, at pinamumulot niya ang man~ga capicapisang na cahoy,
na tinatauag sa castila na ovas marinas, at man~ga tabla nang man~ga
sasacyang nadudurog sa dagat, at man~ga talaba at man~ga butó nang
isdà, at iba pang man~ga bagay na magdidiquit sa apuy. At nang houag
mamatay sa ulán, ay gumaua nang isang cubocubohan na pinagugnay-ugnay
ang man~ga talucab nang man~ga pagóng na pinatay niya, at totoong
pinacain~gatan na houag mamatay.

Sa loob nang dalauang bouan, at marahil ay culang culang pa, sa
cauulán, sa arao at sa calamigan nang lugar na yaon ay siya,y, naguing
hubo,t, hubad, dahil na nabuloc ang caniyang damit na bahaguià na
lamang nacatatataquip sa caniya. Dahil sa totoong cainitan nang arao
ay nahahapó siyang masaquit, sa pagca,t, damit man ay uala siya, lilim
man ay uala siyang masilun~gan. Capag siya,y, totoong nahihirapan nang
init, ay lungmulubog siya sa tubig. Nabuhay siya nang tatlong taon sa
ganitong cahirapan, at sa panahong ito ay nacaquiquita siya nang
man~ga ilang sasac-yan na nagdaraan doon; datapoua,t, cahit siya,y,
nagpapausoc, na siyang tandà sa dagat nang tauong nasisinsay at
napapahamac, ay hindi napupuná nang man~ga sasac-yan, ó dahil caya sa
catacutan sa man~ga pungtod ay hindi macapan~gahas lumapit sa
caniyang quinalalag-yan at nagpapatuloy nang paglayag. Ang bagay na
ito,y, totoong ipinagpipighati ni Pedro Serrano, na pipiliin ang
camatayan, houag lamang magtiis nang ganoong cahirapan. Sa sin~gao
nang lugar na yaon ay totoong humahabà ang balahibo nang boong
catauan, na anaqui balat nang hayop, na tila sa baboy damo; ang buhoc
at ang balbas ay dungmarating hangang sa bayauang.»

«Nang macaraan ang tatlong taon, isang hapo,y, malayò sa gunità ni
Pedro Serrano ay nacaquita nang isang tauo sa pulóng yaon, na sa
gabing nacaraan ay napahamac siya sa man~ga pungtod ó cababauan doon,
at ang caniya lamang natimbulan ay capisang na tabla nang sasac-yan,
caya siya nacarating doon; at sa pagca,t nang magliuanag ay naquita
niya ang usoc nang apuy ni Pedro, sinapantaha niyang may tauo roon,
linapitan niya sa lan~goy, na ang caniyang quinacapitan ay ang
naturang tabla. Nang magcalapit na ang dalaua, ay di sucat matalastas
cung sino ang lalong napapaman~ga sa dalaua. Inisip ni Serrano na ang
caniyang naquiquita ay ang demonio na naganyong tauo na tutucso sa
caniya, nang siya,y, magpatiuacal. Ang isip naman nang bagong dating
ay si Serrano ay ang tunay na demonio, sa pagca,t, totoong habà nang
man~ga balahibo, balbas at man~ga buhoc. Capoua nagsitacbo, at si
Pedro Serrano ay naguicà nang ganito: «Jesus, Jesus, iligtas mo aco,
Pan~ginoon co, sa demonio.» Capagcarin~gig nito ay naalis ang tacot
nang isa at inacalà na si Pedro Serrano ay tauo ring capoua niya, caya
pinagbalican at pinagsabihan nang ganito: «houag cang lumayò sa aquin,
capatid co, sa pagca,t, aco,y, cristiano ring para mo» at nang siya,y
maniualà ay dinasal niya nang malacas ang _Sumasampalataya_, at nang
marin~gig ni Pedro ay pinagbalican niya, at ang dalaua,y, nagyacap
nang daquilang pagibig, at dinaluyan ang canilang man~ga mata nang
maraming luhà, yayamang sila,y, pinagsing isang palad sa iláng na
yaon, na uala nang pagasang macaalis pa. Halihaling sinasalita ang
pinagdaanan nilang buhay. Inacalà ni Pedro na ang caniyang casama,y,
nagugutom, ay binigyan niya nang pagcain at pagìnom; dahil dito,y,
naauasuasan ang caniyang paghihinagpis, at pagcatapus ay pinagusapang
mulî ang canilang pamumuhay sa macacayanan, na pinagbahabahagui ang
man~ga oras nang arao at gabi sa paghanap nang canilang icabubuhay sa
dagat, at ang man~ga cahoy at man~ga buto nang isdâ, at iba pang
man~ga bagay na icapagdidiquit nang apuy; at lalong lalò na ang
laguing paglalamay, na sila,y, naghahalihalili, nang houag mamatay ang
apuy. Ganito ang canilang pamumuhay nang man~ga ilang arao;
datapoua,t, hindi naglaon at sila,y, nagcaalit, at dahil dito,y,
sila,y, nagbucod nang pagcain, na ang culang na lamang ay magbabag:
nang dito,y, mapagquiquilala ang casam-an nang ating man~ga caugalian.
Ang dahil nang canilang pinag-aauayan ay ang pagsasabi nang isa sa
isa, na hindi quinacalin~ga ang dapat gauin; at ang cagalitang ito,t,
man~ga pan~gun~gusap ay siyang ipinagcaalit nila at ipinagcahiualay.
Datapoua,t, sila rin, nang macapagmunimuni na, ay naghin~gian nang
tauad, at nagcaibigang mulî, at macasamang nabuhay na may apat na
taon. Sa panahong ito,y, naquita nilang dungmaan ang ilang sasac-yan,
at sila,y, nagpausoc; datapoua,t, hindi nila pinaquinaban~gan, at
hindi sila napansin nang man~ga sasac-yan; caya n~ga di mamagcano ang
canilang capighatian, na culang na lamang ay malagot ang canilang
hinin~ga.»

«Sa catapusan nitong mahabang panahon ay nagcataong dumaan doon ang
isang sasac-yang totong nalalapit sa canila, na nacaquita nang
canilang pagpapausoc, at ibinunsod sa canila ang bangca, at sac-yan
nila sa pagparoon sa daong. Si Pedro Serrano at ang caniyang casama na
capoua nagsihabà na ang canilang man~ga balahibo at balbas, ay nang
malapit na ang bangca, ay nang houag acalain nang man~ga marinero na
sila,y, demonio, ay dinasal nila ang _Sumasampalataya_ at sinambit
nila nang malacas ang n~galan nang ating Mananacop; at dahil dito,y,
hindi nan~gatacot ang man~ga marinero, cahit sila,y, ualang anyong
tauo. Dinala na sila sa canilang sasac-yan, na di mamagcano ang
pagtataca nang balang sa canila,y, macaquita at macarin~gig nang
man~ga cahirapang canilang pinagdaanan.

Ang casama,y, namatay sa dagat nang papatun~go sa España. Si Pedro
Serrano,y, dumating dito, at lumipat sa Alemania, na siyang
quinalalag-yan nang Emperador sa panahong yaon: hindi inaahit ang
caniyang balahibo, balbas at buhoc, at nang maguing tandâ at catunayan
nang caniyang pagcabagbag, at nang lahat nangyari sa caniya. Sa lahat
nang bayang caniyang pinagdadaanan, cung ibig niyang paquita ay
nagcacaroon siya nang maraming salapi. Ilang man~ga guinoo at man~ga
caballero na nacaibig macaquita nang lagay niya, ay pinagcacalooban
siya nang gugugulin sa caniyang paglacad; at ang Emperador sa
pagcaquita sa caniya at pagcarin~gig ay pinagcalooban siya nang apat
na libong piso, na bouis sa taon taon. Nang cucunin niya, ay namatay
siya sa Panamá, na hindi niya nacamtan.»

«Ang lahat nang salitang ito, para nang nabanguit na, ay sinasalita
nang isang Caballero na ang n~gala,y, si Garci-Sánchez de Figueroa, na
sa caniya co napaquingan, at nacaquilala cay Pedro Serrano;
pinatotoohanan niya na sa caniyang bibig napaquingan, at nang matapus
na siya,y, maquita nang Emperador ay binauasan nang cauntì ang
caniyang buhoc at balbas nang houag dumating hangan sa bayauang; at
cung siya,y, natutulog sa bagi ay pinupusód niya, at cung hindi gayon,
ay sungmasabog sa hihigan na nacalilingatong sa caniyang pagtulog.»







=ANG BAGONG ROBINSON.=

       *       *       *       *       *

HISTORIA MORAL

       *       *       *       *       *

PASIMULA


Sa isang bahay sa parang na di nalalayóng lubhâ sa Hamburgo, mariquit
na ciudad nang Alemania, na nalalagay sa dalampasigan nang mayamang
ilog na Albis, ay tungmatahan ang isang malaquing ancan nang man~ga
tauong magcacamaganac at magcacaibigan. Mahirap matalastas cung alin
ang lalong minamahal nang ama at ina, na pinacaulo nang ancang yaon ó
familia; cung ang caniyang man~ga anac na lalaqui na si Nicolás at si
Juan, ó ang man~ga anac na babayi na si Teodora at si Luisa; ó ang
caniyang man~ga pamangquin na si Enrique at si Cárlos, ó si Ramon at
si Basilio, man~ga anac nang dalaua nilang caibigan. Ang dalauang
ito,y, man~ga binatà na, at ang iba,y, man~ga batà na di parapara ang
canilang edad. Ang lahat ay nacacaisaisang loob na parang
magcacapatid; at ang lahat ay paraparang nagsisisunod nang maligaya sa
ama at sa ina, at nagsusumicap nang pagaaral at nang pagpapacabuti
nang asal, sa pamamaguitan nang ayos na turò, na sa pagpapaliuanag sa
canilang pagiisip ay nalilimbag naman ang magandang ugali sa canilang
man~ga pusò. May oras silang iguinagaua, at may oras na
ipinaglilibang; datapoua,t, ang caraniua,y, sila,y, nagsasamasama, at
habang gungmagaua sila nang anoman, ay pinagsasalitaan sila nang
canilang ama nang sarisaring Historia at man~ga salitâ, na bucod sa
nagbibigay caliban~gan sa canila, ay nacacaroon sila nang mabuting
halimbaua nang cabanalan, nang puri at uastong caugalian.

Ang susunod na Historia Moral ni Robinson ay siyang nagamit nilang
salitaan sa maraming hapon; at nang maunauà nang ama na totoong
isinasaloob at iquinaliligaya nang man~ga batà ang man~ga di
caraniuang bagay na nangyari doon sa sauing palad na binatà, at ang
paquinabang sa salitang ito, ay minatapat na isulat at icalat, nang
maguing liban~gan nang ibang man~ga bata na macababasa ó macaririn~gig
nang gayon ding caligayahan, at cung magcaminsa,y, gayon ding
capaquinaban~gan.

--Ama co, ang uica ni Teodora nang isang hapong masayá nang tagarao.
¿Pagsasalitaan caya ninyo cami n~gayon, para nang dati, nang anomang
Historia?

--Oo, anac co, ang sagot nang ama, datapoua,t, sayang na di natin
macamtan ang caligayahan nitong matahimic na hapon. Tayo,y, pasa
parang, na doo,y, ang pananariuà nang man~ga halaman ay nagaanyaya sa
atin.

--¡Oh, totoong mabuting bagay ang inyong naisipan! ang sigao nang
lahat; ¡doo,y, paano caya ang ating caliban~gan!--At naglulucsuhan sa
touâ ay nanaog nang bahay, at capagdating sa masayang parang ay
pinasimulan ang ganitong salitaan.




=UNANG HAPON.=


Si Teodora. ¿Dito baga tayo, ama?

Ang Ama. Oo, dito sa ilalim nang punò nang manzano.

Si Nicolás. Ito,y, isang lugar na totoong cauiliuili.

Ang Lahat _(nan~gaglucsuhan sa malaquing toua at ang uica nila,y,)_.
Cauiliuiling totoo dito.

Ang Ama. Datapoua,t, ¿anong iniisip ninyong gauin habang sinasalita co
sa inyo ang Historiang ito? Caraniua,y, ayao cayong magtun~gan~ga
lamang: ang ualang guinagaua cailan man ay di mabuti.

Si Juan. Nararapat na tayo,y, magcaroon nang anomang pagliliban~gan
dito.

Ang ina. Aco,y, may dala náng gulay na hihimayin. ¿Sinong ibig
tumulong sa aquin?

Ang Lahat. Aco, aco, aco.

Si Teodora. Caming dalaua ni Luisa, at icao, Cárlos, ¿maghihimay baga
tayo nang gulay?

Si Luisa. Aco,y, hindi, sa pagca,t, gagauin co ang tanicalang
itinuturo sa aquin nang ating ina.

Si Teodora. Cung gayo,y, tayo,y, maghimayhimay na dalaua lamang.
Halica, Cárlos, umupo ca.

Si Basilio _(naquiupo naman, at naguica:)_ Ibig co namang gumaua na
para ninyo.

Si Ramon. At aco naman.

Si Enrique. Dito,y, maluag. Tingnan natin cung sino pa ang maghihimay.

Ang Ama. Lumagay cayo na mangyaring maquita ninyo ang paglubog nang
arao, sa pagca,t, n~gayon ay totoong mariquit ang lagay nang lan~git.

_(Nagsiupong lahat, at pinasimulan ang paggaua nila.)_

Ang Ama. N~gayon, man~ga anac co, sasalitin co sa inyo ang isang
Historia, ó isang nangyaring totoong cacaiba, na sa pasimula,y,
maninindig ang inyong man~ga buhoc, at pagcatapus ay ilulucso ninyo sa
touà.

Si Tedodora. Oh! houag sanang totoong malungcot.

Si Luisa. Cung totoong malungcot, ay houag; sa pagca,t, iiyac caming
ualang pagsala.

Si Juan. Pabayaan natin, at naaalaman nang ating ama ang caniyang
guinagaua.

Ang Ama. Houag cayong matacot, man~ga anac co, at sasalitin co sa inyo
nang boong pagiin~gat, nang houag magcaroon nang anomang bagay na
totoong malungcot.

Sa ciudad nang Hamburgo ay may isang tauong ang apellido,y,
_Robinson_, na may tatlong anac. Ang pan~ganay ay nacaibig na
magsundalo; nagsundalo na n~ga, at namatay sa isang digmà laban sa
man~ga francés. Ang icalaua,y, nahilig sa pagaaral, at isang arao sa
paginom nang tubig na malamig sa oras na totoong naiinitan, ay
nagcasaquit nang dibdib at namatay.

Si Luisa. Caya n~ga ang uicà nang ating ama, ay capagca tayo,y,
totoong naiinitan, ay di dapat uminom.

Ang Ama. Ualang natitirá cundi ang anac na bunsò, na ang n~gala,y, si
Conrado; at caya n~ga ang ama at ina magmulà niyon ay ang boong
pagasa,y, inilagay sa nacaisaisang anac, na iniibig na parang
balintatao nang man~ga mata; datapoua,t, ang canilang pagmamahal ay
hindi mabuti.

Si Teodora. ¿At anong ibig ninyong sabihin, ama co, dito sa hindi
mabuting pagmamahal?

Ang Ama. N~gayo,y, ipahahayag co sa iyo.--Cayo,y, iniibig naman namin,
para nang natatalastas na ninyo: datapoua,t, gayon man ay
pinagpipilitan namin na cayo,y, matutong gumaua, tinuturuan namin cayo
nang maraming bagay na nacauiuili at paquiquinaban~gan, sa pagca,t,
natatalastas namin na sa paraang ito ay cayo,y, babait, at cung
gayo,y, ualang pagsalang cayo,y, magcacapalad. Datapoua,t, ang man~ga
magulang ni Conrado ay iba ang pagpapalagay, sa pagca,t, pinababayaang
gauin ang balang maibigan nang minamahal nilang anac; at pagca,t, ang
munting caballero,y, ualang iniibig cundi ang maglaro, at ayao
magsipag at magaral nang anomang bagay, pinababayaang ualang guinagaua
at maglicot sa boong maghapon; na sa macatouid, ay sa pagaaral at sa
mabuting turò nang magulang ay ualang pinapaquinabang. Ito n~ga, anac
co, ang tinatauag na pagmamahal na hindi mabuti.

Si Teodora. N~gayon co natalastas.

Ang Ama. Lungmalaqui ang batang si _Robinson_ na ualang matutuhang
paglag-yan sa caniya. Ninanasà nang ama na magaral nang
pan~gan~galacal; datapoua,t, hindi ibig nang anac, sa pagca,t, ayon sa
caniyang uicà, ang lalong ibig niya,y, macaquita nang mundo at
magpagalagala: sa catagang uica,y, ualang iniibig cundi ang siya,y,
mabuhay na pagayon lamang, ualang gauà at ualang quinapapacanan, na
parang hindi tayo itinalaga sa alin mang calagayan na sucat
paquinaban~gan. Sa catunaya,y, ang batang ito,y, ualang munting
pagiisip nang pagsasalità. Cung siya,y, nagaral nang man~ga bagay na
sucat paquinaban~gan at quinacailan~gan, ay ibang iba sana ang
caniyang pananalità; datapoua,t, ¿anong mahihità sa paggalà sa mundo
nang isang binatang ualang munting pinagaralan na para ni Conrado?
Capag nagnanasang maghanap buhay sa alin mang bayan ay
quinacailan~gan ang pagcatalastas at catalasan; at ang ating
_Robinson_ ay hindi nag-iisip nang ganitong bagay.

Tumuntong na siya sa labing pitong taon, at hangan nion ay ualang
guinagaua cundi ang acsayahin ang panahon sa pagpapalibotlibot sa
lahat nang oras. Ualang arao na di inuun~gutan ang caniyang ama na
siya,y, big-yang pahintulot na maglayag; datapaoua,t, ang sagot nang
ama, ay ang caniyang ninanasà ay isang malaquing caululan, cailan man
ay ayao na maririn~gig ang bagay sa paglayag. Isang arao ...

Si Luisa. N~gayon, pasisimulan ang salita.

Si Nicolás. Houag cang magiin~gay.

Ang Ama. Isang arao, na ayon sa caniyang caugalian, ay naglilibot sa
tabi nang dagat, ay nasumpun~gan ang isa niyang caibigan. Ito,y, anac
nang isang Capitan sa isang sasac-yan, at nahahandang paroon sa
Lóndres na casama nang caniyang ama.

Si Cárlos. ¿Saan sila sasacay, sa carruaje baga?

Si Enrique. Hindi, Cárlos; nang mangyaring macarating sa Lóndres ay
quinacailan~gan ang lumayag, at daanan ang malaquing bahagui nang
tubig, na tinatauag na dagat sa Hilagaan.

Ang Ama. Itinanong nang caniyang casama ibig niyang sumama sa
paglalayag. Totoong ibig co, ang sagot ni Conrado Robinson;
datapoua,t, hindi magsisipayag ang aquing man~ga magulang.--Hayo, ang
sagot nang isa; sumama ca sa aquin: sa loob nang tatlong lingo ay
magbabalic na tayo; at cung ayao cang pumayag dahil sa iyong ama at
iyong ina, ¿mayroon pa cayang dapat gauin, cundi ang sabihin ang
quinalalag-yan mo?--Datapoua,t, uala acong salapî sa supot, ang uicà
ni Conrado Robinson.--¿Anong cailan~gan? ang sagot nang isa:
ipinagbabayad quita sa paglayag.--Napahintong sandalî si Robinson, at
pagcatapus caracaraca,y, tinapic ang camay nang caniyang casama, at
naguicà: «caibigan, tayo,y, magcamay at sumacay na tuloy.»

Capagca uica nito ay ipinagbilin sa isa na sa loob nang ilang oras ay
paroon siya sa caniyang ama at ina, at sabihing siya,y, lumayag, at
nang macarating lamang sa Inglaterra, at caracaraca,y, sila,y,
magbabalic. Tambing na lumulan ang dalauang magcaibigan.

Si Juan. Ay, ay! hindi co naiibigan yaong si Robinson.

Si Nicolàs. Aco man.

Si Basilio. ¿At baquit?

Si Juan. Sa pagca,t, iniuan ang caniyang man~ga magulang na uala
silang pahintulot.

Si Basilio. Mayroon cang catouiran, Juan: gumaua siya nang malaquing
camaliang dapat nating icahabag. Mabuti na lamang at bihira ang binatà
na di nacatatalastas nang dapat gauin sa canilang man~ga magulang.

Si Nicolás. ¿Sa bagay ay mayroong ibang catulad si Robinson?

Si Basilio. Hangan n~gayo,y, uala acong naquiquitang sinoman;
datapoua,t, ang natatalastas cong malinao ay ualang mangyayaring
magaling sa man~ga binatang para niya.

Si Juan. Cung gayo,y, paquingan natin ang nangyari cay Robinson.

Ang Ama. Ang man~ga marinero,y, itinaas ang man~ga sinipete, at
iniladlad ang man~ga layag; humihip ang han~gin at tumulac ang
sasacyan, at ang Capita,y, napaalam sa ciudad at macaanim na
nagpaputoc nang cañon. Si Robinson ay na sa ibabao nang cubierta ó
carang, casama nang caniyang caibigan, at ualang pagcasiyahan nang
touâ, sa pagcaquitang siya,y, nacapaglayag din.

Ang arao ay mapayapa, at ang han~gin ay ayon sa canilang
patutun~guhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang
Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang
dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang man~ga mata;
datapoua,t, ¡laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala
siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos
na tubig, at sa itaas naman ay lan~git!

Si Teodora. Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan.

Ang Ina. Hindi malayong iyong mapagmasdan n~gayong man~ga ilang arao
ang naquita ni Robinson.

Si Teodora. Cung gayo,y, ¿tayo pô baga naman ay paparoon?

Si Ramon. Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin
nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa
iba,t, ibang lugar.

Ang Ama. Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa inyong
casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas ang inyong
catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, marahil ay
tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na doon ang mulà
nang dagat na tinatauag na Báltico.

Ang Lahat. ¡Oh, totoong buti cung gayon!

Ang Ama. Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa
may icaapat na leguas. _(Capagcarin~gig nito,y, agad nagtindigang
lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa
caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang man~ga paa, na
ipinaquiquilala ang canilang man~ga catouaan sa paglulucsahan at
pagtatacbuhan.)_

Si Luisa. ¿Ipagsasama po naman ninyo aco?

Ang Ina. Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala
roon.

Si Luisa. Datapoua,t totoong malayò, ¿ano pô, di pô baga ganoon?
Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1] na tinatahanan nang Sr. Claudio,
at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at isang
halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan natin.
Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang man~ga batóng
sarisaring culay; at niong....

[Talababa 1: Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras,
hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon
ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.]

Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa.

Si Luisa. Oo n~ga pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit sa
daan.

Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guilin~gan.

Si Luisa. ¡Aba! oo n~ga pò: doon inilacpac nang han~gin ang aquing
sombrero.

Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa
guilin~gan.

Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ¿ano pô?

Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang loob,
cahi,t, di tayo niya naquiquilala.

Si Luisa. ¿At inyo pò baga namang guinanti?

Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin
nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si Robinson. Magmadali
tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang
inalilipad ang caniyang paglayag.

Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting
han~gin. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lan~git at ang dagat, at
nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang han~ging
totoong malacas. Cung minsa,y, totoong maninin~gas ang quidlat, na
anaqui tila nagaalab ang lan~git; cung minsa,y, totoong nagdidilim na
anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog;
catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay
catacottacot na parang bundoc.

¡Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! Sinasalubong
nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang ibinubulid sa
cailaliman. Ang man~ga tauo,y, humahanap nang macapitan, at nang houag
silang man~gahulog sa guiniuang guiuang nang sasac-yan. Si Robinson na
hindi datihan sa man~ga bagay na ito, ay totoong nalulà, ualang licat
ang pagsusucá na halos mamatay.

Si Juan. Ito ang caniyang napalâ.

Ang ama. «¡Ay ama,t, ina co! ang palaguing isinisigao ni Robinson:
cailan ma,y, di na ninyo aco maquiquita. ¡Laquing capalamarahan ang
guinaua co sa pagbibigay sa inyo nang ganitong capighatian!»

Saca biglang narin~gig na umalatiit sa ilalim nang cubierta ó carang.
«¡Mahabag ca pô sa amin. Pan~ginoon namin!» ang isinisigao nang man~ga
marinero, na nan~gamumutlang di hamac. ¿Ano iyan? ¿ano ang nangyari?
ang tanong ni Robinson, na halos mamatay sa tacot.--¡Ca auaaua tayo!
ang tugon sa caniya: tayo,y, mamamatay: ibinual nang culog ang palong
trinquete, (sa macatouid, ay isa sa man~ga tatlong árbol na matotouid
nang isang sasac-yan, itong nabali ay siyang lalong nalalapit sa
daong) at ang árbol mayor ay bahaguia na lamang tumatayò, na
cailan~gang putulin at ihulog sa tubig.

«¡Tayo,y, mamamatay!» ang uicà nang isang na sa bodega: «ang sasac-yan
ay mapupunò nang tubig.»

Capagcarin~gig nito ni Robinson na nacaupò sa camarote, ay naghimatay.
Ang lahat ay nagsipaglimas, at nang cung mangyayari ay houag lumubog
ang sasac-yan. Nang maquita nang isang marinero na si Robinson lamang
ang hindi cumiquibò, ay siya,y, itinulac, at pinagsabihan na cung siya
lamang ang hindi gagaua nang anoman.

Tinicman ni Robinson na siya,y, nagban~gon, cahi,t, totoong
nanghihinà, at siya nama,y, naquilimas. Sa oras na ito,y, nagutos ang
Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang cung may nalalapit na ibang
sasac-yan ay nang matalastas ang capan~ganibang quinalalag-yan nila.
Hindi natalastas ni Robinson ang dahilan nang putoc na yaon, ay
inacalang nabiac ang sasac-yan, at dahil dito,y, muling naghimatay.
May isang marinero na sa maquitang hindi siya cumiquilos ay itinulac
siya,t, sinicaran at inacalang siya,y, patay.

Sinasaquit ang paglilimas, datapoua,t, ang tubig ay lalong dumarami,
at ualang inaantay cundi ang lumubog ang sasac-yan. Nang mangyaring
gumaangaan, ay inihaguis sa dagat ang man~ga bagay na hindi nila
totoong quinacailan~gan, para nang man~ga cañon, man~ga cahoy at iba
pa; datapoua,t, uala ring quinasapitan. Narin~gig nang isang sasac-yan
ang putoc nang cañon na palatandaan na may humihin~ging tulong na
ibang sasac-yan, at inilapit sa canila ang isang bangcá at nang
maligtas ang man~ga tauo; datapoua,t, ang bangcang ito,y, hindi
macalapit, sa pagca,t, totoong malacas ang alon. Sa catapusa,y,
nacalapit din sa popa ó huli at sila,y, hinaguisan nang lubid nang na
sa pan~ganib na sasac-yan, at sa paraang ito,y, nailapit na mabuti ang
bangcà at caracaraca,y, nagsilipat na lahat. Si Robinson na hindi
macatayó ay inihaguis sa bangcà nang ibang man~ga marinerong may auà
sa caniya.

Bahaguia na lamang nacagagaod, ay ang sasac-yan na hindi pa nalalayò
sa canila ay lumubog. Mabuti na lamang at pumayapà na ang panahon, at
cundi ay lalamunin din nang alon ang bangcang punô nang tauo. Nang
macaraan na sa di mamagcanong capan~ganiban, ay dumating din sa isang
sasac-yan, at doon sila,y, pinalulan.

Si Teodora. Mabuti na lamang at ang man~ga tauong ito,y, di
nan~galunod.

Si Nicolás. ¡Totoong aco,y, nagaalaala at baca n~ga man~galunod sila!

Si Luisa. Cung gayo,y, madadalâ si Robinson, at hindi na gagauang mulî
nang gayong capan~gahasan.

Ang ina. Ito rin ang inaacalà co; at marahil ay magcacabait na.

Si Enrique. ¿At ano ang guinagaua sa caniya?

Ang ama. Ang sasac-yang linipatan nila ay napatun~go sa Lóndres. Nang
macaraan ang apat na arao ay na sa sa uauà na sila nang Támesis; at sa
icalimang arao ay dumoong na sila sa tapat nang ciudad nang Lóndres.

Si Cárlos. ¿Ano pong cahulugan niyong uicang Támesis?

Si Basilio. Ang Támesis ay isang ilog na Ingalaterra, na para naman
nang ilog natin ditong Albis, na pinapasucan sa dagat at hindi
nalalayô sa Lóndres. Capag nalalapit na sa dagat ang isang ilog ay
tinatauag na uauà.

Ang ama. Ang lahat ay nagsiahon sa lupà nang malaquing touà at
naligtas sila sa capan~ganiban. Datapoua,t, ang unang guinauà ni
Robinson ay ang panonood nang daquilang ciudad nang Lóndres, at
nacalimutan ang caniyang sasapitín. Gayon ma,y, siya,y, nagdamdam
cagutuman, at napagtalastas niya na ang pagtirá sa ciudad nang Lóndres
ay hindi nacabubusog; at caya n~ga inisip niyang siya,y, magsalità sa
Capitan, at ipagmacaauà niyang siya,y, ipagsalo. Tinangap siya nang
Capitan nang magandang loob, at quinasalo sa pagcain, at habang
sila,y, cungmacain ay itinanong cay Robinson cung ano ang dahilang
iquinaparoon niya sa Lóndres, at cung ano ang ninanasa niyang gau-in
doon. Sinalitâ sa caniya ni Robinson nang maliuanag, na caya siya
naglayag ay sa pagaalio lamang, at idinugtong pang nan~gahas siya nang
ualang pahintulot ang caniyang man~ga magulang, at n~gayo,y, ualâ náng
matutuhang gau-in.

«Hindi pala naaalaman nang iyong man~ga magulang.» ang uicà nang
nagugulumihanang Capitan; at nahulog sa camay ang cuchillong
guinagamit niya sa pagcain. «¡Dios co! maanong naalaman co muna ang
bagay na ito. Paniualaan mo aco, pan~gahas na binatà; na cung
napagalaman co ito sa Hamburgo, disin ay di quita tinangap sa aquing
sasac-yan, cahit aco,y, hinandogan mo nang isang millon.» Ibinabâ ni
Robinson ang man~ga matá; ang cahihiyan ay napagquilala sa caniyang
muc-hà, at hindi macaimic.

Ang may puring Capitan nang sasac-yan, ay ipinatuloy ang pagpapahayag
sa caniya nang lahat niyang camalian. Sinabi sa caniya, na cailan
ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung baguhin niya
ang caniyang loob, at humin~ging tauad sa caniyang man~ga magulang. Si
Robinson nama,y, umiiyac.

«Datapoua,t, ¿anong dapat cong gau-in?» ang tanong ni
Robinson.--«¿Anong dapat mong gau-in?» ang sagot nang Capitan:
«magsauli ca sa bahay nang iyong man~ga magulang, humalic ca sa
canilang man~ga paa, at humin~gi cang tauad dahil sa iyong man~ga
camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.»

Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ¡Totoong mabuting
tauo siya!

Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag
naquiquita natin na ang ating capouâ tauo ay nagcacamit nang anomang
camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang
catungculan.

«¿Ibig ninyong aco,y, ihatid na mulî sa Hamburgo?» ang tanong ni
Robinson sa Capitan.--«¿Paanong paghahatid co sa iyo? ¿Nalimutan mo na
baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco macabili
nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong magtatagal
ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na lumulan sa
unang sasac-yan na patutun~go sa Hamburgo, at houag mong palibanin
n~gayon ó bucas.»--«N~guni,t, ualà acong salapi,» ang uica ni
Robison.--«Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong man~ga _guinea_.»

Si Teodora. ¿Ano ang ma~nga _guinea?_

Ang ama. Ang _guinea_ ay salaping guintô na guinagamit sa Inglaterra,
at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.

Si Juan. Ating ipatuloy.

Ang ama. «Narito n~ga, ang uicà nang Capitan, itong man~ga _guinea_ na
ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailan~gan nang
caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong
mo cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang
pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagouî, na
di para nang pagparito mo.»--Pagcatapus ay quinamayan na siya,y,
magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...

Si Nicolás. ¿Cung sa bagay ay oouî na sa caniyang bahay? Á Dios; cung
gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, n~gayon lamang
pinasisimulan.

Ang ina. ¿At di mo iquinatotouâ, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay
nang caniyang man~ga magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot na
pagcalingatong at pagcasindac nila?

Si Ramon. ¿At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang
caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?

Si Nicolás. Oo n~ga, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may
mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.

Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin
ang man~ga nangyari sa caniya.

Habang siya,y, lumalacad na patun~go sa lalauigan, ay sarisaring
bagay ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. «¿Anong sasabihin caya
nang aquing man~ga magulang,» ang uicà niya sa sarili, «cung aco,y,
magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà
co. At pagtatauanan nang aquing man~ga caquilala at iba pang man~ga
tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita
cundi dalaua ó tatlong lansan~gan sa Lóndres.» Ito at man~ga
ganganitong man~ga bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.

Cung minsa,y, hungmihintô, at parang nagmumulimuli, at hìndì mapasiya
ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili ang sinabi
sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya maguiguing
mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang caniyang man~ga
magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang panahon, na di maalaman
cung ano ang gagauin, at gayon ma,y, nagpatuloy siya nang paglacad sa
lalauigan ó hinihimpilan nang man~ga sasac-yan. Datapoua,t, malaqui
ang caniyang touà, nang matalastas na ualà pang sasac-yang patun~go sa
Hamburgo, na ibinabalità sa caniya nang isa sa man~ga Capitan na
palaguing lungmalayag sa Guinea.

Si Cárlos. ¿At ano ang paglalayag sa Guinea?

Ang Ama. Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.

Si Enrique. ¿Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na
tinatauag na África? at ang Guinea ay isa sa man~ga lugar na malapit
sa dagat.

Ang Ama. At sa Guinea sila naghahanap buhay. Ang tauong nagsasalitâ
cay Robinson ay isa sa man~ga Capitan sa man~ga sasac-yang caraniuang
naglalayag sa Guinea.

Natotouà ang Capitan na maquipagpanayam cay Robinson, at inanyayahan
siyang uminom nang isang tasang cha sa caniyang Cámara. Pungmayag
naman si Robinson.

Si Juan. ¿Cung sa bagay ang Capitan ay marunong nang ating uica?

Ang Ama. Nacalimutan cong di nasabi sa iyo, na sa Hamburgo ay natuto
si Robinson nang uicang inglés, na siyang sinasalitâ sa Inglatérra.

Nang marin~gig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong
dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay
itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago
pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa
caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at
ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman:
at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay
totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing
nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya
nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang
pinagticahan niya sa loob na pagouî sa bahay nang caniyang man~ga
magulang.

Datapoua,t, nang siya,y, macapagisip-isip, ay sinabi niya sa Capitan:
«aco,y, ualang salapì cundi tatatlong guinea. ¿Saan co gugugulin itong
caunting puhunan sa paghahanap buhay sa bayang paroroonan natin?»

--«Pahihiramin quita nang anim, ang uicà nang Capitan; at mayroon ca
nang sucat icapamili nang pagtutubuan nang malaqui sa Guinea, cung
tayo,y, sasangayunan nang capalaran.»

--«¿At ano ang nararapat cong bilhin?» ang tanong ni Robinson.--«Ang
sagot nang Capitan, ay man~ga sarisaring bagay, para nang man~ga
laroan, man~ga abalorio, man~ga sundang, man~ga gunting, at iba pang
mumurahin, na totoong naiibigan nang man~ga taga África, na babayaran
sa iyo nang totoong mahal; ang ibabayad sa iyo,y, guintò, garing at
iba pang bagay.»

Capagcarin~gig nito, ay malaquing touà ni Robinson, at nacalimutan ang
caniyang man~ga magulang, ang caniyang man~ga caibigan at bayan, at
naguicà nang malaquíng caligayahan: «pinasisiya co na sa loob ang
sumama sa iyo, maguinoong Capitan.» Nagcamay sila, tandà nang canilang
pagcacasundò sa paglayag.

Si Juan. Natapus na: hindi co na caaauaan, cahit anong mangyaring
sacunâ diyan sa hunghang na cay Robinson.

Ang ama. ¿Diyata,t, di mo na caaauaan siyang mulî?

Si Juan. Hindi na pô: yayamang siya,y, totoong tampalasan, na nuling
nacalimot sa caniyang catungculan sa man~ga magulang niya, ay
nararapat namang parusahan siyang mulî nang Dios.

Ang ama. ¿At inaacalà mo bagang ang isang caauaauang tauo, na
nacalimot sa caniyang man~ga magulang, at pinipilit niya ang Dios na
siya,y, parusahan, at nang magbago ang caniyang loob, ay di caya dapat
cahabagan? Tunay n~ga at siya rin ang naguing dahil nang lahat nang
sacunang sucat marating niya; datapoua,t, dahil dito,y, ¿di caya lalò
pang iquinapaguiguing cahabaghabag niya? ¡O anac co! Yadia ca nang
Dios, at caming lahat naman, sa lalong caquilaquilabot sa man~ga
capighatian, ang pagcaquilala baga na ang sinoman ay siyang nagcusang
gumauà nang sauì niyang capalaran. Cailan ma,t, macaririn~gig tayo na
may caauaauang tauo, ay acalain natin na siya,y, ating capatid na
nasisinsay: tan~gisan natin ang caniyang capahamacan, at dalan~ginan
natin sa lan~git ang caniyang cagalin~gan.

Sandaling ualang umiimic na sinoman, at pagcatapus ay ipinatuloy nang
ama ang pagsasalita.

Nagmadaling lumacad si Robinson sa ciudad, ipinamili ang caniyang
siyam na guinea nang man~ga calacal na sinabi sa caniya nang Capitan,
at ipinadala sa sasac-yan. Nang macaraang ilang arao, sa pagca,t, ang
panahon ay mabuti, ay tumulac na sila, at naglayag na patun~go sa
Guinea.

Ang ina. Tila panahon na namang nararapat na tayo,y, lumayag na
patun~go sa bahay, at tayo,y, cumain nang hapunan. Matagal náng
lumubog ang arao.

Si Teodora. Ualà pa acong ibig na cumain nang hapunan.

Si Luisa. Aco man, lalò co pang ibig ang maquinyig.

Ang ama. Bucas, bucas, man~ga anac co, ipatutuloy natin ang
pagsasalità nang nangyari cay Robinson. N~gayo,y, tayo,y, cumaing
maaga, na para nang dati.

Ang Lahat. Tayo,y, cumain nang hapunan.




=ICALAUANG HAPON.=


Sa icalauang arao nang hapon, ay sila,y, naparoon sa dating
pinagsalitaanan, at pinatuloy nang ama ang pagsasalità:

Itong bagong pagtulac ni Robinson ay totoong mabuti na para nang una.
Dumaan na silang ualang munting sacunà sa Calés, sa canal na tinatauag
na de la Mancha, at n~gayo,y, na sa sa guitnà na sila nang Océano
Atlántico. Dito,y, sinalun~gat sila nang han~gin na mahabang arao at
palaguing ipinapadpad sila sa dacong América.

Tingnan ninyo, man~ga anac co: dala co ang malaquing mapa na dito,y,
mamamasdan ninyong mabuti ang dapat tun~guhin nang sasac-yan, at sa
pagca,t, napilitang malayò dito dahil sa han~gin. Sa dacong ito sana
ibig macarating; datapoua,t, sa pagca sinasalun~gat nang han~gin, ay
napapatun~go sila sa dacong América. Aquing ilaladlad ang mapa, at
cung cailan~gan ay matingnan natin.

Isang gabi ay sinabi nang piloto na may naquiquita siyang apuy sa
dacong malayo, at bucod dito,y, may naririn~gig siyang putoc nang
cañon sa lugar ding yaon. Ang lahat ay nan~gagaquiatan sa cubierta, at
naquita nila ang apuy, at narin~gig nilang maliuanag ang putoc nang
cañon, tiningnang magaling nang Capitan sa caniyang mapa; at naquitang
sa lugar na yaon ay ualang lupang anoman sa loob nang sandaang leguas,
at inisip nang lahat na ang apuy na yaon ay nangagaling sa isang
sasac-yang nasusunog.

Caracaraca,y, tinicà nilang umabuloy, at pinihit ang sasac-yan sa
lugar na yaon, at di pa nalalao,y, natalastas nila ang catutoohanan
na may isang sasac-yang malaqui na nagninin~gas. Pagdaca,y, nagutos
ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang matalastas niyong man~ga
caauaauang tauo na nalululan sa sasac-yang yaon, na nalalapit sa
canila ang isang sasac-yan na madaling aabuloy sa canila. Di pa
nalalaong nagpapaputoc, ay naquita nilang biglang tumapon ang
sasac-yang nagninin~gas, casabay ang isang malaquing ugong, at namatay
ang apuy. Dapat na matalastas na ang nin~gas ay dumating sa Santa
Bárbara, sa macatouid, ay doon sa pinaglalag-yan nang pólvora sa
sasac-yan.

Di pa nila naaalaman cung ano ang sinapit niyong man~ga caauaauang
tauo. N~guni,t, dapat hinalain na sila,y, nacalipat sa canilang man~ga
bangca bago nagputoc ang sasac-yan; dahil dito,y, hindi itiniguil nang
Capitan ang pagpapaputoc nang cañon sa boong magdamag, at nang
matalastas nang man~ga na sa pan~ganib ang quinalalag-yan nang
sasac-yang ibig tumulong sa canila, at ipinasabit naman ang lahat nang
man~ga farol at nang maquita nila. Sa quinabucasa,y, naquita nila sa
largavista ang dalauang bangcang punó nang tauo na ipinaghahampasan
nang alon. Dapat matalastas na ang han~gin ay sual sa canila, at
sila,y, nagsisigaod sa boong macacayanan nang macarating sa sasac-yan.
Capagdaca,y, ipinagutos nang Capitan na iban~gon ang bandila, at nang
matalastas nila na natatalaga sa pagabuloy at pagtangap sa canila.
Saca biglang inilapit ang sasac-yan sa canila; at sa loob nang
calahating oras ay sila,y, inabutan.

May pitong puo catauo, na babayi,t, lalaqui at man~ga batà, at silang
lahat ay pinasacay sa sasac-yan. ¡Anong diquit tingnan yaong man~ga
caauaauang tauo, niong mailigtas sa apuy at pagcalunod! ang iba,y,
hungmihiguit sa malaquing toua; ang iba,y, sungmisigao na parang hindi
pa natatapus ang capan~ganibang canilang pinagdaanan. Mayroong
nagsisilucso sa magcabicabilà nang sasac-yan na parang man~ga ulol;
mayroong namumutlâ ang muc-hâ na ipinaquiquilala ang malaquing
cadalamhatian nang canilang loob. Mayroon namang nan~gagtataua na
parang han~gal, nan~gagsasayauan at nagsisigauan sa malaquing touà;
ang iba,y, hindi naman macapan~gusap na parang napipi at nan~gaualang
diua, na di matutong magsalità cataga man. Cun minsa,y, naniniclohod
ang iba sa canila, itinataas ang man~ga camay sa lan~git, at
nagpapasalamat nang malacas sa Pan~ginoong Dios, at halos
pinaghimalaan sila sa pagcaligtas sa gayong capan~ganiban; cung
minsa,y, biglang tungmitindig, pinupunit ang canilang man~ga damit,
nananan~gis at nahahapay na parang man~ga patay, at nalalaon bago
pagsaolan nang hinin~ga. Ualang marinero, cahit anong tigas nang loob,
na sa pagcaquita nang gayong lagay, ay di tumulò ang luhà.

Doon sa man~ga cahabaghabag na tauo ay mayroong isang Sacerdoteng
batà, na natutong gumauà nang dapat gauin. Bahaguia na lamang
sungmasayad ang paa sa sasac-yan, ay naniclohod at idinamag ang muc-hâ
sa lupà, na parang ualang caramdaman. Dinulog siya nang Capitan at
aabuluyan, na ang isip ay siya,y, naghimatay datapoua,t, sinabi sa
caniya nang Sacerdote nang boong capayapaan: «pabayaan ninyo acong
magpasalamat sa May-capal, sa pagca,t, inibig na cami iligtas;
pagcatapus ay pasasalamatan cayo namin naman dahil sa malaqui ninyong
caauaang gaua sa amin.» Dito na lungmayò ang Capitan nang malaquing
galang.

Ang Sacerdote ay lungmagui sa ganitong lagay na man~ga ilang minuto;
pagcatapus ay tungmindig na natotouà, hinanap ang Capitan, at
ipinaquilalang muli ang caniyang pagpapasalamat. Saca hinanap ang
caniyang man~ga casamahan sa paglayag, at pinagsabihan nang ganito:
«man~ga catoto co, sumapayapà cayo. Minarapat nang Pan~ginoon nang
dilang caauaan na iligtas cayo nang caniyang maauaing camay. ¿Baquit
pinaliliban ninyo ang mapacumbabang paggagauad nang pagpapasalamat sa
caniya dahil sa di ninyo inaasahang pagcaligtas nang inyong buhay?»
Maraming nagsisunod sa cahatulang ito.

Dito minulan ang pagsasalitâ na cung sino sila, at ang sa canila,y,
nangyari. Ang nasunog na sasac-yan ay isang malaquing dâong francés na
man~gan~galacal, na naglalayang sa Quebec. Tingnan ninyo ang nangyari
papatun~go dito sa lugar nang América. Nacaquita sila nang apuy sa
cámara, at biglang lungmaganap, na di nacuha nilang patayin, at ang
nagaua lamang nila ay ang pagpapaputoc nang cañon, at ang paglipat sa
man~ga bangca na di na nila natalastas cung ano ang sasapitin nilang
capalaran. Ang lalong daquilang capan~ganiban, na sa caquilaquilabot
na sandaling yaon ay ang baca ilubog sila nang han~gin sa dagat,
yayamang ang canilang sinasac-yan ay man~ga bangca lamang, ó baca
sila,y, mamatay sa gutom at uhao, ay caunting tinapay at tubig lamang
na cacanin sa man~ga ilang arao ang canilang dalang baon.

Si Cárlos. ¿At anong cailan~gan nilang magdala nang tubig, cung
sila,y, na sa sa ibabao nang tubig?

Ang Ama. Cárlos, ¿nacacalimutan mo na na ang tubig sa dagat ay totoong
maalat at masaclap na di maiinom nino man?

Si Cárlos. Oo n~ga pala.

Ang Ama. Dito sa casindacsindac na calagayan ay narin~gig nila ang
man~ga putoc nang cañon sa isang sasac-yan; at saca naquita nila ang
man~ga nabibiting farol. Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa
pan~gin~gilabot at pagasa, na palagui silang sinasalun~gat nang alon,
bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan.
Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang
capighatian.

Sa boong oras na ito ay sinasalaguimsiman si Robinson nang man~ga
caquilaquilabot na panimdim. «¡Man~ga lan~git! ang uicà sa caniyang
sariling loob. Cung sa man~ga tauong ito,y, dili dapat maualan nang
man~ga calolouang totoong mabubuti, ay nacaranas sila nang daquilang
casacunaan, ¡ano ang aasahan co na isang palamara sa aquing man~ga
caauaauang magulang!» Di siya patantanin nang panimdim na ito,
nagdaramdam ang caniyang pusò nang isang malaquing capighatian; at
namumutla,t, di macaimic, capara nang isang tauong sinisisi nang
caniyang conciencia, ay nacaupong di macaquibo sa isang suloc.
Binig-yan nang paginom na icaguiguinhaua ang man~ga tauong
sinaclolohan, at nang magsauli ang naualang lacás nang canilang
capaguran.

Pagcatapus nito,y, ang pinacapunò sa magcacasamang ito ay cungmuha
nang isang supot na punò nang salapi, lumapit sa Capitan, at sinabi sa
caniya, na yaon lamang ang canilang nacuha sa lungmubog nilang
sasac-yan; na inihahandog sa caniyang parang isang munting tandâ nang
canilang pagquilala nang utang na loob sa pagliligtas niya sa canilang
buhay. «Houag ipahintulot nang Dios, ang sagot nang Capitan, na aquing
tangapin ang ibinibigay ninyo. Ualà acong guinauà cundi ang inihahatol
nang pagcacaauang gauà; at inaasahan co naman na siya ninyong gagauin
sa amin, cung cami ang nagcaganoon.»

Ualang pinaquinabang ang muli,t, muling pagpipilit nang tauong yaon
na tangapin ang ibinibigay niyang salapi; sa pagca,t, ayao na totoong
pumayag ang Capitan, at hinin~ging magsalità siya nang ibang bagay.
Pinagusapan nila cung saan magsisiahon ang man~ga francés na canilang
sinaclolohan. Hindi nararapat na sila,y, dal-hin sa Guinea: ang una,y,
sa pagca,t, totoong mabigat sa man~ga caauaauang tauong yaon ang
sila,y, pilitin sa isang mahabang paglayag na patun~go sa isang bayan
nang ualà silang cailan~gang anoman; at ang icalaua,y, sa pagca,t, sa
sasac-yan ay ualang maraming pagcain na quinacailan~gan sa gayong
caraming tauo.

Sa catapusa,y, pinasiya sa loob nang magandang loob na Capitan na
magpaliguid nang man~ga ilang daang leguas, at nang mapaahon yaong
man~ga caauaauang tauong canilang sinaguip sa Terranova, na doo,y, di
sila mauaualan nang sasac-yan sa pagtun~go sa Francia, sa alin man sa
man~ga sasac-yan nang man~ga francés na nanghuhuli nang isdang
bacalao.

Si Luisa. ¿Ano ang panghuhuli nang bacalao?

Si Juan. ¿Di mo natatalastas ang sinasalità nang ating ama sa man~ga
bacalao na nanggagaling sa dagat na malamig, hangan sa dumating sa
man~ga cababauan sa Terranova na doon sila hinuhuli?

Si Luisa. Oo n~ga naalaala co na.

Ang Ama. Dumating n~ga sila sa Terranova, sa pagca,t, capanahunan na
totoong nanghuhuli nang bacalao, ay nacatagpò sila nang man~ga
sasac-yan nang man~ga francés na linulanan nila. Di sucat maipahayag
nang bibig ang canilang pasasalamat sa magandang loob nang Capitan.
Bahaguia na lamang cacalilipat sila sa sasac-yan nang man~ga taga roon
sa canila, ay sila,y, nagbalic at napatun~go sa Guinea, sinang-ayunan
naman sila nang han~gin. Tungmatacbo ang sasac-yan sa tubig, na para
nang ibong lungmilipad sa impapauid: sa sandaling panahon ay naraanan
nila ang maraming leguas, at ualang totoong iquinatotouà ang ating
Robinson, yayamang siya,y, totoong maiinipin, na para nang madali ang
anomang bagay.

Pagcaraan nang man~ga ilang arao, sa pagpapatuloy nila nang paglayag
na patun~go sa dacong Timogan, ay biglang naquita nila ang isang
sasac-yan na lungmalapit sa canila; at nang macaraan ang ilang
sandali ay nacarin~gig sila nang putoc nang cañon na hungmihin~gi
nang tulong, at naquita nilang sira na ang palo nang trinquete at ang
bauprés.

Si Nicolás. ¿Ano po ang bauprés?

Ang Ama. Inacalà cong di mo pa nalilimutan.

Si Nicolás. Naalaala co na: ang bauprés ay isang palong munti na hindi
nacatayo na para nang iba; cundi nacahiga na na sa unahan nang
sasac-yan, na para siyang pinaca tucâ nang daong.

Ang Ama. Oo n~ga; lungmapit n~ga sila sa sasac-yang nasiraan; at nang
malalapit nang sucat macapagabutan nang salitâ, ay nan~gagsigauan ang
man~ga na sa tabi nang sasac-yan nang calumbay lumbay, na ang uica,y,
ganito: saclolohan ninyo itong sasac-yang punò nang man~ga caauaauang
tauo, na cundi ninyo cahahabagan ay man~gamamatay.

Itinanong sa canila cung baquit sila nagcaganoon; at sungmagot ang isa
sa canila nang ganito: cami ay man~ga inglés na napapatun~go sa pulong
tinatauag na Martinica na nasasacupan nang Francia. Tingnan ninyo,
man~ga anac co: ang Martinica ay na sa sa guitna nang América.) Cami
ay maglululan nang café, at nang cami,y, nadodoong na roon at
papatulác na, ay umahon ang aming Capitan at ang contra-maestre dahil
sa bibili nang man~ga ibang bagay. Habang aming inaantay ay
lungmalacas na totoo ang han~gin na may catacottacot na ipoipo, na
naputol ang lubid na tali sa sinipete; at cami napatulac sa calautan
nang dagat na di namin mapiguilpiguilan. Ang bagyó....

Si Teodora. ¿At anong cahulugan nito?

Ang Ama. Ang bag-yó ay isang totoong malacas na han~gin na hungmihihip
na parang ipoipo, at nangagaling sa man~ga nagcacasalusalubong na
han~gin.

Tatlong arao at tatlong gabi na di tungmatahan ang mabilis na han~gin;
nabali ang tatlo naming palo, at sinoman sa amin ay di marunong
magpalacad nang sasac-yan. Siyam náng lingo na cami ay lulutanglutang
sa guitna nang caragatan; natapus nang lahat ang aming baon at marami
sa amin ang mamamatay sa gutom.

Capagcarin~gig nang salitang ito, ay ang mabuting loob na Capitan
caracaraca,y, lumulan sa bangca, at nagdala nang camunting pagcain,
saca lumipat sa cabilang sasac-yan na casama ni Robinson.

Naquita nila ang man~ga tauo sa isang calagayang cahabaghabag. Ang
lahat ay nan~gagugutom, at ang iba,y, bahaguia na lamang macatayò.
Datapoua,t, capagcapasoc sa cámara ... ¡Ó Dios! ¡Caquilaquilabot na
bagay! isang ina na may isang anac at isang alilang batà ay
nan~gacasubasob, at ayon sa canilang calagayan ay man~ga patay na sa
caculan~gan nang pagcain. Ang ina,y, naninigas na nacaupò sa
calaguitnaan nang dalauang upuang nagcacatali, at nahihilig ang ulo sa
isang panig nang sasac-yan: ang alila,y, nacabulagtâ sa caniyang
siping na totoong habà at nacatan~gang mahigpit sa isang paa nang
mesa; ang binata,y, nacahilig sa isang hihigan, at naquiquita pa sa
bibig ang capisang na balat na quinain na ang calahati.

Si Luisa. Sinasalità pò ninyo sa amin ang man~ga bagay na totoong
calumbaylumbay.

Ang Ama. May catouiran ca. Hindi co naalaalang ayao cayong maquinyig
nang man~ga bagay na calumbaylumbay. Liligtaan co ang sacunáng ito.

Ang Lahat. Houag pô, houag pô.

Si Luisa. N~gayo,y, masasalità na ninyong lahat.

Ang Ama. Cung gayon ang ibig ninyo, ay sasabihin co muna, cung sino
ang man~ga cahabaghabag na nahahandusay sa isang cahambalhambal na
calagayan.

Ito,y, man~ga sumacay sa sasac-yang yaong galing sa América na
patun~go sa Inglaterra; at ang lahat nang casacay ay nan~gagpapatotoo
na totoong mabubuting tauo. Totoong malaqui ang pagibig nang ina sa
anac, na ayao cumain nang anoman, at ibinibigay na lahat sa caniyang
anac; at gayon din naman itong mabuting anac na ang lahat ay
ipinacacain sa caniyang ina. Ang tapat na loob na alilang babayi ay
totoong nagpipighati dahil sa caniyang man~ga pan~ginoon na mahiguit
sa pagpipighati niya sa caniyang sarili. Inacalang patay na ang
tatlong ito; datapoua,t, hindi naglaon at napagtalastas na may
natitira pang caunting buhay, sa pagca,t, bahaguia na lamang binusan
ang bibig nang caunting sabao ay iminulat na marahan ang canilang
man~ga mata. Ang ina,y, totoong nanghihinà na, na hindi macalagoc nang
anoman, at ipinaquilala na ang ibig lamang niya ay ang calin~gain ang
caniyang anac. Sa catunaya,y, mapamayamaya ay nalagot ang hinin~ga.

Sa pagcacalin~ga at pagbibigay nang cagamutan sa dalaua, ay
pinagsaulan, sa pagca,t, man~ga batà pa, ay nan~gabuhay. Datapoua,t,
nang maquita nang binatà na ang caniyang ina ay patay na, ay totoong
nagpighati siya, na dahil dito,y, siya,y, nalugmoc na muli, at totoong
matagal bago siya pinagsaulan. Sa catapusa,y, nabuhay din ang binatà
at ang alilang babayi.

Ang guinaua nang Capitan ay cungmuha nang man~ga pagcaing baon na
totoo nilang quinacailan~gan sa sasac-yan. Ipinagutos sa caniyang
man~ga anloagui na gauin ang man~ga casiraan sa caniyang sasacyan;
itinurò sa man~ga tauo ang nararapat gauin nang dumating agad sa
man~ga pulóng Canarias na siyang totoong nalalapit doon; at lumayag
naman siya na paparoon, at nang siya,y, macacuha nang ilang bagay na
sucat dal-hin sa sasac-yan. Ang isa sa man~ga pulóng ito ay tinatauag
na Tenerife, para nang natatalastas ninyo.

Si Enrique. Oo n~ga; iya,y, nasasacop nang hari sa España.

Si Juan. Na pinangagalin~gan niong totoong mabuting alac na tinatauag
na de Canarias ...

Si Teodora. At ang man~ga tubó na guinagauang asucal ...

Si Luisa. At yaong man~ga ibong totoong maririquit ... ¿Di pò baga
catotoohanan?

Ang ama. Totoo n~ga; sa pulóng ito,y, lumunsad ang Capìtan, at diyan
umahon si Robinson na casama niya. ¡Gaano ang touà niya sa panonood
niong man~ga ubasang totoong maririquit, at sa pagcain niong man~ga
ubas na totoong masasarap!

Si Juan. At maquiquita naman niya ang pagyurac sa ubas at nang mapisà
at gauing alac ang catás.

Si Luisa. ¿Paa baga ang iniyuyurac?

Si Juan. Mangyari.

Si Luisa. Aco,y, hindi iinum niyan, sa pagca,t, niyuyuracan nang paa.

Si Nicolás. Hindi naman cailan~gan; sa pagca,t, sinabi sa atin nang
ating ama na ang alac ay masamâ sa man~ga batà.

Ang ama. Gayon n~ga: ang man~ga batang nararatihang uminom nang alac ó
iba pang licor na matatapang ay nanghihinà ang catauan, at pungmupurol
ang ulo.

Si Juan. Cung gayo,y, hindi cami iinom nang alac.

Ang ama. N~gayon, naguing cailan~gan nang Capìtan na tumiguil na
sandaling panahon sa pulóng yaon, at nang ipagauà ang caniyang
sasac-yan na may munting casiraan, ay ang ating Robinson ay nainip
caracaraca sa pagtira doon; sa pagca,t, totoong mainipin at salauahan,
ay ibig niyang umalis na at magala ang boong mundo. Niyao,y, dumating
ang isang sasac-yang portugués na nangaling sa Lisboa, at daraan sa
Brasil, caharian sa América meridional.

Si Enrique. _(Itinurò ang mapa at saca tumanong.)_ ¿Ang Brasil pò
baga,y, di itong lugar na di pa nalalaong nasasacop nang man~ga
portugués, at doo,y, maraming totoong guintô at man~ga batóng
mahalaga?

Ang ama. Oo n~ga. Naquipagcaibigan si Robinson sa Capitan nang
sasac-yang ito; at bahaguia na lamang narin~gig ang guintô at man~ga
batóng mahalaga, ay totoong nagpapacamatay nang pagparoon sa Brasil at
nang punoin niya ang caniyang supot nang naturang guintô at maririquit
na bató.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿di caya niya naaalaman na sinoma,y, di
macacucuha niyong man~ga guintò at man~ga batóng yaon, sa pagca,t, ari
nang hari sa Portugal?

Ang ama. Dito mo maquiquita na si Robinson ay hindi nacatatalastas
nito, sa pagca,t, sa caniyang cabataan ay ayao bumasa,t, magaral nang
anoman. Sa maquita n~gang siya,y, ipagsasama nang Capitang portugués
na di papagbabayarin nang anomang, at bucod dito,y, ang sasac-yan nang
man~ga inglés ay matitiguil na may labing limang arao, ay hindi na
napiguil ang caniyang sariling loob sa pagnanasang macaquita nang
man~ga bago,t, bagong lugar; at sinabi niyang tuloy sa mabuti niyang
caibigan na Capitang inglés, na siya,y, iiuan, at sasacay siya na
patun~go sa Brasil. Itong Capitan, na nacatalastas sa bibig din ni
Robinson na siya,y, umalis na ualang pahintulot at di naaalaman nang
caniyang man~ga magulang, ay natouang di hamac na mapahiualay sa
caniya. Ipinatauad ang salaping ipinautang sa caniya sa Inglaterra, at
sa pagpapaalam niya ay siya,y, pinabaunan nang mabubuting cahatulan.

Sumacay na si Robinson sa daong nang man~ga portugués, at naglayag na
patun~go sa Brasil at pinatnugutan naman nang mabuting panahon na
man~ga ilang arao. Datapoua,t, di caguinsa guinsa,y, hinampas sila
nang caquilaquilabot na han~gin.

Ang bumubulang alon na bumaban~gon at napaiitaas na parang isang
malaquing bahay, ay humahampas sa sasac-yan na ibinababa at itinataas;
di nagtatahan ang samà nang panahon sa loob nang anim na arao na
ualang licat, na iquinalayong lubhâ nang daong na di na maalaman nang
Capitan at nang piloto cung saan sila naroroon. Gayon ma,y, inacalà
nila na sila,y, di lubhang nalalayô sa man~ga pulò nang man~ga
Caribes, na dito,y, maquiquita ninyo sa mapa na na sa calaguitnaan
nang man~ga Antillas menores.

Nang magumaga nang icapitong arao ay nagbigay nang isang malaquing
touà ang isang marinero na biglang sumigao nang ganito: lupà, aniya,
lupà.

Ang ina. Datapoua,t, bayaan nating sila,y, lumapit sa lupà, at tayo,y,
lumapit naman sa pagcain nang hapunan, na nagaantay na. Bucas ay
matatalastas natin ang nasapit nila.

Si Teodora. ¡Ay, ina co! pabayaan pô ninyong mapaquingan namin hangang
sa umahon man lamang, at cung ano ang sinapit nila roon. Malaqui ang
pagcaibig cong cumain na lamang nang caunting tinapay, nang aco,y,
matira rito sa paquiquinyig nang salitâ, cung ipatutuloy nang aquing
ama.

Ang ama. Mangyayari namang tayo,y, cumain nang hapunan dito sa parang.

Ang ina. Cung siyang ibig mo ay ipaguutos cong dalhin dito ang
hapunan: at samantalang hindi dumarating, ay tumahimic tayo at
paquingan natin ang salità.

Ang lahat. ¡Cung gayo,y, mabuti!

Ang ama. Ang lahat ay umac-yat sa ibabao nang cubierta at titingnan
ang sinasabi nang marinero na lupà na inaasahan nilang aahunan.
Datapoua,t, sa oras na yaon ay ang boò nilang catouaan ay naguing
isang caquilaquilabot na catacutan. Nasadsad ang daong; at ang lahat
nang na sa ibabao nang cubierta ay nan~gahapay sa malacas na
pagcayugyog nang sasac-yan.

Nasadsad ang sasac-yan na parang ipinacò sa pungtod ó cababauan. Ang
man~ga alon ay umaapao na sa cubierta, at nang houag silang malan~goy
ay nagtagò sa camara.

Dito,y, nacarin~gig nang man~ga cahambalhambal na pagsisigauan,
pagiiyacan at pananaghoy na macadudurog sa isang pusò mang bató. Ang
iba,y, nagdarasal; ang iba,y, sumisigao; ang iba,y, linalabnot ang
canilang buhoc: marami namang hindi macaquibò na anaqui,y, man~ga
patay, at isa rito,y, si Robinson, na hindi maalaman ang caniyang
gagauin at cung ano ang nangyayari sa caniya.

Datapoua,t, caracaraca,y, nagsigauang ¡nahati ang sasac-yan! Itong
caquilaquilabot na balità ay parang nacaguising sa canila. Ang lahat
ay nagsiabuloy sa pagcuha nang bangcà, at ang lahat ay nagsilipat
doon. Datapoua,t, totoong maraming tauo ang lumulan, na halos lumubog
ang bangcâ; at bahaguia na lamang lumilitao sa tubig nang isang
dangcal. Ang lupa,y, totoong nalalayô, at totoong humahagunot ang
han~gin, at inacalà nilang isang bagay na dili mangyayari na macasapit
sa cati. Gayon ma,y, pinagpilitan nilang guinaod; at nacalalapit na
sila nang caunti sa lupà ay caracaraca,y, naquita nila ang isang
malaquing alon na parang bundoc. Sa malaquing catacutan ay dili
macaquibo, nabitauan ang man~ga gaod at dumating ang caquilaquilabot
na sandalî na ang malaquing along yaon ay bumulusoc sa bangcâ, na
iquinataob, at linamon nang dagat ang lahat nang nasasacay.

Dito itiniguil nang ama ang pagsasalitâ; ang man~ga batang
naquiquinyig ay nan~galulumbay at hindi macaimic; at mayroon pang di
mangyaring dili humibic sa malaquing habag.

Sa catapusa,y, dumating ang ina na may dalang hapunan, at siyang
iquinalibang nila sa gayong pan~gin~gilabot.






=ICATLONG HAPON.=

Si Teodora. ¡Ay, ama co! ¿Diyata,t, ang caauaauang si Robinson ay
napahamac? ¿Tunay pô bagang namatay siya?

Ang ama. Iniuan natin siya cahapon na na sa isang malaquing
capan~ganiban nang buhay. Ang bangcâ ay nataob; at hinigop siya nang
dagat at ang lahat niyang man~ga casama. Datapoua,t, ang alon ding
yaon ang nagpadpad sa caniya sa dacong tabi. Inihampas siya nang
totoong malacas sa isang bató, at ang calacasan nang pagcasacsac ay
natauohan si Robinson sa caniyang pagcaliping. Iminulat ang man~ga
mata, at naquita niya, bagama,t, di niya asahan, na siya,y, nalalapit
sa cati, pinagpilitan niyang siya,y, macarating sa lupà.

Dumating n~ga siya sa lupà; datapoua,t, bigla siyang naghimatay, at
nalaong oras na di siya nacaalam nang pagcatauo. Sa catapusa,y,
pinagsaulan, nagban~gon at nagtin~gintin~gin.... Datapoua,t, ¡laquing
saquit! ang daong, ang bangcà, ang caniyang man~ga casamahan ay
naualang lahat: ualang natitirang anoman cung di ilang man~ga tablang
pisang pisang na ipinapadpad nang alon sa tabi. At siya lamang ang
hindi namatay.

Nan~gin~ginig siya, at nalilitó sa guitna nang caligayahan at
catacutan, naniclohod siya; at itinaas ang man~ga camay sa lan~git, ay
napasalamat nang malacas na tumutulò ang luhà sa Pan~ginoon nang
lan~git at lupà, at sa masintahing Vírgen dahil sa tan~ging biyayang
pagliligtas sa caniya.

Si Enrique. Datapouà nama,t, ¿baquit iniligtas n~gayon si Robinson
lamang, at pinabayaang mamatay ang lahat?

Ang ama. At sabihin mo sa aquin, Enrique, ¿maipahahayag mo sa aquing
palagui ang cadahilanan na cung baquit caming man~ga matatandâ na
tunay na umiibig sa inyo ay guinagauâ namin sa inyo ang gayo,t, gayong
bagay?

Si Enrique. Hindi pò.

Ang ama. Ilagay natin sa halimbauà. Niyong arao na ang panahon ay
mabuti at ibig nating lahat na magalio sa halamanan nang man~ga
fresas, ¿ay ano ang aquing guinauà?

Si Enrique. Hindi co nalilimutan: si Nicolás ay natira sa bahay; at
aco,y, pinaparoon sa Vandesbec, at hindi halamanan nang man~ga
fresas.

Ang ama. ¿At baquit nagban~gis aco cay Nicolás, na hindi co pinayagang
sumama sa atin?

Si Nicolás. Ah! natatalastas cong magaling, sa pagca,t, sinundò aco ni
Roberto at dinala aco sa bahay nang aquing man~ga pinsan, na matagal
náng hindi co sila naquiquita.

Ang ama. At ¿di caya lalò cang naalio roon sa cung icao ay sumama sa
pagcaroon sa halamanan?

Si Nicolás. Mangyari pô.

Ang ama. Cung gayo,y, tingnan mo: natatalastas cong hahanapin ca ni
Roberto; at caya n~ga ipinagutos co na icao ay matira sa bahay. At
icao, Enrique, ¿sino ang naquita mo sa Vandesbec?

Si Enrique. Ang aquing ama at aquing ina na naroon.

Ang ama. Ito naman ay naaalaman co, at tingnan mo at inutusan quita sa
Vandesbec, at hindi sa halamanan nang man~ga fresas. Hindi ninyo
natatalastas ang man~ga cadahilanan at aquing adhicà. Datapoua,t,
itatanong ninyo sa aquin, ¿cung baquit hindi co sinabi sa inyo ang
man~ga cadahilanang ito?

Si Enrique. Nang lalò caming maligaya, cung maquita namin ang aming
man~ga magulang at man~ga pinsan na hindi namin inaasahan.

Ang ama. Ito n~ga ang catotohanan. At n~gayon, man~ga anac co,
¿inaacalà baga ninyong di iibiguin nang Dios ang caniyang man~ga anac,
sa macatouid, ay ang lahat nang man~ga tauo, na para nang pagibig man
lamang namin sa inyo?

Si Teodora. Tunay n~ga pò, at lalong malaqui pa ang pagibig nang Dios
sa pagibig ninyo.

Ang ama. At ¿di mamacailang inulit-ulit co sa inyo, na natatalastas at
naquiquilala nang Dios ang lahat na mahiguit sa atin, man~ga hamac na
capal, na sa ating mapurol na caisipan ay madalas na di natin
naaalaman ang nauucol sa atin?

Si Enrique. Pinaniniualaan co; sa pagca,t, ang Dios ay mayroong isang
carunun~gang ualang hangan, at natatalastas ang lahat nang mangyayari;
datapoua,t, tayo,y, hindi.

Ang ama. Cung sa bagay ay totoong iniibig nang Dios ang lahat nang
man~ga tauo, at baquit totoong marunong, na siya lamang ang nacaaalam
nang tunay na nararapat sa atin, ¿baquit caya di niya gagau-in ang
icagagaling natin?

Si Teodora. Mangyayari pa na di siyang palagui niyang gagau-in.

Ang ama. Datapoua,t, itatanong cong muli sa inyo: ¿sucat caya nating
matalastas na palagui ang man~ga cadahilanan na cung baquit guinagauà
sa atin nang Dios ang gayo,t, gayong bagay?

Si Enrique. Sa bagay na iya,y, quinacailan~gan na tayo,y, dumunong na
para nang Dios.

Ang ama. Cung gayon, Enrique, ¿ibig mo pa bagang ulitin ang itinanong
mo sa aquin, na cung baquit iniligtas nang Dios si Robinson, at
pinabayaang namatay ang iba?

Si Enrique. Hindi pò; sa pagca,t, naquiquilala co náng yao,y, isang
tauong han~gal.

Ang ama. Paniualaan n~ga natin, na ualang pagsalang may cadahilanang
inaadhicâ ang Dios sa pagpapahintulot na mamatay ang lahat nang man~ga
tauo, at ualang maligtas cundi si Robinson lamang. Mapaghahacahacà
natin cung ano ang man~ga cadahilanang yaon; datapoua,t, houag natin
acalaing ating natumpacan ang paghulà. Mangyayari, sa halimbauà, na
na tatalastas nang Dios na ang mahabang buhay ay icapapacasamá niyong
man~ga tauong inibig niyang man~gamatay; magdaralita nang malalaquing
cahirapan, ó magugumon sa pagcacasala; at caya n~ga inibig niyang
sila,y, dalhin sa cabilang buhay, at ang canilang caloloua ay inilagay
sa isang lugar, na pag nagcataon ay lalò pa silang mapapalad sa cung
sila,y, mabuhay dito sa mundo. Tungcol cay Robinson, marahil caya
inin~gatan ang caniyang buhay, ay nang ang man~ga cahirapan ay maguing
parang maestrong magturò sa caniya: sa pagca,t, ang Dios ay Amang
catouidtouiran, ay guinagamit naman niya ang man~ga cahirapan nang
icapagbagong buhay nang man~ga tauo, cung hindi macapucao sa canila
ang cagalin~gan niyang ualang hangan.

Houag ninyong calimutan ito, man~ga anac cong iniibig: na sa inyong
buhay ay mangyayaring dumating sa inyo ang man~ga bagay na hindi ninyo
naaalaman. Cung gayo,y, bucod na di dapat ninyong salicsiquin ang
pinagcacadahilanan, ay sabihin ninyo sa inyong sarili: «natatalastas
nang Dios ang lalong nararapat sa aquin; at titiisin cong maligaya ang
pagsuboc na guinagauà niya sa aquing loob. Ang man~ga bagay na ito,y,
ipinahahatid sa aquin nang lalò acong bumuti: pagpipilitan co n~gang
aco,y, magcagayon, at tutulun~gan aco nang Dios sa pagpipilit na ito.»

Si Enrique. ¿At ito baga ang isinasaloob ni Robinson sa caguipitang
yaon?

Ang ama. Oo: nang siya,y, macaalis na sa gayong daquilang
capan~ganiban na icalalagot nang hinin~ga, at nang maquita niyang ualà
siyang casama sinoman, ay dito dinamdam sa caibuturan nang caniyang
pusò ang casam-an nang caniyang caugalian; dito naniclohod at
humihin~ging patauad sa Macapangyarihan dahil sa caniyang man~ga
casucaban, at nagtiticang totoo nang magbabago nang buhay, at cailan
ma,y, di na gagauang muli nang nalalaban sa caniyang conciencia.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿pagcatapus ay anong guinauà?

Ang ama. Nang macaraan na ang unang silacbo nang touà sa pagcalicas
nang caniyang buhay, ay pinasimulan ang pagdidilidili sa cahabaghabag
niyang calagayan. Pinaglin~gaplin~gap ang titig, ay ualang maquitang
ibang bagay cundi man~ga caparan~gang punô nang damó at man~ga punong
cahoy na ualang bun~ga, at ualang mapaghalatang anoman na may
tumahang tauo sa lupang yaon.

Totoong caquilaquilabot ang caniyang calagayan sa pagtahan doong
nacaisaisa sa isang lupang di niya naquiquitaquita; datapoua,t,
nan~galisag ang caniyang buhoc, nang caniyang maalaalang doo,y, ualang
tumatahang tauo nang mahusay, cundi m~ga ganid na hayop at man~ga
tauong bundoc na dahil dito,y, di mapalagay muntî man.

Si Cárlos. ¿Baquit pô? ¿mayroon pô baga namang man~ga tauong bundoc ó
bulobundoquin?

Si Juan. Oo, Cárlos. ¿Di mo naririn~gig naman maminsanminsan tungcol
sa bagay na iyan? Doon sa malayong malayò ay may man~ga tauong parang
man~ga hayop ...

Si Teodora. Ang man~ga tauong yaon ay hubò at hubad: caya n~ga acalain
mo cung paano sila ...

Si Enrique. Oo; at ualang naaalaman, na hindi man lamang macagauà nang
isang bahay, hindi macapaghalaman at hindi macapagararo nang isang
buquid.

Si Luisa. Ang quinacain ay lamangcati at isdang hilao. ¿Hindi pô baga
ganoon, ama co, ang salità ninyo sa amin?

Si Juan. Totoo n~ga. ¿At maniniualà ca na yaong man~ga caauaauang tauo
ay hindi man lamang naaalaman cung sino ang lumalang sa canila, at
ualà namang macapagpahayag?

Si Enrique. Caya n~ga, totoo silang malulupit, na ang iba sa canila ay
cumacain nang laman nang tauo.

Si Cárlos. ¡Ay totoong masasamang tauo sila!

Ang ama. ¡Totoong man~ga cahabaghabag na tauo! ang sasabihin mo. Dapat
n~ga silang cahabagan sa pagca,t, sa canila,y, ualang magturong
sinoman, at nabubuhay silang parang man~ga hayop.

Si Cárlos. ¿Naparirito cayang mamacanacà sila?

Ang ama. Hindi: ang lupang tinatahanan pa nitong man~ga cahabaghabag,
na capouà natin tauo, ay totoong malayô, na cailan ma,y, hindi sila
macaparirito sa Europa; at sa arao arao ay nababauasan sila, sapagca
ang ibang man~ga tauong matalas ang isip ay nan~gagsasadiyang
napaparoon sa canila, at tinuturoan sila nang catotoohanan at nang
mabubuting caugalian.

Si Enrique. ¿Cung sa bagay ay may man~ga tauong bundoc doon sa lupang
quinapadparan ni Robinson?

Ang ama. Ito ang hindi pa niya maalaman; datapoua,t, sa pagca,t,
narin~gig niya na may tumatahang tauong bundoc sa man~ga pulò nang
bahaguing yaon nang mundo, ay totoong natatacot siya na baca mayroon
naman sa tinatahanan niya; at ito,y, totoong nacapan~gin~gilabot sa
caniya, na iquinapan~gin~ginig nang boong catauan.

Si Teodora. Pinaniniualaan co: sa pagca,t, hindi biro ang matagpuan
ang man~ga tauong bundoc.

Ang ama. Sa pan~gin~gilabot ay hindi siya macagalao: ang camunting
in~gay ay quinatatacutan niya, at iquinapan~gan~galisag nang caniyang
buhoc; datapoua,t, sa malaquing cauhauan ay napilitan siyang gumalao,
at nang totoong hindi na niya matiis ay siya,y, lumacad na
nagpalibotlibot sa paghanap nang isang batis, hangan sa siya,y,
nagcapalad na nacaquita nang isang bucal nang tubig na totoong masarap
at malinao, na iquinapauî nang caniyang cauhauan.

Si Teodora. ¡Ah, gaano ang touà co!

Ang ama. Nagpasalamat sa Pan~ginoong Dios si Robinson, at inaasahan
naman na ipagcacaloob sa caniya ang pagcaquita nang macacain. Di,
aniya, aco pababayaang mamatay nang gutom niyong Pan~ginoong
nagpapacain sa man~ga ibon sa impapauid. Sa catunaya,y, hindi ang
gutom ang nacapagpapahirap sa caniya, sa pagca,t, dahil sa capighatian
at catacutan ay parang nalilimutan niya ang gauing pagcain. Ang lalò
niyang pinipita,y, ang pagpapahin~galay; sa pagca,t, sa totoong
panghihinà sa di mamagcanong cahirapang caniyang pinagdaanan, ay
bahaguia na lamang macatayò. Gayon ma,y, quinacailan~gan ang paghanap
nang caniyang matutulugan sa gabing yaon. Cung siya,y, matulog sa lupà
ay di malayong siya,y, lapitan nang man~ga tauong bundoc, ó man~ga
halimao, ay siya,y, lamunin. Anino man ay ualà siyang maquita saan man
nang bahay, cubo man ó yun~gib. Nananan~gis siyang ualang caaliuan, at
hindi niya maalaman cung ano ang caniyang gagauin. Sa catapusa,y,
pinasiya niya sa loob na tularan ang man~ga ibon, na humanap siya nang
sisilun~gan sa ibabao nang alin mang punong cahoy; at hindi nalaon at
nacaquita siya nang isang punò nang cahoy, na malagò at mayabong ang
man~ga san~ga, na doo,y, macauupò siya at macahihilig pa; baga ma,t,
totoong mahirap. Umac-yat na siya, nanalan~gin sa Dios, humilig na at
saca natulog. Sa pagtulog ay napapan~garap niya ang lahat nang
caniyang sinapit nang siya,y, mabagbag, balisang balisa sa bun~gang
tulog na ito, na parang naquiquita ang matataas na daluyon, at ang
pagcalubog nang sasac-yan; tila naririn~gig niya ang pagsisigauan at
pananaghoy nang man~ga tauo na nababagbag. Tila naquiquita niya ang
canìyang man~ga magulang na sinasalacay nang totoong malaquing hapis
at capighatian; na dahil sa caniya,y, nananan~gis at nananaghoy at
itinataas ang man~ga camay sa lan~git. Pinagpauisan si Robinson nang
malamig, at malacas na napasigao nang ganito: _Narito aco, man~ga
magulang co, narito aco_; at capagcauicà nito ay ibig niyang
magpatirapà sa canilang man~ga paanan, at naaalimpun~gatan ay gumalao,
siya n~gang pagcahulog sa punò nang cahoy.

Si Luisa. ¡Ay! caauaauà si Robinson!

Si Teodora. ¡A Dios! at namatay na, natapus na ang salità.

Ang ama. Nagcapalad siyang hindi nahulog sa caitaasan nang cahoy, at
sa lupang caniyang linacpacan ay totoong malagò ang damó, caya hindi
totoong nasactan. Ang dinamdam lamang ay ang sangcap nang caniyang
catauan na tumamà sa pagcahulog; datapoua,t, inarì niyang ualang
anoman ang saquit na ito cung ihahalimbauà sa caniyang napanaguinìp.
Muling umac-yat sa punò nang cahoy, doo,y, nagpahin~galay hangan sa
namanaag ang arao, at samantalang pinagcucurocurò niya ang paraang
icaquiquita nang anomang pagcain. Salat na salat siya sa lahat nang
quinacain natin dito sa Europa: ualà siyang tinapay, ualà siyang
lamang cati, ualà siyang gulay, ualà siyang gatas; at cahit macaquita
nang anomang sucat lutoin sa palayoc ó sa ihauan, ay ualà namang apuy,
ualang ihauan at palayoc naman. Ang lahat na punò nang cahoy na
caniyang naquita ay hindi namumun~ga, at ang naguiguing cagamitan
lamang sa man~ga cahoy na yaon ay ang ilutò sa tubig, at nang maguing
tinà.

Nang ualang maalamang gau-in si Robinson, ay nanaog sa punò nang
cahoy, at sa malaquing cagutuman, sa pagca,t, hindi cumain nang anoman
na maghapon at magdamag, ay nagpalibotlibot cung saan-saan;
datapoua,t, ualang maquita cundi man~ga cahoy at man~ga halamang
ualang bun~ga. Dito na sinalacay siya nang totoong malaquing
capighatian. ¿Sa bagay ay ualà acong casasapitan, aniya, cundi ang
mamatay nang gutom? ito ang isinisigao at inahihibic sa lan~git.
Gayon ma,y, ang cagutuman din ang parang nagpalacas sa caniyang loob
na libutin niya ang tabing dagat, at nang siya,y, macaquita nang
anomang macacain. Datapoua,t, ang lahat niyang capaguran ay nauaualang
cabuluhan, sa pagca,t, ualà siyang naquiquita cundi man~ga cahoy na
ualang bun~ga, man~ga halaman at buhan~gin. Nang nanghihinà na at di
macagulapay, at di na macalacad ay nasubsob ang muc-hà sa lupà: at ang
luha,y, bumabagalbal, na ninanasang maanong namatay na siya sa dagat,
houag lamang niyang sapitin ang gayong caralitaan. Tumatalaga náng
antayin sa gayong calagayan ang isang matagal at maban~gis na
camatayan, na para nang mamatay sa gutom, di caguinsa-guinsa ay
nacaquita siya nang isang ibon na tinatauag na Alcon marino na
dumaguit nang isdà at quinain. Caracaraca,y, naalaala niya itong
man~ga verso na minsan niyang nabasa:


     Yaong Pan~ginoon na lubhang maauain sa man~ga uac man ay
     nagpapacain: ¿di caya marapat na asahan natin nating man~ga tauo
     nang boong pagguilio?


Dili mangyaring di parang isinusurot sa caniyang muc-hà ang
caculan~gan nang caniyang pagasa sa auà at pagcacalin~ga nang Dios; at
pagdaca,y, nagban~gon, na tinicang lumacad hangan sa macacayanan,
linibot na sinalicsic ang boong tabi nang dagat, baca sacali ay
macaquita siya nang sucat macain.

Sa catapusa,y, nacaquita siya sa ibabao nang buhan~gin nang ilang
man~ga talucap nang talaba; at dalidali siyang lumapit at tiningnan
cung may talaba doon. Nasunduan n~ga niya nang malaquing caligayahan.

Si Juan. ¿Ang man~ga talaba pô baga,y, na sa sa lupà?

Ang ama. Hindi, anac co; nabubuhay sa dagat, at naniniquit sa man~ga
bató.

Malaquing totoo ang caligayahan ni Robinson sa pagcaquita nang
icapapaui nang cagutumang nacapagpahirap sa caniya, gayon ma,y,
cacaunti ang talaba na di sucat macapauing lubos nang caniyang
cagutuman. Ang lalong di niya icatahimic ay cung saan siya
magcacanlong sa man~ga haharaping arao, at nang houag siyang
tampalasain nang man~ga tauong bundoc at mababan~gis na hayop; sa
pagca,t, ang una niyang sinilun~gan ay totoong mahirap, na ang
pagcagunità lamang ay iquinapan~gin~ginig niya, cung gayon ang
gagau-in niyang pagtulog sa habang panahon. Pinagdilidili niya itong
caniyang calagayan, at totoong lipos siya nang cahirapan at casalatan
ay ualà siyang matutuhang gauin, at muling napagahis sa calumbayan na
para nang dati. ¿Anong nahitâ co, ang uicà sa caniyang sarili, sa
pagcaligtas co sa cagutuman, cung sa gabing ito,y, marahil ay
lalamunin aco nang man~ga halimao?

Tila totoong totoo (tingnan ninyo ang calacasan nang guniguni) na
mayroong lumapit sa caniya na isang maban~gis na tigre, na nacabuca
ang bun~gan~ga, at sasacmalin siya. Nang inaacalà nang siya,y,
quinagat nang tigre sa batoc ay napasigao siya nang malacas: _¡Ay
man~ga magulang co!_ at nahapay sa lupà at naghimatay. Malaong
nahahandusay, at naquiquilaban sa isang malaquing capighatian hangang
sa caniyang maisipan na dapat niyang ilagay ang caniyang pagasa sa Ama
sa calan~gitan na caniyang dinadalan~ginan nang mataimtim na loob.
Dahil dito,y, nacaban~gon, at lumacad na humanap nang isang yun~gib na
sucat niyang masilun~gan.

Datapoua,t, ¿Alin cayang bahagui nang América ang quinadoroonan niya?
¿Sa panatag cayang lupà, ó sa isang pulò? Ito ang hindi pa niya
natatalastas; datapoua,t, nacatanao siya nang isang bundoc na caniyang
linapitan, naquiquita niya sa man~ga daang caniyang linalacaran ay
ualang halaman na may bun~ga na sucat macain; at sa baua,t sandali ay
lalong nauululan ang caniyang capighatian.

Di mamagcanong pagod ang tiniis bago nacarating sa taluctoc nang
bundoc, na hindi naman totoong mataas, magmulà doo,y, napapagmasdan
ang maraming leguas sa palibotlibot. Naquita niya ang lalò pa niyang
iquinababalisa, na totoo n~gang siya,y, na sa isang pulò; sa pagca,t,
sa lahat nang naaabot nang caniyang tin~gin ay ualà siyang naquiquita
cundi dalaua ó tatlong pulò na lumilitao sa dagat, na ang layò ay may
ilang leguas. ¡Sa aba co! ang sigao niya,t, napataas ang man~ga camay
sa lan~git. ¿Diyata,t, mabubuhay acong nauaualay sa ibang man~ga tauo,
nacaisaisang ualang casamang sinoman, ualà nang pagasang macaalis pa
cailan man sa ilang na ito, ualang pagasang maquita co naman ang
man~ga nagpipighati cong magulang, at nang macahin~gi aco nang tauad
sa aquing casalanan? ¿Di co na caya muling maririn~gig ang
cauiliuiling voces nang isa cong catoto, nang isa cong capouà?
Datapoua,t, nararapat sa aquin ang capahamacang ito. ¡Cataastaasang
Dios! ang idinagdag niyang sabi, ang iyong man~ga caisipan ay
catouidtouiran; at dili dapat na aco,y, maghinanaquit; sa pagca,t, aco
rin ang nagibig na houag magcamit nang isang magandang capalaran.
Capagca uicà nito, ay nagticang tiisin at batahin ang man~ga
cahirapan, at humihin~ging auà sa Dios na big-yan siya nang catibayan
nang loob sa pagtitiis.

Nagmamacaauà naman sa maalindog at mapagcalarang Virgen na siya,y,
calin~gain sa iláng na yaon, na ualang sucat macasamang sinoman;
pinagtibay niya ang pag-asa sa Ina nang auà, na siyang lalong malacas
na taga pamamaguitan sa caniyang Anac: yayamang ang mapalad na Virgeng
ito ang pinacaibig niyang Ina at caramaydamay sa madlang cahirapan
nang siya,y, nabubuhay dito sa lupà. Nanauagan naman sa maloualhating
cay S. José at sa Arcan~gel S. Rafael na caniyang man~ga pintacasi.

Si Luisa. Totoong magaling ang guinauà ni Robinson sa pagsasacdal sa
Pan~ginoong Dios na siya lamang macapagbibigay sa caniya nang
caaliuan; sa pagca,t, sa iba,y, ualà siyang mapapaquinabang na anoman.

Ang ama. ¿At anong masasapit niya, cundi niya natatalastas na ang
Dios ay siyang Ama nang lahat nang man~ga tauo, na ualang hangan ang
cagalin~gan at mangyayaring lahat ang bala niyang ibiguin, at siya,y,
sumasalahat na? Ualang pagsalang di siya mamamatay sa tacot at
capighatian, cundi siya naturuan nang man~ga catotoohanang ito, na
siyang dapat nating paglag-yan nang boong pagasa.

Nang pagsaulan lacas si Robinson, ay ipinatuloy ang caniyang paglibot
sa bundoc; datapoua,t, sa gayong catagal ay ualang quinasapitan ang
caniyang pagpilit na macaquita nang isang tutulugan at
mapan~ganlun~gan. Sa catapusa,y, dumating sa isang mababang burol na
ang harapa,y, parang isang cutà, at nang caniyang pagmasdang magaling,
ay naquita niya na ualang laman ang loob, n~guni,t, hindi naman
totoong malalim, at ang pinapasucan ay may caquiputan. Cung siya,y,
may barreta, ay madali niyang mapalalalim ang lubac na yaon, na halos
ay batong lahat, at nang maguing tahanan niya; datapoua,t, ualà siya
nang man~ga casangcapang ito, at ang quinacailan~gan ay gumauà siya.

Sa catapusa,y, nang siya,y, macapagisipisip na ay nag-uicà siya nang
ganito sa sarili. Ang man~ga cahoy na naquiquita co rito ay
mangyayaring mabunot at maitanim na muli sa ibang lugar. Cung
mangyayaring mahucay co nang camay ang ilang maliliit na cahoy at
mailipat co sa harap nitong lubác, na sa macatouid ay nang maguing
parang bacod; at cung magsilalaqui ay mangyayari acong matulog sa loob
nitong naturang lubác nang boong capanatagan na para acong na sa isang
bahay; sa pagca,t, sa dacong licod ay aco,y, macacanlong sa man~ga
batóng parang cutà, sa harap ay gayon din naman, at sa magcabilang
taguiliran ay macucubcob aco nang itinanim cong bacod.

Naliligaya siyang lubhà sa pagcaquita nang caniyang tutulugan, at
pasisimulan na ang ninanasà niyang pagbabacod; datapoua,t, lalong
naululan ang caniyang caligayahan, sa pagca,t, may naquita siyang
isang batis na ang tubig ay toong malinao, na nalalapit sa lugar na
inaacalà niyang tutulugan. Dalidali siyang uminom nang tubig na yaon,
sa pagca,t, siya,y, totoo nang nauuhao sa malaquing capaguran nang
calalacad niya sa init nang arao.

Si Teodora. ¿Cung sa bagay ay totoong mainit sa pulóng yaon?

Ang ama. Sucat mo nang mapagcurocuró. Tingnan mo ang mapa, sa lugar
na ito nalalagay ang pulô nang man~ga Caribes, at isa sa man~ga pulóng
iyan tila siyang tinahanan ni Robinson. Malasin mo na ang man~ga
pulóng ito ay hindi nalalayò doon sa quinatatapatan at tinatamaan nang
matouid na sicat nang arao, at dahil dito,y, totoong catacottacot ang
init nang arao doon.

Pinasimulan na n~ga ang pagbunot nang man~ga cahoy, bagama,t, totoo
siyang nahihirapan, at camay lamang ang caniyang inahuhucay, at
malilipat niya sa inaacalà niyang tatahanan. Dito,y, quinacailan~gang
hucayin niya nang camay ang pagtataniman; at sa pagca,t,
quinacailan~gan nang mahahabang panahon sa pagtatanim na ito, sa pagca
n~ga,t, ualà siyang naitanim cundi lima ó anim na punong cahoy lamang
han~gan sa lumubog ang arao. Sa cagutuma,y, napilitan siyang nagbalic
sa tabi nang dagat sa paghanap nang ilang talaba; datapoua,t,
nagcataon naman sa paglaqui nang tubig, ay ualà siyang naquita, at
napilitan siyang natulog na di humahapon, at ang caniyang tinulugan ay
yaon ding cahoy na caniyang quinahulugan, hangan sa di mayari ang
inaacalà niyang tahanan. Diyan na n~ga siya natulog, at nang houag
siyang mahulog ay tinali ang caniyang catauan sa san~gang caniyang
hihiligan; at nang matapus nang maipagtagubilin niya ang caniyang
buhay sa Maycapal ay matahimic nang natulog.

Si Juan. Natuto siya sa pagtatali nang caniyang catauan sa san~gá.

Ang ama. Ang pagcacailan~gan ay ina nang mabuting caisipan; at cundi
dahil dito ay ilang bagay ang matututuhan natin. Caya n~ga nang
macapangyarihang Maycapal na ang lupà at tayo naman, habang tayo,y,
nagcacaroon nang sarisaring cailan~gan, ay binig-yan tayo nang
pagcucurò, at nang matacpan natin ang man~ga cailan~gang yaon sa
pamag-itan nang mabubuting paraan, at caya n~ga parang naguiguing
utang natin sa man~ga pagcacailan~gang ito ang ating pagcatuto at
casipagan; sa pagca,t, cung isusubo na lamang nating sa ating bibig
ang man~ga cacaning lutò na, cung ang man~ga bahay, cung ang man~ga
hihigan, man~ga cacanin, at ang lahat nang quinacailan~gan sa ating
icabubuhay ay lumabas sa lupang yari na; ay cung sa bagay ay ualá
tayong gagau-ing anoman cundi cumain, uminom at matulog, at hangan sa
camatayan ay ualà tayong namumuan~gan anoman na parang man~ga hayop.
Tingnan ninyo ang daquilang carunun~gan nang Dios, na ating namamasdan
sa lahat nang caniyang guinagauà na icalalagui nang sangsinucuban.

Datapoua,t, sucat na n~gayon, man~ga anac co, tayo,y, magpasial dito
sa cauiliuiling caparan~gan, at bucas ay tingnan natin cung ano ang
guinagauà ni Robinson.




=ICAAPAT NA HAPON.=


Ang ama. N~gayon, man~ga anac co, ¿saan natin iniuan cahapon si
Robinson?

Si Juan. Natutulog sa cahoy na para nang uac sa fábula.

Ang ama. Oo n~ga. Cung gayo,y, dapat mong maalaman na siya,y,
nacatulog nang matahimic sa gabing yaon, na di nahulog at di
naalimpun~gatan. Nang quinaumagaha,y, napatun~go pagdaca sa tabing
dagat sa paghanap nang man~ga talaba, at ang nasa,y, madaling
magbabalic siya at ipatutuloy ang caniyang pagbabacod; datapoua,t, sa
pagca,t, naiba siya nang daan, ay nagcapalad siyang nacaquita nang
isang cahoy, na may isang bun~gang totoong malaqui, na di pa niya
naquiquilala cung ano yaon. Ang laqui nang naturang bun~ga ay humiguit
cumulang sa ulo nang isang tauo, na cung alisin ang unang balat ay may
lumalabas na bunót; datapoua,t, ang loob ay totoong matigas na para
nang talucap nang pagóng, caya n~ga pagdaca,y, inacala ni Robinson na
magagauà niyang mangcoc. Ang pinacaubod ay malambot at masarap. Sa
nagugutom na para ni Robinson ay totoong masarap na pagcain ito;
datapoua,t, nang hindi magcasiya sa caniya ang iisa, ay pumitas pang
mulî at cumain nang isa pa; at sa malaquing ligaya,y, natulô ang luhà
dahil sa pagcaing caniyang napalaran, itinaas ang caniyang mata sa
lan~git, tandà nang caniyang pagpapasalamat.

Totoong malaqui ang cahoy na yaon; at humihilic nang bun~ga,
datapoua,t, ang casam-an lamang ay nacaisaisa sa lugar na yaon.

Si Teodora. ¿At anong bagay na cahoy yaon na dito sa atin ay ualà?

Ang ama. Yaon ay niyog, na ang caraniuan ay tumutubò sa India
Oriental, at totoong mararami rin naman sa man~ga pulô sa América.

Totoong naligaya si Robinson sa pagquita nito; datapoua,t, hindi
pinabayaan ang pagparoon sa tabing dagat, at tiningnan niya cung may
talaba. Nacaquita nang ilan; datapoua,t, hindi macasasapat na caniyang
canin; at caya n~ga totoong nagpasalamat sa Dios, sa pagca,t,
pinagcalooban siya sa arao na yaon nang ibang cacanin. Itinagò niya
ang man~ga talaba na talagang tatanghalian, at ipinatuloy ang caniyang
pagbabacod.

Siya,y, nacaquita sa tabi nang dagat nang isang malaquing talaba, na
nagamit niyang panghucay, at iquinadaling lubhà nang caniyang
pagbabacod. Nacaquita naman siya nang isang halaman na may maraming
totoong maliliit na baguing na parang abacá. Cung sa ibang panahon
niya naquita disin, ay pauaualang halaga; datapoua,t, sa pagca,t,
niyon ay ang lahat ay minamalas niya at sinisiyasat na magaling, pati
nang lalong caliitliitang bagay na sucat paquinaban~gan. Sa pagasa
niyang magagamit niya ang baguing na yaon, ay cumuha siya nang marami
at caniyang tinalian at ibinabad. Napagmasdan niya nang man~ga ilang
arao naquita niyang lumalambot sa tubig ang pinacabaloc; at ang
guinauà niya,y, inihalayhay sa arao. Sacá nang matuyo,y, caniyang
pinucpoc nang isang punong cahoy at lumabas ang tila abacá. Nang
siya,y, matumpac sa gauang ito, ay pinasimulan na ang paggauà nang
lubid na, baga ma,t, hindi totoong pilí sa pagca,t, ualà siyang
gantala; gayon ma,y, totoong matibay na sucat niyang maitali ang
caniyang talaba sa dulo nang capisang na cahoy; at caya n~ga nagcaroon
siya nang isang casangcapan sa paghucay. Ipinatuloy niya ang caniyang
pagbabacod hangan sa caniyang nasarhan ang boong palibot nang inaacalà
niyang tatahanan. Datapoua,t, sa pagca,t, ang isang hanay lamang nang
man~ga cahoy na yaon ay totoong mahinà, ay pinagpilitan niya, cahit
anong pagod, na magcaroon pa nang isang hanay na para nang nauna. Sacà
pinagtalitali ang man~ga san~ga nang dalauang hanay na bacod; at
naisipan pa niya na pataasin ang lupà sa pag-itan nang dalauang bacod;
dahil dito,y, totoong tumibay, na lubhang mahirap maibual.

Dinidilig niya sa umaga,t, hapon nang tubig sa malapit na batis ang
caniyang tanim, na guinauang pandilig ang cabaac na bauo. At di pa
nalalaong lubhà ay naquita niya nang malaquing touà na nanariuà at
umusbong na ang man~ga halaman na caligaligayang tingnan.

Nang mayari na ang caniyang bacod, ay guinugol ang boong maghapon sa
pagpili nang lubid na malaqui, na quinauà niyang hagdan na totoong
pinacaigui.

Si Enrique. ¿At an-hin baga niya ang hagdanan?

Ang ama. N~gayon mo maaalaman. Ang caniyang adhicâ ay houag magcaroon
nang pintuan ang caniyang tahanan, at babatbatin niya nang bacod ang
munting bucás na caniyang pinapasucan.

Si Enrique. Datapoua,t, ¿paanong gagauin niya ang pagpasoc at
paglabas?

Ang ama. Ito n~ga ang iguinauà niya nang isang hagdang lubid. Dapat
nating acalain na ang pinacaburól nang caniyang tinatahanan ay ang
taas may dalauang lampas tauo, at sa ibabao ay may isang punong cahoy.
Dito itinali ang caniyang hagdan; at pinalauit hangan sa loob nang ang
pagpanhic at pagpanaog; at nang maquitang lumabas na magaling, ay
caniyang linuan~gan ang lubac nang buról, nang maguing pinacasilid
niya. Caniyang pinagcurò na ang man~ga camay niya lamang ay hindi
maaari sa gauang ito; datapoua,t, ¿ano ang caniyang gagauin? Naguing
cailan~gan na pagpilitan niyang humanap nang isang casangcapan; dahil
dito,y, siya,y, naparoon sa isang lugar na caniyang quinaquitaan nang
maraming man~ga batong verde, na yao,y, totoong matitigas. Pumili
siya, at nacatagpò siya nang isa na totoo niyang iquinatouà, sa pagca
catulad nang palacol na may talim, at ang lalò pa,y, sa pagca,t, may
butas na pagsosootan nang tangcay. Namasdan niyang mangyayaring
gamitin niyang parang palacol, cung caniyang mapalaqui nang caunti ang
butas; at dahil dito,y, cumuha siya nang isang batong munti at mahabà
na siyang isinusulot niya at ipinagpapalaqui nang butas; sacá
sinulutan niya nang capisang na cahoy na matibay na naguing tangcay;
at caniyang tinalian na pinacahigpit niyong baguing na sinabi na
natin.

Pagcatapus ay caniyang tinicmang pinalacol ang isang munting cahoy, at
sa pagca,t, naquita niyang nabual ay natouà siyang di hamac. Sa
sanglibo mang piso,y, hindi niya maibibigay ang caniyang palacol dahil
sa malaquing capaquinaban~gang caniyang inaasahan.

Nacacuha siya sa man~ga bató nang dalaua pa, na maacalà niyang
paquiquinaban~gan at magagamit sa anomang gagauin. Ang isa ay
natutulad sa man~ga pamucol, at ang isa,y, maicli n~gunit,t, malaqui
at matulis sa dacong dulo na parang tanat. Capouà dinala ni Robinson
sa caniyang tahanan, na ang nasà niya,y, ipatuloy ang caniyang
guinagauà.

Nauastong totoo siya nang paggauà, na ang batóng tagadulo ay ibinabaon
niya sa lupà at pinupucpoc niya nang pamucol ay naaalis at nahuhucay
niya ang man~ga bató na nababaon doon; at sa ilang arao lamang ay
caniyang nalinis at napaluang yaong lubac na inaacalà niyang gau-ing
silid. Sacá siya humacot nang maraming damó at ibinilad niya sa arao.
Nang maquita niyang natuyò na ay ipinasoc sa caniyang lungâ at guinauà
niyang parang banig; at dito sa caniyang naisipang ito ay nacatulog
siya nang pahiga na parang tauo, at di para nang man~ga naunang gabi
na siya,y, natutulog sa man~ga san~ga nang cahoy na parang ibon.
¡Laquing caguinhauahan, ang mangyaring maihilig ang pagod na catauan
sa isang hihigang damó! ¡O cung matalastas, aniya, nang aquing man~ga
cababayan cung anong hirap ang umupong magdamag sa san~ga nang cahoy
gabigabi! ¡Gaanong pagpapahalaga ang gagau-in sa canilang capalaran na
nacacatulog nang matahimic sa malalambot na hihigan at ualang
pan~ganib na mahulog! Hindi pararaanin marahil ang isang arao na di
nagpapasalamat sa Pan~ginoong Dios dahil dito at sa man~ga iba pang
caguinhauahan nila.

Sa sumusunod na arao, sa pagca,t, lingong pan~gilin, ay guinugol niya
sa pananalan~gin, na habang oras siyang nacaluhod, at nacataas sa
lan~git ang caniyang luhaluhaang mata, at hinihin~gi niya sa Dios na
siya,y, patauarin sa caniyang man~ga camalian, at pagpalain at aliuin
ang caniyang cahabaghabag na man~ga magulang. Inuulitulit niya sa
Maycapal na macapangyarihan ang catunayan nang caniyang pagquilala sa
man~ga cahan~gahan~gang tulong na ipinagcaloob sa caniya sa gayong
calunoslunos na caguipitan, para nang pagcaualay niya sa lahat nang
tauo; at ipinan~gan~gaco niyang muli,t, muli ang pamimintuhong parang
masunuring anac.

Si Luisa. ¡Aba, at bungmubuti na si Robinson!

Ang ama. Natatalastas nang Dios na iya,y, magbabago nang asal, cung
macaranas siya nang man~ga cahirapan; at caya n~ga pinaticman sa
caniya. Tingnan mo n~ga ang inaasal sa atin nang Amang na sa lan~git;
hindi dahil sa cagalitan cundi dahil sa malaquing caauaan, caya
pinadadalhan tayo manaca naca nang man~ga cahirapan, na sa caniyang
maauaing camay ay mabibisang lunas, at natatalastas niyang
quinacailan~gan sa icagagaling nang man~ga saquit nang ating man~ga
caloloua. Natatacot si Robinson na macalimutan ang pagcasunodsunod
nang man~ga arao sa sanglingo, ay inisip na gumaua nang isang
calendario.

Si Juan. ¿Ano po? ¿isang calendario?

Ang ama. Oo, isang calendario, na bagama,t, hindi maipalimbag, at
hindi naman totoong mabuti para nang atin dito sa Europa; datapoua,t,
sucat icabilang nang man~ga arao.

Si Juan. ¿At paano ang guinauà?

Ang ama. Yamang ualang papel at iba pang cailan~gan sa pagsulat, at
pumili nang apat na punong cahoy na malilinis ang balat at hindi
nagcacalayolayo. Ang pinaca malaqui sa man~ga cahoy na ito ay
guinuguhitan touing hapon nang isang batóng matulis, tandang nacaraan
na ang arao. Pagdating nang icapitong guhit, ay natatalastas na
niyang natapus na ang isang lingo; at ang guinauà niya,y, guinuguhitan
naman nang isang guhit ang sumunod na cahoy, na ang cahuluga,y, isang
lingo. Itong icalauang cahoy ay capag naguhitan na ang macaapat, ay
guinuguhitan nang isa ang icatlong cahoy, na ang cahuluga,y, isang
bouan; at sa catapusa,y, capag naguhitan na nang labing dalaua ang
cahoy, na ito ay lumilipat sa icapat na cahoy na guinuguhitan nang
isa, na ang cahuluga,y, isang taon.

Si Enrique. Datapoua,t, hindi ang lahat nang buan ay nagcacapara nang
dalang arao: may bouang tatatlong puo, at may bóuang tatlong puo at
isa. ¿Paanong matatalastas ni Robinson at dalang arao nang baua,t,
isang bouan?

Ang ama. Binibilang sa man~ga daliri.

Si Juan. ¿Pagbilang sa man~ga daliri?

Ang ama. Gayon n~ga; at ituturo co sa inyo, cung ibig ninyong
matutuhan.

Ang Lahat. Oo n~ga pò.

Ang ama. Cung gayo,y, paquimatiagan ninyo aco. Iticom ninyo ang
caliuang camay, at hipuin ninyo nang isang daliri ang man~ga butó at
ang pag-itan lubac; at casabay ninyong sasabihin sa paghipo ang man~ga
n~galan nang man~ga bouan na sunodsunod. Ang bouang tumatama sa butó,
ay may tatlong puo,t, isang arao; at ang tumatama sa lubac ay tatlong
puo; liban na lamang ang Febrero, na cailan ma,y, di dumarating sa
tatlong puong arao, sa pagca,t, mayroon lamang dalauang puo at ualo,
at minsan sa touing icapat na taon ay dalauang puo,t, siyam na arao.

Pinasimulan na n~ga niya ang pagbilang sa butó nang daliring
hintuturò, na siyang lalong nalalapit sa hinlalaqui, at hinipò nang
isang daliri sa canan, casabay ang pagsasabi nang unang bouan nang
taon, ang Enero baga. Cung sa bagay ¿ilang arao ang dala nang Enero?

Si Juan. Tatlong puo at isa.

Ang ama. Ipatutuloy co ang pagbilang sa butó at sa lubac; at icao,
Juan, ay sasagot sa aquin cung ilan ang dalang arao nang baua,t,
bouan. Ipatuloy natin. Febrero ...

Si Juan. Ang Febrero,y, dapat magcaroon nang tatlong puong arao;
datapoua,t, uala cundi cung minsa,y, dalauang puo,t, ualo lamang, at
cung minsa,y, dalauang puo,t, siyam.

Ang ama. ¿Ang Marzo ilan ang dalang arao?

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. Ang Abril ...

Si Juan. Tatlong puo ...

Ang ama. Ang Mayo ...

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. Ang Junio ...

Si Juan. Tatlong puo.

Ang ama. Ang Julio ...

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. Ang Agosto ... (Pasisimulang muli ang pagbilang sa butó nang
hintuturò)

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. Ang Setiembre ...

Si Juan. Tatlong puo.

Ang ama. Ang Octubre ...

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. Ang Noviembre ...

Si Juan. Tatlong puo.

Ang ama. Ang Diciembre ...

Si Juan. Tatlong puo,t, isa.

Ang ama. ¿Naquita mo na, Enrique, na ualang pagcacamali ang ating
calendario? Nararapat matutuhan ang man~ga bagay na ito, na
manacânaca,y, totoong cailan~gan.

Si Juan. Hindi co na calilimutan.

Si Enrique. Aco man; at totoong natalastas cong lahat.

Ang ama. Sa paraang ito,y, napagin~gatan ni Robinson ang
pagcacasunodsunod nang arao, bouan at taon, at nang matalastas niya
ang arao nang lingo, at nang caniyang maipan~gilin, para nang ibang
man~ga cristiano.

Sa panahong yao,y, halos naubos na niya ang man~ga bun~ga nang niyog
nang nacaisa isang puno na caniyang naquita, at totoong dumadalang na
ang man~ga talabá sa tabing dagat na di macabusog sa canya sa touing
pagcain, dito na siya sinidlan nang catacutan na baca maualan siya
nang pagcain.

Magpahangan niyon ay hindi siya macapan~gahas na lumayong lubha sa
caniyang tahanan sa pagcatacot sa mababan~gis na hayop, at man~ga
tauong bundoc, na baca sacali,y, mayroon sa iláng na yaon; datapoua,t,
sa pagcacailan~gan nang pagcain, ay lumacad siya nang may calayuan,
nang macaquita n~ga nang ibang bagay na sucat macain. Pinasiya na n~ga
sa loob na maglibot sa icalauang arao sa pamag-itan nang tulong nang
Dios; at guinugol ang isang bahagui nang gabi sa paggaua nang payong.

Si Nicolás. ¿At sinong nagbigay sa caniya nang cayo at ballena sa
paggauà nang payong?

Ang ama. Ualang cayo, ualang ballena, ualang labasa, ualang gunting,
ualang carayom at ualang sinulid na guinamit siya; at gayon ma,y,
nayari niya ang payong. Gumaua siya nang isang parang balantoc na
baguing nang cahoy at caniyang pinaghalahalambatan na parang bilauo;
at sa guitna,y, pinasacan niya nang capisang na cahoy na pinagtibay
niya nang tali. Saca cumuha siya nang man~ga talucab nang niyog at
siya niyang itinaquip na pinagtalitali sa ibabao nang baguing, at ito
ang guinamit niyang payong.

Touing macayayari siya nang anomang bagay, ay nacararamdam siya nang
di malirip na caligayahan at caraniuang nasasalita niya sa sarili;
¡totoong pagcahan~galhan~gal co sa aquing cabataan, na sinasayang co
ang panahon sa ualang cabuluhang bagay! ¡Ó cung aco n~ga,y, na sa sa
Europa, at magcaroon aco sa camay nang man~ga casangcapan na doo,y,
murang mura! ¡Gaanong man~ga bagay ang aquing magagaua! ¡Laquing
pagcauili co sa paggaua nang sarili cong camay nang man~ga
casangcapang quinacailan~gan co!

Sa pagca,t, may caagahan pa ay naisipan niyang gumaua nang isang supot
na caniyang mapaglalag-yan nang caniyang masusumpun~gang pagcain, at
nang hindi siya mahirapan sa pagdadala. Pinagcurong sandali ang
paggauà nito, at sa catapusa,y, naisip niya ang mabuting paraan. Sa
man~ga baguing na caniyang binugbog, at naguing parang abacá na sinabi
co nang caniyang tinipon, ay guinauà niyang parang lambat, at ito,y,
siyang guinauang supot.

Si Teodora. Ibig co namang gumauà nang isang supot.

Si Nicolás. Aco naman, cung tayo,y, magcaroon nang abacá.

Si Luisa. Mabuti ang inaacalà ninyo, man~ga batà. Sa pagca,t, cung
cayo,y, mapadpad sa alin mang pulò na para ni Robinson na ualang
casamang sinoman, ay maaalaman na ninyo ang dapat gauin. ¿Dili pô baga
totoo?

Ang ama. Aco,y, natotouà na magpacasipag cayo nang ganiyan.
Datapoua,t, pabayaan nating macatulog si Robinson hangang bucas, at
samantala,y, titingnan co cung aco,y, matutumpac na gumauà nang isang
payong na casinggaling nang caniya.




=ICALIMANG HAPON.=


Nang magcatipon sa icalauang arao ang man~ga nagsasalitaan sa lugar na
canilang quinauiuilihan, ay naquita nilang dumating si Nicolás na
totoong natotouà at nagmamagaling, at may dalang isang
payongpayon~gan, na siyang pinagtac-han nang lahat. Ang guinauà niyang
balangcas ay ang salaan ó calong malaqui na hiniram niya sa cocinero,
at linag-yan niya nang tangcay.

Ang ina. ¡Totoong magaling, totoong magaling! camunti náng pagcamalán
cong icao ay si Robinson.

Si Juan. Aco sana nama,y, magpapaquita dito nang isang
payongpayon~gan, cung magcacaroon pa aco nang sandaling oras na sucat
icatapus nang paggauà.

Si Teodora. Ganito rin naman sana ang nangyari sa aquin.

Ang ama. Sucat na lamang ang pagcayari ni Nicolás, at nang
mapatotoohanan na tayo nama,y, mangyayaring macagauà niyan.
Datapoua,t, hindi totoong malaquing bagay, catoto, ang guinaua mo.

Si Nicolás. Hindi co naman dinala ito rito cundi sa pagcacailan~gan,
at sa pagca,t, hindi aco nacagauà sa sandaling panahon nang iba.

Ang ama. (_Quinuha niya sa licod nang bacod ang isang payongpayon~gang
guinaua niya, at itinanong niya._) ¿Ano caya? ¿anong tin~gin mo rito?

Si Nicolás. ¡Oh, iyan ang totoong mariquit!

Ang ama. Aquing iin~gatan ito hangang dumating sa catapusan nang
Historia, at ang matumpac na tumulad nang man~ga bagay na gagauin ni
Robinson, ay siya nating aariing Robinson dito, at ibibigay co sa
caniya ang bagay na ito.

Si Teodora. ¿At gagaua baga naman tayo nang isang lungang para niya?

Ang ama. ¿At baquit hindi?

Ang lahat. Cung gayo,y, magaling.

Ang ama. Madaling arao pa,y, nagban~gon na si Robinson at naghanda na
sa paglacad, isinabit sa liig ang caniyang supot, nagtali sa bayauang
na doon isinabit ang caniyang palacol, pinasan ang caniyang payong, at
minulan na ang caniyang paglacad nang boong casiglahan nang loob.

Ang unang guinauà ay nagdaan siya sa punò nang niyog niya at cumuha
nang dalauang buco, na isinilid niya sa caniyang supot, at bucod sa
baong ito, ay nagdaan pa sa tabi nang dagat at humanap nang ilang
talaba. Nang siya,y, macapagbaon na nitong dalauang pagcain at
macainom na nang malamig na tubig sa batis, ay minulan na ang caniyang
paglacad. Ang umaga ay mapayapa, at habang ang arao ay sumusun~gao sa
silan~ganan, na parang umaahon sa man~ga alon nang dagat, ay
nababanaagan nang masanghaya niyang sicat ang matataas na san~ga nang
cahoy; di mabilang na ibon, malalaqui,t, mumunti at sarisaring
balahibò, ay nan~gagaauitan na parang binabati nila at ipinagdiriuang
ang bagong paglabas nang arao. Totoong dalisay at cauiliuili ang
sandaigdigan, na parang bagong cagagaling sa camay nang Dios; at ang
man~ga halaman at man~ga bulaclac ay nagsasambulat nang canilang
caban~gohan.

Naramdaman ni Robinson na ang caniyang puso,y, napuspos nang
caligayahan at pagquilala sa auà nang Maycapal. Dito, aniya, dito at
sa lahat nang lugar ay ilinalathala ang capangyarihan nang Ama nang
sangmaliuanag; at naquisamò siya sa pagsasaliuan nang man~ga ibon na
caniyang inauit, itong dalit sa umaga:


  Daraquilang Dios, sa aqui,y, nagbigay
niring pagcatauo,t, boong cagalin~gan,
icao ang may ari at nacaaalam
nang cabuhayan co at nang camatayan.

  Ang arao na ito bagong nagcacalat
nang tanglao sa mundo nang masayang sinag
iniaalay co nang boong pagliyag
sa iyo, daraquilang Poong sacdal taas.

  Maamo mong mata ay iyong itunghay
sa baua,t, sandali sa aba cong lagay,
at iyang camay mong macapangyarihan
ay iligtas aco sa capanganiban.

  Sa lubhang matamis na aquing pagasa
sa caauaan mo, mapagpalang Ama,
ay di itutulot aco,y, magcasala
sa iyong calac-hang ualang macapara.

  Ang caguipitan co,y, iyong mamamalas,
caruc-haa,y, sacdal at salat na salat,
tangapin mo nauà ang pagod at puyat
nitong si Robinson alipin mong hamac.

  At tutularan co ang capayapaan
nang man~ga lingcod mong loob na hinusay;
inaasahan ca habang nabubuhay
maguing sa ligaya at capighatian.[2]

  Pagca,t, natatantô ang iyong parusa
ay hindi sa poot, cundi sa pagsinta;
ipinapalit mo ang sandaling dusa
sa hirap na ualang catapusa,t, hanga.


[Talababa 2: Dinagdagan pa nang ualong estrofa nang tumagalog]


  Ang tauong lagui nang inaalalayan
nang saganang touà at caligayahan
ay sampo nang Dios nacacalimutan
puso,y, nahihilig sa tanang quinapal.

  At dili miminsang ang nagugupiling
ay pinupucao mo nang dusa,t, hilahil,
nang houag magtuloy mabulid na tambing
sa dalitang ualang pagasang hihintin.

  Pasalamatan ca nang sangcatauohan,
pasalamatan ca nang sangdaigdigan,
Dios na iisa at ualang capantay,
puspos nang pagsinta sa hamac na capal.

  At icao, ó Virgen, na linarauanan
nang dilág ni Ester at pagtatangcacal
sa bayan nan Judio niyong dacong arao
ang abang palad co nama,y, alalayan.

  At icao, ó Santong lubhang daraquilà,
hinirang nang lan~git sa lalaquing madlà
na maguing Esposo niyong natimauà
at di tinamaan nang sa salang sumpá.

  Tunghayan nang iyong mahabaguing mata,
mapalad na Joséng Esposo ni Maria,
itong si Robinsong nacaisaisa
sa guitnâ nang iláng at madlang pan~gamba.

  Gayon din sa iyo, daquilang Arcángel,
lubhang mapagpalá pan~gala,y, Rafael:
iyong patnugutan sa madlang hilahil
itong nananaghoy na iyong alipin.


Si Teodora. ¡Ay! ama co, ¿ibig baga ninyong ibigay sa aquin iyang
man~ga tulang totoong mariquit, at nang aquing mabasa at macanta
touing umaga sa pagban~gon?

Ang ama. Oo.

Si Ramon. Capag natutuhan mo ang letra, ay ituturo co sa iyo ang tono,
at nang ating macanta.

Si Nicolás. Oo n~ga, pagaralan nating lahat.

Ang ama. Nagdadalang tacot pa si Robinson sa man~ga hayop sa bundoc at
sa man~ga tauong damó, ay pinagin~gatan niya ang pagdaan sa masusucal
na gubat, at ang hinahanap niyang lacaran ay ang malilinis na
caparan~gan, at nang maquita niyang madali ang ano mang bagay;
datapoua,t, ang man~ga lugar na yaon ay siyang lalong salat, na ualang
sucat maquitang pagcain, caya n~ga mahaba na ang caniyang nalalacad ay
ualang naquiquitang anomang bagay na sucat ma cabayad sa caniyang
capaguran.

Sa catapusa,y, nacatanao nang ilang man~ga halaman na inacala niyang
nararapat lapitan at siyasatin. Totoong nagcacalapitlapit na naguing
parang isang cagubatan, at namasdan niya na ang iba,y, may bulaclac na
mapulapula, ang iba,y, mapuputi, at ang iba,y, ualang bulaclac cundi
man~ga bun~gang mapupusiao na casinglaqui nang bayabas natin dito sa
Filipinas. Quinagat niya capagdaca ang isa; datapoua,t, naquilala
niyang di sucat macain, at totoong nagalit siya, na capagdaca,y,
binunot niya ang halaman, at ihahaguis na sana, ay siyang pagcaquita
niya sa man~ga ugat ay may nabibiting tila man~ga tugui na malaqui,t,
munti. Inacalà niyang iyon ang tunay na bun~ga nang halaman: tinicman
niya, at nang caniyang malasahang masaclap at matigas ay itinapon na
sanang lahat. Datapoua,t, sumilid sa caniyang pagiisip yaong
cahatulang, na di dapat nating acalain na ualang casaysayan ang ano
mang bagay, sa pagca,t, di natin naquita agad ang cagalin~gan nila.
Itinago na n~ga sa caniyang supot yaong man~ga bun~gang tila tugui, at
ipinatuloy na ang caniyang paglacad.

Si Juan. Natatalastas co na cung ano yaong man~ga tila tuguing yaon,
cung ano ang n~galan.

Ang ama. Tingnan natin cung ano ang isip mo.

Si Juan. Yaon po,y man~ga patatas, na gayon n~ga cung tumubò para nang
sinabi ninyo.

Ang ama. Sa catunaya,y, ang patatas, na cung sabihin nang iba ay
papas ay caraniuang tumutubò sa América, at sinasabing doon quinuha
nang isang inglés na ang pan~gala,y, si Francisco Drakne.

Si Teodora. Datapoua,t, malaquing han~gal yaong si Robinson, na hindi
nacaquiquilala nang man~ga patatas.

Ang ama. ¿At icao ay baquit mo naquiquilala?

Si Teodora. Sa pagca,t, aquing naquita at quinain cong madalas,
namamatay aco sa pagcain nang man~ga patatas na yaon.

Ang ama. Datapoua,t, si Robinson ay hindi nacacain at di nacaquita
marahil nang man~ga patatas.

Si Teodora. ¿Diyata po,t, hindi?

Ang ama. Hindi, sa pagca,t, ualà pang dumarating sa Alemania. Hindi pa
nagdaraan ang maraming taon nang tayo,y, magtanim dito, at nauna pang
nabuhay si Robinson.

Si Teodora. Cung gayo,y, patauarin ninyo aco, cung aco,y, nagcasala sa
caniya.

Ang ama. ¿Naquita mo na, Teodora, na totoong lihis sa catuiran ang
biglang pagpintas sa iba? Ang caunaunahang dapat nating gauing palagui
ay ang lumagay tayo sa lagay nila, at masdan natin cung sa gayong
calagayan ay macagagaua tayo nang higuit sa canila. Sabihin mo sa
aquin: cung cailan ma,y, hindi ca nacaquita nang patatas, na hindi mo
narinig na cung paano ang guinagauang paglulutò, ¿di caya matutulad ca
rin cay Robinson na di mo mapagquiquilala na yao,y, quinacain?

Si Teodora. Cung gayon pò ay hindi co na gagauing mulî.

Ang ama. Nagpatuloy si Robinson; datapoua,t, nagdarahandahan at tila
totoong may pinan~gin~gilagan, at houag di may cumaluscos ay natatacot
siya, pati sa man~ga cahoy na hinihipan nang han~gin, at pagdaca,y,
tinatangnan ang caniyang palacol na ipagtatangol cung baga,t,
cailan~gan. Datapoua,t, sa touîtouî na,y, palagui niyang
napagquiquilala na ualang cabuluhan ang caniyang quinatatacutan.

Sa catapusa,y, dumating sa isang bucal, na sa tabi niyao,y, inibig
niyang magpahin~galay nang tanghalì; at umupò siya sa piling nang
isang cahoy na totoong mayabong, at humahandà nang cumain, di
caguinsaguinsa,y, bigla siyang nacarinig nang isang cain~gayan sa
dacong malayò na iquinagulat niyang panibago. Tumin~gin siyang
quiniquilabutan sa magcabilabila at sandaling oras ay naquita niya ang
isang cauan....

Si Nicolás. ¿Nang man~ga tauong bundoc caya...?

Si Teodora. ¿Ó nang man~ga tigre at man~ga leon?

Ang ama. Capouà di cayo tumamà, yaon ay isang cauan nang man~ga hayop
sa bundoc na ang laqui ay para nang usa. ¿Ibig ninyong matalastas cung
anong man~ga hayop yaon?

Si Juan. Oo pô; sabihin ninyo sa amin.

Ang ama. Iyan ay ang tinatauag na llama, at ang canilang tinatahanan
ay ang América Meridional, na tinatauag na Perû, na nasasacop hangan
sa man~ga huling taon nang man~ga castilà. At tauag nila sa man~ga
hayop na yaon ay carnero ó tupa, sa Perû, baga ma,t, lalong natutulad
sa man~ga maliliit na camello. Bago napagsiyasat ni Varró at ni
Almagro yaong man~ga daquilang lugar na yaon, ay ang man~ga peruleros
na tumatahan doon ay nacapagpaamò na nang llama: na guinagamit nila na
parang man~ga calabao sa pagdadala nang ano mang bagay, at ang
canilang balahibo ay guinagauang cayo.

Si Juan. ¿Cung sa bagay, ay ang man~ga perulero ay hindi totoong
man~ga tauong damó na para nang ibang man~ga indio?

Ang ama. Oo n~ga; sila at ang man~ga americano na na sa América
setentrional ay totoong man~ga sivilisado, at may maliuanag na
pagiisip, ang tinatahanan nila,y, man~ga bahay na mabuti ang
pagcayari, at bucod dito,y, nacapagtayò sila nang man~ga simbahan at
man~ga daquilang palacio at ang namamahala sa canila ay man~ga
Gobernadores sa lugar nang man~ga hari.

Sa maquita n~ga ni Robinson yaong caramihan nang man~ga hayop, na
magmulà n~gayon ay tatauagin nating man~ga llama, ay nagcaroon siya
nang malaquing pagcaibig na macacain nang carne ó lamang cati, sa
pagca,t, matagal nang panahon na di siya nacacatiquim nito. At dahil
dito,y, nagtagò siya sa punò nang cahoy, na dala niya ang caniyang
palacol na bató, at sinucuban niya, na cung mayroong magdaraan doong
hayop ay caniyang papalaculin.

Gayon n~ga ang nangyari; sa pagca,t, lumalacad nang ualang bahalá ang
man~ga hayop na yaon na nahihirating lumalacad nang ualang
nacalilin~gatong sa canila, at napatutun~go sa bucal, at sila,y,
iinom, ay sa pagdaraan sa tabi nang cahoy na doon ay nagtatago si
Robinson, ang isang pinacamaliit na totoong napalapit sa caniya, ay
inabot niya nang palacol sa sandocsanducan na biglang namatay at
nahandusay sa caniyang man~ga paa.

Si Luisa. ¡Laquing catampalasanan ang guinaua niya sa caauaauang
hayop!

Ang ina. ¿At baquit hindi gagauin ito?

Si Luisa. Cung ualang guinagaua sa caniyang anomang masamâ ang hayop,
¿ay baquit niya pinatay?

Ang ina. Mangyari, ay quinacailan~gan niya ang laman at nang caniyang
macain. ¿At di mo natatalastas na tayo,y, pinahihintulutan nang Dios
na gamitin natin ang man~ga hayop, cung ating quinacailan~gan?

Ang ama. Ang pumatay nang hayop nang ualang cailan~gan, ang caniyang
pahirapan, ó gambalain naman, ay maliuanag na isang catampalasanan, at
sino mang may mabuting pusò ay dili gumagauà nito: datapoua,t, ang
paquinaban~gan natin ang isang hayop na ualang caloloua, at patayin
natin nang ating macain ang caniyang laman, ay ito,y, hindi
ipinagbabaual. At cung naaalaala mo pa ang ipinahayag co sa iyo niyong
isang arao, ay matatalastas mo na isang cagalin~gan pa sa man~ga hayop
cung sila,y, patayin natin.

Si Juan. Mangyari pò; sa pagca,t, cundi natin pinagcacailan~gan ang
man~ga hayop, ay hindi natin sila aalilain, at hindi bubuti ang
canilang lagay na para n~gayon. ¡Ilan ang mamatay gutom sa panahon
nang taglamig!

Si Enrique. At lalò pang magdaralità, cung di natin patayin ay
mamamatay sa saquit ó sa catandaan, sa pagca,t, sila,y, hindi
nacapagtutulun~gan na para nating man~ga tauo.

Ang ama. At bucod dito,y, houag nating acalain na ang pagpatay sa
man~ga hayop ay totoong nacapagbibigay sa canila nang totoong
malaquing cahirapan, para nang sapantahà natin. Hindi nila
natatalastas na sila,y, papatayin, ay sila,y, payapang payapà at
natotouâ hangan sa huling sandali; at ang casaquitang dinaramdam nila
cung sila,y, pinapatay natin ay hindi naglalaon.

Hangan sa mapatay ni Robinson ang isang hayop na llama, ay hindi
naisipan ang paglulutò nang caniyang laman.

Si Luisa. ¿Baquit di niya mailulutò?

Ang ama. Ibig n~ga niya; datapoua,t, ang casamaan ay salat na salat
siya sa lahat nang bagay; ualà siyang ihauan, ualà siyang palayoc, at
cauali man; at ang lalò pang masama,y, ualà siyang apuy.

Si Luisa. Cung ualà siyang apuy ay magpanin~gas siya.

Ang ama. Hindi mahirap, cung mayroon siyang isang binalol, isang bató
at lulog. At natatalastas mo nang ualà siyang ano man.

Si Juan. Natatalastas co ang dapat cong gauin.

Ang ama. ¿Ano?

Si Juan. Pinagpuyos co sana ang dalauang cauayang tuyò, para nang
guinagauà nang man~ga tauong bundoc; at sa historia nang man~ga
paglalayag ay binasa pô ninyo sa amin.

Ang ama. Ito rin ang naisipan ni Robinson. Pinasan sa balicat ang
hayop na yaon na caniyang pinatay, at nagbalic sa caniyang
tinatahanan.

Sa pagbalic niya ay nacaquita pa nang isang bagay na iquinatouâ niya
nang labis. Nacaquita siya nang pito ó ualong punò nang dayap, at
nalalaglag na ang ilang bun~gang hinog. Pinutol niya, at pagcatapus ay
nilag-yan niya nang tandâ ang lugar na yaon na quinalalag-yan nang
man~ga punò nang dayap, at nagmadaling omouî sa caniyang tahanan.

Ang unang guinauà nang siya,y, dumating doon ay inanitan niya yaong
hayop, at ang naguing casangcapan niyang sundang ay isang matalas na
batô; at saca ibinilad niya ang balat na inaacalà niyang balang arao
ay caniyang paquiquinaban~gan.

Si Juan. ¿At ano ang gagauin niya sa balat?

Ang ama. Maraming bagay: ang una,y, napupunit na ang caniyang sapin at
medias; at caya n~ga pinagcurò curò niya na cung sacaling di na niya
maisoot, ay ang balat nang hayop na caniyang napatay ay itatali na
lamang niya sa caniyang paa, at nang houag siyang totoong mahirapan sa
caniyang paglacad. Ang icalaua,y, totoong iquinatatacot niya ang
pagdating nang taglamig; at caya n~ga totoong iquinatotouâ niya ang
pagcacaroon nang capisang na balat na maitaquip niya sa catauan at
nang houag siyang mamatay sa lamig. Tunay n~ga na hindi na dapat
siyang maghandà nang ganito, sa pagca,t, sa man~ga lugar na yaon ay
hindi malabis ang lamig na para rito.

Si Teodora. ¿Sa bagay ay ualang taglamig?

Ang ama. Hindi, cailan man ay hindi nararanasan ang totoong calamigan
sa man~ga bayan ó lugar na maiinit na na sa calaguitnaan nang dalauang
trópico. Hindi pa nalalaong sinasabi co sa inyo. ¿Di baga ninyo
nalilimutan ang tauag sa man~ga lugar na ito?

Si Enrique. Tinatauag pong zona tórrida.

Ang ama. Gayon n~ga; datapoua,t, sa man~ga lugar na yaon naman ay
palagui ang ulan sa loob nang dalaua ó tatlong buan.

Ang ating Robinson ay hindi nacatatalastas nang ano man sa man~ga
bagay na ito, sa pagca,t, sa caniyang cabatáan ay ayao siyang magaral
nang ano man; na sa macatouid ay ang Historia, Geografia at ang lahat
ay quinacayamutan niya.

Si Juan. Datapoua,t, tila pò minsang nabasa namin na ang bundoc na
totoong matataas, na para nang Pico de Tenerife sa Canarias, at para
naman nang iba pa sa Perú, ay nacucubcob nang nieve ó namumuong tubig
sa boong taon. Quinacailan~gang doo,y, palagui ang taglamig, at gayon
man ay na sa calaguitnaan ang dalauang trópico.

Ang ama. May catouiran ca, Juan. Ang man~ga totoong matataas na lugar
at man~ga bundoc ay hindi nasasaclao nang regla, sa pagca,t, sa
canilang cataasan ay caraniuang mayroong nieve. ¿Natatandaan mo naman
ang sinabi co sa iyo noong isang arao tungcol sa man~ga lugar nang
India Oriental, niyong ating pinagmamasdan ang mapa?

Si Juan. ¡Aha! Oo n~ga pô ... Sa ibang man~ga lupà doon ay sa lumacad
ca lamang nang dalaua ó tatlong leguas; sa invierno ó calamigan, ay
lumilipat ca sa verano ó cainitan; para sa pulò nang Ceilan, na
nasasacop nang man~ga holandeses; at gayon naman sa ibang lupa na
tinatauag na ...

Ang ama. Tinatauag na Peninsula Citerior ó sa daco rito nang Ganges.
Dian, capag sa tabing dagat nang Malabar, sa isang bahagui nang man~ga
bundoc na tinatauag na Gates ay invierno, ay sa cabilang parte, sa
Costa nang Coromandel, ay verano, at cung verano sa cabila ay dito,y,
invierno. Ganito rin naman ang nangyayari sa isla de Ceram, isa sa
man~ga islas Molucas, na sa pagcalayong tatlong leguas ay nararanasan
ang taginit at taglamig.

Datapoua,t, ¿ilang leguas ang iquinalayò natin cay Robinson? Hindi
sucat pagtac-han na sa cabilisan nang ating pagiisip ay ualang
caliuagang macalipat tayo sa isang sandali sa ilan mang libong leguas.
Magmulà sa América ay lumucso tayo sa Asia, at n~gayo,y, biglang
naparito na naman tayo sa América sa pulò ni Robinson.

Bahagya na lamang napapacnit ang balat nang hayop na llama, at
nahahan~go ang man~ga lamang loob, ay hiniuà niya ang capirasong laman
tangcang iihao. Ang una niyang guinauà ay naghanda siya nang isang
iihauan, na bumunot siya nang isang punong cahoy na munti, inalisan na
niya nang balat, tinulisan niya ang dulo, at saca humanap nang
dalauang san~gang capua may salalac, na caniyang pagsasalalacan nang
caniyang duruan. Tinulisan naman niya ang dulo; at nang matapus na
niyang maibaon sa lupa na magcatapat; nang tinuhog na niya ang laman
nang hayop, at inilagay nasasalalac, ay totoong malaqui ang caniyang
caligayahan sa pagcaquita niyang lumabas na magaling ang caniyang
guinagauà.

Ang quinuculang lamang sa caniya ay ang lalong cailan~gan, ang apuy
baga; at dahil dito,y, inisip niya ang pagpupuyos, pumutol siya nang
dalauang san~gang tuyò, at pinasimulang ualang caliuagan ang
pagpupuyos nang boong pagpipilit, na sa capagura,y, naligò sa pauis,
gayon ma,y, hindi niya nasunod ang nasà, sa pagca,t, capag ang man~ga
cahoy ay nagiinit na,t, naguusoc, ay siya,y, totoong napapagod na, at
napipilitang itiguil na sandali ang pagpuyos; at sa pagca,t,
lumalamig ang puyusan sa caniyang pagpapahin~ga, ay hindi mangyaring
macacuha nang apuy at nasasayang lamang ang caniyang capaguran.

Dito napagquilala niya ang totoong casalatan nang tauong nacaisa isa,
at cung gaanong cagalin~gan ang quinacamtan natin sa paquiquisama sa
ibang man~ga tauo; sa pagca,t, napagcucurò na ninyo na cung may isa
siya sa caniyang siping na pagcapagod niya,y, halinhan siya, ay
marahil ay macacacuha sila nang apuy. Datapoua,t, dahil doon sa hindi
matiis niyang pagpapahin~ga ay nasasayang ang caniyang pagod.

Si Juan. Inaacalà cong ang man~ga tagabundoc ay nacacacuha nang apuy
sa pagpupuyos.

Ang ama. Tunay n~ga,t, nacacucuha nang apuy, n~guni,t, bucod sa
sila,y, malalacas sa atin, dahil sa tayo,y, hindi nararatihan sa
mabibigat na gagau-in, ay sila,y, bihasa pa. Pumipili sila nang
dalauang baac na cauayan; ang isa,y, malambot at ang isa,y, matigas;
ang matigas ay siyang ipinupuyos sa malambot hangang di magcaapuy ang
yamuang inilalagay nila sa ilalim.

¿Anong mapapaquinabang ni Robinson cung hindi siya marunong nang
paraang ito? Sa catapusa,y, inihaguis niya ang dalauang san~gang
caniyang pinupuyos; at nalulumbay na umupò sa caniyang pinacabanig na
damo, nan~galumbaba at humilig; at manacà naca,y, tinitingnan ang
masarap na laman nang hayop na masasayang, sa pagca,t, di maihao.
Naalaala niya ang pagdating nang taglamig, na nalalapit na; at
pinagcucurocurò niya na cung ano ang masasapit niya sa gayong ualà
siyang apuy, ay sinalacayan siya nang isang malaquing calumbayan, na
iquinapagban~gon niya at iquinapagpasial sa pagca,t, siya,y, totoong
nababalisa.

Sa pagca,t, naramdaman niya na parang hinahalò ang caniyang dugò sa
malaquing cabalisahan, ay isinaloc niya nang malamig na tubig sa batis
ang caniyang bauo, at pinigan niya nang catás nang dayap; na yao,y,
totoong mabuting inumin at lunas sa caniyang calagayan.

Totoong ninanasa niyang maihao ang capisang na laman nang hayop na
llama; n~guni,t, di n~ga mangyari. Datapoua,t, naalaala niya ang isang
salitâ na ang man~ga Tártaro, baga ma,t, tauong para natin, ay ang
guinagaua,y, ang laman nang hayop ay inilalagay sa ilalim nang siya
nang cabayo, saca sinasac-yan at saca sa capapatacbo ay lumalambot:
¿sinong nacaaalam, ang uicà sa caniyang sarili, cung mapalalambot co
naman ang laman nang hayop sa ibang paraan?

Capagcauicà nito,y, humanap nang dalauang batong malalapad na para
nang caniyang palacol at ipinaguitna ang laman nang hayop sa dalauang
bató, at pinasimulang pinucpoc sa ibabao. Nang lima ó anim na minuto
na sa caniyang capupucpoc ay nahalata niyang nagiinit ang bató. Dito
lalò niyang inululan ang capupucpoc at sa loob nang calahating oras ay
sa cainitan nang bató at sa capupucpoc ay lumambot ang laman nang
hayop, na inacalà niyang macacain na. Sucat nang maacalà cung ano ang
maguiguing lasa nang gayong linutò sa pucpoc lamang; datapoua,t, sa
cay Robinson, na mahaba nang panahong hindi nacacain nang lamang cati,
ay inaari na niyang isang masarap na pagcain yaon. ¡O cayo, aniyang
man~ga cababayan co, ang uica, na caraniua,y, pinagsasauaan ninyo ang
lalong masasarap na pagcain, sa pagca,t, hindi palaguing naaayon sa
inyong catacauan! Cung sinapit ninyo ang aquing calagayan na man~ga
ualong arao man lamang, ¡marahil ay icatotouà ninyo ang ipinagcacaloob
sa inyo nang Dios! ¡At hindi ninyo pauaualang halaga ang lalong
mabubuting pagcain, na parang cayo,y, nagpapalamarang lubhà sa auà
nang Pan~ginoong Dios na ang lahat ay binubusog!

Nang mangyaring magcaroon nang lasa ang caniyang ulam ay pinigan niya
nang catás nang dayap; at nagcaroon siya nang isang pagcain na hindi
niya natiticmang mahaba nang arao, dahil dito,y, di niya quinalimutan
ang pagpapasalamat sa Pan~ginoong Dios na may gauà nang lahat nang
cagalin~gan dahil dito sa tan~ging biyayà.

Nang matapus nang macacain, ay sumanguni siya sa caniyang sarili, cung
anong bagay ang cailan~gan niyang gauin, at nang mapasimulan niya
capagdaca. Ang pagcatacot niya sa taglamig, ay parang nagtuturò sa
caniya na gugulin niya ang ilang arao sa paghuli at pagpatay nang
maraming man~ga hayop na llama, at nang magcaroon siya nang maraming
balat. Inacalà na niyang marami siyang mahuhuli sa caunting pagod,
yayamang maaamò ang man~ga hayop na yaon. Nahiga na si Robinson na
ang ninanasa,y, ganito; at nabayaran niya nang isang mahimbing at
masarap na pagtulog ang man~ga capaguran sa arao na yaon.




=ICAANIM NA HAPON.=

_Ipinatuloy nang ama ang pagasasalitá nang nangyari cay Robinson._


Ang ama. Nacatulog si Robinson hangan sa matanghali na, at siya,y,
napagulat nang maguising at maquitang totoong tanghali na, nagmadaling
buman~gon, at ibig lumabas nang parang sa paghuli nang man~ga hayop na
llama. Datapoua,t, nahantong ang caniyang nasà; sa pagca,t, bahaguia
na lamang casusun~gao ang caniyang ulo sa pintô nang caniyang yun~gib,
ay caracaraca,y, iniuglot.

Si Luisa. ¿At baquit gayon?

Ang ama. Sa pagca,t, humahagunot ang ulan, at totoong malalaqui ang
patac na ang sinoma,y, di nacaiisip na umalis. Pinasiya niya sa loob
na hintin munang tumilà ang ulan; datapoua,t, malayong tumiguil; sa
pagca,t, habang lumalaon ay lalong tila ibinubuhos. Itong malacas na
ulan ay may casamang totoong madalas na quidlat, na ang yun~gib ni
Robinson, baga ma,t, totoong madilim ay tila nagaalab; at ang man~ga
quidlat na yaon ay sinusundan nang totoong malacas na culog, na hindi
niya naririn~gig cailan man. Nayayanig ang lupa sa caquilaquilabot na
pagputoc nang man~ga culog, at tila inuulit nang alin~gaon~gao sa
mundo na totoong inihahaba nang ugong. Sa pagca,t, si Robinson ay
ualang turò at pinagaralan, ay totoong malaqui ang caniyang tacot.

Si Teodora. ¿Natatacot baga sa man~ga quidlat at sa man~ga culog?

Ang ama. Oo; at totoo siyang quiniquilabutan, na hindi niya maalaman
na cung saan siya magtatagò.

Si Teodora. ¿At baquit siya totoong natatacot?

Ang ama. Ito,y, caraniuan, sa pagca,t, ang apuy na nangagaling sa
culog ay pinanggagalin~gan nang pagcacasunog at manacanaca,y,
nacamamatay.

Si Juan. Oo n~ga, datapoua,t, ang man~ga sacunang iyan ay bihirang
nangyayari.

Ang ama. Mulâ nang aco,y, maguing tauo ay ualà pa acong naririn~gig na
namamatay sa culog[3]; at ang man~ga sinasalitang nangyari na man~ga
sacunà ay totoong bibihirâ. At caya n~ga bihirangbihirang matalà sa
man~ga periodico, tulad sa pagbabalità na may isang tauong, umabot na
mahiguit sa sandaang taon; isang maliuanag na catotohanan na
manacanacang mangyari lamang ang man~ga sacunang ito. Tungcol dito sa
man~ga culog ay mayroon ding capan~ganiban; datapoua,t, totoong malayò
na di sucat maitulad sa man~ga capan~ganiban nang pagcahulog, sa
man~ga biglang saquit, sa man~ga pagcacasunog at sa iba pang sucat na
mangyari na masasapit natin sa baua,t, sandalî, at hindi man lamang
natin iquinatatacot nang calahati nang pagcatacot ni Robinson, cung
ito na lamang ang icamamatay natin nang bigla ay may malaquing
cadahilanan na catacutan nating totoo; datapoua,t, ang ating buhay ay
totoong marupoc, at sa loob at labas nang ating catauan ay mayroong di
mabilang na bagay na iquinapaguiguing sanhi nang isang biglang
camatayan, na cung catatacutan nating lahat para nang malabis na
pagcatacot nang iba sa culog, ay hindi tayo macalalacad nang isang
hacbang at di tayo macagagalao munti man na di magcacaroon tayo nang
isang guniguning ualang casaysayan. Ang pagsacay sa cabayo, ang
paglulan sa isang carruage, ang pagdaraan sa isang matuling ilog, ang
paglalayag, ang pagpanhic at pagpanaog sa isang hagdan, ang pagiiuan
nang ilao sa isang silid, ay man~ga bagay na guinagauà natin nang
ualang munting catacutan, gayon man ay dapat siglan tayo nang tacot
dito sa man~ga capan~ganibang totoong madalas mangyari, higuit sa
tacot; na dapat taglayin sa man~ga sacunà na nangagaling sa culog. At
tunay n~ga itong culog ay may casamang ugong na nacagugulat, at sa
pagquidlat ay biglang nagliliuanag; at caya n~ga inaacalà co na ang
man~ga di nagdidilidili, ay pinapasucan nang isang di quinucusang
tacot, na hindi caraniuang taglayin sa lalong malalaquing
capan~ganiban.

[Talababa 3: Sa Europa ay bihira n~ga ang namamatay sa culog;
datapoua,t, hindi gayon dito sa sancapuluan na sa taon taon ay hindi
nauaualan nang nababalitang namatay sa culog.]

Si Balisio. Sinabi na ninyo sa amin na ang man~ga masasamang panahon,
ang man~ga culog at quidlat ay may malaquing cagalin~gan sa lupà, sa
pagca,t, nalilinis ang han~gin nang man~ga masasamang sin~gao na
sucat ipagcasaquit nang man~ga tauo, nacagagaling naman sa paglagò
nang man~ga halaman, at nacapagbabauas sa totoong malaquing cainitan.
Bucod dito,y, naquiquita natin ang isang cahan~gahan~gang bagay sa
naturaleza, na ipinaquiquita nang Maycapal, nang tayo,y, magcaroon
nang galang at pangguiguilalas sa caniya.

Si Luisa. ¡Totoong mariquit pong bagay ang sinabi ni Basilio! ¿ibig pô
baga ninyong aco,y, dalhin sa buquid cung sumasamà ang panahon, nang
maquita co iyang lahat na sinabi ni Basilio? At hindi aco magdadala
nang tacot.

Ang Ama. Susundin co ang iyong nasà.--Si Robinson, yamang talastas na
ninyo, na nagpaualang halaga sa lahat nang sucat matutuhan sa caniyang
cabataan, at caya n~ga di niya natatalastas na ang man~ga sigua at
masasamang panahon ay man~ga biyayà nang Dios, at baga ma,t,
naguiguing sanhî nang alin mang casacunaan (na naaayon sa mataas na
adhicà nang caniyang carunun~gan) ay pinanggagalin~gan nang malaquing
cagalin~gan, para nang sinalità ni Basilio na nacalilinis nang
han~gin, na totoong nacagagaling sa man~ga tauo, sa man~ga hayop at sa
man~ga halaman. Habang nacaupò si Robinson sa isang suloc nang
caniyang yun~gib, at totoong quiniquilabutan, ay totoong naglalauà ang
tubig, nagninin~gas ang man~ga quidlat, umuugong na ualang licat ang
man~ga culog; at malapit nang tanghaling tapat ay di pa naglulubag ang
casamaan nang panahon.

Hindi siya nacacaramdam nang gutom dahil sa pagcatacot; datapoua,t,
naghihinagpis ang caniyang loob sa man~ga calumbaylumbay na guniguni
niya. Dumating na ang oras, aniya, na ibig nang Dios na aquing
pagbayaran ang man~ga guinauà cong casalanan. Nacaamba na ang caniyang
camay sa aquin; mamamatay aco,y, hindi co maquiquita ang man~ga
caauaauà cong magulang.

Si Ramon. Tungcol diya,y, di aco umaayon sa catoto nating si Robinson.

Si Nicolás. ¿Baquit?

Si Ramon. ¿Di caya pinagcalooban na siya nang Dios nang di mamagcanong
biyayà, at nang caniyang maquilala, na yaong totoong mabuting Ama ay
di nagpapabaya sa umaasa sa caniya sa boong pusò, at tunay na
nagpipilit na magbagong asal? ¿Di caya siya iniligtas sa pagcalunod sa
isang capan~ganibang sucat icalagot nang buhay? ¿Di caya siya
tinutunghan, at nang houag siyang mamatay sa gutom? ¡At gayon ma,y,
totoong nagpapacahinang loob! ¡Ito,y, hindi mabuting gauà!

Ang Ina. Gayon din ang acalà co, Ramon, datapoua,t, caauaan natin ang
binatang ito. Di pa nalalaong siya,y, nagmumulimuli, at caya n~ga di
pa sucat masulong na totoo sa landas nang mabuting asal, na para nang
ibang mulà sa cabataan ay tinuruan na.

Ang Ama. Mabuti ang sabi mo, at pinasasalamatan quita, sa pagca,t,
quinaaauaan mo ang aquing Robinson. Untiunting lalong naiibigan co
siya, sa pagca,t, naquiquita cong nagbabago na nang asal. Samantalang
siya,y, sinasalacay nang catacutan at cabalisahan, ay tila naglulubag
ang samâ nang panahon. Habang humihinà ang culog at nagbabauas ang
ulan, ay sumisibol na muli sa pusò ni Robinson ang pagasa. Inacalà
niyang maipatutuloy ang caniyang paglacad; at nang quinuha na ang
caniyang supot at ang caniyang palacol ay bigla siyang nagulantay at
napasubasob sa lupà.

Si Juan. ¿Ano pô ang nangyari sa caniya?

Ang Ama. Bigla niyang narin~gig sa ibabao nang caniyang ulo ang isang
caquilaquilabot na culog, nan~ginig ang lupà, at si Robinson ay
nanigas na parang bangcay. Sa pagca,t, pumutoc ang isang culog sa
cahoy na nasa ibabao nang yun~gib, at sa pagcabali ay lumagapac nang
malacas, na ang acalà ni Robinson ay siya,y, tinamaan. Malaong oras na
di siya pinagsaulan nang loob; datapoua,t, nang caniyang matalastas na
di siya naaano ay nagban~gon; at ang una niyang naquita sa malapit sa
pintò nang caniyang yun~gib ay isang malaquing cahoy na ibinual nang
culog. Isang bagong caralitaan ni Robinson. Sa pagca,t, ¿saan isasabit
ang caniyang hagdan, cung nabual na boô ang cahoy, para nang inaacalà
niya?

Nang caniyang maramdaman na tumilà na ang ulan, at ualà na siyang
naririn~gig na culog, ay nan~gahas na lumabas. Datapoua,t, ¿ano caya
ang caniyang naquita? Isang bagay na biglang iquinapagpasalamat sa
Dios, iquinapuspos niya nang pagibig, at iquinahiya niya dahil sa
caculan~gan nang caniyang pagasa. Sa macatouid ay ang san~ga nang
cahoy na tinamaan nang culog ay nagnini~gas, na dahil dito,y, ualà sa
caniyang gunitâ ay nagcaroon siya nang lalò niyang quinacailan~gan;
cung sa bagay ay nang iniisip niyang siya,y, na sa sa lalong
malaquing casacunaan, ay hindi gayon, cundi lalong inaampon siya nang
Dios nang isang tan~ging biyayà.

Puspos nang di malirip na pagquilala at catouaan na iquinaiiyac niya,
ay nagpasalamat siya nang boong pagibig sa mapagpalang Ama nang man~ga
tauo, na cahit nagpapahintulot na mangyari ang man~ga caquilaquilabot
na bagay, ay dili ang hindi gumagauà siya nang puspos na carunun~gan
at catuiran. ¡Oh! ¿gasino ang tauo, aniya, hamac na ood sa lupà, at
gaano ang caniyang naaalaman, at man~gan~gahas lumaban sa man~ga
ipinagtatalaga nang Dios na di sucat malirip nang sinoman?

Magmulà na niyaon ay nagcaroon siya nang apuy, na di niya
pinaghihirapan ang pagpapanin~gas; magmulà na niyaon ay di niya
pinaghirapan ang pagiin~gat; nabuhay na siyang di lubhang nasisindac
at naliligalig tungcol sa paghanap nang cacanin sa pulóng yaon.

Inaliban niya ang paghuli nang man~ga hayop na llama, na siyang
pinacausá cung baga dito sa Filipinas, at ang caniyang pinan~gasiuaan
lamang muna ay ang pagiin~gat nang caniyang apuy at ang paglulutò
nang hayop na yaon, na magmulà sa unang arao ay iniuan niya sa ihauan.

Sa pagca,t, ang apuy ay hindi umabot sa dacong ibaba nang san~ga, na
quinabibitinan nang caniyang hagdang lubid, ay mangyayaring siya,y,
macasampa nang ualang pan~ganib. Ganito n~ga ang caniyang guinauà;
cumuha siya nang isang san~gang nagninin~gas, saca nanaog siya sa
harapan nang pinapasucan sa caniyang tahanan at nagsigâ siya sa
calapit nang laman nang hayop at muli siyang umaquiat nang ualang
caliuagan at pinatay niya ang apuy na nagaalab sa cahoy, at caracaraca
nama,y, namatay.

N~gayo,y, si Robinson ay naguing cosinero na, at hinahaguisan nang
yaguit ang caniyang sigâ nang houag mamatay, at nagpapalibidlibid sa
caniyang ihauan. Totoo siyang nauiuili sa panonood nang apuy; at
inaari niyang isang mahalagang biyayà nang Dios na ipinagcaloob sa
caniya, hindi lumilicat nang pagdidilidili nang daquilang
capaquinaban~gan na quinacamtan nang tauo sa apuy.

Si Ramon. Tunay n~ga at ang apuy ay isang larauan nang cadiosan;
siyang pinacamahal sa man~ga elemento.

Ang ama. Caya n~ga sa man~ga bulag na gentil ó di binyagan ay isang
caraniuang caugalian ang pagsamba at paggalang sa caniya. Sa Roma ay
laguing iniin~gatan ang apuy sa templo nang diosa Vesta, sa Atenas ay
sa templo ni Minerva, sa Delfos ay sa templo ni Apolo; at nabasa mo na
cung paano ang guinagauang paggalang sa caniya sa Persia.

Si Ramon. Oo n~ga, datapoua,t, tayo na, sa auà nang Dios, ay
naliliuanagan nang tunay na aral, ay natatalastas natin na ang apuy ay
hindi dios, cundi isang biyayà nang Dios, na para naman nang tubig,
nang lupà at nang han~gin, na nilic-hà at nang paquinaban~gan natin.

Ang ama. Sa pagcain nang nacaraang arao, niyong sinasalità co sa inyo,
na ang iquinabusog ni Robinson ay ang laman nang hayop na llama na
pinalambot sa capucpoc ay hindi niya inalumana ang caualan nang asin,
at inaasahan niya na sa calaunan nang panahon marahil ay matatagpuan
niya doon sa pulò; datapoua,t, n~gayon ay iquinatouà na niya ang
pagparoon sa tabi nang dagat, at sumaloc siya nang isang bauo nang
tubig na maalat, at siya niyang ibinasà sa laman nang hayop na llama,
sa pagca,t, ualà siyang ibang asin.

Nang inaacalà niyang lutò na ay gaano caya ang caniyang catouaan sa
unang pagputol at pagsubò nang caniyang ulam, ualang sucat matalastas
cundi ang para niyang hindi nacatiquim na apat na lingo nang anomang
pagcaing inalulutò sa apuy, at inaacalà niyang ualà siyang sucat
asahan na macacain pa nang gayong pagcain.

Ang malaquing bagay na dapat matalastas n~gayon, ay cung paanong sucat
niyang gau-in, at nang houag mamatay ang apuy.

Si Teodora. Iyan ay lubhang madali. ¿Mayroon pa cayang sucat gau-in
para nang touî na,y, lag-yan nang cahoy?

Ang ama. Totoo n~ga; ¿datapoua,t, sa gabi at cung habang siya,y,
natutulog ay biglang bumacsac ang malacas na ulan, ay anong magagauà
natin?

Si Luisa. Talastasin pô ninyo ang aquing sinasabi. Ang guinauà co
sana,y, ang sigà ay pinanailalim co sa loob nang yun~gib, na houag
macapasoc ang tubig.

Ang ama. Hindi masamang caisipan iyan; datapoua,t, ang cahirapan ay
ang yun~gib na yaon ay totoong mahigpit na bahaguia na niya matulugan.
At saca ualang butas na lalabasan nang usoc, na di niya icahihin~ga.

Si Luisa. ¡Ay! tunay n~ga. Sa caguipitang iyan ay hindi co siya
maaalis.

Si Juan. ¡Tingnang ninyo ang cahirapang ito! ¡diyata,t, sa touitouî na
ay siya,y, na sa isang caguipitan! di mamacailang inaacalà natin na
ang caauaauang si Robinson ay nacaalis na sa cahirapan; datapoua,t,
hindi ... Caguinsaguinsa,y, magcacaroon nang isang bagay na
macapagpipighati sa caniya.

Ang ama. Diyan mo maquiquita ang laquing cahirapan sa isang tauo na
matacpan niyang magisa ang lahat nang cailan~gan, at cung gaanong
capaquinaban~gan ang ibinibigay sa atin nang paquiquisama. Oo, man~ga
anac co; tayong lahat ay totoong cahabaghabag, cung ang baua,t, isa sa
atin ay mabuhay nang nagiisa, at ualang tulong na maaasahan sa ibang
capouà tauo. Ang sanglibong camay ay hindi macagagauà at
macapaghahandà nang quinacailan~gan nang baua,t, isa sa arao arao.

Si Juan. ¿Ano pang uica ninyo? ¿Sanglibong camay ay di macagagauà nang
quinacailan~gan nang baua,t, isa sa arao arao?

Ang ama. ¿Hindi ca naniniualà, Juan? tingnan natin ang quinailan~gan
mo n~gayong arao na ito. Unauna,y, natulog ca hangang sa lumabas ang
arao; at sa isang hihigang magaling; ¿dili caya gayon?

Si Juan. Sa isang colchon at sa isang cumot at sa isang unan.

Ang ama. Ang colchon na lamang ang ating sabihin. Ito,y,
quinasusulutan nang lana ó balahibo nang tupa, na ang unang una,y,
naguing cailan~gan ang pagaalilà nang tupa, at ang isa,y, pumutol nang
caniyang balahibo; ang isa,y, naglaba; ang isa,y, tumimbang at
nagbili; ang isa,y, naghatid sa bahay nang lanero; at muling
ipinagbili nito sa colchonero, na nang mangyaring maguing colchon, ay
inihanay sa isang balotan nang liensong may guhit na tinatauag na
terliz. ¿At saan nangaling ang terliz?

Si Juan. Guinauà nang manghahabi.

Ang ama. ¿At anong naguing cailan~gan paghabi?

Si Juan. Ang sinulid, at isang habihan, at iba,t, iba pa.

Ang ama. Sucat na. At sa paggauà nang habihan at lahat nang man~ga
casangcapan, ¿ilang camay ang naguing cailan~gan--Saca ang manghahabi
ay hindi macahahabi cung ualang hinahabi; datapoua,t, ¿saan nila
quinuha?

Si Juan. Sa man~ga hilandera ó lumulubid nang hinahabi.

Ang ama. ¿At natatalastas mo cung ilang camay ang pinagdadaanan nang
lino bago mahabi, na pasisimulan sa pagtatanim nang linasa ó
cañamones?

Si Juan. Magdaraan sa apat ó limang camay.

Ang ama. Hindi lamang sa apat ó lima cundi sa dalauang puong camay.
Datapoua,t, sabihin mo sa aquin: ¿ang carayom na ipinanahi sa colchon,
ay hindi baga patalim? at ang patalim ¿ay hindi baga quinucuha sa
mina? At magmulà nang macuha sa mina han~gan sa maguing carayom,
¿ilang tauo ang naguing cailan~gan? ¿Ilang man~ga casangcapan at
man~ga máquina ang naguing cailan~gan sa paggauà nang carayom? ¿At
ilang man~ga tauo ang naguing cailan~gan sa pagtatayò nang maquina?...

Si Juan. ¿Saan pô tayo hahanga?

Ang ama. N~gayo,y, pagpisanpisanin mo at pagbilangbilan~gin ang
guinugol na paggauà sa pagtatanim nang cañamo ó lino, at ang man~ga
ararong quinailan~gan nang magsasacá bago naitanim; ang sarisaring
paggauà na quinacailan~gan sa paghabi; ang man~ga naguing cailan~gan
sa paglilinis nang lana, at sa paggauà nang carayom, tila ualang
cabuluhang bagay; at saca n~gayo,y, sabihin mo sa aquin, cung natantò
mo na na sa paggauà nang isang hihigan na tutulugan niyang mahinusay
ay naguing cailan~gan ang sanglibong camay.

Si Teodora. Tingnan n~ga pô ninyo na di macasasapat ang sanglibong
camay sa quinacailan~gan natin sa arao arao.

Ang ama. Saca pagcurocuroin mo ang man~ga ibang bagay na
quinacailan~gan mo sa arao arao; bago mo sabihin sa aquin, cung sucat
mong pagtachan na si Robinson ay palagui nang na sa isang malaquing
caguipitan, yayamang ualang ibang camay na macatulong sa caniya, at
niyong nagcacailan~gan na dito,y, iquinatatapus niyang madali nang
anomang gagau-in.

Ang totoo niyang iquinaliligalig, ay ang paghanap nang paraan na
magcaroong mulî nang apuy cung sacali,t, mamatay ang caniyang sigâ.
Cung minsan ay quinacamot ang ulo sa pagpipilit nang pagcucurò nang
mabuting paraan; cung minsa,y, biglang ilacpac ang camay sa pagcapagod
nang caiisip; cung minsa,y, nagpapasial, na di maalaman cung ano ang
caniyang gagau-in. Datapoua,t, sa catapusa,y, nailin~gap lamang niya
ang caniyang mata sa man~ga batong nacaliliquid sa isang munting burol
ay naisipan na niya ang caniyang gagau-in.

Si Enrique. ¿At ano caya yaon?

Ang ama. May isang batong malaqui na ang taas ay mahiguit na isang
vara sa lupà.

Si Cárlos. ¿Gaano caya ang laqui?

Ang ama. Inaacalà cong may dalauang vara ang habà, isang vara ang
luang at gayon din ang capal.

Baga ma,t, umulan nang malacas, ay tuyô rin ang ilalim nang batong
yaon, na parang mayroong bubun~gan sa ibabao. Saca naquita ni Robinson
na sa ilalim nang batong yaon ay macagagauà nang isang tahanan na
totoong nababacuran; at napagmasdan pa na madaling macagauà doon nang
isang cosina na may lalabasan nang usoc. Pinasiya n~ga sa loob na
caniyang pasimulan agad. Sa ilalim nang bató ay hinucay niya nang
caniyang asarol ang lupà na mahiguit sa isang vara, at inaacalà niyang
sarhan ang dalauang panig hangan sa umabot sa bató sa itaas.

Si Teodora. ¿At paanong gagau-in niya sa pagsasara sa dalauang panig?

Ang ama. Siya,y, nahirati nang pagmalasin ang lahat nang bagay na
caniyang naquiquita, at itinatanong niya sa caniyang sarili: ¿ano caya
ang cagagamitan co nito? caya n~ga di niya inalintana ang pagcaquita
nang isang lupang malagquit na caniyang napagmasdan sa isang lugar
nang pulô; at magmulà niyao,y, sinabi niya sa caniyang sarili: ¿sinong
nacatatalastas, cung maaalaman co ang paggauà sa lupang ito nang
ladrillo at nang macapagban~gon aco nang isang pader ó isang dingding?
napagisip niya ang bagay na ito; at nang caniyang mahucay na ang lahat
nang lupà sa caniyang cusina, ay dinampot niya ang caniyang asarol,
quinuha niya ang caniyang sundang na bató, at siya,y, lumipat sa
quinalalaguian nang lupang malagquit, ticang ipatutuloy ang bago
niyang guinagauà.

Sa calacasan nang ulan ay lumambot ang putic na hindi niya
pinaghirapan ang paggauà sa lupang yaon na maguing parang ladrillo, at
pagcatapus ay maputol niyang magcaparapara. Nang caniyang magauà sa
sandaling oras ang man~ga ladrillong ito, ay inihanay niya sa isang
lugar na tatamaan nang arao sa maghapon, at inaliban niya sa icalauang
arao ang pagpapatuloy nang caniyang guinagauà, nagbalic siya sa
caniyang tinatahanan, ticang cacanin niya ang natira niyang inihao, sa
pagca,t, sa caniyang casipagan ay nagdamdam siya nang cagutuman. Nang
mangyaring siya,y, macacaing magaling sa arao na yaon, ay dinagdagan
niya ang caniyang pagcain nang laman nang niyog na caniyang natira, at
dahil dito,y, totoong sumarap ang caniyang pagcain.

¡Ah! ang sigao ni Robinson na nagbubuntong hinin~ga sa caibuturan nang
pusò, sa caligayahan at calumbayan. ¡Ah, laquing capalaran co, aniya,
n~gayon, cung aco,y, magcaroon nang isa man lamang caibigan, cahit
isang tauong lalong maralità sa lahat nang salantâ na sumama sa aquin;
isang may pagiisip, na mapagsabihan cong siya,y, aquing iniibig, at
masabi naman niyang aco,y, iniibig niya! ¡Ó magcamayroon man lamang
aco nang isang hayop sa bahay, isang aso, ó isang pusà, na aquing
magauan nang magaling, at umamò at maman~ginoon sa aquin! Dito na
tumulò ang caniyang luhà, sa pagala-ala nang panahon na sucat niyang
macamtan ang cauilíuiling paquíquísama sa caniyang man~ga capatid at
caibigan, na caniyang quinaauay. ¡Ay! ang sigao niya, sa malaquing
capighatian nang pagcaalaala niya nang bagay na ito: ¡hindi co aniya
napagaalaman noon ang cahalagahan nang isang caibigan! ¡Totoong
mahirap pala ang ualà tayong caulayao, cung ninanasa nating mabuhay
nang maligaya! Cung n~gayo,y, mangyayaring aco,y, magsaulì sa batà,
¡gaanong cagandahan nang loob ang ipaquiquita co sa aquing man~ga
capatid at man~ga capouà batà! ¡Gaanong pagtitiis co sa mumunti nilang
caculan~gan! ¡At gaanong pagiin~gat co at pagpipilit na macasundo ang
lahat sa aquing mabuting caugalian, nang sila,y, mapilitang umibig sa
aquin! ¿Baquit, Dios co, di co natalastas ang malaquing cagalin~gan
nang paquiquipagcaibigan sa di co na macamtan, at di co macacamtan
magpacailan man?

Nang caniyang masabi ito, ay nagcataong nailin~gap niya ang mata sa
isang suloc nang mahigpit niyang tahanan, at nacaquita siya nang isang
gagamba na doo,y, gumauà nang bahay. Nacaramdam si Robinson nang isang
malaquing caligayahan sa pagcaisip lamang na siya,y, matutulog na may
isang casama, na di na napagcurò na yao,y, isang hayop na totoong
ualang halaga. Tinicang humuli arao arao nang lan~gao nang maibigay
sa gagamba, at nang caniyang maipaquilala sa hayop na yaon, na siya,y,
na sa sa isang lugar na ualang sucat catacutan, at doo,y, siya,y,
pinacacain nang boong pagibig at casaganaan, at nang mangyaring
siya,y, umamò cung mangyayari.

Yayamang hindi pa guinagabi, at ang han~ging humihihip ay malamig at
maguinhaua dahil sa nagdaang unós, ay ayao si Robinsong matulog, cundi
gugulin pa ang sandaling panahon sa isang bagay na may casaysayan;
dahil dito,y, hinauacan ang caníyang asarol, at mínulan ang paghucay
nang lupà nang caniyang cusina. Datapoua,t, tinamaan niyang nagcataon
ang isang bagay na matigas na nababaon sa lupà, at halos nasirà ang
caniyang asarol. Inacalà niyang yao,y, isang bató: datapoua,t, ¡gaano
ang caniyang pagtataca nang caniyang buhatin ang bagay na yaon na
totoong matigas at mabigat, at naquita niyang yao,y, guintong dalisay!

Si Juan. ¡Totoong mapalad naman yaong si Robinson na ualang
cahalimbauà!

Ang ama. Mangyari; siya,y, anac nang capalaran. Ang guintong caniyang
nacuha ay totoong malaqui na cung caniyang gagau-ing salapî ay
lalabasan nang sandaang libong piso. Tingnan mo at totoong mayaman na
at macapangyarihan si Robinson. ¡Ilang bagay caya ang caniyang
mabibili at ilang tauo caya ang caniyang mauutusan! mangyayaring
siya,y, macapagpatayò nang isang Palacio, magcacaroon siya nang man~ga
salamin, man~ga palamuti sa bahay, man~ga carruage, man~ga cabayo,
man~ga alilà, at sarisari pang bagay.

Si Teodora. Oo n~ga pò, datapoua,t, ¿saan siya cucuha sa pulong yaon
nang man~ga bagay na iyan, cung doo,y, ualà isa mang tauong magbili sa
caniya nang anomang bagay?

Ang ama. Totoo n~ga ang salitâ mo: hindi co naalaala ang bagay na
yaon. Datapoua,t, si Robinson ang siyang nacapagdilidili niyan, sa
pagca,t, bucod sa di niya iquinaligaya ang pagcaquita nang cayamanang
iyan, ay caniyang sinicaran at pinaguicaan nang ganito: «Diyan ca
matapon, hamac na guintò, na caranìua,y, totoong pinipita nang man~ga
tauo, at di miminsang sa pagcacamit sa iyo ay nacagagauà nang
cahiyahiyà at cung minsa,y, nagcacasala pa. ¿Anong mahihitâ co sa iyo?
¡Oh! cung ang naquita co sana,y, isang pirasong bacal, marahil ay
magagauà cong isang palacol ó isang sundang! ay ualang caliuagang
ipagpapalit quita sa isang dacot na pacò, ó sa alin mang casangcapang
paquiquinaban~gan.» Iniuan niya sa lupà yaong mahalagang bagay, at
pagcatapus ay bahaguia na niya matingnan cung siya,y, napaparaan sa
quinalalaguian.

Si Luisa. Natatalastas pô ninyo na ang caniyang guinauà ay para nang
guinauà nang manoc.

Ang ama. ¿Ano ang guinauà nang manoc?

Si Luisa. ¿Baquit pô? ¿Nalilimutan na baga ninyo ang fábula na inyong
sinalitâ sa amin isang arao? minsa,y, ang isang manoc ay nagcucutcot
sa lupà; at di caguinsaguinsa,y, nacaquita siya nang isang mahalagang
bagay...... ¿Ano cayang mahalagang bagay?

Ang ama. ¿Isang margarita baga?

Si Luisa. Oo pô, isang margarita na ang pahayag ninyo sa amin ay isang
perlas. At ang sinabi nang manoc ay ganito: «¿Anong mahihitâ co sa iyo
cahit anong diquit mo? mabuti pa sa aquin ang aco,y, nacaquita nang
isang butil na palay.» At dahil dito,y, pinabayaan ang margarita sa
lupà, at hindi na niya inalaala minsan man.

Ang ama. Totoong mabuti ang pagcacatulad mo sa fábula. Ganito n~ga
ang guinauà ni Robinson sa guintong caniyang nasumpun~gan.

Samantalang nalalapit naman ang gabi, sa pagca,t, matagal nang ang
arao ay sumusucsoc na sa dagat.

Si Teodora. ¿Baquit pô sumusucsoc sa dagat?

Ang ama. Ganito n~ga ang acalà nang man~ga nagsisitahan sa capuluan, ó
as alin mang lugar na ualang naquiquita cundi dagat. Ang tin~gin
nila,y, capag lumulubog ang arao, ay tila totoong napaiilalim sa
dagat; at dahil dito,y, sinasabi natin na cung minsan ay napaiilalim
sa dagat; sumicat na maliuanag ang bouan sa cabilang ibayo nang
lan~git, na naliliuanagan ang yun~gib ni Robinson nang isang
cauiliuiling liuanag, na sa caligayahan nang pagmamasid ay nalaon bago
natulog.

Datapoua,t, nang mahaguisan na niya nang man~ga malalaquing cahoy ang
apuy nang lumagui ang nin~gas, ay siya,y, natulog na.

Tayo naman ay liniliuanagan n~gayon nang banaag nang bouan, ay
nagbibigay liuanag sa lupà. Habang tayo,y, napatutun~go sa bahay ay
ating pagmalasing magaling. Tingnan ninyo at totoong mariquit at
cauiliuili; at handugan natin nang pasasalamat ang lumic-hâ sa caniya,
at nang magbauas ang calungcutang inihahandog sa atin nang cadiliman
nang gabi.




=ICAPITONG HAPON.=


Sa icalauang arao nang hapon ay si Juan, si Nicolás at si Teodora, ay
nan~gahas na binatac sa camay ang canilang ama at sa dulo nang
caniyang casaca, na ang nasa,y, dal-hin siya sa buquid. Ang lahat ay
naquitulong sa canila, at napilitan siyang umalis nang bahay.

Ang ama. ¿Anong laquing pagpipilit ninyo? ¿Saan ninyo aco ibig
dal-hin?

Si Juan. Sa buquid, sa ilalim nang punò nang mansana.

Ang ama. ¿At baquit?

Si Nicolás. Nang ipatuloy ninyo ang sinapit ni Robinson.

Si Teodora. Oo pô, ang historia ni Robinson natin.

Ang ama. Oo n~ga; datapoua,t, inaacalà cong hindi iquinaaalio ninyo
ang aquing Robinson na para nang una.

Si Juan. ¿Baquit pô? ¿sino ang nagsabi sa inyo?

Ang ama. Cung hindi aco nagcacamalî, ay naquita co cahapon na ang ilan
sa inyo ay naghihicab, at ito,y, caraniuang isang tandâ na
quinayayamutan na ninyo.

Si Teodora. Hindi pô. Cami po,y, napagod sa cahuhucay sa halamanan, at
talastas na ninyo na pagcatapus nang paghucay sa boong hapon, ay
sapilitang magaantoc nang caunti.

Si Nicolás. N~gayo,y, ualà caming guinagauà cundi ang magbunot nang
damó, at dinilig namin ang ensalada lamang, caya cami hindi nagaantoc.

Si Luisa. Tingnan ninyo ang paglucso co. ¿Paanong aco,y, magaantoc?

Ang ama. Sasalitin co, yayamang siya ninyong iniibig; datapoua,t,
capag cayo,y, napapagod na sa paquiquinyig nang historia ay sabihin
ninyo sa aquin.

Si Juan. Hindi pô cami mapapagod, caya salitin na ninyo.

Ang ama. Sa pagca,t, sa pulò ni Robinson ay hindi matiis ang init cung
arao ay napipilitan siyang cung may anomang gauà ay pinasisimulan niya
sa umagang umaga, at pagtaas nang arao caniyang itiniguil, bago niya
pinagbabalican capag dacong hapon na. Nagban~gon na n~gang maagang
maaga, dinagdagan nang gatong ang apuy, at quinain ang calahati nang
niyog na caniyang natira. Inibig namang ihao ang capirasong laman nang
hayop na llama, datapoua,t, sa pagca,t, may amoy dahil sa labis na
cainitan, caya hindi siya nacacain nang lamang cati sa arao na yaon.

Sa oras nang caniyang pagcuha nang caniyang supot na ticang dadal-hin
sa caniyang pinaggagauan nang man~ga ladrillo, ay naquita niya ang
man~ga patatas na caniyang isinilid doon na may dalaua nang arao.
Naisipan niyang ilagay ang man~ga patatas na ito sa ilalim nang abo
nang caniyang sigâ, at nang maalaman niya cung ano ang maguiguing lasa
cung malutò, at capagcatapus nito ay lumacad na.

Dinalidali niyang totoo ang paggauà, na bago tumangahali ay naquita
niyang mabuti na ang lagay nang caniyang man~ga ladrillo, na inaacala
niyang cailan~gan sa pagbabacod sa caniyang cusina. Saca napatun~go sa
tabing dagat sa paghanap nang man~ga ilang talaba; totoong cacaunti
ang caniyang naquita, datapoua,t, doo,y, nasumpun~gan niya nang boong
caligayahan ang isang pagcaing lalò pang mahalaga.

Si Juan. ¿At ano pô yaon?

Ang ama. Isang hayop na cailan ma,y, hindi niya nacacain; datapoua,t,
narin~gig niya na ang laman niyon ay totoong mabuti at masarap.

Si Juan. At sabihin ninyo ¿cung anong hayop yaon?

Ang ama. Isang pagóng na totoong malaqui, at bihirang maquita ang
ganoong calaquing pagóng sa man~ga lugar na yaon. Ang bigat ay may
isang quintal.

Si Teodora. ¡Caquilaquilabot na pagóng yaon! ¿At mayroon pang lalong
malalaqui?

Si Juan. Oo, at totoong malalaqui. ¿Hindi mo naaalaala ang sinasabi sa
atin nang ating ama sa historia nang man~ga biaje niong man~ga tauong
lumibot sa paliguidliguid nang mundo, at nacaquita sila sa dagat nang
dacong timugan nang ilang man~ga pagóng na ang timbang ay may tatlong
daang libra?

Si Teodora. ¡Catacottacot!

Ang ama. Pinasan ni Robinson sa balicat yaong malaquing pagóng, ó
pauican, at dahandahan niyang dinala sa caniyang yun~gib. Diya,y,
pinagpupucpoc niya ang balat sa licod nang pagong hangan sa nagputoc
ang bandang ibabâ; at sacá quinuha ang laman at caniyang pinatay,
pumiraso nang laman na caniyang iihao. Sa caniyang capaguran ay
nagcaroon siya nang gustong cumain; at habang caniyang iniihao, ay
pinagiisipisip niya cung ano ang caniyang gagau-in sa natitirang laman
nang pagóng at nang houag masirà, sa pagca,t, siya,y, ualang asin at
sisiglang pagaasnan.

Iquinapipighati niya ang pagcagunitâ na ang laman nang pagong, na
macacain niya hangang man~ga ualong arao at mahiguit pa, ay hindi na
macacain pagdating nang apat na puong oras; datapoua,t, naisipan niya
ang paraan nang pagaasin. Ang balat sa licod ó talucab nang pagong ay
magagauà niyang sisiglan nang pagaasnan. Datapoua,t, ang uicà niya,y,
¿saan aco cucuha nang asin?... ¡Ah, pagcahan~galhan~gal co! aniya.
¿Sinong macapagaalis sa aquin na busan co nang tubig na maalat sa
dagat ang laman nang pagong, at ito,y, para ring inasnan? ¡Mabuting
caisipan! ang uícà niya; at sa malaquing catouaan sa pagcaisip niya,
ay lalo siyang lumicsi nang pagiihao.

Sa catapusa,y, nang malutò na ang capiraso nang pagong, at maticman
na niya ang casarapan, ay nagbuntong hinin~ga at naguicà nang ganito:
«¡Oh cung aco,y, magcaroon sana nang capirasong tinapay! ¡Pagcahan~gal
co niong aco,y, batà, na di co natatalastas na ang capirasong tinapay
ay isang daquilang biyayà nang lan~git! Di co pa iquinatotoua niyon
ang tinapay lamang, cung ualang cahalong mantequilla ó queso, at
n~gayo,y, aariin cong isang malaquing caparalaran, cung magcamit aco
nang maiting na tinapay na ibinibigay sa asong nagbabantay sa
halamanan.»

Sa pagiisip niya nito,y, naalaala niya ang man~ga patatas na caniyang
iniuan sa umaga sa ilalim nang abó. Tingnan natin, aniya, cung ano ang
labas; at cumuha nang isang patatas. ¡Bagong caligayahan, at bagong
capalaran niya! yaong matigas na bun~ga nang cahoy na matigas ay
lumambot at totoong masarap ang amoy nang biyaquin niya, na di na
pinagtingnantingnan, at caniya nang isinubò, at naticman niyang
totoong masarap.

Magmulà na niyaon ay natalastas ni Robinson na ang bun~gang yaon,
bagama,t, nacucuha sa bundoc, ay magagauà niyang parang tinapay.

Quinain na n~ga niya; sa pagca,t, ang sicat nang arao ay totoong
masaquit, ay naghilighiligan siyang sandali sa caniyang hihigan, at
pinagcurocurò niyang magaling cung ano ang caniyang magagauà, capag
nagbauas na ang init nang arao. Totoong cailan~gan, aniya, na hintin
cong mabilad sa arao nang tumigas ang aquing man~ga ladrillo, at
aquing pasisimulan ang pagtatayô nang pader. Samantala,y, aco,y,
lalabas nang panghuhuli nang isang man~ga dalauang hayop na llama.
Datapoua,t, ¿anong gagau-in co sa totoong maraming lamang cati? Ang
dapat cong gau-in ay aquing tapusin ang cusina co, at nang aquing
mapausucan ang anomang ibig cong itingal. ¡Mabuting caisipan ito! ang
uicà niya; at caracaraca,y, nagban~gon sa hihigan, napatun~go sa
talaga niyang gagau-ing cusina, at nang mapagacaacalà niya doon ang
lalong mabuting paraan nang masunod niya ang caniyang ninanasà.

Hindi naglao,t, caniyang natalastas na ang bagay na yao,y, caniyang
magagauà; sa pagca,t, bucsan lamang ang pader na caniyang itatayò nang
dalauang butas, at isulot niya sa dalauang butas na yaon na
magcatapat ang isang cahoy na mahabà, ay ualang caliuagang maisasabit
niya ang lamang cating ibig niyang paasuhan, at dahil dito,y, yari na
ang chimenea. Dapat na ninyong maacalà na dito sa bago niyang naisipan
ay totoo siyang natotouà. Ibibigay niya cahit anoman, houag lamang di
tumigas agad ang caniyang man~ga ladrillo, at nang caracaraca,y,
mapasimulan na niya ang daquilang bagay na caniyang binabantà.
¿Datapoua,t, anong dapat niyang gau-in? Ang magtiis hangang sa tumigas
ang caniyang man~ga ladrillo sa init nang arao, at samantala,y,
humanap siya nang sucat magauang paquiquinaban~gan sa hapong yaon.

Sa bagay na ito,y, nagcurocurò siya, at nungò sa caniyang pagiisip ang
isang bagay na totoong malaqui sa lahat at siya,y, nagtaca sa caniyang
cahan~galan at di niya naisipan agad yaon.

Si Juan. ¿At ano pô yaon?

Ang ama. Ang magalilà sa bahay nang ilang man~ga hayop, na di lamang
gagamitin niya sa pagcain cundi naman maguing casama niya.

Si Teodora. ¡Ah! ¿Di pô baga yaong man~ga hayop na tinatauag na llama?

Ang ama. Totoo n~ga: sa pagca,t, yaon lamang ang man~ga hayop na
caniyang naquita doon. Sa pagca,t, totoong maaamò ay inacalà niyang
hindi siya magcacapagod na humuli nang dalauang buháy.

Si Teodora. ¡Totoong mariquit na bagay! at ibig cong macasama niya, at
nang macahuli pa nang dalaua nang man~ga hayop na yaon.

Ang ama. ¿Datapoua,t, ano ang gagau-in mong paraan nang macahuli cang
buháy nang man~ga hayop na llama? sa pagca,t, hindi natin dapat na
acalain na totoong maaamò na napahuhuli sa camay.

Si Teodora. Cung gayo,y, ¿paanong gagau-in ni Robinson sa paghuli sa
canila?

Ang ama. Diyan naririyan ang cahirapan; at ito ang pinangugulan niya
nang matagal na pagiisip ó pagcucurò. Datapoua,t, capag ang tauo,y,
nagaacalà nang isang bagay na may capangyarihang mayari, ay ang
pagpipilita,y, ang catiyagaan at pananatili, sa pagca,t, sa
catapusa,y, tatalunin niya ang lahat nang caniyang pagiisip at
casipagan. Totoong daquilà ang capangyarihang ipinagcaloob sa atin
nang maauaing Cumapal sa atin.

Talastasin ninyo ito; cailan ma,y, houag cayong magaalinlan~gan at
malulupaypay ang inyong loob sa anomang bagay na inyong gagau-in,
cahit anong hirap, houag lamang di ninyo pagtiticahang matibay hangan
sa di ninyo maquitang matapus. Ang casicapan, ang laloong pagcucuro,
ang catibayan nang loob, ay siyang iquinayayaring madalì nang man~ga
bagay na sa unang paggauà ay inaacalang di mayayarì. Cailan ma,y,
houag ninyong pahihinain ang loob, cahit anong cahirapan ang
nacahahadlang sa anomang bagay na ibig ninyong gau-in; cundi acalain
ninyo na cung lalong malaqui ang pagpipilit na quinacailan~gan sa
paggauà nang anomang bagay, ay lalong malaqui ang caligayahan na
inyong cacamtan cung maquita ninyong matapus na.

Ganito n~ga ang guinauà ni Robinson nang macatagpò nang paraan sa
paghuling buhay nang man~ga hayop na llama; at ito,y, ang paghahandà
nang isang silò, magtatagò siya sa alin mang cahoy, at ihahaguis niya
ang silò sa unang hayop na lumapit sa caniya.

Dahil dito,y, guinugol niya ang ilang oras sa paggauà nang isang lubid
na may catibayan; at nang maicanà na ang silò na cung hilahin ay
maghihigpit, ay tinicman niyang madalas at nang caniyang maalaman
cung mabuti na, at dumadagusdos cung hilahin.

Inaacalà ni Robinson na malayò ang caraniuang iniinoman nang man~ga
hayop na llama, at sa pagaalinglan~gan niya na hindi lalapit nang
batis sa dacong hapon, sa pagca,t, cailan man ay hindi niya
naquiquitang naparoroon cundi tanghali lamang, ay inaliban ang
caniyang paglabas sa icalauang arao, at ang caniyang guinaua,y,
naghandâ nang lahat nang babaonin sa paglacad. Sa macatouid baga,y,
naparoon sa lugar na quinaquitaan niya nang patatas, at pinunò niya
ang caniyang supot. Ang iba,y, ibinaon niya sa abó, at inilagay niya
ang natira sa isang suloc nang caniyang yun~gib, at nang caniyang
macain sa man~ga arao na susunod. Bucod dito,y, pumutol pa nang
capirasong laman nang pagong, na caniyang cacanin sa hapunan at sa
quinabucasan nang umaga, sacá dinilig nang tubig sa dagat ang natira
nang laman nang pagong.

Pagcatapus ay humucay sa lupà; doon inilagay ang talucab nang pagong
na quinasisidlan nang lamang inasnan; sa ibabao inilagay ang
capirasong inihao na cacanin sa gabi, at tinacpan nang man~ga san~ga
nang cahoy ang bibig nang hucay na yaon.

Nang mangyaring malibang ang caniyang loob, ay nagpasial siya sa tabi
nang dagat, na doo,y, masarap ang hihip nang han~gin na nacapagbabauas
sa malaquing cainitan.

Minamalas niya ang calauacan nang dagat, at iquinatotouâ niya ang
pagcaquit nang mahihinhing alon, na marahang naghahalihalili, ay
bahaguia na lamang nagagalao ang capatagan nang dagat. Datapoua,t,
nang maibaling ang man~ga matá sa lugar na quinalalag-yan nang
caniyang bayang ninanasang sapitin ay natulò ang caniyang luhà sa
matá, at nanariuà ang pagcagunità niya sa caniyang man~ga iniibig na
magulang. «¿Anong guinagauà caya n~gayon, ang uicà niyang lipos nang
capighatian, anong guinagauà caya nang man~ga magulang cong ualang
caaliuan? Cung hindi namatay sa carahasan nang mapait na capighatiang
ibinigay co sa canila, ¡laquing calungcutan ang canilang quinasapitan!
¡laquing pagbubuntong hinin~ga sa di pagcacaroon cundi iisang anác, at
ang anac na ito na tantong iniibig nila, ay nagasal nang totoong
masamâ, na nacapan~gahas iuan sila! Patauarin ninyo, mapalayao cong
man~ga magulang, patauarin ninyo ang palamara at naualà ninyong anac,
na nagbigay sa inyo nang labis na capighatian. At Icao, mapagpalang
Maycapal, nacaisaisa cong Ama, at nacaisaisa cong casama sa iláng na
ito, at tagapagcupcop at caaliuan co, hulugan mo ang man~ga iniibig
cong magulang nang iyong man~ga mahalagang biyayà, at nang lahat nang
man~ga capalaran at caguinhauahang itinatalaga mo sa aquin, at dahil
sa casucaban co,y, di aco naguing dapat tumangap nang man~ga biyayang
yaon; ipagcaloob mong lahat, Pan~ginoon co, sa icaguiguinhaua nila,
nang mabayaran ang man~ga capighatian na dahil sa aquin ay canilang
dinalitâ. Magcapalad nauà sila, yayamang sila,y, ualang casalanan; at
sa pagca,t, aco ang sucaban ay titiisin co nang boong pag-ayon sa
iyong calooban ang man~ga capahamacan, na sa icapagbabago cong asal ay
iniibig ipahatid sa aquin n~gayon nang di malirip mong carunun~gan.»

Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit
nang sundang ang man~ga cagalanggalang na n~galan nang caniyang ama at
ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang
guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang n~galan
nang caniyang man~ga magulang, na ang nasà niya,y, maalaala sa lahat
nang oras.

Si Teodora. Si Robinson ay totoong naguiguing mabuting tauo. Tingnan
pô ninyo,t, n~gayo,y, tila panahon na na siya,y, han~goin nang Dios sa
man~ga cahirapan sa pulong yaon, at siya,y, dal-hin sa bahay nang
caniyang man~ga magulang.

Ang ama. Ang Dios lamang na nacatatalastas nang lahat nang bagay, at
nacaalam nang nararapat cay Robinson, ay siyang magtatalaga nang
maguiguing capalaran niya. Ang man~ga nangyari sa binatang ito, ay
siyang parang nagpunlà sa caniyang puso nang binhi nang cabanalan;
datapoua,t, ¿sinong nacatatalastas, cung ang man~ga ibang bagay ay
macasasamang muli sa caniya? Cung n~gayo,y, macaaalis sa pulô, cung
macapagbabalic na muli sa bahay nang caniyang man~ga magulang, ¿sinong
macatatalastas cung ang isang masamang halimbauà, ó ang man~ga
caguinhauahan at man~ga catamasahan, ay macapagpapasamang muli nang
caniyang man~ga caugalian? Tunay n~ga, man~ga anac co, yaong
cahatulan na: ang nacatayo,y, magin~gat nang houag marapâ.

Habang si Robinson ay nagpapasial, para nang sinabi co na sa tabi nang
dagat, ay naisipan niyang mabuti ay maligò, yayamang siya,y, batà pa
ay natutong luman~goy. Hubad siya; datapoua,t, ¡gaanong laqui nang
caniyang panguiguilalas nang maquita niya ang lagay nang caniyang
barò, at baquit ualà na cundi yaon lamang! sa pagca,t, siyang nacasoot
sa caniyang mahaba nang arao, baquit totoong mainit sa pulòng yaon, ay
hindi na maquilala cung ano ang culay. Linabhan n~ga niyang mabuti
bago siya naligò; iniyangyang niya sa isang cahoy, at nang matuyò,
bago lumusong siya sa tubig.

Luman~goy siyang napatun~go sa isang pulò na lumilitao sa dagat, at
cailan ma,y, di pa niya dinarating.

Ang pagpatun~gong ito ni Robinson sa pulòng yaon ay totoo niyang
pinaquinaban~gan; sa pagca,t, natalastas niya na sa man~ga oras na
pagsulong nang tubig ay lumulubog ang pulòng yaon, at sa pagurong ay
naiiuan doon ang maraming man~ga pagong, man~ga talaba, man~ga cabibi
at iba pang macacain. Ualà siyang hinuling anoman nang arao na yaon,
at niyon naman ay di niya quinacailan~gan. Sa pagca,t, niyon ay saganà
siya; datapoua,t, iquinatouà niyang totoo ang pagcatalastas nito.

Ang pulòng yaon na caniyang linalan~guyan, ay totoong masaganà sa
isdâ, na halos ay caniyang mahuli sa camay; at cung mayroon siyang
lambat, ay sucat macahuli nang isang libo mang isdâ. Totoo n~ga,t,
ualà siyang lambat; datapoua,t, sa pagca,t, siya,y, totoong
mapapalarin sa lahat nang caniyang guinauà magpahangan n~gayon, ay
inacalà niyang sa calaunan nang panahon ay matutumpac siyang gumauà
nang isang lambat na ipan~gisdâ.

Malaqui ang caniyang touà sa man~ga bagong bagay na caniyang naquita,
umahon na nang macatapus na siya,y macapaligò na mahiguit na isang
oras; at yayang tuyò na ang caniyang barò dahil sa hihip nang han~gin,
ay isinoot niyang maligaya, sa pagca,t, niyon lamang nagcaroon siya
nang malinis na damit.

Datapoua,t, sa pagca,t, nagaui na siya sa pagcucurò, ay bumunggò sa
caniyang pagiisip na di maglalalong lubhá ang caniyang barong yaon;
sa pagca,t, laguing siyang na sa sa caniyang catauan, ay cung
magcadurogdurog na ay hindi niya maaalaman cung paano ang pagcacaroon
niya nang damit. Sa pagcagunità nito,y, parang natubigan ang lahat
nang quinamtan niyang caligayahan; datapoua,t, pinapanghinapang niya
sa boong macacayanan, at nagtuloy sa caniyang tahanan, puspos nang
pagasa sa Dios na siya,y, hahan~goin sa lahat nang caguipitan.

Si Luisa. Totoong naiibigan co nang totoo itong si Robinson. Totoong
icaliligaya co na siya,y, maparito at dumalao sa atin.

Si Teodora. Cung aco po,y, bibig-yan ninyo nang isang pliegong papel,
ay totoong malaqui ang pagcaibig cong sulatan ang señor Robinson.

Si Nicolás. Aco naman.

Si Juan. Di co rin naman calilimutan ang pagsulat sa caniya.

Si Luisa. Cung aco,y, marunong sumulat, ay maquiquita ninyo ang
ipadadala co sa caniya.

Ang ina. Hindi cailan~gan; sasabihin ninyo sa aquin ang ibig ninyong
sabihin sa caniya, at susulatin co.

Si Luisa. Ganoon n~ga pô, inang.

Ang ina. Cung gayo,y, pumarito cayong lahat. Bibìg-yan co ang baua,t,
isa sa inyo nang papel. Nang macaraan ang calahating oras ay isa,t,
isang dumarating ang man~ga batà na naglulucsuhan, at ipinaquiquita sa
canilang ama ang ipadadalang sulat nang baua,t, isa cay Robinson.

Si Luisa. Narito pò ang aquing sulat, at mangyaring basahin ninyo.

Ang ama. (_Binasa niya sulat ni Luisa_.[4]

«Iniibig cong Robinson: pagpilitan mo ang paguiguing mabuting tauo at
pagpapacasipag, sa pagca,t, ito,y, calulugdan nang man~ga tauo at nang
iyong man~ga magulang naman. Tangapin mo ang aquing pacumusta. Naquita
mo na na ang pagcacailan~gan ay nacapagpapagauà nang maraming bagay.
Si Teodora at si Juan ay nagpapacumusta sa iyo, at gayon din si
Enrique at si Nicolás. Dalauin mo cami ritong isang arao, at bibig-yan
quita nang ibang man~ga cahatulan na lalò pang magaling.

_Luisa_.»

[Talababa 4: Pinatotoohanan nang autor aleman na ang man~ga sulat na
ito,t, gayon din naman ang caramihan nang man~ga tanong at sagot nang
man~ga batà na natalatà sa librong íto, ay tunay at sinaling magaling
sa man~ga sinasabi nang man~ga batang tínuturuan.]

Si Teodora. N~gayo,y, tingnan pô ninyo ang aquin.

_Binasa nang ama_. «Caibigan co: ninanasà namin sa iyo ang lahat nang
cagalin~gang aming macacayanan, at capag aco,y, binig-yan nang cuarta
ay ibibili quita nang anomang bagay. At pacain~gatan mo ang
pagpapacabuti nang caugalian para nang pinasimulan mo na. Tangapin mo
ang caunting tinapay na ipinadala co sa iyo, at pagin~gatan mong houag
cang magcasaquit. ¿Ano ang lagay mo n~gayon? Mabuhay cang magaling,
caibigan cong Robinson, na bagama,t, hindi quita naquiquilala, ay
totoong iniibig quita, at aco ay ang tapat mong caibigan na si

_Teodora_.»

Si Nicolás. Ito pô ang aquin, maicli pò lamang totoo.

_Binasa nang ama_. «Minamahal cong Robinson: iquinalulumbay cong totoo
ang pagcaquita cong icao ay totoong caauaauà. Cung icao ay na sa sa
bahay nang iyong man~ga magulang, ay di mo masasapit ang ganiyang
man~ga cahirapan. Iquinaliligaya co ang icao ay ualang damdam, at
mabalic cang madali sa bahay nang iyong man~ga magulang. Á Dios. Ang
iyong caibigan na si


_Nicolás._
_Hamburgo 7 de Febrero._»


Si Juan. Ang aquin naman.

_Binasa nang ama._ «Sr. Robinson: quinaaauaan co cayong totoo, sa
pagca,t, cayo,y, nahihiualay sa lahat nang tauo: inaacalà cong sa oras
na ito,y, totoo cayong nagsisisi na. Houag cayong magcacaramdam; at
ninanasa co sa boong pusò, na balang arao ay maquiquita namin cayo,
cung cayo,y, papabalic na sa bahay nang inyong man~ga magulang. Houag
ninyong pabayaan ang pagasa sa Dios mulà n~gayon hangan sa man~ga
haharaping arao, at cayo,y, pagpapalain niya. Sinasabi cong muli, na
cayo naua,y, houag magcacaramdam. Ang inyong tapat na caibigan na si


_Juan._
_Hamburgo 7 de Febrero._»


Si Enrique. Ualà acong guinauà cundi isinulat cong madali ang borrador
na ito, at nang aco,y, macapagbalic agad dito.

_Binasa nang ama._ «Totoong minamahal cong catoto at señor Robinson:
¿ano pò ang lagay ninyo sa pulóng iyan? Nabalitaan co na totoong
maraming cahirapan. Hindi pa ninyo natatalastas na cung ang pulóng
inyong quinalalaguian, ay tinatahanan ó hindi, at icatotouà cong
maalaman. Natalastas co naman na cayo,y, nacacuha nang isang malaquing
guintô; datapoua,t, hindi ninyo magamit sa anomang bagay sa pulóng
iyan.»

Ang ama. Idinagdag mo sana ito: «Dito man sa Europa ay hindi
iquinapaguiging mabuti at iquinapaguiguing mapalad nang man~ga tauo
ang guintô.» «Lalò pa ninyong paquiquinaban~gan cung sa lugar nang
guintô ay nacacuha cayo nang capirasong patalim na magagauang sundang,
palacol at iba pang casangcapan. Houag nauà cayong magcacasaquit at
pagutusan ninyo ang tunay ninyong catoto na si

_Enrique.»_


Si Teodora. At n~gayo,y, ¿paanong gaga-uin natin na ang man~ga sulat
na ito,y, dumating sa caniya?

Si Luisa. ¿Mayroon pa bagang sucat gau-in para nang ibigay natin sa
Capitan nang alin mang sasac-yan napatutun~go sa América? At cung
gayo,y, mapadadalhan naman natin nang anomang bagay si Robinson. Ibig
co siyang padalhan nang pasas at almendras; ¿bibig-yan baga ninyo aco,
inang?

Si Ramon. _(Binulun~gan ang canilang ama.)_ Ang isip nila,y, totoong
buhay pa si Robinson.

Ang ama. Pinasasalamatan co cayong ualang hangan, man~ga anac co, sa
n~galan ni Robinson dahil sa magandang loob ninyo sa caniya;
datapoua,t, hindi ninyo maipadadala sa caniya ang man~ga sulat na
iyan.

Si Teodora. ¿At baquit hindi?

Ang ama. Sa pagca,t, malaon nang panahon na ang caloloua ni Robinson
ay na sa cabila nang buhay, at ang caniyang catauan ay naguing lupà
na.

Si Teodora. ¿Baquit pò mamamatay, cung n~gayo,y, bagong capaliligò
lamang?

Ang ama. Nalilimutan mo, Teodora, na ang sinasalitâ co cay Robinson,
ay nangyari nang may limang puo nang taon. Datapoua,t, n~gayo,y,
isinusulat co ang caniyang Historia, at diya,y, isasama cong
ipalilimbag ang inyong man~ga sulat. Cung caniyang matangap ang man~ga
sulat na iyan sa cabilang buhay, ay inaacala cong icalulugod niyang
lubhâ ang pagcatalastas nang daquilang pagmamahal ninyo sa caniya.

Si Luisa. Datapoua,t, houag pò ninyong di ipatuloy ang lahat nang
man~ga bagay na nangyari sa caniya.

Ang ama. Oo. Sasabihin co pa sa inyo ang man~ga nangyari sa caniyang
buhay, na totoong icatotoua ninyo. N~gayo,y, tila sucat na.

Si Robinson ay nang matapus nang macapaligò, ay nagbalic sa caniyang
tahanan, cumain nang hapunan at nagpahin~gang lubhang mahinahon.
Tularan naman natin siya.




=ICAUALONG HAPON.=


Si Cárlos. Inang, inang.

Ang ina. ¿Ano ang ibig mo, Cárlos?

Si Càrlos. Ang uicá pò ni Juan ay mangyaring padalhan ninyo siya nang
ibang barò.

Ang ina. ¿At baquit?

Si Cárlos. Hindi pô macaalis sa paligoan sa pagca,t, linabhan niya
ang caniyang barò, at hangang n~gayo,y, basà pa. Ibig pong tumulad cay
Robinson.

Ang ina. Cung gayo,y, mabuti. Bibig-yan co siya nang ibang barò.
Abutin mo; itacbo mo sa caniya at pagcatapus ay pumarito cayong lahat,
sa pagca,t, sasalitin sa inyo nang inyong ama ang historia ni
Robinson.

Ang ama. _(Si Juan na casama nang ibang man~ga batà ay pinagsabihan
nang ganito:)_ ¿nacapaligò ca bagang magaling, catoto cong Robinson?

Si Juan. Totoo pong magaling, hindi pò lamang natuyò ang aquing barò.

Ang ama. Dapat mong pagcurocuroin na dito sa lugar na ito ay hindi
totoong mainit na para sa pulò ni Robinson. Datapoua,t, ¿saan tayo
natiguil?

Si Enrique. Sa pagtulog ni Robinson. ¿N~gayo,y, tingnan natin cung ano
ang guinauà quinabucasan?

Ang ama. Quinabucasan ay nagban~gon, at humandâ sa paghuli nang man~ga
hayop na llama, pinunò ang caniyang supot nang maraming patatas na
inihao, at nang isang malaquing pirasong laman nang pagong na binalot
niya sa dahon nang niyog. Quinuha ang caniyang palacol; itinali sa
catauan ang lubid na may silò na guinauà niya sa paghuli nang man~ga
hayop na llama; dinala ang caniyang payong, at lumacad na. Sa pagca,t,
totoo pang maaga, ay pinasiya sa loob na siya,y, magpaliguid, na ang
ibig niya,y, malibot ang man~ga lugar na di niya nararating sa
caniyang pulò. Dito sa caniyang paglibot na ito ay nacaquita siya nang
di mabilang na man~ga ibon na nacadapo sa man~ga san~gá nang cahoy, at
may man~ga loro na totoong maririquit ang balahibo. ¡Gaano ang
pagnanasà niya na macahuli nang isa nang man~ga ibong yaon, at nang
caniyang mapaamò at macasama niya! datapoua,t, ang man~ga matatandang
loro ay totoong maiilap na na di sucat madaquip, at saan man siya
pumaroon ay ualang maquitang pugad na macunan nang inacay; caya n~ga
pinabayaan niya sa ibang arao ang panghuhuli nito.

Datapoua,t, gayon ma,y, nacaquita siya nang isang bagay na lalò pang
cailan~gan sa man~ga loro; sa pagca,t, siya,y, umaquiat sa isang burol
na nalalapit sa dagat at tumin~gin siya sa man~ga lubac nang man~ga
bató, ay naquita sa lupà ang isang bagay na totoong napansin niya.
Bumabà siya na gumagapang, at natalastas niya nang boong caligayahan
na ang caniyang naquita ay may halagang bagay. ¿Ano cayang bagay yaon?

Si Enrique. ¿Perlas pô baga?

Si Juan. ¿Icaliligaya baga niya ito? Marahil ay bacal. ¿Ano caya yaon?
Sinabi pò ninyo sa amin doon sa lugar na maiinit ay ualang
naquiquitang bacal. ¿Marahil ay isang buntong guintó?

Si Luisa. Hindi aco macapaniniualà niyan. ¿At ano ang
paquiquinaban~gan niya sa guintò?

Ang ama. Hindi ninyo natumpacan. Cung gayo,y, sasabihin co sa inyo.
Ang caniyang naquita ay asin. Tunay n~ga na hangan niyon ay ang
guinagauà niyang asin ay ang tubig na maalat sa dagat; datapoua,t,
¡laquing caibhan niyon! ang tubig sa dagat ay masaclap at mapait; at
bucod dito,y, nagcacamali si Robinson nang paniniualà, na ang lamang
cating asnan nang tubig sa dagat ay hindi masisirà, sa pagca,t, ang
tubig sa dagat, para naman nang tubig sa batis at sa ilog ay nasisirà
cung magtagal sa alin mang sisidlan. Caya n~ga, nagcamit nang di
mumunting capalaran sa pagcaquita nang tunay na asin, at ang guinauà
niya,y, pinunong magaling ang bulsa nang caniyang casaca, at
caracaraca,y, caniyang dinala sa caniyang yun~gib itong bagay na totoo
niyang quinacailan~gan.

Si Teodora. At ang asing ito ¿saan caya nangaling?

Ang ama. Ualang pagsalang nalilimutan mo na ang ipinahayag co sa
inyong isang arao tungcol sa pinangagalin~gan nang asin.

Si Juan. Hangan n~gayon hindi co quinalilimutan. May asing quinucuha
sa lupà; at saca mayroon namang asing guinagauà sa tubig na maalat, na
tumutubò sa alin mang batis; at mayroon namang guinagauà sa tubig na
maalat.

Ang ama. Gayon n~ga; at ang man~ga nangagaling sa tubig sa dagat, ay
guinagauà nang man~ga tauo, ó sa init caya nang arao.

Si Teodora. ¿Baquit pò sa arao?

Ang ama. Oo, sa pagca,t, capag lumaqui ang tubig at umurong, ay ang
tubig na natitira sa lupà ay natutuyong untiunti, at ang natitira sa
lugar na yaon, ay siyang naguiguing asin.

Si Luisa. ¡Tingnan ninyo ang bagay na yaon!

Ang ama. Dito matatalastas ang cagalin~gan nang Dios sa pagcacalin~ga
sa atin; na sa man~ga bagay na totoo nating quinacailan~gan, ay siyang
lalong humihin~gi nang munting capaguran, at siyang ipinagcacaloob
nang lalong casaganaan.

Lumacad na n~ga si Robinson nang boong casayahan sa lugar na caniyang
panghuhulihan nang man~ga hayop na llama; datapoua,t, isa ma,y, ualang
naquita. Totoo n~ga,t, may caagahan at di pa dumarating ang
catanghalian, ang guinauà niya,y, naupò sa tabi nang isang cahoy, na
doon niya quinain ang pagong at man~ga patatas, na sa pagca,t, may
asin na ay totoong nasarapan niya.

Di pa nalalaong natatapus siya nang pagcain, ay naquita niya sa malayò
ang man~ga hayop na llama na naglulucsuhan na patun~go sa caniya.
Caracaraca,y, humandà ang ating bayani, at nacaacmà ang silong
inaantay niyang may malapit. Nagdaan ang marami, datapoua,t, ualang
nalalapit isa man; datapoua,t, caguinsa-guinsa ay may salalapit sa
caniyang isa, ay ibinabà lamang niya ang caniyang camay na may
tan~gang silò, ay nahuli na ang hayop na yaon.

Ito,y, nagsisigao: datapoua,t, sa tacòt ni Robinson na baca magulat
ang iba ay hinigpit niyang magaling ang silò, at saca itinagò niya
agad sa damohan, at nang houag maquita nang iba.

Babayi ang caniyang nahuli at may dalauang inacay, na sumusunod sa
canilang ina, at ito,y, totoong iquinatouà ni Robinson, na di
nagdadalang tacot sa caniya. Caniyang pinaghihinimashimas ang man~ga
inacay, at sa malaquing caamoan ay hinihimuran ang caniyang camay, na
parang nagmamacaauang paualan ang canilang ina.

Si Teodora. Mangyayaring caniyang paualan.

Ang ama. Malaquing han~gal siya cung gayon ang caniyang gagau-in.

Si Teodora. Oo n~ga pò; datapoua,t, ang man~ga caauaauang hayop ay
hindi gumagauà nang masamà sa sinoman.

Ang ama. Quinacailan~gan sila ni Robinson, anac co; at sinabi na natin
na hindi masamà na gamitin natin at patayin ang man~ga hayop, cung
cailan~gan, liban na lamang cundi natin paquiquinaban~gan.

Totoo n~gang natouà si Robinson sa pagcaquitang nasunod ang caniyang
nasà; at baga ma,t, nagpupumiglas ang nahuli niyang hayop, ay
pinagpilitan niyang supilin nang boong lacas, at itinaboy niyang
casama nang caniyang man~ga inacay sa daang lalong madali na patun~go
sa caniyang tahanan.

Datapoua,t, ang cahirapan lamang ay hindi niya maalaman ang caniyang
paglalag-yan sa caniyang man~ga hayop, sa pagca,t, nasasarhan nang
man~ga bacod ang harapan nang caniyang tinatahanan. Cung caniyang
ihugos magmula sa ibabao nang yun~gib ay may pan~ganib na mabicti.
Caya minarapat ni Robinson na siya,y, gumauà nang isang munting
culun~gan na paglalag-yan muna, samantalang hindi siya nacagagauà nang
lalong mabuti.

Habang hindi pa nayayari ang caniyang culun~gan ay itinali ang hayop
sa isang punò nang cahoy at pinasimulan na niya ang paggauà, na
nagputól siya nang maliliit na san~ga nang cahoy, at ipinagbabaon niya
nang diquitdiquit na naguing parang isang culun~gan. Habang guinagauà
niya ito ay sa capaguran nahiga ang hayop na llama, at ang ualang
malay niyang inacay ay sumususong mapayapa, na di natatalastas na
sila,y, na sa iba nang camay. ¡Laquing pagcalugod ni Robinson sa
pagcaquita nito! hindi miminsang itinitiguil ang caniyang gauà sa
pagcalibang sa panonood nang caniyang man~ga hayop, at totoong
nagpapasalamat siya sa caniyang capalaran, at siya,y, may casama na.
Mula sa oras na yaon ay inaacalà niyang hindi na siya nagiisa; at ang
pagcagunitang ito,y, nagbigay sa caniya nang lacas at calicsihan, na
sa sandaling panahon lamang ay nautas ang caniyang man~ga hayop, at
ang pinagpasucan ay sinarhan nang man~ga san~ga nang cahoy.

Dili sucat maipahayag ang caguilioguilio na caligayahan nang loob ni
Robinson sa sandaling yaon, sa pagca,t, bucod sa mayroon siyang
macacasamang man~ga hayop, na totoong iquinaliligaya niya, ay
inaasahan niyang totoo na mayroon pa siyang macucuhang man~ga
malalaquing capaquinaban~gan. Marahil ay sa calaunan nang panahon ay
matututo siyang humabi nang damit sa balahibo nang gatas at magagauà
pa niyang mantequilla at queso. Tunay n~ga,t, hindi pa niya
napagaalaman cung paano ang paraan nang paggauà nang man~ga bagay na
ito; datapoua,t, totoong nararanasan na di dapat pahinain ang loob
nang sinoman sa paggauà nang anomang bagay ang nagcuculang sa caniya
sa icapupuspos nang caniyang capalaran; sa pagca,t ang ibig niya,y,
tumahang casama nang man~ga minamahal niyang hayop, at nang palagui
niyang namamasdan, na aalagaan, at magcaroon siya nang catouaan cung
maquita niyang totoong umaamo sa caniya.

Pinagpilitan niyang matagal na pagcurocuroin cung paano ang pagcaganap
nang caniyang ninanasà; at sa catapusa,y, pinasiya sa loob na na houag
patauarin ang anomang capaguran, at bubuscan niya ang isang panig na
nacababacod na cahoy sa caniyang tahanan, at caniyang paluluan~gin.
Datapoua,t, na ang caniyang tinatahanan ay di maualan nang catibayan,
ay hangang guinagauà niya ang bagong bacod ay hindi niya iniuasac ang
dati hangan sa di muna nayari.

Sa caniyang caligayahan ay natapus niyang man~ga ilang arao ang gauang
ito at nagcaroon siya nang totoong malaquing caaliuan sa pagcacaroon
nang tatlong casama, at hindi dahil dito,y, quinalimutan ang caniyang
aliuan sa pagpapacain sa gagambang naguing una niyang casama, bagcus
pa n~gang ipinatuloy ang pagpapacain niya nang man~ga lan~gao at lamoc
arao arao sa gagamba at ang gagambang ito, na sa pagcatalatas na
siya,y, minamahal, ay umamo totoo, na bahaguia na lamang lumalapit si
Robinson sa caniyang bahay ay quinacagat na sa caniyang camay.

Nahirati namang totoo sa paquiquisama sa caniya ang man~ga hayop na
llama; at sa touî siyang magbabalic sa caniyang tahanan ay
sumasalubong sa caniyang naglulucsuhan, inaamoy siya at nang
matalastas na cung may ouî siyang cacanin, at hinihimuran ang caniyang
man~ga camay tandà nang pagpapasalamat, capag binibig-yan niya nang
sariuang damó, ó man~ga murang san~ga nang cahoy. Nang di na sumususo
ang dalauang inacay, ay pinasimulan na ang paggatas sa umaga,t, hapon,
na ang guinagamit niyang saro ay ang man~ga bauo; at ang gatas na
caniyang iniinom, ay totoo niyang minamasarap, na nacapagbibigay
guinhaua sa caniya doon sa maralità at capanglaopanglao na pamumuhay.

Sa pagca,t, ang punò nang niyog ay totoo niyang pinaquiquinaban~gan at
marami siyang pinaggagamitan, ay nagnanasà siyang masaquit na maparami
niya ang man~ga punò nang niyog; datapoua,t, ¿ano cayang paraan ang
caniyang gagauin? di mamacailang narin~gig niya na ang man~ga punó
nang cahoy ay pinapagsusupling, datapoua,t, cailan man ay hindi niya
pinagaralan ang tunay na paraan nang paggauà nito. ¡Macalilibong
mapabuntong hinin~ga siya! ¡Laquing cahan~galan co, aniya, at di aco
nagsamantala sa panahon nang aquing cabataan, sa pagaaral nang dapat
matutuhan! Cung natalastas co sana niyong mabuti ang man~ga bagay na
aquing paquiquinaban~gan ¿pababayaan co baga na di matutunan ang
man~ga bagay na aquing naquiquita at naririn~gig? Cung ang aquing
caisipan ay hindi macaabot sa nararating nang iba ay pagpipipilitan
cong matuto man lamang aco nang caunti, at disin sana,y, ang caunting
carunun~gang yaon ay paquiquinaban~gan cong totoo n~gayon. Cung aco,y,
sana,y, magcapalad na magbalic sa aquing cabataan, ¡laquing pagpipilit
co na matatalastas ang lahat nang guinagauà nang ibang man~ga tauo!
ualang anluagui at magsasacá na di co tutularan.

Datapoua,t, ¿anong caniyang mapapala; sa pagsisising ito, n~gayong
ualà na siyang magauà? Ang nararapat ay pan~gahasan niyang ticman ang
hindi niya napagaalaman; at ito n~ga ang siya niyang guinauà.

Hindi niya naaalaman cung siya,y, natutumpac ó hindi, ay caniyang
pinutol sa itaas ang tatlong supling, humucay siya sa guitna nang
punò, at ipinasoc niya ang isang murang san~ga nang niyog, at nang
caniyang mabalot na nang balat ang canyang hinucayan, ay inaantay
niyang masaquit cung ano ang lalabas doon. At tingnan ninyo,t, siya,y
natumpac sa paggaua nito; sa pagca,t, nang macaraan ang ilang panahon
ay tumubo ang supling, cung sa bagay ay natutuhan niya ang paraan nang
pagpaparami nitong totoong mahalagang halaman. Bagong caligayahan,
bagong pagquilala at pagpapasalamat ni Robinson sa Maycapal na
nagcaloob sa man~ga bagaybagay dito sa lupà nang man~ga bisà at
tan~ging capangyarihan, nang masundan nang man~ga tauo saansaan man
ang man~ga paraan nang canilang icabubuhay at icaguiguinhaua. Sa
sandaling panahon ay totoong nagsiamò ang man~ga hayop ni Robinson, na
cung baga sa atin ay parang man~ga aso; at caya n~ga nagagamit niya
paglala nang anomang bagay na ibig niyang ilipat saan mang lugar.

Si Juan. Datapoua,t, ¿paano pong guinagaua niyang pagpapalabas sa loob
nang bacuran?

Ang ama. Totoo ang sabi mo: nacalimutan cong di naipahayag na sa
isang tabi nang bagong bacuran, ay may isang munting pintô, n~gunit,
sucat malabasan at mapasucan nang man~ga hayop na yaon cung yuyucod.
Sa dacong labas ay mahirap maquita ang pintong yaon, at dacong loob ay
sinasarhang matibay ni Robinson cung gabi nang pinagsalasalang san~ga.
Totoong mariquit panoorin ang pagoui ni Robinson sa caniyang tahanan
na ang nan~gun~guna,y, ang maamong hayop at nacatatalastas nang daan
na pagdating nang caniyang pan~ginoon, capagdating sa pintò ay
tumitiguil at nang maibis siya nang pasan, pagcatapus ay pumapasoc na
nacayucod, at saca sumusunod kay Robinson.

Datapoua,t, ¿ano ang sasabihin co sa pagsalubong nang man~ga inacay sa
canilang ina? Caracaraca,y, sinasalubong siya, na ipinahahayag ang
canilang catotouaan nang paglucso at pagsigao; nagdudumali naman nang
pagsalubong sa canilang pan~ginoon. Natotouang di hamak si Robinson sa
gayong asal nang caniyang man~ga hayop, tulad sa isang ama sa
pagcaquitang di magcamayao ang caniyang man~ga anac, sa pagcaquitang
siya,y, bagong dating, na mahaba nang panahong di siya naquiquita at
muli niyang yayacapin sila.

Si Basilio. Tunay n~ga at totoong nacatotoua, at bucod dito,y,
naguiguing isang aral sa atin ang pagganting loob nang m~ga hayop sa
tauong nagmamahal sa canila.

Ang ama. Tungcol sa bagay na iyan ay may marami at man~ga catacatacang
halimbauà, na mapipilitan tayong magacalà na tila tunay na sila,y,
mayroong pagiisip na para nang tauo, cung ualang man~ga ibang
catunayan na nagpapatotoong uala n~ga siyang pagiisip.

Si Enrique. Caya n~ga, sa ating librito nang Moral ay sinasalitâ ang
pagganting loob nang leon sa tauong bumunot nang tinic sa caniyang
paa.

Si Teodora. Ay, naalaala co na. At yao,y, isang leong totoong
magaling, sa pagca totoong umiibg sa tauong nagcauang gauà sa caniya;
at pagcatapus ay minsang sila,y, nagquita, ay sa gayong matatampalasan
niya, ay hindi inanó: ibig cong magcaroon nang isang leong munti, cung
gayon ang asal nang lahat.

Ang ama. Man~ga anac co, n~gayo,y, nalilimutan natin si Robinson, at
quinaliliban~gan natin ang caniyang historia, itiguil muna natin
n~gayon, at saca na natin ipagtuloy sa ibang arao.

Si Teodora. Houag pò, houag pò, caunti pa pong salitâ cay Robinson.

Ang ama. Tumigas na ang caniyang man~ga ladrillo na magagaua niyang
pader, at sa caualan nang apog, ay humanap siya nang lupà. Isang
manipis at malinis na bató ang guinaua niyang sandoc; at sa pagnanasa
niyang magcaroon nang lahat nang casangcapan nang cantero ay
nagpumilit siyang gumauà na cahit papaano.

Si Nicolás. Oo pô, at naquita namin ang man~ga casangcapang iyan.

Ang ama. Yayamang siya,y, mayroon nang man~ga ladrillo,t, casangcapan,
ay ipinapasan niya ang man~ga quinacailan~gan niyang ladrillo sa
caniyang hayop.

Si Juan. Datapoua,t ¿paano ang gagau-in niyang pagpapasan sa hayop na
llama nang man~ga ladrillo?

Ang ama. Mahirap ninyong mahulaan; datapoua,t, sasabihin co sa inyo.

Malaon nang panahong iniisip ni Robinson cung gaanong capaquinaban~gan
ang caniyang cacamtan sa pagcatutong gumauà nang buslò; datapoua,t,
nang siya,y, batà pa ay pinauaualan niyang halaga ang paggauà nang
man~ga manlalala nang buslò, na inaari niyang totoong madali, na para
naman nang inaacalà niya sa man~ga ibang bagay. Gayon ma,y, sa
pagca,t, siya,y, natumpac nang gumauà nang balancas nang caniyang
payong, nang matapus ay pinagaralan niyang matagal sa man~ga oras na
ualà siyang guinagaua ang paglala nang buslò hangan sa natutuhan niya
na macayari siya nang isang buslong may catibayan. Natatalastas na
ninyo na ang macagauà nang isang daan. Si Robinson ay gumauà nang
dalaua, pinagcabit at inilagay na pinapagtimbang sa licod nang
caniyang hayop na llama.

Si Juan. ¡Ay ama co! matotouà acong magaral na maglala nang buslò.

Ang ama. At aco naman, Juan. Isang arao ay paparituhin natin ang isang
manlalala nang buslò, at tayo ay paturò sa caniya.

Si Juan. Mabuti pò; at cung gayo,y, gagauà aco nang isang canastillong
totoong mariquit na ibibigay co cay Luisa.

Si Luisa. Aco po,y magaaral naman: ¿ibig pò baga ninyo, ama co?

Ang ama. Malaqui ang ibig co; at iyong mapapaquinaban~gan. Mangyayari
n~gang sa atin ay marapat ang paglalala nang buslò, sa man~ga oras na
nagsasalità aco sa inyo nang anomang historia, at ualà tayong nagagaua
na pinagcacaliban~gan.

Totoong madali ang pagcayari ni Robinson sa bago niyang guinagauà, at
naiban~gon na ang isang panig nang pader, at nailagay na ang simiento
nang cabilang panig, ay siyang pagcacataon na may nangyari sa caniyang
biglang biglâ na isang bagay na di niya nagugunitâ at di
nararanasranasan na sa isang sandali ay nasira ang lahat niyang
binabantà at napaui ang lahat niyang pagasa.

Si Juan. ¿Ano pò ang sacunang yaon?

Si Luisa. Natapus na: dumating ang man~ga tauong damó, at siya,y,
nilamon.

Si Teodora. ¡Dios co! ¿Tunay n~ga pô baga na siya,y, nilamon, ama ko?

Ang ama. Hindi: hindi iyan, cundi ibang bagay na totoong quinatacutan
niya para nang cung iihao siyang buháy niyong man~ga tauong damo.

Si Juan. Maanong sabihin pò ninyo sa amin, at aco,y, nan~gin~ginig
nang tacot.

Ang ama. Niyon ay gabi na; ang bouan ay totoong nagliliuanag,
humihihip ang palaypalay na han~gin, at ang boong sangsinucuban ay na
sa isang daquilang capayapaan. Si Robinson ay sa capaguran sa
caniyang man~ga guinagauà, ay naghihilighiligang matahimic sa caniyang
hihigan na na sa caniyang paanan ang caniyang man~ga hayop; at siya,y,
nacalilimot na, at napapanaguinip na para nang caraniuang nangyayari
sa caniya ang caniyang man~ga iniibig na magulang, caguinsaguinsa,y,
... Datapoua,t, houag nating ipatuloy itong nangyayaring
caquilaquilabot, at baca inyong mapanaguinip ay magcaroon cayo nang
caligaligan sa gabing ito.

Ang lahat. ¡Ay sayang na sayang!

Ang ama. Itiguil natin n~gayon ang bagay na ito, at ang isipin natin
ay ang macalilibang sa inyo, at nang matapus ang arao sa caligayahan,
yayamang ang naguing pasimulâ ay sa caligayahan din, at sa pagca,t,
pinabayaan nang Dios na pacamtan sa atin.

Hali cayo, man~ga anac co, tayo,y, magalio na sandali sa ating jardin,
at alagaan natin ang ating man~ga bulaclac; yayamang hangang n~gayon
ay hindi pa natin nadadalao.




=ICASIAM NA HAPON.=


Magmulâ nang salitin nang ama ang caquilaquilabot na sasapitin ni
Robinson, na di mapagcuro nang man~ga batà, ay nagcaroon nang totoong
maraming caabalahan, na nacaraan ang maraming hapon na di
nagcalouagang ipatuloy ang historia.

Totoong naiinip ang man~ga batà, ibig matalastas cung ano ang nangyari
sa caauaauang cay Robinson, at ipagpapalit na malouag ang canilang
trompo ó ang lalong minamahal na laroan, macaquita lamang nang
magsasalitâ sa canila nang nangyari cay Robinson sa gabing yaon, na
hindi ipinatuloy na sinalitâ nang canilang ama. Datapoua,t, ang
casam-an ay sino ma,y, di macapagsalitâ sa canila cundi ang canilang
ama lamang, n~guni,t, di minamarapat na salitin, hangan sa siya,y,
matahimic, at nang masalitâ niya nang boong cahusayan.

Hangang di nasisiyasat ang bagay na ito, ay ualang malamang gau-in ang
man~ga batà nang paghuhulohulò; mayroong nagsasabi nang ganito, at ang
iba nama,y, ganoon; datapoua,t, sino ma,y, di macatuclas nang tunay
na nangyari, at sa pagca n~ga,t, di nila natatalastas.

¿At baquit ayao pa pô ninyong paalaman sa amin? ang tanong nila. Ang
sagot nang ama,y, sa pagca,t, may cabagayan.

Ang man~ga batà, na sa mabuting pagcaturò ay nahihirating tumahimic
capag ganoon ang isinagot nang canilang ama, ay hindi na umuulit na
tumanong, at nagtiis na naghintay cung cailan sasalitin sa canila ang
lihim na yaon.

Datapoua,t, sa pagca,t, ang man~ga tauong may cabaitan ay madaling
macapaguauari nang na sa sa loob nang man~ga batà, ay capagdaca,y,
natalastas nang ama sa muc-hâ nang caniyang man~ga tinuturoan, na
itinatanong nang baua,t, isa sa canilang sarili. ¿At baquit ipagcacait
nang ating ama itong ating ninanasà? ¿Anong cahirapan sa caniya ang
sabihin sa atin ang ating icatotoua? Inacala niyang mabuting ipahayag
niya nang mahusay; at caya n~ga ganito ang sinabi: nang matalastas
ninyong hindi sa caayauan cong magbigay sa inyo nang icalulugod, at
ang itiniguil co ang historiang yaon, ay sa pagca,t, mayroon tayo
n~gayong man~ga mahalagang bagay na gagau-in, n~gayon, man~ga anac
co, maghanda cayo, at bucas nang umagang umaga ay tayo,y, paparoon sa
Travemunda sa tabi nang dagat Báltico.

--¿Sa Travemunda pò baga tayo paroroon? na malapit sa dagat Báltico?
¿Bucas pò baga nang umaga? ¿At aco pò baga nama,y, macacasama? ang
tanong nang baua,t, isa sa man~ga batà.

Pinaoohan silang lahat; di masabi ang pagcacain~gay nila. ¡Paparoon
tayo sa Travemunda! ¡Paparoon tayo sa Travemunda! ¿Saan naroroon ang
aquing tungcod, Juanito, saan naroon ang aquing man~ga bota? magmadali
tayo: dalhin ang cepillo; ang suclay; magdala tayo nang damit na
malinis. Sa pagcacain~gay sa boong bahay, ay halos hindi magcarinigan.

Ang lahat ay humahanda sa pagalis sa quinabucasan, at sa malaquing
catouaan nila ay hindi magcaintindihan. Totoong pinaghirapan ang
pagpapatulog sa canila sa gabing yaon: sa pagca,t, totoong nagugulo
sila, at ang ibig ay magumaga na.

Nang quinabucasa,y, pinasimulan na ang pagcacain~gay nang boong bahay;
at nagguiguisin~gan sila hangan sa nagban~gong lahat.

Bucod tan~gi ang ama na di nagpapaquita nang caligayahan, quinucusot
ang matá at naguica nang ganito: ¡ay, man~ga anac co, malaquing
caligayahan ang cacamtan co sa inyo, cung aco,y, inyong pababayaang
houag tuparin ang aquing ipinan~gacò!--«¿Ano pong pan~gaco yaon?» ang
tanong nang lahat nang man~ga batà na napapan~gan~ga ang bibig, na
tila nan~gatatacot.

Ang ama. Sa ipinan~gaco co sa inyong tayo,y, paroroon sa Travemunda.

_Naragdagan ang catacutan: sinoma,y, di macapan~gusap nang cataga man
lamang._

Pinagcurocurò co sa gabing ito, na isang malaquing caululan ang
paglacad natin n~gayon.

Ang lahat. _Nan~gasasamáan nang loob, at pinipiguil ang luhà._ ¿At
baquit pò?

Ang ama. Sasabihin co sa inyo ang aquing catouiran, at aco,y,
pahihinunod sa marapatin ninyo. Ang unang una,y, sa pagca,t, man~ga
ilang arao nang humihihip ang amihan, na nagtataboy nang malacas sa
dagat nang lahat nang tubig nang ilog Trava, na ang sasac-yang papasoc
at lalabas sa uaua nang Travemunda, ay may malaquing capan~ganiban
¿anong cailan~gan at lalagay tayo sa capan~ganiban dahil sa isang
pagaalio lamang?

Si Juan. Mangyayari pô namang magbago n~gayon nang han~gin.

Ang ama. Ang icalaua,y, may isa pa acong naisipan. Mangyayaring iliban
natin man~ga sangbouan ang ating paglacad, sa pagca,t, siyang
capanahunan nang pagpasoc nang isdang arenque sa Baltico na
nangagaling sa Glasial, at dumadating ang sangbunton sa uaua nang ilog
na Trava, na doo,y, hindi pinaghihirapan ang paghuli nang totoong
maraming isdâ. ¿Di caya magcacaroon cayo nang isang malaquing
caligayahan sa panonood nang pan~gin~gisdâ?

Si Nicolás. Oo pò; datapoua,t, gayon man pô ...

Ang ama. Paquimatiagan pa ninyo n~gayon ang lalò pang malaquing
catouiran. ¿Ano ang sasabihin sa atin nang ating man~ga caibigan na si
Mateo at si Fernando, na sa loob nang isang bouan ay darating dito sa
bahay, cung canilang matalastas na tayo,y, nagsipagalio doon, na di na
natin inantay sila? ¡Laquing pagdaramdam nila sa touing sasalitin
natin ang ating caaliuan doon! Sa catunaya,y, sisisihin tayo nang
ating pusò na cung baquit hindi natin guinauà sa canila ang nìnanasà
nating gau-in sa atin. ¿At dahil dito,y, ano ang minamarapat ninyo?

_Dito,y, ualang nacasagot sino man._

_Ipinatuloy nang ama._ Natatalastas na ninyo na cailan ma,y, hindi aco
nagpapacasira sa pan~gun~gusap; at caya n~ga cung nagpipilit cayo, ay
lumacad tayo; datapoua,t, cusang cayo,y, napahihinuhod na aco,y,
maligtas sa aquing capan~gacuan, ay isang malaquing caaliuan ang
ibibigay ninyo sa aquin, at sa ating dalauang catoto na ating
inaantay, at pati sa inyo naman. ¿N~gayo,y, sabihin ninyo ang inyong
minamarapat?

Ang lahat. Hihintin pò namin, ang sagot nila, at naliban ang canilang
paglacad.

Ating mapaguunaua na marami sa man~ga batà ang papipilitan lamang sa
pagsunod, at hangan tanghali na hindi sila naquiquitaan nang cahit
calahati nang dating casayahan, ito,y, naguing dahil na sila,y,
pan~gusapan nang canilang ama nang ganito:

Ang ama. Ang nangyari sa inyo n~gayon, man~ga anac co, ay mangyayari
sa inyong macaisang libo habang cayo,y, nabubuhay. Totoong cayo,y,
umaasa sa alin mang cagalin~gan at caguinhauahan dito sa lupa:
totoong napapanatag ang inyong pagasa, at pinagnanasaan ninyong
masaquit na maganap. Datapoua,t, sa oras na inaacala na ninyong
maaabot na nang camay ang inyong capalaran, ay ang carunun~gang ualang
hangan nang Dios ay hindi sinusunod ang inyong nasà, at nasisira ang
inyong pagasa.

Anong man~ga catouiran ang tinataglay nang inyong Ama sa lan~git sa
pagaasal sa inyo nang ganito, ay bihirang bihira ninyong maquiquilala
nang totoong maliuanag, at di para nang pagcaquilala ninyo nang man~ga
catouiran co caya di natutuloy ang ating pagparoon sa Travemunda, sa
panahong totoong nagugulo ang inyong loob, at lubos ninyong inaasahan;
sa pagca,t, ang Dios na ualang hangan nang carunun~gan, ay
natatalastas ang darating, cahit anong layò pa, at totoong madalas na
ipinahihintulot niya sa icagagaling natin, na tayo,y, datnan nang
man~ga bagay na hindi natin napagtatalastas ang cagalin~gan hangan sa
malaong panahon, at madalas ay hangan sa icalauang buhay. Datapoua,t,
ang aquing pagpapatalastas ay hindi nalalayô, at sa mangyayari lamang
sa loob nang isang bouan. N~gayo,y, cung sa inyong cabataan ay ang
lahat nang mangyayari ay maaayon sa inyong caibigan, cung ang lahat
ay mangyayari sa oras na inyong inaantay, ¡ay totoong samà nang inyong
pagcacaugalian, man~ga anac co! ¡mahihirati sa masamâ ang inyong pusò!
¡Laquing pagdaramdam ninyo sa touing mangyayari ang anomang bagay na
hindi ninyo naiibigan at macasasamâ nang inyong loob! at sa
catunaya,y, darating ang panahon na inyong mararanasan, para nang
nararanasang lahat nang man~ga tauo; sa pagca,t, magpahangang n~gayon
ay uala pa sa lupa na isa mang tauong macapagsabi na ang lahat niyang
ninanasà ay nangyayaring lahat.

At n~gayo,y, ¿sabihin ninyo sa aquin, man~ga anac co, cung ano ang
inyong gagau-in? Uala na cundi ang cayo,y, maghirati sa pagcauala nang
alin mang caguinhauahan cahit ang lalong ninanasà; ang pagtatagumpay
na ito,y, inyong paghihirapan cung bagobago pa, pagcatapus ay di na
ninyo lubhang mamabigatin; at sa cauulit ay magcacaroon cayo nang
isang catibayan nang loob, na sa boong buhay ninyo,y, inyong matitiis
na mapayapa ang man~ga cahirapan ó caralitaang ipahahatid sa inyo nang
marunong at maauaing may ari nang capalaran nang lahat nang tauo.

Sa paraang ito,y, natatalastas ninyo, man~ga anac co, ang cadahilanan
na caming man~ga punò, ay di na namin ipinagcacaloob sa inyo ang
anomang caaliuan, at cung minsan pa,y, ipinaglilihim namin sa inyo ang
man~ga catouiran sa paggauà nang gayon; na ang caraniuang
pinacadaquila, ay ang pagtuturô sa inyo nang pagtitiis at
pagpapacatibay nang loob, na siyang man~ga cabanalang quinacailan~gan
sa pagdaraan dito sa maralitang buhay.

N~gayon nama,y, mapagcucurò ninyo cung baquit di co ipinatuloy na
man~ga ilang arao ang pagsasalitâ nang man~ga cahan~gahan~gang
nangyari sa ating Robinson. Natatalastas na ninyo na hindi aco
cuculan~gin nang panahon nang pagsasalitâ sa inyo niyon man lamang na
capanglaopanglao na nangyari sa caniya na quinatiguilan natin, at
totoong hindi ninyo mapagcurò. Datapoua,t, hindi inibig na sabihin sa
inyo ang bagay na ito, cahit aco,y, inaamoamò ninyo; baga ma,t,
nagcacailan~gan naman aco na magpiguil nang sariling calooban sa
pagcacait sa inyo nang anomang bagay. Hindi quinuculang aco nang
mabuting calooban sa pagbibigay lugod sa inyo: cung gayo,y, ¿anong
dahil nito, Luisa?

Si Luisa. Sa pagca,t, quinacailan~gan pô namin ang cami,y, matutong
magtiis.

Ang ama. Hindi n~ga ibang bagay, at cung mayroon cayong sucat
pasalamatan sa aquin balang arao, ay itong paghihirati co sa ínyo na
cayo,y, matutong magtiis, cundi ninyo quinacamtan ang totoo ninyong
pinagnanasaan.

Nang macaraan ang man~ga ilang arao na di napagsasalitaan ang tungcol
cay Robinson, ay dumating ang ninanasang oras nang ama na big-yang
caaliuan ang nagbatang loob nang man~ga batà, at ipinatuloy ang
pagsasalitâ nang historia nang ganito:

Gabi na n~ga, para nang sinabi co sa inyo, at si Robinson ay
nahihigang matahimic sa caniyang hihigang damong tuyô na casama nang
maamó niyang hayop, nanaguinip na para nang nacaugalian niya, anaqui
quinacausap ang caniyang man~ga magulang, di caguinsaguinsa,y, nayanig
nang malacas ang lupa, at narin~gig ang isang madagundong na ugong, na
may casamang malalacas na patac, na parang nagsabaysabay. Naguising si
Robinson na quiniquilabutan, at di niya maalaman cung ano ang
nangyayari, at cung ano ang caniyang gagau-in. Hindi naghuhumpay ang
sunodsunod na culog, at gayon din naman ang isang marahas na sigua na
nagpapabual nang man~ga cahoy, at sampo nang man~ga bató, at pinaaalon
ang nagn~gan~galit na dagat hangan sa cailaliman. Nalilingatong ang
man~ga elementos, at tila nan~gagaauay ang sangsinucuban. Sa malaquing
catacutan, ay lumabas si Robinson sa caniyang yun~gib, at ganito rin
naman ang guinaua nang man~ga natatacot niyang hayop; datapoua,t,
bahaguia na lamang nacalalabas, ay biglang lumagpac ang man~ga
malalaquing bató na pinacabubong nang caniyang yun~gib sa tapat nang
caniyang hinihigan, na umugong nang caquilaquilabot. Si Robinson dala
nang malaquing catacutan ay nagtatacbo sa pintò nang caniyang bacuran,
at nagsisunod naman ang man~ga caauaaua niyang hayop.

Ang naisipan niya,y, umaquiat siya sa isang malapit na bundoc, sa
isang tabi na inaacala niyang hindi siya malalagpacan nang man~ga
nabubual na cahoy, at nang houag siyang mamatay. Nang siya,y,
napatutun~go na roon, ay naquita niya nang malaquing catacutan na
nabuca ang bundoc at bumubuga ang asó, nin~gas, abo, man~ga bató, at
isang bagay na mainit at malambot na tinatauag na _lava_. Cahima,t,
lubhang mabilis ang caniyang pagtacbo, ay bahaguia na lamang siya
nacaligtas sa capan~ganibang ito; sa pagca,t, ang nagninin~gas na
lava, ay lubhang marahas na parang agos, at ibinubuga sa magcabicabila
ang man~ga pisang pisang na bató na bumabacsac na parang ulan.

Nagpatuloy siya nang pagtacbo sa tabi nang dagat, at ang acala niya,y,
ualang malaquing capan~ganiban doon; datapoua,t, doo,y, siya,y,
inaantay nang isang casacunaan. Isang marahas na ipoipo, na humigop
nang maraming tubig, na sa cabigatan ay biglang lumagpac, na naguing
isang malacas na ulan, na iquinaapao nang tubig sa sandaling panahon
sa lupang yaon.

Si Robinso,y, nangyaring nacaaquiat sa isang cahoy nang totoong
malaquing cahirapan; datapoua,t, ang man~ga caauaaua niyang hayop ay
natan~gay nang marahas na agos. ¡Ah, gaanong pagpipighati nang pusò ni
Robinson sa caauaaua nilang pagun~gal! Nang mangyaring houag mamatay
ang man~ga cahabaghabag niyang hayop ay ilalagay sana niya sa
pan~ganib ang caniyang buhay, cung hindi totoong napalayo, dahil sa
catulinan nang agos.

Nagtagal pa nang man~ga ilang minuto ang lindol; at saca biglang
tumiguil. Humipá ang sigua, ang pagbuga nang apuy sa nabucang lupa ay
untiunting nauauala; tumiguil ang ugong, at sa loob nang calahating
oras ay cumati ang tubig.

Si Teodora. ¡Salamat sa Dios at nacaraan na ito! ¡caauaaua si
Robinson! ¡Caauaaua ang man~ga hayop!

Si Luisa. ¡Totoong malaqui ang pagcagulat nila!

Si Carlos. ¿At baquit pô lumilindol ang lupa?

Si Juan. Matagal nang panahon sinabi iyan nang ating ama; datapoua,t,
uala ca rito niyon.

Ang ama. Ipaaninao mo sa caniya, Juan.

Si Juan. Tingnan mo; sa ilalim nang lupa ay may maraming totoong
malalaquing lun~gâ, na parang man~ga yun~gib; at itong man~ga lungang
ito ay punò nang han~gin at man~ga init nang lupa, ó man~ga sin~gao.
At diyan nama,y, may man~ga asupre, at iba pang man~ga bagay na cung
minsa,y, nagiinit at nagninin~gas capag nalamigan.

Si Teodora. ¿At baquit nagiinit at nagninin~gas sa calamigan?

Si Juan. ¿Di mo naquiquita na ang apuy capag binusan nang tubig ay
tila cumuculà, at capag mainit ang arao at umulan ay ang isinisin~ga
ay mainit? Gayon din naman sa ilalim nang lupa ay nagiinit ang man~ga
bagay na naroon, capag inaabot nang tubig, at capag nagiinit na sa
man~ga lungang yaon, ay ang han~gin na ibig lumabas ay ualang
paglabasan, at sa pagiibig lumabas ay ito ang inililindol nang lupa,
na cung minsan ay pumuputoc at nalalahang ang lupa, at sa lahang na
ito ay lumalabas ang man~ga asupre at iba pang bagay na nagninin~gas.

Ang ama. Ang dito sa man~ga bagay na nagninin~gas, para nang man~ga
bato, man~ga tingâ, bacal at iba pa ay nangagaling yaong tinatauag na
_lava_. Nabasa cong minsan sa isang libro, na sino ma,y, macagagaua
nang isang bundocbunducan na bumubuga nang apuy. Cung ibig ninyong
maquita, ay ating ticmang isang arao.

Ang lahat. Oo pô.

Si Juan. ¿At paano pô ang paggauà nito?

Ang ama. Huhucay sa lupang basà, at bubusan nang asupre at
pinagquiquilan nang bacal, at ang man~ga bagay na ito,y, nag iinit na
cusà, at dito naquiquita ang pagcatotoo na cung baquit may lumalabas
na apuy sa man~ga bundoc.

Samantalang si Robinson ay bumababa sa cahoy ay ang caniyang loob ay
totoong nagpipighati at totoong nalulupaypay sa casacunaang sa
caniya,y, nangyari, na disi na naisipan tuloy na magpasalamat sa
nagligtas sa caniyang muli sa isang malaquing capan~ganiban na sucat
icamatay. Tunay n~ga,t, ang caniyang calagayan ay totoong cahabaghabag
mahiguit sa dati. Ang caniyang yun~gib, na nacaisaisang tinatahanan
magpahangan sa arao na yaon, ay humuhò na, at tila di na niya
matatahanan cailan man: ang man~ga maamò at minamahal niyang hayop ay
natan~gay nang tubig at inaacala niyang nan~gamatay na ang lahat nang
caniyang man~ga gauà ay nasira at naualang cabuluhan ang caniyang
inaacalà. Baga ma,t, ang bundoc ay hindi na bumubuga nang apuy, ay
sumisin~gao na paitaas ang isang maitim at macapal na asó, na tila
magmula niyaon ay ang bundoc na yao,y, naguing volcan. Sa bagay na
ito,y, ¿paanong pangyayari na tumaban doon si Robinson nang iisa mang
sandali na di quiniquilabutan ang loob? ¿Di caya nasisindac siya na
baca cung lumindol na naman ay bumuga ang apuy? Totoong nasira ang
caniyang loob sa capighatian; at bago magsacdal sa Dios, na síya
lamang batis nang tunay na caaliuan, ay ang caniyang hinaharap lamang
ay ang sasapitin niyang caralitaan, na inaacala niyang di na
matatapus.

Lumapit sa punò nang cahoy na caniyang binabaan; at doo,y, nanambitan
nang calumbaylumbay na man~ga paghibic, na nangagaling sa nagsisicsic
niyang pusò at nagpalumagui na ualang munting caaliuan sa gayong
calagayan, hangan sa mamanaag ang arao na nagpapaquilala nang
paguumaga.

Si Teodora. N~gayon co naquita na may catouiran ang ating ama.

Si Ramon. ¿At baquit?

Si Teodora. Inaacala cong di pa nalalaon na si Robinson, sa pagca,t,
nagbago nang asal, ay catouirang han~goin na siya nang Dios sa man~ga
cahirapan sa pulóng yaon; at ang sagot nang ating ama, ay ang
Pan~ginoong Dios ang siyang nacaaalam sa lahat, at hindi nararapat na
ating bulaan ang caniyang calooban. Datapoua,t, n~gayo,y, naquiquita
co na si Robinson ay hindi pa umaasa nang dapat sa Dios, at nauucol
na houag muna siyang han~goin sa pulóng yaon.

Si Nicolás. Ganito rin naman ang inaacala co, at caya hindi co siya
iniibig na para nang dati.

Ang ama. Uastò ang inyong pagdidilidili man~ga anac co, sa pagca,t,
naquiquita nating tunay na si Robinson ay hindi pa napupuspos niyong
matibay at ualang pagmamalio na pagasang anac sa Maycapal nang matapus
nang caniyang matangap ang maliuanag na catotohanan nang caniyang
cagalin~gan at carunun~gan. Datapoua,t, bago natin siya sisihin, ay
lumagay tayo sa caniyang calagayan, at siyasatin natin ang ating
sariling consciencia, na tumanong tayo sa ating sarili, na cung lalong
magaling ang ating gagau-in cung tayo,y, nalalagay sa calagayan ni
Robinson. ¿Ano ang acalà mo, Nicolás? cung icao baga,y, si Robinson,
¿ay magcacaroon ca caya nang lalong malaquing pagasa na mahiguit sa
caniya?

Si Nicolás. _(Sumagot siya nang marahan at pacumbaba.)_ ¿Ano pô ang
quinaalaman co?

Ang ama. Alalahanin mo na niyong icao ay magcasaquit nang malubhâ sa
mata at naguing cailan~gan ang tapalan nang cantárida, ay ipinagtiis
mo nang malaquing hapdi. Maaalaala mo na ang caculan~gan nang iyong
pagtitiis at cahinaan nang iyong loob, baga ma,t, ang iyong saquit ay
tumagal nang tatlong arao lamang. Inaacalà co na n~gayong icao ay
lumalaqui laqui na ay mababatá mo nang lalong malaquing catiisan ang
gayong saquit; datapoua,t, ¿magcacaroon ca baga niyong catibayan at
capacumbabaan nang loob na quinacailan~gan sa pagbabatá niyong lahat
na dinadalita nang caauaauang si Robinson? ¿Ano ang uica mo dito?
inaacalà co na ang dimo pagimic ay siyang tunay na casagutan sa
itinatanong co sa iyo. Sa pagca,t, (sálamat sa Dios) cailan ma,y, di
mo sinapit ang man~ga caralitaan nang caauaauang si Robinson, ay hindi
mo masasabi cung ano ang iyong dadamdamin at aasalin cung nagcagayon
ca. At caya n~ga ang dapat nating gau-in, ay tayo,y, mahirati sa
pagtitiis nang man~ga munting cahirapan, na marahil ay ipagcacamit
natin nang catiisan at pagasa sa cagalin~gan nang Dios, at nang cung
masanay ang ating loob, ay mangyaring tiisin natin ang lalong man~ga
malalaquing cahirapan na minamarapat nang Dios na ipahatid sa atin.

Naguumaga na n~ga; at sinicatan nang bagong liuanag na nagbibigay
ligaya sa lahat ang caauaauang si Robinson na nacahilig sa cahoy, at
na sa isang cahabaghabag na calagayan na para nang sinabi na natin.
Hindi napipiquit munti man ang caniyang mata sa boong magdamag, at ang
caniyang iniisip ay cung ano ang caniyang casasapitan.

Sa catapusa,y, lumacad siyang hahapayhapay, na para nang isang tauong
nagaantoc, at dumating siya sa gumuhò niyang tahanan. Datapoua,t,
¡laquing caligayan ang dinamdam niya nang caniyang maquita sa tabi
nang caniyang bacod!... ¿Ano caya ang caniyang naquita?... Ang
caniyang man~ga minamahal na hayop, na mabubuti at malalacas, at
nan~gatototouang nan~gaglulucsuhan sa pagsalubong sa caniya. Tila di
siya macapaniuala sa caniyang naquiquita; datapoua,t, inalis siya sa
pagaalinlan~gan nang man~ga naturan niyang hayop, na lumapit sa
caniya, hinimuran ang caniyang camay, at ipinaquiquilala ang canilang
catouaan sa pagsisigauan at paglulucsuhan nang siya,y, maquita.

Si Robinson na magpahangan sa oras na yaon ay tila nauaualang diuà, ay
caracaraca,y, pinagsaolan; tiningnan ang caniyang man~ga hayop, at
pagcatapus ay itinaas ang mata sa lan~git, na lumuluhà, hindi lamang
sa catouaan, cundi naman sa pagpapasalamat at pagsisisi sa di niya
pagasa sa Dios; at nilarò niya ang man~ga nagsauli sa caniyang hayop,
pagcatapus ay tiningnan cung ano ang calagayan nang caniyang tahanan.

Si Enrique. ¿At baquit pò naligtas ang caniyang man~ga hayop?

Ang ama. Ualang pagsalang niyong sila,y, madala nang tubig, ay naanod
sila sa isang lugar na mababao, at nang sila,y, dumating doon ay
sila,y, nagtacbuhan hangan sa sila,y, dumating sa canilang tahanan.

Siniyasat ni Robinson ang caniyang yun~gib; at malaqui ang
panguiguilalas nang caniyang maquita na hindi totoong malaqui ang
casiraan, para nang inaacala niya sa caniyang catacutan. Tunay n~ga at
gumuhò ang batong pinacabubong, na casama ang lupang quinatatamnan,
datapoua,t, hindi niya totoong pagpapaguran na caniyang alisin ang
gumuhò sa loob nang caniyang yun~gib, na dahil dito,y, magcacaroon
siya nang isang tahanang lalong maluang at maguinhaua na mahiguit sa
dati.

Bucod dito,y, may isa pang bagay na nagpapaquilalang maliuanag na di
ipinahintulot nang Dios ang sacunang yaon sa pagpaparusa cay
Robinson, cundi bagcus pa n~gang sa pagiin~gat at pagcacalin~ga sa
caniya; sa pagca,t, nang siya,y, malapit na at mapagsiyasat ang lupang
parang quinatatamnan niyong batong malaqui na naguiguing pinacabubong
nang caniyang tahanan, ay quinilabutan siya, sa pagcaquitang nalilibot
nang lupang buhaghag, na sa calaunan nang panahon ay sapilitang guguhò
dahil sa cabigatan nang batong yaon at sa cabuhaghagan nang lupa. At
tingnan ninyo rito ang ualang hangang carunun~gan nang Dios na
nacatatalastas na cung hindi mahulog ang batong yaon sa paglindol, ay
mababacsacan si Robinsong na sa loob na ualang pagsala; at caya n~ga
inibig na sa paglindol ay umugong, at sa catacutan ni Robinson ay
lumabas, at cundi gayon ay sapilitang mamamatay siya.

Dito matatalastas ninyo, man~ga anac co, na quinacalin~ga siya nang
Dios nang tan~ging pagibig sa oras na inaacalà niyang siya,y,
pinababayaan at quinalilimutan, at nang mangyaring siya,y, maipagadya
ay guinauang casangcapan ang paglindol na caquilaquilabot, na inaacalà
ni Robinson na siyang catapusan niya. Mangyayari naman sa inyo sa
inyong pamumuhay ang naranasan ni Robinson, cung pagmamalasin ninyong
magaling ang man~ga guinagauang paraan nang Dios sa pagcalin~ga sa
inyo; at sa alin mang calumbaylumbay na calagayan na inyong sasapitin
sa man~ga haharap na arao ay mamamasdan ninyo ang dalauang
catotoohanan: ang isa ay ang man~ga tauo,y, nagaacalang palagui na ang
canilang man~ga casacunaan ay mahiguit sa catunayan; at ang icalaua,y,
caya ipinahahatid nang Dios sa atin ang anomang caralitaan ay dahil sa
siyang dapat sa catouiran, na cung sa bagay ay ualang pagsalang
mapapanuto sa tunay nating capalaran.


Pagpilitan nating touina,y, igalang
ang lihim nang Amang Macapangyarihan,
sa pagca,t, ang ating boong capalaran
ay na sa caniyang mapagpalang camay.

Ang lahat nang bagay sa sangmaliuanag
capurihan niya ang ibinabansag,
at sa ating pusò ay humihicayat
paglingcoran siya nang boong pagliyag.

Ang lalong mapait sa caralitaan
ay isang biyayang tan~gi nang Maycapal,
tandang maliuanag na ibig pacamtan
sa atin ang touang ualang catapusan.





=ICASAMPUONG HAPON=.


_Ipinatuloy nang ama ang historia._

Nagpasalamat sa Dios si Robinson dahil sa inaligtas siya sa bagong
capan~ganiban, at maligaya nang ipinatuloy ang pagaalis niya nang
man~ga gumuhong bató sa caniyang tahanan. Hindi niya pinaghirapang
totoo ang pagaalis nang lupa at batong maliliit; datapoua,t, sa
cailaliman ay natitira ang isang malaquing bató; na baga ma,t, mabigat
ay quinacailan~gan tila ang calacasan nang maraming tauo, nang
maquilos sa quinalalag-yan.

Tinicman niyang itinulac ang pinacamaliit; datapoua,t ualang
quinasapitan, sa pagca,t, quinacailan~gan ang lalong malaquing lacas;
at nang matantô niyang ualang casasapitan ang caniyang pagod ay di
maalaman cung ano ang caniyang gagau-in.

Si Juan. Cung aco,y, si Robinson ay naalaman co cung paano ang aquing
gagau-in.

Ang ama. Tingnan natin cung paano ang iniisip mo.

Si Juan. Guinamit co sana ang isang palanca; para nang guinagaua
natin niyong arao, niyong pinagugulong natin ang isang cahoy na
mahaba.

Si Teodora. Yao,y, hindi co naquita. ¿At ano caya ang _palanca_?

Si Juan. Isang cahoy na mahaba at macapal, at ipinapasoc ang isang
dulo sa tabi nang cahoy ó batong bubuhatin, at ilinalagay sa ilalim
ang capirasong cahoy ó bató; at saca pinaglalambitinan na tiniticuas
ang cabilang dulo nang cahoy nang paggugulong.

Ang ama. Sa ibang arao ay ipahahayag co sa inyo ang cadahilanan nito.
Paquingan ninyo n~gayon ang guinaua ni Robinson.

Nang matapus na siya,y, macapagcurocurò na mahabang oras sa
catapusa,y, humun~go sa caniyang isip ang _palanca_; nang maalaala
niyang sa caniyang cabataan ay naquiquita niya, na guinagaua nang
man~ga tauo ang gayong paraan sa pagbuhat nang anomang bagay na
mabibigat, ay pinasiya sa loob na caniyang ticman.

Totoong lumabas na magaling ang caniyang acala, na sa loob nang
calahating oras ay nailabas na niya sa caniyang yun~gib ang dalauang
bato, na bahaguia na lamang maquiquilos nang dalauang catauo cung sa
camay lamang pararaanin; at malaqui ang caniyang catouaan nang
maquitang ang caniyang tahanan ay lumaquing di hamac na mahiguit na
dalaua sa dati, bucod dito,y, lalong tumibay sa caniyang acala; sa
pagca,t, ang naguiguing pinacapader at bubong, ay ang malaquing batóng
ualang laman ang loob, na sa magcabicabila ay ualang mahahalatang
butas.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿ano pong nasapit nang caniyang gagamba?

Ang ama. Natotoua aco,t, ipinaalaala mo sa aquin. ¡Caauaauang gagamba!
at nalilimutan co na. Ang masasabi co lamang sa iyo, ay ualang
pagsalang namatay siya sa pagguhô nang bató. Ang tunay ay hindi na
naquitang mulî ni Robinson, at iquinatoua na niya ang pagcauala nito
dahil siya,y, may casama nang man~ga hayop na llama.

Nan~gahas siyang lumapit sa volcan, na linalabasan nang maitim na asó;
datapoua,t, ¡gaano ang caniyang panguiguilalas nang maquita ang
caramihan nang man~ga bagay na nan~gatutunao at umaagos sa
linibid-libid nang volcan, at hindi pa lumalamig! hindi siya macalapit
na totoo, at pinanonood niya sa isang lugar na may calayuan ang
caquilaquilabot na pagusoc, sa pagca,t, pinipiguil siya nang caniyang
catacutan at nang cainitan na houag siyang lumapit doon.

Nang matalastas niyang ang man~ga bagay na iniaanod nang volcan ay
napatutun~go sa lupang tinutubuan nang man~ga patatas, quinilabutan
siya sa pagiisip na baca yaong umaagos na apuy ay nacasira sa halamang
yaon; at hindi siya natahimic han~gan sa di siya nacarating doon.
Pinaronan n~ga niya ang lupang quinatatamnan nang man~ga patatas, at
di mamagcano ang caniyang catouaan nang caniyang maquitang hindi
naaano; datapoua,t, sa anomang mangyari, ay inaacalà niyang magtanim
nang man~ga patatas pa sa iba,t, ibang lugar nang pulò at nang cung
anoman ang mangyari ay houag siyang maualan niyong totoong mahalagang
bun~ga; at baga ma,t, ayon sa inaacala niya, ay totoong malapit na ang
invierno, ó taglamig, ay ang uica niya sa sarili: ¿sino ang
nacatatalastas cung ang man~ga halamang ito,y, hindi naaano sa
taglamig?[5]

Nang matapus na siyang macapagtanim, ay hinarap niya ang paggauà nang
caniyang cusina; at dito naman sa caquilaquilabot na bagay na caniyang
naranasan ay naguing dahil nang isang malaqui niyang capaquinaban~gan.
Sa pagca,t bucod sa man~ga ibang bagay na ibinubuga nang volcan ay may
nacacasamang man~ga bató nang apog. Caraniua,y ang guinagauà sa man~ga
batóng ito ay sinusunog muna sa isang horno; datapoua,t, dito,y, di
niya quinacailan~gan, sa pagca,t, naguiguing pinacahorno na ang
volcang nagninin~gas. Si Robinson ay uala nang sucat gau-ing ibang
bagay cundi ang humucay sa lupa nang isang balón, at ilagay doon ang
man~ga bató nang apog, pagcatapus ay busan nang tubig sa ibabao, at
saca haluin. Capag nagauá na ito ay sucat nang magamit sa
paglilichada; at hinaluan nang caunting buhan~gin ni Robinson, at
dahil dito,y, naipatuloy ang caniyang gauà nang malaquing caligayahan
niya.

[Talababa 5: Sa Europa, cung panahon nang taglamig ay nalalagas ang
man~ga dahon nang man~ga halaman na parang patay, at hindi
nagsisipamun~ga sa panahong yaon.]

Samantalang siya,y, gumagauà ay tumiguil nang pagusoc ang volcan,
dahil dito,y, nan~gahas nang lumapit si Robinson sa bibig niyong
volcan, doon niya natalastas na hangang ilalim ay malamig na, at sa
pagca,t, ualà nang lumalabas camunti mang usoc, ay inacalà niyang
napugnao na ang apuy sa ilalim nang lupà, at ualà na siyang sucat
catacutan.

Nanghinayang ang caniyang loob sa bagay na ito, at inisip niya ang
paghahandâ nang babaunin sa invierno ó taglamig; dahil ditò,y, humuli
siya nang ualong hayop na llama sa paraang guinauà niya nang una. Ang
lahat ay caniyang pinatay, liban na lamang sa isang lalaqui na isinama
niya sa tatlong maaamò na; at ibinitin sa caniyang cusina ang
caramihan nang laman nang man~ga hayop na ito, at nang caniyang
mapaasuhan, datapoua,t, ibinabad muna niya sa asing man~ga ilang arao,
sa pagca,t, naalaala niyang ganito ang guinaguà nang caniyang ina sa
canilang bahay.

Bagama,t, labis na ang inihandâ niyang cacanin sa taglamig, ay
natatacot si Robinson na bacá hindi magcasiya sa caniya, cung
sacali,t, ang taglamig ay totoong mahigpit at matagal; sucat sanang
macahuli nang marami pang man~ga hayop na llama; datapoua,t,
humihirap nang humihirap nang paghuli, sa pagca,t, ang man~ga hayop na
yaon ay natatacot na sa silò.

Quinacailan~gang magisip nang ibang paraan sa paghuli sa canila, at
natalastas ni Robinson ang paraang ito. ¡Totoo n~ga na ang pagiisip
nang tauo ay cung gagamiting magaling, para nang nararapat, ay totoong
madaling gumanà nang paraan sa icatataquip nang caniyang man~ga
cailan~gan, at icararagdag nang caniyang caguinhauahan! Natatalastas
niya na ang man~ga hayop na llama sa touing masusumpun~gan niya na
iinom sa batisan, ay nagtatacbuhan sa isang cagubatan sa dacong licod
nang pinacamataas na lupa. Sa taguiliran nito ay may lupang natatamnan
nang damo at diyan pumapanhic sa pinacaburol na ang taas ay may
calahating vara. Naramdaman ni Robinson, na sa pagtacbo nang man~ga
llama, ay caraniuang nagdaraan doon; at dahil dito,y, bumungô sa
caniyang pagiisip ang dapat gau-in. Sa macatouid ay humucay siya nang
isang malalim na balon sa lugar na yaon, at nang cung magdaan doon ang
man~ga hayop na llama ay man~gahulog at maculong sa balon. Hangang
tanghaling hinucay nang ualang capaguran ni Robinson ang balon;
tinacpan nang ilang damo ang ibabao, at sa icalauang arao ay naquita
niyang nahulog doon ang dalaua niong man~ga hayop na totoong
malalaqui.

Inacalà niyang sucat na sa caniya ang caniyang inihandang pagcain;
datapoua,t, uala sana siyang pagtataguan nitong caniyang baon sa
panahon nang taglamig, cundi siya pinagcalooban nang lan~git nang
isang pinacasilong dahil sa paglindol; sa pagca,t, dapat nating
matalastas, na sa malapit sa caniyang yun~gib ay may gumuhong bató, na
naguing parang isang yun~gib na ang lalim ay may tatlong vara, na ang
pinapasucan ay ang pinacapatio nang caniyang tahanan. Dahil dito,y,
nagcaroon siya nang isang munting silid, cusina at pinacasilong, na
totoong mabuti ang pagcacalagay, na parang sinadiya.

Tatlo pang bagay ang hindi niya natatapus naihahandà sa panahon nang
invierno ó taglamig, na inaantay niya; ang magtipon nang maraming damo
na cacanin nang caniyang man~ga hayop; ang pagtitipon nang cahoy, at
ang paghucay nang lahat nang patatas na itatago niya sa caniyang
silong.

Ang man~ga damó na caniyang tinipon, ay ibinunton sa harapan nang
caniyang bahay, para nang naquiquita niyang guinagauà nang man~ga
magsasaca dito; at sa baua,t, paglalagay niya ay pinapaicpic nang
caniyang paa at nang masinsing magaling na hindi tagusin nang ulan.
Datapoua,t, natalastas niya, na siya,y, nagcamali dito; sa pagca,t,
hindi niya pinatuyong mabuti muna ang damó. Sa pagca,t, cung hindi
ganito ang caniyang gauin, ay sa totoong casinsinan ay magiinit at
maguusoc. Hindi naririn~gig ni Robinson ang bagay na ito niong
caniyang cabataan, sa pagca,t, ualang quinacalin~gang anoman, ay hindi
niya natutohan ang man~ga quinacailan~gan sa isang bahay nang
magsasacá. Dito niya napaguari ang malaquing capaquinaban~gan nang
matuto nang anomang bagay, cahit hindi niya natatalastas ang sucat
paggamitan balang arao.

Labis ang pagtataca ni Robinson nang maquitang umuusoc ang isang
bunton nang damó: at lalò pang nanguilalas siya nang ipasoc ang
caniyang camay, at maramdamang nagiinit sa loob. Inacala niyang
mayroong apuy, bagama,t, hindi niya maalaman cung paano ang
pagdidiquit nang sariuang damó, at cung cailan nalaglagan nang apuy.

Mínulan nang pagaalis na isaisa nang damó; at totoong malaqui ang
caniyang panguiguilalas nang maquitang ualang apuy, at ang lahat nang
damó ay nagiinit at basabasà pa. Sa catapusa,y, napaguari niya na ang
casariuaan nang damó ang siyang naguiguing dahil nang pagiinit,
bagama,t, hindi niya matalastas cung paano ang pangyayari nito.

Si Juan. Aco ma,y, di co mapaguari ito.

Ang ama. Sa man~ga nangyayaring ito, Juan, na catacataca ay totoong
marami sa mundo; at ang pagiisip nang tauo, pagcatapus nang mahabang
panahon na pag-uauariuari at pagcucurò ay natalastas na maliuanag ang
tunay na cadahilanan nang man~ga nangyayaring ito; datapoua,t, di
naman natalastas na lahat. Ang pagcatalastas nang man~ga bagay na ito
ay maquiquita sa isang carunun~gan na hindi mo naaalaman man lamang
cung ano ang pan~galan. Tinatauag na Fisica. Diyan ipinaquiquilala ang
nangyayari sa calamigan, para naman nang sa man~ga ibang bagay na
tinatauag na natural, na sucat pagtachan. Cung pananatilihin ninyo ang
pagsisicap sa pagaaral, ay n~gayong man~ga ilang panahon ay ituturò
co sa inyo ang naturang carunun~gan, na totoong pagcacaliban~gan
ninyo. N~gayo,y, ualang capacanan ang pagpapaaninao co sa inyo nang
bagay na ito, sa pagca,t, di pa ninyo maabot nang pagiisip.

Pagbalican natin si Robinson, at talastasin ninyo na niong mapatuyò na
niya ang damô, ay muling ibinunton nang masinsin nang houag maano sa
han~gin at ulan, sa pagca,t, caniyang linag-yan nang pinacabubong na
cauayan, para nang guinagauà nang man~ga pastor sa canilang man~ga
cubo na naquita ninyo na nababalot nang dayami. Guinugol niya ang
man~ga sumunod na arao sa pagtitipon nang cahoy na tuyô na inaacala
niyang cailan~gan; at saca hinucay niya ang caniyang silong. Sa
catapusa,y, pinulot niya ang lahat nang man~ga dayap na hinog, na
nan~galalaglag sa pagugà niya sa punò, at itinagò niya,t, nang magamit
sa panahon nang taglamig; dito,y, napayapà na caniyang loob, sa
pagca,t, inacalà niyang sapát na ang caniyang inihanda sa totoong
taglamig.

Datapoua,t, magtatapus na ang bouan nang Octubre, ay hindi pa
nararamdaman ang calamigan na totoo niyang quinatatacutan;
datapoua,t, totoong naguulan na tila gumuguhô ang lan~git. Totoong
nalilingatong dahil dito si Robinson, at totoo niyang ipinagpipighati
ang pagcaculong sa caniyang tahanan na mahabang panahon na parang
isang nabibilango; sa pagca,t, mahiguit sa labing limang arao na di
siya lumalabas sa caniyang yun~gib, cundi sa pagparoon lamang sa
caniyang silong, sa bunton nang damo at sa batis, sa pagcuha nang
tubig at cacanin na quinacailan~gan niya at nang caniyang man~ga
hayop.

¡Labis nang tagal at calumbaylumbay ang paquiramdam niya sa man~ga
oras na nagdaraan, dahil sa caniyang pagiisa at, dahil sa ualá siyang
magauang pagcaliban~gan! Di sucat maisip, man~ga anac co, cung gaano
ang caniyang cahirapan. Cung mayroong magbibigay sa caniya nang isang
libro, ó isang pliegong papel, pluma at tintero, ay maligayang
ipagpipilit niya sa baua,t, pliego ang isang arao nang caniyang buhay.
¡Sa aba co! ang uiniuica niyang inuulitulit; ¡pagcaualang isip co
noong aco,y, bata, na inaari cong ang pagbasa at pagsulat ay isang
caabalahang nacayayamot, at ang pagcaulang gauà ay isang bagay na
nacaalio! Ang lalong nacababagot na libro ay aariin co n~gayong isang
cayamanan: sa isang pliegong papel at sa isang tintero na macuha co ay
hindi co ipapalit sa paguiguing hari.

Sa boong panahong ualà siyang guinagauà at siya,y, nayayamot ay
napipilitan siyang maglibang sa man~ga gauang hindi pa niya
nararanasan. Matagal nang panahong caniyang iniisip ang paraan nang
paggauà nang isang palayoc at isang ilauan, na totoong
paquiquinaban~gan niya, at icaaauas nang caniyang caralitaan. Baga
ma,t, totoong naguuulan, ay lumabas siyang nagtatacbo sa paghanap nang
lupà, at pinasimulan niya ang paggauà nang palayoc.

Dapat nating matalastas na hindi muna lumabas na magaling, at sa una
niyang paggauà ay nasisirà; datapoua,t, sa pagca,t, ualà siyang
magauang bagay na lalong mahalaga, ay guinauà niyang liban~gan ang
paggauà nang palayoc: at capag inacalà niyang yari na, n~gunit may
naquiquita siyang casiraan, ay binabago niya, at guinagauang muli.
Guinugol niya ang ilang arao sa paglilibang sa gauang ito, hangan sa
mayari ang palayoc at ilauan ó tinghoy na totoong mabuti ang
pagcacagauà, Inilagay niya sa caniyang cusina na malapit sa apuy, at
nang tumigas at matuyò, at saca ipinatuloy ang paggauà nang ibang
man~ga palayoc at caualì na iba,t, iba ang lalaqui at pagcayari, na
dahil dito,y, nabibihasa siya nang paggauà.

Hindi tumitila ang paguulan, at napilitan si Robinson na magisip nang
cung ano ang caniyang gagau-in sa panahong yaon, at nang siya,y,
maligtas sa cayamutan nang ualang guinagauà. Ang una niyang
pinagcaliban~gan ay ang paggauà nang lambat. May marami siyang
natitipong man~ga pisi, ó man~ga baguing na maliliit na parang abacá;
at palibhasa,y, may labis, siyang panahon at calamigan nang ulo sa
pagaaral nang paggauà nang lambat na macaualo ó macasampuong sinisira
niya, sa pagca,t, hindi cadaling lumabas na magaling, ay sa
catapusa,y, natumpacan niya ang tunay na paraan nang paggauà, at sa
casipagan niya ay totoong nabihasa siya, para nang man~ga babayi ó
man~ga batang gumagauà dito nang lambat. Tunay n~ga,t, naisipan niya
ang paggauà nang isang casangcapang cahoy, na pinutol nang caniyang
sundang na bató, at guinauà niyang parang ihauan; at sa paraang ito ay
nacagauà siya nang isang lambat, na sucat paquinaban~gan, para nang
man~ga guinagauà nating lambat dito.

Capagdaca nama,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang paggauà nang isang
panà at ilang man~ga palasô. ¡Oh! ¡Totoong malaqui ang caniyang
caligayahan sa pagcaisip nang bagay na ito, at sa pagcadilidili sa
malaquing capaquinaban~gang cacamtan niya sa caniyang panà! Sa
pagca,t, mapapanà niya ang man~ga hayop na llama, ó man~ga ibon, at
ang lalo pang sucat niyang paquinaban~gan, ay maliligtas siya sa
catampalasanan nang man~ga tauong bundoc na bacá sacali balang arao ay
tampalasanin siya. Sa malaqui niyang cainipan, na ang ibig niya,y,
maquitang mayari na ang caniyang pana, ay nagmadaling lumabas, na
hindi inalumana ang ulan at han~gin sa paghanap nang cahoy na
quinacailan~gan.

Di sucat nating paniualaan na ang alin mang cahoy ay nagagauang panà:
napagtalastas niya na quinacailan~gang humanap siya nang matigas na
cahoy, n~guni,t, mababaluctot, upang cung mahubog na, at umigcas naman
nang malacas.

Nang macaquita na siya nang isang cahoy na matigas at mahuhubog, ay
dinala niya sa caniyang tahanan, at caracaraca,y, pinasimulan na niya
ang caniyang paggauà; datapoua,t, ¡laquing paghihirap niya sa caualan
nang isang sundang na bacal! macadalauang puong tagâ bago niya malinis
ang cahoy, na dito,y, sa isang tagà lamang ay sucat na sa itac na may
patalim: at caya n~ga, bagama,t, maghapong ualang tiguil siya nang
paggauà nito na di niya binibitinan, ay naguing cailin~gan ang ualong
arao bago natapus. Ang ibang man~ga batang naquiquilala co ay hindi
nagcacaroon nang ganitong cayamutan nang ulo.

Si Teodora. _(Na quinacausap ang caniyang, man~ga casama.)_ Ang bagay
na ito,y, sinasabi nang ating ama sa atin.

Ang ama. Natumpacan mo, Teodora. ¿At ano ang inyong acalà? ¿di baga
totoo ang uica co?

Si Teodora. Oo pô; datapoua,t, magmula n~gayon, ay capag pinasimulan
co ang anomang gauà ay ipatutuloy co nang ipatutuloy hangan sa
matapus.

Ang ama. Ganito n~ga ang magaling, sa pagca,t, sa paraang ito,y,
napaiguing totoo si Robinson, caya n~ga nagcaroon siya nang di
mamagcanong caligayahan nang maquita niyang sa icasiam na arao nayari
na ang caniyang panà, na ualà nang culang cundi ang busog at man~ga
palasò. Cung caniyang naisipan ang paggauà nang panà niong macapatay
siya nang hayop na llama, marahil ay titicman niyang gauing busog; sa
pagca,t, natatalastas niyang magaling na sa Europa ay ang caraniuang
guinagauang busog ay ang bituca nang tupa; datapoua,t, sa caualan nang
bituca, ay pinili niya ang lubid na lalong matibay, at saca isinunod
niya ang paggauà nang palasò. ¡Gaano caya ang pagpapasalamat niya sa
magbibigay sa caniya nang capirasong bacal na sucat mailagay sa dulo!
Datapoua,t, nang pinagiisipisip niya na ualang masasapit ang caniyang
nasà, ay siya,y, na sa sa pintô nang caniyang yun~gib at caniyang
ilalagay sa dulo nang palasò, cahit hindi man bacal, nagcataong
nailin~gon niya ang caniyang mata sa capirasong guintô, na parang
ualang cabuluhang bagay ay nacalagay lamang sa lupà. Sinicaran niya
ang capirasong guintò, at ang uicà niya, ay maguing bacal ca, cung
ibig mong quita,y, pahalagahan. Capagcauicà nito ay hindi man lamang
tiningnang mulî.

Sa caniyang caiisip, ay naalaalang narin~gig niyang minsan, na ang
guinagamit nang man~ga tauong bundoc na pinacadulo nang sibat at
palasò ay ang man~ga tinic nang isdang malalaqui, at ang man~ga bató
namang matutulis, at pinasaya niya sa loob na matularan sila, at saca
gumauà naman siya nang isang pinacasibat.

Capagcaisip nito ay napa sa tabi nang dagat, doo,y, nagcapalad naman
siya na nacaquita nang man~ga tinic nang isdang caniyang hinahanap;
namulot naman siya nang man~ga batong inaacalà niyang mababagay sa
gagau-in niyang sibat; pagcatapus ay pumutol siya nang isang matouid
at mahabang cahoy na gagau-ing tangcay, saca umoui sa caniyang tahanan
na basang basà ang catauan.

Man~ga ilang arao ay nayari niya ang man~ga palasò at sibat; ang dulo
nang sibat ay batong totoong matulis, at ang dulo nang man~ga palasò
ay ang man~ga tinic nang isdà, at sa punò ay tinalian niya nang man~ga
pacpac nang ibon, sa pagca,t, sa ganitong paraan ay tumatacbong
magaling.

Tinicman niya ang caniyang panà, at inacalà niyang bagama,t,
nagcuculang nang ilang bagay na quinacailan~gan, na cung ualang
casangcapan ay hindi sucat mayari, gayon ma,y, inacala niyang sucat
nang maipanà niya sa ibon at sa iba pang man~ga hayop, at sinapantaha
pa niyang masusugatan niya nang panà niyang yaon ang isang tauong
bundoc na hubad, cung lumapit sa caniyang magaling. Datapoua,t, ang
totoong iquinaliligaya niya ay ang caniyang sibat.

At saca linapitan naman ang caniyang tinghay at man~ga palayoc at
caualing lupa, na sa pagca,t, naquita niyang tuyò na, ay caniyang
gagamitin; dahil dito,y, linag-yan niya ang isang cauali nang
capirasong tabà na quinuha niya sa man~ga hayop na llama, na ang isip
niya,y, cung matunao ay magagamit niyang pinacalan~gis. Datapoua,t,
totoong sumamâ ang caniyang loob nang maquita niyang matunao ang tabâ
ay tumatagas sa caniyang cauali, na caonting caonti lamang ang natira.
Dito,y, napaghulohulo niya na gayon din ang mangyayari sa caniyang
tinghoy at ibang man~ga cauali at palayoc.

Totoong malaqui ang caniyang capighatian, at baquit inaasamasam na
niya na siya,y, macacacain nang sopas, at macacaroon siya nang ilao sa
gabi; datapoua,t, naquita na ninyo na madaling napaui ang caniyang
pagasa.

Si Enrique. Totoo n~ga pô na malaquing capighatian ang cacamtan sa
pagcaquitang naualang cabuluhan ang caniyang pinagpaguran na mahabang
arao.

Ang ama. Ualà n~gang pagsala, at mayroong man~ga tauo na mayayamot na
at babasaguin na ang lahat. Datapoua,t, si Robinson ay mayroon nang
caunting catiisan, at tinica niyang matibay na cailan ma,y, di gagauà
nang anomang bagay na pasapiao lamang, cailan ma,t, mangyaring magaua
niyang magaling.

Umupo siya sa isang suloc na caniyang pinagiisipan, (gayon ang tauag
niya sa isang suloc nang caniyang yun~gib, na caraniuang pinapasucan
niya capag may pinagcucurong anomang bagay na mahalaga) at pinasimulan
niya ang pagcamot sa noo.

Hindi pa nagtitiguil ang laguing paguulan, at caya lamang nagliuanag
ang lan~git ay nang macaraan na ang dalauang bouan. Inacalà ni
Robinson na pasisimulan na ang panahon nang totoong taglamig ó
invierno, datapoua,t, nacaraan na. Naquiquita niya nang malaquing
pagtataca na ang primavera, ang panahon bagang pamumulaclac at
pagusbong nang man~ga bagong halaman ay pinasisimulan na; ito,y,
isang bagay na hindi niya malirip, at cahit caniyang naquita ay tila
hindi pa mapaniualaan. Ang bagay na ito, aniya, ay nagtuturò sa aquin
na di co dapat salahin pagdaca ang anomang bagay na di co mapaguari.

Ang ina. At capagcauicà nito ¿hindi caya natulog?

Si Teodora. Hindi pô, at cami po,y, hindi pa nagaantoc.

Ang ama. Tungcol sa bagay na iyan ay ualà acong balità; datapoua,t, sa
dating historia nang pagcatahan ni Robinson sa pulóng yaon, ay ualang
nangyaring anomang bagay sa arao na yaon; inaacalà co na nang matapus
na niyang mapagcurocurò ang paraan nang houag tumagas ang caniyang
palayoc, ay siya,y, natulog na. Ito rin naman ang gagau-in natin
hangang mamaya, nang tayo,y, maguising na maaga.




=ICALABING ISANG HAPON.=


Si Juan. N~gayon po,y, cung malagay aco sana sa lugar ni Robinson.

Ang ama. ¿Ibig mo baga?

Si Juan. Oo pô, sa pagca,t, mayroon ang lahat na man~ga
quinacailan~gan, at natitira siya sa isang lugar na totoong magaling,
na ualang totoong taglamig ó invierno.

Ang ama. ¿Cung sa bagay ay nasa sa caniya ang lahat niyang
quinacailan~gan?

Si Juan. ¿Di pô baga siya,y, mayroong patatas, at lamang cati, at
asin, at dayap, at isdà, at pagong, at talaba, at gatas na caniyang
guinagatas sa man~ga hayop na llama? ¿Di pô baga siya macagagauà nang
mantica at queso?

Ang ama. Mangyayari n~gayong man~ga ilang arao ay macagauà siya.

Si Juan. ¿At di pô baga naman mayroon siyang isang panà at isang
sibat; at ang lalonglalo pa ay mayroon siyang isang mabuting tahanan?
¿Cung gayon ano pa ang iibiguin?

Ang ama. Ang lahat nang ito,y, quiniquilala at pinahahalagahan ni
Robinson nang ualang hangan, at pinasasalamatang macalilibo sa Dios;
at gayon ma,y, ibibigay niya ang calahati nang man~ga arao nang
caniyang buhay sa natitira, cung pagcacalooban siyang may dumating na
isang sasac-yan nang siya,y, macaoui sa canilang bayan.

Si Juan. Datapoua,t, sabihin pô ninyo sa aquin. ¿ano pong quinuculang
sa caniya?

Ang ama. Maraming bagay, totoong marami, at halos masasabi co sa iyo
na quinuculang siya sa lahat nang bagay. Uala siya niyong man~ga
cagalin~gan na iquina-paguiguing mapalad nang tauo dito sa mundo: uala
siya sa casamahan nang man~ga tauo, uala siyang caìbigan, uala siyang
capoua tauong sucat ibiguin at umibig sa caniya. Nalalayô siya sa
caniyang man~ga magulang, na totoong nagpipighati dahil sa pagcaualà
niya, naualay siya sa caniyang man~ga catoto, na ualà n~gang pagasang
sucat pa niyang maquita cailan man, nalalayò siya sa lahat nang tauo
dito sa lupa ... ¡Cahabaghabag na Robinson sa gayong cahambalhambal na
calagayan! ¿Cahit ano bagang casaganaan niya sa lahat nang bagay dito
sa lupa, ay ipagcacamit caya niya nang caaliuan? Ticman mong minsan na
icao ay lumagay na isang arao sa isang suloc na ualang casama sinoman,
at maquiquilala mo cung ano ang mabuhay na nagiisa.

Bucod dito,y, hindi pa niya natatacpan ang ibang man~ga cailan~gan na
nacapagbibigay hirap sa caniya. Ang lahat nang damit na nasa catauan
ay naaagnas gulagulanit, at hindi niya maalaman cung paano ang dapat
niyang gau-ing paggauà nang bago.

Si Nicolás. Cahit ualang damit ay mangyayari siyang tumahan sa isang
pulò, na totoong mainit, at doo,y, hindi nagdaraan ang invierno ó
totoong taglamig.

Si Luisa. ¿Paano? ¿lalacad baga siyang hubad doon?

Ang ama. Totoo n~ga,t, hindi quinacailan~gan ang damit, sa pagca,t,
doo,y, hindi totoong malamig; datapoua,t, quinacailan~gan ang siya,y,
maligtas sa man~ga lamoc na totoong marami sa pulóng yaon. Ang man~ga
lamoc doon ay totoong masasaquit sisiguid at totoong pinahihirapan ang
man~ga nagsisitahan doon, at namamagâ ang lugar na masiguid at totoong
masaquit na para nang siguid nang bubuyog at pucyutan; at caya n~ga
ang muc-hâ at camay ni Robinson ay palaguing namamagâ. Tingnan ninyo
cung gaano ang caniyang sindac, nang maquitang naaagnas na ang
caniyang damit.

Ang bagay na ito at ang daquilang pagnanasang maquita ang caniyang
man~ga magulang, ó ang macasama naman nang man~ga tauo, ay dahil sa
man~ga bagay na ito,y, napipilitan siyang magbuntong hinin~ga sa
touitoui nang mailin~gap ang matang lumuluhà sa malauac na dagat, na
ualà siyang naquiquita cundi ang tubig at lan~git lamang. ¡Gaano ang
casayahan nang caniyang pusò, na napadadala sa magdarayang pagasa cung
nacaquiquita sa impapauid nang isang munting ulap, na sa caniyang
guniguni ay inaaring isang sasac yan ná naglalayag! At capag
napagquilala ang caniyang camalian, ¡ay gaano ang pagbagalbal nang
luhà sa caniyang man~ga mata, at parang iniinis ang caniyang pusong
nagbabalic sa caniyang tahanan!

Si Luisa. Ang nararapat niyang gau-in ay magsacdal sa Dios, na marahil
ay padadalhan siya nang isang sasac-yan.

Ang ama. Ganito n~ga ang caniyang guinagauà; datapoua,t, idinadagdag
na palagui ang ganitong pan~gun~gusap: _houag mong papangyarihin,
Pan~ginoon co, ang calooban co, cundi ang calooban mo._

Sa pagaalaala ní Robinson, na bacá sacali ay mayroong dumaan sa
malapit sa caniyang pulò, ó matiguil caya doon ang alin mang sasac-yan
sa oras na siya,y, nalalayô sa tabi nang dagat, ay inacalà niyang
maglagay sa isang pulô nang isang tandâ na pagcaquilanlan nang alin
mang sasac-yan doon ay magdaan, na doo,y, may humihin~gi nang tulong.
Nagtayò n~ga roon nang isang mahabang cahoy na binitinan nang isang
bandilà.

Si Juan. ¿At saan pò quinuha ang bandilang iyan?

Ang ama. Sasabihin co sa iyo. Naquiquita niyang masamâ na ang lagay
nang caniyang barò, na di na niya maisoot na muli; at quinuha niya ang
pinacamalaquing piraso, at ibinitin niya sa caitaasan nang mahabang
cahoy na caniyang itinayò. Sacá ninanasà niyang masaquit na lag-yan
nang sulat iyong cahoy na caniyang itinayo nang mapagquilalang
maliuanag ang mahigpit niyang cailan~gan; datapoua,t, ¿paanong
gagau-in niya ito? Ang nacaisa isang paraan na caniyang magagauà ay
ang sulatan niya nang dulo nang caniyang sundang na bató; datapoua,t,
ang lalong mahirap ay ang caniyang matalastas cung anong uica ang
caniyang ilalagay. Cung isulat niya sa uicang francés ó inglés, ay
mangyayaring dumating ang isang sasac-yang holandés, castila ó
portugués, at marahil ay sinoman sa man~ga nasasacay ay hindi
nacatatalastas nang man~ga pan~gun~gusap na yaon sa capalaran niya,y,
naalaala ang ilang man~ga uicang latin na itinuro sa caniya sa
alisagà niyang pagaaral, na dahil dito,y, naipahayag ang caniyang
inaacalà.

Si Juan. Datapoua,t, ¿mauunauà caya ito nang man~ga tauong nasasacay
sa daong, na bacá sacali maparaan doon?

Ang ama. Dapat mong matalastas na ang uicang latin, baga ma,t, hindi
ipinan~gun~gusap sa alin mang lugar, gayon man ay nacacalat at
napaguunauà sa lahat nang nacion sa Europa: at halos ang lahat nang
tauo na may camunting pinagaralan, ay macatatalastas nang caunti nang
uicang ito. Naaayon n~ga sa catouiran ang pagasa ni Robinson, na ang
alin mang sasac-yan na doo,y, mapasadsad, ay hindi mauaualan nang
macatatalastas nang caniyang isinulat na uicang latin.

Si Juan. ¿At ano pò ang isinulat na yaon?

Ang ama. Ito ang isinulat: _Ferte opem misero Robinson._ ¿Natatalastas
mo baga ito, Juan?

Si Juan. Ang cahulugan pò nito,y, Tulun~gan ninyo ang caauaauang si
Robinson.

Ang ama. Ualang totoo siyang pinaghihirapan, para nang pagcasira nang
caniyang sapin at medias, at ang man~ga lamoc ay sinisiguid na mainam
ang caniyang paa na di niya maitiguil sa saquít; datapoua,t, sa boong
panahon nang paguulan ay dumaming totoo ang man~ga hayop na ito, at
dahil sa canilang man~ga siguid ay namamagâ ang caniyang muc-hâ,
man~ga camay at paa.

¡Di mamacailang siya,y, umupò sa suloc na caniyang pinagcucuruan, at
nang caniyang mapagisipisip ang man~ga paraan nang pagcacaroon nang
damit! datapoua,t, ualà siyang napapaquinabang; cailan man ay siya,y,
quinuculang nang alin mang casangcapan at nang ucol na carunun~gan,
nang mangyaring caniyang macamtan ang lalò niyang ninanasà at ang lalò
niyang quinacailan~gan.

Cung gagau-in niyang damit ang man~ga balat nang man~ga hayop na llama
ay inaacala niyang siyang lalong madaling paraan; datapoua,t, ang
man~ga balat ay magagaspang at matitigas, at cailan man ay hindi niya
natalastas, at di man pinagmasdan niya cung paano ang guinagauà nang
man~ga nagpapalambot nang balat, at cung sacali ma,t, natutuhan niya
ang bagay na ito, ay ualà naman siyang carayom at sinulid na maitahi,
at nang macagauà siya nang papaano mang damit.

Gayon ma,y, totoong malaqui ang caniyang pagcacailan~gan, sa pagca,t,
sa arao ma,t, sa gabi ay hindi siya pinababayaan nang man~ga lamoc at
iba pang hayop na naniniguid, na cung di niya lalag-yan nang paraan
sapilitang siya,y, mamamatay.

Si Enrique. At ¿anong dahil at quinapal nang Dios iyang man~ga ualang
casaysayang hayop, na ualang guinagauà cundi ang pahirapan tayo?

Ang ama. Maitatanong co naman sa iyo, ¿baquit linalang ca nang Dios,
at aco naman, at ang lahat nang tauo? Ang caniyang cagalin~gan ay
totoong daquila, na hindi inibig na siya lamang ang mapalad, cundi
inibig naman na pati nang caniyang man~ga quinapal ay maguing mapalad.
At itong man~ga hayop na pinauaualan mong halaga, ¿di caya nagcacamit
naman nang canilang capalaran at caguinhauahan?

Si Enrique. Oo pô, sa pagca,t, naquiquita natin na naliligaya sa
caliuanagan nang arao at sa cainitang tinatangap sa caniya, at
naliligaya naman sa canilang quinacain at sa iba pang maraming bagay.

Ang ama. Cung gayo,y, dito mo mapagcucurò, na linalang sila nang Dios,
nang magcamit sila dito sa lupà nang man~ga caguinhauahang iyan at
nang capalarang sucat macamtan nila. ¿Di caya ito,y, isang panucalà
na carapatdapatan sa isang Dios na cagalinggalin~gan at lubhang
maauàin?

Si Enrique. Totoo n~ga pô; datapoua,t, ang ibig cong sabihin; ay
mangyayaring houag lalan~gin nang Dios yaong man~ga hayop na
nacapagpapahirap canino man.

Ang ama. Magpasalamat ca sa Dios at hindi guinauà ang gayong bagay.

Si Enrique. ¿At baquit pô?

Ang ama. Sa pagca,t, cung iyan ang caniyang guinauà, ay icao man, aco
man, at sino man sa atin ay hindi mabubuhay sa mundo, sa pagca,t,
tayong man~ga tauo ang siyang lalong nacapagpapahirap. Hindi lamang
ating alipin ang ibang may caramdaman at buhay, cundi naman pinapatay
natin sa toui nating maibigan, at nang ating macain ang canilang
laman, at nang ating paquinaban~gan ang canilang balat, cung minsan
nama,y, nang houag tayong siguirin, ó cung minsa,y, maraanan lamang
natin ay pinapatay natin, at sa catapusa,y, cahit ualang cadahilanang
ayon sa catouiran ay pinapatay natin. Cung sa bagay, ¿di lalong may
catouiran ang man~ga hayop, sa pagtanong na cung baquit linalang nang
Dios ang tauo na totoong malupit at tampalasan sa canila? At ¿anong
isasagot mo sa isang lan~gao na tumanong nang ganito?

Si Enrique. Iyon pô ang hindi co naaalaman.

Ang ama. Paquingan mo, at aquing sasagutin ang tanong nang lan~gao:
ang iyong tanong ay totoong pan~gahas, at maliuanag na napagtatalastas
na ualà cang pagiisip na sucat macapagcurò; sa pagca,t, cundi gayon,
ay sucat na lamang ang sandaling pagiisip, na ang Dios, dahil lamang
sa caniyang cagalin~gan ay linic-hà ang caniyang man~ga quinapal, na
ang isa ay magcacailan~gan sa isa at nang mabuhay, yayamang ang man~ga
halaman at man~ga bun~ga nang cahoy ay dili sucat na macabusog sa
sarisaring hayop na nan~gabubuhay. Nang mangyaring ang boong mundo ay
mabuhay, yayamang sa tubig, sa lupa at sa han~gin ay may man~ga hayop
na nan~galiligaya sa canilang cabuhayan, at nang houag naman dumaming
lubha ang alin mang bagay na hayop na macasasamâ sa iba; ay inibig
nang ualang hangang carunun~gan nang Dios na ang isa,y, macain nang
iba. At caya n~ga icao, lan~gao, na iniitit mo ang dugò nang ibang
man~ga hayop, at pati man nang dugò naming man~ga tauo, ¿baquit mo
aariing masamâ ang icao,y, hulihin nang gagamba, at icao ay canin
nang lan~gaylan~gayan?

¿Anong uica mo rito, Enrique? cung ang lan~gao ay may pagiisip, ¿di
caya pahihinuhod sa sagot na ito?

Si Enrique. Aco,y, totoong napahihinuhod.

Ang ama. Cung gayo,y, pagbalican natin n~gayon ang ating Robinson. Sa
malaquing caguipitan niya, ay guinugol ang buo niyang casipagan sa
pagpapalambot nang balat nang hayop na llama sa caniyang sundang na
bató: ang unang guinauà ay isang sapin, at pagcatapus ay gumauà nang
pinacamedias, baga ma,t, totoong masamâ ang pagcagauà. Sa pagca,t, di
mangyari niyang tahiin, ay binutasan na lamang at caniyang tinalian
nang capirasong lubid, na ilinapat niya sa caniyang paa, na baga ma,t,
totoo siyang pinahihirapan; at cahit caniyang ilinabas ang may
balahibo, ay toui na,y, nararamdaman niya ang malaquing cainitan sa
paa, at ang matigas na balat ay nacagagasgas nang caniyang paa sa
munti siyang lumacad. Gayon ma,y, minamagaan niya ang cahirapang ito
sa man~ga siguid nang man~ga lamoc.

Ang capirasong balat, na totoong matibay at matamboc ay guinauà niyang
máscara na linag-yan niya nang dalauang butas sa dalauang matá, at
isang butas sa bibig nang siya,y, macahin~ga. At yayamang nagauà na
niya ito, ay hindi pinabayaang di mayari ang isang pinacabarò at isang
pinacasalaual: tunay n~ga at totoong mahirap gau-in ito; datapoua,t,
¿aling bagay ang nacacamtan nang ualang capaguran? ¿At aling cahirapan
ang di nagagahis nang casipagan at catiisan? Sa catunaya,y, naquita ni
Robinson nang boong caligayahan na nayari ang caniyang gauà.

Ang caniyang pinacabarò ay tatlong pirapiraso, dalauang piraso sa
dalauang camay at isang piraso sa catauan, na paraparang natatali: ang
caniyang pinacasalaual ay dalaua namang piraso, sa harapan at sa
licoran, na nan~gatatali rin: at nang matapus na niyang maisoot ang
bago niyang damit ay itinagò niya ang sirasirang lumang damit, at ang
caniyang nasá ay isoot sa man~ga malalaquing capiestahan, at nang
caniyang maipagdan~gal ang man~ga cumpleaños nang caniyang man~ga
magulang.

Di sucat masabi at catacatacang anyò ni Robinson sa damit na yaon, at
ang man~ga sandata at casangcapan na caniyang dala: nababalot magmulâ
sa paa hangan sa ulo nang may balahibong balat; nasasacbat sa licod
ang malaquing palacol na bató; nasasabit sa balicat ang caniyang
supot, ang caniyang panà at man~ga palasô; tan~gan sa caniyang canang
camay ang caniyang sibat na totoong mahabà; sa caliuang camay ay ang
caniyang payong na dahon nang niyog; at isang sombrero na parang
buslong matulis ang dulo na nababalot nang balat nang hayop.
Pagisipisipin ninyo cung ano ang maguiguing lagay niya. Sino mang
macaquita sa caniya ay hindi macapagsasabi ni sa ilàlim nang damit na
yaon ay natatagò ang isang tauong may pagiisip; at pati siya ay hindi
natiis ang pagtataua nang maquita ang caniyang anyò nang siya,y,
manalamin sa isang tubig na malinao.

Sa pagnanasà niyang ipatuloy ang paggauà niya nang palayoc, ay gumauà
siya sa sandaling panahon nang hurno; at nang maticman niya agad na
cung sa carahasan nang apuy na nacuculong ay magcaroon nang
pinacabarnis ang lupa, ipinasoc sa naturang hurno ang caniyang man~ga
palayoc at man~ga cauali, at untiunting dinadagdagan nang apuy hangan
sa nagalab ang boong hurno. Pagcatapus na caniyang maapuyan sa loob
nang maghapong arao, ay pinabayaan niyang untiunting nagbauas ang init
at nang caniyang maquita cung ano ang masasapit. ¿At ano caya ang
nangyari? Ang unang palayoc ay hindi rin nagcabarnis, cahit anong
casipagan ang caniyang guìnauà; gayon din ang icalaua at ang lahat
naman; datapoua,t, nang caniyang pagmalasin ay natagpuan niya na ang
isang cauali sa pinacapuit ay may pinacabarnis.

Inacalà niyang ito,y, isang bagay na di sucat mapagcuro. ¿Ano cayang
bagay aniya, na ang isa lamang na ito ang magcacaroon nang barnis at
ang iba,y, hindi yayamang ang lahat nang ito,y, iisa ring lupa, at
iniluto sa iisa ring hurno? Matagal na pinagisip niya ito; datapoua,t,
sa calaunan ay caniyang natagpuan ang cadahilanan, na naalaala niya na
may caunting asin na nailagay siya sa caualing yaon, niyong isoot niya
sa hurno: at dito inacalà niya na ang asin ang naguing dahil nang
barnis na yaon.

Si Juan. ¿Tunay pô baga? ¿At ang asin pô baga ang gumauà niyon?

Ang ama. Tunay n~ga: ang natutuhan ni Robinson ay ang napagtatalastas
na mahabang panahon, at siyang guinagauà sa Europa, na sa asin ay
nagcacabarnis ang lupang inilulutò sa apuy. Binabasáng magaling ang
man~ga palayoc sa tubig na maalat, ó hinuhulugan ang hurnong
nagninin~gas, cung gayon ang caniyang guinauà, ay ang lahat sana,y,
nagcaroon nang barnis, at ito ang caniyang naranasan.

Caniyang pinanin~gas na ang hurno; binasâ na niya nang tubig na maalat
ang ilang man~ga palayoc at cauali, at ang iba,y, linag-yan niya nang
asin at nang maticman niyang sabay ang dalauang paraan, datapoua,t, sa
casalucuyan nang caniyang paggauà ay dinatnan siya nang isang sacunang
totoo niyang iquinatacot na macalilibo: isang saquit.

Naramdaman niya ang mahihigpit na saquit nang ulo, pagsisicsic nang
dibdib at malaquing panghihinà sa boong catauan na sa gayong cahirapan
ay ano ang masasapit nang isang tauong ualang sucat magalagà sinoman.

¡Dios co! ang sigao niya ¿anong masasapit co, cung aco,y, mahigá sa
banig dito na ualà sinomang mahabaguing tauo na magalagà sa aquin at
tumulong, cung aco,y, manghinà; ualà cahit isang caibigan na pumahid
nang malamig cong pauis, ó magbigay nang munting caguinhauanhan?
¿Ano, ang ipinagtalaga mo sa aquin, Macapangyarihang Dios?

Capagcauica nang man~ga pan~gun~gusap na ito, sa malaquing capighatian
at cahirapan, ay nabual sa lupang naghihimatay.

Dito n~ga ang mahigpit na pagsuboc nang lan~git na ibig maticman ang
caniyang catiisan, ay quinailan~gan niyang totoo na mahiguit sa una
ang isang matibay at mapacumbabang pagasa sa Pan~ginoon nang dilang
caauaan na sumasalahat nang bagay. Sa gayong calagayan na ualà
sinomang tumulong, sa gayong panghihinà, ¿ano cayang caniyang
sasapitin cundi ang mamatay na nalilipos nang di mamagcanong casalatan
at cahirapan?

Sa pagcahandusay sa lupa, na nacahaluquipquip nang mahigpit na halos
di macapan~gusap, at di man macapagisip, ay naquiquibaca sa di
mamagcanong cahirapan; at manacanacà lamang ay nacacatin~gin sa
lan~git, at inahihintò ang mataos niyang paghibic, at hinihin~gan
niyang tulong ang Amang Dios sa pamagitan nang maauaing Mananacop nang
man~ga tauo at nang caniyang calinislinisang Ina.

Datapoua,t, ang caniya ring pagcabalisa sa saquit na caniyang tinitiis
ay hindi ipinahintulot na siya,y, malagay na mahabang oras sa lupà;
at caya n~ga pinilit ang natitira niyang lacás, at ang nasà niya,y,
ilapit sa caniyang hihigan, cung mangyayari, yaong man~ga totoong
cailan~gan na caniyang cacanin, bago maglubhâ ang caniyang saquit na
di na macaban~gon, at di na siya macacuha nang anoman; nangyaring
nailapit niya, baga ma,t, di mamagcanong cahirapan ang caniyang
tiniis, sa caniyang hihigan ang dalauang bauo nang niyog na punò nang
tubig, ilang man~ga patatas na naquita niyang lutò, at apat na dayap,
na siyang natira lamang sa caniyang man~ga itinagó; bahaguia na lamang
natatapus ang gauang ito, ay nahapay siya sa pagod at nahapay siya sa
caniyang hihigan.

Totoong icaliligaya ni Robinson na sa oras na yaon ay cunin na siya
nang Dios sa buhay na ito, na biglang lagutin ang caniyang buhay, at
nacapan~gahas pang hin~gin niya ang camatayan na parang isang tan~ging
biyaya; datapoua,t, di naglaon at caniyang nagunamgunam na hindi ayon
sa catouiran ang panalan~ging ito. ¿Di caya, aniya, aco,y, anac nang
Dios? ¿di caya naman siya ang aquing Ama, at Amang maauain,
macapangyarihan, at sacdal nang carunun~gan? Cung gayo,y, ¿baquit
caya aco man~gan~gahas na magtuturò nang gagau-in sa aquin? ¿Di caya
niya natatalastas ang lalong nararapat sa aquin? At ¿di caya gagau-in
niya sa aquin ang lalong nauucol sa icagagaling co? ganito n~ga ang
ualang pagsalang gagau-in sa aquin niyong maauaing Pan~ginoon.
Sumapayapà ca, caloloua co; at sa ganitong pagiisa na ualang magampon
ay magsacdal ca sa Macapangyarihang tagapagtangol nang man~ga tauo sa
pamag-itan nang lubhang masintahing Virgen María, at sapilitang
tutulun~gan ca, oo, tutulun~gan ca sa cabuhayan at sa camatayan.

Dito nanghinapang ang caniyang loob sa man~ga paggugunamgunam na ito,
na nagmamacaauà siya sa Lan~git na siya,y, pagcalooban nang pagtitiis,
nang houag siyang lubhang magdalamhati sa caralitaang yaon;
datapoua,t, pinasucan siya nang isang malacás na lagnat. Cahit totoong
nagbalot nang man~ga balat nang hayop na llama ay hindi siya maginit,
na tumagal ang pan~gin~giqui nang man~ga dalauang oras. Sumunod ang
pagiinit na parang apuy, na nanalaytay sa lahat nang man~ga ugat, ay
parang iniihao ang loob nang caniyang catauan; at sa laguing
tiniboctiboc at quinabacaba nang caniyang dibdib ay parang siyang
totoong napapagod. Dito sa cahambalhambal na calagayan, ay bahaguia na
lamang nadampot ang isang bauong tubig at caniyang nainom, nang
malamiglamigan ang nanunuyô niyang dilà. Pagcatapus ay pinagpauisan
nang catacot-tacot, na nacapagbigay sa caniya nang caunting
caguinhauahan; dahil dito,y, pagcatapus nang isang oras ay
lumacaslacás siya nang caunti.

Bumungô sa caniyang pagiisip na bacá sacali mamatay ang apuy, cung di
niya dagdagan ang gatong, at pinagpilitan niya, cahit siya,y, totoong
nanghihinà at nahihilo, na lumapit sa sigâ, at lag-yan niya nang
man~ga cahoy na inaacala niyang casucatan hangan sa quinabucasan, sa
pagca,t, niyo,y, matagal nang lumubog ang arao. Sa boò niyang buhay ay
hindi siya nacaranas nang gayong calumbaylumbay at maligalig na gabi.
Ang lamig at init nang lagnat na naghahalihaliling ualang pucnat, at
ang lagui at matictic na saquit nang ulo ay hindi niya nacuhang
maipiquit ang mata sa boong magdamag; at caya n~ga lalong pinaghirapan
niya sa quinabucasan ang pagdaragdag nang cahoy sa caniyang sigâ.

Pinagpilitan niyang dagdagan din ang cahoy nang sigà sa gabi;
datapoua,t, totoong naglubhâ ang caniyang saquit na hindi na niya
nacuha. Napilitan siyang ihintò ang caniyang nasà, at inari niyang
ualang cabuluhan ang pagiin~gat nang caniyang apuy, sa pagca,t,
inacalà niyang tila malapit na ang caniyang camatayan.

Sa gabing ito,y, lalò siyang nabalisa na mahiguit sa una. Ang caniyang
apuy ay napugnao na, ang tubig na na sa bauo ay lumangtot na, at si
Robinson ay hindi na macapihit sa caniyang hihigan. Nang inaacalà
niyang nararamdaman na niya ang man~ga cabalisanhang tagapan~guna sa
camatayan, ay pinapanghinapang niya ang caniyang loob, sa paghahanda
sa camatayan sa pamag-itan nang isang mataimtim na panalan~gin, na
panibagong humin~gi siya nang tauad sa Dios sa caniyang man~ga
casalanan, mapacumbabang nagpasalamat siya sa man~ga biyayang
ipinagcaloob sa caniya habang siya,y, nabubuhay, baga ma,t, di siya
carapatdapat; at tan~gi naman pinasalamatan ang man~ga cahirapang
ipinahatid sa caniya na icapagbago niya nang buhay, at quinilala
niyang totoong nacagaling sa caniya ang man~ga cahirapan ito. Sacá
tinapos ang caniyang man~ga panalan~gin sa pagmamacaauà sa Dios na
big-yang caaliuan at magandang capalaran ang man~ga cahabaghabag na
magulang; at nang maipagtagubilin na ang caniyang caloloua sa ualang
hangang caauaan nang Maycapal, ay hinintay nang boong pagasa ang
huling sandali nang caniyang buhay.

Tila ang camatayan ay nagtutuling lumalapit sa caniya: nauululan ang
pagcabalisa; cacabacaba nang dibdib, at untiunting naghihirap nang
paghin~ga. Tila dumarating na ang caquilaquilabot na sandali;
nagdamdam siya nang isang caquilaquilabot na saquít na biglang
nacainis sa caniyang pusò, nagsiquip ang caniyang paghin~ga na
iquinapan~ginig niya, nalun~gayn~gay na marahan ang ulo ni Robinson,
naualan nang caramdaman, at nanlalamig ang boong catauan.

--Matagal na di na nacaquibo at di nanacaimic ang man~ga batang
naquiquinig, na parang iguinalang ang pagcaalaala doon sa canilang
catoto na cailan ma,y, hindi naquita. ¡Caauaauang Robinson! ang uicà
nang iba na nagbubuntong hinin~ga. «¡Salamat, aniya, sa Dios! ang
sigao naman nang iba, at natapus na ang caniyang man~ga cahirapan¡» At
saca lumigpit na sila, at taglay sa isip ang isang paggugunamgunam at
isang di maipagcailang pagdaramdam sa pagcatapus nang cauiliuiling
historia dahil sa pagcamatay ni Robinson, na di pa nila inaacalang
mamamatay na.




=ICALABING DALAUANG HAPON.=


Si Cárlos. ¿At sa hapon pong ito ay di ninyo pasisimulan sa amin ang
alin mang historia?

Ang ama. Sa catunaya,y, napagquiquilala ninyong lahat sa aquing
muc-hâ, na aco,y, natatalaga n~gayong magpahayag nang isang salitâ na
sucat icatuto ninyo at icaalio; yayamang tayo,y, nagcatipon sa lilim
nitong punong cahoy, ay samantalang linalala natin ang ating man~ga
buslô, at nang tayo,y, mabihasa sa gauang ito, ay sasalitin co sa inyo
ang isang nangyari ... ¿Canino caya nangyari...? Cay Robinson.
¡Baquit hindi cayo macasagot!

Si Cárlos. Mangyari pô; si Robinson ay namatay ...

Ang ama. Dahandahan ca, Cárlos. ¿Anong quinalaman natin cung
pinagsaulan nang hinin~ga? ¿Hindi mo naaalaalà na niyong arao ay
naacala na nating patay, at gayon man ay buhay pa?

Tunay n~ga iniuan nating naghihimatay, nacahilig ang ulo, at ualang
caramdaman; datapoua,t, untiunting napapaui ang caniyang pagcaliping;
untiunting nagsasauli ang caniyang man~ga caramdaman, at nagliuanag
ang caniyang pagiisip.

Ang lahat. Mabuti pò, mabuti pò cun, gayon. Malaqui pong totoo ang
aming caligayahan.

Ang ama. Isang malalim na buntong hinin~ga ang naguing unang tandà
nang pagalam niya nang pagcatauo. Ibinucas ang caniyang man~ga mata,
at inalin~gap sa magcabicabila ang man~ga nanlalabò niyang mata nang
maalaman cung saan siya naroroon. Tila nagaalinglan~gan cung siya,y,
buháy ó hindi; datapoua,t, nang matalastas na siya,y, buháy, ay
totoong nagpighatî siya, sa pagca,t, doon sa cahambalhambal na
calagayan ay lalò pa niyang iniibig ang magtuloy siyang mamatay.

Nararamdaman niya ang totoo niyang cahinaan, baga ma,t, ualang
casaquitang anomang nagpapahirap sa caniya, at ang lagnat na totoo
niyang dinaramdam, ay umouî sa pauis nang boong catauan; at nang
mangyaring houag humintò ay siya,y, nagbalot nang man~ga balat nang
hayop na llama at hindi siya cumilos, hangan sa nang matapus ang
calahating oras nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.

Hindi naglaon at sinumpong siya nang isang malaquing cauhauan; at nang
siya,y, iinom, ay naquita niyang ang tubig ay lumangtot na;
datapoua,t, nang maalaala niya ang man~ga dayap, ay hinati niya ang
isa, at sa pagsipsip niya nang catas, ay nabasâ at nalamigan ang
nanunuyò niyang bibig; pagcatapus nito,y, di rin tumitiguil ang
caniyang pagpapauis, ay siya,y, natulog nang mahimbing hangang
quinaumagahan.

¡Totoong maguinhaua ang paquiramdam niya doon sa man~ga oras nang
caniyang pagpahin~galay cung inahahalintulad niya sa man~ga saquit na
nagpahirap sa caniya nang macaraang arao! Ang cabigatan nang saquit ay
nacaraan na, uala na lamang natitira cundi isang daquilang cahinaan;
at nacacaibig na siyang cumain, ay nagalmusal siya nang isang inihao
na patatas, na pinigan nang dayap at nang magcalasa. Ang caniyang
man~ga hayop na hindi na niya naalaalang dalauang arao, ay nagpaquita
nang catouà touang bagay; sa pagca,t, humilig sa caniyang paanan, at
ang isa,y, tinitingnan siyang magaling, na parang itinatanong cung ano
ang caniyang lagay. Hindi cacaunting capalaran, na ang man~ga hayop na
yaon ay nangyaring nabuhay na di umiinom na man~ga dalauang arao, sa
pagca,t, cung hindi gayon ay totoong napapasamà sila sa loob nang
pagcacasaquit nang canilang pan~ginoon; bucod dito,y, sa pagca,t,
hindi pa siya macaban~gon at mabig-yan niya nang tubig ang caniyang
man~ga hayop ay magdaraan pa ang ilang arao na di sila iinom.

Ang inahing hayop ay lumapit cay Robinson, at yayamang nalalapit na sa
caniya ay pinagpilitan niyang gatasan. Ininom ang gatas nang may
saquit, at ualang sala na di nacatulong nang malaqui sa caniyang
paggaling yaong gatas na mainitinit pa, sa pagca,t, yayamang
nagcacailan~gan nang man~ga sustanciang pagcain, ay totoong nacabuti
n~ga sa caniya at nacaramdam siya nang malaquing caguinhauahan.

Natulog siyang matahimic hangan sa lumubog ang arao, at nang
maguising siya,y, nacaibig cumain, at yayamang ualà siyang sucat
macain cundi ang man~ga patatas na pinigan nang dayap, ay quinain
niya, at pagcatapus nito,y, muling nacatulog. Ang pagtulog na ito na
totoong matagal at matahimic, at ang calacasan nang catauan nang ating
may saquit ay nacatulong nang di mamagcano sa caniyang paggaling, na
quinabucasan ay nacaban~gon na, at nacalacad nang caunti.

Bahaguia na lamang nacalabas sa caniyang yun~gib; at nang dumating sa
labas, ay itinaas ang caniyang mata sa lan~git, sa oras na ang
malamlam na sinag nang arao ay namamanaag magmulâ sa silan~ganan,
naglalampas sa man~ga mayamungmong sa man~ga san~ga nang cahoy, at
dumarating hangan sa caniyang muc-hà, at dahil sa caiguihang init ay
nacaguinhaua sa caniya. Inaacalà niyang siya,y, magaling na; at sa di
mapiguil niyang caligayahan ay napasigao siya nang ganito:
«¡Caibigibig na Pan~ginoon, masaganang batis nang cabuhayan!
hinahandugan quita nang ualang licat na pasasalamat dahil sa
cagalin~gang ipinagcaloob mo sa aquing masdan co ang maliuanag na talà
sa arao, at han~gaan co ang man~ga gauang cababalaghan nang iyong
man~ga camay. Narito acong nan~gan~gayupapà na cumiquilala nang
daquilà mong pagaampon, sa panahong aco,y, pinababayaan nang boong
mundo; di mo pinabayaang aco,y, mamatay, at nang aco,y, mabig-yan mong
panahon nang pagbabago cong buhay, at nang cung samantalahin co sa
gauang itong lubhang mahalaga ang lalong caliitliitang sandali, ay
humahandà aco sa alin mang oras sa pagpanao dito sa bayang
cahapishapis at macarating aco sa huling darating sa tauo, na doon mo
bibig-yan ang baua,t, isa nang ganti sa caniyang gauang magaling ó
masamà.»

Dito sa caniyang pagganting loob sa Maycapal, ay lumipat sa
paggugunamgunam nang man~ga quinapal. Pinagmamalas nang caniyang
man~ga mata ang calachan nang lan~git, ang pananariuà nang man~ga
halamang bagong nadidilig nang hamog, ó ang caniyang man~ga hayop na
nagsisicsican sa caniya, na di lamang nagpapaquita nang caamoan, cundi
naman nagpapasalamat sa caniyang paggaling. Sa pagcaquita nang bagay
na yaon, na totoong catouatouà at cauiliuili, para nang dinaramdam
nang isang tauong nangaling sa malayong lugar at naualang malaon, ay
nuling nanunumbalic sa casamahan nang caniyang familia; ay lumambot
ang caniyang pusò na iquinaluhà niya sa caligayahan.

Ang han~gin sa parang, ang pagcain nang gatas na tinubigan at ang
capayapaan nang loob ay lubos na nacatulong sa caniyang cagalin~gan;
at sa ilang arao ay nagsauli ang caniyang lacás, na siya,y,
macapanunumbalic na sa man~ga guinagauà niyang bagay.

Ang caunaunahan niyang tiningnan at siniyasat ay ang caniyang man~ga
palayoc at caualing lupà, at nang caniyang maalaman cung ano ang
nasapit. Datapoua,t, bahaguia na lamang niya nabubucsan ang hurno, ay
naquita niyang ang lahat ay paraparang may barnis, na parang guinauà
nang isang bihasa. Sa malaqui niyang caligayahan dahil sa pagcatumpac
na ito, ay hindi man lamang niya naalaala na baga ma,t, siya,y, may
palayoc at cauali ay hindi niya paquiquinaban~gan, sa pagca,t, ang
quinuculang sa caniya ay ang lalong cailan~gan, ang apuy bagá.
Datapoua,t, nang caniyang mapagisipisip ang bagay na ito ay siya,y,
natiguilan at napatun~gó ang ulo; cung minsan ay tinitingnan ang
man~ga palayoc at cauali, cung minsan naman ay ang man~ga malalamig
na abó nang caniyang sigá, at sa catapusa,y, nagbuntong hinin~ga.

Gayon ma,y, di niya pinahintulutan na siya,y, talunin nang calumbayan,
at niuicà niya sa caniyang sarili; «ang Pan~ginoong Dios na nang
una,y, nagbigay sa aquin nang apuy, ay may maraming paraan na
mabig-yan niya aco uli; at cung inaacalà niyang mararapat, ay di
pababayaang aco,y, magculang nitong bagay na totoong cailan~gan.»

Dalauang bagay ang iquinaaalio niya. Ang isa,y, ang pagcatalastas na
hindi na siya quinuculang nang man~ga bagay naicaliligtas sa
calamigan; at ang isa,y, baga ma,t, magmulà sa caniyang cabataan ay
naugalian niya ang pagcain nang lamang cati, gayon ma,y, di na niya
totoong paghihirapan na siya,y, maualan nang pagcaing yaon, sa
pagca,t, sucat na sa caniya ang man~ga bun~gang cahoy at ang gatas
nang hayop na llama.

Si Cárlos. Mangyayari pong cumain siya nang lamang cating pinaasuhan,
na di nacailan~gan ang ihao pa ó ilutò pa.

Ang ama. At ¿ano ang ipagpapausoc niya?

Si Cárlos. Oo n~ga pô pala; hindi co pô naisipan ang bagay na yaon.

Ang ama. Gayon ma,y, di niya pinagsisihan ang pagcagauà niya nang
man~ga palayoc at caualing lupà, sa pagca,t, magagauà man lamang niya
na sisidlan nang gatas; at bucod sa rito,y, may pinaggamitan pa siya
sa man~ga palayoc at caualing ito na aquing sasabihin. Natatalastas
niya na ang man~ga patatas ay lalong masarap cung samahan nang
manticà, at sa pagca,t, quinacailan~gan ang isang _cubeto_, sa
macatouid ay isang sisidlang cahoy, na di niya magagauà, ay pinalitan
niya ang caculan~gang ito nang isang palayoc na malaqui, na doo,y,
tinipon niya ang lahat nang gatas na inaacalà niyang casucatan.
Pagcatapus ay gumauà nang isang panghalucay na cahoy na may butas sa
guitnâ, at doo,y, sinulutan niya nang capirasong tangcay; at dito na
niya minulan ang paghalò na ualang tahan, hangan sa nabucod ang
mantequilla sa gatas. Pagcatapus ay hinugasan niya nang tubig na
malinis, linag-yan niya nang asin at linamas.

Dito,y, totoo siyang naliligaya sa pagcasunod nang caniyang nasà;
datapoua,t, nang ibig na niyang camtan ang bun~ga nang caniyang
casipagan, ay naalaalang sapilitan siyang man~gin~gilin sa pagcain
nang patatas, sa pagca,t, ualang apuy na pagihauan; ito,y, isang bagay
na sa pagmamadalî niya ay di na niya naisip. N~gayo,y, mayroon na
siyang mantequilla, datapoua,t, ang quinuculang sa caniya ay ang
ihahalò; tinitingnan niya,t, ninanasang canin; datapoua,t, nang di
niya macain ay siya,y, nalumbay na para nang dati. Tunay n~ga,t,
mangyayaring cumain siya nang talaba, gatas, níyog at lamangcating
hilao na binugbog; datapoua,t, ¿di caya mangyayaring culan~gin siya
balang arao? Ang totoong dinaramdam niya ay hindi niya maalaman ang
paraan na icaguiguinhaua nang caunti nang caniyang capalaran.

¿Ano cayang bagay ang gagau-in niya n~gayon? Nagauà na niya yaong
lahat nang bagay na sucat magauà nang caniyang camay, baga ma,t,
ualang casangcapan; inaacalà na niyang ualà na siyang natitirang
gagau-in; totoong mahirap na bagay na sa acalain lamang ay
quinayayamutan na niya; totoong nagauî siya sa paggauà at sa
pagsasamantala nang panahon. Totoong madalas niyang sabihin na caya
nabago ang man~ga masasamâ niyang caugalian, ay sa pagca,t,
napipilitan siyang gumauà nang man~ga bagay na caniyang
quinacailan~gan, habang siya,y, nabubuhay na nacaisaisa. Ang laguing
casipagan, aniya, ay ina nang maraming cabanalan, para nang laguing
catamaran ay ina nang lahat na masasamang caasalan.

Si Luisa. Totoong mabuti ang uicà niya; capag ang isang tauo,y, ualang
guinagauà, ay ualang naiisipan cundi ang man~ga cabuhun~gan.

Ang ama. At dahil dito,y, inihahatol sa man~ga batà, na agapang
hiratihin sa paggauà, yayamang cung ano ang ating pagcabataan ay siya
nating pagcacatandaan. Sundin ninyo, man~ga anac co, ang hatol na ito,
at cailan ma,y, di ninyo pagsisisihan.

Ang caauaauà nating Robinson ay nagpapalipatlipat sa iba,t, ibang
lugar at nang siya,y, may magauà, at nang mailagan ang catamaran, sa
catapusa,y, natagpuan niya ang sucat magauang totoong mahalaga.
¿Mahuhulaan caya ninyo cung ano yaon?

Si Juan. Cung aco sana,y, siya, ay maaalaman co na cung ano ang aquing
gagau-in.

Ang ama. Cung gayo,y, sabihin cung ano ang iyong naisipan.

Si Juan. Ang gagau-in co sana,y, ang paglilinis nang man~ga balat
nang hayop na llama, at nang houag acong pahírapan nang cagaspan~gan
nang balat, at aalisin co ang balahibo, at nang houag acong totoong
mainitan, baquit ang pulóng yaon ay totoong mainit.

Ang ama. Datapoua,t, ¿ano ang cacasangcapanin mo sa paggauà nito?

Si Nicolás. Cung gayon po,y, ¿aling bagay ang pinilì niyang gagau-in?

Ang ama. Iniisip niya gabi,t, arao cung mangyayaring macagauà nang
isang munting bangcà.

Si Juan. ¿Baquit pò?

Ang ama. Dahil sa isang bagay na totoong mahirap at totoong mahalaga,
ang pagpipilit bagang macabalic sa casamahan nang man~ga tauo, at nang
siya,y, maca-ualà doon sa capanglaopanglao na pag-iisa, na magmulà
noong siya,y, maualan nang apuy ay lalò siyang nalulungcot.

Inaacalà niya na hindi nalalayong lubha sa caniyang pulò ang lupang
América; at cung siya,y, mangyaring magcaroon nang isang bangcâ, cahit
anong liit, ay tumatalaga na siyang sumagui sa alin mang pan~ganib, at
tumauid doon cung mangyayari. Sa malaqui niyang pagnanasà, ay lumabas
siya isang arao sa paghanap nang alin mang punong cahoy, na caniyang
mahuhucay at nang caniyang magauang bangcâ; at dahil dito,y, nilibot
niya ang ibang lugar nang pulô na di pa niya nasasapit hangan niyon,
napagmalas niya ang ibang halaman na di niya naquiquilala, at ninasà
niyang tingan cung caniyang macacain. Natagpuan niya, bucod sa ibang
man~ga bagay, ang man~ga ilang tangcay nang mais.

Si Nicolás. ¿Para pô baga niyong naroroon sa ating halamanan?

Ang ama. Ganoon din n~ga. Pinagtac-han niya ang calac-han nang man~ga
pusò, na ang iba,y, may dalauang daang butil na toong malalaqui at
nagcacadiquitdiquit. Inacalà niya agad na sa man~ga butil na yaon ay
magagauang pagcain at tinapay naman. Datapoua,t, ¿paano ang gagau-in
niyang pagliguis? At cung ualang apuy ¿paano ang gagau-in niyang
paglulutò nang tinapay? Baga ma,t, inaacalà niyang hindi maaari, ay
namitas siya nang ilang pusò, at ang nasa niya,y, itanim ang man~ga
butil. ¿Sino, aniya, ang nacaaalam, cung sa calaunan ay
paquiquinaban~gan co ito?

Itinuloy niya ang paglacad, at nacaquita naman siya nang isang cahoy
na may bun~gang nabibiting parang pusò, na hindi niya naquiquilala; at
nang bucsan niya ang isa, ay naquita niya sa loob ang man~ga apat na
puong tila almendras na totoong malalaqui. Baga ma,t, inacalà niyang
hindi mabuti ang lasa, ay itinagò niya sa supot ang ilang man~ga
bun~gang hinog.

Si Juan. ¿At ano pô ang man~ga almendras na yaon?

Ang ama. Man~ga butil nang cacao na guinagauang siculate.

Si Nicolás. Mabuti n~ga, at siya,y, macaiinom na nang siculate.

Ang ama. Dahandahan tayo. Caunaunaha,y, hindi natatalastas ni Robinson
na yao,y, cacao. Sacá quinacailan~gan na ibusá, liguisin, at haluan
nang asucal, na ualà siya; at houag na nating sabihin ang canela at
iba pang bagay na caraniuang inihahalò, at nang magcalasa ang siculate
sa pagca,t, ang caualan nitong ma~nga bagay na ito ay hindi sucat
maitulad sa caualan nang apuy.

Sa catapusa,y, nacaquita si Robinson nang isang cahoy na totoong
malaqui, na di niya naquiquilala na para rin nang cacao. Ang bun~ga ay
totoong malaqui na para nang niyog; datapoua,t, ualang matigas na
balat, at ualà namang bunót, at ang boong bun~ga ay nacacain na
totoong masarap. Ang cahoy na yaon ay iba ang lagay sa niyog, sa
pagca,t, ang niyog ay mayroong isang punò at sa itaas ay ang man~ga
dahon ay parang bun~ga; datapoua,t, ang cahoy na yaon ay may maraming
san~gá na nababalot nang man~ga dahon. Nang tumagal ay napagquilala,
na ang cahoy na yaon ang tinatauag na _cahoy nang tínapay_, na caya
tínatauag na ganoon, ay sa pagca,t, ang caniyang bun~ga ay siyang
pinacatinapay nang man~ga tauong bundoc.

Minamasdan niya na ang punò nang cahoy na yaon, dahil sa caniyang
catandaan ay hucáy na ang cabilang tabí; dahil dito,y, inacalà niyang
yaon ang totoong mabuting gau-ing bangcâ, cung mangyayaring maihahapay
niya at malalaliman nang hucay. Datapoua,t, ¿baquit puputulin ang
isang cahoy na totoo niyang paquiquinaban~gan? Baquit siya,y,
nagaalan~gan cung siya,y, macagaugauà nang isang bangcâ ó hindi. Ang
pagcucurong ito,y, totoong nacapagpahinà nang caniyang loob; at nang
matapus na niyang mapagtimbang timbang cung dapat putulin ó hindi, ay
tinandaan niyang magaling ang lugar na quinatatamnan nang cahoy, at
umouî siyang nagcacadalaua ang caniyang loob sa isang bagay na dapat
pagcuruing magaling.

Nang ipatuloy niya ang caniyang paglacad ay natagpuan niya ang
ninanasà niyang mahabang panahon, ísang pugad baga nang loro, na
totoong nacatouà sa caniya. Ang maliliit na inacay na totoong
nacatatacot at may man~ga bag-uis na, ay nan~gagliparan: liban na
lamang sa isa na di totoong malicsi ay napahuli cay Robinson, na
totoong natouà sa pagcahuling ito, higuit sa cung siya,y, macatagpò
nang isang cayamanan, at siya,y, nagtuloy na sa caniyang tahanan.

Si Luisa. ¿At ano pong mapapaquinabang niya sa isang loro?

Ang ama. Ibig niyang turuan nang ilang man~ga pan~gun~gusap, at nang
siya,y, mauiling maquinig nang isang voces na para nang sa tauo. Tayo
na nabubuhay na casama nang íbang man~ga tauo, at sa lahat nang oras
ay nacacamtan natin ang pagcaquita at pagcarin~gig sa ibang may
pagiisip na para natin, at macacausap natin sila ay inaacalà nating
ualang cabuluhan yaong paglilibang na ninanasà ni Robinson cung
mangyaring mapaquingan niya ang pan~gun~gusap nang isang loro;
datapoua,t, cung tayo,y, lumagay sa caniyang quinalalag-yan, at
matatalastas natin na ang inaacalà natin n~gayon na isang bagay na
ualang casaysayan, ay tunay na caaliuan niyong nalulungcot na tauong
nacaisaisa.

Bahaguia na lamang dumating sa caniyang tinatahanan, ay inisip ang
paggauà nang isang culon~gan na paglalag-yan nang bago niyang casama;
inilagay sa siping nang caniyang hihigan, at nahigà siyang natotouà,
na parang nacaquita nang isang caibigan.




=ICALABING TATLONG HAPON.=


Ang ama. Sa pagtauag co sa inyo n~gayon man~ga anac co, ay hindi co
inantay na dumating ang caraniuang oras, sa pagca,t, bago co pasimulan
ang pagsasalaysay nang aquing historia, ay mayroon acong isasangunì sa
inyo na isang bagay na totoong mahalaga, at ibig cong marin~gig ang
inyong pasiya.

Si Basilio. Naririto na pô caming lahat na tumatalagang sumunod sa
inyo.

Si Ramon. ¿At ano pong bagay ang ibig ninyong isanguni sa amin?

Ang ama. Tungcol sa ipinagaalinglan~gan ni Robinson sa boong magdamag,
di niya iquinacatulog sumandali man.

Si Cárlos. ¿Ano pô baga yaon?

Ang ama. Ang caniyang ipinagaalinglan~gan ay cung caniyang puputulin ó
hindi ang _cahoy nang tinapay_ na naquita niya cahapon nang hapon,
yayamang di niya natatalastas cung matutumpacan niya ó hindi ang
paggauá nang bangcá.

Si Juan. Cung sa ganang aquin ay hindi co pahahamacan ang cahoy na
yaon.

Si Basilio. Cung aco,y, ibubual co.

Ang ama. Mayroon na tayong dalauang acalang nagcacaalit: ang isa,y,
putulin na at ang isa,y, houag. Paquingan natin ang acalà nang iba.

Si Ramon. Inaayunan co ang acalà ni Juan.

Si Cárlos. Aco pô naman; di dapat putulin ang cahoy.

Si Enrique. Dapat putulin; sa pagca,t, quinacailan~gan ni Robinson ang
isang bangcá.

Si Nicolas. Gayon din pô naman ang uicà co.

Ang ama. Nagcacaparis ang ating man~ga caisipan; caya ang nagiibig na
putulin ang cahoy ay lumipat sa aquing canan, ang ayao ay lumipat sa
aquing caliuà.--Totoong magaling: yayamang cayo,y, nasa calalag-yan
na, ay paquingan natin ang catouiran nang baua,t, isa. Magsasalitang
una si Juan; at sasabihin sa atin na cung baquit ibig na houag putulin
ang cahoy.

Si Juan. Sa pagca,t, namumun~ga nang totoong masarap, at cacaunti ang
cahoy na yaon sa pulóng yaon.

Si Basilio. Yao,y, isang cahoy na matanda at ucab na, at di na
maglalaong panahon ang caniyang pamumun~ga.

Si Juan. ¿Baquit mo natalastas? Cahit ucab sa isang tabi, ¿di caya
maraming cahoy ang naquiquita nating may malaquing hucay sa punò, ay
namumun~ga ring mahabang panahon?

Si Nicolás. Dapat pasuplin~gan ni Robinson ang ilang san~ga nang cahoy
na yaon, para nang guinauà niya sa man~ga niyog; at cung gayo,y, cahit
ihapay niya, ay may matitira sa caniya nang man~ga cahoy na yaon.

Si Ramon. Oo; ualà n~gang dapat gau-in cundi ang pasuplin~gan! At
¿madali caya mamun~ga ang man~ga cahoy? Marahil man~ga apat ó limang
taon bago mamun~ga.

Si Enrique. Datapoua,t, ¿di caya lalong magaling ang magcaroon si
Robinson nang isang bangcà at nang siya,y, macapagbalic sa casamahan
nang ibang man~ga tauo, nang houag siyang mapalagui na nacaisa isa sa
pagtirá sa pulóng yaon, na ang caniyang quinacain ay ang bun~ga nang
cahoy?

Si Juan. Cung ang bangcà ay magagauá agad, ay dapat sanang putulin;
datapoua,t, nacaisa isang palacol na bató ang caniya, ay ¿paano ang
gagau-ing pagputol niyong cahoy na totoong malaqui? ¿Paano ang
gagau-ing paghucay?

Si Basilio. Cung siya,y, magtitiyagá nang paggauà at di
magbabalisausauin, ay inaasahan cong mayayari niya.

Si Ramon. Datapoua,t, cung ualà siyang layag sa caniyang daong, ¿paano
ang caniyang gagau-in?

Si Nicolás. Magdala siya nang gaod.

Si Carlos. Mabuting totoo palá. At ¿cung mabali ang caniyang gaod, ó
cung mapagod siya? ¿Hindi mo naaaalaala ang nangyari niyong tayo,y,
nasasacay sa isang paraoparauan, noong tayo,y, nalalapit sa Travemunda
sa dagat nang Báltico, at sa pagca,t, nabali ang gaod nang isang
marinero? Ay sinabi sa atin niyon nang ating ama, na cung mabali sa
dacong itaas, na di na mangyaring igaod, ay di tayo maisasadsad sa
lupà nang man~ga marinero sa isang gaod lamang.

Si Basilio. Oo n~ga; datapoua,t, yao,y, isang bangcang malaqui, na
quinalululanan nating labing ualo catauo; sucat na lamang ang
magcaroon si Robinson nang dalauang gaod ay macaaalis na sa pulóng
yaon.

Ang ama. Naquita na ninyo, man~ga anac co, na ang bagay na iyan ay
totoong mahirap acalain. Lahat nang catouirang inyong sinabi ay
naacalà na ni Robinson at sa ganang magdamag ay pinagcucuro niya ang
baua,t, isa sa lahat na yaon; sa pagca,t, ang pagsisiyasat cung
nararapat na gau-in ó houag ang alinmang bagay, ay siyang tinatauag na
pagcucurò. Magmulà nang maranasan niya ang masamáng quinasapitan nang
caniyang capan~gahasan na paglibot sa mundo, at pinabayaan niya ang
bahay nang caniyang man~ga magulang, mulà na niyon ay caniyang
sinusunod na parang isang utos, na houag gumauà nang anomang
caliitliitang bagay, cundi muna mapagcurong magaling, at sa pagsunod
niya sa utos na ito tungcol sa bagay na hinaharap, ay napaggunamgunam
niya ang lahat nang cabagayan, at napagunaua niya na ang dapat
siyasatin, ay cung cabaitan baga ang lisanin ang isang tunay na
paquinabang, baga ma,t, maliit, dahilan sa paghanap nang isang
capaquinaban~gang malaqui, cahit hindi natatalastas cung macacamtan
cung hindi. Dahilan dito,y, bumungò sa caniyang pagiisip ang fábula
nang aso na nagdaraan sa ilog na may lalang lamangcati ...

Si Cárlos. Iyan po,y, nasasaulo co. Paquingan ninyo,t, aquing
sasabihin:


          _Sa sinomang nagnanasà
        pagaari nang capouà
        alipa,y, mauaualà
        ang ari niyang alagà._

  May isang asong sa ilog ay natauid,
Camunting lamangcati,y, tan~gay sa n~gipin,
Nang siya sa tubig ay nananalamin,
Isip ay ibang asong dalang cacanin.

  Inacalang inagao sa bibig niya,
Datapoua,t, dito,y, nagcamalî siya,
Pagca binitiuan ang caniyang dala
At hindi nacamtan ang ninanais niya.


Ang ama. Natatantô naman ni Robinson ang fàbulang ito na para mo;
datapoua,t, pinagcurocurò niya na ang man~ga magsasaca,y, itinatanim
ang butil na sucat paquinaban~gan, at pinababayaang mabuloc at masirà
dahil sa pagasang macacamtan ang lubhang marami niyang ibubun~ga. Oo
n~ga, aniya, ang casaquiman nang aso ay ualang sucat paquinaban~gan,
sa pagca,t, ninanasa niya ang isang anino na di niya aabutan, cahit
ano ang caniyang gau-in. Hindi gayon ang pagasa nang man~ga magsasacá,
sa pagca,t, naaayon sa catouiran ang canilang ninanasà sa pagani nang
bun~ga, baga ma,t, may sucat dumating na anomang sacunâ na ìcasirà
nang pananim.

¿Di caya ito ay catulad co? Cung aco,y gumauà arao arao nang boong
casipagan, ¿di caya maipan~gan~gacò co na magagauà sacali,t, ito,y,
mayari co, ¿di co caya maaasahan na aco,y, macaalis dito sa paggiisang
ito, at dahil sa aquing bangcà ay aco,y, macalìlipat sa alin mang
lupang may tauo?

Ang pagcucurong ito,y, sa pagca,t, totoong naaayon sa caniyang
pinagnasaang lubhà, ay totoo siyang sinipag, na caracaraca,y,
nagban~gon, tinangnan ang caniyang palacol, nagtacbo sa cahoy, at
pinasimulan ang putol.

Cung mayroong bagay na totoong matagal at totoong pinaghirapan si
Robinson, ay ang pagputol nang cahoy ay siyang pinacapan~gulo. Ang
iba,y, sucat huminà ang loob; at bibitiuan ang palacol sa unang
pagtagà, at aacalain na ang gauang iyon ay hindi mayayari,t, aariing
ualang cabuluhan; datapoua,t, ang ating bayani cahit magibayo pa ang
cahirapan at calaunan nang gauang iyon, ay hindi niya babayaan:
yayamang natatalastas na natin, na inari niyang parang isang mahigpit
na cautusan ang di pagsasalauahan sa paggauà nang anomang bagay ni
caniyang pinagisip na magaling.

Sa boong umaga,y, hindi niya linicatan ang paggauà; datapoua,t,
totoong mababao pa ang caniyang natatagà sa di mabilang na caniyang
pagpalacol: dito na niya mapagcucurò cung gaanong panahon ang
quinacailan~gan bago niya maihapay ang cahoy at bago niya magauan,
bangcâ. Sa pagcatalastas niya na ang gauang ito,y, bibilang nang
maraming taon ay inacalà niyang cailan~gan na siya,y, magcaroon nang
isang método ó maayos, na pagcacabahabahagui nang caniyang man~ga
gagau-in, na sa gayong oras ay gayong bagay ang gagau-in niya; sa
pagca,t, naranasan niya sa sarili na ualang totoong nacadadalî sa
pagganap nang man~ga catungculan nang isang masipag na pamumuhay, para
nang uastong pagbabahagui nang panahon. Sasaysayin co sa inyong isaisa
ang pagcacasunodsunod nang man~ga guinagauà ni Robinson sa arao arao.

Nagbaban~gon pamamanaag nang arao, at pagdaca,y, tinutun~go ang
calapit na batis, na doon niya hinihilamusan ang caniyang muc-hà, at
hinuhugasan ang man~ga camay, dibdib at man~ga paa, at sa caualan nang
pamunas, ay inaantay niyang matuyò nang han~gin, at catulong sa
pagcatuyong ito ang pagtacbo niyang papaouì sa caniyang tahanan.
Dito,y, nagbibihis, at pagcatapus ay umaaquiat sa ibabao nang buról,
na sa ibabà, nito,y, naroroon ang caniyang yun~gib. Sa pagca,t, ualang
nacapipiguil na anoman sa caniyang man~ga matá ay inililin~gap niya sa
sarisaring cababalaghang guinauà nang Dios; at capagang caniyang loob
ay itinataas na sa lan~git sa gayong pagcaquita, ay nan~gan~gayupapà
siyang naniniclohod, na sinasamba niya at tinatauag sa caibuturan nang
pusò ang Lumic-hâ nang lahat nang bagay. Di naman niya quinalilimutang
ipanalan~gin na pagcalooban nang auà ang caniyang man~ga magulang na
caniyang linisan. Dinadain~gan naman niya, at hinihin~gang tulong ang
calinislinisan at mapagpalang Virgen na siya,y, tulun~gan, at houag
pabayaang magcasala sa arao na yaon at sa lahat nang arao nang
caniyang buhay, gayon din napaaampon cay San José, sa Angel na
tagatanod, at sa man~ga santong caniyang pintacasi, nang siya,y,
iligtas sa dilang capan~ganiban nang caloloua,t, catauan sa arao na
yaon, at sa man~ga haharaping arao nang caniyang buhay. Pagcatapus
siya,y, nananaog at caniyang guinagatasan ang caniyang hayop na llama,
na untiunting dumarami; nagaalmusal siya nang caunting gatas na
mainitinit pa; at itinatagò niya ang natitira sa caniyang pamingalan.
Ito ang caniyang guinagauà sa unang oras nang umaga.

Isinasacbat niya ang caniyang sandata sa pagtatangol nang caniyang
buhay, at ang caniyang man~ga casangcapan sa paggauà, nagtutuloy siya,
cung oras nang pagurong nang tubig, sa tabí nang dagat, at doo,y,
namumulot siya nang man~ga talaba na cacanin sa tanghali; at cung
sacali,t, oras nang pagsulong ay nagtutuloy siya sa cahoy na
pinasimulan niyang pinuputol na gagau-ing bangcâ. Caraniua,y,
sumusunod sa caniya ang caniyang man~ga hayop na nan~gin~ginain,
habang siya,y, may guinagauà.

Capag man~ga á las diez na ang arao na totoong umiinit, ay
napipilitang itiguil niya ang caniyang guinagauà. Nagbabalic si
Robinson sa tabi nang dagat, sa paghanap nang man~ga talaba, cung
sacali,t, ualà siyang naquita cung umagang umaga, at sa paliligò
naman, na caraniuang guinagauà niya macalaua maghapon, at bago mag á
las doce ay nagbabalic na siya sa caniyang tahanan na casama ang
caniyang man~ga hayop.

Guinagatasang mulî ang caniyang man~ga hayop; gumagauà siya nang
parang queso, at inihahandà niyang madalî ang caunti niyang pagcain,
na ualà cundi capirasong quesong binasâ nang gatas, ilan talaba at
calahating niyog. Ang caiguihan lamang ay hindi siya malacas cumain
doon sa mainit na lugar, gaya nang caraniuang quinacain sa man~ga
malalamig na lugar; datapoua,t, sa pagca,t, nahirati mulâ sa cabataan
sa pagcain nang lamangcati, ay dili mangyaring di niya hanapin; at
nang mangyaring macamtan niya ang nasà niyang ito, ay ang guinagauà
niya,y, linulutò niya sa bubog.

Habang siya,y, cumacain, ay nagaalio siya sa pagtuturò nang
pan~gun~gusap sa caniyang loro, at inuulitulit niya na di mamacailang
ang isang pan~gun~gusap, na ang nasà niya,y, matutong man~gusap balang
arao.

Si Enrique. ¿At ano pô ang ipinacacain niya sa loro?

Ang ama. Ang man~ga loro,y, capag nacacaualà, ay ang caraniuang
quinacain ay man~ga niyog, man~ga papaya, man~ga butó nang calabasa at
iba pang man~ga bun~ga nang cahoy; datapoua,t, ang man~ga inaalilà, ay
nahihirating cumain nang lahat halos na quinacain nang tauo; at caya
n~ga marahil ang ipinacacain ni Robinson sa caniyang loro ay gatas at
niyog.

Sa tanghali ay nagpapahin~gang isang oras sa lilim, cung minsa,y, sa
lugar na inaacalà niyang maguinhaua ang hihip nang han~gin, ó cung
minsan nama,y, sa caniyang yun~gib, na nalilibot siya nang caniyang
man~ga hayop na llama, at ang loro,y, na sa sa caniyang siping. Cung
minsa,y, siya,y, nacaupô at nacaharap sa caniyang man~ga hayop na
caniyang quinacausap, tulad sa isang batang nagsasalitâ sa caniyang
man~ga manícà. Totoong malaqui ang caniyang nasà na ipaquilala ang
laman nang caniyang loob sa isang tauong capouà niya may pagiisip,
cung minsa,y, nacacalimutan niya na ualang pagiisip ang man~ga hayop
na caniyang caharap; at capag nadirin~gig niya na ang caniyang loro,
na tinauag niyang si Pol, ay natututong man~gusap na maliuanag nang
isang pan~gun~gusap, ay totoo siyang naliligaya, na para siyang
nacaririn~gig nang pan~gun~gusap nang tauo; at nacacalimutan niya ang
pulóng caniyang tinatahanan, ang caniyang man~ga hayop na llama at ang
caniyang loro, ay naguguniguni niyang siya,y, na sa casamahan na nang
man~ga tauo. Datapoua,t, capag siya,y, nacapagmulimuli, at maalaala
niyang siya,y, nacaisa isa doon sa mapanglao na ilang, ay nagbubuntong
hinin~ga siya, na ang uica niya,y, ¡caauaauang Robinson!

Man~ga á las dos nang hapon....

Si Nicolás. ¿Paano pong pagcatalastas niya nang oras cung ualà siyang
orasan?

Ang ama. Tinutularan niya ang man~ga tauong bundoc, na ang minamasdan
ay ang taas nang arao, at pinagaacaacalà cung anong oras.--Sa á las
dos nang hapon ay nagbabalic sa cahoy na caniyang pinuputol, at dito
sa pinacamahalaga niyang gauà ay guinugugol niya ang dalauang oras,
pagcatapus ay napatutun~gong muli sa tabing dagat sa paghanap nang
talaba, ó naliligò caya cung totoong naiinitan.

Guinugugol ang natitirang oras nang arao sa pagtatanim sa caniyang
halamanan nang man~ga mais at patatas, at inaasahan niya na cung
siya,y, magcaroong muli nang apuy, ay siyang lalong masarap niyang
pagcain: cung minsa,y, pinasusuplin~gan niya ang _cahoy nang tinapay_:
dinidilig niya ang man~ga bagong supling: nagbabacod caya siya nang
man~ga halamang buháy, at nang masarhan ang caniyang halamanan, ó
quinacapon caya ang man~ga punong cahoy, na parang man~ga bacod na
nacalilibid sa harap nang caniyang tahanan, binabaluctot niya ang
man~ga san~gang malalambot, at nang cung lumaqui ay magbigay lilim sa
caniyang tahanan.

Malaquing totoo ang capighatian ni Robinson na ang pinacamahabang arao
sa pulóng yaon ay hindi lumalampas sa labing tatlong oras, at sa
calaguitnaan nang tagarao ó estío, na isa sa apat na estaciones nang
taon sa Europa, ay gabi na ó á las siete. Sinasamantala niya ang
pinacadaquilang bahaqui nang arao; at bago magtaquip silim capag ualà
siyang malaquing capansanan ay nagsasanay siya....

Si Ramon. ¿Anong pagsasanay na caniyang guinagauà?

Ang ama. ¿Ang pagbigcas nang panà, at ang paghahaguis nang sumbiling,
at nang siya,y, mabihasa at maipagtangol ang buhay, cung sacali,t,
siya,y, may masumpun~gang man~ga tauong bundoc na man~ga maban~gis, ó
anomang hayop na ganid na totoo niyang quinatatacutan. Untiunti siyang
nabihasa sa dalauang gauang ito, na cahit malayo ang caniyang
pinatatamaan na casinglaqui nang piso ay bahaguia na lamang siya
sumasala.

Pagdating nang gabi, na cung minsa,y, sa liuanag nang bouan, at cung
minsa,y, sa malamlam na banaag nang man~ga bituin, ay hinahapunan niya
ang caraniuan niyang quinacain, at bago siya magpahin~galay, ay
tinitipon niya ang caniyang loob sa pagsisiyasat nang caniyang man~ga
guinaua, at tumatanong siya sa caniyang sarili: ¿ano ang
pinagcagugulan mo sa arao na ito? N~gayon at tumangap ca nang man~ga
bagong biyaya, ¿itinaas mo caya ang iyong man~ga pagdidilidili sa
camahalmahalang batis na pinangangalin~gan? ¿Napuspos baga ang iyong
pusò nang caguilioguilio na pagibig at pagquilalang loob sa
Macapangyarihang nagbigay sa iyo? ¿Nagbigay ca caya nang tandâ nang
iyong pagasa sa man~ga capighatian mo? ¿Nacacalimutan mo caya siya sa
iyong man~ga caguinhauahan? ¿Itinapon mo caya sa iyong loob ang man~ga
masasamang panimdim? ¿Pinagpilitan mo cayang supilin ang man~ga ualang
tutong nasà nang iyong pusò? Sa catagang uicà, ¿tunay baga ang
pagbabagong buhay mo?

Sa touinang nacasasagot at natatahimic ang caniyang conciencia sa
ganito,t, iba pang man~ga tanong, ay nagpapasalamat siya sa
pinangangalin~gan nang lahat nang gracia, na tumulong sa caniya nang
siya,y, masulong nang caunti sa landas nang cabanalan; datapoua,t,
capag may naquiquita siyang bagay na di icatahimic nang caniyang
conciencia, ay totoong nagpipighati at nagbubuntong hinin~ga siya sa
pagcasayang nang arao na yaon, sa pagca,t, inaacalà niyang masasayang
yaong arao na ipinagisip niya ó iguinauà caya nang anomang bagay na
nimamasamà niya sa pageexámen ó pagsisiyasat nang caniyang conciencia
sa gabi. Sa tabi nang guhit na pinagtatandaan niya nang arao sa isang
cahoy na guinagamit niyang parang calendario, ay linalag-yan niya nang
isang cruz, tandà nang caniyang casalanan na ipinan~gan~gacò niyang
pacaiin~gatan nang totoo at nang houag niyang macamtang mulî.

Ang paraang ito, man~ga anac co, ang guinagamit ni Robinson sa
pagbabago nang asal, at inihahatol co sa inyo na tularan ninyo ang
caniyang cahalimbauà, cung iniibig ninyong cayo,y, mahirati sa paggauà
nang cabanalan para nang nararapat. Magcaroon cayo touing gabi nang
sandaling oras na matahimic sa pagsisiyasat ninyo nang inyong inasal
sa loob nang maghapong yaon; at cung sa inyong man~ga panimdim, uicà
at gauà ay may maquita cayong anoman na di matangap nang inyong
conciencia, ay itandâ ninyo sa isang munting cuaderno, nang inyong
maalaalang manacanacà, at nang sa pagcaquilala ninyo nang inyong
pinagcamalan, ay pacain~gatan at pacailagan ninyong magaling sa
haharaping arao. Sa ganitong pagpipilit ninyo na icababago nang alin
mang asal na hindi magaling, ay mararagdagan arao arao ang toua,t,
caligayahan nang inyong loob.

Totoong iquinaliligaya co, man~ga anac co, na cayo,y, totoong
masunurin, at naquiquita co na ang baua,t, isa sa inyo ay lumiligpit
sa iba,t, ibang punong cahoy, at guinaganap ninyo ang mahalagang hatol
na ibinigay co sa inyo n~gayon.


=Catapusan=
nang unang tomo






End of the Project Gutenberg EBook of Ang Bagong Robinson (Tomo 1), by 
Joachim Heinrich Campe

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG BAGONG ROBINSON (TOMO 1) ***

***** This file should be named 20858-8.txt or 20858-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        http://www.gutenberg.org/2/0/8/5/20858/

Produced by Tamiko I. Rollings, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material
for this project. Handog ng Proyektong Gutenberg ng
Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
(http://www.gutenberg.ph)


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
http://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at http://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
http://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at http://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]


Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit http://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including checks, online payments and credit card donations.
To donate, please visit: http://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.


Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.


Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     http://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.