The Project Gutenberg EBook of Ang Singsing nang Dalagang Marmol by Isabelo de los Reyes This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org Title: Ang Singsing nang Dalagang Marmol Author: Isabelo de los Reyes Release Date: February 21, 2005 [EBook #15129] Language: Tagalog *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG SINGSING NANG DALAGANG MARMOL *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. Mistakes in the original published work have been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagakakamali sa orihinal na pagkakalimbag.] =Kathâ ni ISABELO DE LOS REYES= =ANG SINGSING= NANG DALAGANG MARMOL [Larawan: Isang binibini] Ó SI LIWAYWAY NG BALIWAG MGA NANGYARI SA PAGHIHIMAGSIK Ipinagbibili ng 20 cts. sa daang P. Rada, 467, Tundo. [Patalastas: La Concepcion; Sanglaan ni Fausto O. Raimundo] ANG SINGSING NANG DALAGANG MARMOL Man~ga nangyari sa Paghihimagsik SINULAT MUNA SA WIKANG TAGALOG N~G KAGALANGGALANG NA ISABELO DE LOS REYES SA PAHAYAGÁNG Ang Kapatid ng Bayan, BAGO ISINALIN NIYÁ SA WIKANG KASTILA SA PINAKA FOLLETIN NANG El Grito del Pueblo NOONG TAÓNG 1905. SAPAGKÂ'T NAWALÂ ANG UNANG ORIGINAL, AY MULING SINALIN SA WIKANG TAGALOG NI CARLOS B. RAIMUNDO MANILA 1912 TIP SANTOS Y BERNAL Ave. Rizal 414 Sta. Cruz [Larawan: Hon. Isabelo De Los Reyes] SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG. _Magandáng Binibini_: Sa bilang n~g páhayagáng tagalog _Ang Kapatid n~g Bayan_ na nauukol sa iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalà na ganitó ang sinasabi: "Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakà ang mainam na kathà, (novela) na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay aming inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng _tiktik_ na ang _Dalagang Marmol_ ay nanánagisag sa _kapalaran n~g Filipinas_, na bagama't ngayo'y tila tumatalikód sa kaawà-awà nating bayan, n~guni't sa wakás ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusò (táong may malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga _tiktik_ ay nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwà ó n~g Mithî n~g bayang tagalog. "May balità kaming sinalin na raw sa wikàng ingles." "N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang _Dalagang Mármol_ ay walâng ibá kundî si binibining _Liwayway_ na tagá Baliwag, pagkâ't ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang tumútugón sa m~ga pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing binibini. "Talagáng túnay ngâng nakahahangà ang kagandahan n~g dalagang _Liwayway_, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang tinútukoy n~g nasabing mánunulat, at ang amin lamang masasabi ay yumaon na itó sa España. Sa kanyá sana tayo makapagtanóng." At sa _El Grito del Pueblo_ n~g ika 20 n~g sinabing buwán ay napalathalà naman, na dalawáng piling Gurô sa pagtugtog ay nagsikathâ n~g isáng "Tanda de Vals" na kuha sa guní-guní n~g kaniláng pagkabasa sa kathâng násabi at yaó'y sadyâng sa inyó nilá ipinatungkól. Ang m~ga balitàng it'óy nakaguló n~g aking isipan kayà akó humanap tulóy at nakakita namán sa m~ga natitipon n~g násabing Pahayagán n~g isáng aklát, na túnay n~gà't matatawag na m~ga nangyari sa Paghihimaksík natin n~g 1899 ang linálamán, n~guni't kun tátarukín ay makikitang kahalò ang isáng maliming pagaaral sa mahalagá at tan~ging ugali n~g ating m~ga kawiliwiling babai; kahit ang anyô ó ayos sa malayò pa'y naghihimatóng gawâ n~g isáng dakilàng mánunulat na may lubós kinabatirán sa ating m~ga kasaysayan. Ilinalahad n~g kathâ, na bagamán parang _mármól ó hielo_ ang babaing tagalog dalá n~g malaking kahirapan kun ligawan, dapwâ't kung umibig ay may káya namáng magtiís sa lahát n~g hirap. Akin n~gang tinagalog, at yamang ikáw pô ang itinuturó n~g inyóng m~ga kababayan na parang _Dalagang Mármol_, sa gayó'y walâ n~g ibá pang marapat paghandugán nitóng aking pinagpagalán kundî kayó, bagamán dì nìnyó kilalá ang aking katauhan. CARLOS B. RAIMUNDO. Ang Singsing Nang Dalagang Marmol I. Matapus ang kasindáksindák na labanáng nangyari sa m~ga tagalog at americano sa Kin~gwá, lalawigan n~g Bulakán, n~g iká 23 n~g Abril n~g 1899, na siyáng ikinápatáy kay Coronel Stotsenburg, sa Capitán at ibá pang m~ga kawal americano, kamíng m~ga tagalog naman ay nagsiurong sa Sibul, at sa isáng bahay-gamutan n~g aming m~ga kawal ay nátagpuán ko ang isáng matapang na pinunòng tagalog na bahagyâ náng makagaláw at makapagsalitâ dahil sa marami niyáng súgat. Malakí ang awà sa kanyá n~g lahát n~g táong nan~garoroón at siyá na lamang ang napagúusapan at lubós nápupuri dahil sa kanyáng kabihasnán sa pakikilaban at sa kapusukan sa m~ga pakikipagsagupà; at sa katotohanan kahit mamámatáy na lamang ay pilit pa niyáng napaúrong ang malalakas naming m~ga kaaway. Nang aking matantô ang labis na paglilingkód n~g bayaning itó sa ating Bayan, ay pinagsikapan kong siyá'y alagàan, bagamán walâ akóng pananalig na siyá'y maáari pang mabúhay. N~guni't aywan kun sa kabagsikan n~g bisà n~g tubig sa Sibul, ang pinunong itó na Pusò ang pan~galan, isang araw ay idinilat ang m~ga matá at nagsalitâ n~g ganitó: --Sino ka man pô, maawàíng kapatid na nag-áalagà sa akin, kayó'y pinasásalamatan ko, at ipinamamanhik sa inyó na huwág mo na pông lubhâng pagsikapang akó'y agawin sa m~ga kukó n~g kamatayan, pagkâ't batíd kong dî akó mabubúhay dahil sa aking m~ga súgat, at lalòng-lalò pa dahil sa kainitan n~g lupàing itó. N~guni't nápakatamis sa akin ang mamatáy sa paglilingkód sa kapús-palad nating Bayan. Akó na kaylán ma'y di nakababatid kun paano ang pag-iyák ay kusang tumulò ang luhà ko't niyakap ang bayaning halos ay naghihingalô at aní ko: --Huwág ka pông man~gambá matapang na pinunò pagka't nagsísimulâ na kayó sa isáng panggaling. --¿Man~gambá ang sinabi ninyó--ang sagót ni Pusò--Di ko nakikilala ang pan~gambá ni ang tákot n~guni, kun inyóng mababatíd giliw na kaibigan ang lihim n~g luntáy-luntáy kong pusò, marahil kayó rin ang tutúlong dalá n~g inyóng pagkahabág, upang madalîín ang pagkamatáy ko. At n~g masábi ang ganitó'y itinuro ang kanyáng singsing sa daliri at bago nagpatuloy: --Kaibiga't kapatid; ipinamámanhik ko sa inyóng mangyaring pag-in~gatan ang singsing na itó pagkamatáy ko, n~g di maalís sa aking bangkáy at málibing na kasama ko. ¡Ay katoto! Kun inyóng málalaman ang pinanggalin~gan n~g singsíng na itó.... Hindi itinulóy n~g pinunò ang pagsasalitâ pagkâ't di napigilan ang kanyáng luhà sa pagkáalala n~g m~ga kapaitang kanyáng linálasáp. Inalagatâ kong siyá'y kusàng liban~gin at pasiglahin ang loób bago nagkunwa akóng tumatawa: --¡Ha, ha, ha! Tila ba dî kayó--aní ko--sanáy sa m~ga pakikitunggali, palibhasà lubhâ na kayóng nalulunos dahil lamang sa isáng babai. Aking ipinaáalala sa inyó, mahál na pinunô, na sa gitnà n~g malakíng sakunâ n~g ating bayan ay di dapat isagunitâ ang bagay na kasalawahang loób n~g m~ga babai kahit silá'y sakdál n~g gándá. --Mapalad ka pò, katoto, na sa masíd ay di pa naka lalasáp n~g libong kapaitan at m~ga lasong natatagò sa pusò n~g isáng babai. --¡Oh, ginoó! Sa kanilá'y mayroóng masamá at may mabuti rin namán. At ang tuntunin ko'y náuuwî sa: Madaling pag-ilag sa m~ga may tagláy na kapintasan at manatili akó sa m~ga mairugin at dî salawahan. --¿Anó ang sabi ninyó? Sa lagay, mayroón kayâng isáng babai man lamang na dî balibát ang ulo at dî salawahan? --Mayroón pô at dî ang lahát ay pawàng kirí ó manglilipad.... --¿Túnay kayà? Kun sa ganáng akin, lagì na akóng nagíng kapús-palad sa dî pagkakatagpô n~g isáng babaing may ganáp na pagkukurò at íibig n~g tapát sa akin. ¿Alam mo pô ba kun bakit ang singsíng na itó'y lubhâ kong mimámahál? --Huwág na ninyóng ipabatíd pagkâ't iyá'y isusukal lamang n~g iyó pông kalooban. --Mabuti n~gâ, katoto, na umagos ang aking luhà at sa gayó'y maawasán n~g bigá't yaríng dibdib. Makiníg ka pô at isisiwalat ko sa inyó ang lihim n~g aking pusò. Sa kaunti kong kabatirán tungkól sa pagkasalawahan n~g m~ga babai, lalò ang magagandáng maraming nan~gin~gibig, ay dî ko pinaháhalagaháng gasino mulâ pa sa aking pagkabatà ang ganyáng ásal; at ang palakad kong itó'y nagíng makabuluhán sa akin, palibhasà, kun lumalayô ang isáng lalaki ay silá an~g nagsisilapit, at kun ang lalaki'y nagpapakita n~g katamlayang loób at napagiin~gatang katabayin ang pag-iisip sa m~ga dahilanin n~g pagibig, ay madalîng makatagpô; n~gunì, kung ang lalaki'y maging mairugín ay agád kang hihiluhin n~g m~ga babai at pahihirapang lábis n~g walà muntî mang awà. --Gayón, palá't batíd mo pô ang lahát n~g iyán, ¿bakit kayó napasilò? --Akin nan~gâng sinabi, katoto, na kaylán ma'y di akó umibig sa kanilá; n~guní dalá yatà n~g aking malungkót na kapalaran, isáng araw ay nápaparito akó sa lalawigang itó n~g KABULAKLAKÁN ó Bulakán--sa m~ga kastilàng dî mátumpák bumigkás n~g máayos--at sa isáng maligayang halamanan ay nakita ko si Liwayway na sa kagandahan ay higít n~g malakí sa balitàng Helena, na dahil sa pagkatakas sa kanyá sa Paris ay siyáng pinanggalin~gan n~g kasíndák-sindák na patayan n~g m~ga panahón n~g kabayanihan. Ang binibining itó'y túnay na tila isáng _Dalagang Mármol_, dî lamang sa pagkakahawig sa larawan ni _Venus_ na aking nákita sa Museo n~g Louvre sa París, kundî pagkâ't tila dî nakaráramdam kun minsan. --Sinabi ko ná sa inyó, na ang kagandahan nilá ay siyáng nakapagbibigáy n~g kayaban~gan at kakirihán. Masisirà, sa wakás, ang inyóng isip pag-isasaloób ang libolibo niláng pang-aaglahi. --N~guni, ¿dî ba dayà ikararagdág pa sa halagá n~g kaniláng m~ga kagandahang lantád, kun silá'y umibig n~g matibay at huwág parang isáng babaing nápalungî, na sa kanyáng malabis na karálitâán ay napipilit itakal ang m~ga pinaghunusan n~g kanyáng kahihiyán sa bala nang mákaibig? --Sana n~gâ pô; n~guni't ang babai'y talagáng siyáng _demonio_ na ating kaaway, at úpang huwág nating mákilala ang kaniláng kasukabán ay ipinamámasid sa atin ang dati niláng mukhâ noóng silá'y isáng _angél_ pa, at sakà nagsosoót n~g barò't sáya. Si Pusò'y nán~gitî n~g márinig ang masayá kong birò at bago nagsalitâ: --Hindî, katoto; si Liwayway ko'y dî mangyayaring magíng isáng _demoniong_ may baró't sáya, kundî isáng diwatàng nagliliwanag sa kanyang dikit at kahinhinan, Gayón man, ¡oh, pusò! gaánon~g hapdî n~g súgat na sa iyó'y ipinagkaloób n~g malupít na diwatàng iyan!... Hindî náituloy ang pagsasalitâ, umiyák at halos nagsimulâ sa paghihin~galô. II. Sumigaw akóng nagpagibík at aming pinagtulúngtulun~gang hinimasmasán sa pagpapaamóy n~g _eter_ ang kaawà-awàng si Pusó, at n~g makalipas ang may kalahatîng oras ay nagsaulì sa malay-táo, n~guni't dî ko na siyá pinayagang bumanggit man lamang sa pan~galan n~g kanyáng tinatawag _Dalagang Mármol_. Makalipas ang dalawáng araw at n~g tila siyá bumubuti n~g bahagyâ ay tinawag akó't anyá: --Ang aking kunwâng paggalíng na inyóng námamasdán ay hindî tátagál at di sásalang akó'y mamámatáy rin agád. --¿Sa kátaón pa naman--aní ko--na n~gayó'y madalî náng sumusúlong ang inyóng paggaling? --Iyá'y akalà lamang ninyóng mag-isa, at yamang may natitirá pa akóng kaunting búhay, n~gayo'y ipatutuloy kong ipahayag sa inyó ang m~ga kapaitang linalasáp niaríng kalulwá, upang akó'y pautan~gin ninyó n~g loób na ganapín ang iláng ipagbibilin ko, sakaling mátagpûán ninyó ang _Dalagang Mármol_. --¡Mármol na namán! Útang na loób, kapatíd ko, huwág na sana munang banggitín n~gayón ang pan~galang iyán pagkâ't lúlubhâ ang iyó pông karamdaman. --Námamalî ka pô, katoto; lalò akóng bibigát at dî makakátulog sa pag-áalalang akó'y mamámatay n~g di nalalaman nì Liwayway, na ang katapusáng pagmumuni ko't buntóng hinin~gá'y sa kanyáng lahát nátutungkól. --Ang m~ga babaing parang _mármol_ na may pusòng matigás at malamíg na parang _hielo_, ay dî karapatdapat makabalino sa ating pag-iisip, lalònglalò pa sa kalagayang paris n~g înyó. --Walâ kayóng pagtin~gín sa akin, katoto, kundî pakikinggán ang ipagbibilin ko--aní Pusò na parang walâ nang pananalig. At n~g masabi itó'y naták ang luhà. Upang huwág n~g lalòng magdalamhati pa'y náyag na akóng siyá'y dinggín, bakit talagá rin namáng malabis ang han~gád kong maunawà ang m~ga lihim n~g dakilàng pusòng iyón n~g bayani. --Si Liwayway--aní Pusò--ay naninirahan sa Baliwag sa bayan n~g m~ga nakawiwiling dalaga. Sa lalawigang itó'y walâ náng ibá pa na tan~gi sa pagkamagandá n~g kanyáng m~ga binibini kundî ang bayang iyón. --Alám ko ná. --At kun nakabibighanì ang halos lahát n~g babai sa násabing bayan, si Liwayway ko ang parang hari nilá dahil sa walâng kaparis na kagandahan. Ang kanyáng mukhà'y nagníningníng na parang araw, at upang paputîín at pamurukin ang kanyáng m~ga pisn~gí ay pinili n~g Lumikha ang mababangóng kampupot at alejandría, pinaghalò at doón kinuha ang kanyáng kúlay, kaya maputîng parang azucena na nasasapyawán n~g pamumúrok ang balát na parang búlak sa lambót. Ang buhók ay kúlay gintô at tila sadyâng kinulót n~g maselan na kamay n~g m~ga diwatà. Mainam at kahilìihilì ang húbog ng ilóng at pati m~ga tain~ga, sampu n~g dalawáng matáng nan~gun~gusap sa kapun~gayan; m~ga n~giping parang pinili, malinis at maputîng parang gáring; babang nakalulugód ang pagkahatì, at ang kanyáng makipot at mainam na bibig ay tulad sa isáng bulaklák na bagong bumubuká ó sa isáng bátis n~g matamis na biyayà pagkâ't makitid at namúmulá ang kanyáng kabighábighaning labi't n~guso at ¡ay! kung mangyayari sanang aking máhagkáng minsán, marahil ay máraragdagán pa ang búhay ko! At sinabi itó n~g may kasamang malalim na buntóng hinin~gá. --¿Totoó kayâ--ang tanóng ko sa kanyáng tumatawa akó upang pasiglahín--na kayó'y gágalíng sa isáng matamís na halík ni Liwayway? --Walâng pagsala, maniwalà kayó sa akin; ngunì, ¡kaawà-awàng pusò ko! ¡walâ ná ang iyóng Liwayway at dî ko alám kun saán naroón n~gayón! --Ihimatón man lamang ninyó sa akin at pagsisikapan ko ang siyá'y hanapin. --Huwág na kayong mapágod, pagkâ't dî sásalang siyá'y lubhâng malayò ná, at isá pa, tiyák na magíging láson sa akin kun malaman ko pa ang kanyáng kinásapitan. --¿At bakit? --Iyán n~gâ ang lihim na kanino ma'y dî ko masasabi at dadalhin ko na sa húkay. Si Liwayway ay parang isáng makisig at masayáng kulasisi na nakawiwiling pakinggán pagmasayáng nagsasalitâ at dî nagbubulàan. Siyá'y balita sa lugód at inam makipag-usap; n~guni't mulà n~g akó'y kanyáng mákilala'y naparam na biglâ ang kanyáng pagkamasayá; parang ibong nalaglág sa isáng sumpít at naging larawang _mármol_ n~g pumaták sa lupà. --¿At ano ang naging sanhi? --Ang lan~git lamang ang nakatatalós. Isáng araw ay dumatíng kami sa nábangít náng bayan ni Liwayway. Doó'y tinipon ko sa liwasán ang pulutóng n~g aking kawal bago kami pasalabanán sa Marilaw, at aking pinan~gusapan upang silá'y pasiglahín at ipabatid tulóy ang lahát n~g dapat gawin. Maraming táo ang nanoód at nakinig n~g aking talumpatí na walâ sa áyos at sahól sa linálamán; n~guni, marahil sa awà n~g m~ga táo sa akin dahil sa akalàng akó'y mamámatay na walâng sala sa dadayuhing labanán, ay kinalugdán din akó't ipinagdíwang kahit dî karapatdapat. Nang akó'y manaog sa pinagtalumpatian ay námasdán ko si Liwayway sa isáng súlok. Sinasabi sa m~ga Banal na Kasulatan, na ang _angel_ na nákita ni Magdalena at m~ga kasama sa libin~gan ni Jesus, ay nagníningníng na parang araw. Gayón din si Liwayway, kumikináng sa kanyáng kagandahan, katimpîan at kahinhinán na parang bukáng liwaywáy n~g isáng araw na maligaya. Sa m~ga sandalîng yaón ay gumiít sa aking puso ang isáng tan~ging damdamin na dî ko málamang sabihin at kaylán man hanggá noón ay dî ko pa napagkákabatirán. Ang kanyáng pananamit ay karaniwan, n~guni't malinis gaya n~g laging isinosoót n~g m~ga babaing bayan; at nabatíd kong siyá'y isáng ulila na kinúkupkóp lamang n~g isáng matandâng dalaga. Akó'y nagkaroón n~g magiliw na pagtin~gín sa kanyá at aking linapita't siya'y binati. Magiliw namán siyáng sumagót, at dî nalalamang sa aking dibdib ay nagninin~gas ná ang isáng damdaming marahil ay yaón ang tinatawag ninyóng pag-ibig. Matapus ang sandalî sa m~ga salitâan naming walâng kabuluhán ay sinabi ko sa kanyá: --Liwayway, ¡oh, himalâng Liwayway sa kagandahan! Akó'y paroroón ná sa labanán at malapit ang dî ná ninyó akó mákita. Akó'y paris din ninyó, ulila sa lahát. Kun ang aking hinin~gá'y malagót sa párang n~g pakikihamok, ay parang isáng muntîng ilaw lamang na pinatáy n~g han~gin. Sa bagay na itó, ¿maipagkákaloób kayâ ninyó, diwatà n~g habág, ang mahalagá mo pông pañô upang akó'y may máidampî ó máitalì sa aking magiging súgat? --Opò, ginoó--ang magiliw na sagót ni Liwayway at ibinigáy sa akin yaóng naipakamahalagáng pañô na nakapulupot sa kanyáng leeg na parang linalik. Hinagkán ko ang maban~góng pañô at agád kong itinagò sa bulsá sa aking dibdib. Napipi ang aking lugód at nasàng paggantíng loób sa kagandahang pusò ni Liwayway; n~gunì't kulang pa rin ang katuwàa't ikasisiyá kong loób, pagkâ't bagamán ibinigay ná sa akin ang kanyáng pañô, ay ipinalalagáy kong parang limós lamang sa kaninomang tagatanggól n~g tinubùan; datapwà't sa kabilâng dako, nahihiyâ namán akóng magparamdám agád sa kanyá sa lubós na kadalîán n~g umúunlád kong pag-ibig, at súkat ang sinabí ko sa kanyáng: --Maraming salamat, mahabaging Liwayway; at gantihin nawa n~g Lumikhâ ang pusò mo pông gintô. Lahát n~g aking m~ga kawal ay may tagláy na kalmen ó antíng-antíng upang máligtás silá sa punlô, n~guni, ulóg lamáng ang iyó pông lingkód na walà anománg agimat, at dahil dito, kun parang limós na ibigay ninyó sa akin ang isáng buhók mo pô na labis kong pinaháhalagahán, ay ikalulugód ko at siyáng makapagbibigay sa akin n~g tápang at kahihiyán sa dî pagdúrong, pagkamí'y binabakang mahigpít n~g mayayaman at malalakás nating kaaway. Nang máriníg itó ni Liwayway, minasdán akó, namulá n~g bahagya at dî akó sinagót agád; n~gunì n~g makalipas ang sandalî ay lumagót n~g isá sa kanyáng mainam na buhók at ibinigáy sa akin n~g malwág sa kalooban. --Aytó pô--anyá--Láhat n~g maitutulong ko sa ating m~ga bayani, agád maáasahan sa akin. Hinagkán ko ang buhók na aking kaaliwan at sakâ ko binalot sa pañông itinatagò sa bulsáng na sa tapát n~g dibdib. Ibig ko pa ring magsalità at buksán ná sanang minsán ang aking pusò sa linalan~git kong dalaga; n~guni, akó, na kaylán ma'y dî nakakilala n~g tákot ay nagíng umíd, dalá n~g pan~gingilag na bakâ sabihin niyáng akó'y isáng mapan~gahás. Sumakáy ná akó sa aking kabayo at ipinag-utos kong lumakad ná agád ang aking m~ga kawal at n~g lilisanin ka ná si Liwayway ay inyabót ko ang aking kamáy at isinalubóng anamán niyá sa akin ang kanyáng maririkít na dalirì. Di na kó nakapigil at pagdaka'y pinan~gahasan kong hinagkán ang magandá niyáng kamáy at sakâ ko sinabi n~g ako'y humihikbî: --Paalám ná, ¡búhay ko! Kinaí-inggitán kong túnay ang mapalad na lalaking magkákamit sa nápakamahalagá at dakilà ninyóng pusó. ¿Akalá ba ninyó'y umiyák namán ang _Dalagang Mármol_ n~g akó'y mákitang híhikbî-hikbî'y lumalakad na tún~go sa pakikilaban at sa kamatayan? ... ¡Hindî pô! Súkat ang akó'y minasdáng parang siyá'y námanghâ. At ang gayó'y nagíng parang isáng tinik na mahayap sa aking pusòng nahahapis, pagkâ't inasahan kong siyá'y umiibig ná sa ibá. Gayón pa man, ang pagyao nami'y lubhâng kalagím-lagím at halos lahát n~g m~ga babai'y nagsi-iyák, tan~gi lamang yaóng diwatàng _Dalagang Mármol._ III. Talagáng túnay n~gâng kapuripuri si _General Antonio Luna_ sa m~ga labanáng lantaran, palibhasà'y tagláy ang katapan~gang dî pangkaraniwan, at dahil dito'y madalás niyáng maampát ang kabilisán sa pagsalakay n~g m~ga kawal americano, na may magagalíng na kañón, baríl, maramíng kabayong malalakí at ibá pang kasangkapang pawàng kalwagan sa pakikilaban; m~ga bagay na siyáng totoóng kulang sa amin, sa lubós na kasamâáng palad. N~guni't sa isáng dako nama'y masasabing si Emilio Aguinaldo'y talagáng dalubhasà sa m~ga kaisipán at paraán n~g pagtambáng at panunúbok sa kaaway na dî nakahandâ; at dahil sa m~ga kagagawáng itó, malakí ang kanyáng nápulô noóng labanán sa kastilà, hanggán sa naratíng niyá ang magíng Pang-ulo n~g m~ga general na naghíhimagsík. Ang katotohana'y dî n~gâ dapat makilaban n~g mukhâán sa isáng kaaway na may sapát na lakás at nakahíhigít sa lahát n~g bagay, at walâ n~gâng dapat gawín kundî daanin sa paraáng ikabibiglâ at sa m~ga pagtambáng. Ang m~ga americano'y nan~gakaratíng ná sa Malolos, at kinalatan nilá n~g m~ga pulutóng na tánod ang lahát n~g himpilan n~g tren sa Bulakán at pinagsisikapang máitaboy si General Luna sa kabilâng dáko n~g ilog Kalumpít. Sa gayó'y náisip naman ni Aguinaldong _dukutin_ ang m~ga pulutóng na nagtatanod sa m~ga himpilan n~g tren sa Bigaá, Bukawe at Mariláw; at isáng gabí ay pinalakad ang m~ga kawal na lúlusob at pati siyà'y dumaló búhat sa San Rafael, upang pamahalàan ang pagsalakay. Ang paraán ni Aguinaldo'y pinalad. Sa lubós na pagkabiglà n~g m~ga americano dahil sa dî nilá ináasahang kapan~gahasan n~g m~ga tagalog, agád siláng nagsitakbó't nagtipon sa Guiguintô at ang iba'y sa dákong Maynilà, datapwâ't sa pag-urong ay marami ang nápatáy n~g m~ga tagalog; at sana'y mádadakíp na lahát kun nátanggáp lamang ni General Luna ang pautos ni Aguinaldo at nakadaló siyá n~g kasalsalan n~g labanán. Gayón man nakúha rin namin ang lahát-lahát na lamán n~g tatlóng Himpilang násabi. Alám na ninyóng m~ga tagarito na akó ang lalòng ipinagdíwang sa gayóng pagtatagumpáy namin, pagkâ't kundî lamang dahil sa akó ang siyáng namayaning agád dumaluhong at nakalupig sa m~ga kaaway, kundî pagkâ't dahil din naman sa aking mabisàng pagdaló ay nagtagumpáy rin ang m~ga pulutóng na pinalúsob sa ibá't ibáng poók. N~guni't sa labanáng itó'y mulî akóng nasugatan n~g malubhâ, kayâ ginawâ akóng _Coronel_ ni Aguinaldo at ipinadalá akó sa bayang Baliwag upang ipagamót, palibhasà'y para akóng patáy n~g damputín sa párang n~g labanán. Nang magsimulâ akó sa paggalíng at idilat ang aking m~ga matá, akalà ko ba'y nahíhibáng akó, nan~gan~garap ó nápaakyát sa lan~git, pagkâ't námasdáng hindî ibá ang nag-áalagà sa akin kundî ang kawiliwiling dalaga na nagpaalab sa payapà kong pusò n~g isáng parang Volcáng pag-ibig. Kusà akóng nápasigáw agád at buntóng hinin~gá kong sinabi ang: --¡Liwayway! ¡Liwayway! ¿Ikáw n~gâ pô ba ang matamís kong Liwayway? --Opò--sagót n~g _Dalagang Marmol_--n~guni't huwág kayóng magsalitâ, pagkâ't ibinabawal n~g manggagamot. --Bayàan ná ninyó, at kahìt mamatáy man akó n~gayó'y mámatamisín ko rín, pagkâ't sa pilin~g mo pô pápanaw ang búhay kong walâng kabuluhán. --Huwág pô--aní Liwayway--Ikáw pô'y lubhâng batà pa at gayón ma'y _Coronel_ ná at marami n~g kapuriháng tinamó sa pagtatagumpáy. Aalagàan naming mabuti ang mahalagá ninyóng búhay na lubháng kailan~gan pa n~g ating kaawà-awàng Bayan. --Nakawáwalâ n~g pag-asa ko, Liwaywáy, ang máriníg sa inyó na akó'y iyó pô lamang ináalagàan at ginagamót upang maipagtanggól ko ang ating tinubùan. Nais ko ang maglingkód sa kagalang-gálang nating Ináng bayan, n~guni, han~gád kong mabúhay namán upang ikaw pô, aking kayamanan ay siyáng magpalasáp sa akin n~g m~ga katamisan n~g pag-ibig. --Maghunos dilì ka pô, ginoóng _Coronel_--ang sagót niyá sa aking may kalamigán n~g isáng _mármol_--tila yatà pan~git na ikáw pông hindî napasukò n~g malalakás na americano, n~gayó'y magiging bihag lamang n~g isáng dukhàng babai, n~gayón pa namán sa m~ga dakilàng sandalî na lubhâng kinakailan~gan n~g ating Bayan ang iyó pòng talino at lakás. --Dî ko kailan~gan turúan mo pô akó n~g tungkól sa pag-ibig sa lupàng tinubùan; n~guni't ikáw pô at ang inyóng kataká-takáng kagandahan ay bahagi rin namán n~g Bayang iyán. Ang kátamis-tamisang pag-ibig ninyóng m~ga dalagang kababayan, ay siyáng tan~ging nápakamahalagáng gantíng palà na ináantáy naming kamtán sa likód n~g lubhàng pagsisikap sa pagtatanggól n~g ating bayan, kahit puhunanin ang aming búhay. Hindi tumugón ang _Dalagang Mármol_; kumuha n~g isáng mangkók na sabáw at ipinainóm sa akin na para bagang dî niyá nápansín ang m~ga sinabi ko. Sa gayó'y aking binalikán ang paglúhog at ani ko: --Aking nakikita Liwayway, na walâng pakiramdám, na kúlang akóng lubós sa m~ga karapatán upang ihandóg sa inyó ang marálitâ kong pusò. Gayón man, marapatin ninyóng sagutín lamang ang aking itinátanóng upang maawasán ang aking dibdíb sa isáng pag-áalinlan~gang totoóng nápakabigát. --¿At anó pô iyón--aní Liwayway. --Ipagtapát mo pô lamang sa akin kun mayroón nang lalaking lalòng mapalad na siyáng nag-íin~gat sa susi n~g dakila ninyóng pusò. --Walâ pô. Kaylán ma'y dî ko pa ginágawâ ang umibig dahil sa aking lubhâng kabatàan. At ináakalà ko na kaylán ma'y dî ko ná marárating ang umibig, palibhasà'y walàng tumataláb sa aking damdamin sa m~ga pagsintáng isinusuyò n~g m~ga binatà. Ganyán dî pô ang akalà ko bago kayó nakilala; masanghayang bulaklák n~g luwalhating Bulakán, n~guni't n~gayóng násumpun~gán ko ang lábis na hináhanap ó kayâ'y ang isáng pusòng malinis na walâ pang iníibig, ¡ay Liwayway! tugunín mo pô akó, alang-álang sa Lumikhâ, at kun hindî ay huwág na ninyó akóng alagaan pa ni gamutín, palibhasà nais ko pa ang mamatáy kay sa mabúhay n~g walâng ináasahan. Hindî rin sumagót ang _Dalagang Mármol_ ni nabago ang kanyáng mukhâ: túlad na mistula sa _mármol ó hielo_; n~guni't marubdób ang pag-áalagà niyá sa akin, at umaga't hápon ay hináhandugán akó n~g magaganda't sariwàng bulaklák na pitás sa kanyáng marilág na halamanan. Ganyáng talagá ang lahát n~g dalagang tagalog na nátatan~gi sa kaniláng likás na kahinhinan at samantalang mahihirap mapasogót ay lalò namáng nagliliyáb ang ating pag-ibig sa kanilá. N~guni, ¡ay! Ang _hielo'y_ untî-untîng natutunaw ná at ang larawang _mármol_, parang hiwagà'y nagkákaroón n~g búhay at kasiglahán at nagiging mairugíng kasintahan n~g dî niyá námamatyagán man lamang. Kaylán ma'y hindî ipinagtapát sa akin na iníibig niyá akó; n~guni't isáng araw na akó'y dinalaw n~g m~ga pinunò n~g aming hukbó, silásilá'y nagpápainamán n~g pag-garà kay Liwayway, at siyá, malayòng lisanin ang gayón ay masayáng nakikipag-usap sa kanilá. Ang ganitó'y sumúgat sa lalóng kalaliman n~g aking pusò, palibhasà kaylán ma'y dî siyá nagpamalas sa akin n~g gayóng pagkatuwà. N~guni, dî akó nagpahalatâ at gayón pa man, sa masíd ay parang ikinalilibáng ko rin ang katuwàan nila. Nang makaalis ang m~ga panauhin, lumapit sa akin si Liwaywáy upang akó'y gamutín, n~guni sinabi ko sa kanyá n~g mabuti ang aking mukhâ at sa lubós na paggalang, na magágamót ko náng magisá ang aking m~ga súgat, pagkâ't akó'y malakás ná. Siyá'y nagpumilit; n~guni't dî ko pinayagan. --¿Sumukal ba ang inyóng loób sa akin?--ang tanóng niyá na aking sinagot namán n~g: Walâ akóng kapangyarihang magalit sa inyó, Liwayway; n~guni't nakasúgat n~g malubhâ sa akin ang kasayahang isinalubong ninyó sa m~ga binatàng pinunò, pagkâ't sa akin, kaylán ma'y dî mo pô náipakita ang mahál ninyóng pagtawa. --¡Nakú! ¿at dahil lámang diyán? --¿Lámang ang sábi ninyó? Dapat mo póng mabatíd, Liwayway, na túnay akóng nasaktan; at saksí ko ang Diós: ibig ko pang mamatáy n~gayón din--ang náisigáw ko n~g dî na naaring ipagkunwarî pang itagò ang aking dinaramdám. --¿At kun akó na lamang ba ang inyóng patayín, yamang akó ang tan~ging nagkasala?--ang mairog niyang tugón sa akin. --¿At sino akong papatáy kun ganitóng walâng-walâ akóng kapangyarihan sa inyó? --¡Ah totoó n~gâ palá! Upang magkaroón n~g kapanyarihang iyán ay tanggapin ninyó n~gayón ang marálitâng singsíng na itó: Siyá ang inyóng kagatin at sa kanyá ibuntó ang inyóng malabis na gálit--ang sinabi niyá at saká nagtawá. Agád akóng nákaramdam n~g isáng katuwaáng hindî masáyod. Natulad akó sa isáng bin~gíng nagkaroón n~g pakiníg ó sa bulág na biglâng pinagsaulan n~g pani~gin. Hinabol ko upang hagkán ang _Dalagang Mármol_ na karaka'y nagíng palabirô at kawiliwiling diwatà. N~guni't dî ko ná siyá inábot at walâng naiwan sa akin kundî ang kanyáng sinsíng. Nang makalipas ang may isáng oras ay dinalhan akó ni Liwayway n~g pagkain. N~guni, walâ na sa kanyáng maalindóg na mukhâ, ni bakás man lamang n~g pagtawa kanina, at sinabi sa akin na parang galít: --Kaylán man, huwág ninyó akóng pan~gán~gahasáng hagkán, at kun hindî, tayó'y totohanang magkákagalit. Akíng ipinan~gan~gakò sa inyó at kayó'y pináhihintulutang akó'y patayin kun márapatang umibig sa ibá. At mulà n~gayó'y manahimik ka pô. ¡Ang katuwàan ko'y dî maipagsaysáy! Madaling sumulong ang aking paggalíng, palibhasà, laging naaalalang akó'y _Coronel_ ná at maidaragdág pang akó'y mag-aasawa sa lalóng magandáng diwatà na nanggaling sa makapangyarihang kamáy n~g kábanalbanalang Lumikhà n~g Sangkatauhan. Datapuwa't matigás n~g kaunti ang úlo ni Liwayway. Aywan ko kun sapagká't hindî pa nararatihan sa m~ga láyaw n~g pagibig, kayâ ang nangyayari'y madalás kaming magkaroón n~g m~ga alitan; n~guni't paglalòng mahigpit ang aming pagkakáalít ay lalò rin namáng humihigpít ang m~ga buhól na nakatatali sa aming pagsisintahan; at bukód sa rito, totoóng nápakatamis at dî masayod na kaluguran ang umáapaw sa aming m~ga kalulwáng nagkakasintahan, pagkami'y kusàng nagkakahin~gian n~g tawad. Mangyari'y sa París akó lumakí at doón ko kinámihasnáng mákita ang malayáng pagsisintahan na dî ikinúkubli at lalò pa ang ikahiya, at siyáng totoó, na ang m~ga pagsisintahan ay isáng bagay na katutubo sa babai't lalaki, kayâ dî ko mákita ang matwíd kun bakit ang gayó'y ating ikahihiyâ. Doó'y dî n~ga ikinahihiyâ ó itinatagò ang pagmamahalan n~g dalawáng pusòng nagsisíntahan, at ang kadalasán, sa m~ga lansan~ga'y makikita ninyóng naghahalikan ang isáng laláki't isáng babai, n~g sino ma'y hindî nagtataká; pagkâ't doón, ang halik ay halos parang isáng pagkakamáy lamang n~g dalawáng magkatotong nagmamahalan. N~guni, dito sa boóng Kapilipinasan ay lubhâng nakamúmuhî ang iláng palakad sa m~ga bagay na itó, pagkâ't ibinabawal n~g m~ga magulang sa m~ga anak nilang dalaga ang pakikipag-usap n~g tungkól sa pag-ibig sa isáng laláking may nasàng lumigaw. At mayroón pang lubhâng pan~git na ináasal ang matatandâng babai, paris n~g kun pinapagbabantáy sa gitnâ n~g isáng dalaga't bagong táong nag-uusap ang isáng batà, upang huwag siláng makapagsalitâan n~g tungkól sa pagsintá; gayóng isáng sulyáp lamang ay madalás pang nagiging makabuluhán kaysá mahabàng pagsasaysáy n~g pag-ibig. ¿At anó ang malimit mápalâ sa ganitô? Na, tinatamó n~g matatandâng babai sa kaniláng kahigpítan ang huwág n~gâng makipag-usap n~g sa pag-ibig ang anák na dalaga kun na sa haráp nilá; n~gunì, palibhasà ang m~ga bagay na itó'y hindî maáarìng sansalàin kahit anóng gawín, kayâ pumapayag tulóy ang dalaga na makipag-usap na mag-isá sa kanyáng mangliligaw n~g sa m~ga hating gabí, at sa dilím, bagay na siyang madalás ikápahamak n~g kapús-palad na babai, at sino ma'y walâng may kasalanan sa gayóng katiwalîan kundî ang m~ga malî nating ugalì sa bagay na itó. Isáng araw na akó'y nakikipag-usap sa isáng dalaga n~g m~ga bagay na waláng kabuluhán, anó ba't napagitnâ sa amin ang isáng batàng laláki upang mápakinggán ang aming salitâan; sa gayó'y agád akóng umalîs at sinabi ko sa matandâng babaing may bahay na akó'y bábalik kun kaylán mawalâ ang m~ga ugalìng nábabagay lamang sa m~ga igurót at hindî sa m~ga táong mulát sa kabihasnán. Ang _Dalagang Mármol_, kailan ma'y hindî nánalís sa m~ga halamanan n~g kanyáng kawiliwiling bayan, kayâ namán parang ibong gúbat na mailáp. --Dapwâ't alalahanin ninyó, bayani--ang giit ko--na ang m~ga ibong gúbat ang siyáng lalòng masaráp kanin marin~gal masdán at siyáng kahanapán n~g m~ga táo dahil sa kailapán nilá; paris din namán n~g m~ga bun~gang kahoy na pag-masaráp ay mahirap kitàin, at sino man ay ayaw kumain n~g pagkaing lamás. --Siyáng totoó--ang sagót ni Pusò--n~gunì, ang ugalì ni Liwayway at ugalì ko ay magkaibá: kami'y nagkásumáng at kun minsa'y nagkákabanggâng kusà. Gayón man, untî-untî kong nahinayod sa kalakìhan n~g aking pag-ibig. Siyá'y hindî na n~gayón yaóng _Dalagang Mármol_ ó isáng halamang bundók na may lasang masakláp, kundî isáng bulaklák na mainam at masamyó, ó isáng kalapating púnay na maamò na ulóg sa tamís umibig. N~guni, ¡oh sa abâ n~g aking sawîng kapalaran! Ang matandâng babaing nag-áalagà sa kanyá ay nag-isip sa akin n~g masamâ; pará bagáng mangyáyari na ang isáng lalaking nínibig n~g maálab at sa boóng pagtatapát ay makagágáwâ n~g isâng gawîng hindî marapat ó isáng kaliluhán sa kadakilàan n~g kanyá pa namáng sinásambá n~g taós sa kalooban. Inakalà marahil n~g tampalasang matandà na akó'y kabílang n~g m~ga ibáng táong kanyáng nákilala na may ugalìng magaspáng at walâng dan~gál. At, ang ginawâ'y itinákas si Liwáyway sa isáng bayang dî ko alám upang ipakasál sa ibá. Pinagpilitan kong siyá'y hanapin, n~guni't dî ko natagpûán, at alinsunod sa nábalitàán kó'y malayò ná ang kinaróroonán at dî sasalang n~gayó'y kasál ná sa ibá, pagkâ't dî maáaring madalá n~g matandâ si Liwayway n~g dî itó kasabwát sa pagtataksíl sa kahabághabág kong pusò. Dî rin namán akó makasunód sa kanyá sa totoóng malayò, palibhasà'y dî ko maiwan ang aking m~ga kawal dahil sa kapansanang pakikilaban araw-araw sa kaaway na dî kamí iníiwan magíng araw at gabí; at sa wakás, aytó n~gâ akó't namámatáy. Pinulasán n~g luhàng mapaít ang bayani, at sa gayó'y kinusà kong liban~gín. At sa ibáng sandalî, aní Pusò sa akin: --Kun sa isáng pagkakataón at mátagpûán ninyó si Liwaywáy, ay sabihin lamang sa kanyá na kahit siya'y naglilo sa akin ay pinatátawad ko rin n~g dî nagbabago ang aking pag-ibig sa kanyá at akó'y pápanaw na binábanggit ang kanyáng matamís na pan~galan. At kun inyóng máhalatàng nakagigising ó mulîng nabubûhay sa larawang _mármol_ ang anománg magiliw na pagtin~gin sa akin, anyayahan mo pô at siya'y tulun~gang hukayin ang aking bangkáy at hanapin ang singsing ko, upang maisaoli. Marahil kahit naging lupà ná ang aking kaabâabâng m~ga butó't lamán ay sisigáw pa rin akó at sasabíhing: --¡Liwaywáy, matamís kong Liwaywáy! ¡Alalahanin mo ang iyóng isinumpâ sa akin, n~g ipagkaloób mo ang iyóng dî malilimot na singsíng, na, anímo'y patayin kitá kun umibig sa ibá! Mulîng naták na namán ang masakláp na luhà n~g kahabághabág na bayani na waring ibig náng panawan n~g mahalagáng búhay, n~gunì't sa bisà n~g _eter_ ay amin díng nahimasmasán pá. Ang singsing na sinasabi ay gintòng linubid na wan~gis sa karaniwang gamitin n~g m~ga dalagang Bulakán. Tiyák na sinasabing natataliàn n~g m~ga diwatàng Bulakán ang pusò n~g kaniláng m~ga kasintahan, n~g sa kailán ma'y dî na maáaring siràin, sa pamamagitan n~g singsíng na iyáng linubid na sadyâ n~g tibay. Tungkól kay Liwayway, naunawà ko sa hulí na ikinasál sa isáng americano, alinsunod sa pahayag n~g isáng táong nakakita; at n~g matapus ay nagsiyao raw silá sa isáng lalawigang malayò. N~guni, ipinaglihim ko ang bagay na itó sa kapús-palad kong kaibigan. V. Isáng araw na akó'y nakikipagsalitâan kay Pusò na tila untî-untî náng gumágaling, karaka'y naghiyawan ang m~ga táo na kamí'y linúlusob n~g m~ga kábayuháng americano, at sunód dito ang isáng kasindák-sindák na pútukan. Agád-agád na inabót ni Pusò ang kanyáng _revolver_ at ang wikà sa akin: --¡Madali! Ilapit ninyó ang aking hinihigán sa tapát n~g bútas na iyón n~g dinding at ikanlóng mo pô akó sa haligi. At, n~gayó'y dumating ná, kapatíd ko, ang oras na aking maitátakal n~g mahál ang búhay na itóng walâng kabuluhán. Aytó, itagò ninyó n~g boong in~gat ang tan~gi kong hiyás, ang minúmutyâ kong sinsing, upang huwág maágaw sa akin n~g m~ga kaaway. Isauli lamang kay Liwaywáy, sakalìng siyá'y matagpûán. --Huwág na kayóng makilaban--ang amuki ko--mahál na katoto, pagkâ't kayó'y malubhâ at matitiyák kong dî ka pô aanhin n~g m~ga kaaway sa kalagayang iyán. --Hindî maáari--ang mapusok na sagót sa akin--lahát n~g kawal na may dan~gal, ay dapat mamatáy muna, bago sumukò sa kanyáng kalaban. Tumakbó ka pô't aytó na silá. Dî n~gâ naman nagkabulà at sa isáng kisáp-matá'y pinaputukán kamí n~g m~ga americano at agád parang pinutakti ang aming bahay sa tamà n~g punlô na lusót-lusutan sa lahat n~g dako. Itinulak akó ni Pusò at siyá'y naláglagán n~g isáng paták na luhà sa pagiinit, n~g mákitang ayaw ko siyáng iwan at anyá: --Lumákad ka pô, kapatíd ko at iligtá ang singsing na lábis kong minámahál. Sa gayó'y tumakbó akóng dalá ang singsíng at kamuntî na akóng abútin n~g isáng americanong kábayúhán, kundî n~g mákita ni Pusò na akó,y hináhabol ay agád siyáng pinaputukán at noón di'y patáy na nahulog sa kabayo ang americano. Kinubkób n~g m~ga kaaway ang bahay na kinároroonán ni Pusò at n~g akó'y makalayô na sa katamtamang agwát sa loób n~g isáng masukal na tálahibán, ay nákita kong marami pang nápatáy si Pusò, palibhasà't may mabuti siyáng panudlâ at sa bawa't punlô n~g kanyáng _revolver_ ay isáng americanong patáy ó sugatáng malúbhâ ang kapalít. N~gunì't sa wakás ay tinamàan naman siyá at nátanawán kong nahulog na parang patáy. Nang walâ náng sumásagót sa putók n~g m~ga americano ay dumaluhong na silá't tinalón ang bahay at doón nákita si Pusò na walâng malay-táo, n~gunì't huminhingá pa n~g kauntî. Malakí ang pagkámanghâ at pagpuri n~g m~ga americano sa kanyáng katapan~gan, palibhasà, gayóng butó't balát na lamang ay lumaban pa sa lalòng kabayanihan. Hinubarán si Pusò upang siyasatin ang kanyáng m~ga súgat at n~g mákitang siya'y Coronel ay sinikap na linanggás n~g main~gat ang bago at m~ga dáti niyáng súgat at sakà ginamót. Sa liblíb na aking kinátatagùan ay nagdaán ang dalawáng makabebe na kasama n~g m~ga americano, at aking nápakinggán sa kanilá ang sumúsunód na salitân. UNANG MAKABEBE:--Itó ang "nunò" n~g tápang. ¿Sino ang mag-áakalàng, makamatáy pa n~g walóng americano, ang Coronel na itóng halos ay naghíhin~galô na lamang? IKALAWÁNG MAKABEBE:--Sinasabi n~g americanong manggagámot na kun sa m~ga súgat daw lamang uy maáari pa siyáng mabúhay, pagkâ't ang punlô'y hindî naman nakasirà n~g m~ga sangkáp na mahahalagá sa loób n~g katawán; n~guni, may kahirapan daw siyáng iligtás dahil sa lubhâng kakulan~gan n~g dugô, kayâ nawáwalâ tulóy ang pag-asa dahil sa kahinàan n~g katawán. Inakalà kong nákaramdám mandín ang m~ga makabebe na may táo sa aking kinalalagyáng liblíb, kayâ agád akóng tumalilís at nagtatakbó n~g walâng tígil, hanggan sa isáng náyong malapit sa Baluarte; at matápus ang walâng lagót na takbó ay dumatíng akó sa Gapáng kinabukasan, n~guni't patay na halos sa pagkagútom, sa pagkasindák at sa pagkapágod. Tumawag akó sa unang bahay na aking natagpûán at magiliw namán akóng tinanggáp n~g málaman nilá ang nangyari sa akin, na nakatákas lamang akó sa m~ga americano. Bahagyâ na akóng makapagsalitâ dalá n~g malaking panghihinà at ni ang pan~galan n~g bayani't matapang na Pusò ay di ko ná nábanggit man lamang. Isáng matandâng babai na nag-n~gan~galang Edeng na lagìng may púgong na pañô sa úlo, paris n~g ugaling kataglayan n~g matatandâng babai sa lupàing itó, ang siyáng nan~gan~ga siwà sa aking pagkain at sa ilán pang m~ga kailan~gan; n~guni't kun minsán, akó'y nayáyamót sa matandâng itó dahil sa tuwî náng káu-usisà sa akin n~g tungkól sa m~ga balità n~g labanán; at lahát halos n~g m~ga pinunò ay itinátanóng sa akin kun saán dapat mákita. Akó namán na talagáng mayayamutin ay agad sumásagót na walâ akóng nalalaman at lalò ko pang sinásadyâ, pagkâ't kun minsan ay hinihinalà kong bakâ isáng tiktík n~g m~ga americano. Pagkatapus n~g m~ga iláng tanóng niyá sa akin, tuwî na'y nahuhulog sa pagsisiyasat n~g kun saán pumuntá ang m~ga kawal n~g balitàng si Pusò. At sinásagót ko naman n~g: "Aywán." Sa gayó'y tumútugón ang matandâng Edeng na anyá'y: --Parang linamon n~g lupà si Pusò; marahîl ay namatáy ná, kayà walâ náng mábalità sa kanyá, pagkâ't noóng siyá'y buháy, araw-araw ay napag-úusapan ang mahigpît niyáng panglulusob sa m~ga pulutóng n~g kaaway. --Aywán kó pô, aywan ko--ang lagi kong sagót. At sa sarili ko'y nasasabing: --Datihan ang tiktík na itó. Marahil ay makaligtás sa pagkálibing n~g buháy. Isáng araw ay isinoót ko ang singsing n~g aking katoto at bahagyâ pa lamang namasdán ni matatandang Edeng ay hinawakang nan~gán~gatál ang aking kamáy, tiningnáng mabuti ang singsing at nápaiyák. Akó'y nagtaká at aking tinanóng: --¿Bakit pô? --¡Taksíl na táo!--ang sagot na humahagulgól--Ikáw pô palá ang pumatáy sa kulang palad kong si Pusò at n~gayó'y nagkukunwarî pa kayóng waláng namamalayan sa kanyá. Sábi ko na n~ga ba't sa mulâ pa'y kumúkutób na sa aking loób na ang táong itó'y may kinalaman kay Pusò ko. --Ikáw pô ba'y anó ni Coronel Pusò? ¿Kayó pô ba'y ina sakali? --Opò. Kayâ n~gâ ipinamámanhík ko sa inyóng sabihin lamang agád sa akin ang nangyari sa hirang kong bunsô. --Totoó't kinusà ko pô ang pa-ewan sa inyo pagkâ't hinihinalà kong kayó'y isáng tiktík n~g m~ga americano; alám na ninyóng kun minsán ay m~ga babai ang ginágamit nilá sa tungkuling itó, at si Pusò'y para kong kapatid, katunayan, n~g kamí'y maghiwaláy at n~g siyá'y humándâ sa pakikilaban n~g walâ anománg pag-asàng mabúhay pa, ibinigáy sa akin ang kanyáng pinakamúmutyâng singsíng upang isaulì ko sa may ari. --¿Siyá pô ba'y buháy pa ó patáy ná? --Dî ko pô masabi, pagkâ't dinampót na parang patáy n~g m~ga americano; n~guni't n~g matapus ay sinasabi niláng alinsunod sa manggagámot, kun dahil daw lamang sa kanyáng m~ga súgat ay maáari pang mabúhay, palibhasà't hindî sumirà n~g m~ga bahaging maselan sa loób n~g katawán; n~guni't na sa kahangganan daw ang kanyáng panghihiná. --¿At saán naroón n~gayón? --Iniwan ko pô sa dákong Sibul na ináalagàan n~g m~ga americanong nakábihag sa kanyá. --Kun gayó'y ibigáy na ninyó sa akin ang singsíng. --Patawarin mo pô akô. Mahigpit na lubhâ ang bilin sa akin at kahit kayó ang kanyáng iná'y dî ko pô maipagkakaloób sa inyó, kundî sa túnay na may ari; at siyá ma'y kinakailan~gang sabihin muna sa akin ang pagkákakilanlán. --¿At anó ang palátandâan? --Sa pan~galan niyá. Hanggá n~gayón, akó'y inyóng patatawarin, hindî pa lubós ang paniwalà ko sa inyó; akó'y iyó pong náhuli sa biglâan at dahil lamang sa pagkatutóp kayâ nagsabi sa inyó n~g totoó. --Huwag kayóng mag-isip sa akin n~g masamâ--ang sagót n~g nahahapis na matandâ. Ang pan~galang inyóng hinahanap ay ... ¡Liwaywáy! --¡Iyán n~ga pô! --¡LIWAYWAY! Iyán ang naging kapahamakán n~g aking kulang palad na anák. --¡Totoó n~gà pô! At kundî dahil sa kanyá ay dî hinanap ni Pusò sa lubós na kawalâng pag-asa ang kamatayan sa parang n~g labanán. Tila pô parating siyá'y nagpápatiwakál ... Súkat na pô. Kung túnay na kayó ang iná n~g Coronel ay dî dapat siyasatin pang lahát ang lihim n~g aking kaibigan, upang huwág ka pông malunod sa kadalamhatian ... ¡Liwayway! ¡Oh, walâng awàng Liwayway! At, nagkahalò ang aming luhà n~g kapús-palad na iná. VI. Nang mahimásmasán ang aming m~ga pag-iyák ay sinabi sa akin ni matandâng Edeng: --Súkat ná, mahál kong anák; akó'y mayroóng kauntîng salapî na ating mábabaon. Ating hanapin si Pusò at siyá'y alagàan upang mabúhay pa kun itutulot n~g maawàing Maykapál. Kun sa m~ga americano lamang natin siya iáasa ay mahirap, pagkâ't marami rin namán siláng gagawàing ináatupag. --Tayo na pô--aní ko. At matapus ihandâ ang kauntîng abúbot na aming dadalhín ay lumakad kamí. Nang may isáng linggó na kamíng naglálakád ay natagpúan din namin si Pusò sa isáng bahay-gamútan sa Maynilà. Ipinakilala ko sa m~ga americano na si matandàng Edeng ay siyáng iná n~g Coronel at hinilíng naming ipahintulot nilá na aming maalagàan si Pusò doón din sa báhay-gamútang yaón; bagay na ipinayag namang malwág n~g m~ga americano, at hanggan sa kami'y binigyán pa n~g mátutulugan at pagkain, n~g maunawàng kamí'y nanggaling sa malayòng bayan. Si Pusò'y hindî pa nakakákilala n~g táo; nahihibáng at madalás mábanggít ang n~galan ni Liwaywáy ó ang n~galan ko; n~guni't isáng bagay na kaibá: kaylán ma'y hindî nábanggít ang sa kanyáng iná. Ang malápot na sabáw n~g m~ga americano at ang bisàng tambin~gan n~g kaniláng m~ga gamót; ay madalîng tumaláb sa m~ga sangkáp n~g katawán ni Pusò; at dî nagluwát ay pinagsaulan siyá n~g isip. Dî siyá nágúlat n~g akó'y mákita pagkâ't akalà niyá marahil ay dî kamí nagkákahiwaláy at hindî siyá bihag n~g m~ga americano. Ang kanyáng iná'y dî napakikita at kun natútulog lamang si Coronel Pusò sakâ lumálapit upang huwág daw mabiglâ sa pagkatuwâ. N~guni, isáng gabí, n~g mákita kong dî ná makikilos ang kanyáng paggaling at ligtás ná ang kalagayan, sinabi kong dumating ang kanyang iná. Si Pusò'y nag-alan~gan sa una at sakâ nagsalità n~g lubhâng malakí ang pagtataká: --¿Anó ang sinabi ninyó katoto? Walâ akóng iná ni amá at matagál náng panahóng akó'y naulila. ¿Nanánaginip kayâ akó? --Hindî, katoto; nariyán sa labás ang matandáng Edeng na nagsasabing ikáw pô'y kanyáng anák; at lubós nagdadalamhati dahil sa ginawà sa inyó ni Liwayway, n~guni't n~gayó'y walâng pagkásiyahán ang tuwâ dahil sa inyóng paggalíng. --¿Edeng? ... Hindî ko man lamang naáalala ang pan~galang iyán. --Dî maáari. Siyá ang nagpumilit na kami'y parito't kayó'y paghanapin; siyá ang nagdúkot sa lahát n~g gugol n~g aming paglalakbáy at sa mulâ-mulâ pa'y siyá na rin ang aking kasama't katulong sa pag-aalagà sa inyó. --¡Malakíng kababalaghán ó pagkahibáng ang ganitó! ¿At bakit siyá'y dî ko nákita minsán man lamang? --Pagkâ't kusàng nagtatagò pag-kayó'y gisíng upang anyá'y huwág kayóng mabinat sa biglâng pagkatuwâ; n~guni't siyá ang nag-iinit at naghahándâ n~g inyóng m~ga gamót at naglilinis n~g inyóng m~ga damít; at kun kayó'y natútulog ay siyá ang nagpúpuyát sa inyóng siping n~g dî ináalis sa iyó pông mukhâ ang kanyâng m~ga matá, matáng lagì na'y dinadaluyan n~g masaganáng luhà nóong kayó'y malubhâ. --¿Iyán ba'y birò ó totoó? --Kaylán ma'y dî akó nan~gahás bumirò sa inyó. --¿Bakà kayâ si Liwaywáy! --- Hindî mangyayari pagkâ't siyá'y isáng matandâng húhukót-hukót ná at dî pansín kun minsán ang maglinis n~g sariling katawán. --Si Liwayway ay batàng-batà at salamín sa pagkamalinis. --Hindî n~gâ maáaaring siyá'y si Liwayway, pagkâ't kun akó'y natátanóng at sinásaysay ko naman ang madlâ ninyóng sinabi sa akin tungkól sa inyóng m~ga pag-ibig kay Liwayway, ay sinusumpâ niyá sa matindíng pagdaramdám ang kataksilán n~g _Dalagang Mármol_.... --¿At ang singsíng? --Na sa akin. Hinihin~gî n~gâ n~g matandâ n~guni't dî ko ibinigay. --¿Nahíhibáng kayâ akó, oh, Dios ko? ¿Sino kayâ ang matandâng Edeng na iyán? Marahil, isáng kamag-ának kong totoóng malayò. Inyó na n~gâng papasukin. At pinaroonán ko't tinawag naman si matandâng Edeng. --¿Dî kayâ mabinat kun akó'y biglâ niyáng mákita?--ang tanóng'sa akin n~g matandâ, sa lubós na pagmamasakit. --Hindî pô--aní ko--pagkâ't tila malakás pa kay sa akin. Nások kamíng magkasama. At si Pusò, dalá marahil n~g kanyáng panghihinà pa, ó panglalabò n~g ilaw ó n~g malabis niyáng pagtataká ay dî nákilala sa sandalìng iyón si matandâng Edeng, kayà anya: --¡Kaawà-awàng matandâ! Marahil ay napagkámalán ninyó akó, pagkâ't matagál náng panahóng namatáy ang aking iná at dî ko man lamang kayó nakikilala. Gayón man, mulá n~gáyó'y paparahin ko kayóng túnay na iná, alang-alang sa mairog na pag-aalagàng ginawâ ninyó sa akin, at salamat sa gayón, akó'y mulîng nabúhay. Kun sakali't kayó'y nakaranas n~g kakulan~gang palad na mawalán n~g anák, ay magíng akó na pô ang mákapalít at maáasahan ninyón~g ang boóng búhay kó't wagás na pagganti at lubós ihahandóg sa inyó. --Hindî akó kulang-pálad, kundî nápakamapalad n~g mákita kitang mabuti ná! Gayón din, hindî akó námamali. Makiníg ka, irog kong anák; Isáng dalagang kulang-palad ay pinagtulun~gang inagaw n~g kanyáng m~ga kamag-ának, sa lalaking kasintaha't katipán. Dinalá sa malayò at doó'y pinilit ipakasal sa isáng americano. Ang dalaga'y nag kunwarîng umayon at na pakasal n~gâ dilì ang hindî, n~guni't mulâ rin doón sa Simbahan ay tumanan siyáng patun~go sa bulubundukin, upang hanapin ang dati't túnay niyang kasintahan; at n~g huwág siyáng malapastan~gan n~g m~ga lalaki ay naglagáy sa ulo n~g úban at nanamit n~g tulad sa isáng gusgusing matandâ. Ang dalagang iyán ay ... ¡náitó n~gayón! Pagkasabi nitó'y agád inalís ang kanyáng balát-kayông úban at ipinakilala ná ang túnay na taginting n~g kanyáng tinig, pinahiran ang marun~gis na mukhâ at daglî n~gâ namang lumitaw ang luníngníng n~g bukáng liwaywáy na maipaparis lamang sa sumilang noóng lalan~gin ang Sangsinukob at n~g lumitáw ang kauná-unahang liwanag. Nápasigáw si Pusò sa katwâán at namamanghâng idinídipá ang m~ga kamáy ay nagsalitá n~g pabuntóng hinin~gá: --¡Liwaywáy, Liwaywáy kong hirang! Sumapiling naman agad si Liwaywáy at magiliw niyáng hinagkán sa bibig, bago silá nagyákap n~g mahigpít, samantalang inuúlit-úlit n~g _Dalagang Mármol_ ang anyá'y: --¡AKÓ'Y IYÓ'T IYÓ RÍN _at iyóng iyó kailán man!_ Magiliw na nagkahaló ang kaniláng m~ga luhà at aní Pusò n~g makalipas ang sandalî: --¡Malungkót na kapalaran ang akin! ¡Hindî ná maáarìng kamtán kitá kun ganyáng ikáw ay kasál ná sa ibá! Mulìng hinagkán ni Liwaywáy si Pusò at magiliw niyáng sinabi ang anya'y: --¡Gumalíng ka nawà agád, dakilàng bayani n~g katagalugan! Kun tungkol sa akin, _akó'y iyó't iyó rin_, mangyari ang mangyayari, pagkâ't dî maáaring pag-asawahin ang isáng _baka_ sa isang _kalabáw_.... Kahit akó'y patayín, hindîng-hindî akó makasásama sa asawang ipinilit sa akin. --Huwág kang man~garap, kahabághabág kong Liwaywáy pagkâ't siyá'y iyó náng asawa at dî maáaring pawiin pá ang náisulat ná. --Anóng náisulat ang sinasabi mo?--ang pagalít na sagót ni Liwaywáy. --Ang iyóng pag-aasawa at ang batás na nag-uutos na dapat sumama ang babai sa kanyáng asawa, ¡Ang batás!--ani Liwaywáy sa lubós na katigasáng loób. --Ang batás na pawàng gawâ lamang n~g m~ga tao ay dî umáabót ni mangyayaring makahadláng sa dalawáng pusò na pinagtalì n~g pag-ibig. Ang mahalagang pag-ibig na itó ay siya lamang tan~ging makapaghahari sa daláwáng pusòng nagkakasintahan n~g mataós. --Pawàng matatamís ang iyóng ipinan~gun~gusap, búhay kó, datapwâ't dî na makakalág ang pinagtalì sa "bendición" n~g parè. --¿Anóng muwáng n~g parè? Ang Lumikhâ lamang ang nakatatalós sa kalooban n~g m~ga táo, kayâ naman sa dalawáng pusòng nagmamahalan tan~ging ipinagkakaloób lamang ang mahál n~g pagpapalà. --Talagáng tayo'y ipinan~ganák na kulang palad, pagkâ't dî maáari ang lahát mong tinuran. Dî sásalang parurusahan ka pa, kahabághabág na sintá ko! ... Dî mo n~gâ maíiwan ang iyóng asawa at pípilitin ka n~g may kapangyarihang makisama sa kanyá pagdatíng n~g oras. --Magpápatiwakál namán akó bago kitá iwan. ¡Itó'y asahan mo! --Huwág ná Liwaywáy, Limutin mo ná akó, at upang maging kaaliwan mo'y súkat ang málamang akó sa iyó'y lubós kumíkilala n~g malakíng utang na loób; at n~gayó'y mamámatáy akó sa gitnâ n~g lalòng dî masayod na kaginhawahan, dahil sa pagkaalam kong iníibig mo pa akó hanggang dito ... Nagyakap siláng kapwâ niniyák na dî mátutuhan ang maghiwaláy; pará bagáng dî na silá muli pang magkíkita. VII. Nang sandalîng yaó'y nagkátaóng pumasok ang manggagamot na americano upang dalawin si Pusò, at n~g mákita ang dalawáng magkasintahang nagkakáyakap n~g mahigpít at halos pigtâ sa luhà ay nagsalità n~g ganitó: --Hindî pa náuukol sa inyó, ginoóng Coronel, ang magbatá n~g malalakíng dalamhati. Bakà kayó'y mabínat. At bukód sa rito, kayó, na labis napupuri dahil sa katapan~gan sa m~ga pakikilaban, tila pan~git sa inyó ang umiyák na parang isáng mararamdaming binibini. --¡Ay, giliw kong Doctor na sa dunong mo pô'y náligtás akó sa kamatayan!--- aní Pusò--kun iyó pô lamang mabábatíd ang malakíng sakunâng nangyari sa akin. ¡ah! makálilibong mapaít kaysá kamatayan! --Alám ná ninyó mahál na Coronel ang túnay na pagtin~gin ko sa inyó; at kung ipinálalagáy mo pông akó'y parang kapatíd, ay sabihin sa akin ang inyóng m~ga ikinahahapis n~g kayó'y madamayan at malunusan kun maáari. --Huwág na pô, Doctor, pagkâ't makasásamà pa sa kulang palad na babaing itó. --¿At bakit dî natin sabihin sa kanyá?--ang giít ni Liwayway--Ang Doctor na itó'y ayos mabuting táo at may ugaling mahál. May masamâng americano at may mabuti namán. At sabihin n~gâ ninyó, Doctor, ¿maáari bang ipílit ang katuparan n~g isáng pag-aasawang dinaán lamang sa gahasà ang babai? --Hindî--ang sagót n~g Doctor--Ipaunawà ninyó sa akin ang nangyari at akó ang bahalà. Isinaysáy ni Liwaywáy ang lahát n~g nangyari at ganitó ang sagót n~g Doctor. --Manahimik kayó at manalig na makakalás ang lahát. Búkas ay makikipagkita akó sa aming General upang ipabatíd ang bagay na itó. --Libong salamat, dakilàng Doctor--ang panabáy na sagót n~g kaawà-awàng magkasintahan--maging bibig _angel_ nawâ kayó na siyáng tumangkilik sa aming salantâng pusò. * * * * * Nang makalampás ang isáng linggó ay nagbalík ang Doctor at sinabi kay Coronel Pusò: --Maibábalità ko sa inyó na ipinatawag n~g General naming americano ang nagíng asawa ni Liwayway patí n~g kanyáng m~ga kamag-ának at silá'y tinanóng kun totoó n~gâng si Liwayway ay pinilit lamang sa pag-aasawa, gaya n~g lumálabás na katunayan sa pangyayaring tumanan siyá agad upang sumama sa isáng Coronel na tagalog na kanyáng dating katipán. Aywán ko kun anó ang kaniláng isinagót, at n~gayón n~gâ'y ipinatatawag kayó, pagkâ't sinabi kong ikáw pó'y mabuti ná, giliw na Coronel. --Tayo na pô, matalinong Doctor--ani Pusò. At agad siláng naparoón sa bahay n~g General americano na kasama si Liwaywáy. Nang dumating silá sa tanggapan n~g nasabing General, ay dinatnán nilá roón ang maraming kapús-palad na m~ga babaing tagalog at _kinastilà_ (mestiza) na nagsísidaíng at nagsisiiyák n~g gayón na lamang. Kami pô--ang hinakdál n~g m~ga babai--ay nagsipag-asawa sa m~ga kawal americano't aytó dalá namin ang m~ga katibayan n~g pagkákasál; n~guni't n~gayó'y kusà kaming iniwan at súkat. At naghagulgulan silá n~g katakot-takot na gayón na lamang ang naging in~gay. Di málaman n~g General americano ang kanyáng gagawín at walâng isinásagót kundî: --Huwág kayóng man~gambá, m~ga aling kuwán, pagká't kun kayó'y iniwan n~g ilán, ay mayroón pa akó ritong ibáng m~ga kawal at mahigit sa libo ang inyóng mapagpípilian sa m~ga mapuputî at maiitím. --¡Nakú, ginoóng General!--ang sabáysabayang sigáw nilá--¿At sino pô ang magpápakain sa aming m~ga "boys" ó sanggól na may maitím na parang _cafeng_ may gátas at mayroón namang maputîng parang labanós? --¡Abá! ¿anó ang kasalanan ko sa ganyáng nangyari?--ang magiliw na sagót n~g General--Kayó ang hahanap at n~gayó'y akó ang pagbabayarin n~g inyóng m~ga pinggáng baság. --Hindî pô kamí--aní n~g m~ga babai--ang humanap sa kanilá, kundî ang inyóng m~ga kawal at silá ang kunwari'y nanuyò upang basagin lamang palá ang aming man~ga pinggán. --Hindî lamang iyán--ang dugtóng n~g isáng nagn~gan~galang Tinay--kundî dinalá pa n~g demoniong asawa ko ang lahát n~g aking pan~gan~gari. --Kun gayón, ¿anó pông saysáy n~g kasulatang itó sa pagaasawa na ibinigáy sa amin?--ang tanóng n~g isáng nagn~gan~galang Delang. --¡Oh, m~ga aling kuwán!--ang pan~gitî't malamig na sagót n~g General--iyá'y isáng papel na basâ.... --¿Bakit pô papel na basâ--ang tutol n~g matandàng Ganguê, at sa boóng kawalán na yatá n~g pag-aasa anya:--Miyák kayó m~ga kababai kong kulang-palad at paabutin sa lan~git ang sigaw, m~ga inang kahabághabág at m~ga batàng kulót na makapál ang labì't n~gusòng parang demonio, upang maawà sa inyó ang nalalamigáng General na itó. N~g márinig ito at pasimulán ang matindíng hiyawan sa m~ga paglun~goy at pagdaíng, lahát ay nagkasabáysabáy at parang m~ga insík na pinagnakawan sa in~gay. VIII. Nang sandalîng itó kamí dumatíng. At n~g mákita kamí n~g General ay nagdumalî sa mapítagang pagtanggáp sa amin at matapus na kami'y handugán n~g úpuan at paalisín ang m~ga babae ay nagsalitâ: Mabunyíng Coronel Pusò--anyâ--pinupuri naming lahát ang iyó pong dî karaniwang katapan~gan sa pagtatanggól n~g inyóng bayan. Ganyán ang dapat alagataín n~g lahát n~g lalaking may dan~gál. N~gunì't kayó'y aming nalúpig dahil sa kabutihan at kasaganàan n~g aming m~gá nágagamit sa labanán. Gayón man, kami'y hindî naparito upang agawin ang inyóng m~ga lupàín at kayó'y alipinin. Naparito kamí upang kayó'y turúan at tulun~gang ihandâ ang inyóng bayan sa ganáp na pagsasarilí at sa gayó'y itutulong naman namin ang madlâng karunun~gan at kayamanan n~g América, upang magíng maayos ang inyóng bayan at upang kayó'y magkaroón n~g m~ga Páaraláng ulirán, treng matutulin, m~ga tuláy na bakal, m~ga bagong máquina sa pagbubukid at ibá pang m~ga dàkilâng paraán upang ibunsód ang pagkasulong n~g inyóng bayan. Tungkól sa inyó, alam mo pô na kayó'y nabihag at mulíng nabúhay dahil lamang sa aming m~ga pag-iin~gat. At dahil dito, n~gayó'y hiníhiling ko sa inyó na kamí'y tulun~gan naman n~g pagpayapà sa iyó pông bayan at kayó'y manumpâ tulóy n~g pagsukò at pagpapakumbabâ sa America. --Minábuti ko pô ang lahát n~g inyóng ipinahayag--ang sagót ni Pusò--n~gunì, dî akó makapanúnumpâ n~g pagsukò at pagpapakumbabâ, kundî isáng tapát na pakikipagkilala lamang sa America, kun totoó n~gà ang sinabi mo pô na ang ipinarito ninyó'y upang kamí'y tulun~gan lamang na makapagsarili pagdating n~g panahón. --Karapatdapat ang iyó pông sagót, matapang na bayani. Tinátanggáp ko ang inyóng panunumpâ n~g pakikipag-ibigan sa America; at mulâ n~gayó'y makalalayà na kayó't makaparoroón kun saán ibig. --Pinasasalamatan ko kayó n~g taós sa kalooban; n~gunì, ¿anó ang ipasisiyá mo pô sa kahabaghabág kong kasintahan na pinílit ikasál sa isáng americano? ¿Dî ba ninyó námasdan n~gayón lamang na ang pag-aasawa n~g m~ga americano sa babaing tagalog ay nagiging parang sulat insík lamang at sa wakás ay iníiwa't súkat ang m~ga kulang palad na filipina, pagkatapus na masunód ang kanilang han~gád? Gayón din ang kasál ni Liwayway sa americano, pagkâ't siyá'y pinílit lamang. Bukód sa rito, ang americanong naging asawa ni Liwayway ay nahihiyâ náng pumisan pa sa kanyá n~g malamang siyá'y sa inyó nakisama. Kung ibig mo pô n~gayón di'y ikakasál kayó n~g General Preboste. --Opò--ang sabáy na sagót n~g magkasintahan--n~guni't kami pô'y nábibilang sa m~ga alagád n~g Simbahan Tagalóg, kayà ibig naming kami'y ikasál n~g amin díng túnay na pari. --Lalòng mabuti. N~gayón di'y padádalhán ko n~g isáng magalang na paanyaya ang Kgg. P. Aglipay, Vicario General Castrense n~g Katagalu~gan at nais akó na sana ang magíng ináama n~g balitàng Coronel na tagalog at n~g magandáng filipina na magiging ulirán n~g m~ga babai sa pagkamatimtimang umibig. * * * * * Dî lumipas ang isáng oras at dumating ang kátaás-taásang Pinunò n~g m~ga Paring tágalog, at sa harap n~g maraming pinunòng americano'y ikinasál si Coronel Pusò kay Liwaywáy, na nakasísilaw sa kanyáng kahinhinán at kagandahan. Sa wakás n~g kasál ay sinabi n~g General americano: --Mabúhay nawâ kayó n~g mahabàng panahón sa lubós na katahimikan at kasyaháng loób, at nais ko na ang inyóng mataós na pagmamahala'y magbun~ga n~g m~ga batàng pawàng mababaít at masintahin sa tinubùang lupà. At n~gayón, parang muntîng handóg ko sa pagka-ináamá, ay ipinamámanhík, dakilang Coronel Pusò, sa tanggapin ang katun~gkulang pagkapinunò (Gobernador) sa lalawigan ng _Kabuláklakán_, upang ikaw pô namá'y makapaglingkód sa ikapapayapà n~g inyo ring bayan. Tinanggap ni Pusò sa lubós na pagkilala n~g útang na loób; at siláng mag-asawa'y nabúhay sa lalông wagás na pag-iibigan at sa lubós na pagkakasundô; at sa ilinakad n~g panahón ay nagkaroón silá n~g tatlóng anák na nagíng makabuluhán at ikinádan~gál n~g lalawigang _Kabuláklakán_. At ang singsíng na linubid ay siyáng nagíng buhól upang paglakipin ang dalawáng pusóng ulirán sa pagsisintahan at sa pagmamáhalan.--WAKÁS. * * * * * Kay Liwayway Pepitâng himala sa bayang Baliwag, sa m~ga tuwa mo't lungkot na masakláp alalahanin mo sa iyó'y pagsintáng matimyás n~g tan~ging sa iyó'y umibig n~g ganáp. Edeng maligaya, m~ga salitaang sa ati'y naghain sayáng kalan~gitan, ang ating titigáng sagana sa lamán di na mangyayaring muli nating kamtan. Pagsintá'y dalisay, walang kahulilip, libolibong mundo, búhay sampung lan~git sa iyó'y handóg ko sa pagpupumilit na patotohanan ang aking pag-ibig. Iníinís yaring abang kaluluwa panahóng nagdaán kun máala-ala; lalong nagdaragdag n~g matindíng dusa, n~gay'oy di na akin ang iyóng pagsintá. Tugón mong mahigpít--"Ako ay iyó rín, sakali't maglilo'y buhay ko'y amisín. ¡Wala nang pipitás sa aking paggiliw yamang áalis ka ... ¡Oh, palad kong iríng!" Ay anóng kadali at nagbago ikaw sa aking pagsintáng magandang Liwayway, ikaw rin ang giliw, panagimpa'y ikáw m~ga pan~gako mo'y pag-asa ko'y túnay. [Patalastas: Pamilihan ni Yangco] [Patalastas: Germinal] End of the Project Gutenberg EBook of Ang Singsing nang Dalagang Marmol by Isabelo de los Reyes *** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG SINGSING NANG DALAGANG MARMOL *** ***** This file should be named 15129-8.txt or 15129-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in: https://www.gutenberg.org/1/5/1/2/15129/ Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. Updated editions will replace the previous one--the old editions will be renamed. Creating the works from public domain print editions means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. They may be modified and printed and given away--you may do practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. *** START: FULL LICENSE *** THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase "Project Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg-tm License (available with this file or online at https://gutenberg.org/license). Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is in the public domain in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country outside the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org 1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived from the public domain (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg-tm License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than "Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided that - You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, "Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." - You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg-tm works. - You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. - You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg-tm works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread public domain works in creating the Project Gutenberg-tm collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain "Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation web page at https://www.pglaf.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at https://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state's laws. The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered throughout numerous locations. Its business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email [email protected]. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation's web site and official page at https://pglaf.org For additional contact information: Dr. Gregory B. Newby Chief Executive and Director [email protected] Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide spread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit https://pglaf.org While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: https://pglaf.org/donate Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic works. Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our Web site which has the main PG search facility: https://www.gutenberg.org This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.