Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

By Cleto R. Ignacio

The Project Gutenberg EBook of Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de
Cortona, by Cleto R. Ignacio

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

Author: Cleto R. Ignacio

Release Date: June 8, 2006 [EBook #18536]

Language: Tagalog


*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CAHANGAHANGANG BUHAY NI ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa
pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
(http://www.gutenberg.ph)





[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



CAHANGA-HANGANG BUHAY ni Santa Margarita de Cortona NA TAGA TOSCANA SA
NAYONG DIOCESIS


=Cahangahangang
Buhay=

Ni Santa Margarita de Cortona na taga Toscana sa nayon ng Diocesis at
limang Virgenes, at apat na puong Soldados na pauang mga mártires at
ibang nadamay.

_Hinango sa Año Cristiano at sa Librong_

_HISTORIA SAGRADA_

Na tinula n~g isang mauilihin na si

=Cleto R. Ignacio=

_Concepcion, Malabon, Rizal._

SIPI SA TUNAY NA LIBRO

1916

LIMBAGAN AT MGA AKLATAN
ni
_P. Sayo Balo ni Soriano_

Rosario 225, Plaza del Conde 1008, Binundok at Azcárraga 552, Tundo

Maynila. K. P.




=SAMO SA BABASA=


Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay
cung pinipilantic niyong calungcutan,
munting abala mo,i, guguling igamlay
sa handog cong cayang hamac na aliuan.

Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap
nang minimithi mong lasang sadyang sarap,
pasubalian mong isundo ang hanap
upang ding palaring pita mo,i, matuclas.

Bagaman at mura cung sa biglang tin~gin
hilaw at mapacla cung pag-uauariin,
n~guni,t, cung totoong pacananamnamin
ang tamis nang lasa,i, malalan~gap mo rin.

Dito sa mapalad na cay Margarita
na naguing hantun~gan samâ niyong una,
n~guni,t, n~g lumaon siya nama,i, isa
na naguing uliran sa gauang maganda.

At ang limang Vírgen na man~ga Mártires
at apat na puong soldadong nagtiis,
n~g madlang pahirap at m~ga pasakit
hangang sa ang tan~gang hinin~ga,i, napatid.

Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod
ikinatutuang buhay ay matapos,
huag ang maturang maualay sa Dios
tayo doo,i, dapat na umalinsunod.

Huag mo rin sana namang pagsauaan
ang alay cong dahop na pinaglamayan,
may bahagya ca ring mapapakinabang
di lamang ibayong tubo sa puhunan.

Cung may tulang di mo mahulo n~g lining
guipit ó masucal cung sa lalacarin,
ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin
ang tunay na landas ay matutuclas din.

       *       *       *       *       *




=Puno nang Salita=

_Capitulo 1.°_


  Taóng isang libo at dalauang daan
saca limang pu pa yaong calabisan,
si Margarita n~ga ay siyang pag-silang
sa bayang Labiano, niyong catauhan.

  Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag
sa Toscana yaong unang pagcatanyag,
ang Amá at Iná,i, mabuting tumupad
nang pagca-cristianong canilang tinangap.

  At may puring tauo na magpapaupa
yaong guinagauang hanap-buhay nila,
silang nagtuturo sa cay Margarita
niyong bagay bagay na gauang maganda.

  Na ayon sa man~ga cabanalang paua
at natututo pa lamang nang bahagya,
yaong Anác nila nang pag-sasalita
iminumulat na ay cagalin~gan n~ga.

  Tanang malumanay na pananalan~gin
niyong may calin~gang Ináng nag-aángkin,
sa cay Margaritang puso ay natanim
caylan may di na mangyaring limutin.

  At dinadasal niya nang cataiman
caacbay ang puspos na cadakilaan,
hagang huling taón niyang paglalabay
sa cahapishapis at hamac nabayan.

N~guni at sa gayong casamaang palad
ang may pitong taón bilang nang maganap,
si Margarita ay naulilang cagyat
sa mapag-palayaw na Ináng masicap.

  Ang magandang gaua na naguing ca-acbay
sa caniyang puso ay bigláng naualay,
at ang pagcauili niyong pag-sasanay
sa dating ugaling man~ga cabanalan.

  Sa mauari niyong abang culang palad
yaong pagmamahal nang Ináng lumipas,
at ang casamaang hindi malalan~gap
palagay nang aling di carapat-dapat.

  Na naguing asauang cauli nang Amá
lihis na pasunod nang di na mabata,
laguing pinupucaw yaong ala-ala
niyong pagmamahal nang naualang Iná.

  Caya n~ga sa ibang bahay ay hinanap
yaong pagmamahal na ibig malasap,
cusang napadala sa maling hicayat
nang catuaan, tubo ay dusang masaclap.

  At hinarap niya yaong pamumuhay
n~g isang lagalag at masamang asal,
pagca palibhasa,i, nahihiyasan
ang caniyang isip n~g catalinuhan.

  Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo
ipinabihag ang caniyang puso,
sa pagmamarikit n~g gumandang lalo
at n~g cauilihan n~g magsisisuyo.

  Nang m~ga lalaki na macamamalas
¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad,
na uari ay hindi napagtatalastas,
ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac.

  At ang ualang taglay bagang cahinhinan
na nacasisira niyong calinisan,
ang cay Tertulianong acala,i, sino man
di mangyaring maguing malinis na turan.

  Gaya n~g dalagang pinipilit manding
siya,i, cauilihan n~g matang titin~gin
hindi calulugdan ni Cristong malasin
ang nasang calugdang dito,t, panoorin.

  At sa Pan~ginoong nagcacadalaua
ay di mangyayaring maglingcod sa isa,
at si Cristo,i, ayaw nang hahatiin pa
yaong paglilingcod natin sa caniya.

  Sa bagay na ito,i, sinasabi naman
ni San Cipriano ang ganitong saysay,
¿nakikilala mo cayang cararatnan
n~g iyong dakila na capan~gahasan?

  Diyan sa pag-gayac na napacalabis
at iyang gaua mo na pagmamarikit,
nagcacasala ca sa Dios sa Lan~git
na sa iyo,i, siyang lumalang na tikis.

  Hindi mauauala ang caparusahan
sa iyo pagdating nang tadhanang araw,
huag mong sabihin sa akin ang icaw
ay mahinhi,t, di mo han~gad ang calugdan.

  Sucat na ang icaw ay ang macalimot
sa man~ga gagauin na ucol sa Dios,
at ang pagcauili sa iyong pag-handog
sa bagay na ualang casaysayang lugod.

  Dapat catacutan yaong cahatulan
sa man~ga babayeng tantong nag-cuculang,
nang sa pananamit nila,i, cahinhinan
at ualang matuid na mag-sasangalang.

  Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i,
di sa damit lamang napagkikilala,
yaong calinisan, at si Margarita
ito rin marahil ang sinabi niya.

  Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid
sa capahamacang di sucat maisip
hindi macasapat sa pagmamarikit
yaong ari nilang caunting nalabis.

  Di naman payagan n~g Amáng ubusin
sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw,
na masunod yaong camaliang hiling
ay sa cahalaya,i, napadalang tambing.

Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t,
binibigyan niyong hatol na maganda.
nang caniyang ali,t, gahasa man bagá
manacanaca ring inaralan siya.

  Anopa,t, yaong caniyang cabataan
ay naguing isa nang masamang hantun~gan,
nang lahat nang canyang man~ga cababayan
naguing parang isang sucal nang lansan~gan.

  Ito na ang mula nang pagcaligalig
niyong pag-nanasa sa napacalabis,
na sa catauan niya,i, pag-mamarikit
ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis.

  Si Eva ang tunay na cahalimbaua
na sa paglilibang na ualang bahala,
sa umang na silo,i, natuntong na cusa
nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya.

  Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan
sa pag-mamarikit na nasang calugdan,
nang capua tauo,i, ang cahihihatnan
dinadala tuloy sa capahamacan.

  Siyang pag-cahuli sa parayang pain
nang cay Margaritang cabata-ang angkin,
lugsong cabaita,i, hindi macapiguil
bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim.

  Binidbid ang gayong caparan~galanan
nang lalaking tacsil na caugalian,
nahulog sa ban~gin niyong cahalayan
ang pag-mamarikit itong pakinabang.

  Sa isang binata bagang Caballero
malapit sa Ciudad nang Montepulciano,
nabihag nang gandang paraya nang Mundo
sa pitang mahalay ay cusang nabuyó.

  Itinalaga na yaong calooban
sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay,
hindi na naisip ang sila,i, pacasal
cundi ang lumaguing nagsama na lamang.

  ¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis
na napabibihag sa pag-mamarikit,
icaw n~ga ang salot na ibinubulid
yaong calulua sa icalalait!

  Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad
icaw n~ga ang lasong masidhing camandag,
sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac
ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.

  Cusang uinaualang bahala na cahit
talastas mang sala ang pag-mamarikit,
ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig
sa pag-mamasagua niyong pananamit.

  Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay
ang labis na lubhang caparan~galanan,
sa nasang tanghaling siya at calugdan
ang puring napala,i, caalipustaan.

  Yaong cagandahang ibig na tauaguing
Venus at Floripes Diana,t, Abigael,
ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin
mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin.

  Ang mapanghalina na matáng mapun~gay
at linindi-linding aliw nang lansan~gan,
di mag-abot kisap ay mahuhumaymay,
ang dating maningning lalabo sa tanan.

  Mauaualang lahat ang lugod sa iyo
nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo,
ang di magcamayaw na puri nang tauo
lilipad na para lamang alipato.

  Saca ang ulo mong pinamumutihan
nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang,
na inaayos mong pinagpapagura,i,
bun~gong butas-butas ang cahahanganan.

  Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca
parang di mo tanto ang bububóng dusa,
ang uica mo yata,i, bucas macalaua
madaling magsisi cung naroroon na.

  Nagcacamali ca at di natin lining
ang icatatapos nang hinin~gang angkin,
mabuti cung hinay-hinay ang pagdating
nang camatayan mo, at hindi biglain.

Ang cay Margaritang naguing pamumuhay
hapo na sa gapos niyong cahalayan,
at di napupuna sa caniyang paanán
ang ban~ging malalim na cabubuliran.

  Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios
nang pait, ang man~ga mahalay na lugod,
pinaparam yaong pacumbabang handog
na capayapaang paconuaring dulot.

  Manaca-naca ring pinag-cacaramdam
ang nan~galalayong man~ga pamumuhay,
sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang
ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan.

  Ipinauauari ang pagca-pahamac
nang nabubulagang na saliuang-palad,
n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad
nag-uaualang kibo,t, uari di talastas.

  Ang sa puso niya ay itinutugtog
nang di naglilicat na aua n~g Dios,
parang nan~gun~gusap na madalas halos
cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob.




_Capitulo 2.°_


  Gayon n~gang nangyari minsang isang araw
tinan~gisan niya yaong caugalian,
na isang babayeng Anác ang cabágay
na mapag-acsaya niyong cayamanan.

  Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling
at lisan ang nin~gas na calaguim-laguim,
nang Infiernong apoy na nasa ilalim
nang paá niya,t, siya,i, laang sunuguin,

  ¿Ano ang nangyari sa cay Margarita
napucaw sa himbing nang pagtulog niya,
binigyan nang Dios nang cataca-taca
na balitang siyang nagpaala-ala?

  N~guni,t, para manding isang maliuanag
na aral, na ualang casaysayang lahat,
ang layaw sa Mundong icapapahamac
malumanay namang siya,i, nakimatiyag.

  Ipinauari nang masintahing Amá
minsang isang araw sa cay Margarita,
nang umalis yaong casintahan niya,t,
sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa.

  Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit
na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig
na tumatahol nang tila nananan~gis
n~g cahambal-hambal na di mapag-isip.

  N~guni,t, hindi naman naguguniguni
n~g saliuang-palad na may nangyayari,
na casacunaan sa caniyang casing
bunying Caballerong buhay ay naputi.

  Pinauaualan n~ga manding cabuluhan
ang sigaw n~g áso na calumbaylumbay,
hangang nacaraan ang dalauang aráw
áso,i, patuloy rin ang pananambitan.

  Saca ang damit ay kinacagat niya
niyong pan~ginoon na si Margarita,
tila nag-uiuica uari nang halica,t,
ang pan~ginoong cong casi mo,i, patáy na.

  Dito pinasucan nang paghihinala
ang cay Margaritang loob na mahina,
nag-ulol ang sindac na hindi cauasa
sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua.

  Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod
sa daang itinuturo,i, naglalagos,
bahagya pa lamang dumarating halos
sa may calalimang ban~gin ay nataos.

  Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy
ang áso ay nagpatihulog na doon,
at pinasimulang hinucay nang tuloy
na calumbaylumbay, yaong paghagulhol.

  Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay
ni Margarita ang ilang man~ga sucal
na bilang na nacatatakip sa hucay
nakita ang bangcay niyong casintahan.

  Na buloc na,t, hindi sucat na matiis
yaong sumisin~gaw na bahong malabis,
nang cay Margaritang abutin nang titig
sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib.

  Uinauari niya ang kinahinatnan
n~g gayong cakilakilabot na bagay,
na sinalubong n~g caniyang caauay
tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.

  Nang si Margarita,i, pagsaulang loob
sa kinahinatnan n~g palad na capos,
na ang buhay niya ay dagling natapos
sa pagpapasasa n~g sa Mundong dulot.

  Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya
caramihang uod yaong nakikita,
ang catauang hilig n~g nabubuhay pa
sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga.

  Ni camunting dun~gis di ibig bahiran
ang catauan niya niyong nabubuhay,
ang caniyang labis na pagcapihican
n~gayon nama,i, siyang pinangdidirihan.

  Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca
at pagpipighating naalaala,
sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya
at ang catumbayan niyong calulua.

  ¡Sa abang-aba co! ¿caya,i, napasaan
ang calulua nang sauing capalaran,
saan cundi doon sa Infiernong bayan
ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw?

  Magpahangang sa caibutura,i, taos
nang pusò, at tantong ipinan~gilabot,
malamig na pauis ay agád sumipot
at sinidlan niyong di cauasang tacot.

  Sa cay Margaritang dinidilidili
ang gayong calunos-lunos na nangyari,
sa lugod at layaw ay lubhang nauili
n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui,

  Ualang hangang hirap doon sa Infierno
ang ganti sa munting ligaya sa Mundo,
sa sandaling tua,i, nacapalit nito
hirap casakitang hindi mamagcano.




_Capitulo 3.°_


  Cakilakilabot ang cay Margarita
na pakikihamoc sa sarili niya,
bago nasundua,i, nahirapan muna
sa nasang maganda niyang pagtitica.

  ¡Oh cahambalhambal na casasapitan
nang sinomang nan~gag papaliban-liban,
niyong pagbabalic loob at ang araw
na icatatapos niya,i, hindi alam!

  Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i,
capakinaban~gan niyong calulua,
kinikilabutan sa sarili niya
ang caaua-aua na si Margarita.

  Nagugunam-gunam na nasa sapiling
ang cabubuliran na calaguimlaguim,
at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din
cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil.

  Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas
ay naguing turing nang parang isang dagat,
niyong pagninilay sa pagcapahamac
niyong pagcadaya nang Demoniong sucab.

  Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod
nagsisi,t, humin~gi nang aua sa Dios,
pinaglampasan nang mahayap na tunod
niyong pagsisising sa puso ay taos.

  Ualang iniisip cundi ang tan~gisan
lahat nang caniyang man~ga casalanan,
pag-pepenitenciang caunaunahan
ang cusang lumayo sa capan~ganiban.

  Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang
sa Montepolciano,i, umalis pagdaca,
siya,i, naparoon at nagpatirapa
sa paá nang Amáng tinalicdan niya.

  Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad
at nag-pipighating hindi hamac-hamac,
capagdaca nama,i, agád nang tinangap
niyong Amá, yaong alibughang Anác.

  Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi
n~guni,t, ang matigas na loob na ali,
ay hindi pumayag at cusang tumangui
at inari niyang casiraang puri.

  Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy
ni Margarita n~ga na ualang mag-ampon,
dakilang ligalig ang nangyaring yaon
sa buhay na naguing parang isang tapon.

  Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang
batá pa at ayos na nahihiyasan,
nang sinag na taglay niyang cagandahan
ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan.

  Yaong pamumuhay niyang namamalas
na masama,t, parang daan ang catulad,
na nasasabugan nang man~ga bulaclac
nang caligayahang labis humicayat.

  Siyang tumutucsong muling manumbalic
sa dating casama,t, cagagauang lihis,
iniuurali na sa huling guhit
ay càauaan nang Dios sa lan~git.

  N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian
pan~gaco nang Dios sa cahit sino man,
na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay,
ay iguinagauad ang capatauaran.

  Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò
paanong cacamtan ang ipinan~gaco,
pag naglibanliban icaw ay di taho
ang camatayan mo,i, cahirapang lalo.

  Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas
ay lubhang marami ang nan~gapahamac,
na ang ualang hangang dusa ay linan~gap
n~g man~ga pabayang nagpapacatamad.

  N~guni at ang abá na si Margarita
sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban na,
camahalmahalang Pastor ay muli pa
na tumauag pagca,t, hinihintay siya.

  Laging nacadipa ang camay sa ati,t,
yayacapin tayo cung siya,i, duluguin,
ang capayapaa,i, ating tatamuhin
at lubos na tayo ay patatauarin.

  Panibago namang tinauagan siya
n~g masintang tunay na pag-aanyaya,
inalalayan siya nang pakikibaca
sa dahas n~g tucsong mangahis ang tica.

  Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil
niyong pagbabagong buhay na magaling,
ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin
Margarita,t, kita ay cacalin~gain.

  Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay
at tinatan~gisan sa gabi at araw,
ang lahat n~g m~ga naguing casalanan
at ang halimbauang man~ga casamaan.

  Hinahan~gad niya na moling mabaui
ang lubhang malabis na pagcacamali,
n~g cahalayhalay na pamamalagi
sa layaw n~g Mundo n~g pagcalugami.

  Agád nang naglacbay doon sa Simbahan
siya sa Labiano, na nasosootan,
nang damit Celicio at natatalian
ang liig at tandang pagtiticang tunay.

  Saca ang dalisay na paghin~ging tauad
sa caniyang man~ga cababaya,i, hayag,
at pinagsisihan sa harap n~g lahat
na naguing dahilan n~g pagcapahamac.

  Hindi rin naglubag sa bagay na yaon
ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon,
pinabayaan na ang lulun~goylun~goy
na Anác na ualang sucat na mag-ampon.

  Nang makita yaong calagayan niya
nang caauaaua na si Margarita,
na tulad sa tapong uala nang halaga
caya n~ga,t, lumipat sa bayang Cortona.

  Doo,i, mahinahong siya ay tinangap
n~g ilang Señorang marunong mahabag,
casama ang isa niyang naguing Anác
sa naguing casuyong kinapos n~g palad.

  Ang unang guinaua na pinagpilitan
nang taos sa puso at cataimtiman,
ang dalisay na "confeción general"
sa lahat nang man~ga naguing casalanan.

  Siyang matibay na pasimula ito
niyong pagbabagong buhay na totoo,
siya,i, naparoon doon sa Convento
nang cagalang-galang na si S. Francisco.

  Na namamalisbis ang luha sa matá
niyong malalim na pag-sisi niya,
isinaysay sampu nang pighating dala
sa isa n~gang Pareng Relegioso bagá.

  At ikinumpisal niya nang malacas
tanang casalanang gauang hindi dapat,
at hinin~gi niyang boong pagsisicap
ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap.

  Nang sa penitenteng damit Serafico
tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo,
ang Confesor nama,i, napaayon dito,t,
pinanghinapang pang bagcus na totoo.

  Pinasimulan nang pag-pepenitencia
sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa,
yaong hinihin~ging simula n~g gracia
at sa cabanala,i, nagsanay na siya.

  Linalayuan nang parang camatayan
sa loob, ang lahat nang macapupucaw,
ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay
niyong maruruming pita nang catauan.

  Capahintulutan bilang n~g Señorang
pinaglilingcurang caniyang asaua,
mangyaring huag pahigpitin niya
ang pagpapasakit sa catauang bagá.

  Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig
na ang catauan niya,i, bigyan pasakit
inaring di dapat ang nasoc sa isip
tuntun~gan ang lupang alalay na gamit.

  Sa idinadaos na pananalan~gin
sa lahat nang oras na macayang gauin,
at ang pagsasanay sa icagagaling
nang caisa-isang caluluang angkin.

  Pinatauad na n~ga at cusang linimot
n~g Amang lumic-hang mahabaguiug Dios,
ang cay Margaritang casalanang lubos
at bagcus guinanti n~g magandang loob.

  Madalas din namang siya,i, dinadalaw
at tan~gi siyang pinagcacalooban,
n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan
at ang caniyang loob ay pinatatapang.

  Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad
na pinasimulan sa tuntuning landas,
niyong cabanalan na icatutuclas
n~g caligayahang ualang pagcucupas.




_Capitulo 4.°_


  M~ga Franciscano ay niyong masuboc
ang cay Margaritang catibayang loob,
na penitente n~gang bagong naglilingcod
sa mapagcandiling mahabaguing Dios.

  Sa matining niyang halimbauang bigay
doon sa adhicang man~ga cabanalan,
na sa boong Mundo ay pinasisilang
caya,t, nag-habitong ualang caliuagan.

  Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco
na ualang pan~gamba sa bagay na ito,
patuloy ang loob na di nagbabago
sa m~ga pahirap niyang tinutun~go.

  Ang lapastan~ganin ay di inacala
nang caniyang asal na buhat sa sama,
cung hindi lalo nang nag-ibayo pa n~ga
sa bagsic n~g gracia na nagbigay bisa.

  Inululan yaong pagpapacahirap
capacumbabaa,i, lubos na niyacap,
uinauari niyang di carapatdapat
tingnan ang caniyang calagayang hamac.

  Capagbinabati siya nang sinoman
at may anyong siya,i, tila minamahal,
pag-ibig sa Mundo ay hinahalinhan
nang ucol sa Dios na pagsintang tunay.

  Kinasusuclaman ang idinudulot
nang tungcol sa lupang nagbibigay lugod,
na sa catauhan niya,i, naghahandog,
ni munting ginhaua ay di iniimbot.

  Pinapagninin~gas ang tunay na nais,
matupoc sa apoy nang laking pag-ibig,
sa pananalan~gin at pagsusumakit
sa icararapat na Hari nang lan~git.

  Nang nananalan~gin siyang isang araw
na taglay ang lubos na cataimtiman,
sa harap nang isang mahal na larauan
ni Cristong sa Cruz ay napabayubay.

  Doon ay nag-tamó nang tuang malabis
at magandang palad dahil sa narin~gig,
sa labing camahal-mahala,i, sinambit
yaong pan~gun~gusap na lubhang matamis.

  Sabihin sa akin ¡ó cahabag-habag
na babaye,t,! ¿anong sanhi nang pag-iyac,
¿ano ang ibig mo baga aking Anác?
si Margarita ay tumugong banayad.

  Icaw lamang aking Pan~ginoong mahal
icaw ang tunay co na caligayahan,
cung na sa aking ca ay di magcuculang
aco, nang cahima,t, anong man~ga bagay.

  Ang sa Santang nasang manin~gas na loob
na mag-bigay aliw sa Poong cay Jesús,
ay siyang pagcaing ikinabubusog
na sa araw araw ay macamtang lubos.

  Saca noon namang maunaua niya
na sa paglilingcod sa man~ga Señora,
sa bahay na yaon ay di makikita
ang catahimican nais na talaga.

  At gayon ding hindi masunod ang nais
na mag-penitenciang adhica nang dibdib,
ay siya,i, humanap niyong munting silid
na matatahanan nilang matahimic.

Casama ang bunso niyang minamahal
at ang guinagaua niyang hanap-buhay,
ay ang pananahi sa cubong tahanan
at pag-panaog na,i, tun~go sa Simbahan.

  Sa capua tauo,i, pagca-auang gaua
ó ang paghanap nang matatahi caya,
laguing gumiguising siyang maaga n~ga,t,
nagsisimbang uala camunti mang saua.

  Nakikinig niyong Misa,t, nagninilay
na taglay ang lubos na cataimtiman,
cung matanghali nang puso,i, masiyahan
sa pag-dedevocio,i, ooui nang bahay.

  Patuloy rin naman ang pag-dedevociong
casama sa gauang pananahing yaon,
ang caabalahan lamang niyang tungcol
ay ang pananahi na pangpauing gutom.

  Tumabas magtagpi,t, caraniua,i, itong
ipinagagaua nang sinomang tauo,
ang iniuupa nang cahima,t, sino
bilang limos nila lamang cung gaáno.

  Naguiguing panakip ang naibibigay
sa balang caniyang man~ga cailan~gan,
ang man~ga duc-ha pa ay natutulun~gan
nang caunti niyang paghahanap buhay.

  Ikinatutua na niya nang malabis
ang pagcain niyang tinapay at tubig,
at nang ilang pasas at di gumagamit
nang nin~gas nang apóy sa cubong maliit.

  Liban na n~ga lamang na cung naghahanda
sa panauhin niyang man~ga salanta,
itinuturing na totoong dakila
ang bagay na man~ga caaua-ang gaua.

  Capag-uala siyang pagcaing ibigay
ó damit, sa duc-hang nagcacailan~gan,
ay cahit anomang man~ga casangcapan
sa caniyang cubo ay hinahatian.

  Maguing pinga,t, cahit yaong vaso caya.
ó man~ga cuchara at maguing damit n~ga,
at isang panahong calamiga,i, sadya
hinubo ang saya sa catauang cusa.

  At doon sa duc-ha,i, cusang ibinigay
nang ang cahubaran lamang ay matacpan,
na halos uala na siyang damit naman
at maralita ring naghahanap-buhay.

  Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha
ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala,
ang pag-ganting ualang macahalimbaua
ay tulad sa isang dakilang biyaya.

  Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan
n~g uica ni Jesús na ganitong saysay,
aco,i, nagugutom ay di mo binigyan
n~g pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan.

  Binabayaran n~g Dios n~g sagana
ang iniaálay sa camay n~g duc-ha,
ang cay Margaritang handog at calin~ga
pinatiticman na dito pa sa lupa.

  Yaong na sa lan~git na caligayahan
na tantong malaking capakinaban~gan
niyong calulua,t, naguiguing dahilan
n~g pagpapaualang halaga sa buhay.

  Magmula n~g siya ay magbalic loob
sa catauan niya,i, malabis ang poot,
pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos
sa casalanan n~gang di sucat masayod.

  Saca ang masamang man~ga halimbawa
caya hindi pa rin ikinatutua,
yaong cahirapan na dinadalitang
pag-pepenitencia,t, pagaayuro n~ga.

  Ipinasiya pang yaong cagandaha,i,
cusang papan~giti,t, ang muc-ha,i, sugatan,
n~g catacot-tacot n~guni,t, hinadlan~gan
n~g Confesor niya na umaálalay.




_Capitulo 5.°_


  Sa pananaghili n~g Demoniong tacsil
na di ibig niyang ang tauo,i, gumaling,
inuman~gan din n~ga n~g parayang pain
tun~gong cabanala,i, upan ding itigil.

  Ang coronang tan~ging ualang pagcalanta
na gaua n~g aba na si Margarita,
Santang manahani na itinatalaga
sa sarili, yaong cagalin~gan niya.

  Inupatan na n~ga n~g lilong caáuay
niyong catha-catha na cabulaanan,
Margarita, anya ay iyong tigilan
iyang malabis mong m~ga cabanalan.

  At ang sa tahana,i, lagui mong pagligpit
tunay na di ayon sa taglay mong bait
at ang malabis mo na pagpapasakit
sa iyong cataua,i, tantong nalilinis.

  Gayong gaua,i, isang laking calupitan
para cang tikis nang nagpapacamatáy,
di ucol higpitan at ang cailan~gan
bigyan mo nang luag at capanahunan.

  Upang magcaroon nang camunting lacas
nang may ipag-tangol sa araw na dapat,
na cailan~ganing mamaya ó bucas
ay di mahahapo na caagád-agád.

  Lubhang masisira ang cabaitan mo
cung magpacahirap nang di mamagcano,
ang dapat mong gauin sa panahong ito
cataua,i, in~gata,t, lumauig sa Mundo.

  Yamang lubos namang pinatauad ca na
nang Dios, sa lahat nang gaua mong sala,
ay ano ang iyong alalahanin pang
cataua,i, higpitan at mag-penitencia.

  Sa umang na silo,i, di lubhang naghirap
na ipinapain niyong si Satanas,
at napagkilala na caagád-agád
ang gayong pagdaya at man~ga pag-upat.

  Napakikita pang conua ay Angel
nang caliuanagan, ang siyang cahambing,
ay si Margarita,i, naghiganting tambing
sa capan~gahasan niyong si Lusifer.

  Pinapag-ibayo nang higuit sa una
yaong dating gauang pag-pepenitencia,
capacumbaba,i, pinapag-ulol pa
ayon sa hatol nang Evangelio bagá.

  Isang araw siya,i, lalong sinigasig
nang tucsong marahas na sacdal nang lupit,
caya n~ga cay Jesús naghihinanakit
niyong hinanakit na caibig-ibig.

  Sa lubhang masintang Amáng mananacop
na sa nacadipang larauan sa Cruz,
n~guni,t, minarapat aliuin ang loob
nang mapagcalin~gang mahabaguing Dios.

  Na ang uinica sa caniya,i, ganito
na magpacatapang icaw ó Anác co,
cahima,t, marahas ang cabacang tucso
ay di mangyayaring manaig sa iyo.

  At aco,i, narito na iyon casama
sa lubhang mahigpit na pakikisama,
at magmasunurin sa payong maganda
sa umaácay sa iyong calulua.

  Huag matacot ca,t, ilagay sa akin
ang gracia ay iyong catibayang kimkim,
huag sa sarili ay umasang tambing
ang nasang tagumpay nang upang tamuhin.

  Sa cay Margaritang biyayang kinamtan
bilis nang pagtacbo niyong cabanalan,
sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay
ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang.

  Cusang lumalalim yaong man~ga ugat
nang capacumbabaan n~gang hindi hamac,
lalong nahihilig at minamasarap
ang pula at caalipustaang lahat.

  Sa hindi pagkibo niya,i, nagcatacá
sa lahat nang namamayan sa Cortona,
ibig niya,i, itapo,t, pagbatuhan siya
na ang ualang casing-sama ang capara.

  Na catulad niyong sa Infierno galing
dan~gan ang Confesor ang nacapipiguil,
siyang humahadlang na di dapat gauin
ang nasa niyang yaong ibig na asalin.

  Cundi pinupuing ang gayong adhica
na isang totoong pagpapacababa,
sa man~ga lansan~gan siya ay gagalang
may tali sa liig, at ilalathala.

  Ang nan~gacaraan niyang pagcasinsay
at ang nan~ga gaua niyang casalanan,
upang matalastas nang lahat sa bayan
ang malabis niyang man~ga catacsilan.

  Di cung magcagayo,i, huhulihin siya
cuculan~gin siya,t, doon isasama,
sa man~ga babayeng masamang talaga
na linalapatan nang man~ga parusa.

  Ang dakilang yaong capacumbabaan
ni Margarita, ay kinuhang uliran,
ang caniyang laguing pag-gugunamgunam
nang cay Jesucristong man~ga cahirapan.

  Sanhi n~ga sa ating na icagagaling
ay inalipusta,t, dinuahaguing tambing,
niyong man~ga Judio, n~guni,t, di pinansin
binatá at upang tayo ay sacupin.

  Lalong sa loob niya ay nacabubuhay
yaong sa sariling pagninilay-nilay,
sa Vírgeng Ináng man~ga casakitan
sa nagdusang Anác na mapagpalayaw.

  Na sinasacdalan nang boong pag-asa
sa anomang man~ga cailan~gan bagá,
isang araw nama,i, dinilidili niya
tanang cahirapang di suca,t, mabatá.

  At dahil sa atin ay laking pag-ibig
ni Jesús, ang madlang dusa ay tiniis,
moli pang kinamtan ang tuang malabis
sa pagdalaw niyong Amáng na sa lan~git.

  Noon hinatulang siya ay lumaan
sa cacabacahing man~ga cahirapan,
at lubhang marahas na caralitaan
ang daranasin mo hangang nabubuhay.

  Tulad sa pagtunaw n~g guintong malinis
na dinadalisay ang uring malabis,
hangang may camunting dumi inaalis
nang upang tumaas ang mithing kilatis.

  Dadalisayin n~ga n~gayon ang puso mo
nang pakikilaban sa dahas nang tucso,
catacuta,t, sákit ay laan sa iyo
gutom cauhaua,t, pagluhang totoo.

  Cahubara,t, pag-iisa,t, pagpapasan
nang Cruz, ang iyong mapagdaranasan,
upang macapasoc sa calualhatian
ani Margarita, aco,i, nalalaan.

  Naririto aco ó Pan~ginoong co
titiisi,t, alang-álang po sa iyo,
tunay cong pag-ibig ay cahit ang Mundo,i,
igauad sa aking hirap mang gaano.

  ¡Dios co! ay sino ang tatangui caya
sa aking babathing man~ga paralita,
na di pa anino nang hirap mong madla
at dahil sa akin ay inalipusta.

  Sa ganong pagdidilidiling mataman
nang ganitong hirap ay nanghihinapang,
at mapayapa niyang pinagtitiisan
ang pagcasiphayo,t, caalipustaan.

  At si Margarita minsan ay pinuspos
nang isang babaye nang mura,t, pag-ayop,
na nacapagbigay nang masamang ayos
na halimbaua sa matáng nanonood.

  Sa bagay na siya ay dapat lumaban
ikinatua nang caalimurahan,
at binigyan pa niya nang catuiran
ang guinauang yaong catampalasanan.

  Gayon ma,i, ang ganti niyang iguinauad
sa sumirang puri na lubhang pan~gahas,
ay pinadalhan pa nang lalong marapat
na alay na doon sa cubo nagbuhat.

  Capag nagdaramdam ang sarili niya
niyong sa babayeng guinauang pagmura,
na di catuiran ay caracaraca,i,
nagpipiguil itong mananahing Santa.

  Minsan man ay hindi nasoc sa sarili
yaong pan~gun~gusap na paghihiganti,
at hindi ninasang bumigcas nang sabi
na laban sa gayong man~ga pagca-api.

  Di nagpapakita nang tandang anoman
nang tungcol sa man~ga gauang cagalitan,
na sa pagbabata,i, maguing caculan~gan
at siyang totoong pinaglalabanan.

  Tunay na sinupil niyang di sa palá
yaong sa catauang hilig na masama,
na laguing pinag-cacahirapang lubhá
yaong capurihang di ibig masira.




_Capitulo 6.°_


  At cahima,t, gayong caayos ang asal
tunay na caniyang di pinararaan,
ang man~ga pagdulog sa lahat nang araw
na nagcucumpisal at nakikinabang.

  Tanang camalian lalong maliliit
ó ang caculan~gan ay isinusulit,
marahil ang tauong hindi nag-iibig
nang ganoong gaua,i, magtatacang labis.

  Dahil sa malimit na man~ga pag-tangap
niyong man~ga Santo Sacramentong uagas,
gayon cung magsabi yaong man~ga tamad
sa gauang magaling, matamlay gumanap.

  Sa pagcucumpisal na laguing pag-dulog
sa confesonario na aua ang handog,
sa tauong may man~ga taimtim na loob
sa nin~gas nang nasang calugdan n~g Dios.

  Sa pagkita niyong man~ga caculan~gan
agád hinahanap ang caliuanagan,
na di napupuna nang ibang ang layaw
sa Mundo, ang laguing na sa gunam-gunam.

  N~guni,t, sa matibay ang sampalataya
ang confecio,i, taga pamatnugot nila,
siyang bumubuhay niyong calulua
nang macasalanan na patáy sa gracia.

  Capakinaban~gan nila sa madalas
na pag-cucumpisal gracia,i, nag-dagdág,
at tinatalicdan yaong gauang linsad
at ang calooban ay napapanatag.

  Sanhi sa pagtangap nang capatauaran
sa man~ga nagaua niyang casalanan,
at sa calulua,i, nag-ninin~gas naman
apóy nang pag-ibig na lalong dalisay.

  Cung sa ating pusò naman ay mag-alab
ang buhay na sampalataya at uagas,
pananalig saca pag-ibig na tapat
ang calulua at gracia,i, matatangap.

  At doon dudulog sa mahal na dulang
nang pagcain niyong mahal na tinapay,
nang man~ga Angeles, na di matimban~gan
yaong caáliua,t, pag-papahinapang.

  Sa paglacad nila na pasan ang Cruz
sa mahal na piguing niyong mananacop,
nagbibigay lacas at sigla nang loob
nang sa Mundo,i, bilang nilang pagtalicod.

  Cusang paghahandog sa Dios na Amá
nang pagca-totoong man~ga lingcod sila,
at sa canin~gasa,i, lubos ang pag-asa
sa dibdib, nang nasà sa tuituina.

  Na sa balang oras ay laguing tangapin
si Jesús, sa Hostiang doo,i, nahabilin,
at manaca-nacang iniuurong din
ang pag-cocomunio,t, ala-ala dahil.

  Ang di n~ga carapat-dapat magpatuloy
sa caniyang pusò, yaong Pan~ginoon,
na ang camahalan ay ualang caucol
nang calac-ha,t, ualang capantay na dunong.

  Sa pakikibacang capacumbabaan
at yaong malaki niyang cagutuman,
sa pagcain nang camahal-mahalang
Maná, ang totoong ikinahahambal.

  Cung minsa,i, totoong mahigpit na lubha
ang loob, at sanhi nang ilinuluha,
nang di cacaunti at lubhang sagana
n~guni at inaliw nang Poong dakila.

  Na huag matacot ó Anác cong hirang
at huag lumayo sa laang cong dulang,
sinomang tutun~go ditó,i, nag-tataglay
nang dakila,t, ucol bagáng calinisan.

  Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento
n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo,
ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano
sa ualang sakit ay anhin ang médico?

  Cundi sa talaga na may man~ga damdam
doon ang médico,i, kinacailan~gan,
sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay
ang totoong lunas ay masusunduan.

  Nang magpipighati,t, magtatamong galác
ang man~ga mahina ay magsisilacas,
at magsisitapang ang man~ga douag
maestro at Amá sa han~gad na Anác.

  Sa man~ga oveja,i, maauaing Pastor
masintahing Hari sa lahat nang campon,
at sa man~ga duc-ha,i, tan~ging Pan~ginoon
at bucal nang cagalin~gan di sang-gayon.

  Nang upang mangyari na tangapin niya
ang sinoman sa di mamagcanong gracia,
na ibinubobó ni Jesús na Amá
niyong cagalin~gan niyang ualang hanga.

  At sa calulua na masusunduan
yaong cagalin~gang sa caniya,i, laan,
ucol sa pag-gayac siya,i, hinatulan
niyong pagtangap sa mahal na catauan.

  Sa dakilang sala,i, di lamang malinis,
cundi sa lalo mang salang maliliit,
biling cailan~gan lamang ang pagligpit
sa isang maáyos na pananahimic.

  Lumayo sa lahat nang capopootan
nang matá nang Amáng macapangyarihan,
dapat na taglayin ang pang-hihinapang
nang sa lan~git bagáng man~ga cahatulan.

  Caya n~ga at nagdudumaling dumulóg
si Margarita, sa pagtangap cay Jesus,
at siya,i, hindi na lumayó pang lubos
at nag-gunamgunam nang sa puso,i, taos.

  Ang di pagcarapat at caralitaan
sa caniya, ay siyang nagpasulong bilang
doon sa pagtacbó nang batis na tunay
nang pagca-dakila at niyong calac-han.

  Sa paghahanda ay nagsisicap siya
nang icagagaling niyong calulua,
at isang mahusay na tahanan bagá
nang ualang capantay na Hari at Amá.

  Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios
na si Margarita nang hindi masayod,
na catamisan, at darakilang lugod
nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.

  Caylanma,i, sadyang loob na maganda,t,
nagbibigay nang biyayang mahalaga,
nakikipanayam sa cay Margarita
sa pananalan~gin niya sa tui na.

  Santang mananahing ito ay cung minsan
nag-hihinanakit niyong catamlayan,
nang loob, sa gauang capalamaraha,t,
masamang pag-ganti n~g macasalanan.

  Na hinuhulugan ang pusong parati,
n~g tanang caniyang m~ga penitente,
n~g isang manin~gas na nasang malaki,t,
calualhatian n~g Dios na casi.

  Sa di mabilang na pagcagaling-galing
n~g man~ga saliuang capalarang angkin,
parang tumatacbong bulag ang cahambing
sa capahamaca,t, ualang hangang lagim.

  Namamagitan n~ga ay si Margarita,t,
siyang humahandog na magtiis siya,
dahilan sa gauang catacsilan nila
ang hirap sa Mundo ay di alintana.

  Madalas sabihing aniya,i, Anác co
niyong Pan~ginoon nating Jesucristo,
aniya,i, di bagá napagmamasdan mo
ang lagay n~g lupang ito cung paano.

  Tingnan mo,t, ang gracia ay binabayaran
niya, n~g malaking catampalasanan,
ang m~ga pag-ibig, niyong catamlayan
man~ga pagsiphayo,t, caalipustaan.

  May man~ga asauang cusang humahandog
sa cahalayan n~gang cakilakilabot,
ang binata namang nagbibiling lubos
niyong calulua, sa camunting lugod.

  Ang hiyas na taglay niyang calinisan
n~g man~ga binata,t, n~g may asaua man,
napabibihag sa ualang casaysayang
pagmamarikit na laking casiraan.

  Na caugaliang batis niyong sama
niyong libolibong man~ga pagdaraya
at saca n~g m~ga casalanang paua
na sanhi n~g man~ga pagcapan~ganyaya.

  Cung may naliligtas ditong man~ga ilan
sa bahang mabilis n~g gayong casamán,
napaalipin sa caparan~galanan
sa hamac na pitang man~ga capurihan.

  At gayon din sa pag-dedevoción
at sa malimit man na pagtangap tuloy
niyong Sacramento ni Jesús na Poon
ay boong capacumbabaan ang ucol.

  ¿Paano ang lagay cayang inaasal
n~g ibang may hauac niyong catungculan,
na hucom, na nagbibili n~g catuiran
at inaapi ang ualang casalanan.

  O dahil sa suhol at pagsamong gaua
ó sanhi sa cayamanang di sapala,
n~g m~ga campon n~g sakim na adhica
na man~ga tauo n~gang hindi nahihiya.

  Na maghandog niyong inciensong bulaan
na puring cunua sa may catungculan,
gayon din ang man~ga naghahanap-buhay
na di ginagauang hustong catuiran.

  Saca yaong lahat nama,i, dinadaya
n~g upang macamtan ang anomang nasa
ang cabulaana,t, pagpapan~ganyaya
at man~ga paraang iba,t, ibang gaua.

  Ang di nahahabag na sinoman siya
sa man~ga bao co at man~ga ulila
na ualang mag-ampon at saca bagcus pa
na cusang ginahis nilang tinalaga.

  Tanang pag-aaring nan~gadayang lalo
sa canilang lalang na pagpapatubo
¿paanong ang lan~git caya,i, ibububo
ang gracia, sa man~ga tampalasang pusò?

  Na di pansin yaong man~ga casalanan
loob ay matigas cung sa cabandayan
yao,i, isang moog na nacahahadlang
n~g sa Dios bagáng man~ga caáuaán.

  Yaong man~ga yaman ó aring linupig
sa apong ulila pamangkin mang cahit,
maguing sa ibá ma,i, ibigay mong pilit
sa payapang landás nang di ca malihis.

  At huag mo sanang ilicmo sa nasa
na icaw sa hindi iyo,i, magpasasa,
cung malinlang mo man ang iyong capua
ang Dios ay hindi mo na madadaya.

  Masasarapang ca hangang guinugugol
yaong yamang hindi icáw ang nagtipon
subali,t, pagdating n~g tacdang panahon
icáw ang sa dalita naman ang tataghoy.

  Ang iguinagalang na pantas mong isip
na ang lalong lico ay pinatutuid,
darating ang araw na ipag-susulit
sa Hucom na di ca macapaglilic-lic.

  Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t,
ang huling darating ay di ala-ala,
ipinapalit mo sa munting ligaya
ang Lan~git na ualang catapusang saya.

  Cung gayon ang iyong acala icaw
sa iyong sarili ay madarayaan,
ang camatayan mo,i, mabuti na lamang
cung di magtumuli,t, hacbang ay dumalang.

  Sa cay Margarita,i, itong hinihiling
na iniluluhog nang boong dalan~gin,
nang macalilibo na liuanagan din
ang malabong isip, ito,i, siyang daing.

  ¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad
ikinahahambal niyang dili hamac,
yaong casalanang napag-tatalastas
na di pinapansin niyong man~ga sucab.

  Ang hindi sa palang man~ga catacsilan
ay iguinaganting pinagbabayaran,
sa catauan niya,t, pinahihirapan
parang siyang tunay na may casalanan.

  Sa guitna nang gayon napagpapasakit
sa sarili niya nang calupit-lupit,
na pagpaparusang cusang tinitiis
sa catauan niya nang calait-lait.

  Tanang capaitan sa caniyang loob
at lalong masaclap na dusta,t, pag-ayop,
ay dinadakilang sa pusò ay taos
sa cay Jesucristo ay pag-sintang lubos.

  Nagsasacdal siya sa icaaáliw
niyong Isang Reyna na ualang cahambing,
ualang bahid dun~gis at saca sa Angel
nating taga tanod ay idinadaing.

  Ipinamamanhic sa magpacalin~ga
na Vírgen María na Iná nang aua,
sa tanang Angeles sa lan~git na madla
ay isinasamo nang boong pagluha.

  Madaling pagdin~gig ay napagkilala
sa lahat nang man~ga carain~gan niya,
loob niya cung minsan ay binuhay pa
sa pag-papanayam at pagdalaw bagá.

  Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban
nang Dios, nang graciang camahal-mahalan,
bagong Magdalena ang siyang cabagay
nang cay Margaritang biyayang kinamtan.

  Sa pag-gaua niya nang man~ga himala
sa matining niyang pagpapacababá,
ayon sa caniyang matibay na nasa
na pagpapaualang halaga sa lupa.

  Cailan~gang gauin sa harap n~g lahat
na maguing paraang macahihicayat,
camay sa may sakit ay naguiguing lunas
na capagnahipo,i, gumagaling agád.

  Gayon ma,i, di siya pinaghihirapan
n~g nan~gagnanasa capagnadain~gan,
tungcol sa alin mang gauang caauaa,t,
di han~gad gantihin n~g anomang bagay.

  Bagcus dumadalo na caracaraca
sa may cailan~gan na sinoman siya,
sa capua tauo,t, cagalin~gan niya
at capayapaa,i, linilisan muna.




_Capitulo 7.°_


  Dalauampu,t, tatlong taón ding guinanap
ang pagsasanay sa pagpapacahirap,
at pananalan~gi,t, pag-ibig na uagas
ni Margarita, sa tumubos sa lahat.

  At iba,t, iba pang man~ga cabanalan,
na icararapat sa Poong lumalang,
sarisaring gauang cagandahang asal
na siyang totoong tunay na uliran.

  Upang ipahayag yaong nalalapit
n~g araw na dito sa Mundo,i, pag-alis,
at n~g salubun~gin n~g nan~gapipiit
sa purgario,t, mahan~go sa sakit.

  Dahil sa hirap at pag-pepenitencia
at pananalan~gin sa tuituina
at man~ga pagluhog sa Dios na Amá
bilang bayad doon sa canilang dusa:

  Sa pagmamasakit na hindi cauasa
sa iguiguinhauang tunay niyong madla
niyong m~ga caluluang pinagpala
sa icacacauas ay handog na paua.

  Nang natitira pang casalanang bahid
ay binabayaran niya n~g pasakit
n~g minsa,i, tatlong buhay na napatid
na idinadalan~gin sa Dios sa Lan~git.

  Yao,i, di nag-iuan n~g mabuting tanda
na sila ay napacagaling na cusa,
ay naguing dapat ding siya,i, pakingan n~ga
ni Jesús, at tuloy ipinaunaua.

  Na ang calulua n~g tatlong namatay
uala sa Infierno,t, nagtitiis lamang,
n~g ban~gis n~g madlang man~ga cahirapan
ayon sa mabuting man~ga cahatulan.

  At dahil sa Hucom na lubhang matuid
saca sa pagdalaw n~g man~ga Angeles,
halos ualang sucat icaásang labis
sa icagagaling na canilang nais.

  N~guni, sa pan~gahas na man~ga acala,
niyong man~ga tauo na nan~gabibigla
ay na sa Infierno ang canilang haca
na hinahatulan agad yaong capua.

  Sa bagay talos nang man~ga cahirapan
n~g nan~gapipiit sa calumbaylumbay,
na sinasapit nang na sa bilanguan
na dusa, sa gaua nilang casalanan.

  Maipahayag na sa caniyang matapos
n~g lubhang dakilang mahabaguing Dios
ay totoo niya na ikinalugod
ang gayong balitang caniyang natalos.

  At saca muli pang idinaing nito
ang man~ga capalamarahan nang tauo,
dahil sa casamán nilang di gaano
ang hampas sa bayan ay ibinubunto.

  Para bagá bilang na napipilitan
yaong pagbulusoc n~g casacunaan,
at ayaw umulat nang nan~gamamayan
ang matá, sa samang dapat na ilagan.

  Niyong masabi na sa cay Margarita
ang tantong mapalad na pagpanaw niya,
sa Mundo, ay tunay na nanghihina na
sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.

  Yaong natutupoc mandin ang cauan~gis
sa alab n~g apoy n~g laking pag-ibig
may maliuanag man siyang nalilirip
niyong cagalin~gan niyang ninanais.

  Hindi dahil dito ay pinabayaan
ang man~ga pag-gaua niyong cabanalan,
yaong paghahanda at naaalaman
ang catacot-tacot na huling pagpanaw.

  Tinangap na hindi sucat na masayod
nang cataimtiman sa caniyang loob,
ang biático n~gang casantusang lubos
nitong bunying Santang catoto n~g Dios.

  At sa loob niyong labing-pitong araw
ay ualang kinain na cahit anoman,
at ang ikinabubusog niya lamang
ay ang sa Lan~git na man~ga caaliuan.

  Na umaápaw sa caniyang calulua
sa pagca-talastas na nalalapit na,
yaong cauacasan niyong buhay niya,t,
tutun~go cay Jesús niyang sinisinta.

  At magpasaualang hanga,i, matatamo
sa labi ay ualang bigcas cundi ito,
man~ga pakiusap na di mamagcano
sa camahal-mahalan niyang Esposo.

  Yaong maicli n~gang man~ga panalan~gin
na madagabdab na apóy ang cahambing,
sa caniyang pusò ay di nagmamaliw
ni camunting oras ay di nagtitiguil.

  Araw na ica dalauang pu,t, dalaua
nang Febrero,t, taóng isang libo,t, saca
dalauang daa,t, siyam na pu,t, pito pa
ay sa Santo Cristo,i, nacayacap siya.

  Na nacadaiti ang labi sa mahal
na sugat n~ga bagang na sa taguiliran,
inihahabilin sa ualang capantay
na Dios, ang calulua niyang papanaw.

  Noo,i, apat na pu,t, ualong taón siya
dalauang pu,t, apat na nag-penitencia,
may nag-sasabi na ang Anác niya
ay naguing banal din na Religioso pa.

  Doon din sa Orden na cay S. Francisco
na huli sa Iná na namatáy ito,
n~guni,t, nang oras na pumanaw sa Mundo
ang buhay nang Santa,i, nakitang totoo.

  Nang isang dakila na lingcod nang Dios
na ang calulua,i, umakyat na lubos,
sa bayang lualhating ualang pagcatapos
madlang calulua ang nacalilibot.

  Sa pag-tatagumpay ay nan~gagsasaya
at sa purgatorio,i, nacalabas sila,
n~guni,t, yaong bangcáy nang mahal na Santa
ay gumandang lalo cay sa n~g buhay pa.

  Humahalimuyac ang labis na ban~go
na naca-aáliw sa nacasasamyo,
caloob nang Dios ang dan~gal na ito
sa bangcay nang nagpacahirap sa Mundo.

  Na sinagaua nang man~ga penitencia
nang pula,t, paglait dusta at pagmura,
cusang sinagasa,t, di inalintana
ang lahat na yao,t, niualang halaga.

  Bahagya na lamang pumasoc sa Ciudad
ang balita niyong camatayang uagas,
n~g malualhati na Santang mapalad
gayong di mabilang ang nan~gacamalas.

  Sarisaring tauo ang nan~gagsidalaw
pagbibigay galang sa mahal na bangcay,
niyong maralitang mananahi,t, bilang
pagpapahalaga na dakilang tunay.

  Niyong cabanala,t, sa di gagaano
na pagcacatipon n~g maraming tauo,
binabantayan n~ga ang cabaong nito
sa pagsisicsican n~g nagsisidalo.

  Upang mahadlan~gan yaong pan~gan~gahas
nang nagnanacaw nang mithing Relikias,
at saca canilang sinootang agad
ang bangcay nang damit na pula ang bicas.

  Ipinag-procesión sa man~ga lansan~gan
sa Ciudad, sa lalong hayag n~gang daan,
at ilinagac sa loob nang Simbahan
ni S. Basilio sa bagong libin~gan.

  Ang man~ga casamang nan~gag-libing dito,t,
lahat nang Clerigo,t, man~ga Religioso,
gayon din ang lahat nang man~ga guinoo
doon sa Cortona, at dakilang tauo.

  Macaraan naman ang may ilang taón
ay itinago sa Simbahan din yaón,
sa isang maran~gal na capilla ucol
sa mahal na Santa,t, saca n~g manoynoy.

  Niyong Santo Papang si León Décimo
ang man~ga himalang dakilang totoo,
na pamamag-itan sa maraming tauo
sa Dios, nang Santang lubhang masaclolo.

  Lalo pa n~ga niyong caniyang mamasdan
na di nabubuloc ang mahal na bangcay
magpahanga n~gayon cahit nacaraan
ang bilang nang taóng higuit pitong daan.

  Umayon sa galang na handog sa caniya,t,
tinulutan naman ang taga Cortona,
na ipinagdiuang ang caniyang fiesta
doon sa Ciudad nang puspos na saya.

  Cay Papa Urbano Octavong utos din
na ilaganap cay S. Franciscong Orden,
sinulat nang taong isang libo,t, anim
na raa,t, dalauang pu,t, apat ang turing.

  Na catunayan n~gang na sa casulatan
sa man~ga beato,i, ipinakibilang,
saca sa man~ga malualhating banal
itong mananahi na Santang maran~gal.

  Ang Santo Papa Benidicto Tercero
ipinag-utos na ipagdiuang dito,
n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo
sa kinabucasan nang pagpanaw nito.

  Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang
ang di nabubuloc na caniyang catauan
sa kinalalagyang mahal na Simbahan,
niyong man~ga Pareng Franciscanong tanan.

  Tauag nang Simbahan ay binago nila
na cay S. Basilio ang n~galan nang una,
n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bagáng
sa babayeng bunying Santa Margarita.

  Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay
nang babayeng hayag na macasalanan,
na iniuan yaong man~ga casamaan
at hinarap yaong man~ga cabanalan.

  Gaya nang palaguing caniyang uicain
na inuugali tuing dumaraing,
sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin
nang pagpapakitang loob na magaling.

  Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal
bakit ipinayag mo po caya naman,
sa isang gaya co na macasalanan
ang cahan~gahan~ga na cababalaghan.

  At iba pang bagay na calooban mo
naririn~gig naman ang sagot na ito,
niyong Pan~ginoong nating Jesucristo
cahalimbaua icaw nang lambat co.

  Na ipanghuhuli nang macasalanan
na nan~gahihilig sa man~ga casamán,
na lumilipana sa Mundong ibabaw
at nan~gag-uaualang bahala sa buhay.

  Huag cang manimdim at lubhang marami
ang macasalanan na nan~gag-sisisi,
nag-pepenitencia cung madilidili
ito,i, calooban cong biyayang malaki.

  Di dapat na ipag-caloob sa iyo
cundan~gan siya cong sinusunod dito,
yaong mataimtim na pag-sisisi mo
lahat namang ito ay naguing totoo.

  Na ibinibigcas sa bibig na mahal
ni Jesús na Poong sumacop sa tanan,
na nagcacaloob nang lahat nang bagay,
sa ating ovejang canyang kinapal.

  At ito n~gang lubhang marikit na lambat
na siyang sa atin ay humuling cagyat,
sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad
nang isang magandang pag-sisising uagas.

  Sa dakilang pag-babalic loob natin
nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin,
magtamong graciang ualang pagmamaliw
gaya nang caloob sa Santang butihin.

  Niyong Amáng Dios na ualang capantay
na lubos ang aua sa tanang kinapal,
at si Margarita ang ating tularan
tan~gisang ang ating sala,t, pag-sisihan.

  Ipagmaca-aua natin at iluhog
nang buong capacumbabaan cay Jesús,
sa pamamag-itan tayo ay sumunod
sa cay Margarita na magbalic loob.

  ¡Oh malualhating Santa Margarita
na sa penitenteng naguing huarang ca,
sa macasalana,i, ulirang talaga,t,
caáliuang lagui sa tuitui na.

  Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw
ipinagpighati mo pa,t, tinan~gisan,
ang lahat n~g iyong man~ga casalanan
na naguing dapat cang pinagpakitaan.

  Ni Jesús na Amá at ipinahayag
di mamacailan na ipinatauad
ang man~ga sala mong lubhang mabibigat
n~g boong, capacumbabaang di hamac.

  At sa madalas mong pag-pepenitencia,i,
laguing dinadalaw na inaaliw ca,
n~g Esposong lubhang maauaing Amá
sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya.

  Yaong matataas na lihim n~g Lan~git
at minarapat cang lambat na guinamit
humulili n~g calulua at naghatid
niyong pagsisisi at panunumbalic.

  Nangloob, na hilig sa pagcacasala
caya n~ga bunying malualhating Santa,
na tan~ging cay Jesús na iniibig ca,t,
calacasang lubos n~g man~ga sa sala.

  Tanang penitente icaw ang uliran
caya lumuluhod sa iyong paanan,
nagmamacaaua na ipamagitan
sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan.

  Nang makilala co,t, tan~gisang palagui
ang casalanang co,t, nan~gagauang saui,
at macatindig din sa pagcalugami
sa daya n~g Mundo at pagcacamali.

  Madin~gig co yaong iyong napakingan
n~g lubos na igauad ang capatauaran,
sa lahat n~g aking gauang catacsila,t,
aco,i, magcaroon n~g capayapaan.

  Ang nagpipighati na calulua co
ipagmacaamo n~gayong iluhog mo,
sa iyong caibig-ibig na Esposo,t,
sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.

  Paglampasan niyong totoong palaso
at boong pag-ibig niyaring aking puso,
at huag manaig ang anomang anyo
cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo.

  At yayamang n~gayon ay napapahamac
yaring cahinaa,i, upang magcapalad
na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad
magsisi,t, ang Lan~git n~g aming matuclas.

  Di cung magcagayon ay macaaasa
caming maliligtas sa bilis n~g dusa,
cung cami,i, matuto na man~gagsigaya
sa guinaua niyong Santa Margarita.




=BUHAY NANG MARTIRES=


  Ang lalong mabuti sanang uliranin
n~g m~ga dalaga ay ang limang Martir,
na minatamis pang buhay ay nakitil
main~gatan lamang yaong pagca Vírgen.

  Sasalaysaying co n~gayong isa isa
ang pinagdaanang man~ga buhay nila,
n~guni at ang aking sasaysaying una,i,
ang pag-mamartir ni Santa Dorotea.

  Bantog sa Ciudad yaong cagandahan
niyong Cesarea, at sa cabaitan,
cagandahang yaon ang naguing dahilan
n~g calunos-lunos niyang camatayan.

  Manang isang araw ay tinauag ito
nang Hucom na nagn~ganlang si Apricio,
at hinicayat siyang di mamagcano
na siya,i, sumamba sa man~ga Idolo.

  Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan
ang gauang pag-samba n~g man~ga binyagan,
doon n~ga sa isang tauong hamac lamang
na nag-caroon nang laking casalanan.

  Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz
na pinarusahan nang man~ga Judios,
cay Santa Dorotea n~gang isinagot
ay si Jesucristo ang totoong Dios.

  Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing
na dapat igalang natin at sambahin,
cung caya ang dusa ay dahil sa atin
nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin.

  Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca
tinauag si Crista,t, saca si Calista,
man~ga babayeng tumalicod sila
sa totoong Dios nang sampalataya.

  Na cay Doroteang capua capatid
at inihabiling himuking mapilit,
ang naturang Virgen at upang maákit
na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses.

  Datapua,t, tunay na nasayang lamang
yaong capagalan nang dalauang hunghang,
sa pagca at sila,i, siya pang naácay
sa pag-sisisi at pagbabagong buhay.

Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit
na Hucom ay pinahubaran nang damit,
si Santa Dorotea sa laking galit
at ipinag-utos nang labis at higpit.

  Na dictan ang caniyang boong catauan
niyong linapad na man~ga tanso,t, bacal,
na man~ga binaga,t, upang mahirapan
at cung matapos na ay saca pugutan.

  Yaong Martir namang si S. Teopilo
dating caáuay nang man~ga cristiano,
doon sa Hucoman ay palagui ito
sa dahilang siya,i, isang Abogado.

  Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan
cung may isusumbong na pagbibintan~gan,
na cahima,t, sinong man~ga bininyagan
at inaari niya na isang aliuan.

  Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya
sa Hucom, niyong si Santa Dorotea,
na di nauaualan cailan man bagá
nang man~ga sariuang bulac-lac at bunga.

  Sa halamanan nang caniyang Esposo
sa lualhating bayang Paraizo,
ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo
ay sa paglacad ay salubun~gin nito.

  Ang Vírgeng mapalad na si Dorotea
caya n~ga noong ilinalacad na,
sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya
sinalubong naman na caracaraca.

  Inaglahi na niyang lubos na tinuyá
at pinag-bilinan pa niya conoua,
na padalhan siya nang ibinalita
na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga sariua.

  Ang sabing birong uala sa loob niya
at pagpalibhasa lamang na talaga,
ang pagmamartir ni Santa Dorotea
na tinangap naman ay nang matapos na.

  Niyong oras din n~gang sinasaysay naman
ni Teopilo, sa ilang caibigan,
ang biling bulac-lac at bun~gang halaman
na ipinan~gacong siya,i, padadalhan.

  Ay nagtatauanan silang para-para
ualang ano ano,i, nacakita sila,
niyong isang batang lalaking maganda
sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca.

  Siya ay binigyan nang tatlong manzanas
na sa isang san~ga nabibiting lahat,
saca tatlo naman nang sariuang rosas
na cahan~ga-han~ga sa matáng mamalas.

  Tuloy na sinabi naman sa caniya
yaon n~ga ang bilin niyang ipadala,
sa minartir na si Santa Dorotea
at biglang nauala naman capagdaca.

  Nagtacá si Teopilong hindi hamac
yayamang caniyang napagtalastas
na sa man~ga araw na yao,i, di dapat
na mamun~ga yaong halamang manzanas.

  At ang man~ga rosa,i, di capanahunang
magsipamulac-lac ayon sa dahilan,
na noo,i, panahong laking calamigan
caya lubos siyang nagulumihanan.

  Pinagcalooban din siya nang Dios
nang bisa nang gracia na icatatalos,
na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop
sa salang minana nitong Sansinucob.

  Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo
na siya,i, totoong tunay na cristiano,
humarap sa Hucom at sinabi dito
hangang sa minartir siyang naguing Santo.

  Caya at siya rin nama,i, nacasama
nang Martir na si Santa Dorotea,
at kinamtan ang lualhating gloria
na bayan nang madlang tua at guinhaua.




=STA. CATALINA MARTIR=


  Si Santa Catalina Martir ay Anác
nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad,
sa Alejandría ay siya,i, namulat
sa man~ga Idolo nang pagsambang ganap.

  N~guni at pinaturuan naman siya
na magaling nang caniyang Amá,t, Iná,
madaling natuto niyong iba,t, ibang
man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa.

  Linoob nang Dios siyang liuanagan
nang gracia niyang camahal-mahalan
nakilala niya ang catotohanan
na si Jesucristo ay Dios na tunay.

  At ualang aral na matuid na puspos
cundi ang lahat nang man~ga sinusunod,
nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod
sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos.

  Nang macaraan nang man~ga ilang araw
sa pagtulog niya,i, napakita naman,
yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal
at Vírgen Maríang cabanal-banalan.

  Casama ang madlang maraming Angeles
na sinootan siya ang napanaguinip,
nang isang singsing at n~ginalanang tikis
na Esposa niyong Pan~ginoong ibig.

  At nakita niya nang siya,i, maguising
sa isang daliri ang nasabing singsing,
magmula na noo,i, nag-alab na tambing
sa caniyang pusong pag-ibig na angkin.

  Sa Dios, at di na sa bibig naualay
ang Jesús na n~galang catamistamisan,
at uala n~ga cundi si Jesús na lamang
sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan.

  Caniyang pinag-nanasa ang malabis
na makita niya ang Dios sa lan~git,
at yaon ang siyang ikinasasabic
na muntima,i, hindi maualay sa isip.

  Mana,i, nagpatauag nang panahong ito
ang Emperador na si Maximiano,
na balang binyagang cahiman at sino
talicdan ang Dios nang man~ga cristiano.

Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay
ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy,
sumunod sa utos niyong napakingan
si Catalina n~gang babayeng maran~gal.

  Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap
sa Emperador at ang ipinahayag,
ay binyagan siya na cusang tatangap
niyong camatayan sa Ley ay atas.

  Ang Emperador ay cusang natiguilan
pagca,t, tila manding naálang-alang,
ang malabis niyang man~ga calupitan
doon sa dalagang puspos carunun~gan.

  Bakit kilala nang ang babayeng ito
ay tunay na Anác nang mahal na tauo,
ang taglay na gulang ay lalabing-ualong
taón nang humarap cay Maximiano.

  Sa Emperador na inacala naman
na madaling yaon ay mauupatan,
at dahilan doon sa caniyang taglay
na cabataan pa,i, marupoc ang lagay.

  Ipinasundó n~ga ni Maximiano
lalong marurunong niyang filósofo,
niyong tanang man~ga Idolatrang tauo
siyang laang magsisihicayat ito.

  Sa cay Catalina na babayeng Virgen
na sa Idolo ay ibig pasambahin,
limang pu pagdaca doon ang dumating
pinacamarunong nan~gusap na tambing.

  Guinamit ang lahat nang man~ga paraan
sa cay Catalina upang mahiboan,
sa Demonio pa silang tinulun~gan
n~guni,t, sila,i, ualang nagauang anoman.

  At kinasihan nang Espíritu Santo
ang abang babaye cung caya natuto,
nang man~ga panagot caya n~ga,t, nagtamo
siya, sa calaban niyong pananalo.

  Nagpilitang nan~gagsikilala tuloy
yaong filósofong limangpung marunong
sa cay Jesucristo na Dios na Poon
at nan~gagsisamba silang mahinahon.

  Minagaling nilang man~ga catuiran
at ang mariríkit na man~ga pan~garal,
n~g caharap nilang dalagang timtiman
na hindi nan~gambang naghain n~g buhay.

  Sa malaking galit niyong Emperador
ay pinasungaban yaong marurunong,
na filósofos at iniutos tuloy
na silang lahat ay sunuguin sa apoy.

  Caya't silang lahat nama'y para-parang
sinac-lolonan nang mahal na gracia,
sa gayong pasakit ay namatay sila
alang-alang sa cay Jesucristo bagá.

  Si Catalina,i, ipinahampas naman
at di pinacaing labing isang araw,
at di pinainom n~ga sa bilanguan
hinihimutoc niya sa madlang paraan.

  Hindi naman pinahalagahang lubos
ang tanang pan~gaco na idinudulot,
sa caniyang lahat na pakitang loob
cahit camunti man ay di nalamuyot.

  Emperatriz tuloy ay pinapugutan
na asaua niyong mabunying General,
na si Porfirio dahil sa pagdalaw
sa cay Catalinang na sa bilanguan.

  At silang lahat ay nanampalataya
sa Dios, at tuloy nan~gagbinyagan pa,
saca iniutos niyong palamarang
gulun~gan n~g bató ang dakilang Santa.

  Na may nacapacong maraming patalim
sa boong paliguid caya't nanalan~gin,
sa Dios, si Santa Catalinang Virgen
sa hirap na yaon na dadalitain.

  Caya n~ga nasira,t, sumabog pagdaca
ang gulong, at madlang sumampalataya,
sa cay Jesucristo n~guni at lalo pang
tumigas ang loob sa pagpaparusa.

  Nang tacsil na Emperador Maximiano
agád iniutos na putlan n~g ulo,
itong Vírgeng Mártir at nanaw sa Mundo
yaong calulua,t, Lan~git ay tinamo.

  Catauan n~g Santa,i, sa Dios inibig
na buhatin naman n~g man~ga Angeles,
sa taluctoc niyong bundoc inihatid
n~g Sinay, at doon nalibing na tikis.




=SANTA POTAMIANA=


  Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa
na alilang tan~gi na si Potamiana,
puspos cahinhina,t, dalagang maganda
na nacalulugod sa titig n~g matá.

  Na di nahicayat camunti man lamang
niyong pan~ginoon sa pitang mahalay,
ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban
ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.

  Pagca,t, ang ginaua niyong pan~ginoóng
malibog, sa bagay na hindi pag-ayon,
ay dumulog n~ga siya sa Gobernador
sa Alejandría ay ipinagsumbong.

  Ang di miminsang caniyang pagcahiya
doon sa mahalay niyang ninanasa,
at sinabi yaong caniyang alila
at caibigan niya pagcapalibhasa.

  Yaong Gobernador at ang cahilin~gan
si Potamiana,i, dapat pahirapan,
na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral
ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan.

  At ayaw sumamba sa man~ga Idolos
na siyang dito,i, ating dinidios,
n~guni,t, ibinulong n~g may asal hayop
sa Gobernador na tampalasang loob.

  Na si Potamiana ay huag aanhin
cun hindi madali lamang paouiin,
sa caniyang bahay at papan~gacuin
na ang calooban niya,i, siyang sundin.

  Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan
ang pagsunod sa caniyang caibigan,
at si Potamiana ay pinagbaualan
na tunay na siya ay pasusungaban.

  At ilalagay sa cumuculong lan~gis
hangang ang hinin~gang tangan ay mapatid,
cun ang pagsamba niya ay di maáalis
sa cay Jesucristo cacamtan ay sakit.

  Cung sa calooban ay tatangui siya
niyong pan~ginoo,i, pilit magdurasa,
sa balang mahigpit ay di nabalisa
alilang mabait at di man nan~gamba.

  Pagdaca,i, nan~gusap siya nang ganito
labis na aniyang natatalastas co,
anoman ang hirap na iparusa mo
sa akin ay pilit matatapos ito.

  Na di malalao,t, ualang sala naman
at cung mauala na yaring aking buhay,
at manaw na dito sa lupang ibabaw
tunay naman acong pag-cacalooban.

  Sa Lan~git, nang macapangyarihang Dios
niyong lualhating ualang pagcatapos,
at payapang buhay na ligaya,i, lubos
ualang gutom uhaw dalita at pagod.

  Cung matacot aco,t, sumunod sa iyo
nanamnaming co n~ga sa buhay na ito,
ang sandaling layaw niyaring catauang co
sa cabulaanang hain nitong Mundo.

  Mauiuili aco,t, maguiguinhauahan
sa buhay na ito ang aking catauan,
at malaking hirap naman ang cacamtan
doon sa Infierno magpacailan man.

  Icaw sa sarili n~gayo,i, pag-isipin
cun ano ang iyong nararapat gauin,
yamang ang puso co ay di magmamaliw
na sa isang Dios lamang ihahain.

  Sa Gobernador na maunauang tunay
na ang pagod niya,i, masasayang lamang,
at di magagahis ang dalagang hirang
anoman ang gauin na man~ga paraan.

  Caya n~ga, noon din ay ipinatauag
ang man~ga verdugo at ipinag-atas,
ang balang parusa ay ganapin agád
doon sa dalagang loob na matigas.

  Hindi man nasindac sa parusang yaon
si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong,
doon sa lan~gis na cumuculong hatol
na itinatadhana niyong Gobernador.

  Ang cahalimbaua ay lumusong lamang
sa isang masarap niyang paliguan,
dinálitang lubos yaong camatayan
tikis na sumugbang di kinilabutan.

  Huag na masira lamang ang caniya
na matibay bagang pagsampalataya,
at dalisay na pagca Vírgen sadya
huag madun~gisan buhay ma,i, mapaca.

  Caya,t, ang hinin~gang tan~ga,i, n~g mapatid
ay kinamtang lubos ang tua sa Lan~git,
cahirapan niya ay ginanting bihis
n~g Amang lumalang nitong sandaigdig.




=SANTA AGUEDA MARTIR=


  Ang Virgen at Martir na Santa Agueda
doon sa Palermo ipinan~ganac siya.
Ciudad n~g cahariang Cecilia
yaong pagcatauo,i, doon nakilala.

  Namamahala n~ga n~g panahong ito,i,
casalucuyang Emperador Decio,
n~guni,t, si Agueda,i, magandang totoo
ay di nabubuyo sa layaw sa Mundo.

  Ang Amá at Ina,i, capua binyagan
at mahal na lahi ang pinangalingan
caya ang Anác ay pinaturuan
n~g Amá at Inang marunong magmahal.

  Niyong sarisaring carunun~gang angkin
bakit may talagang cabaitang kimkim
loob ay banayad at sadyang mahinhin
sa tanang dalaga ay isa nang ningning.

  Pagsapit sa ica dalauang pung taón
n~g caniyang búhay bagáng linalayon,
yaong cagandaha,t, loob na hinahon
maban~gong bulaclac ang siyang caucol.

  Caya n~ga,t, naacay sa gauang pagsinta
ang Gobernador doon sa Cecilia,
na si Quinciano ang pan~galan niya
at moli,t, moli n~gang sumasamo siya.

  Na tangapin yaong caniyang pag-ibig
n~guni,t, si Agueda,i, tumanguing malabis,
pagca,t, inialay ang pusò at dibdib
sa Dios na Hari nang lupa at lan~git.

  Ang pagca Vírgen niyang iniin~gatan
ay di dinun~gisan magpacaila man,
bakit si Quinciano,i, hindi binyagan
at di sumasamba sa Dios na tunay.

  Sa hindi pag-ayon sa iuing pag-ibig
niyong si Aguedang may pusong malinis,
si Quinciano n~ga,i, nagtaglay nang galit
maálab na lubhang apóy ang caparis.

  Inacala niyong Gobernador naman
butihing dalaga ay pag-higantihan,
nang dusang malabis at cadahilanan
ay yaong nasapit niyang cahihiyan.

  At agád-agád n~gang ipinatauag na
doon sa hucuman yaong si Agueda,
at pinagsabihang huag na sumamba
sa cay Jesucristo at sumpain niya.

  Dagling kilalanin at sambahin nito
ang man~ga Dioses na pauang idolo,
na sinasamba nang hindi cristiano,t,
iguinagalang doon sa Imperio.

  Nang sa cay Aguedang madin~gig ang utos
ay sa Gobernador pagdaca,i, sumagot,
ang loob mong iya,i, di co masusunod
pagca,t, aco,i, ualang ibang Dinidios.

  Cundi yaong tunay na si Jesucristo
sa akin ay siyang may aring totoo,
iyaring boong puso at calulua co
alay sa caniya caratnan ma,i, ano.

  Tunay acong hindi macahihiualay
sa caniya, anomang aking caratnan,
ay tumutol naman yaong tampalasang
Gobernador bagáng sadyang calupitan.

  At pinagbalaan yaong si Agueda
na palalapatan nang labis na dusa,
caya n~ga mapilit na sumunod siya
sa iniuutos na man~ga pag-samba.

  Sumagot na di man nagulumihanan
at ipinahayag nang Virgeng matapang,
na cahima,t, siya,i, alisan nang buhay
ang utos na yao,i, di magagampanan.

  Lubos ang caniyang pagsampalataya
sa cay Jesucristo, at pag-ibig niya,
matuluyang kitlin ang tan~gang hinin~ga
yaon ang Dios niyang kinikilala.

  Ipinatauag na niyong asal hayop
na si Quinciano, ang man~ga verdugos,
ni Santa Agueda ay ipinag-utos
na pagtatampaling lacas ay iubos.

  Cung matapos nama,i, canilang cayurin
niyong man~ga cucong hayap na patalim
ang boong catauan nama,i, sayaran din
nang lapád na tansó at bacal na tambing.

  Na pinapagbaga,t, saca pinaputlan
nang dalauang suso niyong tampalan,
ang tanang caharap ay kinilabutan
sapagca,t, lumabis yaong calupitan.

  Doon sa Vírgen ni Quinciano bagá
caya,t, ang lahat nang doo,i, nacakita,
sa gayong pahirap cay Santa Agueda
muc-ha,i, di nagbago,t, lalo pang sumaya.

  Ipinaculong na yaong bunying Martir
sa bilanguan n~ga na lalong madilim
at di malalao,t, pilit makikitil
ang buhay sa gayong hirap na inatim.

  Anopa at cusang lumiuanag naman
ang sadyang madilim bagang bilanguan,
at dumating doo,t, napakitang tunay
ang malualhating Apostol na hirang.

  Na si San Pedro,t, namasdan n~g lahat
na biglang gumaling ang lahat n~g sugat,
n~g cay Santa Aguedang catauang hayag
na tila uala ring dinamdam na hirap.

  Si Quinciano n~ga,i, bagcus pang nagalit
sa bagay na yaong caniyang nabatid,
at ipinag-utos n~g lalong mahigpit
caladcaring hubad na bigyang pasakit.

  Doon sa lupa n~gang sadyang sinabugan
n~g maraming bága,t, man~ga bubog naman,
ang utos na yao,i, agád ginampanan
n~g man~ga verdugos na pauang sucaban.

  N~guni at natacot yaong palamara
at lihim na ipinadala ang Santa,
doon sa bilangua,t, dahilan bagáng
malacas na lindol ang nacabalisa.

  Sa boong Ciudad at nan~gaglagpacan
yaong man~ga bató na ikinamatay,
ni Silvino saca ni Palcomio man
caibigan niya,t, casama sa bahay.

  Martir ay bahagya lamang humihin~ga
sa catacot-tacot na pagcaparusa,
n~g sa bilanguan ay naroroon na
nanalan~gin na n~ga ang mahal na Sánta.

  Pan~ginoong co aniyang Jesucristo
yayamang aco po ay iniibig mo,
at di itinulot na yaring loob co,i,
mauili sa man~ga paraya n~g Mundo.

  Ay marapatin po na tangapin mo na
n~gayon yaring aking abang calulua,
at mamatay naua aco sa pagsinta
sa iyo Dios co,t, macandiling Amá.

  Dinin~gig n~g Dios ang gayong dalan~gin
caya n~ga,t, ang tan~gang hinin~ga,i, nakitil
ni Santa Agueda,t, kinamtan noon din
yaong lualhating ualang hangang aliw.

  Anopa,t, natapos ang lahat n~g hirap
nahaliling tua nama,i, ualang capas,
yaong Virgeng Martir na lubhang mapalad
n~gayo,i, na sa lan~git na puspos ang galac.




=SANTA TEODORA MARTIR=


  Niyong Emperador si Deocleciano
nag-utos sumamba sa man~ga Idolo,
ang man~ga binyagan na cahima,t, sino
ang balang sumuay papanaw sa Mundo.

  Caya n~ga,t, ang isang butihing dalagang
Anác tauong mahal sa Alejandría,
siya,i, nagn~gan~galang si Teodora
na sa Idolos ay aayaw sumamba.

  Dahilan sa gayong guinauang pagtangui
ay ipinaculong ang abang babaye,
doon sa bahay n~g man~ga ualang puri
na sa cahalaya,i, pauang nauiuili.

  N~guni,t, inin~gatan din naman n~g Dios
at isang soldado ang doo,i, pumasoc,
n~gala,i, si Didimo na binyagang lubos
ang siyang sa silid niya ay naglagos.

  Sa Santa at Martir cung caya tumun~go
siyang cailan~ga,t, ang uica,i, ganito,
huag cang matacot sa pagparito co
at aco,i, cristiano ring caparis mo.

  Caya sa silid mo kita ay linacbay
ang calinisan mo,i, nang di madun~gisan,
pagpasoc cong ito,i, ualang ibang pacay
cundi sa nais co na mapag-in~gatan.

  Iyang iyong puri caya tangapin mo
at siyang isuot ang damit na ito,
na cagayacan co sa pagcasundalo
at lumabas ca na,t, magtagong totoo.

  At aco ang siyang dito,i, matitira
na mahahalili,t, upang maligtas ca,
sa capahamaca,t, sa payong maganda
ay agad pumayag din si Teodora.

  Dagling isinuot na n~ga yaong damit
na pagca-soldadong cay Didimong gamit,
ang Santa,i, lumabas sa naturang silid
na cahima,t, sino,i, ualang nacamasid.

  Nang sa Emperador na mapag-alaman
yaong pagcauala sa culun~gang bahay,
nang man~ga babayeng búhay na mahalay
ni Santa Teodorang loob na timtiman.

  Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo
caya nacalabas na hindi naino,
siyang hinatulan na putlan nang ulo
yaong nagpahiram nang damit soldado.

  Mapagtalastas naman ni Teodora
na si Didimo ang kikitlang hinin~ga,
ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca
hangang sa dumating sa lupang talaga.

  Na doon ang laang puputlan nang ulo
yaong humaliling bayaning sundalo,
aniya,i, ang dapat patayin ay aco
alang-alang naua sa cay Jesucristo.

  Yaong si Didimo ay sumagot naman
uica,i, di matuid ang hiling mong iyan,
sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan
aco n~ga ang siyang dapat na mamatay.

  At yayamang iyong ipinagcaloob
sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos,
n~guni,t, tumutol sa gayong palasahot
si Santa Teodora at ang isinagot.

  Ipinayag co n~gang aco,i, halinhan mo
nang upang maligtas lamang ang puri co,
sa capan~ganibang daya nitong Mundo
doon sa bigay mo na damit soldado.

  Hindi co ipinagcaloob sa bagay
na hahaliuhan mong icaw ang mamatay,
na magcamit niyong calualhatian
niyong pagca-martir na sa aki,i, laan.

  At hindi co han~gad mabuhay sa Mundo
Hucom na malupit n~g madin~gig ito,
pinaputlan yaong dalaua nang ulo
ang hirang na man~ga alagád ni Cristo.

  Siyang pagcatapos nang búhay na hiram
nang dalauang Martir sa lupang ibabaw,
at doon sa gloria,i, guinanti naman
nang di matatapos na caligayahan.




_Apat na pung sundalong Martir_


  Man~ga Mártires n~ga na pinan~gan~ganlang
de Sabaste yaong soldadong binyagan,
apat na pung husto yaong cabilan~gan
na hindi miminsan na pinahirapan.

  Sa pagca-bilango nang isang malupit
na Gobernador n~gang di nagdalang hapis,
n~gala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit
sa banal na man~ga sundalong mabait.

  Doon sa Sabaste nangyari nang una
Ciudad nang cahariang Armenia,
ang man~ga soldado,i, nang pahubaran na
niyong tampalasa,t, ipinag-utos pa.

  Na magdamag niya na ipinababad
sa paliguan n~gang laang pangpahirap,
na punó nang tubig lamig ay di hamac
na pinahamuga,t, namumuong cagyat.

  Dahil sa taglamig noon ang panahon
caguinaua,i, halos ualang macaucol,
ang di macatagal utos ay umaho,t,
sa malahinin~gang tubig pumaroon.

  Yao,i, siyang tandang tumatalicod na
sa Dios na dati nilang sinasamba,
ito ang tadhana sa sino mang siya
na man~ga soldadong binigyang parusa.

  Niyong hating gabing sadyang calaliman
na yaong hinin~ga,i, papanaw na lamang,
nang man~ga bayaning Mártires na tunay
at para-para nang nagsisipan~gatal.

  Sa malaking guinaw, n~guni at namalas
na sa paligua,i, biglang lumiuanag,
nakita nang isang bantay na caharap
na hindi binyagan ang hiuagang ganap.

  Na ang maligayang doo,i, pagpanaog
nang mapag-candili na Poong si Jesús,
na galing sa lan~git at humintong lubos
sa tapat nang Martir na man~ga soldados.

  At ipinag-utos sa casamang tanan
na man~ga Angeles na pauang putun~gan
nang isang corona balang isa naman
nang man~ga Mártires na man~ga mamatay.

  Tan~gi yaong isang loob na mahina
na sa parusahan ay umahong cusa
at di na mahintay ang coronang handá
na sa gayong dusa ay ganting biyaya.

  Pusò ay nagtaca,t, nagulumihanan
at nagbalic loob sa Dios na tunay,
yaong di binyagang doo,i, nagbabantay
dahil sa himala niyang napagmasdan.

  Ginaua pagdaca ay siya,i, naghubad
at taos sa loob na ipinan~gusap,
na cristiano siya sa tanang caharap
at sa paliguan ay lumusong agád.

  Di lubhang nalaon naman ay namatay
caya maligayang caniyang kinamtan,
ang sa pagca martir na coronang hirang
sa sandaling hirap tua,i, ualang han~gan.

  Ang mahinang loob na di nacabata
n~g sandaling hirap alang-alang bagá,
sa cay Jesucristo at humanap siya
n~g guinhauang tubig na malahinin~ga.

  Nang macaraan na yaong ilang araw
siya nama,i, cusang nakitlan n~g buhay,
ay napacasama,t, dusang ualang hangan
doon sa Infierno ang kinahinatnan.

  Capagca-umaga ay ipinag-utos
ni Agriculáo n~ga sa man~ga verdugos,
na ang man~ga Martir na man~ga soldados
na sa paliguan hirap ay malubos.

  Na pauang balian namang para-para
niyong man~ga hita at tipunin sila,
sa siga,i, sunuguing lahat capagdaca
ito sa verdugos ang babala niya.

  Ang pinacabata,i, canilang bayaan
sa man~ga Mártires na pinarusahan,
na si Meliton n~ga ang siyang pan~galan
sapagca,t, canilang nakita pang buhay.

  N~gunit siya nama,i, tantong mahina na
at hindi na halos na macagalaw pa,
at namamanhid ang boong catauan niya
at papanaw na n~ga ang tan~gang hinin~ga.

  Iná,i, nabalisa niyong si Meliton
nang nasang manin~gas sa bagay na yaon,
na malubos ang pagca-martir niyong
Anác at masamang sunuguin sa apóy.

  Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan
at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan,
na sa Mártires n~ga na kinalalagyan
na dadalhin doon sa pag-susunugan.

  Ipamamanhic niyang talaga doon
sa pinag-atasan niyong Gobernador,
na ipakihapis nila si Meliton
sa sigâ,t, masamang mamatay sa apóy.

  At ualang guinaua siya habang daan
cundi ang Anác niya ay pinan~garalan,
bunso co,i, tiisin yaong cainitan
n~g apóy, na parang pagtitiis naman.

  Nang guináw sa paliguan n~gang malamig
naghin~galo nama,t, buhay ay napatid,
niyong si Melitong matimtimang bait
sa lacad na yaon n~g man~ga Mártires.

  Mabait na Iná ay tantong nalugod
at yaong pag-asa ay puspos na puspos
at ang Anác niya ay kinamtan na lubos
yaong lualhating caloob n~g Dios.

  At na sa Lan~git nang caluluang hirang
caya agad-agad niyang ilinagay
sa talagang carro ang sa batang bangcay
n~g man~ga Santos Mártires na banal.

  Sumunod ding gaya nang dati ang Iná
hangang di napugnaw sa sigang nakita,
ito n~ga ang dinarasal cung fiesta
na man~ga Mártires de Sabaste bagá.

  Bilang ica sampu niyong Marzong buan
guinagaua yaong man~ga capurihan,
nang apat na pung Mártires na tunay
na man~ga, soldadong pauang man~ga banal.

  ¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog
na pag-tibayin ang ating man~ga loob,
nang sampalataya sa totoong Dios
at sa Iglesiang taglay nang sumacop.

  Huag nang isipin na man~gagbago pa
sa Iglesiang dati nang sampalataya,
at yamang ang dati atin nang kilala
ang hindi mabilang na Santo at Santa.

  Ang man~ga Mártires ay gayon din naman
na nagsipaghain nang canilang buhay,
sa catacot-tacot nilang camatayan
sa cay Jesucristong Dios alang-alang.

  Cahimanauari tayo ay matulad
sa man~ga Mártires na Santos at Santas,
at sa ating puso naua ay malimbag
ang aral ni Cristo sa atin at atas.

  Hanapin ang lalong mabuting paraan
na icasusupil sa ating catauan,
huag manatili sumagap n~g layaw
n~g Mundong sa huli pauang cahirapan.

  Caya tayo,i, dapat maglingcod tuina
sa Dios na Poo,t, sa Virgen María,
upang tayo nama,i, macasama nila
doon sa payapa,t, ualang hangang saya.


=CATAPUSAN=








End of the Project Gutenberg EBook of Cahangahangang Buhay ni Santa
Margarita de Cortona, by Cleto R. Ignacio

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CAHANGAHANGANG BUHAY NI ***

***** This file should be named 18536-8.txt or 18536-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        http://www.gutenberg.org/1/8/5/3/18536/

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net.
Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa
pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
(http://www.gutenberg.ph)


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
http://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at http://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
http://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
[email protected].  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at http://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     [email protected]

Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit http://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: http://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.

Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.

Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     http://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.

*** END: FULL LICENSE ***